You are on page 1of 13

Alturas, Claudia P.

Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

BSA 1-1 Prof. Emelinda C. Layos

Pagsusuri sa mga
kanta ni
G. Joey Ayala
Karaniwang Tao
Ako po'y karaniwang tao lamang Kapag naipon ay nagiging suliranin

Kayod-kabayo, 'yan ang alam Kaunting basura ngayo'y bundok

Karaniwang hanap-buhay Kotseng sira ay umuusok

Karaniwan ang problema Sabong panlaba'y pumapatay sa ilog

Pagkain, damit at tirahan

May lason na galing sa industriya

'Di ko kabisado 'yang siyensiya Ibinubuga ng mga pabrika

Ako'y nalilito sa maraming salita Ngunit 'di lamang higante

Alam ko lang na itong planeta'y Ang nagkakalat ng dumi

Walang kapalit at dapat ingatan May kinalaman din ang tulad natin

Kapag nasira, sino ang kawawa

[Ulitin ang CHORUS ng dalawang beses]

CHORUS

Karaniwang tao, saan ka tatakbo Karaniwang tao [4x]

Kapag nawasak iisang mundo

Karaniwang tao, anong magagawa [Ulitin ang CHORUS]

Upang bantayan ang kalikasan

Karaniwang tao

Karaniwang bagay ay 'di pansin [Ulitin hanggang matapos]

Pagsusuri:
Noong elementarya at hayskul palagi kong naririnig ang kantang ito. Wala akong
kamuwang-muwang noon na si G. Joey Ayala pala ang sumulat at umawit. Ngunit sa tuwing
ang usapan ay tungkol sa pangangalaga sa kalikasan ang unang kantang pumapasok sa isipan
ko ay ang Karaniwang Tao. Marahil tumatak ang kanta na ito sa akin dahil sa simpleng mga
liriko nito na may dala-dalang malalim na mensahe. Ang mga nakasalungguhit na liriko ay ang
mga salitang tumatak sa akin at sa tingin ko ay nagbibigay ng mahalagang pahayag.

Sa kabuuan, ang kanta na ito’y gustong ipabatid sa atin na kahit tayo’y karaniwang tao
mayroon tayong importanteng papel na ginagampanan sa ating kapaligiran. Binigay ito ng Diyos
sa atin upang matustusan ang ating pangangailangan mula sa pagkain, damit at tirahan, lahat
ng ito’y galing sa kalikasan. Marapat lamang na ibigay natin pabalik sa kalikasan kung ano ang
binigay nito sa atin, sa pamamagitan ng pangangalaga at pag-iingat dito.

Ngunit sa panahon ngayon tayo’y nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa mga


nasasaksihan at naririnig natin tungkol sa ating kalikasan. Madalas ay pinapaniwala natin ang
ating sarili sa kasinungalingan na hindi naman tayo ang ugat ng problema sa basura kundi ang
mga malalaking pabrika. “Sila ang problema, sila ang gumagawa ng plastic, sila ang
nagtatapon ng maraming basura.” Madalas natin makita ang pagkakamali ng iba na kung
minsa’y ‘di na natin nakikita ang sarili nating pagkakamali. Iniisip natin na ang maliit na basura
ay wala namang ganoong epekto sapagkat maliit lamang ito ngunit kung bawat Pilipino sa
bansa ay ganito ang pag-iisip, ang maliit na basura ay magsasama-sama at ang magiging
resulta, bundok ng basura.

Pero naniniwala akong ‘di pa huli ang lahat, maaari pa rin nating maisalba ang
naghihingalong kalikasan. Sa mga karaniwang gawain natin sa pang-araw-araw ay maaari
tayong makagawa ng malaking pagbabago tulad ng simpleng pagtapon ng basura sa tamang
tapunan, pag-iwas sa paggamit ng plastic, pagboluntaryo sa mga proyekto sa pangangalaga sa
kalikasan at iba pang gawain. Kung bawat isa sa atin ay ganito ang gagawin maaari nating
mapangalagaan at mapreserba ang ating kalikasan. Iisa lamang ang mundong ating tinitirhan,
at ang pamamalagi natin dito ay sandali lamang. Kung sisirain natin ito ngayon ay wala ng
matitira para sa susunod na henerasyon.

