You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
City Schools Division
District of San Jose del Monte East
BAGONG BUHAY G ELEMENTARY SCHOOL
City of San Jose del Monte

DEPED LEARNING ACTIVITY SHEETS (LAS)


EDUKASYONG PANGKATAWAN
Name of Learner/Pangalan: _________________________________________________
Grade Level/Label: _______________________________________________________
Section/Seksyon: _________________________________________________________
Date/Petsa: ______________________________________________________________
LEARNING ACTIVITY/GAWAING PAGKATUTO

Unang Markahan – Modyul 3: Striking / Fielding Game

I. LAYUNIN: Inaasahan na sa pagtapos ng araling ito ay natutukoy ang mga kasanayan


na may kinalaman sa paglalaro ng striking/fielding game tulad ng paghagis, pagsalo,
pagpalo at pagtakbo. (PE5GS-Ib-2)
II. SURIIN: Ang striking o fielding game ay uri ng laro na kung saan ang isang
indibidwal o pangkat ay sisipa o papalo ng isang bagay at pagkatapos ay tatakbo o
magtatago sa isang lugar. Ito ay larong nangangailangan ng malawak na lugar na
patag at may lupa. Ang mga halimbawa ng larong pinoy na kabilang dito ay ang
Siyato at Sipaang Lata.
III. GAWAIN
a. Pagsasanay
Tuwing Sabado at Linggo ay hilig na ni Kiko na maglaro ng mga larong Pinoy
pagkatapos niyang gawin ang mga gawaing bahay at takdang aralin. Ngayong araw,
inaya ni Kiko si Bebang na maglaro.
“Halika Bebang maglaro tayo ng larong Pinoy,” pag-aaya ni Kiko.
“Ayoko sumali! Natatakot ako. Saka iyong mga nilalaro mo ay panlalaki,” sagot
nito na may halong pag-aalinlangan.
“Bebang huwag kang matakot maglaro. Marami kang matututunan dito. Ang
larong Pinoy ay walang pinipiling kasarian, lalaki man o babae ay pwedeng maglaro.
Natuwa si bebang sa sinabi ni Kiko. Napapayag niyang makipaglaro si Bebang.
Ngayong araw, nais ni Kiko na maglaro ng striking/ fielding game. Naghanda si
Kiko ng isang Gawain na may kinalaman sa striking / fielding game. Wala pang gaanong
kaalaman si Bebang sa larong ito. Maaari mo bang tulungan si Bebang na maunawaan
ang striking / fielding game?
Sa iyong malinis na papel buuin ang mga ginulong titik ng mga salita sa bawat
bilang. Ang mga ginulong titik ay may nakasaad na kahulugan upang maging batayan mo
sa pagbuo ng salita.
1. TAPPAT – Ito ay gawa sa kahoy at pinapalo ng isang miyembro sa pinakamalayong
lugar mula sa orihinal na butas na kinalalagyan nito.
2. NGAPASI TAAL – Ito ay isang larong Pinoy na sinisipa ang isang bagay na
nakalagay sa isang bilog na guhit.
3. TAYOSI – Ito ay isang larong Pinoy na ang layunin ay mapalo ang maliit na kahoy
sa pinakamalayong lugar at susubukang masalo ng kalaban upang mataya sila.
4. ALTA – Pangunahing kagamitan sa paglalaro ng “kick the can.
5. KABOTAGP – Ito ay kasanayan na tumutukoy sa samahan ng pangkat na
matututuhan mo sa paglalaro ng striking/fielding game.
BAGONG BUHAY G ELEMENTARY SCHOOL
School ID: 107146
Barangay Citrus, City of San Jose del Monte Bulacan, 3023
Contact Number: 09175859960
Official Email: 107146.sjdmc@deped.gov.ph
Official Website: depedbbges.weebly.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
City Schools Division
District of San Jose del Monte East
BAGONG BUHAY G ELEMENTARY SCHOOL
City of San Jose del Monte

b. Paglalapat
Gusto mo bang maranasan na maglaro ng striking/fielding game? Ito na ang iyong
pagkakataon. Bago mo isagawa ang larong ito, dapat mo munang maisagawa ang
gawaing pisikal na may kinalaman sa larong striking/ fielding game. Sasamahan
ka din nina Kiko at Bebang na gawin ito. Maaari mo ring ayain ang iyong mga
magulang at kapatid upang mas lalong maging masaya habang ginagawa ang mga
Gawain pisikal na ito. Gawin ninyo ang Gawaing ito sa isang malawak na lugar
tulads ng inyong bakuran. Isagawa nang may pag-iingat.

