You are on page 1of 2

Sumulat ng sariling talumpati batay sa paksang kinagigiliwan.

 
 

Rubric sa pagmamarka:
 

Mga Pamantayan Puntos - 3 Puntos  - 2 Puntos - 1


Manaka-nakang
Uri ng Natukoy ang Hindi natukoy ang
natukoy ang
mambabasa/tagapaki mambabasa/tagapaki mambabasa/tagapaki
mambabasa/tagapaki
nig ng sulatin nig ng sulatin nig ng sulatin
nig ng sulatin
Higit sa inaasahan Manaka-naka ang
Organisasyon ng Hindi organisado ang
ang pagiging pagiging organisado
sulatin sulatin
organisado ng sulatin ng sulatin
Manaka-naka ang
Hitik sa Walang makukuhang
pagkahitik sa
Katangian ng sulatin impormasyon ang impormasyon sa
impormasyon ang
sulatin sulatin
sulatin
Kaaya-ayang Manaka-nakang
Di napalutang ang
Damdamin ng sulatin napalutang ang napalutang ang
damdamin ng sulatin
damdamin ng sulatin damdamin ng sulatin
Kaaya-ayang Manaka-nakang
Di naibigay nang
Mensahe sa naibigay nang wasto naibigay nang wasto
wasto ang paliwanag
paliwanag ang paliwanag sa ang paliwanag sa
sa mensahe
mensahe mensahe
 
Arellano, Frances Elyza Mae A.

Edukasyon sa gitna ng Pandemya

Isang magandang umaga sa iyo Gng. Alonzo. Ang topikong napili ko para sa aking Talumpati ay
patungkol sa Edukasyon ngayong pandemya.
Para sa aming mga mag-aaral, marami rin kaming mga bagay na ginagawa at hindi lamang pag-
aaral. Hindi lamang sa pag-aaral umiikot ang aming pang-araw araw na gawain. Marami rin
kaming mga bagay na ginagawa sa aming mga tahanan, pakikipagtulungan sa aming barangay,
atbpa. Para sa akin ay hindi madaling maging isang estudyante lalo sa edukasyon ngayon. Mas
higit na nahihirapan kami sa Sistema ng edukasyon ngayon. Babad sa harap ng laptop,
kompyuter, o selpon para gumawa ng mga gawaing pang paaralan. May mga araw sa klase na
hindi namin nauunawaan ang mga diskusyon ng aming guro, paghina ng koneksyon sa internet,
tambak na requirements dahil sunod-sunod ang pamimigay sa amin. Kung minsa’y malakas ang
koneksyon namin sa internet, doon naman mahina ang koneksyon ng aming mga tagapagturo, at
kung mahina naman ang sa amin sa kanila’y malakas. Kaming mga estudyante ay madalas
nasasabihan na kaya kami natatambakan o di kaya’y walang natututunan ay dahil sa pagbababad
namin sa social media imbes na ginagawa ang mga requirements. Dumadalas na rin ang
pacacramming namin lalo na sa ngayon, dahil hindi namin mawari kung paano sisimulan at
tatapusin ang aming mga gawain gayong wala naman kaming masyadong natutunan. Minsan ay
napapaisip na lamang kami kung natututo ba kami o hindi na. Laging sumasagi sa aming isipan
kung ano ang mangyayari sa buhay naming pagdating ng kolehiyo kung patuloy ang ganitong
sistema ng edukasyon. “Paano na kaya kami sa kolehiyo?” Paano kami magaadjust sa mga
bagay-bagay pagdating sa kolehiyo kung birtwal ang pag-aaral ngayon taon na ito. Hindi lahat
ng estudyante ay pare-pareho ng kakayahang mag-aral. Kung ang iba ay fast learner, ang iba
naman ay hindi. Kung si Pedro ay may sapat na kagamitan sap ag-aaral, kay Juan ay hindi. Nais
namin na marinig ang hinaing naming mga kabataan patungkol sa edukasyon ngayon. Maraming
mga kabataan na ang namatay dahil sa depresyon. Sana ay huwag namang umabot na lahat ng
kabataan ay sumuko na sa pag-aaral. Paano na ang ating bayan kung ganoon? Oo nga’t mahirap
ang buhay na kinahaharap natin ngayong pandemya. Malaki rin ang pagtingin ko sa mga guro
dahil sa kabila ng pandemyang ito ay humahanap pa rin sila ng paraan upang tayo ay
maibahagian ng kaalaman. Para sa aming mag-aral, ang nais lamang naming iparating ay sana’y
unawain natin ang isa’t isa. Konting tiis na lamang ay malamlampasan natin itong pandemya.
Muli, saludo parin ako sa mga guro isa kayo sa mga tunay na bayani sa krisis na ito. Kaya kayo,
lahat tayo, kakayanin natin ito. 'Wag din tayo matakot na abutin ang ating mga pangarap at 'wag
na 'wag tayong susuko. Ako po si Frances Arellano, at ito ang maibabahagi ko sa edukasyon
ngayong pandemya. Maraming salamat po at magandang umaga.

You might also like