You are on page 1of 32

BRIGHTWAYS

BRIGHTWAYS ACADEMY
ACADEMY
For
For aa greater,
greater, grander
grander purpose.
purpose.

ARALIN 3:
KAPUWA KO,
NANDITO AKO!
BRIGHTWAYS
BRIGHTWAYS ACADEMY
ACADEMY
For
For aa greater,
greater, grander
grander purpose.
purpose.

Nabubuhay ang tao hindi lamang


para sa kaniyang sarili kundi para sa
kaniyang kapuwa. Mahirap man o
mayaman, may kakayahan ang tao
na tumulong sa mga
nangangailangan.
BRIGHTWAYS
BRIGHTWAYS ACADEMY
ACADEMY
For
For aa greater,
greater, grander
grander purpose.
purpose.

ALAMIN NATIN:

KUWENTO NI PAOLA.

Ako si Paola. Galing ako sa Mindanao.


Lumipat kami sa inyong pook sapagkat isa ang
pamilya namin sa nakaranas ng maraming
kalamidad. Ang iba’y gawa ng tao at ang iba
nama’y dahil sa bangis ng kalikasan. Ito ang
larawan ng karanasan ng aming pamilya.
BRIGHTWAYS
BRIGHTWAYS ACADEMY
ACADEMY
For
For aa greater,
greater, grander
grander purpose.
purpose.

Kaguluhan sa Mindanao Pamilya na nakatira sa ilalim ng


tulay
BRIGHTWAYS
BRIGHTWAYS ACADEMY
ACADEMY
For
For aa greater,
greater, grander
grander purpose.
purpose.

Ang nasa unang larawan ay nangyari noong


bata pa ako. Sabi ni Inay, dalawang taon pa
lamang daw ako nang mangyari ito. Nalaman ko
ito dahil ikinuwento nila. Napakarami raw ng
naapektuhan ng gulong ito sa Mindanao.
BRIGHTWAYS
BRIGHTWAYS ACADEMY
ACADEMY
For
For aa greater,
greater, grander
grander purpose.
purpose.

Subalit ang gulo sa aming bayan ay


nagpaulit-ulit. Noong nakaraang taon
ay muling sumiklab ang kaguluhan at
nadamay pati ang aming paaralan.
Nasunog ito kasama ng iba pang mga
bahay at gusali.
BRIGHTWAYS
BRIGHTWAYS ACADEMY
ACADEMY
For
For aa greater,
greater, grander
grander purpose.
purpose.

Ang aming mga klase ay


pansamantalang ginagawa sa mga
dampa habang itinatayong muli
ng pamahalaan ang aming silid-
aralan.
BRIGHTWAYS
BRIGHTWAYS ACADEMY
ACADEMY
For
For aa greater,
greater, grander
grander purpose.
purpose.

Sapagkat wala na rin kaming bahay


na matitirahan kaya’t napilitan kaming
lumipat dito upang makaiwas sa
kaguluhan at makapagpatuloy kaming
magkapatid ng aming pag-aaral.
BRIGHTWAYS
BRIGHTWAYS ACADEMY
ACADEMY
For
For aa greater,
greater, grander
grander purpose.
purpose.

Dahil wala kaming bahay, natutulog


kami sa ilalim ng tulay kasama ang iba
pang biktima ng iba’t ibang kalamidad.
Naglalatag kami ng karton at banig sa
aming kariton. Nagtitiis kaming mabasa
kapag umuulan.
BRIGHTWAYS
BRIGHTWAYS ACADEMY
ACADEMY
For
For aa greater,
greater, grander
grander purpose.
purpose.
Upang matustusan ang aming pagkain sa
araw-araw, nangongolekta ng bote at
plastik ang aking mga magulang mula sa
mga tambak ng basura. Ibinibenta nila
ito sa junk shop upang may maibili ng
bigas at ulam.
BRIGHTWAYS
BRIGHTWAYS ACADEMY
ACADEMY
For
For aa greater,
greater, grander
grander purpose.
purpose.

Nag-aaral akong mabuti sapagkat nais kong


matupad ang aking mga pangarap sa buhay. Nais
ko ding makatulong sa aking mga magulang. Kapag
walang pasok, nagtitinda ako ng mga basahan sa
kalye. Nag-iingat naman ako sapagkat iyon ang
laging bilin sa akin ng aking mga magulang.
BRIGHTWAYS
BRIGHTWAYS ACADEMY
ACADEMY
For
For aa greater,
greater, grander
grander purpose.
purpose.