Padayon
Isang basong tubig Ngayong araw ay tatapusin ko.

Galing sa poso Isang subdibisyon limampung hektarya

Inutang na kanin Tatlong dosenang mansyon na magara

At malamig na ginamos Higanteng gusaling likha sa semento

Kaunting asin sa plastic na platito Kilo-kilometro ng kalsada... (Hala sige.!)

(Busog na bay!) (Banatan mo pre...!)

Pwede nang magtrabaho Oh-hoh kaytamis ng buhay

Sa aking balikat ay papasanin... Oh-hoh kay daling umasenso

Tatlong daang kilo ng asukal Hangarin koy makatikim ng kaunting hayahay

Limang daang sako ng denorado Subalit kailangang ipagpatuloy ang

Sanglibong kaha ng delata hanapbuhay

Sampung tonelada ng harina... Pagkat walang ibang makakagawa nito

Kalawanging bubong Paandarin ang makinarya

Pader na may butas Bigyan ng buhay ang industriya

Posteng pilay Patakbuhin ang ekonomiya

At sahig na paduyan duyan Padayunon ang pagpangita...

Itong aking palasyo'y PADAYON...

Pagkatibay-tibay PADAYON...

(Pero pwede na pre.) PADAYON...

Tuloy ang hanapbuhay PADAYON...

Pagsusuri:

Padayon, isa sa mga paborito kong salita. Una ko itong narinig mula sa aking guro sa
Filipino na ang ibigsabihin ay ‘magpatuloy’. Ang kanta na ito ay umiikot sa mga manggagawang
Pilipino. Sinasalamin nito ang hirap at pagod na kanilang dinaranas sa araw-araw para buhayin
ang kanilang pamilya at paandarin ang makinarya ng industriya sa bansa.

Nakalulungkot isipin na ang mga taong gumawa ng mga naglalakihang at


naggagandahang mga bahay at gusali ay siya ring mismong mga taong naninirahan sa maliit,
masikip at tagpi-tagping mga bahay. Dugo’t pawis ang kanilang alay upang makatikim ng
kaunting sweldo na sapat lamang upang buhayin ang kanilang sarili pati na rin ang kanilang
pamilya. Pilit pinagkakasya ang kaunting salapi pambili ng pagkain upang magkaroon ng laman
ang tiyan at maging handa sa haharaping bigat na pasanin sa trabaho. Pasan nila sa kanilang
mga balikat ‘di lamang sako ng bigas, asukal, delata o harina kundi ang buong sambayanang
Pilipinas.

Ang manggagawang Pilipino ang nagpapaandar sa makinarya ng industriya at nag-


aahon ng ekonomiya ng bansang Pilipinas. Masakit isipin na sa panahon ngayon ay
pinagsasamantalahan ng mga naglalakihang kompanya ang mga mangagawang Pilipino. Dahil
sa hirap ng buhay at kakulangan sa edukasyon ang iba’y nasisilaw at walang pagdadalawang-
isip na tinatanggap ang mga trabahong inaalok sa kanila kahit kapalit nito’y mababang sweldo,
mahirap na trabaho, walang sapat na benepisyo at kung minsa’y perwisyo. Hindi na alintana
kung anong trabaho man ito ang mahalaga ay may sweldo, may maiuuwing salapi sa pamilya at
may maiihahanda sa hapagkainan. Hanggad man nila’y magpahinga pero wala silang
magagawa kundi magpatuloy sa paggawa.

Sa kabila ng kinakaharap na suliranin at pagsubok ng mga manggagawang Pilipino ay


patuloy rin ang kanilang paglaban sa kanilang karapatan. Hiling ko na sana ay marinig ng mga
nasa kinauukulan ang kanilang daing at hiling. Nais ipabatid ng kantang ito na kahit anong hirap
ng buhay tayo’y magpatuloy dahil naniniwala ako kung patuloy tayo sa pagsulong tayo rin ay
makararating sa paroroon. Padayon!

