You are on page 1of 2

Unawain Natin

2. Mula sa kahulugan ng ekonomiks alam na natin na sentral sa pag-aaral nito ang pagpili ng mga
alternatibong –yaman na mayroon tayo. Bilang pagpapatuloy po sa ating aralin bigyang daan natin
ang mga kasapatan at kakulangan na nararanasan natin kung mayroonn lamang tayong 100
pesos, 1,000,
Ano ano ang mga maari nating paggamitan kung mayroon lamang tayong 100 pesos? Magbigay nga po ng
halimbawa. Ano ano naman po ang hindi mabibili o Maabot ng halagang 100 pesos?
3. Mula sa ating activity na ginawa may idea na po ba kung ano ang pangunahing suliranin sa
ekonomiks?
Sa araling ito, ating pag-aaralan nang mas mabuti ang konsepto ng kakapusan at bakit ito isa sa mga
pangunahing suliranin ng pag-aaral ng ekonomiks at ng pang-araw-araw na pamumuhay.

Ano ang pangunahing suliranin sa Ekonomiks


4. Nakararanas ang mga tao ng suliranin sa ekonomiks kapag hindi natutugunan ang kanilang mga
pangangailangan (need) at kagustuhan (wants). Nangyayari ito dahil limitado ang pinagkukunan ng
yaman samantalang ang mga kagustuhan ay tila hindi nauubos. Ang tawag ditto ng mga
akonomista ay kakapusan. Ang kakapusan ang pangunahing suliranin sa ekonomiks. Ito ay
mananatili hangga’t ang pinagkukunang-yaman ay hindi sumasapat para matugunan ang
kagustuhan.
5. Isang hindi pangkaraniwang pangyayaring nararanasan ng sangkatauhanan ay ang kakapusan.
Walang kinalaman ang laki ng teritoryo, populasyon, at economic resources sapagkat lahat ng
bansa ay nakararanas nito.
6. Ang bansang Singapore ay mayaman sa kapital ngunit maliit ang puwersa ng manggagawa nito.
Sa kabilang dako, ang mga bansang gaya ng Indonesia at ng Pilipinas ay may malaking puwersa
ng manggagawa samantalang kulang naman ang kanilang capital. Mayaman naman sa petrolyo
ang Saudi Arabia ngunit kapos sa iba pang likas na yaman.
7. Ang paglipat ng skilled worker mula sa mahihirap na bansa (third-world country) patungo sa mga
mauunlad na bansa (first-world country) gaya ng Australia, United States, at United Kingdom ay
isang patunay na kahit ang mga bansang may mauunlad na industriya ay kinukulang sa mataas na
kalidad ng puwersa ng mga manggagawa.
8. Ito ang mga dahilan kung bakit pinagtutuonan ng pansin ng mga ekonomista ang konsepto ng
relative scarcity. Ibig sabihin nito, maaaring ang isa ay may kakulangan sa pinagkukunang-yaman
samantalang ang iba naman ay marami nito.
9. Itinuturing na kapos ang isang pinagkukunang-yaman kung nakapaloob ditto ang dalawang
kondisyon. Una, kinakailangang ito ay kapaki-pakinabang. Halimbawa, ang mga orihinal napiyesa
ng Volkswagen ay bihira nang mabili sa Pilipinas sa kasaslukuyan. Hindi ito basta na maituturing na
kakapusan kung ang mga may-ari ng kotseng Volkswagen ay mas piniling gumamit ng mga
kahalintulad na bahagi bilang kapalit ng orihinal. Ang mga kahalintulad na piyesa ay mura
samantalang may kamahalan ang halaga ng mga orihinal na bahagi. Ikalawa, kinakailangang
limitado ang pinagkukunang-yaman kung ikokompara sa antas ng pangangailangan ditto.
Halimbawa, kung ang bilang ng jet ski sa bansa ay limitado at ang antas ng pangangailangan para
sa mga iyon ay mas kakaunti, walang kakapusang mangyayari.
Isa pang kaalaman hinggil sa kakapusan ay ang kakayahan ng taong makahanap o makagawa ng
bagong pagkukunan ng yaman. Sa mga tamad at walang tiyaga, ang pera ay mananatiling suliranin ngunit
hindi ito suliranin para sa mga masipag, malikhain, at mapamaraan.

Palatandaan ng Kakapusan sa Araw-araw na Pamumuhay


10. Mahalagang maintindihan natin na bagama’t ang kakapusan ay nag-papahiwatig ng kakulangan sa
mga pinagkukunang-yaman hindi ito kinakailangang maging katumbas ng kahirapan, hindi
maipagkakaila na ang kahirapan ay isang malinaw na palatandaan ng kakapusan, ngunit isang
pagkakamali na ituring na ang kahirapan at kakapusan ay tiyak na magkatumbas. Kapag ating
tinatalakay ang kakapusan, ito ay mas nararapat na suriin sa konteksto ng iba’t ibang uri ng
pinagkukunang-yaman

