You are on page 1of 1

 

Na sa ilalim ng aking sumpa ay aking itinatanggi ang mga paratang sa akin, sa kadahilanang ang mga
nakasaad na habla laban sa akin ay walang katotohanan at pawang gawa-gawa lamang; :

Na ako ay nagtratrabaho bilang isang karpintero sa Systems Plus College Foundation. Noong mga
buwan ng Marso at Abril ay itinalaga ako sa RVJ Building, habang noong buwan ng Mayo ay sa
Registrar’s Office naman ako itinalaga; Na sa aking obserbasyon at pagkakaalam ay mahigpit ang
seguridad sa lugar ng aking pinagtratrabahuan. Sinisigurado ng mga guwardiya na awtorisado ang
sinumang maglalabas ng kahit na anong kagamitan. Higit pa rito, sinisiyasat ng mga guwardiya ang
laman ng mga sasakyan bago makalabas ang mga ito sa lugar; Na hindi ko kailanman magagawa ang
mga paratang sa akin sapagkat maayos at malinis akong nagtratrabaho upang kumita ng pera; Na
pawang gawa-gawa lamang ang mga ibinibintang sa akin ni Eduardo Patayan. Kailanman ay hindi rin
ako nagbigay sa kanya ng pera. Nagsusumikap ako upangkumita ng pera sa maayos at legal na paraan.
Mahirap unawain at tila imposible rin ang mga ibang bintang nito. Bilang isang karpintero, limitado ang
mga trabahong nakatakda sa akin. Alam ng mga tao roon na ako ay isang karpintero lamang, at alam
rin nila na ako ay hindi awtorisado upang maglabas ng mga aircon at scaffolding. Sa higpit ng seguridad
ng lugar, imposibleng hindi kuwestiyunin ng mga guwardiya ang sinasabing disposisyong ito. Na wala
ring katotohanan ang mga paratang laban sa akin ni Virgilio Mura Jr. Walang ibinibigay na kahit anong
awtoridad ang mga nakatataas namin ukol sa paglalabas ng mga kagamitan sa lugar. Sa katunayan ay
mahigpit na ipinagbabawal ito. Kung inilabas ko nga ang mga kagamitang ito ay siguradong
kinuwestiyon na at hindi pinayagan ng mga guwardiya. Imposible ang mga ibinibintang sa akin
sapagkat ang Dayun tricycle na sinasabing ginamit upang pagsakyan ng mga nawawalang kagamitan ay
may plywood na sahig lamang. Ang Dayun tricycle na ito ay ginagamit lamang upang ipanghatid ng
mga arina at tinapay sa Angelina bakery.

Sa bigat ng mga aircon at bakal ay imposibleng makakayanan ito ng nasabing tricycle;

Sa katunayan ay aking isinasagawa ang salaysay na ito upang sabihin ang totoong pangyayari; BILANG
PAGTOTOO ay aking ilalagda ang aking pangalan ngayong ika- ng Mayo 2015, dito sa Lungsod ng
Angeles, Lalawigan ng Pampanga.

HECTOR C. GATUS Nagsalaysay

SINUMPAAN at NILAGDAAN sa aking harapan ngayong ika- ng Mayo 2015, dito sa Lungsod ng Angeles,
Lalawigan ng Pampanga. Tagapanumpa
 COMMENTS

You might also like