You are on page 1of 5

Kahulugan ng Panitikan at mga Uri nito

Ano ang Panitikan?


Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin
at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan
at patula.

Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay
ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang
literatura ay galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik.

Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay
ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,
paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Uri ng Panitikan
1.TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata.
2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong.

Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino


 Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at
taglay na katalinihan ng lahing ating pinagmulan.
 Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa
mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang mga bansa.
 Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang
mga ito.
 Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at
mapaunlad.
 Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating
pag-aralan an gating panitikan.  Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.

Mga Akdang Pampanitikan


Mga akdang tuluyan 

· Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa d
aigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at 
mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. 

Halimbawa ng Alamat
https://youtu.be/X5FP_Ll2OhA

· Anekdota 

-  Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa b
uhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoon
g buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

Halimbawa:

Ang Munting Gamu-Gamu --- Ina, Anak, Ilawan


Ang Inang gamu-gamo
Ang mapagmahal na Inang gamu- Dito ka lang sa kandili ko Buksan ang mga mata
gamo Walang panganib na nakikita
Hahabiin ang tama Huwag subukang sumuway Panganib bang matuturing,
Pagmamahal sa kanyang anak Pakinggan mo ang payo ko Kagandahang aking hinahain?
Nagliliwanag na ilawan
Ang anak na gamu-gamo Sa paglapit, dulot ay kapahamakan Sa palagay ko ilawan
Ang masayahing gamu-gamo Walang halong pagbubulaan
Hahanapin ang kalayaan Sa pag kandili mo Inay Hindi siguro mapapahamak
Gigisingin ang kamalayan Ligayang anung ibinibigay Lalapit ako sa'yo
Nakikinig ako sa payo mo
Ang lumang ilawan Lagi lamang ako'y sa tabi mo Ngayon ay heto ka
Ang matanglang na lumang ilawan Tupukin ang pakpak!
Kariktang nagliliwanag Naliligid ng panganib Tupukin ang katawan!
Kariktang napakainit Liwanag na kay rikit Tupukin ang paggasa!
Halika anak ko Lumapit ka sa akin
Lulan ng pagkabalisa Sa kandili ko'y mas maligaya
Pakinggan mo ang payo ko

· Nobela

- o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroo
n itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang 
pag
ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artis
tiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo. Mahabang kathang pampanitikan na naglalaha
d ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahi
ng sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa
kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugna
y. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang m
atibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -
maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan.

· Pabula - (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang

- isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga 
tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang 
mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang ma
mbabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.

· Parabula

- o talinghaga ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa iton
g maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hi
nggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas 
sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalik
asan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwen
tong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karami
han sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano 
ang katangian ng Kaharian ng Diyos.

· Maikling kwento

-  isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang ta
uhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad n
g nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iy
ong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang 
tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

· Dula

-  isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. 
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
(http://www.slideshare.net/asanet2015/dula-40376935)

· Sanaysay

-  isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
(http://www.slideshare.net/nicholeobillo/halimbawa-ng-impormal-na-sanaysay-at-pormal-na-
sanaysay)

· Talambuhay

- isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na t
ala, pangyayari o impormasyon.

Halimbawa:

Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19,
1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang
kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na
may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at
Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang
bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at
Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga
prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga
Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at
agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na
taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng
paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong
Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na
nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa
mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

· Talumpati
- isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng 
pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng 
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong 
pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

· Balita - mga mahahalagang nangyayari sa loob at labas ng ating bansa.

· Kwentong bayan- (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kuma
katawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isa
ng hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang 
bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

Mga akdang patula
Mga tulang pasalaysay pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitin
gan at kabayanihan ng tauhan. 

· Awit at Korido 

-  Ang awitin ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong maganda kung gusto rin ito ng m
akikinig. Mayroon itong tono at sukat. Naglalaman ang isang awiting ng bahaging pang-tinig na gina
gampanan, inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko), karaniwang sinusundan ng 
mga intrumentong pang-musika (maliban sa mga awiting acapella at scat). Kadalasang nasa anyong 
tula at tumutugma ang mga salita ng mga awitin, bagaman, may mga relihiyosong mga taludtod o m
alayang prosa. Ang mga salita ay ang liriko.

- Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng m
ga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang stanza.Ang 
korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.

· Epiko

-  Uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao la
ban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-
kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangya
yari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.

- Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pandiwa) ay isang pag
lalahad na makabayani o bumabayani, samantalang ang epika (may titik a sa huli, isang pangngalan) 
ay tulang-bayani, paglalahad na patula hinggil sa bayani.

- May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.

· Balad - Ang balada ay isang uri o tema ng isang tugtugin.

· Sawikain - Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:

1. idioma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.

2. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.

3. salawikain, mga kasabihan o kawikaan.

· Salawikain 
-  Ang mga salawikain, kawikaan kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lub
hang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Na
glalaman ito ng mga karunungan.

· Bugtong 

-  Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong ka
hulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). May dalawang 
uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suli
raning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at 
maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na u
maaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-
araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong naging p
aisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.

· Kantahin – (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba't ibang panig ng lugar sa bansa.

· Tanaga

- Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pil
osopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.
- May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.

You might also like