You are on page 1of 32

4

EPP
Agrikultura
Unang Markahan – Modyul 1:
Kaalaman at Kasanayan sa
Pagtatanim ng Halamang
Ornamental
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ika-apat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 1: Kaalaman at Kasanayan sa Pagtatanim ng Halamang
Ornamental
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng KAGAWARAN NG EDUKASYON
Kalihim: LEONOR MAGTOLIS BRIONES
Pangalawang Kalihim: DIOSDADO M. SAN ANTONIO

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Sharon Rose B. Lucman, Janshie H. Aguirre
Agnes A. Pereira, Novy Jen H. Aguirre
Riza D. Forro
Editor: Rosanna A. Cabrera
Christoper A. Pelayo
Alma G. Segura
Tagasuri: Mila A. De Leon, PhD.
Arlene P. Norico
Alma G. Segura
Jay Sheen A. Molina
Layout Artist: Ysmael Yusoph E. Alamada
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo PhD, CESO IV : Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V : Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio PhD, CESO VI : Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno,PhD : Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera : CLMD Chief
Arturo D. Tingson, Jr. : Regional EPS, In-charge of LRMS
Peter Van C. Ang-ug : Regional EPS, ADM Coordinator
Gilda A. Orendain : Regional EPS, TLE/EPP Coordinator
Lalaine SJ. Manuntag,PhD : Division CID Chief
Nelida A. Castillo,PhD : Division EPS In-charge of LRMS
Marichu R. Dela Cruz,PhD : Division ADM Coordinator
Mila A. De Leon,PhD : Division EPS TLE/EPP
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Department of Education – Region XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825 / (083) 2281893
Website: depedroxii.org
Email: region12@deped.gov.ph
4
Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Agrikultura
Unang Markahan – Modyul 1:
Kaalaman at Kasanayan sa
Pagtatanim ng Halamang
Ornamental

i
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan Baitang 4: Isang Self-Learning Module (SLM) para sa araling Pag-
aalaga ng Hayop.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Baitang 4


ng Self-Learning Module ukol sa Pag-aalaga ng Hayop.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Isaisip

Magandang araw para sa pagsisimula ng aralin para sa


agrikultura. Ang agrikultura ang nagbibigay tulong sa pag-usbong ng
ekonomiya para sa maayos na pamumuhay ng mga tao. Ang Pilipinas
ay itinuturing na isang agricultural na bansa na karamihan sa
hanapbuhay ay pagsasaka.
Sa modyul na ito, matututunan ninyo ang mga sumusunod na
aralin:
Aralin 1: Kaalaman sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental
Aralin 2: Kasanayan sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental
Aralin 3: Pagkukunan ng mga Halamang Ornamental
Aralin 4: Wastong Paraan sa Pagtatanim ng Halamang
Ornamental sa Tuwirang Pagpapatubo
Aralin 5: Wastong Paraan sa Pagtatanim ng Halamang
Ornamental sa Di- Tuwirang Pagpapatubo
Pagkatapos ng modyul na ito, kayo ay inaasahang:
1. Natatalakay ang kaalaman sa pagtatanim ng halamang
ornamental
2. Naiisa-isa ang mga kasanayan sa pagtatanim ng halamang
ornamental
3. Natutukoy ang mga pinagkukunan ng mga halaman at iba pang
kailangan sa halamang ornamental
4. Napapahalagahan ang mga kaalaman at kasanayan sa pagtatanim
ng halamang ornamental
5. Nabibigyang halaga ang mga pinagkukunan ng mga halamang
ornamental
6. Napahahalagahan ang pag-aalaga ng mga halamang ornamental
7. Nakaguguhit ng mga halimbawa ng halamang ornamental na
makikita sa hardin
8. Naisasagawa ang pagtatanong sa mga kasamahan sa bahay ng mga
mapagkukunan ng halamang ornamental

