You are on page 1of 1

Ang mawalan ng isang kasapi ng pamilya ay masakit, ngunit

kailangan nating isipin na hindi lang ito ang meron tayo. Kailangan din nating
isaalang-alang na meron pa tayong natitirang kapamilya na magmamahal sa atin at
mga taong handang tumulong kapag nawawalan tayo ng pag-asa. Ito ay
mahahalintulad sa Pamilyang Marsi, kung saan nawalan sila ng isang kasapi. Ito
ang naging dahilan kung bakit napalayo sila sa isat isa pati narin sa Panginoon.
Pero, hindi sila dapat mawalan ng pag-asa, sapagkat merong tatlong solusyon
upang mapairal ang kanilang pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya.
Una, ang paglapit sa mga kasapi ng pamilya. Ito ay may malaking maitutulong,
kung mailalapit lang ang sarili sa kanila. Pangalawa, pagyaya sa mga kasapi na
gumawa ng mga bagay o aktibidad na kung saan mapagtutuunan nila ng pansin at
malilibang ang kanilang mga atensyon. Sa paraan na ito pansamantala nilang
maisasantabi ang kanilang mga dinaramdam. At pangatlo, ang pagpapayo na
muling manumbalik sa pananampalataya sa Panginoon, sapagkat kaya niyang
tanggalin kung ano man ang gumugulo sa isipan o damdamin ng isang taong may
pinagdaraanan. Maliban sa tatlong solusyon na ito meron ding limang kaparaanan
o paraan kung paano mapapairal ang pagmamahalan, pagtutulungan at
pananampalataya sa isang pamilyang nawalan ng minamahal. Una, ang paghingi
ng tulong sa mga kasapi ng pamilya ay isa sa mga paraan upang mabawasan ang
sakit na nararamdaman ng isang taong nagdadalamhati, maging ang pagdamay at
pakikinig sa kanila ay magpapairal ng pagmamahalanan sa isang pamilya. Ang
pagpapaalala naman ng mga masasayang ala-ala tulad na lang, noong mga
panahong masayang nagtutulungan at may pagkakaisa ang mga kasapi, ay
maaaring maging daan upang manumbalik ang kanilang pagtutulungan. Kaya isa
sa mga magandang gawin ay ang yayain ang buong pamilya na gumawa ng isang
masayang gawain na kung saan mahuhubog ang kanilang pagkakaisa. At ang huli,
ang pagpapayo sa kanila na magbasa ng banal na aklat at pagsangguni ng mga
problema o ano mang bumabagabag sa isip at damdamin ng mga kasapi, dahil sa
pamamagitan nito muli silang mapapalapit sa Panginoon at mahuhubog nito ang
kanilang pananampalataya.

You might also like