You are on page 1of 2

St.

Anthony Academy
Mondragon N. Samar
A Lassallian Schools Supevision Office (LASSO) Supervised Probationary School
EDUCATION YOU CAN TRUST

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

Baitang: 9
Seksyon: St. Benilde, St. MK, St. Mater Admirabilis
Petsa: Agosto 12, 13, 15, 19 at 20, 2019

I. LAYUNIN
A. Nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya.
AP9MYK-IIa-1
B. Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa demand. AP9MYK-IIa-2
C. Matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na nakaaapekto sa demand
AP9MYK-IIb-3
D. Naiuugnay ang elastisidad ng demand sa presyo ng kalakal at paglilingkod. AP9MYK-IIb-4
E. Nakagagawa ng panayam tungkol sa mga produktong na may pinakamaraming demand.
F. Nakabubuo ng demand curve tungkol sa produktong makikita sa komunidad.

VALUES INTEGRATION

Excellence
Resourcefulness

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Demand
Sanggunian: Zaraspe, Gerald Michael O. Ekonomiks Para sa Umuunlad na Pilipinas. Phoenix
Publishing House, Inc. 927 Quezon Ave., Quezon City. pp. 113-129
Kagamitan: graph, tulong biswal,video clip, pisara at chalk

III. PAGTUKLAS
GAWAIN 1 AUCTION
Ang guro ay magsasagawa ng auction para sa iba’t ibang bagay. Sa bawat presyo na itatakda ay
bibilangin kung ilan sa kanila ang may kagustuhan at kayang bilhin ang bagay. Ang may huling
pinakamataas na bid ang siyang makakakuha ng produkto.

IV. PAGLINANG
GAWAIN 2
Ipapakita sa mga bata ang video clip.

Mga Gabay na Katanungan

1. Ano ang nangyari sa napanood na video clip?


2. Ano ang ipinapahiwatig nito?
3. Batay sa napanood na video clip, ano sa palagay niyo ang tatalakayin natin?

GAWAIN 3
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng guided generalization tungkol sa video clip na kanilang
napanood.

Guided Generalization

VIDEO ANALYSIS
Ano ang Demand?
https://www.youtube.com/watch?v=osGqmzWt2zs
ESSENTIAL QUESTION: ANSWER:

Paano nakakamit ang pambansang SUPPORTING TEXT:


kaunlaran?
REASON:

ESSENTIAL UNDERSTANDING: COMMON IDEAS IN REASONS:

GAWAIN 4 JIGSAW READING


Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa walong grupo. Bawat pangkat ay may nakatakdang salik na
nakaaapekto sa demand. Babasahin nilang mabuti ang tekstong nakasulat at mahalagang pag-usapan at
maintindihan ng lahat ng miyembro. Sa likod ng papel ay bahagi ng isang larawan, kailangang ilapat
nila ito sa pisara para mabuo ito ng buong klase.

GAWAIN 5 BRAINSTORMING
Sa parehong pangkat, ang bawat pinuno nito ay pupunta sa harapan upang bumunot ng isang
sitwasyon sa kahon na tungkol sa elastisidad ng demand. Pag-uusapan ito ng buong pangkat kung ano
ang mangyayari kapag nangyari ang ganitong sitwasyon. Iuulat sa klase ang kinalabasan ng
brainstorming.

V. PAGPAPALALIM
GAWAIN 6
Bubuo ang mga mag-aaral ng demand curve ayon sa produktong nakikita nila sa komunidad.

VI. PAGLILIPAT
GAWAIN 7
Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng isang panayam sa isang taong may-ari ng negosyo sa kanilang
komunidad. Ang mga katanungan ay tungkol lamang sa kung paano niya pinapatakbo ang negosyo. Ang mga
mag-aaral ang gagawa ng mga tanong na tungkol sa negosyo. Dapat may dokumentasyon o mga larawan ang
panayam o audio recording. Iuulat sa klase ang buod ng panayam na kanilang isinagawa.

VII. PAGTATAYA
Sagutin ang sumusunod na katanungan?

1. Ano ang demand?


___________________________________________________________________________________.
2. Ano ang Batas ng Demand?
___________________________________________________________________________________.
3. Ano ang mangyayari sa demand ng payong kapag maulan?
___________________________________________________________________________________.
4. Paano nagiging inelastiko ang demand?
___________________________________________________________________________________.
5. Bakit mahalagang malaman ng entrepreneur ang elastisidad ng kanyang produktong ibinebenta?
___________________________________________________________________________________.

Inihanda ni:

RODELYN A. CORONG
Guro

Iwinasto nina:

DARYL R. SOCORRO ROSALIE A. ABALON


Learning Leader Learning Leader
Inaprubahan ni:

MALIA ANN C. ABALON


Principal

You might also like