Papel
Ikaw ba'y may papel Papel, papel, papel, papel
Asan ang 'yong papel
Ano ang 'yong papel Magmula pagsilang, tayo ay pumapapel
Ang timbang at alay ini-record sa papel Pag naoospital ay kailangang lagdaan ang
Birthday at magulang sa papel masusulyap (oh)
Ito ang katibayan na tayo nga ay taong Kung masasawi, pangalan ng patay ay nasa
mapapel (oh)
Sige basahin mo kung sino ako sa libro na
Pagpasok sa eskwela, ang bitbit nati'y papel gawa sa (oh)
Natutong magbasa at sumulat sa papel
Ilang taong tinahak ang papel na daanan Tsike, pasaporte, lisensya (oh)
Patungong graduation na diplomang Rehistro, titulo, sedula (oh)
nakalukot na papel, papel Resibo, selyo, balota (oh)
Pati tissue pamahid sa lungkot man o ligaya
Paghanap ng trabaho, ang hanap ay papel (oh)
At ng matanggap abay kay bosing pumapel
Nang magtagumpay ay lumapad ang papel, Hindi maiwasang maalipin sa papel
papel Diwa mo't damdamin ay linawin sa papel
Kapag ang iyong hangarin ay sa papel tinapat
Tuwing kinsena at trenta may pasweldo na Ito ang susundin ng kaganapang umiikot sa
papel papel,
Nagkaroon ng credit card, pautang na papel
At ng di nakabayad, ang papel ay nabasa Papel, papel, papel
Kumayod, nagsumikap ng maayos at ng
dumami ang papel Ang nais makamtan ay i-drawing sa papel
Ang nais marating ay i-mapa sa papel
Nang may mapusuan, nag-I love you sa papel Ang mga hakbangin ay sa papel ihakbang,
Nang magkatuluyan, nagpirmahan sa papel papel
At nang magkapamilya ang papel
nadagdagan Papel mo sa sarili, papel mo sa agham
May lupa, bahay, tubig at kuryeteng Papel mo sa bayan at sa sanlibutan
babayaran ng papel Kung ikaw ay maligaw, papel ay balikan,
papel
Pag wala kang papel, wala kang papel
Hindi ka makaporma, di ka makapapel Pag wala kang papel, wala kang papel
Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell Hindi ka makaporma, di ka makapapel
Pag wala kang papel, wala kang papel Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell, papel,
Hindi ka makaporma, di ka makapapel papel, hey
Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell,
papel Kontrata sa gobyerno, negosyo (oh)
Kapag nagkasakit, ang reseta ni dok ay sa Pasado o bagsak man na grado (oh)
(oh) Lahat ng balita sa dyaryo (oh)
Lalo na ang mga pera mo sa bangko (oh)

Pagsusuri:

Sa lahat ng kantang narinig ko habang ginagawa ang pagsusuri ng mga kanta ni G.


Joey Ayala ito marahil ang pinakapaborito ko sa lahat. Dahil sa kantang ito namulat ang aking
isipan at napagtanto kong umiikot ang buhay ng tao sa papel.
Mula sa tala ng kapanganakan, diploma sa eskwelahan, sertipiko ng karangalan, perang
sweldo kinsenas man o katapusan hanggang sa patunay ng ating kamatayan, lahat ng ito ay
nakasulat sa papel. Ang papel ay may iba’t ibang kahulugan maaaring magtukoy ito sa bagay
na ating pinagsusulatan. Mapapel o epal ito ang tawag sa mga taong gusto ng labis na
atensiyon tulad ng mga politiko tuwing eleksyon. Kahit saan ka tumingin makikita mo ang mga
naglalakihang papel na may pangalan at mukha nila. Isa pang kahulugan ng ‘papel’ ay
‘responsibilidad’ na makikita sa lirikong “Papel mo sa bayan at sa sanlibutan”.