1
Subukin

Paunang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa bawat bilang at
Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng halamang
ornamental?
a. San Francisco b. Makopa c. Mangga d. Duhat
2. Alin ang halamang ornamental ang hindi namumulaklak?
a. Santan b. Gumamela c. Cosmos d. San Francisco
3. Ano ang nararapat gawin sa halamang ornamental?
a. Huwag alagaan c. ilagay kung saan -saan
b. Diligin araw-araw d. pabayaan na lamang
4. Alin sa sumusunod ang maaring gamitin na punlaan para sa
mga halamang nais patubuin?
a. Kahon na yari sa kahoy c. Pasong malalapad
b. Kama ng lupa d. Lahat ng mga nabanaggit
5. Si Abdul ay nais magtanim ng Gumamela. Anong bahagi ng
Gumamela ang gagamitin ni Abdul?
a. buto b. ugat c. dahon d. sanga
6. Ano ang hindi dapat mapinsala sa paglilipat ng punlaan sa
taniman?
a. dahon b. sanga c. bunga d. ugat
7. Ano ang dapat gamitin upang makakuha ng wastong agwat sa
pagtatanim?
a. tali na may buhol c. panukat
b. patpat d. pala
8. Si Myren ay may ililipat na halamang ornamental. Saan niya
ito itatanim?
a. sa timba b. sa palanggana c. sa paso d. sa tabo
9. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng halaman na hindi
maaaring gamitin sa pagpapatubo ng tanim?
a. buto b. sanga c. tangkay d. wala sa nabangit
10. Saan sa mga ito ang hindi magandang halimbawa sa posibleng
pagkuha ng halamang ornamental na itatanim?
a. humingi sa kapitbahay c. mamitas nang hindi
nagpapaalam sa may-ari
b. bumuli sa mga flower shop d. Humingi sa kaibigan

2
Aralin
Kaalaman sa Pagtatanim ng
1 Halamang Ornamental

Mga Layunin:
1. Natatalakay ang kaalaman sa pagtatanim ng halamang
ornamental
2. Napapahalagahan ang mga kaalaman sa pagtatanim ng
halamang ornamental
3. Nakaguguhit ng mga halimbawa ng halamang ornamental na
makikita sa sariling hardin

Balikan

Magandang araw! Sa nakaraan mong aralin sa iba’t ibang


asignatura napag-aralan mo ba ang tungkol sa mga halamang
ornamental? Ano ang halamang ornamental? Anu-ano ang
halimbawa ng halamang ornamental? May maitutulong ba saiyo
ang pagkakaroon ng mga halamang ornamental sa bahay?
Sa araling ito, ihanda ang inyong mga sarili ng may kawilihan
dahil matututunan mo ang tungkol sa mga kaalaman sa
pagtatanim ng halamang ornamental.
Ngayon, Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang halamang ornamental?
a. Orkidyas b. kamatis c. Adelfa
2. Ano ang maitutulong ng pagtatanim ng halamang
ornamental?
a. Nagdudulot ng aruming paligid
b. Nakapagbibigay ng maruming hangin
c. Nakasusugpo ng polusyon
3. Alin sa mga halamang ornamental na ito ang di-
namumulaklak?
a. Bougainvillea b. Snake plant c. Kalachuchi

3
Tuklasin

Panuto: May sampung salita na makikita sa kahon tungkol sa


mga halamang ornamental. Hanapin at bilugan ang mga salitang
ito sa palaisipan. Maari mo itong makita ng pababa o pahalang
lamang. Ang mga salita ay makikita sa loob ng kahon.
ORNAMENTAL KITA HALAMAN
PAGHAHALAMAN BUTO DAHON
SANGA BULAKLAK HERB SHRUB
A P A G H A H A L A M A N D
B K D G A M P S V Y K I T A
U T B U L A K L A K N S S R
T T G L A N Q T I B M L H T
O R N A M E N T A L T U R N
B N K S A N G A E I T S U M
D A H O N O R U W H E R B K

Suriin

Sa umagang ito, ay malalaman mo ang mga kahulugan ng iba’t


ibang salita na may kinalaman sa paghahalaman.
1. Halamang ornamental- ito ay mga tanim na ginagamit na
palamuti sa mga restawran , hotel, simbahan, paaralan,
bahay, parke at mga lansangan.
2. Paghahalaman – Ito ay isang sining ng pagbabago ng mga
halaman, ginagawa ito sa labas o loob ng bahay ito ay
tinatawag ding paghahardin.
3. Pangkabuhayan – Ito ay trabaho o pangkabuhayan para sa
pangangailangan ng bawat isa o pamilya araw-araw.

4
Ang mga halamang ornamental ay dapat may tamang
lalagyan o nakatanim sa mga paso o plastik upang maging
magandang tingnan. Ito ay maaring namumulaklak o di-
namumulaklak. Ilan sa mga halimbawa ng namumulaklak ay ang
santan, rosas, rosal, dahlia, coscos, daisy at marami pang iba.
Ang San Francisco, Snake Plant, Fortune Plant at Iguala ay mga
halamang hindi namumulaklak.
Ang ilan sa mga ito ay may matitigas na sanga tulad ng
Bougainvillea, Gumamela, Santan, San Francisco, Rosas at
marami pang iba. Ang lily, Cosmos, Magic Rose ay may
malalambot ang sanga at may magagandang bulaklak.
Pabitin na mga bulaklak naman ang tawag sa mga Orkidyas
at Forever Flower.
Mahalagang malaman mo ito upang magkaroon ka ng ideya kung
saan ang mas madaling patubuin, alagaan, at mapagkakakitaan.

