You are on page 1of 27

COURSE SCHEDULE

Week/Date Topic Written Work Performance Task


Unang Modyul 1- Aralin 1 -  
Linggo/Jan.25 - University of Batangas Pagtataya Bilang
30 Mission, Vision, 1
Philosophy, Goals and Feb. 12, 2021
Objectives
Ikalawang Modyul 1- Aralin 2 -
Linggo/Feb. 01- Panitikan
06 -Kahulugan at Uri ng
Ikatlong Panitikan
Linggo/Feb. 08- -Batayang Kaalaman sa
13 Panunuring
Pampanitikan
Ika-apat na Modyul 1- Aralin 3 -  
Linggo/Feb. 15- Liham sa Kabataaan ng
20 Taong 2070 ni Genoveva
Edroza Matute
Ikalimang Unang Buwanang Pagsusulit
Linggo/ Feb. 22-
23
Ikaanim na Modyul 2 - Aralin  1 -   Pagsulat ng isang Open
Linggo / Feb. 24- Panitikan  hinggil sa Letter na naglalayong
27- March 01-06 Kahirapan masukat ang pagkunawa sa
Mabangis na Lungsod ni nagdaang aralin
Efren Abueg Start: Feb. 15
Ikapitong Modyul 2 - Aralin 2 - Due: March 15
Linggo / March Panitikan Hinggil sa
08-13 Kahirapan
Ikawalong Eli, Eli Lama  
Linggo / March Sabachthani? ni
15-20, 22-23 Dominador Mirasol

Ikasiyam na   Hating Semestreng Pagsusulit


Linggo/March
24-27
Ikasampung Modyul 3 - Panitikan
Linggo/ March Hinggil sa Karapatang
29 - April 03 Pantao/Reporma sa
Ikalabing-isang Lupa Pagtataya Bilang
Linggo/April 05- Langaw sa Isang 3
10 Basong Gatas ni Amado April 16, 2021
V. Hernandez
Ikalabindalawan Modyul 3 - Aralin 3 - “Di
g Linggo/ April na Ako Makahabi ng
12-17 Tula” ni R. Ordoñez
Ikalabintatlong Modyul 3| Aralin 3 -
Linggo/April 19- Panitikan Hinggil sa
24 & 26 Isyung Pangkasarian 
“Liham ni Pinay Mula sa
Singapore” ni R.E.
Mabanglo
Ikalabing apat   Huling Buwanang Pagsusulit
na  Linggo/April
27-28
Ikalabing limang Modyul 4 | Aralin 1- Pagsulat at Pagbigkas ng
Linggo - April 29- Panitikan Hinggil sa sariling Likhang Tula na
30 & May 03-08 Isyung naglalayong masukat ang
Ikalabing anim Pangmanggagawa at Pagtataya Bilang pag-unawa sa sitwasyon at
na Linggo/May Pang-magsasaka 4 isyung panlipunan
10-15 May 21, 2021 Start: April 15
Ikalabimpitong Modyul 4 Aralin 2 - Due: May 15
Linggo/ May 17- Panitikan Hinggil sa
22 Sitwasyon ng mga
Pangkat Minorya
Ikalabing walong   Pinal na Pagsusulit
Linggo May 25-
28
LIT 1 MODYUL 1

ARALIN 1 - UNIVERSITY OF BATANGAS MISSION, VISION, PHILOSOPHY, GOALS


AND OBJECTIVES

Modyul 1 | Aralin 1 - University of Batangas Mission, Vision, Philosophy, Goals and


Objectives
Paunang Pagtataya
Susing Tanong:  Ano ang hangarin at layunin ng unibersidad sa akin bilang isang mag-
aaral at paano ito makatutulong sa akin sa pag-abot ng aking mga pangarap?
 
Mga Kagamitan/Nilalaman

Philosophy 
The University of Batangas, a stock non-sectarian, private educational institution,
believes in the pursuit of knowledge, values and skills necessary for the preservation and
improvement of the Philippine society. It has faith in the dignity of the human person, in the
democratic process, in the reward for individual excellence, and in the freedom of a person
to worship God according to his conscience. Thus, the institution believes that the
development of the individual as a person and worker is an effective means in building a
better family, community and nation, and a better world.
 
Vision 
We envision the University of Batangas to be a center of excellence committed to
serve the broader community through quality education.
 
Mission
The University of Batangas provides quality education by promoting personal and
professional growth and enabling the person to participate in a global, technology and
research-driven environment. 
 
Goals
1. To partner communities where literacy, livelihood, and technology transfer projects
can be implemented with the direct and indirect involvement of the UB family
2. To support medical and dental missions to indigent barangays in coordination and
cooperation with services and welfare organizations. 
3. To provide staff assistance, lecturers and training on Social, Cultural and Sports
components such as anti-drug abuse education, peace and order, theater arts, health and
safety, labor laws, cooperative, leadership, culture and sports, etc. 
4. To develop and strengthen the human and spiritual aspects of a person or individual
through enhancement programs like group dynamics, recollections, retreats, etc. 
5. To support environmental awareness and management programs and other
community development projects.
Objectives
1. Pursue academic excellence through continuing search for the application of truth,
and knowledge and wisdom via traditional and alternative modes of instructional delivery. 
2. Promote moral and spiritual development through an integrated educational process
that will enhance human character and dignity; 
3. Develop cultural, economic and socio-civic conscience through an educational
content relevant to national development needs, conditions and aspirations; 
4. Strengthen involvement in community services through varied economic and
environmental projects; 
5. Attain institutional self-reliance through responsive programs for staff, facilities and
systems development; 
6. Ensure financial viability and profitability 
7. Adopt internationalization to meet the shifting demands in the national, regional and
global labor environment; and 
8. Increase the University's productivity and innovation in research, scholarship and
creative activities that impact economic and societal development 
 
MODYUL 1 | ARALIN 2 - PANITIKAN

 Kahulugan at Uri ng Panitikan


 Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan

Paunang Pagtataya: 
Alamin natin ang iyong sariling pagpapakahulugan at pang-unawa sa salitang Panitikan.
Punan ng iyong kasagutan ang mga kahon sa ibaba.

PANITIKAN
1. Anong salita ang unang pumapasok sa iyong isipan kapag naririnig mo ang salitang
panitikan?
 pagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin at karanasan ng tao. ito ay pinakapayak na
paglalarawan sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

2. Mayroon ka bang paboritong kwentong pambata? Ano ito?


 Si Pepe At Ang Bato Ni Lola Pacing
 Ulila na sa mga magulang si Pepe at ang Lola Pacing niya ang tanging kasama niya sa
buhay. Dahil sa kanyang itsura, palagi rin siyang inaaway ng ibang mga bata sa
bagong lugar na tinutuluyan nila. Palagi nilang kinukutya si Pepe. Mabuti na lamang at
may kakaibang mga bato si Lola Pacing na siyang hinahagis ng apo niya sa mga nag-
aaway sa kanya. Dahil dun, naging magkaibigan sila.

3. Sa iyong palagay, anong mahalagang tungkulin ang ginagampanan ng panitikan sa


lipunan?
 Ang panitikan ay may malaking bahagi sa ating buhay sa pang araw- araw na gawain
man, ito ay nagbibigay ng kaalaman sa atin upang magkaroon ng kamalayan sa mga
naging buhay ng ating mga ninuno, mga kultura, mga nagawang tula at iba pa kahit sa
kasalukuyang kaganapan. 

 Kailangan natin itong pahalagahan dahil ito ay parte ng ating nakaraan kasalukuyan,
hanggang mga dadating panahon. Kung ano pa natin ay may gampanin din tayo na
makita sa atin ang pagpapahalaga natin sa panitikan.

