You are on page 1of 12

2232231

2425262728293031
Gawain: Magsaliksik
Tayo!

Ang gawaing ito ay maaaring isagawa ng isahan o pangkatan. Kung isasagawa bilang
pangkatang gawain, malaya ang bawat mag-aaral na sumapi sa ibang kamag-aaral na nais
niyang makasama at bumuo ng pangkat na may pare-parehong dami ng kasapi. Kapag
naisaayos na ang bawat pangkat, makakatanggap kayo ng task card na inyong magiging
gabay sa pagsasagawa ng gawain.

MGA GABAY SA PAGTUPAD NG GAWAIN


 Itatakda sa inyo sa pamamagitan ng palabunutan ang isang
rehiyon sa Asya na bibigyang pokus ng inyong pananaliksik at
paglalahad.
 Magsagawa ng pananaliksik at mangalap ng mga datos tungkol sa
katangiang pisikal ng rehiyong inyong nabunot, maging ang naging
pagtugon ng mga tao rito, mga isyu at mga usaping kinakaharap.
Gumawa ng pangkatang ulat batay sa pangkalahatang Data
Retrieval Chart na ipamamahagi sa mga pangkat
 Iulat ang inyong pangkatang pahayag sa uri ng paglalahad na
inyong nais: brainstorming, round table discussion, lecturette,
interview, role playing, tour, etc.
 Sa dulo ng paglalahad ay magbahagi ng inyong paglalahat tungkol
sa inyong iniulat sa pamamagitan ng paglalagay ng mga hinihinging
detalye sa ipapaskil na Data Retrieval Chart. gawain.

2232232
2425262728293031
Ang kabundukang Ural na nasa rehiyong
ito ang humahati sa mga kontinente ng
Europe at Asya. Ang Bering Sea ang nag-
uugnay sa Hilagang Asya at Alaska. Dahil
ang rehiyong ito ay may pinakamahabang
panahon ng taglamig at napakaikling tag-
init hindi kayang tumubo sa kalakhang
bahagi nito, ang anumang punong kahoy.
Sa ilang mga bahagi ng rehiyong ito ay
may malalawak na damuhan na may iba’t
ibang anyo (steppe, prairie at savanna), at
may kaunting bahagi na bareal forest o
taiga na may kagubatang coniferous.
Bunsod ito ng malamig na klima sa
rehiyong ito.

2232233
2425262728293031
2232234
2425262728293031
2232235
2425262728293031
Sa paraan ng inyong paglalahad ng mga katangian at mahahalagang
impormasyon, ang pagganap ng iyong pangkat ay mamarkahan batay sa mga
pamantayan na nakapaloob sa mga sumusunod na rubrics:

Iskala
5 - napakahusay ng pagganap at pagsasakatuparan
4 - mahusay ang pagganap at pagsasakatuparan
3 - hindi gaanong mahusay ang pagganap at pagsasakatuparan
2 - hindi mahusay ang pagganap at pagsasakatuparan
1 - hindi nagampanan at naisakatuparan

Para sa gagamit ng Interview:

2232236
2425262728293031
Para sa gagamit ng Brainstorming:

Para sa gagamit ng Role Playing:

2232237
2425262728293031
Narito ang Data Retrieval Chart na pupunan ng mga datos sa proseso ng paggawa ng
paglalahat. Maaari ding balikan ang mga teksto tungkol sa mga uri ng klima at vegetation
cover ng Asya na nasa naunang mga pahina mula rito.

2232238
2425262728293031
Pamprosesong Tanong

1. Maglahad ng paghahambing at pagtutulad sa katangiang pisikal ng Hilagang


Asya at Kanlurang Asya, ng Timog Asya at Silangang Asya, at ng Mainland
Southeast Asia at Insular Southeast Asia.
2. Ano-ano ang bahaging ginampanan sa pamumuhay ng mga Asyano ng mga
kabundukan at ilog sa Asya?
3. Paano naaapektuhan ng mga monsoon, mga bagyo, at ng mga lindol ang pisikal
na katangian ng ibat ibang rehiyon ng Asya? Ikaw bilang isang Pilipino at Asyano,
ano ang magiging kapakinabangan mo sa pagkakaroon ng ganap na kaalaman sa
katangian ng mga natural na kalamidad na dinaranas ng ating bansa?

Dahil sa marami ka nang nakalap na impormasyon tungkol sa heograpiya at


katangiang pisikal ng Asya, maaari mo nang ikumpara ang mga nabuo mong
kaisipan sa mga pang-una mong kasagutan sa mga tanong na iyong inilahad sa
unang bahagi ng modyul na ito. Ano sa mga pang-una mong sagot ang tama? Alin
ang kinakailangan ng pagwawasto? Ano ang mga nabuong misconceptions na
ngayon ay iyo nang maitutuwid? Kung sapat na ang iyong pag-unawa sa pisikal na
katangian ng Asya at ang pagtugon ng tao dito upang makabuo siya ng isang uri ng
pamumuhay na bahagi ng kanyang kabihasnan, handa ka nang gampanan ang
susunod na gawain.

2232239
2425262728293031
Gawain: Pag-akyat Tungo sa Ganap na Pag-
unawa!

Simulan mo na ang pangalawang bahagi ng iyong pormatibong pagtataya. Nasa


kalagitnaan ka na ng iyong paglalakbay at ilang pagsasanay na lamang ay makabubuo
ka na ng pag-unawa tungkol sa aralin. Kung kaya’t ngayon, matapat mong punan ng
paglalahad ng iyong kaisipan ang kasunod na cloud callout.

Natuklasan ko ang pisikal na


katangian ng mga rehiyon sa
asya ay
_________________________
_________________________
_________________________
_______________________na
nakaimpluwensya sa
pamumuhay at kultura ng mga
asyano

22322310
2425262728293031
Sa bahaging ito ng modyul ay nilinang mo sa pamamagitan ng talakayan at iba’t ibang
gawain ang tungkol sa heograpiya at katangiang pisikal ng mga rehiyon ng Asya. Inaasahang
mula rito ay naiwasto mo na ang mga maling konsepto at nabigyang linaw ang mga
katanungang pansamantalang nakabalam sa iyong pagtuklas ng mahahalagang impormasyon
kaugnay ng paksa.
Ngayong batid mo na ang mahahalagang ideya tungkol sa aralin, palalimin pa natin ito
sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng ating mga gawain na nasa susunod na bahagi ng modyul
na ito.

22322311
2425262728293031
1. https://www.slideshare.net/dan_maribao/ka
saysayan-ng-asya-modyul-1-araling-
panlipunan-grade-8?from_action=save
2. https://www.slideshare.net/charlymagne_2
8/araling-panlipunan-learning-module

22322312
2425262728293031

You might also like