Pagyamanin

Gawain 1.1
Panuto: Lagyan ng tsek (√ ) ang bawat kolum kung ang
halamang ornamental ay namumulaklak o di namumulaklak.

Halamang Namumulaklak Di Namumulaklak


Ornamental
1. Rosas
2. Bougainvillea
3. San Francisco
4. Palma
5. Santan

5
Isaisip

Gawain 1.2
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang halamang ornamental?
2. Ano-ano ang halimbawa ng mga halamang namumulaklak?
Di namumulaklak? Magbigay ng tig-tatatlong halimbawa.

Isagawa

Gawain 1.3
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.
1. Alin sa sumusunod na halaman ang di namumulaklak?
a. San Francisco b. Rosas c. Daisy
2. Sa mga halamang ito, alin ang namumulaklak?
a. Dahlia b. Snake Plant c. Iguala
3. Sa anong paraan ng pagtatanim madaling
mapagkakakitaan ang isang halaman?
a. nakalagay sa paso o plastic na lalagyan
b. Itapon kung saan – saan
c. Itanim kung saan may bakanteng lote
4. Ano ang kahalagahan ng pagtatanim ng halamang
ornamental?
a. Nakatutulong sa pamilya kapag naibenta
b. Nagsusugpo ng polusyon
c. A at B
5. Si Ana ay gustong magtanim ng halamang ornamental na
may matigas na sanga, Alin sa mga sumusunod ang
itatanim niya?
a. Lily b. San Francisco c. Dahlia

Mahusay! Ikinagagalak kong handa kana sa susunod na aralin.

6
Aralin
Kasanayan sa Pagtatanim ng
2 Halamang Ornamental

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga kasanayan sa pagtatanim ng mga
halamang ornametal
2. Naisasagawa nang maayos at malinis ang isang gawain
3. Naiguguhit ang mga kasanayan sa pagtatanim ng
halamang ornamental

Balikan

Kumusta mga bata! Ano ang nararamdaman mo kapag


isinasagawa mo ang mga aktibidad mula sa nakaraang leksyon na
natutunan mo tungkol sa mga kaalaman sa pagtatanim ng mga
halamang ornamental? Kung ganoon, Magbigay ng halimbawa ng
halamang ornamental na namumulaklak, di namumulaklak,
matitigas ang sanga, at malalambot ang sanga.
Gusto mo bang magkaroon ng panibagong karanasan? Kung
ganoon ay dapat palalimin mo pa ang iyong pang-unawa sa
pagkatuto tungkol sa ating bagong aralin.

Tuklasin

Handa ka na ba sa bago mong aralin? Kung ganoong handa


ka na maaari ka ng magsimula.
PANUTO: Gumuhit ng isang magandang tanawin na makikita ang
mga halamang ornamental. Kapag nakapili ka na ng naisipan
mong iguhit gawin mo ito sa puting kartolina.

7
Suriin

May mga salitang ginagamit sa aralin na dapat mong malaman


ang kanilang kahulugan, basahin ito upang maintindihan ng
mabuti.
• Kasangkapan o kagamitan- ito ay mga bagay na ginagamit
upang makatulong sa pagpapadali ng mga gawain.
• Pagbubungkal- ito ay ang pagkakalkal o paghuhukay
• Angkop- wasto o tama
May iba’t ibang kasanayan at mga dapat isaalang-alang upang
maitanim ng maayos ang mga halamang ornamental at angkop
ang kasanayang ginagawa sa paghahalaman.
Halimbawa:
• Bubungkalin muna ang tanim ng maayos at kinakailangan
ang tanim na binungkal ay may kasamang kaunting lupa
bago ito ililipat sa lupang pagtataniman nito.
• Ang tanim naman na binunot lamang na walang kasamang
lupa at diretsahang inilipat sa lupang pagtataniman nito ay
madaling malalanta o kadalasan ito ay namamatay.
Kasanayan sa Pagtatanim ng mga Halamang Ornamental:
• Paghahanda ng mga itatanim o patutubuing halamang
ornamental.
• Pagpaparami ng mga halamang ornamental
o Paraang pagpuputol
o Paraang pagbubungkal ng lupa
o Paglalagay ng abono sa mga halaman
• Paggamit ng kagamitang paghahalaman.
• Pagpili ng mga itatanim na halamang ornamental

8
Pagyamanin

Gawain 2.1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong at ipaliwanag.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Alin kaya sa dalawa ang may akmang kasanayan sa
pagtatanim ng halamang ornamental? Bakit?
2. Ano ang mangyayari sa tanim sa binunot lamang?
Mabubuhay ba ito o malalanta? Bakit?
3. Dapat bang sundin ang tamang kasanayan sa pagtatanim
ng halamang ornamental? Bakit?

