Asignatura: Lit 413 Pagtuturo ng, at Pagtataya sa, Panitikan
I. Paksa/Pamagat: Uhaw Ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo (1943)
II. Pangunahing Kaisipan:
Ang nais iparating ng manunulat ay may mga tao tayo na makakasama sa buhay, ngunit hindi nagiging masaya satin dahil sa dahilan nilang may mas minahal sila nung una higit sa pagmamahal para sa satin na hindi nila nalilimutan. III. Buod: May isang pamilya na magkakasama sa iisang bubong nguit kulang sa komunikasyon, ang anak ay uhaw sa pagmamahal ng mgamagulang at ang ina naman nito’y uhaw sa pagmaamahal ng kanyang asawa. Ang asawa nito ay nag tatrabaho araw-araw ngunit inaabutan ng madaling araw bago umuwi. Araw-araw nakikita ng batang babae ang kanyang ina na malungkot at kung minsan ay umiiyak pag walang nakakakita. Isang gabi ng umuwing lasing ang kanyang asawa nakuha nito ang isang talaarawan ng kanyang asawa, mas lalo itong nalungkot at pumapatak ang luha sa kanyang pisngi. Nakita din ng batang babae ang isang liham na may rosas na siguro ay para minamahan ng kanyang ama. Nagkasakit ang ama nito, nakahiga na lamang hanggang sa nalagutan ng hininga. IV. Pangsuportang Detalye Tauhan: Ama Ina Batang Babae V. Bisang taglay ng teksto Bisang Pandamdamin- nakakalungkot ang nangyari at ramdam ko ang lungkot ng ina, siya ang kasama ngunit nasa iba ang puso ng kanyang asawa. Bisang pangkaisipan- mas mahalaga ang pag-uusap ng isang pamilya upang magkaintindihan at magkaunawaan ito. Bisang pangkaasalan- masasabi ko na ang pamilya ng batang babae ay isang halimbawa ng mag asawa na sapilitang nagsama dahil may batang nabuo sa pagtataksil ng kanyang ama sa una nitong karelasyon.