You are on page 1of 2

Ang Pagdudukit sa Betis, Guagua

Ang Dukit ay isang craft na gawa sa kahoy o ang tinatawag na “woodcarving”. Ang Betis, Pampanga ay sikat sa
galling, husay sa pagdudukit at kilala rin pang “world class” at “export quality” na kalidad ng craft. Ang mga
crafts na ito ay madalas na ginagamit bilang dekorasyon sa mga simbahan at imaheng panrelihiyon sapagkat
ito ay may mga makikinis na kasangkapan at tinuturing na sining ng simbahan.

Ang mga mandudukit o mga wood carvers ay ang mga ipinagmamalaki ng Betis, Pampanga. Ang Betis
Pampanga ay isang maliit na bayan na kilala sa paggawa ng muwebles at pag-ukit ng kahoy. Ang pagdudukit ay
lubos na nakatulong sa pang araw araw na kabuhayan ng mga mamamayan dito. Nagkakaroon sila ng sapat na
kita upang magkaroon ng pagkain na maihahapag sa bawat mesa ng buong pamilya. Ipinagmamalaki ng isang
mandudukit na ang dalawa niyang mga anak ay nakatapos sa kolehiyo sa tulong ng pagdudukit.

Ang Dukit festival ay isinasagawa sa Betis, Guagua, Pampanga upang mapanatili ang tradisyong ito. Ito ay isang
pamamaraan upang maipasa ang kulturang sa susunod na henerasyon. Ang festival ay ginaganap tuwing Dis.
27-28 at bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ni St. James the Great, patron ng Betis, Guagua, kung saan ang
parish church ang tinaguriang "Sistine Chapel of the Philippines". Sisimulan ang programa ng mga mananayaw
na nakasuot ng mga wood carving motifs. Sa pagdiriwang ay may kumpetasyon ng mga mang uukit. Ang
kumpetisyon na ito ay naglalayong pukawin ang mga henerasyon ngayon upang maipakita ang ganda ng sining
at ang ipinagmamalaki ng pamayanan ng Betis

Source: https://4.bp.blogspot.com/-TvgPwI48p-
c/XBDD6R3ev8I/AAAAAAAALmM/LNvNuPgtWcwwMN1E5gLg0mGapgDIIcT6ACLcBGAs/s1600/Dukit%252Cfinal.jpg

.;,iii9u
Source: https://4.bp.blogspot.com/-TvgPwI48p-
c/XBDD6R3ev8I/AAAAAAAALmM/LNvNuPgtWcwwMN1E5gLg0mGapgDIIcT6ACLcBGAs/
s1600/Dukit%252Cfinal.jpg

You might also like