You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Private Education Assistance Committee

PAGADIAN JUNIOR COLLEGE (PJC), INC.


Balangasan District, Pagadian City

S E L F - L E A R N I N G M O D U L E NO. 1
E.S.P 10
3rd Quarter, SY 2022-2023
NAME: _______________________________________ DATE: _________________
GRADE & SECTION: ___________________________ TEACHER: _____________
Content Standard: Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa pagmamahal ng Diyos.

Performance Standard: Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos.

Learning Competencies: Ang mga mag-aaral ay nakakapag: (A) Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang
pagmamahal sa Diyos sa kongkretong pangyayari sa buhay EsP10PB-llla-9.2 (B) Napangangatwiranan na: Ang
pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa EsP10PB-lllb-9.3
Subject Matter: PAGMAMAHAL SA DIYOS
Learning Objectives: Pagkatapos ng aralin, 75% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nakakapili ng simbolo ng pagmamahal sa Diyos
M. Nakapaglalahad na ang Pagmamahal sa Diyos ay siyang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng
pagsagot sa tsart.
T. Nakapagbibigay hakbang upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos
Essential Question: Bakit mahalaga ang pag-unawa sa pagmamahal ng Diyos?
Materials: Module, pen and paper, books, internet Suggested Time Allotment: 8 hours
Learning Resources: Paano Magpakatao10, RexTextbooks pp.212-230
Core Values: Dedicated, Perseverance, Patriosm, and Godliness Prepared by: Ms. Ridzna D. Dacula, LPT

Pray first before answering this


module. You may say your own
prayer, or you may read this prayer.

Dear Allah/God.

Thank you for giving me this opportunity to learn new skills and
stretch my understanding. Thank you for guiding me through this time of
study and for answering my modules. Thank you ALLAH/GOD, for all
the people you have placed around us. For every single parent, friend and
teacher that we trust. Help me focus on what’s essential since I’m
utilizing my time and energy on this module. Lastly, may I receive your
peace knowing that I have involved myself in today’s challenges. Amen.
Happy New Year mga Anak! Kamusta na kayo? Ako’y nagagalak na magbahagi ng
My signature indicates complete
panibagong kaalaman sa linggong ito. Batid ko’y handa na kayo sapagkat mahaba-haba
academic honesty (e.g., not sharing anything
na rin ang inyung pahinga sa pagsagot ng mga modules.
from Kaya
this module saothers
with dalawang linggo
who may nais
be taking
some version of it or
kung sagutan ninyu ng maayos ang module na ito.engaging in any form of
cheating, treachery, and fraud). I also
acknowledge that any confirmed act of
dishonesty will result to disqualification of this
module and appropriate sanctions, including
parent-teacher conference and a mark of Zero
(0) will be imposed.

_____________________
Signature over Printed Name
Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kung ang isang kabataan ay naging biktima ng paghihiwalay ng magulang, paano ang tamang pagpapasiya at pagkilos?
a. Magrebelde sa ginawa ng magulang.
b. Mahirap tanggapin ang katotohanan ngunit baguhin ang takbo ng sariling buhay.
c. Gumamit ng drogra para makalimot sa mga problema.
2. Paano naipamamalas ang mataas na antas ng paggamit ng isip at kilos-loob?
a. Patuloy nap ag-aaral at pagpupunyagi
b. Paggamit ng kaalaman sa pagtulong sa mahihirap
c. Pakikilahok sa paminsan-minsang paggawa ng kabutihan para sa higit na nangangailangan
3. Sa mga yugto ng makataong pagkilos, alin ang higit na nakatutulong sa tamang pagpapasiya?
a. Interes sa pangyayari
b. Deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa
c. Pag-alam sa nararamdaman
4. Makatarungan ba ang ang panloloko sa kapwa?
a. Oo, lalo na’t ikaw ay minsang niloko nadin.
b. Hindi, sapagkat ito’y lumalabag sa dangal pantao.
c. Hindi, dahil hindi makataong kilos ang iyong ipinapakita.
5. Paano mo masasabi na makatarungan ang iyong kilos?
a. Sa pamamagitan ng pagtulong sa iba.
b. Sa pamamagitan ng paglahok sa barangay
c. Sa pamamagitan ng pagiging mapanagutan sa lahat ng iyong kilos

EXPLORE
Activity 1: Simulan Natin!