Isaisip

Gawain 2.2
Panuto: Basahin ang tanong at ipaliwanang ang sagot.
➢ Ang pagkakaroon ba ng tamang kasanayan sa pagtatanim ng
halamang ornamental ay may malaking naitutulong sa bawat
isa? Bakit at paano?

Isagawa

Gawain 2.3
Basahin ang isang sitwasyon at sagutin ang tanong.
Si Ana ay mahilig sa halamang ornamental tulad ng
Gumamela. Gusto ni Ana na magtanim ng iba’t ibang uri at kulay
ng nito. Nakita ni Ana na ang mga gumamelang itatanim niya ay
maliliit pa. Nais ni Ana na ililipat ang mga ito sa mga paso. Walang
gamit na pala si Ana kung kaya ang binunot na lamang niya isa-
isa ang mga Gumamela upang mailipat sa mga paso.
Tanong: Sa palagay mo ba mabubuhay ang Gumamelang
binunot ni Ana? Bakit?
Magaling! Maaari kanang magpatuloy sa susunod mong aralin!

9
Aralin
Pagkukunan ng Halamang
3 Ornamental
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga pagkukunan ng mga halaman at iba
pang kailangan sa halamang ornamental;
2. Nabibigyang halaga ang pinagkukunan ng mga halamang
ornamental;
3. Naisasagawa ang pagtatanong sa mga kasamahan sa
bahay ng mga mapagkukunan ng halamang ornamental.

Balikan
Isang magandang araw sa isang masugid na mag-aaral na
katulad mo! Kamusta? Na-aliw ka ba sa pagbasa at pagsagot ng
nakaraan mong leksiyon? Kung ganoon, sagutin ang katanungan
upang masubok ang natutunan sa nakaraang leksiyon.
Isulat ang TAMA kung ito ay tumutukoy sa kasanayan sa
pagtatanim ng halamang ornamental at MALI naman kung hindi.
______1. Kailangang ihanda ang mga itatanim na halaman.
______2. Gamitin lamang ang kamay sa pagtatanim.
______3. Kailangang pumili ng halamang ornamental na itatanim.
______4. Maging maingat sa pagtatanim ng mga halaman.
______5. Bunutin gamit ang kamay kapag ilipat ang tanim.

10
Tuklasin
Guro: Sa mga nakaraang araw ay napag-usapan natin ang
mga halamang ornamental, ngunit alam mo ba kung saan maaring
kumuha ng mga halamang ornamental na itatanim at kung ano-
ano ang mga kailangan nila?
Halika at basahin mo ang maikling kwento na pinamagatang
“Ang Katuparan ng Pangarap ni Marikit” upang magkaroon ka ng
mga bagong ideya tungkol sa mapagkukunan ng halamang
ornamental at mga kailangan nito.

ANG KATUPARAN NG PANGARAP NI MARIKIT


Si Marikit ay gandang-ganda sa mga hardin na kanyang
nakikita. Pinapangarap niya na sana ay mayroon din silang hardin
na katulad ng sa kanilang kapitbahay, hardin sa simbahan at ng
hardin na meron ang kanilang paaralan. Ngunit ang kanyang ina at
ama ay abala sa kani-kanilang mga trabaho.
Isang araw nagkaroon ng pandemya na nagbago sa pang araw-
araw na gawain ng kanyang mga magulang. Ang kanyang ina at ama
ay pansamatalang natigil sa trabaho. At dahil doon ay unti-unting
natutupad ang pangarap ni Marikit, nagsimula ng mag bungkal ng
lupa ang kanyang ama dahil itatanim nito ang bulaklak na nabili sa
online. Ang kanyang ina ay bumisita sa kanilang kapitbahay upang
humingi ng mga itatanim. Si Marikit naman ay humingi ng magic
rose sa kanyang kaibigan. Napag-usapan nilang dagdagan ang mga
tanim pagkatapos ng pandemyang ito sa pamamagitan ng paghingi
sa mga parke, hardin sa simbahan at sa hardin sa paaralan. Bibili
din ang kanyang ina ng mga halamang ornamental sa flower shop.
1. Ano ang pangarap ni Marikit?
2. Sa kuwentong nabanggit saan nanguha ang pamilya ni marikit
ng mga halamang itatanim?
3. Saan pa kukuha ang pamilya ni Marikit ng pandagdag sa
kanilang tanim?

