You are on page 1of 20

12

Filipino sa Piling
Larang (Tech-Voc)

Unang Markahan
Ikapitong Linggo
Modyul 7
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Unang Markahan – Modyul 7:
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Blair Brian A. Torres
Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagagawa ng Template:
Tagapamahala:

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Name of SDO Developer

Office Address: ___________________________


Telefax: ___________________________
E-mail Address: ___________________________
12

Filipino sa Piling
Larang(Tech-Voc)
Unang Markahan
Ikapitong Linggo
Modyul 7
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang
gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin
Sa strand na iyong pinag-aaralan, higit mong
kakailanganin ang kasanayan tungkol dito. Kaya naman, ito
ang aasahan mo.

Pagkatapos sa modyul na ito ang mag-aaral ay inaasahang:


Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang
halimbawa ng sulating teknikal- bokasyunal.
(Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika_..this is your assigned
competency)

Subukin Natin
This section serves as pretest to check what the learners already
know about the lesson to take. Try to make it interactive.

Panuto: Tukuyin ang mga hakbang sa liham pangnegosyo sa bawat bilang.


Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Sa yugtong ito ng pagsulat ng liham pangnegosyo nagaganap


ang pagtatala ng mahahalagang impormasyon.
A. Pagbabalangkas
B. Pagdedesisyon sa uri ng liham
C. Paggamit ng angkop na pormat
D. Paggamit ng angkop na bokabularyo
2. Sa yugtong ito ng pagsulat ng liham pangnenegosyo
pagpapasyahan ng susulat ng liham ang uri ng liham na kanyang
isusulat.
A. Pagbabalangkas
B. Pagdedesisyon sa uri ng liham
C. Paggamit ng angkop na pormat
D. Paggamit ng angkop na bokabularyo
3. Sa yugtong ito ng pagsulat ng liham pangnenegosyo siya ay
gagamit ng estilo sa pagsulat.
A. Pagbabalangkas
B. paggamit ng angkop na pormat
C. pagdedesisyon sa uri ng liham
D. paggamit ng angkop na bokabularyo
4. Sa yugtong ito ng pagsulat ng liham pangnenegosyo pinag-
iisipan kung anong antas ng wika ang gagamitin sa pagsusulat.
A. Pagbabalangkas
B. pagdedesisyon sa uri ng liham
C. paggamit ng angkop na pormat
D. paggamit ng angkop na bokabularyo

3
5. Sa yugtong ito ng pagsulat ng liham pangnenegosyo itinatama
ang mga baybay ng salita at gramatikang nakapaloob sa liham.
A. pagdedesisyon sa uri ng liham
B. paggamit ng angkop na pormat
C. Pagwawasto ng ispeling at gramatika
D. Paggamit ng angkop na bokabularyo

Balik-tanaw
Sa nakalipas na aralin ay tiyak na naunawaan mo ang ilang
mahahalagang impormasyon tungkol sa liham pangnegosyo.
Kaugnay nito, magbigay ng mga kaugnay na konsepto sa salitang Liham
Pangnegosyo sa loob ng graphic organizer. Pagkatapos, gamitin sa
makabuluhang pangungusap ang bawat isa.

Liham
Pangnegosy

Aralin Natin
Sa nakaraang modyul ay natutuhan mo ang kahulugan, uri at
bahagi ng liham pangnegosyo. Nabatid mo na ang liham
pangnegosyo o liham pangangalakal ay hindi maligoy sapagkat maaaring
mag-apply, magtanong, humiling o mag-order ng isang produkto,
subskripsyon ng magasin, pagpapasalamat at karaingan (Jocson 2012). Kaya
naman mahalagang mabatid ang pormat at mga hakbang kung paano ito
isusulat. Ang iyong kasanayan na maisa-isa ang mga hakbang sa tiyak na
anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin tulad ng liham pangnegosyo ay
lubos na makatutulong sa mga gawain mo sa hinaharap.