Kakapusan sa mga Pangunahing Pinagkukunang-yaman


11. May kakapusan sa mga pangunahing pinagkukunan-yaman. Ito ay ang yamang likas, yamang tao,
at yamang capital.

12. Yamang likas


Isa sa mga pangunahing pinagkukunang-yaman ang yamang likas. Ito ang uri ng pinagkukunang
yaman na ating nakukuha sa kalikasan. Ang mga puno at mga bunga nito, tubig sa mga ilog at batis, mga isda,
malinis na hangin, pati na ang sikat ng araw ay mga halimbawa ng yamang likas na ating magagamit.
Bagaman sa unang tingin, napakarami ng mga ito at tila sapat sa kailangan, nakikita parin natin ang
kakapusan kung susuriin natin kung paano ginagamit ang yamang likas. Kapag ang amga puno ay pinutol,
matagal na panahon bago ito tumubong muli.ang kahoy na makukuha sa isang puno ay sapat lamang para sa
ilang kagamitan,ang pagsagap ng mga solar panel ng enerhiya mula sa araw ay limitado ng oras na sumisikat
ang araw.ang tubig ay nauubos at dumurumi habang dumarami ang taong gumagamit nito sa iba’t ibang
paraan. Sa ganitong paraan, lalo na kung titignan natin ang kabuoan n gating populasyon, makikita natin ang
kakapusan ng yamang likas.

13. Yamang Tao


May kakapusan din pagdating sa yamang tao. Ito naman ang pinagkukunang-yaman na galling sa
lakas at abilidad ng mga tao. Masasabi rin na ang bahagi ng populasyon na nagtatrabaho ay uri ng yamang
tao. Ang populasyon ng Pilipinas ay lampas 100 milyon, at sa mundo ay higit pitong milyon. Kung iisipin ay
napakarami na ng tao sa mundo. Ngunit kung iisipin muli sa konteksto ng paggamit, sa kasong ito ay sa
trabaho at kakayahan makikita pa rin natin ang kakapusan. Hindi lahat ng tao ay nagiging guro, software
developer, ekonomista, o di kaya’y NBA player. May kaukulang pagsasanay, pag-aaral, kakayahan, at
pagkawili na kinakailangan upang magampanan ang iba’t ibang papel sa lipunan.saganitong paraan, makikita
ang kakapusan ng yamang tao.

14. Yamang Kapital


May iba’t ibang uri din ang yamang capital. Ito ang uri ng pianagkukunang-yaman na nanggagaling saa
gawang tao na ginagamit upang gumawa ng produkto o serbisyo. Kasama na rito ang mga makina, gusali, at
teknolohiya. Malaking bahagi ng laki ng produksiyon ay nakasalalay sa yamang capital at yamang tao. Kung
ang manggagawa ang may dala nang kasanayan at kaalaman, ang yamang capital naman ang nagdidikta ng
buong lawak ng produksiyon gamit ang kakayahan ng yamang tao ayon sa antas ng teknolohiya, laki ng
makinarya, at estadong pinansiyal.

Kakapusan ng Iba pang Pinagkukunang-yaman


15. Bukod sa yamang likas, yamang tao, at yamang capital, maaari ding tukuyin ang espasyo,
impormasyon, at oras bilang iba pang mga pinagkukunang-yaman. Lahat ng ito ay ating ginagamit
sa iba’t ibang paraan at lahat ng ito ay may hangganan kaya’t maaari silang ituring na napapaloob
din sa konsepto ng kakapusan.

Magbalik Aral tayo


Ang kakapusan ay ang hindi kasapatan ng mga pinagkukunang-yaman upang tugonan ang mga pangangailangan at
kagustuhan.

Dahil ang ating mga pangangailangan at kagustuhan ay nakalalamang sa ating kakayahang punan ang mga ito,
kailangang pumili ng pinakamabuting paggamit ng mga pinagkukunang-yaman.

Ang yamang likas, yamang tao, at yamang kapital ang tatlong pangunahing pinagkukunang-yaman. Ang yamang likas ay
uri ng pinagkukunang-yaman na nagmula o makikita sa kalikasan. Ang yamang tao ay pinagkukunang-yaman na nagmula
sa lakas at abilidad ng tao. Ang yamang kapital ay pinagkukunang-yaman na gawa ng tao na siya namang ginagamit muli
upang gumawa ng iba pang produkto o serbisyo.

Ano ano nga po ulit ang tatlong pangunahing pinagkukunang-yaman?


Meron po tayong Yamang likas, yamang tao at yamang capital

Bukod naman sa tatlong pangunahing pinagkukunang yaman magbigay pa ng iba pang mga pinagkukunang-
yaman. Nariyan po ang espasyo, impormasyon at oras.

Maikling Pagsusulit

Takdang Aralin
Manood ng balita sa tebisyon o magbasa ng pahayagan. Itala ang pangunahing suliranin o katanungang pang-ekonomiya
sa bansa. Isulat ito sa isang piraso ng papel.

Activity instruction
gagawa ng poster/slogan na magpapakita ng tamang paggamit ng iba’t ibang pinagkukunang yaman. Isusulat ang dahilan
sa pagpili ng slogan at ipapakita ito.
Ang pagmamarka ay nakabase sa
a) Malinaw ang kaugnayan ng slogan sa konseptong tinalakay sa aralin. (8pts.)
b) Malikhain at malinis ang pagkakagawa sa poster; may kaugnayan ito sa slogan. (6pts)
c) Malinaw at lohikal ang paliwanag sa paglikha ng slogan. (6pts)
Kabuuang puntos - 20
Ang lahat po ng ito ay makikita nyo rin sa inyong lms

You might also like