You are on page 1of 8

6

Araling Panlipunan
Ikalawang Marka- Ika-2 Linggo

Pilyego ng mga Gawain sa


Pampagkatuto

Ang Pagsusumikap ng mga Pilipino


Tungo sa Pagtatag ng
Nagsasariling Pamahalaan
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


Pangalan ng Mag-aaral: __________________________ Seksyon: __________
Paaralan: ________________________________________________

Asignatura: Araling Panlipunan


Baitang: Baitang 6
Kwarter: Ikalawa
Kasanayan sa Naipaliliwanag ang mga pagsusumikap ng mga Pilipino
Pampagkatuto tungo sa pagtatag ng nagsasariling pamahalaan
(MELC):
Koda:
Buwan: Enero, 2021
Linggo: Ikalawang Linggo (Enero 11-15, 2021)
Pamagat ng Gawain 1 – Timeline ay Kumpletuhin
Gawain: Gawain 2 – Tama o Itama
Gawain 3 – Itala sa Talaan
Gawain 4 – Mag-isip at Itala
Mga Papel, Bolpen
Kagamitan:
Layunin:  Nasasabi ang mga pagsusumikap ng mga Pilipino tungo
sa pagtatag ng nagsasariling pamahalaan;

 Nabibigyang halaga ang mga pagsisikap ng mga Pilipino


tungo sa pagtatag ng nagsasariling pamahalaan;

 Natatalakay ang mga magandang naidulot ng


pagsisikap ng mga Pilipino tungo sa nagsasariling
pamahalaan; at

 Nakagagawa ng isang balangkas tungkol sa pagsisikap


ng mga Pilipino tungo sa pagtatatag ng nagsasariling
pamahalaan

1
Aralin:
Landas Tungo sa Pagsasarili

Mula sa Pamahalaang Militar, naisakatuparan ng Komisyong Taft ang


Pamahalaang Sibil, bunga na rin ng rekomendasyong binigay ng Komisyong
Schurman.
Pinasinayaan sa Maynila ang Pamahalaang Sibil sa pamumuno ni
William H. Taft, ang unang gobernador sibil, noong Hulyo 4, 1901.

Batas Cooper

 Sa pamumuno ni Taft, naaprobahan sa kongreso ng Estados Unidos


ang Batas Pilipinas o Batas Cooper, ang unang batas na nagbigay
sandigan sa kalayaan ng bansa noong 1902.
 Nagsimulang bigyan ng mga matataas na katungkulang ang mga
Pilipino.
 Cayetano Arellano - unang Punong Mahistrado
 Gregorio Araneta - unang Pilipinong Kalihim ng Pananalapi at
Katarungan

Pambansang Asamblea

 Noong 1907, itinatag ang Asamblea ng Pilipinas na binuo ng mga


Pilipinong nakiisa sa pamahalaang sibil.
 Nagdaos ng unang pambansang halalan para sa mga kinatawan ng
Pambansang Asamblea noong Hulyo 30, 1907.
 Sergio Osmeña -ispiker
 Manuel L. Quezon -lider.

Batas Jones

 Noong ika-16 ng Agosto, 1916, naisabatas ang Batas Jones o Batas


Autonomiya ng Pilipinas.
 Layunin ng batas na ito ang mabigyan ng kasarinlan ang Pilipinas sa
sandaling magkaroon ito ng matatag na pamahalaan.
 Nagkaroon ng dalawang kapulungan:
 Mababang Kapulungan, na dati’y Pambansang Asamblea
 Mataas na Kapulungan o Senado na binubuo ng 24 senador.
 Nakasaad din ang pagkakaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan:
 ehekutibo - tagapagtupad
 lehislatibo -tagapagbatas
 hudikatura -tagahukom
 Nagkaroon ng halalan noong ika-3 ng Oktubre, 1916.
 Manuel L. Quezon- pangulo ng Senado
2
 Sergio Osmeña – ispiker ng Kongreso

Mga Misyong Pangkasarinlan

 Nagkaroon ng maraming misyong pangkasarinlan na ipinadala sa


Estados Unidos upang makipagnegosasyon sa mga pinunong
Amerikano.
 Makailang beses nang nabigo ang mga misyong pangkasarinlan na
ipinadala sa Estados Unidos.
 Unang misyong ipinadala noong 1919 ay pinamunuan ni Manuel
Quezon bagama’t ito’y nabigo.

Batas Hare-Hawes Cutting

 Noong 1931, ipinadala ang misyong OsRox na pinamunuan ni Sergio


Osmeña at Manuel Roxas.
 Ang bunga ng misyong ito ay ang pagpapatibay ng Batas Hare-Hawes-
Cutting noong 1932. Nakapaloob dito ang mga sumusunod na
probisyon:
 10 taong paghahanda,
 pagbuo ng Saligang batas sa pamamagitan ng Kumbensiyong
Konstitusyonal,
 pagtatag ng base-militar ng Estados Unidos sa bansa,
 limitasyon ng mga migranteng Pilipino na papasok sa Estados
Unidos, limitasyon sa pagluluwas ng mga produktong Pilipino
sa Estados Unidos, at
 unti-unting pagtaas ng taripa sa mga produktong Amerikano
na papasok sa bansa hanggang sa kasarinlan ng bansa.
 Hindi tinanggap ng mga Pilipinong mambabatas ang mga probisyon
kaya’t ito’y tinanggihan.