4. Bakit ka nagbabasa? Maglahad ng 2-3 mga dahilan.


 Upang madagdagan ang ating kaalaman at upang maging matagumpay ang
isinasagawang pananaliksik ng impormasypn
 Upang mas mapukaw ang kaisipan hinggil sa mga nangyayari sa lipunan at mas
mapalawak ang kamalayan.
 
Kahulugan ng Panitikan
 
Mayaman ang Pilipinas sa iba’t ibang uri ng panitikan – mula sa mga unang akdang
pasalita hanggang sa mga kathang nakasulat. Nariyan ang mag bugtong at sawikain, ang
relihiyosong mga tula, ang pasyon, ang makukulay na awit at korido, ang mga
akdang rebolusyonaryo sa huling mga dekada ng ika-19 na dantaon, ang mga nobela
at maikling kwento, ang iba’t ibang uri ng dula, sanaysay, at ilan pang mga anyong
pampanitikan. Bagamat ang sistematikong pagkalap ng mga akda at ang pagsasaaklat ng
mga ito ay nagaganap pa rin sa kasalukuyan, marami nang pagtatangka na magbigay ng
pagsusuri sa naturang mga akda na tinaguriang panitikan.
Sa mga aklat na ginamit sa kolehiyo at unibersidad sa pagtuturo ng katutubong
panitikan, maraming sagot na ibinigay sa mga sumusunod na mahahalagang katanungan:
 Ano ang panitikan?
 Ano ang kaugnayan nito sa buhay?
 Ano-anong mga elemento ang bumubuo rito?
 
Kabilang sa mga kinagawiang sagot ang mga sumusunod na pormulasyon:
 Ang panitikan ay isang salamin, isang larawan, isang repleksiyon o
representasyon ng buhay / karanasan / lipunan / kasaysayan.
 Ito ay isang likhang - isip na ginagamitan ng mga salita o mga talinhaga upang
ipamalas ang aliw-iw at galaw ng buhay.
 Ito ay isang kathang nilikha upang mapagkunan ng aral o leksiyon na
mapagbubunga ng mambabasa o nakikinig sa sariling buhay.
 Ang panitikan ay tagapagpalaganap ng ng mga ideyal na kaisipan, mga adhika
at simulain, bukod sa pagiging instrumento sa pagbuo ng karakter ng tao.

Iba pang kahulugan: 
 Ang Panitikan ay buhay dahil ito ay repleksyon ng pamumuhay at
pakikipamuhay ng mga tao sa  kanyang ginagalawang lipunan.
 Ang panitikan ay isang mabisang instrumento upang mapagbago ang damdamin
at isipan ng tao, at mapakilos siya ayon sa idinidikta ng kanyang puso at isip.
 Hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo ang panitikan, binubuhay at
pinasisigla  rin nito ang damdaming  pagpapahalaga  sa minanang kultura  na
binuo ng mga henyo  ng ating lahi. 
 Ayon kay Zeus Salazar “
 ang panitikan gaya ng wika ay hindi lamang  lundayan at tagapagpahalaga ng
ating kultura kundi  ito ay kuhanan - impukan ng alinmang kultura.”
Nilalaman at iniingatan  nito ang sining, karanasan, tradisyon, at mga
mithiin ng bawat bansa. 
 
Ano ang SOSLIT?
Ang SOSLIT ay
 isang kurso sa pag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino na nakatuon sa
kabuluhang panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng
kasaysayan ng bansang Pilipinas
 Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na tinalakay ng mga akdang Filipino
tulad ng ;
 kahirapan,
 malawak na agwat ng mayayaman at mahirap,
 reporma sa lupa,
 globalisasyon,
 pagsasamantala sa mga manggagawa,
 karapatang pantao, isyung pangkasarian,
 sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o marhinalisado, at iba pa.  

Anyo at Uri ng Panitikan


  Ating muling alamin ang iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang link sa ibaba.
Link: https://quizlet.com/45736496/flashcards 

MGA ANYO NG PANITIKAN:


1. Tuluyan
2. Patula (Di- tuluyan)

1. MGA AKDANG TULUYAN:


 Nobela - mahabang salaysay na nahahati sa kabanata at ginagalawan ng maraming
tauhan

Halimbawa:
 El Filibusterismo ni Jose Rizal
Noli Me Tangere ni Jose Rizal (Touch me not)
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari
sa panahong Kastila.

Buod
Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay bumalik sa Pilipinas pagkatapos ng pitong taong pag-aaral
niya sa Europa. Naghandog ng piging si Kapitan Tiyago sa dahilang ito na kung saan inanyayahan niya ang ilang
sikat na tao sa kanilang lugar.

 Maikling Kwento- salaysaying may isa o ilang tauhan at may isang pangyayari sa
kakintalan
 Dula- itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan; nahahati sa yugto at tagpo
 Alamat- salaysaying hubad sa katotohanan at ukol sa pinagmulan ng bagay
 Pabula- hubad sa katotohanan ngunit natutungkol sa mga hayop
 Anekdota- likhang-isip ng mga manunulat na nagbibigay-aral
 Sanaysay- tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao
 Balita - pang-araw-araw na pangyayari sa buong bansa o ibayong dagat
 Talumpati - pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig
 Parabula - salaysaying hango sa Bibliya
 
2. APAT NA URI NG AKDANG PATULA (DI-TULUYAN)
1) Pasalaysay
2) Liriko (paawit)
3) Padula (pantanghalan)
4) Patnigan

Tulang pasalaysay - uri ng tulang naglalarawan ng mga mahahalagang tagpo o


pangyayari sa buhay
 Epiko- nagsasalaysay ng kabyanihang halos hindi mapaniwalaan dahil nauukol sa
kababalaghan
 Awit at kurido- mga paksang hango sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran;
hari’t reyna, prinsipe’t prinsesa
 Awit - may sukat na 12 pantig at inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara
 Kurido- may sukat na 8 pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa
 Balad- may himig na awit dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw; 6-8
ppantig

Uri ng tulang liriko (paawit)


 Awiting bayan- karaniwang paksa ay pag-ibig, pamimighati, pangamba,
kaligayahan, pag-asa at kalungkutan
 Soneto- may 14 na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan
 Elehiya- pagnanangis lalo na sa paggunita ng isang yumao
 Dalit- awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen
 Pastoral- naglalarawan ng tunay na buhay sa bukid
 Oda- nagpapahayg ng papuri, panaghoy o iba pang masiglang damdamin

Uri ng tulang padula


 Komedya- may layong pukawin ang kawilihan ng manonood at nagwawakas nang
masaya
 Melodrama- karaniwang ginagamit sa lahat ng mga musikal, pati opera; sangkap
ay malungkot ngunit kasiya-siya ang katapusan
 Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan
 Parsa- layunin nito ang magpasaya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na
mga pangyayaring nakakatawa
 Saynete- karaniwang paksa nito ay pag-uugali ng tao o pook

Uri ng tulang patnigan


 Karagatan- batay sa alamat ng singsing na hinulog sa dagat upang mapangasawa
ang makakakuha nito
 Duplo- humalili sa karagatan; husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula
 Balagtasan- pumalit sa duplo; tagisan ng talino sa pagtula bilang pangatngatwiran

Ang salitang Panitikan ay nagmula sa panlaping PANG- na nagiging PAN- kapag


inuunlapi sa salitang-ugat na nagsisimula sa D, L, R, S, at T. Sa salitang-ugat na TITIK, na
nakakaltasan ng T at nagiging [-ITIK] kapag nauunlapian. At sa hulpaping –AN na ang ibig
sabihin ay proseso o paraan. Samakatuwid, 
PANG+TITIK= PAN+TITIK= PANITIK+AN = PANITIKAN 
 
Ang panitikan ay nahahati sa dalawang anyo. 
1. TULUYAN o PROSA. Ito ay ang mga akdang nasusulat sa karaniwang takbo ng
pangungusap. Ito ay binubuo ng mga pangungusap at mga talatang may iisang diwa. 
2. PATULA o PANULAAN. Ito ay ang mga akdang nasusulat sa di-karaniwang takbo
ng pangungusap. Ito ay may sukat at tugma at nabubuo sa pamamagitan ng mga taludtod
na nabubuo sa isang saknong.

