You are on page 1of 7

SCRIPT: NGITI/BUNGISNGIS (draft 1)

Scene 1 (Bahay, kwarto, Kusina, Labas ng bahay)


Ang taas na ng sikat araw pero ang himbing parin ng tulog ni
CHRISTIAN, naka hilata, naka nganga ang baba na tila’y tumutulo pa
ang laway dahil sa sarap ng tulog. Ang kalat ng kwarto,madaming
papel, mga labahan, at mga supot ng chichiriya.
(Alarm ring)
CHRISTIAN:
Kainis naman oh, inaantok pa ang tao! (Sabay kamot sa ulo at
pinatay ang alarm sa cellphone).
Maingay na ang kalsada, maraming nag sisigawan na bata, tilaok ng
manok, tawanan ng mga tambay, at ingay ng mga nag aaway sa kapit
bahay.
CHRISTIAN:
(Biglang dumilat, walang imik at biglang ngumiti, walang anumang
salita, umupo sa kama at nag cellphone).
(Convo)
CHRISTIAN:
(Typing) Pre, sabihin mo kay ma’am mahuhuli ako sa klase. Ang
sakit kasi ng tiyan ko.
REPLY:
Sigi bilisan mo hoy. May recitation tayo sa physics.
(End of convo)
Tawang tawa si CHRISTIAN. Bigla siyang tumakbo sa aparador niya
kumuha ng polo at saluwal at pumunta sa CR para mag bihis. Hindi
nag tagal, pumunta siya sa kanyang salamin at inayos ang buhok at
nag pabango, mabilis niyang ipinasok ang kanyang charger at
notebooks sa bag at dali-dali siyang tumakbo palabas ng kanyang
kwarto.
Sa baba ng kanilang bahay, Nandoon ang mama niyang si LILIAN nag
hahanda ng umagahan nilang pandesal, itlog, at hotdog.
LILIAN:
SCRIPT: NGITI/BUNGISNGIS (draft 1)

Uy, anak papasok ka na? kain ka muna.(Hinanda ang plato ni


CHRISTIAN)
CHRISTIAN:
(Nagulat siya sa kanyang mama)Oo ma, papasok na ako. late na kasi
ako, may recitation pa kami sa physics.
LILIAN:
Ganun ba, (Sabay bigay ng gatas)
CHRISTIAN:
Sige na ma, ito lang kakainin ko baka traffic ngayon sa maharlika.
(Dali dali niyang inubos ang gatas niya, at tumakbo palabas)
LILIAN:
(Sinundan niya ito) Anak! Bat di ka naka uniform?
CHRISTIAN:
Wala ma! May… may… event… oo ma may event sa school mamaya!
LILIAN:
Ganun ba?! Sige, mag ingat ka!
Scene 2: (Jeep)
Nasa harap ng jeep katabi ng driver si CHRISTIAN. Pawisan na ito
dahil sa hirap maka hanap ng jeep sa sakayan. Pero kahit ganun pa
man, mukhang masaya naman ang umaga niya. Habang nasa biyahe,
tinatanaw niya ang paligid at kasabay non ang kanyang palagiang
pag ngiti.
CHRISTIAN:
Boss,san ba to papunta?
DRIVER:
Tanginamo, bakit hindi mo ba alam kung saan ka papunta?
CHRISTIAN:
Hindi eh. (Sabay kamot sa ulo, at tumawa). Pero boss, dalhin mo
lang ako sa kahit anong lugar na gusto mo. Sagot kita diyan wag
kang mag alala.
SCRIPT: NGITI/BUNGISNGIS (draft 1)

DRIVER:
Nakung bata ka. Mag aral ka uy! Alam ko na yan boy, wag mo akong
bolahin. Yung paalam mo sa magulang mo papasok ka, pero lalakwatsa
ka lang.
Habang nasa biyahe, nadaanan nila ang park sa bayan nila,at
bilang napalingon si CHRISTIAN nung may nakita siyang babae nan
aka upo.
CHRISIAN:
Boss, boss! Para. Dito nalang ako. (Naka tutok parin ang mata
niya sa malayo)
DRIVER:
Singkwenta!
CHRISTIAN:
Bukas nalang boss! (Sabay takbo)
DRIVER:
Pota. (Sumigaw)Umagang umaga! Wag ka nang sasakay dito tarantado
ka!
SCENE 3: Park
Pagud na pagud sa kakatakbo si CHRISTIAN papunta sa babae. At
bigla niya itong niyakap nang walang alinlangan. Habang naka yakap
si CHRISTIAN, biglang sumigaw ang babae.

BABAE:
Manyak! May manyak dito! (Pilit niyang tinutulak si CHRISTIAN)
CHRISTIAN:
Alam ko na ipagtatabuyan mo ako sa oras na ito. Wag kang mag-
alala, saglit lang to. Mahal parin talaga kita. (Mahigpit ang
yakap ni CHRISTIAN at naka pikit pa ito sa sarap)
BABAE:
Ano? Teka lang. Sino ka ba? Anong mahal? Hindi nga kita kilala e.
CHRISTIAN:
SCRIPT: NGITI/BUNGISNGIS (draft 1)

(Binitawan ni CHIRSTIAN ang BABAE, at siya’y nahihiya sa ginagawa


niya, siya’y naka yuko lang) Hala, sorry po ate.