Kahit na maraming kahulugan ang papel sa kantang ito nangingibabaw pa rin para sa
akin ang pinakasinisimbolo ng papel, pera. “Hindi maiwasang maalipin sa papel,” marami sa
atin ang nagpapaalipin sa pera, lahat ay gagawin natin para makahawak ng sandamakmak na
papel. Noong bata ako gusto kong yumaman, gusto ko magkaroon ng maraming pera ngunit sa
paglaki ko nakita kong hindi madaling magkaroon ng pera, sabi nga ng nanay ko “Ang pera
hindi napupulot, pinaghihirapan ‘yan!” Napagtanto ko rin na ang pera ang ugat ng kasamaan.
Ang mga taong gahaman sa pera ay kayang gawin ang lahat kahit buhay ang kapalit kaya
nilang ialay. Sa mundong pinapaikot ng papel, pati rin tayo ay kaya nitong paikutin. Mga taong
bayaran katulad na lamang ng mga opisyales natin sa gobyerno. Kahit mahirap ang nasa tama
at mayaman ang nasa mali, sa harap ng hustisyang nakapiring ang may pera ang mas
matimbang pa rin.

Nais ng kantang ito na iparating sa atin ang mensaheng huwag tayong magpaikot sa
papel, sa kahit anong uri ng papel. Huwag tayong maging bayaran. Walang halaga ng kahit ano
mang salapi ang makapapantay sa ating dignidad at karangalan. Huwag tayong mag-aral para
makakuha lamang ng papel. Mag-aral tayo para matuto. Hindi mahalaga kung bagsak o pasado
ang nakalagay sa ating papel. Ang mahalaga ay kung papano natin itatama ang ating
pagkakamali at patuloy na matuto sa proseso. Hindi natin madadala ang papel kapag tayo’y
namatay kung kaya’t gamitin natin ito ng tama habang tayo’y nabubuhay.

Kung kaya mong Isipin


Kung kaya mong isipin, kaya mong gawin

Isa-isang hakbang lamang at ika’y makakarating

Tulad ng puno na galing sa binhi


Ang mga dakilang gawa’y nagmumula

Sa guni-guni

Kung ang nais mo’y maging malaya

Sa mundong puno ng panunupil

Buhayin sa sarili ang malayang paraan

At sa araw-araw na pakikitungo sa tahanan at lipunan

Buhayin sa sarili ang malayang paraan

Kung ang nais mo’y maging payapa

Sa mundong puno ng digmaan

Buhayin sa sarili ang payapang paraan

At sa araw-araw na pakikitungo sa tahanan at lipunan

Buhayin sa sarili ang payapang paraan

Ang mga dakilang gawa’y nagmumula sa guni-guni

Kung kaya mong isipin, kaya mong gawin

Isa-isang hakbang lamang at ika’y makakarating

Tulad ng puno na galing sa binhi

Ang mga dakilang gawa’y nagmumula sa guni-guni

Ang mga dakilang gawa’y nagmumula sa guni-guni

Pagsusuri:

“Kung kaya mong isipin, kaya mong gawin,” unang linya pa lang ng kanta ay nakuha na agad
ang aking atensyon. Naniniwala akong kahit anong bagay ay kaya nating gawin kung may
tiwala tayo sa ating sarili at may malakas na pananampalataya sa Diyos. Ngunit hindi sa lahat
ng pagkakataon tiwala sa sarili lamang ang mahalaga kailangan din nating gumawa at
magsumikap. Kung puro tayo pangarap at hiling wala ring mangyayari sa ating buhay. Nasa
Diyos ang awa nasa tao ang gawa. Kung minsan ay mahilig tayong humiling ng mga bagay na
gusto natin pero wala tayong ginagawa para ito ay matupad. At kung hindi naisakatuparan ang
ating kahilingan at panalangin sinisisi natin ang Diyos. Kung gusto nating matupad ang ating
pangarap marapat lamang na magsumikap tayo para maabot ito. Dahil walang iba ang
makagagawa nito kundi ang ating sarili.

Sa pag-abot natin sa ating pangarap ang daan na tatahakin ay hindi magiging madali.
Maraming pagsubok ang ating kakaharapin na magpapahina sa ating loob at magbibigay rason
sa atin para sumuko. Ngunit hindi dapat tayo magpatinag bagkus dapat mas lalo pa tayong
maging matatag. Hindi mahalaga kung gaano kabilis ang ating pagtahak patungo sa ating
pangarap. Ang buhay ay hindi isang karera. Makikita nating mayroong mas mauuna sa atin
ngunit hindi nangangahulugan na kapag nauna sila’y talo na tayo. Bawat tao ay may iba’t ibang
landas na tinatahak. Kung minsan ang landas na ating pinili ay sadyang napakalayo pero kung
patuloy tayo sa paghakbang maliit man o malaki tiyak tayo ri’y makararating sa ating
patutunguhan.