11
Suriin

PAGKUKUNAN NG MGA HALAMAN AT IBA PANG


KAILANGAN SA HALAMANG ORNAMENTAL
Ang halamang Ormental ay ginagamit na palamuti sa mga
tahanan, paaralan, restaurant, at mga lansangan. Gaya ng mga
bulaklakin, halamang baging, at halamang palumpong. Mga
halamang hindi namumulaklak at mga halamang medisinal.
Mga mapagkukunan ng mga halamang ornamental
1. Humingi sa kapitbahay 2. Bumili sa mga flower shop
3. Humingi sa mga kaibigan 4. Mamitas sa parke
5. Mamitas sa paaralan 6. Bumili Online
7. Humingi sa hardin ng simbahan
Ang pagtukoy sa mga lugar na mapagkukunan ng mga
halamang ornamental ay isa sa mahalagang aspeto ng pagtatanim
dahil ito ay nakakatulong na mapadali ang paggawa at
pagpapaganda ng taniman.

Pagyamanin

Gawain 3.1
A. Gamit ang web sa ibaba itala ang mga mapagkukunan ng
halamang ornamental.

12
Isaisip

Gawain 3.2
Sagutin ang mga tanong, isulat ang inyong sagot sa sagutang
papel.
1. Bakit mahalagang alam natin kung saan maaring kumuha ng
halamang ornamental?

Isagawa

Gawain 3.3
Panuto: Ihanda ang iyong lapis at papel. Tanungin ang mga
kasama sa bahay ng kung saan pa maaring kumuha ng halamang
ornamental. Itala ang pangalan ng at ang kanilang mga sagot.
Napakagaling! Ngayon, ay handing handa kana upang magpatuloy.

Aralin Wastong Paraan ng Pagtatanim


sa Tuwirang Paraan ng
4 Pagpapatubo
Mga Layunin:
1. Natatalakay ang mga paraan ng pagtatanim sa tuwirang
paraan
2. Napahahalagahan ang pag-aalaga ng mga halamang
ornamental
3. Nakaguguhit ng halamang ornamental na puwedeng itanim
sa tuwirang pagpapatubo.

13
Balikan

Ngayon, ano ang inyong nararamdaman? Ano ang iyong


pakiramdam habang sinagagot ang mga katanungan sa aralin
tungkol pinagkukunan ng mga halamang ornamental? Marami ba
kayong natutunan? Masaya ba kayo sa mga aralin?
Ngayon, sagutin ang mga sumusunod.
Lagyan ng √ ang patlang kung ito ay tumutukoy sa
mapagkukunan ng halamang ornamental, at X naman kung hindi.
_______1. Bumili sa flower shop.
_______2. Humingi sa kapitbahay.
_______3. Mamitas sa paaralan ng hindi nagpapaalam.
_______4. Mamitas sa parke habang walang nakakakitang tao.
_______5. Humingi sa mga kaibigan.
Tandaan na ang lahat ng gawain natin ay may mga hakbang
at wastong paraan upang maging matagumpay ang kahihinatnan
ng isang gawain tulad na lamang ng wastong paraan ng
pagtatanim sa tuwirang pagpapatubo.
Gusto ba ninyong malaman ang lahat ng ito? Kung gayun,
lawakan ang pang-unawa tungkol sa paraan ng pagtatanim sa
tuwirang pagpapatubo.

Tuklasin

Panuto: Tingnan ang mga larawan. Tukuyin ang mga paraan ng


pagtatanim sa tuwirang paraan. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel (worksheet). Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

❖ Paghahanda ang lupang taniman


❖ Paglalagay ng patpat at tali upang maging gabay
❖ Paggawa ng butas sa ilalim ng buhol
❖ Paghuhulog ng 2-3 butong pantanim o paglalagay ng
sangang itatanim
❖ Pagtakip ng manipis na lupa sa bawat butas na may tanim
❖ Pagdilig ng may pag-iingat sa itinanim

14
1. 2. 3.

4. 5. 6.

Suriin

Ang halamang ornamental ay may paraan ng pagtatanim at


pagpapatubo, isa na rito ang tuwirang paraan. Ang itinatanim sa
mga halamang ornamental ay nagmumula sa sanga at buto.
Ang tuwirang pagtatanim ay isang paraan ng pagtatanim na
kung saan diretso na sa taniman ang pagtatanim, maaaring sanga
o buto ang itatanim.

Mga halamang ornamental na sanga ang itinatanim:


Santan Gumamela Rosas
San Francisco Golden Candle Sampaguita
Mga halamang ornamental na buto ang itinatanim:
Sun Flower Marigold Cosmos
Margarita Butones Padung-Padong
Wastong Paraan ng Pagtatanim sa Tuwirang Pagpapatubo:
1. Ihanda ang lupang taniman at diligan.
2. Lagyan ng patpat, tali o panukat upang maging gabay.
3. Gumawa ng mga butas sa ilalim ng buhol.
4. Maghulog ng 2-3 buto o paglalagay ng sangang itatanim.
5. Takpan ng manipis na lupa sa bawat butas na may tanim.
6. Maingat na diligan ang paligid ng butas.