Mga Genre o Uri ng Panitikan 


 
Ang dalawang anyo ng panitikan na nabanggit sa itaas ay binubuo ng mga uri ng
panitikan. Ang tiyak na uri ng panitikan ay tinatawag na GENRE. Bawat genre ay
naglalahad at nagsasalaysay ng iba’t ibang layunin at pumapaksa sa maraming uri ng
bagay o pilosopiya. https://www.coursehero.com/file/28308819/Lektyur-Panitikanpdf/
 
Mga Akdang Tuluyan 
https://tnhsg9filipinomanlantao.wordpress.com/2014/10/25/ang-panitikan-at-mga-uri/
1. Tuluyan o prosa (Ingles: prose) – maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa
loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o
pagpapahayag.

a. Alamat – isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga


bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari
hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay
ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

b. Anekdota – isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang


pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may
dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga
pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

c. Nobela o kathambuhay– isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang


kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo,
naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre.
Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na
istilo.

d. Pabula – isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay
na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at
matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula,
sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag
din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral

e. Parabula - ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit


nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang
isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na
tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at
nagsasalita gaya ng tao.

f. maikling kuwento – binaybay ding maikling kwento – ay isang maigsing salaysay hinggil
sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang
kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela
at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o
iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

g. Dula – isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

h. sanaysay – isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-


kuro ng may-akda.

i. Talambuhay – isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang


tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
j. Talumpati – isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito
ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

k. Kuwentong-bayan – ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na


kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na
lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng
isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga
mito

l. Balita -mga iba’t-ibang makatotohanang pangyayari na nagaganap sa isang lugar o


bansa.

2. Mga Akdang Patula


https://ebalagat.wordpress.com/2016/11/24/mga-akdang-patula/
a) Mga tulang pasalaysay – pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari
sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
b) Awit at Korido – Ang awitin ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong
maganda kung gusto rin ito ng makikinig. Mayroon itong tono at sukat. Naglalaman
ang isang awiting ng bahaging pang-tinig na ginagampanan, inaawit at
pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko), karaniwang sinusundan ng mga
intrumentong pang-musika (maliban sa mga awiting acapella at scat). Kadalasang
nasa anyong tula at tumutugma ang mga salita ng mga awitin, bagaman, may mga
relihiyosong mga taludtod o malayang prosa. Ang mga salita ay ang liriko.
 Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin
sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat
linya at may apat na linya sa isang stanza. Ang korido ay binibigkas sa
pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.

c) Epiko – uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng


isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga
tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na
punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga
Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
- Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang
pandiwa) ay isang paglalahad na makabayani o bumabayani, samantalang ang epika
(may titik a sa huli, isang pangngalan) ay tulang-bayani, paglalahad na patula hinggil sa
bayani.
May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.

d) Balad – Ang balada ay isang uri o tema ng isang tugtugin.


e) Sawikain – Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:
1. idioma- isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
2. moto- parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
3. salawikain- mga kasabihan o kawikaan.
Salawikain – Ang mga salawikain, kawikaan kasabihan, wikain, o sawikain ay
mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay
patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga
karunungan.

f) Bugtong – Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na


may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding
palaisipan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma,
bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa
isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at
maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum),
mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-
araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula,
madalas itong naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.

g) Kantahin – (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng
lugar sa bansa.
h) Tanaga– Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng
pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga
kabataan. May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada
taludtod.

 
Panunuring Pampanitikan
Pag-alam. Pagtantiya. Pagtimbang. Pagbusisi. Pagsipat.
Mula sa Introduksyon ni Rosario Torres –Yu, sa kanyang aklat na Kilates  hinggil
sa panunuring pampanitikan, kinikilates ng Filipino ang isang bagay para alamin o di kaya
ay tiyakin kung magugustuhan niya ito o di kaya ay tatanggaping mahalaga at may
kabuluhan.
Sa kulturang Filipino inaalam muna kung ano ang isang bagay bago masabi kung
ano ang iniisip o di kaya ay niloloob tungkol dito. Sa pag-alam, tinitingnan itong mabuti o
sinisipat para makitang mabuti ang hindi agad nakikita sa unang tingin.
Ganito rin sa panitikan. Binabasa upang kilatisin sa klasrum ang isang tula, maikling
kwento, nobela, dula at iba pang anyo ng panitikan at teksto. Kinikilates ang akda upang
makabuo ng kahulugan at pagpapahalagang kaugnay nito.
Ang pagbabasa na may layuning kilatisin ang isang akda ay pumapasok sa gawain
ng kristisismo. Isa itong gawain o praktika na bahagi ng pampanitikang pag-aaral . Isa
itong espesyalisadong larangan sa loob nito. May kaugnayan ang kristisismo sa kabuuuang
produksyon ng panitikan, katunayan ay itinuturing na may mahalagang silbi dito.  
 
Katangian ng Isang Akdang Pampanitikan
Alamin ang mga katangian ng isang akdang pampanitikan gamit ang link sa ibaba. 
 Noli Me Tangere
 Dr. Jose Rizal 
 Isa ito sa mga akdang may mahusay na pagkasulat
 Tinataglay nito ang lahat ng mga katangian ng isang mahusay na akdang
pampanitikan
 Katangian ng isang mahusay na akdang pampanitikan (Noli Me Tangere)
a. Malinaw- masasabing malinaw ang isang akda kung hindi na kinakailangang ulit-
ulitin ng mambabasa ang mga pahina upang malaman ang nangyayari sa kuwento
b. Organisado- ang akda ay naisayos sa paraang lohikal at kaaya-aya sa paningin at
pandinig
c. Boses- ang boses ng manunulat ay ang kanyang sariling paraan ng pagbuo ng
kanyang mga ideya at ipadama sa mababasa.
d. Kredibilidad- kung ang akda ay fictional, kinakailangang maging kapani-paniwala
ito upang maiwasan ang misinterpretasyon. Kung ito ay nonfiction, kinakailangang
magsaliksik ang manunulat upang maiwasan ang pagkakamali sa impormasyon.
e. Nakaantig ng damdamin- ito ang paraan kung paano tumugon ang mambabasa
ng akda. Dahil nakuha ang kanilang damdamin maaaring maging inspirasyon nila
ito sa pagsulat ng panibagong kuwento.

TANDAAN: Dapat isaalang-alang ang tamang paggamit ng wika sa pagsulat o pag-


analisa ng isang akda.

