You are on page 1of 1

Gulfan, Ma. Wylene O.

GED0105_Sec 7

Formative Assessment #7: Pagkaulirat sa Kamalayan ng mga Kababaihan


Ang mga babae ay may malaking reponsibilidad sa ating lipunan ngunit sa kabila ng mga ito ay hindi
nakikita ng iba ang kanilang mga halaga at kakayahan. Sa aking binasang artikulo na ang pamagat ay “Babae
Kasi” na isinulat ni Michael L. Tan maraming mahahalagang isyu ang naipakita sa kanyang akda at ito ang
dahilan upang ako ay makabuo ng mga katanungan sa aking isipan. Ang tatlong katanungan na aking nabuo na
may kinalaman sa mahahalagang isyu na tinalakay sa babasahin at ito ay ang mga, Bakit nga ba tila’y mababa
ang pagtingin ng nakararami sa mga kababaihan? Bakit nga ba tinuturing ang mga kababaihan bilang isang
mahina at walang kakayahan sa ating lipunan? Bakit nga ba hindi pinapahalagahan ang mga kababaihan sa ating
lipunan?
Sa tatlong katanungan na aking tinalakay, naniniwala ako na ang pinaka mahalagang isyu na tinalakay
sa babasahin ay ang Bakit nga ba tila’y mababa ang pagtingin ng nakararami sa mga kababaihan? dahil ayon sa
babasahin, ang mga kababaihan ay likas na mahina at hindi kayang makipagsabayan sa mga gawain na kung
saan ang mga lalaki lamang ang mga nakakagawa tulad na lamang ng pagmamaneho ng sasakyan. Isinalaysay
sa babasahin na kapag mabagal ang pagtakbo ng sasakyan at nakita ng iba na babae ang nagpapatakbo nito lagi
na lamang sinasabi ang mga katagang “babae kasi” dahil sa ating lipunan likas sa kaugalian ng mga tao na sa
pagmamaneho lalaki lamang ang may kakayahang gumawa ng mga ito. Isa pang halimbawa na isinalaysay sa
babasahin ay kung saan kapag lalaki ang may ginawang di maganda o kaya’y nagkaroon ng hindi maayos na
pakikitungo sa kanilang mga kasintahan o asawa laging sinasambit ng iba ay normal lamang ito sa mga
kalalakihan kaya’t hindi na bago ang mga ito para sa iba at napapagwalang bahala na lamang ang mga nagawa
ng kalalakihan, samantalang pag ang mga babae ang nakagawa ng hindi maganda samot saring panglalait,
kritisimo at paninira ang natatanggap ng mga babae mula sa ibang tao. Sa pamamagitan ng mga halimbawa na
nagmula sa babasahin pinapakita lamang dito na mababa ang pagtingin ng mga nakararami sa mga kababaihan
dahil hindi binibigyan ng tyansa ang mga kababaihan upang ipakita ang kanilang kakayahan sa iba at hindi
binibigyan ng karapatan upang maging patas ang pagtingin ng lipunan sa pagitan ng kalalakihan at kababihan.
Ito ang mga mungkahi na maaari nating gawin upang malutas ang isyu na ito at mabigyan ng boses ang
mga kababaihan sa ating lipunan. Sa tulong ng iba’t-ibang ahensya ng ating bansa na tumatalakay sa karapatan
ng mg kabaihan maari tayong makiisa sa mga ito sa pagtatanggol ng karapatan ng mga kababaihan sa ating
lipunan dahil bilang isang babae kinakailangan natin ipaglaban at ipakita na kaya natin makipag sabayan sa mga
bagay na akala ng iba ay hindi natin magagawa. Maaari rin nating gawin ang mga bagay na kung saan para sa
iba kalalakihan lamang ang nakakagawa ng mga ito at sa pamamagitan nito unti-unting matatanggap ng lipunan
na hindi imposible na magawa natin ang mga bagay na satingin nila lalaki lamang ang nakakagawa. At bilang
isang babae alamin natin ang ating mga karapatan upang ito ang maging boses natin sa nakararami. Sa
pamamagitan ng mga ito makakatulong ito sa atin upang tumaas ng pagtingin ng lipunan sa kababaihan at
maiwasan ang pagdidiskrimina sa mga ito.

You might also like