Naniniwala ako na pagpapalain din kami ng


Diyos sapagkat nagsisikap kami at naghahangad
ng mabuti para sa aming kapuwa. Ipinagdarasal
ko rin na sana magkaroon ako ng mga kaibigan
dito.
BRIGHTWAYS
BRIGHTWAYS ACADEMY
ACADEMY
For
For aa greater,
greater, grander
grander purpose.
purpose.

Gawain 1
Matapos mong marinig ang kuwento ni Paola, ano ang nais
mong itanong sa kaniya?
1.
2.
3.
4.
5.
BRIGHTWAYS
BRIGHTWAYS ACADEMY
ACADEMY
For
For aa greater,
greater, grander
grander purpose.
purpose.

Gawain 2
1. Ano ang iyong naramdaman habang tinitingnan ang mga
larawan? Naawa ka ba sa kanila? Bakit? Ano ang maaari
mong gawin para sa mga katulad ni Paola?
_____________________________________________
2. Kung isa ka sa kanila, ano ang iyong mararamdaman?
Kanino ka lalapit at hihingi ng tulong?
____________________________________________________
BRIGHTWAYS
BRIGHTWAYS ACADEMY
ACADEMY
For
For aa greater,
greater, grander
grander purpose.
purpose.

ARALIN 3:
KAPUWA KO,
NANDITO AKO!
BRIGHTWAYS
BRIGHTWAYS ACADEMY
ACADEMY
For
For aa greater,
greater, grander
grander purpose.
purpose.

ISAGAWA NATIN

Basahin ang at unawain


ang diyalogo nina Marla
at Rolan.
Salamat Marla. Maganda rin
Rolan, binabati kita. Pinuri ni naman ang plano mo. Siguro may
Gng. Rosales ang iyong nakalimutan ka lang isulat kaya
ginawang plano ng pagtulong may mga punang hindi maganda.
sa mga nakatira sa ilalim ng
tulay.
Naisip ko rin iyon, marami pa Susulatan ko ang mga ahensiya ng
ang kulang sa aking plano kaya pamahalaan tulad ng Department of
kailangan ko pang baguhin at Social Welfare and Development (DSWD).
ayusin. Kapag nagawa ko na Di ba may napag-aralan tayo tungkol sa
nang higit na maganda, ipakikita programa nilang "Pantawid Pamilyang
ko ulit sa inyo. Paano ka nga ba Pilipino Program (4Ps)?" May mga
tutulong kina Paola? kaklase nga tayo na kasali roon.
Alam mo, hindi lang naman sila ang
nangangailangan ng tulong.
Ang galing mo naman, Rolan. Naisip
Napakarami pa nating kababayan na
mo silang ilapit sa DSWD para
talagang nakakaawa ang kalagayan,
maisali sa 4Ps. Ito iyong programa
tulad ng mga nabiktima ng kalamidad
ng pamahalaan na tumutulong sa
sa Tacloban, lindol sa Bohol, at
mahihirap.
madalas ding may nasusunugan.
Marami nga pero mas kailangan ng ating mga
Pero marami naman ang kababayan ang dadamay sa kanila nang may
nagpapadala ng tulong mula sa ibang pagmamahal. Hindi lang basta nagpapadala ng
bansa, di ba? Napanood ko nga sa mga pagkain. Kailangang nararamdaman natin
telebisyon, marami ang nanggagaling ang kanilang paghihirap at dapat bukal sa loob
sa malalaking kompanya at ang ating pagbibigay.
mayayamang tao.
Bilib na talaga ako sa iyo. Pero sabi ni Oo nga. Hindi bale,
Inay, mayroon daw umaabuso. Iyon tatalakayin pa naman natin
bang umaasa na lang sa ibibigay ng ang tungkol sa pagtulong sa
kapuwa, hindi na naghahanapbuhay. mga darating na araw.
Dapat pala, alam natin kung sino
talaga ang dapat tulungan.
TANDAAN NATIN
Lahat ng tao ay may pangangailangan. Walang tao na nasa kaniya na ang
lahat. Ang mahihirap ay hindi nangangahulugang wala na silang maibibigay o
maitutulong sa ibang tao at mga kaibigan. Wala ring taong sobrang yaman na
hindi na mangangailangan ng tulong ng iba.

Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ng kung ano ang mayroon ka nang


bukal sa kalooban.

Ang mga munting regalo na kayang ibigay, tulad ng pagtulong sa pag-akyat


ng hagdan, ay isang kaginhawaan. Lahat ay magiging masaya at walang
maiiwan.
TANDAAN NATIN

Ang mga gawa ni Mother


Theresa, isang Santa mula sa
Calcutta India, noong siya ay
buhay pa ay likas na pagiging
bukas-palad.
TANDAAN NATIN

Hanggang sa huling mga sandali ng kaniyang buhay ay tumulong


siya sa mga may sakit at wala siyang inasahang kapalit. Hindi
kayamanan ang ibinahagi niya kundi ang kaniyang oras, serbisyo, at
pagmamahal, na maluwag sa kaniyang puso. Ang kaniyang mga
gawain ay nagsilbing inspirasyon sa maraming tao upang maging
bukas-palad din sa pakikisalamuha sa kanilang kapuwa.
TANDAAN NATIN

Ibahagi sa iba ang biyayang mayroon ka na maluwag sa


damdamin at walang inaasahang kapalit. Lubos na kasiyahan ang
maidudulot nito sa iyo. Kapag tapat at totoo ang damdamin sa
pagbibigay o pagbabahagi, tiyak na pagpapalain ka ng Maykapal at
mapasasaya mo ang iyong kapuwa.
ISABUHAY
NATIN
Muling balikan ang ginawa ninyong plano sa pagtulong kay Paola at
sa iba pang batang natutulog sa ilalim ng tulay. Pag-usapan ang
maaaring maging sagot ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD) sa inyong liham. Maglikom ng mga tulong na
maaaring ipadala sa mga naging biktima ng kalamidad at sa mga
tunay na nangangailangan ng inyong tulong. Ilagay sa gift box ang
inyong mga ibibigay upang madala ito sa susunod na buwan. Kasama
ng materyal na tulong, padalhan din sila ng card at sulat upang
ipadama mo sa kanila ang iyong pagmamahal .
SUBUKIN
NATIN
Basahin ang sitwasyon at sabihin kung anong damdamin mayroon sa
sumusunod na uri ng pagbibigay:

A. Napipilitan lamang magbigay


B. Nagbigay nang bukal sa kalooban
C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay
1. May dumating na donasyon galing sa bansang Japan para sa
mga biktima ng lindol. Ang nais ng mga Hapones ay sila ang mag-
aabot sa mga biktima sapagkat may listahan sila ng bilang at
pangalan ng mga bibigyan.
2. Isang grupo ng mga kabataan ang nangalap ng pagkain, gamot,
damit, at higaan para sa mga biktima. Nagpunta sila sa evacuation
center upang makausap ang mga inilikas na biktima. Nararamdaman
nila ang pagdurusa ng mga bata kaya’t magkakaroon pa sila ng
susunod na pagdalaw sa mga ito.
3. Nakita ng mayaman mong kapitbahay na marami ang
nagdadala ng relief goods sa covered court ng barangay. May inilikas
na mga nasunugan at walang nailigtas na gamit ang mga ito.
Inutusan niya ang kaniyang kasambahay na ilabas ang mga damit na
hindi na nasusuot at ang mga de-latang malapit nang masira.
4. Nagbigay ng isang sakong bigas ang pamilya ni Mang Oca sa
mga biktima ng bagyo. Nalaman ito ng kanilang kapitbahay kaya
nagpadala rin sila ng dalawang sakong bigas at mga damit.
5. Ang pag-aaral mo at ng iba mo pang kaklase ay sinusuportahan
ng isang samahang nagkakawanggawa sa mga mahihirap na may
kasipagan at kakayahang mag-aral. Ipinadadala sa inyong paaralan
ng samahang ito ang mga kailangan ninyo sa pag-aaral.
Ngayon ay alam mo na kung
paano maging bukas-palad sa
pagbibigay ng tulong.
Pagyamanin mo ito at
ipagpatuloy ang mabuting gawi.
Isa kang huwarang mag-aaral na
dapat tularan.
BRIGHTWAYS
BRIGHTWAYS ACADEMY
ACADEMY
For
For aa greater,
greater, grander
grander purpose.
purpose.

ARALIN 3:
KAPUWA KO,
NANDITO AKO!

You might also like