You are on page 1of 3

ANTAS NG WIKA

Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay isa sa pang mahalagang katangian nito. Tulad ng
tao, ang wika ay nahahati rin sa iba’t-ibang kategorya ayon sa kaantasan nito. Kung tutuusin,
ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay mabisang palatandaan kung anong
uri ng tao tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya nabibilang.
Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito nang sa gayo’y
maibabagay niya ito sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at maging sa
okasyong dinadaluhan.

MGA ANTAS NG WIKA

A. Pormal – mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na


nakakarami lalo nan g nakapag-aral ng wika.

1. Pambansa – mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila


sa lahat ng mga paaralan
2. Pampanitikan – mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan, mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining

B. Impormal – mga salitang karaniwan, palasak at pang araw-araw na madalas natin


gamitin sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at kakilala

1. Lalawiganin – mga bokabularyong pandayalekto na ginagamit sa mga partikular na


pook o lalawigan na kadalasa’y makikita rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono
2. Kolokyal – mga pang araw-araw na salita na ginagamit sa pagkakataong impormal at
maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari rin itong
maging repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito. Ang mga pagpapaikli ng isa,
dalawa o mahigit pang salita ay mauuri rin sa antas n ito. Halimbawa: nasa’n
(nasaan), pa’no (paano), sa’kin (sa akin), sa’yo (sa iyo), kelan (kalian), meron
(mayroon)
3. Balbal – tinatawag sa ingles na slang, sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga
ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes

PROSESO SA PAGBUO NG SALITANG BALBAL

A. Pagbabago sa mga Salitang Katutubo

Hal. Gurang (Bic., Bis.) barabara (Ceb.)


Bayot (Ceb.) sibat (Ceb.)
Buang (Bis.) dako (Bis.)

B. Panghihiram sa mga Wikang Banyaga (maaaring mananatili o nagbabago ang orihinal


na kahulugan ng salita)

Hal. Pikon (pick on, Eng.) salvage (Eng.)


Dedbol (dead ball, Eng.) vacuum (Eng.)
Wheels (Eng.) tong (Chi.)
Indian (Eng.) dorobo (Jap.)
Chicks (Eng.) basted (busted, Eng.)
Chichi (Spa.) kosa (Cosa Nostra, Rus.)
Jingle (Eng.) cats (Eng.)
C. Pagbibigay ng Bagong Kahulugan sa Salitang Tagalog

Hal. Hiyas (gem -> virginity)


Luto (cook -> game fixing)
Taga (hack -> commsion)
Ube (purple yam -> P100)
Durog (powdered -> drugged)
Bato (stone -> shabu)
Toyo (soy sauce -> mental problem)
Bata (child/young -> fiancée)
Yoyo (a toy -> watch)
Alat (salty -> police)
Lagay (put -> grease money)
Bola (ball -> lie)
Damo (grass -> marijuana)

D. Pagpapaikli

Hal. Muntinlupa -> Munti Amerikana -> Kana


Prubinsyano -> ‘syano Amerikano -> Kano
Kaputol -> utol -> tol pakialam -> pa
Wala -> wa malay -> ma

E. Pagbabaliktas/Metatesis

1. Buong Salita
Hal. Bata -> atab kita -> atik
Maganda -> adnagam bakla -> alkab

2. Papantig
Hal. Pulis -> lespu party -> tipar
Kotse -> tsikot taksi -> sitak
Tigas -> astig kalbo -> bokal
Kaliwa -> wakali sin aba sila -> nosi ba lasi

F. Paggamit ng Akronim

Hal. gg (galunggong) pg (patay-gutom)


hp (hindi pansi) hd (hidden desire)
ksp (kulang sa pansin) tl (true love)

G. Pagpapalit ng Pantig

Hal. daya -> joya lagpak -> palpak


Asawa -> jowa torpe -> tyope
Bakla -> jokla walanghiya -> walanjo/walastik

H. Paghahalo ng Wika

Hal. anong say mo ma-get


Bakal boy ma-take
Bow na lang ng bow in-snub -> inisnab
Pa-effect -> paepek binasted
I. Paggamit ng Bilang

Hal. 14344 (I love you very much) 25 (dose of LSD)


1432 (I love you too) 29 (lanseta)
5254 (mahal na mahal kita) 48 years (matagal)
50-50 (nanghihingalo, patay) 123 (loko)

J. Pagdaragdag

Hal. puti -> isputing malay -> Malaysia


Kulong -> kulongbia -> Colombia

K. Kumbinasyon

1. Pagbabaliktad at Pagdaragdag
Hal. hiya -> yahi -> dyahi
Wala -> alaw -> alaws
Hindi -> dehin -> dehins

2. Pagpapalit at pagdaragdag
Hal. Pilipino -> Pino -> Pinoy
Mestiso/a -> tiso/a -> tisoy/tisay
Bagito -> baget -> bagets

3. Pagpapaikli at Pagbabaliktad
Hal. pantalon -> talon -> lonta
Sigrilyo -> siyo -> yosi

4. Panghihiram at Pagpapaikli
Hal. dead malice -> dedma
American boy -> amboy
Security -> sikyo
Tomar -> toma
From the province -> promdi
Original -> orig
Brain damage -> Brenda

5. Panghihiram at Pagdaragdag
Hal. dako -> Dakota dead -> dedo
Get -> gets/getsing cry -> Crayola
In-love -> inlab -> inlababo

You might also like