Katangian ng Mabuting Kritiko


 
Ang mga sumusunod ang mga katangian ng isang mabuting kritiko:
a. Matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang
sining
b. Handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri
ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya
c. Laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan
d. Iginagalang ang desisyon ng ibang kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina
gaya ng linggwistika, kasaysayan at sikolohiya, atbp.
e. Matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang
sining
f. Matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo 
o konstruksyon  batay sa  sinusunod na alituntunin at batas.
g. Ayon kay AGA,  kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming  naninindigan
upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang  pagmamalasakit
 
Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan
 
Sa panunuri, nakikita ang bumubuo  sa pagkatao ng mga Filipino, kung ano ang
pinahahalagahan niya, at kung ano ang suliraning kinasasangkutan niya. Napapalutang
nito kung ano ang klase ng pamumuhay niya. 
Sinusuri o hinuhusgahan ang akda ng isang manunulat sa pamamagitan ng mga
tanong na:
 Ano ang sinasabi ng akda?
 Paano ito sinabi?
 Kailan ito nasulat?
 Sino ang sumulat?
 Para kanino ito isinulat?
Sa iyong mga gagawing pagsusuri sa asignaturang ito, maaari mong gamitin ang
mga katanungan sa ibaba upang higit pang mapalalim ang iyong pagkaunawa. 
 Anong karanasan na siyang paksa ng representasyon ng mga akdang binasa
ang tinutukoy sa pagbasa?
 Paano inilalarawan o nirerepresenta ang karanasan?
 Ano-anong mga pamamaraang pampanitikan ang ginagamit sa mga akda?
 Anong karanasan sa akda ang hinihingi nito na kasangkutan mo?
 Anong kamalayan ang pinaiiral ng akda?
 Bakit ganoon ang ugali/paniniwala ng mga tauhan?
 Ano-ano  ang minamahalaga sa paglalarawang ito? Bakit?
 Kaninong  ideolohiya ang sinusuportahan o di kaya ay  kinokontra ng akda?
 Paano ito nagagawa ng teksto?

TANDAAN:
Para sa mga estudyante, ang kaalaman at kasanayang magmumula sa panunuri ng
panitikan ay hindi lamang magpapatalas sa mapanuring pag-iisip. Hahamon din ito   sa
aktibong pagsali sa mahahalagang usapin katulad ng pagbubuo ng kaalaman para makilala
ng Filipino ang kanyang sarili, ang kanyang pagkalahi at pagkabansa, para sa panlipunang
pagbabago.
  
Pansariling Pagtataya::
1. Ano ang mahalagang gampanin ng panunuring pampanitikan sa patuloy na
pagpapayaman ng sining at literatura?
 Mapapahlagahan at mapapayaman lamang natin ang isang sining at literatura kung
tayo ay sapat na kaalam sa pagsusuri ng mga panitikang ito. Dagdag pa rito, ang
paglalapat ng iba’t-ibang dulog ng kritisismo ay isang mabisang instrumento upang
maunawaan ang nais maipabatid ng malikahing manunulat sa kanyang katha.
2. Paano nakatutulong ang panitikan sa paghubog, paglago, at pagbabago ng lipunan?
 Malaki ang maitutulong nito sapagkat dito natin naipapahayag ang ating kaisipan,
saloobin, mga idyea, diwa, kahusayan, o talento na maibabahagi natin sa lahat.
Naiisalysay rin nito ang buhay, pamumuhay, at pananampalataya ng mga tao na
siyang sumasalamin sa kultura na humuhubog at nagpapaunlad sa mga nabuong
kasanayan sa lipunan.
3. Sa iyong palagay, anong mga pagpapahalaga ang maaari mong matutunan sa pag-
aaral at panunuri ng isang akda?
 Para sa akin, maaaring makabuo ng iba’t ibang pananaw sa larangan ng panitikan
na siyang tumutulong sa pag-unlad ng buong pagkatao ng isang nilalang dahil
lumalawak ang kaniyang kamalayan at pagpapahalaga sa sarili, sa kapwa at sa
bansa. Maikikintal rin sa isipan ng mga mambabasa ang kahalagahan at aral na
nais maiparating ng manunulat na nakalimbag sa kanyang akda.

Modyul 1 | Aralin 3 - Liham sa Kabataaan ng Taong 2070 ni Genoveva Edroza Matute


Paunang Pagtataya
Susing Tanong:  Ano ang hangarin at layunin ng awtor sa pagsulat ng liham na ito para sa
kabataan ng 2070?
 
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
1. Makilates ang tunay na layunin ng awtor sa kanyang liham para sa makabagong
henerasyon
2. Maipahayag ang kahalagahan ng pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang Filipino
3. Mailarawan ang sitwasyon ng panahon noong isulat ang akda
4. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan  sa mga piling akda
5. Maiangkop ang nilalaman ng mga akda sa kasalukuyang pangyayari
6. Maipahayag ang saloobin at kaalaman tungkol sa isyung nailatag ng akda sa
pamamagitan ng isang liham na susulatin bilang gawaing pagganap
 
 
Pagkilala sa May-Akda
Si Genoveva Edroza-Matute (He·no·bé·ba Ed·ró·za Ma·tú·te) ay isang kilaláng
kuwentista, mananaysay, at guro sa Filipino.
Isinilang siya sa Maynila noong 3 Enero 1915 kina Anastacio Edroza at Maria
Magdalena Dizon. Naging asawa si Epifanio Gar. Matute, ang lumikha ng sikat na
programa sa radyo at serye sa telebisyon na Kuwentong Kutsero noong dekada 50.
Nag-aral siyá sa Manila North High School (ngayon ay Arellano High School),
Philippine Normal School (PNS), Philippine Normal College (PNC na Philippine
Normal University ngayon), at University of Santo Tomas. Nagturo siyá nang 46 taon
sa mga eskuwelahang Cecilio Apostol Elementary School at Arellano High School, at
naging tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino sa PNC.
Ang ilan sa mga kinatha niyang maikling kuwento ay “Leave-taking” at “Land of
the Bitter” na nailathala sa Manila Post Sunday Magazine at sa Manila Post Monthly.
Ngunit higit siyáng kinagiliwan sa kaniyang mga kuwen- tong nagsusuri sa sikolohiya ng
batà at hinggil sa karanasan ng guro, gaya ng “Walong Taong Gulang,” “Noche Buena,”
“Kuwento ni Mabuti,” at “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata.” Nailathala ang kaniyang
antolohiya ng maiikling kuwento at sanaysay sa Ako’y Isang Tinig noong 1952; ang ilan
pang sumunod na koleksiyon ay nasa Piling Mga Maiikling Kuwento 1939–1992, Sa
Anino ng EDSA at Iba Pang Mga Kuwento, at Tinig ng Damdamin. Nakapaglathala din
siyá kasama ng kaniyang asawa sa Mga Pagpapahalagang Pilipino sa Mga Akda: Mga
Kuwento, Mga Sanaysay, Mga Dula noong 1992.
Kinilala ang husay ng kaniyang pagsusulat at dedikasyon sa pagtuturo ng mga
timpalak ng Don Carlos Palanca Memorial Awards 1950s–1960s; Outstanding PNS-
PNC Alumna Award noong 1966; Patnubay ng Sining at Kalinangan Award ng
Maynila noong 1967; Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas ng Unyon ng mga
Manunulat sa Pilipinas noong 1988; at Gawad CCP Para sa Sining noong 1992.
 
Mga Gawain bago Basahin ang Akda:
Bago basahin ang liham, panoorin ang bidyo sa ibaba at magbigay ng maikling ideya
ukol sa pamagat ng akda -  “Liham sa Kabataan ng Taong 2070”. 
 