Kung kaya nating isipin kaya nating gawin. Kung hangad nati’y kapayapaan at kalayaan
dapat magsimula ito sa atin. Kung hangad natin ay kapayapaan, magbigay tayo ng kapayapaan
sa iba. Mabuting pakikipagkapwa tao at pakikitungo sa lahat ng ating nakakasalamuha. Kung
hangad natin ay kalayaan, magbigay tayo ng kalayaan sa iba. Bigyan natin ang iba ng
pagkakataon na sabihin ang kanilang opinyon at hangarin. Bigyan natin ang iba ng
pagkakataon na palayain ang kanilang damdamin. Magbigay tayo ng respeto sa bawat isa,
respeto sa ating relihiyon, kultura at paniniwala. Respeto sa lahat ng ating pagkakatulad at
pagkakaiba. Kung kaya natin isipin, kaya nating gawin. Kung kaya natin itong gawin,
kapayapaan at kalayaan ay tiyak na makakamtan natin.
Ikaw na may Baril
Ikaw na may baril

Mabigat ang yong pasanin

Pagpisil mo ng gatilyo

Ilang buhay ang kikitilin

Ilang anak ang iiyak

O ‘di kaya’y ‘di maisisilang

Pagpisil mo ng gatilyo

Isip-isipin mo lang

Ang balang tingga

Ay walang mata

Kung saan ka nakaturo

Doon siya pupunta

Kaya ikaw na may baril

Tiyakin mo ang iyong layunin

Pagpisil mo ng gatilyo

Ano ang nais mong abutin

Ikaw ba’y tagapagligtas

O ‘di kaya’y isa lamang mandarahas

Pagpisil mo ng gatilyo

Isip-isipin mo lang

Pagsusuri:
Ang kantang Ikaw na may Baril ay isa rin sa mga awitin ni G. Joey Ayala na nakapukaw
sa aking damdamin. Tinatalakay ng kantang ito ang isa sa mga napapanahong isyu sa ating
bansa patungkol sa mga pulis. Noong nakaraang taon lamang isang insidente ang nangyari na
nagpabago sa tingin ng publiko sa mga pulis. Ang kaso ni Kian Loyd delos Santos ay isa
lamang sa mga isyu na nagpabaliktad sa magandang imahe ng mga pulis sa ating lipunan.

Mga nakasuot ng malinis na uniporme na puno ng makikintab na mga medalya at sa


gilid ng bewang nila’y may nakasabit, maliit na bakal na kayang kumitil ng buhay. Mga pulis,
respetado dahil sa kanilang posisyon sa lipunan, minsa’y kinakatakutan. Tagapagpatupad ng
batas at tagapagtanggol ng naaapi, para sa iba’y marahil sila ay mga bayani. Ngunit kapalit ng
mataas na katungkulan ay mabigat na responsibilidad. Hawak nila’y sandata na maaaring
gamitin sa mabuti o sa masama. Sandatang maaaring makasagip o kumitil ng buhay.

Ang iba sa kanila’y ginagamit ang posisyon sa kasakimaan. Ginagamit ang katungkulan
upang manlamang sa kanilang kababayan. Paano matitigil ang mga krimen at mahuhuli ang
mga kriminal, kung ang nagpapatupad ng batas ay siya rin mismong lumalabag. Malakas ang
kanilang loob dahil sila’y may baril dahil alam nilang takot ang mga tao rito. Kapag tinapat na ito
sa iyong sentido wala ka ng magagawa kundi sundin ang kanilang pinag-uutos. Ang buhay ng
isang tao ay nakasalalay sa daliring nakakapit sa gatilyo. Isang maling galaw lamang sa loob ng
isang segundo maaring mawala ka sa mundo.