Batas Tydings McDuffie

 Nagpadala ulit ng misyon sa Estados Unidos sa pamumuno ni Manuel


L. Quezon sa pangalawang pagkakataon noong 1933.
 Naipasa ito sa lehislatura ng Estados Unidos at nilagdaan ni
Pangulong Franklin D. Roosevelt ang Batas Tydings-McDuffie noong
1934, ang binagong Hare-Hawes-Cutting Bill. Sa ilalim ng mga batas
na ito ay ang mga sumusunod:
 pagtatag ng 10 taong pamahalaang Komonwelt bilang pagkilala
sa paghahanda at kasarinlan na itinakda sa petsang Hulyo 4,
1946
 pagkakaroon ng kumbensiyong gagawa ng saligang batas
 pagdaraos ng halalang magpapatibay ng saligang batas
3
 paghahalal sa mga mamumuno ng pamahalaang Komonwelt
 pagkilala sa kasarinlan ng Pilipinas sa ika-4 ng Hulyo at
huling taon ng Pamahalaang Komonwelt

Mga Gawain:

Gawain 1: Timeline ay Kumpletuhin

Panuto: Punan ang mga hugis para makumpleto ang timeline na


nagpapakita ng mga kaganapan tungo sa pagtatag ng Pamahalaang
Komonwelt. Piliin ang sagot sa mga salita na nasa ibaba.

Pamahalaang Komisyong Komisyong


Militar Schurman Taft
(1898) (1899) (1900)

Batas
2. Cooper 1.
(1902)

Unang Misyon Misyong


ni Quezon OsRox 3.
(1919) (1931)

Ikalawang Misyon
ni Quezon
5. 4. (1933)

Batas Hare-Hawes-Cutting (1932)


Pamahalaang Komonwelt (1935)
Pamahalaang Sibil (1901)
Batas Tydings-McDuffie (1934)
Batas Jones (1916)

4
Gawain 2: Tama o Itama

Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang patlang kung ang nakasalungguhit na


salita ay tama upang mabuo ang wastong pahayag; kung mali
naman, palitan ito ng tamang sagot.

_______ 1. Ang Batas Cooper ang unang batas na naaprubahan na


naglalayong mabigyang kasarinlan ang Pilipinas.

_______ 2. Sa ginawang unang pambansang halalan para sa mga kinatawan


ng Pambansang Asamblea, nahalal si Sergio Osmeña bilang lider.
_______ 3. Ang mataas na kapulungan o senado ay binubuo ng 12 senador.
_______ 4. Nakapaloob sa Batas Tydings-McDuffie na ibibigay ang Kalayaan
ng Pilipinas sa ika-4 ng Hulyo 1946.
_______ 5. Nakapaloob sa Batas Tydings-McDuffie na bibigyan ng 20 taong
paghahanda ang mga Pilipino bago ibigay ang kalayaan nito.

Gawain 3: Itala sa Talaan

Panuto: Ibigay ang mga probisyon ng Batas Tydings-McDuffie.

Batas Tydings-McDuffie

1.

2.

3.

4.

5.

5
Gawain 4: Mag-isip at Itala

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at itala ang iyong sagot.

Ano ang mga batas na isinulong para makamit ng Pilipinas ang pagsasarili?
1. ____________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________
4. ____________________________________________________________________

Konseptong Natutunan:

Maganda ba ang dulot ng pagsusumikap ng mga Pilipino? Bakit?

PAMANTAYAN Napakahusay Mas Mahusay Nangangai- Puntos


(5) Mahusay (3) langan ng
(4) Pagpapabuti
(2)
Nilalaman Naglalaman ng Naglalaman Naglalaman Kulang ang
komprehensibo, ng tama at ng tamang ipinapakitang
tama at kalidad kalidad na ideya at mga ideya at
na mga ideya at mga ideya at impormasyon impormasyon
impormasyon impormasyon

Organisasyon Detalyado, Maayos at Madaling Hindi


maayos at madaling maintindihan gaanong
madaling maintindihan ang maintindihan
maintindihan ang pagsasalaysa ang
ang pagsasalaysa y ng ideya pagsasalaysa
pagsasalaysay y ng ideya y ng ideya
ng ideya

6
Sanggunian:
Ramos, Dexter John V., De Guzman, Apollo D., de Viana, Augusto V. Bayanihan: Mga
Hamon at Tugon sa Pagkabansa. Makati City: Diwa Learning Systems Inc, 2018.

Baisa-Julian, Ailene, Lontoc, Nestor S. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.,2017.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 4
1. Pamahalaang (Pwedeng hindi
Sibil magkasunod-sunod)
2. Batas Jones Gawain 2
3. Batas Hare- 1. √ 1. Batas Cooper
Hawes-Cutting 2. Manuel 2. Batas Jones
4. Batas Tydings- Quezon
3. Batas Hare-
McDuffie 3. 24
4. √ Hawes Cutting
5. Pamahalaang 4. Batas Tydings-
Komonwelt 5. 10
McDuffie

Pamahalaang Komonwelt
sa ika-4 ng Hulyo at huling taon ng
pagkilala sa kasarinlan ng Pilipinas
pamahalaang Komonwelt
paghahalal sa mga mamumuno ng
ng saligang batas
pagdaraos ng halalang magpapatibay
gagawa ng saligang batas
pagkakaroon ng kumbensiyong
itinakda sa petsang Hulyo 4, 1946,
paghahanda at kasarinlan na
Komonwelt bilang pagkilala sa
pagtatag ng 10 taong pamahalaang
Batas Tydings-McDuffie

Gawain 3

Manunulat: SHAINE DZYLL S. KUIZON


Paaralan: Simbalan Central Elementary School
Purok: Buenavista-IV
email address: shainedzyll.kuizon@deped.gov.ph

You might also like