15
TANDAAN NATIN
Ang pagpapatubo ng mga halamang ornamental ay mahalaga
dahil marami itong naitutulong sa buhay ng tao. Ang mga ito ay
pwede ring pagkakitaan.

Pagyamanin

Gawain 4.1
Panuto: Ang nasa talaan sa ibaba ay wastong paraan ng
pagtatanim ng halamang ornamental sa tuwirang paraan. Ayusin
ito ayon sa tamang pagkasunod-sunod. Isulat lamang ang numero
sa tapat ng ibinigay na paraan ng pagtatanim.
Pagkasunod
Standard Operating Procedures sunod
(1-5)
Paghulog ng 2-3 buto o paglalagay ng sangang
itatanim sa butas
Paglalagay ng patpat at tali upang maging gabay
Pagtakip ng manipis na lupa sa bawat butas na
may tanim at pagdilig sa paligid ng tanim
Paghahanda ng lupang taniman
Paggawa ng mga butas sa ilalim ng buhol

Isaisip

Gawain 4.2
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
1. Bakit mahalaga ang pag-aalaga ng halamang ornamental?
2. Ibigay ang anim na wastong paraan ng pagtatanim sa tuwirang
pagpapatubo.
3. Ano-anong halamang ornamental ang maaaring itanim sa
tuwirang paraan ng pagpapatubo?

16
Isagawa

Gawain 4.3
Gumuhit ng limang halamang ornamental na pwedeng
itanim sa paraang tuwirang pagpapatubo. Iguhit ito sa isang
malinis na papel o “bond paper”.

Magaling! Handang- handa ka na nga sa susunod na aralin.

Aralin Wastong Paraan ng


5 Pagtatanim sa Di-tuwirang
Paraan ng Pagpapatubo
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang wastong paraan ng pagtatanim ng mga
halamang ornamental sa Di-tuwirang pagpapatubo.
2. Napahahalagahan ang pagtatanim ng mga halamang
ornamental sa di- tuwirang paraan ng pagpapatubo.
3. Nakaguguhit ng kahong punlaan.

Balikan
Sa nakaraang leksiyon natutunan mo ang mga wastong
hakbang sa pagtatanin ng halaman sa tuwirang pagpapatubo.
Ngayon upang masubok ang iyong kalaaman. Lagyang ng
numero 1-5 ang patlang ng wastong pagkasunodsunod ng mga
hakbang sa pagtataanim sa Tuwirang pagpapatubo.

_____1.Lagyan ng patpat at tali na may buhol upang maging gabay.


_____2. Gumawa ng butas sa ilalim ng buhol.
_____3. Ihanda ang lupang taniman at diligan.
_____4. Maghulog ng 2-3 butong pananim o sangang pananim.
_____5. Takpan ng manipis na lupa ang bawat butas na
may pantanim at maingat ng diligan.

17
Tuklasin

Magandang araw! Nais kitang batiin sapagkat natapos mo na


ang module 1 lesson 4. Sana ay isinaisip at isinapuso mo ang
iyong natutunan. Ngayon ikaw ay maghanda na dahil maglalakbay
tayo isang panibagong araw upang ikaw ay matuto.
Naranasan mo na bang magtanim ng mga halamang
ornamental? Basahin at intindihin mo ang isang maikling
kuwento tungkol sa munting hardin ni Maria, upang magkaroon
ka ng kaalaman kung paano magtanim sa di-tuwirang
pagpapatubo. Handa ka na ba?
Munting Hardin ni Maria
Si Maria ay isang bata na mahilig sa bulaklak. Isang araw
may hiningi siyang bulaklak na butobutones sa kanyang
kaibigan.Pagkauwi niya sa kanyang bahay agad siyang
nagpaggawa ng kahong punlaan sa kanyang ama para taniman ng
mga buto.
Una, inihanda na ng ama ni Maria ang kanyang gagamitin sa
paggawa ng kahong punlaan. Pinagtagpi-tagpi nito ang mga kahoy
upang makabuo ng isang parisukat na lagayan. Nilagyan na ito ni
Maria ng lupa at binasa ng kaunti at kinalat ang mga buto ng
butobutones sa kahong punlaan. Tinakpan at itinago ito hanggang
lumabas ang unang sibol. Pagkalipas ng apat na araw, nagsimula
nang sumibol ang mga buto. Unti-unti niyang inilantad sa araw
ang kanyang kahong punlaan. Pagkalipas ng mga ilang araw, may
nabuo ng tatlong dahon ang kanyang tanim at inilipat niya ito sa
kamang taniman na may pag-iingat sa ugat nito.
Pati ang mga sanga ay sinubukan ni Maria na patubuin sa
mga malalaking paso bago inilipat sa kamang taniman. Ngayon
ang bahay nina Maria ay mayroon nang munting hardin na
matatawag na kahit saan ka lumingon may makikita kang sari-
saring halaman.
1. Ano ang hininging halamang ornamental ni Maria mula
sa kanyang matalik na kaibigan na si Ana?
2. Ano ang pinagawa ni Maria sa kanyang Ama?
3. Base sa kwento, ano-ano ang mga nabanggit na wastong
paraan sa pagtatanim sa di-tuwirang pagpapatubo?
4. Maari rin bang itamin ang mga sanga sa di-tuwirang
pagpapatubo? Bakit?