4
A. Mga Pormat ng Liham na Pangnegosyo

Maaaring gamitin ang alinman sa mga pormat ng liham


pangnegosyo sa ibaba bilang gabay sa pagsulat.
1. Estilong block – Nakasentro sa itaas
ang pangalan ng kompanya
(letterhead). Makikita sa pormat na
ito na ang petsa, pamitagang
pangwakas at lagda ay nasa kanang
bahagi. Mapapansin na hindi
nakapasok ang pangungusap ng
bawat talata habang ang bating
pambungad at patunguhan ay nasa
kaliwang bahagi.

2. Estilong Full blocked – Lahat ng bahagi ng liham ay nasa kaliwang


bahagi. Nakasentro sa itaas ang pangalan ng kompanya
(letterhead).

3. Estilong Semi-block - Makikita sa


pormat na ito na ang petsa,
pamitagang pangwakas at lagda
ay nasa kanang bahagi.
Mapapansin na ang unang
pangungusap ng bawat talata ay
nakapasok habang ang bating
pambungad at patunguhan ay
nasa kaliwang bahagi.

5
B. Hakbang sa Pagsulat ng Liham Pangnegosyo
Sa pagsulat ng anomang uri ng liham na pangnegosyo
mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:

1. Magdesisyon sa uri ng liham na dapat isulat . Sa nakalipas na aralin


ay tinalakay ang iba’t ibang uri ng liham na pangnegosyo. Maging
tiyak sa uri ng isusulat na liham. Ikaw ba ay mag-aaply ng
trabaho? Magtatanong? May paglilinaw? Alamin ang layunin ng
iyong pagsulat. Nakadepende sa intensyon ng magsusulat ang
lalamanin ng kanyang liham.

2. Bumuo ng maikling balangkas. Matapos magdesisyon sa uri ng


liham na iyong isusulat maaari ka nang bumuo ng isang
balangkas. Kung hindi mo ito gagawin ito ay pag-aaksaya lamang
ng panahon dahil bahagi ito ng iyong pagpaplano sa liham na iyong
bubuuin. Magtala ng mga mahahalagang impormasyon na
makatutulong sa pagbuo sa iyong isusulat na liham. Isulat ang
mga mahahalagang ideya. Ito ay maaaring susing salita o mga
pangungusap.

3. Gumamit ng angkop na pormat. Mahalagang nakasusunod sa


tamang pagkakasununod-sunod ng mga bahagi at pormat kapag
susulat ng liham pangnegosyo. Halimbawa maaaring mauna ang
petsa kung kailan isinulat ang liham; sunod ang pamuhatan;
patunguhan; bating panimula; katawan; pamitagang pangwakas;
at lagda.

4. Gumamit ng angkop na bokabularyo sa uri ng liham na iyong


isusulat. Nakadepende sa uri ng liham kung anong angkop na
bokabolaryo ang gagamitin. Ilan sa iminimungkahi ang mga
sumusunod:

Liham na Nag-aaplay
 Ako ay sumulat upang mag-aplay sa posisyong …
 Ako ay nagpapahayag ng interes para sa posisyong …
 Ako ay sumulat bilang tugon sa inyong adbertisment …
 Nakikita ninyo sa aking resume…
 Ang maiaambag ko sa kompanya ay …

Liham na Nagtatanong
 Ako ay sumulat upang magtanong hinggil sa …

6
 Ikalulugod ko ang pagsagot sa aking katanungan hinggil
sa…
 Maaari bang mabatid ang …

7
Liham na Nagrereklamo
 Ako ay sumulat upang magreklamo hinggil sa…
 Ako ay sumulat upang tawagin ang inyong atensyon
hinggil sa …
 Ako ay sumulat upang ihayag ang aking pagkadismaya
hinggil sa …