Shit nakakahiya, anu kaba CHRISTIAN (Sabi niya sa kanyang sarili)


Umalis ang babae sa harap niya at napa upo nalang si CHRISTIAN sa
gilid. Binuksan niya ang kanyang cellphone at may tinignan ito.
Siya’y ngumiti at nag lakad na siya.
Pinagpatuloy ni CHRISTIAN ang kanyang pag lalakad na tila’y
parang walang pupuntahan. Sa kanyang pag lalakad, nakita na niya
ang hinahanap niya, naka upo sa isang coffee shop at nag iisa.
Siya’y napahinto at makikita sa kanyang mukha ang pananabik at
kagustuhan na lapitan ang babae.Ang babae na yun ay nag ngangalang
JASMINE, ex niyang nag tagal sa relasyon na mahigit anim na
taon.Walang alinlangan na linapitan ni CHRISTIAN si JASMINE.
(tumakbo si CHRISTIAN papuntang COFFEE SHOP)
CHRISTIAN:
Jasmine! (Ang laki nang ngiti sa kanyang mga labi, at kumakaway pa
ito kay JASMINE)
Parang hindi siya napansin ni JASMINE.Nilapitan na niya ito at
umupo sa bakanteng upuan, at hinawakan nito ang dalawang kamay.

CHRISTIAN:
Dito lang pala kita mahahanap Jasmine. Kumusta kana? Miss na
talaga kita. San tayo ngayon?
JASMINE:
Ha? Anong miss mo ako? At tsaka anung san tayo ngayon? Di pa ba
malinaw sayo na wala nang tayo? (Kalmadong salita)
CHRISTIAN:
(Tulalang sagot ni CHRISTIAN)Ha? Diba nga sabi mo sakin mahal mo
ako? Ang labo mo naman (Sabay siyang ngumiti na akala niya’y nag
bibiro lang si JASMINE)
JASMINE:
Noon yun CHRISTIAN! Pucha! Wag kana kasing makulit, mag focus ka
nalang sa iba please.Walang kwenta yung ginagawa mo ngayon.Anu ba
SCRIPT: NGITI/BUNGISNGIS (draft 1)

yan! Buo na desisyon ko, kaya please lang CHRISTIAN, napapagud na


kasi ako kakasunod mo sakin.
CHRISTIAN:
Jasmine... (sabay hawak sa kamay ni JASMINE)Ikaw lang nasa puso’t
isip ko. Hindi ko alam kung bakit pero yun nga,kahit anung gawin
ko, ikaw na ikaw parin ang hinahanap nito (tinuro ang puso niya).
JASMINE:
Wala kang mapapala sakin CHRISTIAN! Sira na. Sira na CHRISTIAN!
(Napa luha)
CHRISTIAN:
Kung anu man yung sira na yan,aayusin nating dalawa, bumalik
kalang sakin.
Biglang tumakbo si JASMINE palabas nang coffee shop at sumakay
nang tricycle.
JASMINE:
Manong pasakay! Bilis!
Sinundan naman ito ni CHRISTIAN nang hindi nalalaman ni JASMINE

CHRISTIAN:
Boss! Boss! Pasakay nga.
DRIVER:
Saan tayo?
CHRISTIAN:
Basta sundan mo lang yung tricycle na yun
(Habang nasa tricycle)
Convo: (clip)
Unknown: San kana? Nabili mo na ba?
Reply: Wala po. Sarado na
Cont.Parang hindi pamilyar si CHRISTIAN sa daan, ngunit masaya ito
dahil malalaman na niya kung saan mahahanap si JASMINE.
Alas 5:30 na nang hapon, medyo madilim na ang paligid. Bumaba na
si JASMINE sa tricycle at pumasok ito sa gate ng isang bahay na
parang luma, at matagal nang hindi natitirahan.
SCRIPT: NGITI/BUNGISNGIS (draft 1)

LALAKE:
Ba’t ngayon ka lang! tangina naman oh! Hindi na nga nabili yung
pinapabili ko, halos isang taon pang nag biyahe papunta dito!
Tignan mo diyan! Walang sinaing! Walang ulam! Putangiang nanay mo,
nandun nanaman kena demonyong lita nag totongits! (more...)
Derideritso lang si JASMINE sa mga ginagawa niya habang
pinapakinggan ang sigaw nang kanyang step father. Nag saing siya,
nag linis nang kusina.Binuksan niya ang kanilang ref na sira para
mag handa nang ulam.
JASMINE:
To, wala nga palang ulam dito sa ref. Penge nang pambili para
makaluto na ako.
LALAKE:
Gago! Alam mo namang nandun sa nanay mo ang pera ko!, mabagal
nangang kumilos, hindi pa nag iisip!
Nakayuko lang ang ulo ni JASMINE habang pinapakinggan ang sumbat
nang ama nito
LALAKE:
Anu na? kumilos kana! Hingi kana sa nanay mo!
JASMINE:
Putangina mo! Gago ka rin! Dahil sayo nag kaganito kami ni nanay!
Pakyo! Tira kalang ng tira, wala namang silbi! (Sabay takbo
papunta sa kanyang kwarto)
SCRIPT: NGITI/BUNGISNGIS (draft 1)

You might also like