 
Paksang Aralin: Narito ang sipi ng ng liham ni Genoveva Edroza-Matute.
Liham sa Kabataan ng Taong 2070
ni Genoveva Edroza-Matute             
                                    
Ika-2 ng Abril, 1970
 
Sa Iyo, Kabataan ng 2070,
Mula sa pusod ng malalim na pag-iisa ng nakahihindik na katahimikan ng pag-iisa.
sinulat ko ang liham na ito sa iyo, Kabataan ng 2070. Pinangangasahan kong kong
hakdawin ang isang nuong dantaon, ng ating salinlahi upang iabot sa iyo kabataan, ang
butuhan ng kamay, ang di na matatag na kamay, ang natubog na sa karumihan at
katiwalian at madlang kasalanan na kamay. Upang humingi ng kapatawaran sa ibibinhi ng
kasalukuyang lahi. Upang mag-apuhap, upang umamot ng anag-ag ng pag-asa sa gitna ng
kalituhan ng kasalukuyang panahon.
Ngayo'y Araw ni Balagtas. May mga palatuntunan. May ilang pagdiriwang. May
pangkat na dadayo sa pangingay, Bigaa, Bulakan at mag-aalay ng mga bulaklak at papuri
sa Bantayog doon ni Balagtas. May ilang paalala sa ilang tanggapan at paaralan tungkol sa
wika, tungol sa pagpapahalaga sa wikang Filipino "Tagalog" . Naka-barongs [mabilis ang
bigkas] ang mga gurong lalaki at ang ilang pinunong namamahalan sa halaga ng ternong
amerikana’t pantalon bukod pa sa lubhang naiinitan (Abril ngayon), barongs na yari sa
telang galing sa Hongkong. At tapos na ang Araw ni Balagtas. Maikakahon na’t maitatago
nang mahigpit upang ilabas na muli sa isang taon. Ang mga baro’t saya, at barongs, pati
na wika.
Bakit Barongs ang tawag namin ang itinatanong mo kabataan? hindi bayan ang
dating itinaguriang Barong-Tagalog? Oo. Ngunit dumami na ng dumami ang allergic,
pinamamantalan ang punong taynga sa salitang Tagalog. Gaya nanga ng wikang Tagalog,
hindi Wikang Filipino. Kaya, inalis na ang salitang Tagalog sa salitang Barong-Tagalog.
Ginawang Barong na lamang, ngunit sapagkat sa Ingles, Kapag marami'y dinaragdagan ng
titik "s", Kaya't ang Barong ay nagiging Barongs. Bakit bumilis ang bigkas? A, iyan ay
sapagkat ang Pasay man ay naging Pasay (mabilis) na at ang Davao ay naging Davao
(mabilis) na. Kaya bakit ang Barongs ay hindi magiging barongs (mabilis)? Paano nga pala
ninyo malalaman, Kabataan ng 2070 na sa aming panahon ngayon, ang makabago't
sibilisadong Pilipino (tao ito, hindi wika), ay sadyang may iba nang paraan ng pagsasalita,
kahit ng sariling wika, kaysa mga kababayan nilang kinagigiliwang tawaging Bakya Crowd?
Kaya ang tinatawag na Bakya Crowd na Magsaysay ay binibigkas ng sibilisadong Pilipino
na magsighsigh; ang korehidor ay Koregidor; ang Romulo ay Romyulow; ang Pedro ay
Pedrow; ang Mang Teban ay Meng Teyven.. At ako nga pala, minsan, ay "naparangalan"
ng isang makabagong dalagang panauhin na may hawak na kapirasong papel na
kinatatalaan ng pangalan ko, at nagtanong sa akin, "Are you, Mrs... Mrs... Jhey-niw-ve-ib
Mechu-chey?"
Nagtataka ka, kabataan ng 2070?Bakit, Ang tanong mo? Bakit ganoon, ang tanong
mo? Talagang ganito. Sapagkat "Status Symbol" ngayon ang makapag salita ng ingles na
parang tunay na Amerikano. Wa-Klas (walang Class) ang pagsasalitang Tagalog o Pilipino
o Wikang Pambansa. Iyan ay para sa mga utusan lamang. Yan ang lumitaw sa isang pag-
aaral daw ng isang iskolar na may isang ekspertong Amerikano bilang tagapayo: iyan daw
ang sinabi ng isang Miss Universe na Pilipina. Ni hindi para sa mga utusan sa mga
aksesorya, kabataan. Hindi. Sapagkat sa mga aksesoryang katabi ng aming bahay,
pagkapanganak sa bata'y iniingles na, kaya't pati utusan ay umiingles na rin, kahit pa
ganito, "yu et na, Rechard... ha. Ay wil palo na yu, sige." Kaya ang wika nga, segun sa
utusan ang gagamit ng Filipino.
Ngunit bakit, ang ipinipilit mong itanong, kabataan? Bakit kayo nagkaganoon sa
inyong panahon sapagkat kami'y lutong-luto, ang wika nga, lutong-luto sa wika, kaya sa
kaisipan man at sa pag-uugali ay banyaga. Kung ano ang pinakakain ay siyang ididighay,
hindi ba? Ilang pong taong wikang banyaga ang pinakain sa amin, pagkain kasangkap.
Mangyari pa nga ba ang kaisipan, kalinangan, ugali, pamumuhay ng bansang sumakop.
Ngunit ngayo'y 1970 na, ang pakli mo, kabataan. Wala na ang banyangang sumakop,
matagal na silang wala, dalawampu't limang taon na kayong taon na malaya riyan bakit
ganyan parin ang mga pag-iisip ninyo, pag-aasal ninyo? A, Hindi mo nga pala alam,
kabataan ng 2070. Maniniwala kabang dalawamput limang taon na kaming malaya ngunit
hanggang ngayon ay Ingles parin ang wikang panturo sa aming mga paaralan? Naunahan
na kami ng malayung-malayo ng mga kapit bansa natin, ng Indonesia at Malaysia na higit
na nahuling lumaya. Katakot-takot na mga pagsubok ang ginawa sa paaralan kung dapat
na ngang gamitin ang wikang pambansa.
Oo, pagkatapos ng dalawampu't limang taon na ng kalayaan! at gaya ng maasahan,
hindi nagdarahop ang aming mga nagpapakasangkapan sa dolar-Amerikano-
makapangyarihang dolar, masarap na pagllabay ng walang gugul, sarisaring Iskolarship
iba't ibang paraan na pang-akit ng makapangyarihang dollar deplomacy. Oo,kabataan ng
2070, saaming panahon ay "status symbol" parin ang humingi ng paumanhin sa pagatul-
gatol at pautal-utal na pagsasalita sa wikang pambansa. Kalakaran parin sa mataas na
pinuno, kahit sa pinakamataas, na magsimulang magtalumpati sa wikang pambansa sa
mga unang dalawang talataan, at mag-Ingles na pagkatapos. Karangalan pa ring hindi raw
maisaulo ang poambansang Awit sa Filipino. At sa isang kilalang dalubhasaan ng mga
nag-aaral sa pagiging guro, oo, magiging guro, napagkaisahan sa puliong ng mga mag-
aaral " hindi pa panahon upang magpulong sa Filipino" Kahit noon ay Linggo ng Wika ; at
isang "matalinong magiging guro ang humingi ng tuldok na ayos" (point of order) at "akin
ang sahig" (I have the floor), na siyempre nama'y binili nang gayon na lamang sa
pamamagitan ng di-matapos-tapos na halakhakan. At sa pasulatan ng nasabi ring
dalubhasaan, ang "matalinong" patnugot ng pasulatan ng Pitak-Filipino nang lumipat na sa
Ingles ay nag-iwan ng ganitong pag-aglahi sa kanyang mga kasamahan, "O, ano kayo?
Hanggang diyan nalamang ba kayo sa Filipino?"
 
Gawain Pagkatapos Basahin ang Akda:
Panoorin ang bidyo sa baba upang higit na mapalalim at mas mabigyang kabuluhan ang
iyong nabasang akda.
 