Madalas na naitatanong natin sa ating sarili kung mahal ba tayo ng Diyos. Subalit marahil ay hindi natin
minsan man naitanong o naisip kung mahal ba natin ang Diyos at kung paano natin maipapahayag ang
pagmamahal na ito. Higit sa lahat, paano mamahalin nang buong puso, kaluluwa, isip at lakas ang Diyos?

Panuto: Ano ang iyong ideya ukol sa pagmamahal sa Diyos? Ibigay ang iyong pakahulugan
sa konseptong ito at isulat sa ibaba.

Ang Pagmamahal sa Diyos ay …..

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_

FIRM-UP
Ang Pagmamahal sa Diyos
Ang pagmamahal ay isang matinding damdamin ng ugnayan, debosyon, o paghanga. Para sa tao, ang pagmamahal na
ito ay kondisyonal o nakabatay sa mga pamantayan ng ating itinakda upang maging karapat-dapat ang ating kapwa na
makatanggap ng damdaming ito mula sa atin.

Ano ang katangian at kalikasan ng pagmamahal ng Diyos?


Ang pagmamahal ng Diyos ay walang kondisyon. Ito ay hindi nakabatay sa bagay na taglay natin o sa ginagawa natin.
Hindi kayang impluwensyahan ng anumang bagay ang pagmamahal na maaring ibigay sa atin ng Diyos. Ito ay isang bagay na
hindi natin kailangang pagsumikapang makamit. Ito ay ibinibigay Niya sa atin hindi dahil karapat-dapat tayo o pinasasaya natin
Siya kundi dahil ito ang Kaniyang kalikasan.

Ang pagmamahal ng Diyos ay walang katapusan at hangganan. Walang anuman na maaari nating gawin ang
makahahadlang sa pagmamahal ng Diyos sa atin. Ang pagmamahal na ito ay hindi sumusuko, hindi nauubos, at hindi
natatapos.

Ang kakayahan ng Diyos na magmahal nang walang kondisyon, walang katapusan, at walang hanggan ay kahayagan
ng Kaniyang kalikasan sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Ang buhay at gawa ng Diyos ay kahayagan ng Kaniyang
kalikasang ito.

Ang pagmamahal ng Diyos ang sentro ng pananampalataya ng bawat tao. Upang maunawaan ang pagmamahal na ito at
magkaroon ng kakayahang magmahal sa kapwa, mahalagang magkaroon ng matalik na pakikipag-ugnayan sa Diyos.

Pagpapaunlad ng Pagmamahal sa Diyos


Ang pagmamahal ay salitang pakilos. Ito ay hindi kusang uusbong at lalago kung hindi natin sasamahan ng pagkilos.
May ilang mga gabay na maaaring makatulong upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos sa personal at pangkatang antas. Ito
ang sumusunod:

1. Buksan ang kaisipan at suriin ang bawat karanasan at sitwasyon sa buhay.


- Ang bawat pangyayari at karanasan sa buhay ng tao ay pinagmulan ng jajayahan na magmahal sa Diyos. Kadalasang
madali tayong madala sa mga pagsubok sa buhay na karaniwang nagiging dahilan upang mag-alinlangan tayo sa
pagmamahal ng Diyos.

2. Tingnan ang mga naisin at plano ayon sa kalooban ng Diyos.


- Mainam na ang ating mga balakin, adhikain, at pangarap sa buhay ay ilagay sa tamang perspektiba sa simula pa lamang.
Mahalagang tanggapin na hindi lahat ng ating naisin ay maaring maganap.
3. Maglaan ng panahon upang kilalanin ang Diyos.
- Anuman an g ating paniniwala, mahalaga na maglaan ng regular na panahon sa bawat araw upang higit na kilalanin ang
Diyos. Pinalalago natin ang pagmamahal sa isang tao sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na panahon upang
malaman natin kung sino ang ang taong ito, ano ang kaniyang katangian, at gaano siya karapat-dapat sa pagmamahal
natin.
4. Makilahok sa mga pangkatang gawain sa inyong simbahan.
- Mainam din na aktibong makilahok at makiisa sa mga gawain ng ating simbahan. Ang sama-samang pagdarasal at
pagninilay sa salita ng Diyos ay makapagpapalawak ng kaalaman at karunungan ng bawat isa.