Sa unang bahagi ng Gawaing ito ay isasagawa natin ang warm-up na ehersisyo


upang makondisyon ang inyong katawan. Gawin ang mga sumusunod na
ehersisyo sa loob ng lima hanggang sampung minute.

1. Inhale, exhale 16 bilang


2. Iyuko ang ulo (paharap, patalikod) 16 bilang
3. Iyuko ang ulo ( Pakanan, pakaliwa) 16 bilang
4. Unatin ang braso (Pakanan, pakaliwa 16 bilang
5. Side bending (Patagilid sa kanan) 8 bilang
6. Side bending (Patagilid sa kaliwa) 8 bilang
7. Paikutin ang beywang (Pakanan, pakaliwa) 16 bilang
8. Leg swing (Pakanan, pakaliwa) 16 bilang
9. Tumalon sa puwesto 16 bilang
10. Inhale, exhale 16 bilang
Magaling! Binabati kita!
Maaari mo ring gawin ang mga ehersisyong ito pagkatapos mong maglaro ng
striking/fielding game bilang cool down na ehersisyo.
Sa ikalawang bahagi ay ating pagyayamanin ang mga kasanayan na kailangan sa
paglalaro ng Siyato o sipaang Lata. Maaari mong paulit-ulit na gawin ang
kasanayang ito upang lalo ka pang mahasa sa pagsasagawa nito.

1. Pagpalo sa ere ng kapirasong patpat gamit ang malaking patpat.


2. Pagsalo sa kapirasong patpat (magpatulong sa nakatatanda na paluin
ang patpat upang ito ang iyong sasaluhin)
3. Pagtakbo ng pasulong at paatras
4. Pagsipa sa lata
5. Pagtalon (mababa, katamtamang taas, mataas)

BAGONG BUHAY G ELEMENTARY SCHOOL


School ID: 107146
Barangay Citrus, City of San Jose del Monte Bulacan, 3023
Contact Number: 09175859960
Official Email: 107146.sjdmc@deped.gov.ph
Official Website: depedbbges.weebly.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
City Schools Division
District of San Jose del Monte East
BAGONG BUHAY G ELEMENTARY SCHOOL
City of San Jose del Monte

Matapos mong maisagawa ang mga gawaing ito ay kumuha ka ng isang


malinis na papel. Kopyahin at sagutan mo talahanayan sa ibaba. Lagyan mo ng tsek (
/ ) ang kasanayan na nakatulong sa iyo upang mapaunlad at mapalakas ang iyong
katawan.

Pisikal na kaangkupan sa katawan


Mga Gawain Bilis Alerto Liksi Balanse Koordinasyo Lakas
n
1. Pagpalo sa
ere ng
kapirasong
patpat gamit
ang
malaking
patpat.
2. Pagsalo sa
kapirasong
patpat.
3. Pagtakbo ng
pasulong at
paatras.
4. Pagsipa sa
lata.
5. Pagtalon
(mababa,
katamtamang
taas, mataas)

c. Pagtataya
Ang galling-galing! Napahanga mo ako sa iyong kakayahan. Sa bahaging ito,
ating pang hahasain ang iyong talino, sagutan moa ng mga tanong sa ibaba. Piliin
moa ng titik ng tamang sagot. Isulat moa ng iyong sagot sa isang malinis na
sagutang papel. Sa pagsasagot ng gawaing ito, dapat na lagging isaisip ang
katapatan sa pagsasagot. Sige! Simulan mo nang magsagot.