Pansariling Pagtataya:
1. Kung ihahambing mo ang kasalukuyang estado ng wikang Filipino sa isang konkretong
bagay, ano ito? Bakit?
 Ang yelo ay ang isang anyong solido, kung hahayaang maiwan sa mainit na
tempretura ay malulusaw. Ang yelo ay parang ang ating wikang Pambansa na
Filipino. Kagaya ng yelo, ang wikang Filipino sa paglipas ng panahon ay unti-unti
nalulusaw at nagbabago sa kaanyuan nito.
2. Ano ang maaari mong maging kontribusyon para sa patuloy na pagbibigay-buhay at
pagpapayaman sa ating sariling wika at natatanging kultura?
 Hindi pag-uulit ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo, bagkus ay
pagpapalawig sa teorya, praktika, at silbi nito sa pamantasan, bansa, at buhay.
Kaya’t para sa akin, bilang mag-aaral sa kolehiyo nararapat lamang na patuloy
nating gamitin at pag-aralan ang wikang atin na higit na huhubog sa
pagkakakilanlan ng ating kultura at sariling bansa. Naninindigan akong higit na
mapaglilingkuran ko ang mas malawak na mamamayan gamit ang wikang Filipino.
Mandato ng ating unibersidad, ang paglingkuran ang sambayanan, tulad ng
naikintal a mahalagang paguugali ng ating pamantasan.

Modyul 2 | Aralin  1 - Panitikan  hinggil sa Kahirapan


 Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg
 
Paunang Pagtataya
Susing Tanong:  Ano ang hangarin at layunin ng awtor sa pagsulat ng kwento na ito?
 
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan  sa akda
Maiangkop ang nilalaman ng mga akda sa kasalukuyang pangyayari
Masuri ang tauhan batay sa kanyang kilos, gawi, paninindigan at paniniwala gayundin ang
pagkilala sa may-akda.
Mahinuha ang nilalaman ng kwento batay sa pamagat at mga kaugnay na pahiwatig
Maipahayag ang saloobin at kaalaman tungkol sa isyung nailatag ng akda sa pamamagitan
ng isang liham na susulatin bilang gawaing pagganap
 
Mga Kagamitan / Nilalaman
 
Pagkilala sa May-Akda

Efren R. Abueg
Unang antolohiya ng kanyang mga katha ang BUGSO, ngunit marami na ring librong
pinamatnugutan si Efren Abueg, tulad ng Mga Piling Akda ng KADIPAN(1964), Mga Agos
sa Disyerto (edisyong 1965, 1974 at 1993), MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino
(1970) at Parnasong Tagalog ni Abadilla (1973).
Kinilala ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng maiikling kuwento sa pagkakaloob sa
kanya ng anim na Taunang Gawad Carlos Palanca (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at
1974); unang gantimpala sa timpalak ng KADIPAN (1957), Pang-alaalang Gawad Balagtas
(1969); pangatlong gantimpala sa timpalak ng Pilipino Free Press(1969) at Mangangatha
sa Tagalog (1992) ng Unyon ng Manunulat ng Pilipinas. Sa nobela naman, nagwagi siya sa
timpalak ng Liwayway (1964, 1965, at 1967) at sa sanaysay ay nakamit niya ang unang
gantimpala sa timpalak ng KADIPAN noong 1958.
Kasama sa maraming teksbuk sa Filipino ang kanyang mga nagkagantimpalang akda,
aktibo siya sa pagtuturo ng wika at panitikan sa MLQ University (1965-1972), Philippine
College of Commerce (1971-72), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (1974-77), Ateneo
de Manila University (1977-78) at sa kasalukuyan, propesor siya sa De La Salle University.
Naging pangulo ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL, 1986-88), at
Linangan ng Literatura ng Pilipinas (Literary League of the Philippines) at direktor ng
Philippine Folklore Society.  http://panitikan.ph/2013/05/15/efren-abueg/
 
Gawain Bago ang Pagbabasa
Panuto: Bago basahin ang kwento sagutin ang ang mga katanungang ito:
Kailan isinulat  ni Efren Abueg ang kuwento?
Sino ang namumuno ng pamahalaan ng Pilipinas noong panahong ito ay isulat?
Ano ang kalagayan ng bansa ng panahong iyon?
Anong mga isyung panlipunan mayroon sa panahong iyon?
Ano ang sinasalamin ng kalagayan ng bayan sa kuwento ni Efren Abueg?
Anong problema o suliraning panlipunan ang binibigyang pansin sa kuwento?
 
Paksang Aralin: Narito ang sipi ng ng akda ni Efren R. Abueg.
MABANGIS NA LUNGSOD
ni Efren R. Abueg
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na
lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may
bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim
na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi
sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay
hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang
gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y
naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad
ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kaniya kung
naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang
nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang
mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at mabawasan ang mga
taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit
na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng
suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga
hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman
ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may
puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad. 
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga
piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing
na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kaniyang mga bisig sa wala pang tunog ng
katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng
pangangalam ng kaniyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na
gumagapang sa kaniyang katawan.
“Mama... Ale, palimos na po.”
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng
mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng
pagmamadali ng pag-iwas.
“Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!” Kung may pumapansin man sa
panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam.
“Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong.
Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kaniya ni Aling
Ebeng, ang matandang pilay na kaniyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay
Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang
paghindi sa kaniya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas.
“May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik
kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim
na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kaniyang bulsa,
ngunit kailan man ay hidni nakarating sa kaniyang bituka.
“Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!”
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa.
Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling
sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na
tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam
ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang
paglalahad ng kaniyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa
kaniyang kinaroroonan.
“Malapit nang dumating si Bruno...” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan.
Manapa’y para sa lahat na maaring makarinig. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni
Adong. Nilagom ng kaniyang bituka ang nararamdamang gutom. Asng pangambang
sumisigid na kilabot sa kaniyang mga laman at nagpapantindig sa kaniyang mga balahibo
ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan
sa kaniyang harap ang mga taon malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama
siya ng kung anong bagay na apoy sa kaniyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon
ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kaniyang gutom at pangamba. Kung ilang
araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag
sa kaniya na gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang barya ang nalaglag sa kaniyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat
ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari
bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga
barya sa kaniyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kaniyang palad. At sa
kaabalahan niya’y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa
simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga
kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling
pag-iwas.
“Adong... ayun na si Bruno” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
Tinanaw ni Adong ang ininguso sa kaniya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang
malapad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot
na gora. Napadukot si Adong sa kaniyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon.
Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kaniyang mga ugat.
Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya
kangina pa ay mamamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kaniyang palad ang mga baryang
napagpalimusan.
“Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang
sinabi sa matanda.
“Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!”
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglalakad, sa
simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas
siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik
siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya’y nawala na
siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab.
Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kaniyang likod. At sa murang isipang iyon
ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay
Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa
makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula’t pa’y nakilala niya at kinasusuklaman.
Muling dinama niya ang mga barya sa kaniyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang
ipinakalansing.
“Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kaniya ng lagim. Ibig niyang
tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kaniyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno
ay parang bakal na nakahawak na sa kaniyang bisig, niluluray ang munting lakas na
nagkakaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at
kabangisan.
“Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!” Naisigaw na lamang ni Adong.
Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya
ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na
niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kaniya.
 
Gawain Pagkatapos Basahin ang Kwento:
 Ilarawan si Adong, Si Bruno at si nanay Ebeng.
 Ano ang kinakatawan ni Adong sa Kuwento? Ni Bruno sa lipunan?
 Ilarawan nang masinsinan ang tagpuan sa kuwento.
 Ano-anong pahayag ang nagpapatingkad sa paksa ng kuwento?
 Anong tunggalian mayroon sa kuwento?
 Ano-anong simbolo ang ginamit sa kuwento?
 Paano nagpatingkad  sa kuwento ang tono, himig, simbolo, at mga tayutay sa
kuwento?
 Masasabi bang isang klasiko ang akda ni Efren Abueg?
 Sumasalamin pa ba sa kasalukuyan ang mga pangyayari sa akda?
 