Nais ipabatid ng kantang ito lalong-lalo na sa mga taong may hawak ng gatilyo na isipin
ang kanilang layunin. Bakit ako naging pulis? Para ba sa karangalan at karangyaan o para sa
katarungan at kaayusan? Para kanino ako naglilingkod sa pera ba o sa bayan? Ako ba ay
tagapaligtas o tagakitil ng buhay? Bawat katungkulan ay may kaakibat na responsibilidad.
Mahalaga lamang na alam natin kung ano ang magiging kahihinatnan ng ating mga kilos. Ang
kanta na ito’y hindi lamang para sa may mga baril kundi para sa lahat ng tao. Dahil hindi
lamang baril ang kayang kumitil.
Ang Pilipino ay Tayo
Pagmasdan ang bahaghari

Supling ng araw at ulan

Kulay niya ay sari-sari

Mga bahagi ng isang kabuuan

Tulad nito ang Pilipino

Iba't-iba ang kalinangan

Lahi, tribo, pulo at probinsya

Bahagi lamang ng isang bayan

Ang Pilipino ay tayo

Ang Pilipino ay tayo

Pinagisa ng kasaysayan

Ang Pilipino ay tayo

Ang Pilipino ay tayo

Narito ang ating lakas

Sa pagkakaiba-iba

Tahakin ang ating landas

Sa pagkakaisa

Ang Pilipino ay tayo

Ang Pilipino ay tayo

Ang Pilipino ay tayo

Ang Pilipino ay tayo


Pagsusuri:

Napansin kong sa bawat kanta ni G. Joey Ayala, iba’t ibang paksa ang kanyang
tinatalakay at sa bawat paksang iyon ay mahusay niyang naipapahatid ang kanyang mensahe
gamit ang kaniyang liriko at musika. Ang iba ay mahaba at mayroong maraming liriko ang iba
naman ay maikli at kakaunti lamang ang mga salita ngunit bawat kanta ay may mahalagang
aral na nais ipabatid.

Isa sa mga kantang may kakaunting liriko ay ang kanta niyang pinamagatang Ang
Pilipino ay Tayo. Ngunit sa kabila ng kaunting mga salita sa kantang ito ay napakaraming
interpretasyon ang mahihinuha. Sa kanta inihalintulad ang mga mamamayang Pilipino sa
bahaghari. Ang bahaghari’y may iba’t ibang kulay na nagpapaganda dito katulad ng
sambayanang Pilipino na may “iba't-ibang kalinangan, lahi, tribo, pulo at probinsya”. Ang
pagkakaiba natin sa isa’t isa ay siyang mas lalong nagpapaganda sa ating kultura.
Magkakalayo man ang ating mga pulo ay nasa iisang bayan pa rin tayo, sa bansang Pilipinas.
Iba’t iba man ang wika na ating sinasambit, iisang dugo ang nananalaytay sa ating ugat. Iba’t
iba man ang ating lahi, iisang kasaysayan ang humulma sa atin bilang isang Pilipino. Ang
Pilipino ay tayo.

Maaaring ang pagkakaibang ito ay magdulot ng alitan at hindi pagkakaunawaan sa


pagitan natin. Ngunit dapat palagi nating isipin na tayo ay Pilipino, mamamayan ng bansang
Pilipinas na may iisang hangarin at iyon ay paunlarin ang ating bayang sinilangan. Huwag
nating gawing kalaban ang sarili nating kababayan. Gawin nating sandata ang ating
pagkakaiba. Dahil sa pagkakaiba natin iba-iba rin ang ating kalinangan, kahusayan at
karunungan. Huwag tayong magpakahon sa ordinaryo, sa pagkakaiba natin tayo’y
magpakaekstraordinaryo. Huwag tayong gumaya sa ibang mga bansa sapagkat may sarili
tayong pagkakakilanlan na dapat nating linangin at paghusayan. Gawing nating daan ang
pagkakaiba patungo sa pagkakaisa. Sa huli walang magtutulungan kundi tayo-tayo rin.
Tulungan natin ang isa’t isa na mapaunlad ang ating sarili kasabay ng pag-unlad ng bawat
Pilipino ay ang pag-unlad ng bansang Pilipinas. Huwag tayong matakot na maging iba dahil dito
mas naipapakita natin kung sino tayo, tayo ay Pilipino.

You might also like