_____1. Anong klaseng lugar ang dapat mong isaalang-alang kung ikaw ay maglalaro ka
ng striking/fielding game?
A. malawak na lugar C. patag na lugar
B. malawak at patag na lugar D. patag at may malambot na lupa

_____2. Ang larong Sipaang Lata ay tinatawag din na _____.


A. Kick the Can C. Kick that stick
B. Kick the Ball D. Kick and Spike

_____3. Anong kagamitan ang kailangan mong gamitin kung maglalaro ka ng Siyato?
A. lata C. maliit at malaking patpat
B. bola D. malawak na lugar
BAGONG BUHAY G ELEMENTARY SCHOOL
School ID: 107146
Barangay Citrus, City of San Jose del Monte Bulacan, 3023
Contact Number: 09175859960
Official Email: 107146.sjdmc@deped.gov.ph
Official Website: depedbbges.weebly.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
City Schools Division
District of San Jose del Monte East
BAGONG BUHAY G ELEMENTARY SCHOOL
City of San Jose del Monte

_____4. Ang Sipaang Lata ay pinaghalong larong _____.


A. Batuhang Bola C. Patintero
B. Tumbang Preso D. Habulan at Taguan
_____5. Alin sa mga sumusunod na kaangkupang pisikal ang HINDI naidudulot sa
paglalaro ng Siyato?
A. muscular endurance C. muscular strength
B. bilis D. tatag ng puso at baga

_____6. Anu-ano ang kabutihang-asal ang nalilinang sa paglalaro ng striking/fielding


game?
I. pagkakaisa at pagtutulungan
II. pagiging patas
III. pagpapakita ng sportsmanship
IV. kasiyahan sa paglalaro
A. I at II C. II at III
B. I, III, at IV D. I, II, III, at IV
_____7. Ano ang layunin ng larong Sipaang Lata?
A. Umiwas na mahanap at mahuli ng tayâ; subuking sipain at patumbahin ang lata
B. Umiwas na mahanap at mahuli ng tayâ; mapalaya ang mga nahuli ng taya
C. Umiwas na mahanap at mahuli ng tayâ; subuking patumbahin ang lata upang
mapalaya ang mga nahuli ng tayâ
D. Umiwas na mahanap at mahuli ng tayâ; subuking sipain at patumbahin ang lata nang
hindi nakikita upang mapalaya ang nahuli ng taya.
_____8. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga alituntunin o patakaran ng isang laro?
A. nakatutulong na manalo sa laro
B. nakatutulong na maisakatuparan ang layunin ng laro
C. nakatutulong na makaiwas sa mga sakuna habang naglalaro at naisasagawa ang
layunin ng laro
D. Nakatutulong na makamit amg mithiin na maging masaya sa paglalaro
_____9. Bakit mahalaga ang pakikilahok sa mga pisikal na aktibidad upang matamo ang
physical fitness?
A. upang makaiwas sa sakit at maging malusog
B. ang pagsali sa mga gawaing pisikal ay masaya
C. nakatutulong ito na matamo ang kakayahang pangkatawan at pangkalahatang
pangkalusugan
D. Nakatutulong na maging aktibo sa pang-araw-araw na gawain
_____10. Paano nakatutulong ang Philippine Physical Activiy Pyramid sa layuning
pangkalusugan ng isang idibidwal?
A. Ito ay nagiging gabay upang malaman mo kung aling mga gawain ang makakabuti sa
iyong kalusugan, pisikal at mental na kaayusan.
B. Ito ang nagiging batayan kung dapat mo bang ituloy ang isang gawain.
BAGONG BUHAY G ELEMENTARY SCHOOL
School ID: 107146
Barangay Citrus, City of San Jose del Monte Bulacan, 3023
Contact Number: 09175859960
Official Email: 107146.sjdmc@deped.gov.ph
Official Website: depedbbges.weebly.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
City Schools Division
District of San Jose del Monte East
BAGONG BUHAY G ELEMENTARY SCHOOL
City of San Jose del Monte
C. Ito ang sumusukat sa kalakasan at kahinaan ng iyong katawan.
D. Ito ang tumutukoy sa kahalagahan ng paglalaro sa labas.

BAGONG BUHAY G ELEMENTARY SCHOOL


School ID: 107146
Barangay Citrus, City of San Jose del Monte Bulacan, 3023
Contact Number: 09175859960
Official Email: 107146.sjdmc@deped.gov.ph
Official Website: depedbbges.weebly.com

You might also like