You are on page 1of 3

Amenoden L.

Norodin
BSED-FILIPINO 4
LIT 414-Pagpapahalagang Pampanitikan

LUPANG TINUBUAN
ni Narciso Reyes

Reaksyon:
Hindi na kaila sa atin ang mga ginawa ng ating mga bayani. Ipinaglaban nila ang
ating bayan laban sa mga mananakop. Matagal na pahanon silang nakibaka at
nakipaglaban sa mga mananakop makamit lamang ang ating kasarinlan. Ngayong
naging malaya na tayo, marami sa ating mga kababayan ang umaalis at nangingibang
bayan upang makahanap ng magandang pamumuhay. Sila ay nakikipagsapalaran sa
ibang bansa sa paniniwala na doon nila makakamit ang kaginhawaan. Hindi naman ito
masama kung iyon lang ang paraan upang sila ay makapamuhay ng maayos at
mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Ngunit ang masaklap ay
ang talikuran ang iyong lupang tinubuan at tuluyan na itong kalimutan upang yakapin
ang bagong kultura ng ibang bayan.
Ang kwentong pinamagatang Lupang Tinubuan na isinulat ni Narciso Reyes ay
isang magandang halimbawa ng maikling kuwento na dapat ituro sa ating mga
kababayan at lalong lalo na sa mga kabataan. Ang kwento ay nagbibigay ng isang
malaking aral sa ating lahat na kahit tayo ay umalis upang manirahan sa ibang lugar ay
dapat huwag nating kalimutan ang ating lupang tinubuan. Ang ating lupang tinubuan ay
walang kapares at kapantay. Kakaiba parin ang saya na nadarama kung ikaw ay
namumuhay sa iyong sariling bayan. Ang kwento ng batang si Danding ay nagpapatunay
na kahit ikaw ay mawalay sa iyong lupang tinubuan, ikaw ay babalik parin dito upang
mamuhay at damhin ang pag-ibig sa lupang tinubuan.
Implikasyon:
Walang magmamahal sa ating bayan kundi tayong mga Pilipino. Bilang isang
mamamayang Pilipino, dapat natin pairalin ang pagmamahal sa sariling bayan o ang
tinatawag na pagiging Makabayan. Dapat natin isa-isip, isapuso at isadiwa ang mga
ginawa ng ating mga bayani makamit lamang ang ating kasarinlan.Kung hindi dahil sa
kanila, marahil ay wala tayong tinatamasang kalayaan ngayon. Huwag nating talikuran
ang ating lupang tinubuan sa halip ito ay ating paunlarin. Maraming bagay ang maaari
nating gawin upang makatulong sa pagpapaunlad ng ating bayan. Kung sakaling tayo ay

1
mangingibang bayan, huwag nating kalimutang bumalik sa ating lupang tinubuan.
Huwag nating kalimutan ang ating mga kultura na namumukod tangi sa ating mga
Pilipino. Dapat pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno ang pagpapalakas sa ating
ekonomiya para magkaroon ng trabaho ang mga Pilipino upang hindi na sila mangibang
bayan pa. Ang pagiging makabayan ay dapat na pagyamanin at lagi itong isasali sa mga
aralin sa paaralan upang higit na maunawaan ng mga kabataan ang kahalagahan ng
pagmamahal sa sariling bayan. Sa huli, tayong mga Pilipino ang tanging may karapatan
na magmahal at manirahan dito sa ating lupang tinubuan.

UHAW ANG TIGANG NA LUPA


ni Liwayway Arceo (1943)

Reaksyon:
Ang pamilya ang itinuturing na pinakamahalagang bahagi sa lipunan. Ito ang
pangunahing pangkat sa komunidad. Dito madarama ang pagmamahal at pag-aaruga. Ito ang
pinanggagalingan ng emosyonal, pisikal, ispiritwal at pinansyal na lakap ng lipunan. Ang
pamilya ay nakakapagbigay ng malaking impluwensiya sa isang bata. Kung anu-ano ang nakikita
ng isang bata sa loob ng pamilya ay kanya itong nadadala sa kanyang paglaki. Ang pamilyang
nagmamahalan at nagtutulungan ay may positibong epekto sa paglaki ng bata. Lumalabas na
nagiging responsible, mapagmahal at may respeto ang batang busog sa pagmamahal ng mga
magulang. Sa loob ng tahanan mararamdaman ng tunay na kapayapaan kapag nangingibabaw
ang pagmamahalan nang bawat miyembro ng pamilya.
Ang kwentong Uhaw Ang Tigang Na Lupa na isinulat ni Liwayway Arceo ay kuwento ng
isang pamilya na walang pagmamahan na namamagitan sa isa’t isa. Kung mayroon may hindi ito
lubusang nadaram ng isat-isa. Ito ay hindi magandang halimbawa ng isang pamilya lalo’t
mayroon pa silang anak na higit na nangangailangan ng pagmamahal. Maliit pa lamang ang bata
ay naranasan na niya ang maging uhaw sa pagmamahal ng mga magulang. Mga magulang ang
nararapat na magparamdam ng unang pagmamahal sa anak. Gayon din ang ina na hindi nya
nararamdaman ang pagmamahal ng isang asawa. Naturingan na Isang pamilya sila subalit salat
naman ang pamilya nila sa pagmamahalan na sila mismo ang dapat na magbibigay para sa isa’t
isa. Subalit sa huling hininga ng ama ay naiparamdam sa kanya ng asawa ang pagkalinga at pag-
aalaga ng isang asawa. Ang ama naman ay kanyang natawag na mahal ko ang kanyang asawa sa
huling sandali ng knyang buhay. Pero huli nasa huli na ang lahat upang ipadama nila sa isa’t isa
ang pagmamahal. Para sa akin, habang nabubuhay pa tayo ay dapat nating iparamdam sa ating
mga mahal sa buhay lalong lalo na sa ating pamilya ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.
Habang nabubuhay pa tayo ay dapat nating isapuso at pagyamanin ang pagmamahalan sa loob

2
ng ating mga tahanan upang ito ang maging matatag ang pagsasamahan natin sa loob ng
tahanan.
Implikasyon:
Ang ganitong uri ng kuwento ay nakakaantig ng damdamin. Maraming pamilya ang
nakakaranas ng ganitong sitwasyon. Bilang mga magulang, nararapat na iparamdam at ipakita
sa mga anak ang pagmamahalan sa loob ng tahanan. Dapat sila ang maging ehemplo sa
kanilang mga anak. Ang pagmamahal at kalinga sa anak ay dapat ibigay ng mga magulang. Kaya
maraming mga kabataan ang napapariwara dahil sa kakulangan nang atensyon na ibinibigay ng
mga magulang. May mga pamilya rin na nawawasak o nasisira dahil sa kakulangan o minsan ay
nawala ang pagmamahalan sa pagitan ng mga magulang. Ang mga bagay na ito ay dapat
pagtuunan nang pansin ng mga kinauukulan sa pamamagitan nang pagbibigay ng sapat na
kaalaman o edukasyon sa kahalagahan ng pamilya sa lipunan. Kung hindi ito mabibigyan ng
solusyon, maraming pamilya ang masisira at higit na kawawa ay ang mga batang walang
kumuwang-muwang sa mga nangyayari at sila ang nagiging biktima.

You might also like