Dagdag na Nilalaman:
https://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/2013/02/mabangis-na-lungsod-ni-efren-r-
abueg.html
 
Pansariling Pagtataya: 
Anong mga kasalukuyang pangyayari sa bansa ang sinasalamin ng mga kaganapan  sa
akda? Sa kasalukuyan, sino ang mga maituturing mong Adong ng lipunan? Bruno? Aling
Ebeng?
Modyul 2 | Aralin 2 - Panitikan Hinggil sa Kahirapan
Eli, Eli Lama Sabachthani? ni Dominador Mirasol
 
Paunang Pagtataya
Susing Tanong:  Ano sa iyong palagay ang ibig sabihin ng pahayag sa ibaba?
“Ang kalbaryo ay isang landasing muli’t muling tataluntunin ng tao.”
 
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
 Makilates ang tunay na layunin ng awtor sa kanyang kwento
 Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan  sa akda
 Maiangkop ang nilalaman ng mga akda sa kasalukuyang pangyayari
 Maunawaan ang konsekwensya ng bawat desisyon sa buhay
 Matukoy ang tunggalian sa kwento
 Maipahayag ang saloobin at kaalaman tungkol sa isyung nailatag ng akda sa
pamamagitan ng isang liham na susulatin bilang gawaing pagganap
 
Mga Kagamitan / Nilalaman 
 
Pagkilala sa May-akda:

DOMINADOR B. MIRASOL

Siya ay anak ng mag-asawang Aklanon at Bikolana na nagkaugat sa Tondo.


Manggagawa sa lagarian ang kanyang ama, kaya’t bukod sa mga estero,
barungbarong at mga looban ay karaniwan na ring tanawin sa kanya ang mga troso at
kusutan.  Ang mga paksang hinango mula sa kanyang nilikhang kapaligiran ay hindi
katakatakang matuklasan sa marami ng kanyang isinulat na akda.
Nagsimula siyang sumulat noong labingwalong taong gulang, naging patnugot siya
ng pitak sa Pilipino ng “The Quezonian” pahayagang pang-estudyante ng MLQ University.
Pagkaraang makapag-aral doon ng journalism ay naging kagawad siya ng Aliwan, at nang
lumaon ay ng Liwayway.
Isa siya sa mga sinanay na kabataang manunulat ng palihang pampanitikan sa ilalim
ng noo’y direktor ng editoryal ng Liwayway si Agustin C. Fabian. Mula roon, ay gumawa
siya ng sariling pangalan sa panitikan.
Dalawang ulit na siyang nagwagi sa timpalak ng maikling kuwento ng Palanca
Memorial Awards. Unang Gantimpala noong 1964 sa kanyang kuwentong “Mga Aso sa
Lagarian” gayundin ang kanyang “Mga Bangkay sa Dalampasigan ng mga Uwak” noong
1970.
Kabilang sa kanyang mga isinulat na nobela ay ang : Apoy sa Madaling Araw” ko-
awtor si Rogelio L. Ordonez na nagtamo ng pangalawang gantimpala sa timpalak ng
nobela ng Liwayway noong 1963. “Mga Halik sa Alikabok” unang gantimpala noong 1966 at
“Magkabiyak ng Larawan” na nalathala rin sa Liwayway noong 1973-1974.
Naging lecturer sa Departamento ng Pilipino at Panitikan ng Pilipinas, UP, kaugnay
siya sa kasalukuyan sa DPI at magpahanggang ngayon ay patuloy pang may hinahanap sa
buhay.
 
Paksang Aralin: Eli, Eli Lama Sabachthani? Ni Dominador Mirasol
Serye ng kawalang-pag-asa sa buhay ni Elias. Nakulong dahil sa pagpatay nang
ipinagtanggol si Celia sa manggagahasa; mala-hayop ang pagtrato sa bilanggong menor-
de-edad sa Welfareville; lupit na buhay sa bilangguan dahil sa pagkain, sanidad, at
siksikang espasyo; at ang iniihiang pagkain para sa mga preso. Nakapatay muli si Elias at
inilipat naman sa Deathrow. Sa pagbitay, nagkaroon ng bagong pag-asa si Elias: sa
pagbabanyuhay.

Narito ang link kung saan maaaring mai-download ang akdang Eli Eli Lama
Sabachthani? ni Dominador Mirasol.
https://drive.google.com/file/d/1ygU1SdwusTSZ5e0GoIDjVjB-yugLN_7D/view?
fbclid=IwAR3gXmH_lamqgz0fat7Kb6aXUEwUVIoe7yL5kCAb7dYfP0IuPMN5ltTk2X4
 
Matapos basahin ang akda, sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.
Basahing mabuti ang mga tanong at sagutan ayon sa iyong pagkaunawa. 
 Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento.
 Paano nagsimula ang kuwento?
 Ilarawan ang tagpuan.
 Ihanay ang mga pangyayari sa kuwento.
 Ano-anong  mga pangyayari ang nagtulak sa pangunahing TAUHAN upang
humantong siya sa ganoong kalagayan?
 Paano humantong sa loob ng bilangguan si Elias?
 Ano-anong suliranin mayroon sa  kuwento?
 Saan muling isinilang si Elias? Sa iyong palagay, bakit sa bansang iyon?
 Tukuyin ang tunggalian sa kwento.
 Nangyayari pa ba sa kasalukuyan ang mga naging karanasan ni Elias?
 Paano masosolusyunan ang ganitong mga pangyayari sa loob ng bilangguan?
 
Pansariling Pagtataya:
Maituturing mo bang biktima ng lipunan si Elias? Bakit? Bakit hindi?
Sa kasalukuyan, sino ang mga maituturing mong Elias ng lipunan? Deputado? Aling Sela?

Modyul 4 | Aralin 1- Panitikan Hinggil sa Isyung Pangmanggagawa at Pangmagsasaka

Paunang Pagtataya
Susing Tanong: Ano-ano ang mga karapatan ng mga manggagawa at magsasaka?
Magtala ng ilan sa mga ito.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
 
Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Maihanay ang mga isyung  pangmanggagawa at pangmagsasaka sa akdang
binasa
 Mapalutang ang mga sanhi at bunga ng mga suliranin na mayroon sa akda
 Makapagsaliksik ng mga karapatan ng manggagawa
 Makalikha ng isang akdang pampanitikan tulad ng isang tula kung saan malikhain
mong maipapahayag ang iyong kaalaman at saloobin tungkol sa isyung inilatag ng
mga akda

Mga Kagamitan / Nilalaman:


 
Ang  Manggagawang Pinoy
Bilang introduksyon sa paksang tatalakayin, panoorin ang bidyo tungkol sa mga
manggagawang Pinoy gamit ang link sa ibaba.
 
Manggagawang Pilipino. Link:
 
Sang-ayon ka ba sa iyong napanood tungkol sa mga manggagawang Pinoy?
Maituturing mo rin ba silang mga bayani ng makabagong panahon? Maiisigaw mo rin ba
ang mga katagang “Hoy!Pinoy ako.” ng may buong pagmamalaki? 
 
Maituturing na katuwang sa pagbabago ang mga manggagawang Pilipino. Kinikilala
ang kanilang abilidad at husay sa iba’t ibang larangan dahil na rin sa kanilang talento,
kasipagan, lakas ng loob, matibay na pananalig sa sarili, at tibay ng pananampalataya.
Kaalinsabay ng kanilang pagsisikap ay ang pangarap na mabigyan ng maginhawang buhay
ang kanilang mga pamilya. At ang bunga ng kanilang pagsisikap ay ang katuparan ng mga
pangarap ng kapwa nila Pilipino.
 