Sa araling ito mga mag-aaral, tutulungan ko kayong matuklasan at mapalalim pa ang inyung pag-unawa
sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng pagmamahal sa Diyos.

IBAHAGI ANG ISIP AT DAMDAMIN

Activity 2: Simbolo ng Pagmamahal sa Diyos

Panuto: Alalahanin ang isang sitwasyon sa iyong buhay kung saan naranasan mo ang pagmamahal ng Diyos. Pumili
ng isang simbolo o representasyon ng karanasang ito at iguhit ito sa kaon at sulatan ng maikling paliwanag kung
bakit ito ang napili mong simbolo.
DEEPEN
Activity 3: Kompletuhin ang Tsart

Panuto: Kompletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagsulat sa unang kolum ng mga limang karanasan o sitwasyon
mo sa buhay maging positibo o negatibo. Sa ikalawang kolum, humanap ng mga pahayag mula sa Banal na
Kasulatan o sa Qur’an para sa bawat karanasang itinala na nagpapahayag ng pagmamahal sa Diyos sa tao na nasa
ganitong kalagayan o sitwasyon sa buhay.

Karanasan Kapahayagan ng Pagmamahal ng Diyos


Halimbawa: Materyal na kakulangan, kahirapan Fil. 4:19-At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng
Diyos, ibibigay Niya ang lahat ng inyong kailangan sa
pamamagitan ni Cristo Jesus.

GAWIN MO SIMULA NGAYON


Activity 4: Sino ang Mahal mo?
Panuto: Sino ang mga tao sa iyong buhay na nahihirapan kang mahalin? Isulat ang kanilang pangalan sa unang
kolum. Kung nais mo, maaaring gumamit ng simbolo para sa bawat isa sa halip na ibigay ang kanilang pangalan. Sa
ikalawang kolum, isulat sa tapat ng bawat taong tinutukoy ang plano mong gawin upang unti-unting maipakita sa
kanila ang pagmamahal bilang kapwa.

Mamahalin ko si…… Sa pamamagitan ng……..


Halimbawa: Ang aking Half Sister Hindi kami lumaki sa isang pamilya, galit ako sa kanya
dahil pinerahan niya lang ang aming Ama. Subalit
kahit anong aking gawin alam ko sa puso na kapatid ko
parin siya kaya mamahalin ko siya sa pamamagitan ng
paggalang sa kanya.

TRANSFER

Activity 5: Tayain ang iyong Hakbang


Panuto: Magbigay ng mga hakbang na iyong gagawin upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos. Tayain ang sariling
pagsasagawa nito sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (/) sa angkop na kolum.

Hakbang sa pagpapaunlad Palaging Naisasagawa Naisasagawa paminsan- Hindi Naisasagawa


sa Pagmamahal sa Diyos minsan
1.

2.

3.

4.

5.

Tayain ang mga hakbang na natukoy para sa pagpapaunlad ng pagmamahal sa Diyos at ang pagsasagawa
nito sa pamamagitan ng rubrics.

Pamantayan 1 2 3
Nauunawaan ang mga Hakbang Hindi nauunawaan ang mga Ilan sa mga hakbang na Lahat ng hakbang na natukoy
hakbang na natukoy natukoy ay hindi nauunawaan ay nauunawaan
Makatotohanan ang mga Ang mga hakbang ay May mga hakbang na Lahat ng hakbang ay pawang
Hakbang imposibleng isagawa/lubhang imposibleng isagawa/mahirap posibleng isagawa
mahirap gawin gawin
Dalas ng Pagsasagawa Hindi isinasagawa ang mga Hindi regular na isinasagawa Palaging isinasagawa ang mga
tinukoy na hakbang ang mga tinukoy na hakbang. tinutukoy na hakbang