18
Suriin

Ang halamang ornamental ay mayroong maidudulot na


kagandahan sa ating kapaligiran. Ito ay nagsisilbilng atraksyong
sa bahay. Ang halamang ornamental ay maaaring patubuin sa di-
tuwirang pagpapatubo. Maaring sanga o buto ang gagamitin sa
pagpapatubo sa di-tuwirang pagtatanim.
Mga wastong Paraan sa pag tatanim sa Di-tuwirang pagpapatubo:

1. Ihanda ang kahong punlaan


2. Ibabad ng magdamag ang mga butong pantanim o sangang
pantanim sa tubig
3. Ipunla sa kahong punlaan ang mga buto/sanga at takpan ito
habang di pa lumalabas ang unang sibol.
4. Itago muna ang kahon at kapag nagsisimula ng sumibol ang
mga buto, unti-unting ilantad sa araw ang kahong punlaan.
5. Kapag may nakita ka ng tatlo hanggang apat na totoong dahon,
maaring na itong ilipat sa kamang taniman.
6. Piliin ang mga payat at dikit-dikit na punla. Itanim sila na
magkakahiwalay sa kahong punlaan upang lumaki ng malusog
saka sila ilipat sa kamang taniman.
7. Iwasang mapinsala ang mga ugat ng punla kung ito ay ililipat
nang tanim.
Tandaan:
Kalimitan ang mga halamang ornamental ay nagmumula sa
buto at sanga. Ang pagpapatubo ng mga ito ay dapat bigyang
pansin dahil dito magmumula ang kagandahan ng mga tanim.
Tiyakin din na walang ligaw na damo ang iyong kahong punlaan
at ang kamang taniman na paglilipatan ng iyong punla. Bisitahin
ang punla araw-araw at tiyakin na bungkalin nang marahan ang
paligid nito upang makahinga ang tanim at mabilis na lumaki.

19
Pagyamanin

Gawain 5.1
PANUTO: Punan ang linya ang mga sumusunod lagyang ng tsek
(√) kapag sanga ang ginagamit sa pag tanim at bituin( )naman
kapag buto.
1. Cosmos - ________ 6.Gumamela - ______
2. santan - ________ 7. Padong padong - ______
3. San Framcisco -______ 8. Margarita - ______
4. Butobutones - _______ 9. Furtune Plant - ______
5. Marigold - ________ 10. Bougainvillea - ______

Isaisip

Gawain 5.2
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang maaring pagtamnan ng mga punla upang ito ay
patubuin?
2. Ano ang maaring itanim sa kahong punlaan?
3. Ano ang pag-ingatan sa paglilipat ng punla sa kamang
pagtaniman?

Isagawa

Gawain5.3
PANUTO: Gumuhit ng isang magandang kahong punlaan ng
halamang ornamental. Kapag nakaisip ka na ng iguguhit mo,
iguhit mo ito sa isang malinis na papel.

Ang galing ! Ikaw ay tapos na sa unang Modyul ng Kaalaman


at kasanayan sa Pagtatanim ng halamang ornamental. Ngunit
narito ang iba pang bagay na kailangan mong gawin. Sagutin ang
mga karagdagang gawain. Mabuhay!

