Formative Assessment #7: Pagkaulirat sa Kamalayan ng mga Kababaihan
Ang mga babae ay may malaking reponsibilidad sa ating lipunan ngunit sa kabila ng mga ito ay hindi nakikita ng iba ang kanilang mga halaga at kakayahan. Sa aking binasang artikulo na ang pamagat ay “Babae Kasi” na isinulat ni Michael L. Tan maraming mahahalagang isyu ang naipakita sa kanyang akda at ito ang dahilan upang ako ay makabuo ng mga katanungan sa aking isipan. Ang tatlong katanungan na aking nabuo na may kinalaman sa mahahalagang isyu na tinalakay sa babasahin at ito ay ang mga, Bakit nga ba tila’y mababa ang pagtingin ng nakararami sa mga kababaihan? Bakit nga ba tinuturing ang mga kababaihan bilang isang mahina at walang kakayahan sa ating lipunan? Bakit nga ba hindi pinapahalagahan ang mga kababaihan sa ating lipunan? Sa tatlong katanungan na aking tinalakay, naniniwala ako na ang pinaka mahalagang isyu na tinalakay sa babasahin ay ang Bakit nga ba tila’y mababa ang pagtingin ng nakararami sa mga kababaihan? dahil ayon sa babasahin, ang mga kababaihan ay likas na mahina at hindi kayang makipagsabayan sa mga gawain na kung saan ang mga lalaki lamang ang mga nakakagawa tulad na lamang ng pagmamaneho ng sasakyan. Isinalaysay sa babasahin na kapag mabagal ang pagtakbo ng sasakyan at nakita ng iba na babae ang nagpapatakbo nito lagi na lamang sinasabi ang mga katagang “babae kasi” dahil sa ating lipunan likas sa kaugalian ng mga tao na sa pagmamaneho lalaki lamang ang may kakayahang gumawa ng mga ito. Isa pang halimbawa na isinalaysay sa babasahin ay kung saan kapag lalaki ang may ginawang di maganda o kaya’y nagkaroon ng hindi maayos na pakikitungo sa kanilang mga kasintahan o asawa laging sinasambit ng iba ay normal lamang ito sa mga kalalakihan kaya’t hindi na bago ang mga ito para sa iba at napapagwalang bahala na lamang ang mga nagawa ng kalalakihan, samantalang pag ang mga babae ang nakagawa ng hindi maganda samot saring panglalait, kritisimo at paninira ang natatanggap ng mga babae mula sa ibang tao. Sa pamamagitan ng mga halimbawa na nagmula sa babasahin pinapakita lamang dito na mababa ang pagtingin ng mga nakararami sa mga kababaihan dahil hindi binibigyan ng tyansa ang mga kababaihan upang ipakita ang kanilang kakayahan sa iba at hindi binibigyan ng karapatan upang maging patas ang pagtingin ng lipunan sa pagitan ng kalalakihan at kababihan. Ito ang mga mungkahi na maaari nating gawin upang malutas ang isyu na ito at mabigyan ng boses ang mga kababaihan sa ating lipunan. Sa tulong ng iba’t-ibang ahensya ng ating bansa na tumatalakay sa karapatan ng mg kabaihan maari tayong makiisa sa mga ito sa pagtatanggol ng karapatan ng mga kababaihan sa ating lipunan dahil bilang isang babae kinakailangan natin ipaglaban at ipakita na kaya natin makipag sabayan sa mga bagay na akala ng iba ay hindi natin magagawa. Maaari rin nating gawin ang mga bagay na kung saan para sa iba kalalakihan lamang ang nakakagawa ng mga ito at sa pamamagitan nito unti-unting matatanggap ng lipunan na hindi imposible na magawa natin ang mga bagay na satingin nila lalaki lamang ang nakakagawa. At bilang isang babae alamin natin ang ating mga karapatan upang ito ang maging boses natin sa nakararami. Sa pamamagitan ng mga ito makakatulong ito sa atin upang tumaas ng pagtingin ng lipunan sa kababaihan at maiwasan ang pagdidiskrimina sa mga ito.