5. Iwasto ang pagbaybay ng mga salita at gramatika. Dahil ang liham


ay maikli tiyaking wasto ang baybay o ispeling ng mga salita.
Kaakibatt ng mga wastong baybay ang paggamit din ng wastong
gramatika. Halimbawa sa paggamit ng nang at ng; may at mayroon;
rin at din at iba pang madalas na pagkakamali sa wastong gamit
ng mga salita.
6. Iwasto ang paggamit ng mga bantas. Isa rin sa nagiging hamon sa
pagsulat ng liham pangnegosyo ang paggamit ng mga bantas.
Madalas nakatuon lamang wastong gamit ng mga salita at
gramatika, nakaliligtaang iwasto ang mga bantas sa loob ng liham.
Laging bibigyan ng panahon na i-proofread ang isinulat na liham.

Gawin Natin
Ngayong mas lumalim pa ang iyong kaalaman hinggil sa liham
pangnegosyo, subukin nating magsuri ng isang halimbawa ng isang liham
pangnegosyo.

Panuto: Basahin ang isang liham pangnegosyo sa ibaba. Suriin ito gamit ang
Tseklist sa Pagsusuri sa ilalim. Itala ang sagot sa iyong kuwaderno.

Kalakip ng liham na ito ang aking resumė para sa ilang detalye tungkol sa akin. Handa po akong
paunlakan ang inyong panayam sa oras na ako po ay inyong ipatawag.

Lubos na gumagalang,

Juan A. Dela Cruz

Tseklist sa Pagsusuri

Uri ng Liham

8
Pagbalangkas sa Hakbang
(Punahin isa-isa ang Hakbang
na Pinagdaanan Bago Naisulat
ang Liham)

Bokabularyo

Pormat

Baybay at gramatika

Gamit ng bantas

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
PAMANTAYAN PUNTOS
Makabuluhan at tiyak ang paliwanag sa pagsusuri batay sa mga 10
aytem ng Tseklist.

Nasunod ang hakbang sa pagsulat ng liham 10

Mahusay ang gamit ng wika, balarila at bantas 10

KABUUAN 30

Gawin Natin 2
Naisagawa mo ba nang maayos ang
Gawain 1? Binabati kita!
Ngayon naman, tingnan natin kung mailalapat mo ang inisa-isang
hakbang sa pagsasagawa ng teknikal-bokasyunal na sulating Liham
Pangnegosyo.
9
Panuto: Humanap ka ng kapareha sa iyong mga kamag-aral sa
pamamagitan ng chat. Isagawa ninyo ang sumusunod na mga
Instruksiyon:
1. Pag-usapang muli ang mahahaglagang konseptong dapat tandaan
sa mga hakbang sa pagsulat ng Liham Pangnegosyo.
2. Pagkatapos, humanap mula sa pahayagan ng trabahong maaari
ninyong aplayan.
3. Gamit ang natutuhan sa aralin, at ang kalakip na pamantayan sa
sulatin, bumuo ng sariling liham na nag-aaplay ng trabaho. (Isulat
sa isang buong papel ang mga gawain.)
4. Magbahagihan at bigyang puna ang nabuong sulatin, maaaring sa
tulong ng messenger chat kung hindi makapag-uusap nang
personal.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

PAMANTAYAN PUNTOS
Kompletong naisagawa lahat ng Instruksiyon 10
ipinagagawa ng Tagapagdaloy.
Nasunod ang mga hakbang/pormat sa pagsulat ng 10
Liham Nag-aaplay ng Trabaho.
Mahusay na nasunod ang tuntuning pambalarila at 10

10
Mekanismo/Nakagamit nang angkop na bokabularyo
ayon sa uri ng sulatin.
KABUUAN 30

11
Tandaan Natin
Mahalagang isaalang-alang ang mga hakbang sa pagsulat ng
isang liham pangnegosyo. Ito ang iyong magiging gabay upang
maipahatid sa kinauukulan o kaninoman ang anumang mensahe na nais
nilang mabatid. Ang hindi pagsunod sa mga hakbang na ito ay kawalan
ng saysay sa anomang uri ng liham na isusulat.