20
Tayahin

Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Bilugan lamang ang letra ng tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay halamang ornamental maliban sa isa.
a. San Francisco b. Kamatis c. Sun flower d. Santan
2. Ano ang dapat gawin sa halamang ornamental?
a. Lagyan ng abono araw-araw c. Putulin ang umuusbong na
dahon
b. Hampasin ng stick d. Diligan ng sapat na tubig
3. Ano ang dapat ingatan sa paglilipat ng punla?
a. bunga b. buto c. sanga d. ugat
4. Alin ang halamang ornamental na namumulaklak?
a. Gumamela c. Fortune plant
b. Snake plant d. San francisco
5. Si jessicaay nais magtanim ng Bougainvillea. Anong bahagi ng
bougainvillea ang gagamitin niya?
a. buto b. ugat c. dahon d. sanga
6. Alin sa mga sumusunod ang maaring gamitin para sa mga
halamang nais patubuin?
a. pasong malalapad c. kahon na yari sa kahoy
b. kama ng lupa d. lahat ng nabanggit
7. Sa pagkuha ng tamang agwat sa pagtatanim ano ang hindi
dapat gamitin?
a. pala b. patpat c. panukat d. tali na may buhol
8. Alin sa mga bahagi ng halaman ang maaaring gamitin sa
pagpapatubo ng tanim.
a. buto b. sanga c. tangkay d. lahat ng nabanggit
9. Gusto ni Jose na ilipat ang kanyang mga tanim na halamang
ornamental. Alin sa sumusunod ang mas mainam na paglilipatan?
a. sa timba b. sa baso c. sa paso d. sa palanggana
10. Alin sa mga sumusunod ang magandang halimbawa sa
posibleng pagkuha ng halamang ornamental sa itatanim?
a. Kumuha lang sa kapitbahay
b. Mamitas kung saan may mga tanim
c. Humingi sa kapitbahay
d. Manguha ng hindi nagpapaalam sa may-ari

21
Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng isa sa mga Gawain.


1. Magtanim sa inyong bahay gamit ang di- tuwirang paraan ng
pagpapatubo ng tanim.

2. Itala sa tamang hanay ang mga halamang ornamental na


napili sa kahon.

Magic Rose Rosal Gabi-gabi Fortune Lily


Santan Rosas Kalachuchi Cosmos Daisy

Halamang matigas ang sanga Halamang malambot ang


sanga

22
23
Gawain 3.2 Gawain 3.1 Karagdagang Gawain
Ito ay mahalaga Anim alin man sa mga sumusunod:
dahil ito ay 1. Humingi sa kapitbahay
nakatutulong 2. Humingi sa mga kaibigan Matitigas ang sanga
upang mapadali 3. Bumili sa flower shop Rosal, Santan, Rosas,
ang paggawa at 4. Humingi sa hardin ng simbahan Fortune Plant,
pagpapaganda ng 5. Bumili online Kalachuchi, Gumamela
taniman. 6. Mamitas sa paaralan Malalambot ang sanga
7. Mamitas sa mga halaman sa parke Magic Rose, Gabi-gabi,
Daisy, Lily
Aralin 3
Gawain 2.2 Tayahin
Ito ay may malaking maitutulong 1. B
2. D
dahil maaaring pagkakakitaan upang
3. D
magkaroon ng malaking kita at ng sa 4. A
gayun ay makatulong ito sa 5. D
pangangailangan ng bawat isa. 6. D
7. A
8. D
9. C
10.C
Aralin 2
Gawain 1.3 Gawain 1.1 Gawain 1.1
1. A Subukin
1. Ginagamit na 1. Namumulaklak
2. A 1. A
palamuti,sa nga 2. Namumulaklak
3. A restawran, hotel, 3. Namumulaklak at 2. D
4. C simbahan, paaralan, Di-Namumulaklak 3. B
5. B bahay, parke at mga 4. Di-namumulaklak 4. D
lansangan 5. Namumulaklak 5. D
2. Di-namumulaklak- 6. D
Fortune, Snake 7. A
Plant, Gabi-gabi
8. C
Namumulaklak-
Rosas,Santan,Rosal 9. D
10. C
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
24
Gawain 5.2 Gawain 5.1
1. Ang kahong punlaan. 1.
2. Mga sanga at buto 2. √
3. Ugat 3. √
4.
5.
6. √
7.
8.
9. √
10. √
Aralin 5
Gawain 4.2 Gawain 4.1
1. Upang maganda ang tubo ng ng mga pananim. 1. 4
2. a. Ihanda ang lupang taniman at 2. 2
diligan. 3. 5
b. Lagyan ng patpat at tali upang maging gabay. 4. 1
c. Gumawa ng mga butas sa ilalim ng buhol. 5. 3
d. Maghulog ng 2-3 buto o paglalagay ng sangang
itatanim.
e. Takpan ng manipis na lupa sa bawat butas na
may tanim.
f. Maingat na diligan ang paligid ng butas.
3. Gumamela, Santan, Rosas, San Francisco
Sun Flower, Margarita, Marigold, Cosmos
Aralin 4
Mga Sanggunian

Aklat:
1. Samandan, Eden F, Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 4”.
Kagamitan ng Mag-aaral, pp.137-139

2. Samandan, Eden F, Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan 4”.
Patnubay ng guro, pp. 140-142

Website:
1. 2020. https://brainly.ph/question/273800.
2. "Pamamaraan Ng Pagtatanim". Scribd, 2020.
https://www.scribd.com/doc/230386799/Pamamaraan-
Ng-Pagtatanim.

Journal:
1. MISOSA-IV Kalaman at Kasanayan sa Pagtatanim ng
Halamang Ornamental

25
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like