You are on page 1of 1

SCRIPT:

Ngayon mo sabihin na kaya mo na, panindigan mon a eto ang tamang oras para sa
lahat. Sana di nalang natin tinuloy to, ngayon naiintindihan ko na. Sana hindi mo pinilit
ang tatay mo na magsasama tayo. Dodong, makakahintay naman pala tayo! Ba’t mo
minadali. kailangang pag-isipan to ng mahabang panahon. Napakamakasarili ng
desisyon nato!

Ugh! Nakaka panghina!! Aaminin ko, oo nagsisisi ako na ikaw ang pinili ko. Diko alam
kung anong mararamdaman ko. Alam mo napapatanong nga ako, ano kayang buhay ko
kung kay Lucio ako sumama? Magiging mayaman kaya ako? Aalagaan kaya niya ako?
Kasi alam mo simula nung nagkaanak tayo, ni mga mata mo naglilihis sa twing nakikita
mo ko! Kitang kita sa mata mon a hiyang hiya ka. Alam kong mali ang desisyon natin na
sa labing pitong gulang palang nagpakasal na tayo. Nakiusap din ako na wag sana
tayong gayahin ng anak mo, pero wala kang ginawa. Hinayaan mo, hinayaan mo si
Blas na magpakasal sa ganyang edad. Utang na loob Dong, Sana man lang kung ayaw
mong maranasan ng anak mo ang nararansan natin ngayon at kung gusto mong ituwid
ang maling desisyon na to, kinausap mo, pinagalitan mo, ipinaintindi mo!!

Ngunit wala, andito na to! eto na ang dulot ng pagmamadali. Pag-ibig nga ang nag-
ugnay satin pero pag-ibig din pala ang sisira ng kinabukasan natin. Wala, wala tayong
napala. Dong, mahal kita pero nakakapagod na!

You might also like