Lesson 2: Paggalang sa Buhay Bilang Pagmamahal sa Diyos at Kapwa

A- Nakikilala ang mga paglabag sa buhay ng tao

M- Nakapagbibigay ng tiyak na mga hakbang sa pagpapanatili ng kasagraduhan ng buhay


T- Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggalang sa buhay ng tao

Kahalagahan ng Buhay

Sagrado ang buhay ng bawat tao. Isa itong pinakamahalagang biyaya ng Diyos. Dahil dito, mahalaga na
pagyamanin ang buhay ng bawat isa sa pamamagitan ng angkop na pagkilos upang igalang ito. Bilang kabataan,
ikaw ay nasa kasibulan ng buhay. Maraming bagay ang iyong magagawa upang maging makabuluhan ang iyong
buhay. Gamitin moa ng iyong kabataan upang matuklasan ang tunay na kahulugan nito sa tulong ng pagpapaunlad
ng mga birtud at pagpapahalagang moral.

Ang Buhay ay Sagrado

Ang buhay ang pinakamahalagang biyayang kaloob ng Diyos sa tao. Kaloob ito ng Diyos upang kalingain at
pagyamanin. Sa kabila ng mga umuusbong na isyu at mga pangyayari na laban sa buhay, isang katotohanan ang
nananatili-hindi nakasalalay ang ating buhay sa ating sariling kagustuhan o kaginhawaan lamang.

Sagrado ang buhay mula sa kaniyang pagkalalang sa sinapupunan hanggang sa natural na pagpanaw sa
mundo. Maraming kadahilanan kung bakit dapat na pahalagahan at itaguyod ang buhay ng bawat isa.

Una: Nilikha at hinubog ng Diyos ang bawat tao na Kaniyang kawangis at kalarawan.

- Ang kabanalan ng buhay ay nakaugat sa kalikasan ng tao mula sa kaniyang pagkalalang hanggang sa
kaniyang kamatayan. Dahil dito, may kalikasan ang tao na magmahal, magsuri ng katotohanan, at
magtaguyod ng katarungan.

Ikalawa: Ang kasagraduhan ng buhay ang pinakamatibay na pundasyon ng dignidad ng tao.

- Mahalaga ang buhay ng bawat tao kahit ano pa man ang kaniyang gulang, kasarian at kulay. Naniniwala
tayo na ang mahihina, madaling mabiktima, o mahihirap ay kinakalinga. Gayundin, ang mga hindi pa
naipanganak, matatanda, may mga kapansanan at karamdaman, o malapit ng mamatay ay mahalaga ang
kanilang buhay.

Ikatlo: Ang buhay ng tao ay mayroong tunay na pananagutang panlipunan.

- Walang nabubuhay para sa sarili lamang. Nilikha ang tao upang maging mapanagutang tagapangalaga ng
lahat ng nilalang ng Diyos. Nilalang ang bawat tao sa kadahilanang mayroon siyang layunin at tunguhin
para sa kaganapan. Walang ibang nilalang na higit na banal kaysa sa tao.

Ikaapat: Likas ang karapatan ng tao na mabuhay

- Ang karapatang mabuhay ang una at pinakapangunahing prinsipyo ng karapatang pantao na siyang
batayan ng pagkakaroon ng higit na paggalang sa buhay ng tao. Ito ay kaugnay sa mga prinsipyo ng
kapayapaan at katarungan.

Sa araling ito, ipagpapatuloy moa ng iyong pag-unawa sa kahalagahan ng paggalang sa buhay. Ngunit,
magbabalik tanaw parin tayo sa araling ito sa susunod na Module. Kaya inaasahan kung sasagutan
niyo at babasahin niyo ng maayos ang module na ito.

TRANSFER

Activity 6: Buuin ang Pangunahing Pagkatuto

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa loob ng bawat hugis at ipaliwanag ang nabuong dayagram sa ibaba.
Ano ang mga patunay na may mga taong
walang paggalang sa buhay?

Ano ang buhay at saan Bakit kailangan ang


ito galing? paggalang sa buhay?
Ano ang mga patunay na may mga taong
paggalang sa buhay?

- End of Module-

Prepared by:

Bb. Ridzna D. Dacula, LPT

You might also like