Suriin Natin
Sa tulong ng A-N-N chart lagumin ang aralin. Sa unang hanay
magtala ng mga dati mo ng alam hinggil sa hakbang sa pagsulat
ng liham na pangnegosyo. Sa ikalawang hanay ay ang mga natuklasan
mo habang tinatalakay ang mga hakbang sa pagsulat ng liham at sa
huling hanay ay ang natutuhan mo sa hakbang sa pagsulat ng liham
pangnegosyo.

ALAM na sa aralin NATUKLASAN kaugnay NATUTUHAN kaugnay ng


ng aralin aralin

Payabungin Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga
sitwasyon.
Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot sa
bawat tanong.

1. Si Aldrin ay gumamit ng pahayag na, “Nais ko pong mag-


apply bilang…” sa kanyang liham na nag-aaplay ng
trabaho. Ito ay
.
A. Pagbabalangkas
B. pagdedesisyon sa uri ng liham
C. paggamit ng angkop na pormat
D. paggamit ng angkop na bokabolaryo

2. Si Justine ay gumamit ng estilong block sa pagsulat ng


kanyang liham na nagtatanong. Ito ay .

1
A. Pagbabalangkas
B. pagdedesisyon sa uri ng liham
C. paggamit ng angkop na pormat
D. paggamit ng angkop na bokabolaryo

3. Napagpasyahan ni Romy na gamitin ang liham na


nagtatanong upang makipag-usap sa kanyang amo upang
linawin ang isang bagay. Ito ay ?
A. Pagbabalangkas
B. pagdedesisyon sa uri ng liham
C. paggamit ng angkop na pormat
D. paggamit ng angkop na bokabularyo

4. Muling binasa ni Ren ang kanyang liham na nag-aaplay bago


niya ito ipadala sa kompanyang nais niyang pasukan. Doon
napagtanto niya na mali ang gamit niya ng mga tutuldok at
kuwit sa ilang bahagi ng katawan ng kanyang liham. Ito ay
.
A. Pagwawasto ng bantas
B. pagdedesisyon sa uri ng liham
C. paggamit ng angkop na pormat
D. paggamit ng angkop na bokabularyo

5. Nagtala muna ng mahahalagang impormasyon si Edward bago


niya buuin ang kanyang liham na nagrereklamo. Ginawa niya
ito sa pamamagitan ng pagtatala ng mga susing salita at mga
pangungusap. Ito ay ?
A. pagbabalangkas
B. paggamit ng angkop na pormat
C. pagwawasto ng ispeling at gramatika
D.paggamit ng angkop na bokabolaryo

Pagnilayan Natin

Kaugnay nang mga nabatid na impormasyon sa tinalakay na


aralin, sagutin ang katanungan sa ibaba.

Bakit mahalagang maisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga


binasang halimbawang sulating
teknikal- bokasyunal tulad ng liham pangnegosyo?

2
.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 at 2:
Unang Pagsubok Panimulang
Iba-iba ang sagot Pagsusulit
1. D batay sa
2. C Pamantayan sa 1. A
3. C Pagmamarka 2. B
4. D 3. C
5. C 4. D
5. C

Papel sa Replektibong
Pagkatuto

Iba-iba ang sagot batay


sa sariling pananaw.

3
Sanggunian

Business English Blog. (2020). Essential Steps to Writing a


Business Letter. https://www.fluentu.com/blog/business-english/writing-a-
businessletter-in-english/
Francisco, C. G. C. at Gonzales, M. G. H. (2016). Filipino sa Piling Larangan (Tech-
Voc). Unang Edisyon. Quezon City: Rex Book Store Inc.
Jocson, M. O., Fernando, A. T., Ruzol, H. S., at Delfinado, C. G. (2012). Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Makati City: Grandwater Publishing House.

4
5
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax:

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like