You are on page 1of 8

Araling Panlipunan

Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang
pag-usbong ng bourgeoisie, merkantilismo, pambansang
monarkiya, Renaissance, Simbahang Katoliko, at Repormasyon.

Pag-aralan Natin
Kasaysayan ng Pag-usbong ng Bourgeoisie
Ang bourgeoisie ay ang gitnang uri (middle class) na binubuo ng mga
malayang nakapag-aral na mga tao, katulad ng mga mangangalakal,
artisano, doktor, abogado, at mga klerikal na manggagawa.
Pag-aralan Natin
Sistemang Guild

Ang guild ay eksklusibong organisasyon para sa karapatan at benepisyo


ng mga miyembro nito.

Pag-aralan Natin
Kahalagahan ng Bourgeoisie

Ang pangunahing interes ng bourgeoisie ay ang pagpapayabong ng


kanilang mga negosyo o ng kanilang propesyon.

Dapat Tandaan
 Ang bourgeoisie ay ang gitnang uri (middle class) na binubuo ng
mga malayang nakapag-aral na mga tao, katulad ng mga
mangangalakal, artisano, doktor, abogado, at mga klerikal na
manggagawa.
 Ang guild ay eksklusibong organisasyon para sa karapatan at
benepisyo ng mga miyembro nito.
Unit 11: Pag-usbong ng Makabagong
Europa, Araling Panlipunan 8
Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang
pag-usbong ng bourgeoisie, merkantilismo, pambansang
monarkiya, Renaissance, Simbahang Katoliko, at Repormasyon.

Pag-aralan Natin
Ang Pag-usbong ng Sistemang Merkantilismo

Nang lumaganap ang


pangangalakal sa Europa,
tumaas ang mga presyo ng
bilihin dahil sa pagtaas ng
pangangailangan para sa mga
produkto.
Ang pagtaas ng presyo ay nagdulot sa pagpili ng nakararami na
mamuhunan sa halip na gumastos.

Pag-aralan Natin
Ang Sistemang Merkantilismo

Ang sistemang merkantilismo ay nangibabaw sa Europa, at ang mga


pamahalaan ang nangangasiwa sa ekonomiya upang mapalakas ang
bayan.

Pag-aralan Natin
Mabubuting Epekto ng Merkantilismo
Naging mabuti ang epekto ng merkantilismo sa mga ekonomiya ng mga
bansang Europeo. Pinalawak nito ang pangangalakal sa pagitan ng mga
bansang-estado sa Europa na dati lamang nakasentro sa mga lungsod ng
Genoa, Venice, at Florence sa Italya.
Pag-aralan Natin

Hindi Mabuting Epekto ng Merkantilismo

Nagkaroon ng malawakang kompetisyon sa pagitan ng mga bansang


Europeo upang makahanap ng mga bagong teritoryong gagawing kolonya.

Dapat Tandaan
 Ang sistemang merkantilismo ay nangibabaw sa Europa, kung saan
ang pamahalaan ang nangangasiwa sa ekonomiya upang mapalakas
ang bayan.
 Sa sistemang ito, mahalaga ang ginto at pilak bilang panukat ng
kayamanan ng isang bansa.
Mga Katanungan:

1. Ano ang tawag sa gitnang uri ng lipunan na malaya,


nakapag-aral, at naninirahan sa mga bayan?
2. Saan nagmula ang salitang bourgeoisie?
3. Paano unang nabuo ang mga guild ng
mangangalakal?
4. Paano napoprotektahan ng craft guild ang mga
artisano?
5. Kailangang dumaan sa maraming hakbang ang mga
miyembro ng craft guild upang sila ay maturing na
dalubhasa. Ano ang ipinahihiwatig nito?
6. Ano ang sistemang pangekonomiya na nangibabaw
sa Europa noong ika-16 hanggang ika-18 na siglo,
kung saan ang pamahalaan ang nangangasiwa sa
ekonomiya at pangangalakal?
7. Sa sistemang merkantilismo, ano ang panukat ng
kayamanan?
8. Alin sa sumusunod ang kabilang sa epekto ng
merkantilismo sa lokal na ekonomiya at lipunan ng
mga bansang Europeo?
9. Alin sa sumusunod ang kabilang sa epekto ng
merkantilismo sa mga kolonya?
10. Bukod sa kalakalan sa Europa, nagkaroon din ng

ugnayan ang mga bansang Europeo sa mga bansa


sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ano ang
ipinahihiwatig nito?

You might also like