Subalit sa kabilang banda, hindi maisasantabi na may mga isyu at suliraning
kinakaharap ang ating mga manggagawa partikular na ang mga magsasaka. Ating balikan
ang iyong tala mula sa panimulang gawain. Mula sa mga karapatan na iyong naisulat, alin
sa iyong palagay ang lubusang naisasakatuparan o nabibigyan ng pansin? Alin ang
nalalabag sa iba’t ibang paraan?
 

Isyung Pangmagsasaka
Panoorin ang bidyo gamit ang link sa ibaba bilang paunang gawain tungo sa pag-
unawa ng panitikang tatalakayin sa araling ito. 
 
Lupa at Hustisya: Hacienda Luisita. Link:
 
Ang mahaba at masalimuot na kasaysayan ng pakikibaka ng mga magsasaka ng
Hacienda Luisita ay binigyang pansin ng KM64 sa koleksyon ng likhang tula mula sa mga
manunulat na kaisa ng grupo sa kanilang adhikain.
 
Kabyawan Chapbook VI ng KM64 Poetry Collectives
 
“Ang tula ay armas pandigma at karangalan ang tulaan and sambayanan.”
 
Ang Kilometer 64 Writers’ Collective o mas kilala bilang KM64 ay binubuo ng mga
makata at manunulat na nagmula sa iba’t ibang larangan at sektor: estudyante, guro, ina,
ama, manggagawa, magsasaka, OFW at mga anak ng bayan. Lubusang niyakap ng grupo
na nagsimula lamang sa palitan ng tula sa yahoo groups ang adhikain ng Kabataang
Makabayan na naitatag noong 1964 na siya ring pinaghugutan ng inspirasyon ng kanilang
pangalan. Sa kanilang mga akda ay itinatanghal ng KM64 ang hapis at galak ng
sambayanan at tinutulaan nila ang di matapos-tapos na paghahanap ng kapayapaan,
hustisya, at lipunang wala nang pagsasamantala.
Narito ang dalawang tula mula sa Kabyawan Chapbook VI ng Km64 na patungkol sa
mga manggagawa ng Hacienda Luisita. Isaalang-alang ang mga katanungan sa tapat ng
piling saknong bilang gabay sa pagbabasa at pagunawa ng akda.
/
files/5466708/Mga_Tula_mula_sa_Kabyawan_at_Mga_Gabay_na_Katanungan(2).pdf
 
Pansariling Pagtataya:
 Epektibo ba ang dalawang tula sa paglalahad ng suliraning kinaharap ng mga
magsasaka? 
 Ano-ano pang mga isyung pangmanggagawa ang naglalahad ng kaparehas na
sitwasyon o suliranin?
 Pangwakas na Ideya: Bilang itinuturing na katuwang sa pagbabago, mahalaga
lamang na mabigyang pansin ang kalagayan ng mga manggagawa at mga
magsasaka lalo na sa usaping may kinalaman sa kanilang mga karapatan.

Modyul 4 Aralin 2 - Panitikan Hinggil sa Sitwasyon ng mga Pangkat Minorya 


 
Paunang Pagtataya: Ating silipin ang ilang kaalaman tungkol sa pangkat minorya ng
Pilipinas. I-click lamang ang link at sagutan ang maikling pagsusulit. 
 
Link: https://quizlet.com/479399183/flashcardshttps://quizlet.com/479399183/flashcards
 
Mga Kasanayang Pampagkatuto
Matukoy ang mga iba’t ibang pangkat minorya sa Pilipinas
Maihanay ang mga suliranin mula sa  akdang tumatalakay sa pangkat minorya
Maisangkot ang mga damdamin at imaheng nabuo sa akda sa pangkasalukuyang
kalagayan ng mga pangkat minorya sa bansa
Makalikha ng isang akdang pampanitikan tulad ng isang tula kung saan malikhain mong
maipapahayag ang iyong kaalaman at saloobin tungkol sa isyung inilatag ng mga akda
 
Mga Kagamitan / Nilalaman:
 
Ang Pangkat Minorya
 
“Madali tayong mamangha na makita ang mga pambansang minorya na
isinasabuhay pa rin ang kanilang kultura. Nagdaan ang daan-daang taon ng magiting na
pagharap sa kolonyalismo, mga digmaang pandaigdig, at hanggang sa kasalukuyan,
nahaharap din sila sa mga problemang katulad ng kalakhan ng mga mamamayang
Pilipino.”.
 
Larawang hinango mula sa https://bit.ly/2ORE2io
 
 Anong damdamin ang ipinapakita ng larawan sa itaas? Ano ang mga natatanging
pagkakakilanlan ng mga katutubo?
 Ang katutubo o minorities ay naglalarawan o tumutukoy sa mga pangkat etniko na
sama-samang namumuhay sa isang lugar o rehiyon. Sa pamamagitan ng kanilang
pamumuhay ay naipapamalas nila ang kultura at kasaysayan na naggbubuklod at
nag-uugnay sa kanila.

Kabilang sa maraming uri ng katutubong etniko o minorya sa bansa na hindi


nakakatanggap ng kaukulang pagkakakilanlan ang mga sumusunod na pangkat: 

 Mga Mansaka ng Compostela Valley


 Mangyan ng Mindoro
 Lumad ng Mindanao
 mga Aeta ng Sierra Madre
 Tau’t Bato ng Palawan 
 Sa kabila ng modernisasyon ay kapansin-pansin pa rin ang pagpapanatili nila ng
natatanging katutubong kultura ng ating mga ninuno. Hindi maitatanggi ang
napakahalaga nilang kontribusyon sa pagpreserba at patuloy na pagpapayaman ng
ating kultura at tradisyon. Subalit sa kabila ng natatatanging kontribusyong ito,
kadalasa’y sila pa rin ang nababalewala, nagiging biktima ng diskriminasyon sa
benepisyong pampubliko, at humaharap sa mga pagsubok gaya ng pakikipaglaban
nila para sa kanilang ancestral domains at likas na yaman, gayundin sa pagsulong
nila sa kanilang mga karapatan.

Para kanino nga ba ang ating bayan? Ito ba’y para sa mga nasa kabihasnan lamang o para
sa lahat ng Pilipino saan mang sulok ng bansa? 
 
“Katutubo” ni Tatay Remo Fenis
 
Ang tulang “Katutubo” ay sinulat ni Tatay Remo Fenis o Tatay Remo na isang
environmentalistang manunulat. Masasabing ang akda ay naglalayong bigyang pansin ang
mga pangkat minoryang walang boses at hindi lubusang kinikilala sa lipunan.
Alamin ang mga partikular na suliraning pinatutungkulan sa akda na
kinasasangkutan ng mga katutubo. Basahin mabuti ang sipi ng tula sa ibaba at isaalang-
alang ang mga gabay na katanungan sa pagbabasa.
 
/files/5466708/Katutubo_at_mga_Gabay_na_Katanungan(2).pdf
 
  Upang higit pang palalimin ang mensahe ng akda at mas mabiyang linaw ang
katotohanan sa likod ng mga pangkat minorya ng bansa, ating balikan ang isyu patungkol
sa tangkang pagpapasara ng Lumad schools sa Mindanao. Panoorin ang bidyo gamit ang
link sa ibaba.
Link:
  
Pagpapalalim ng Nilalaman:
Sang-ayon ka ba sa ideyang ipinahayag na ang suliranin at laban ng mga Lumad ay
suliranin at laban din ng bawat Pilipino? Bakit?

You might also like