You are on page 1of 17

PAGBASA SA IBA’T-IBANG

DISIPLINA AT MGA
BATAYANNG KAALAMAN
SA PAGSULAT
ALBARAN
ARREZA
BANRILE
GAPATE
QUIJADA
RESPECIA
VALENZONA
• Maraming iba’t ibang mga disiplina. Ang mga teksto ay mauuri ayon sa tatlong pangkalahatang
disiplinang kinabibilangan ng mga ito --- Likas na Agham, Teknolohiya at Matematika; Agham
Panlipunan; at Humanidades.
• Ang bawat disiplina ay may kanya-kanyang paraan ng paglalahad ng mga impormasyon.
• Pagsasalaysay, paglalahad, pangngatuwiran, paglalarawan.
• Maaaring maging paktuwal o hindi ang mga impormasyong laman ng mga teksto depende sa
disiplinang kinabibilangan nito.
• Bawat disiplina ay may tiyak na set ng mga terminong ginagamit na tinatawag na REGISTER.
• Ang mga salitang ito ay maaaring magkaroon ng:
• Isang kahulugan lamang dahil eksklusibo itong ginagamit sa isang tiyak na disiplina.
• Dalawa o mahigit pang kahulugan dahil ginagamit sa dalawa o mahigit pang disiplina
• Isang kahulugan lamang sa dalawang magkaibang disiplina gawa ng pagkakaroon ng
ugnayan ng mga disiplinang ito.
LIKAS NA AGHAM, TEKNOLOHIYA AT
MATEMATIKA
• Kung paraan ng pagkakasulat ang pag-uusapan, ang mga disiplinang Likas na Agham, Teknolohiya at
Matematika ay kadalasang nakasulat sa paraang paglalahad, paglalarawan at pagungutwiran. Karamihan
sa mga nilalaman ng mga teksto sa disiplinang ito ay paktuwal at produkto ng mga eksperimento, lalo na
ang mga teksto sa Likas na Agham. Maliban sa Matematika, posibleng ang isang termino ay ginagamit sa
isa o mahigit pang akda at possible ring ang mga salitang ito ay magkaroon ng magkapareho o
magkaibang kahulugan.

LIKAS NA AGHAM: TEKNOLOHIYA: MATEMATIKA:


Biyolohiya, Kemistri, Patolohiya, Agham Trigonometri, Algebra,
Botanika, Medisina, Astronomiya, Kompyuter, Elektroniks, In Estadistika, Geometry,
Pisika, Agrikultura, Heolohiya henyerya, Awtomotib Kalkyulus
AGHAM PANLIPUNAN

• Tulad ng naunang mga disiplina, paktuwal din ang mga impormasyong laman ng mga tekstong kabilang
sa Agham Panlipunan. Gamitin sa larangang ito sa paraan ng paglalahad ng mga kaisipan ang
pagpapaliwanag at pangangatuwiran. Hindi rin ekslusibo sa isang disiplina ang isang termino dahil
maaari rin itong gamitin sa ibang kaugnay na disiplina tulad ng mga disiplinang
Sosyolohiya, Antropolohiya at Lingguwistiks; Akawntansi, Ekonomiks at Pamamahala ng Pananalapi; at
Abogasya at Agham Panlipunan.

PANGANGALAKAL: KURSONG KAUGNAY NG KULTURAL AT PANLIPUNANG


Ekonomiks, Akawntansi, POLITIKA AT PAMAHALAAN: PAG-AARAL:
Pamamahala ng Otel at Agham Panlipunan, Ugnayang Antropolohiya, Sosyolohiya, Relih
Restorant, Administrasyong Pandaigdig, Abogasya, Administr iyon, Arkilohiya, Sikolohiya
Pangangalakal, Pamamahala ng asyong Pampubliko, Kasaysayan
Pananalapi
HUMANIDADES
• Sa tatlong pangunahing kategorya ng mga disiplina, ang humanidades ang maaaring magkaroon ng
pormal at impormal na wika. Gawa ito ng pagiging malikhain, simbolikal at metaporikal ng ilang teksto,
tulad ng panitikan. Maaari ring maging paktuwal o hindi ang mga impormasyong laman ng teksto.
Paktuwal ang mga tekstong panghumanidades kabilang sa mga displinang wika, pagpipinta,
pagdidsenyo, arkitektura, sayaw at isports. Produkto naman ng malikot na guniguni ng manunulat ang
mga impormasyon sa isang akdang pampanitikan (tulad ng mga kuwentong pantasya), kaya masasabing
hindi paktuwal ang mga impormasyong ito. Ngunit may mga akdang pampanitikan naman na hango sa
mga totoong kaganapan sa lipunan, gaya na lamang ng mga historical na nobela at maikling kuwento.

HUMANIDADES:
Wika, Panitikan, Sining, Musika, Teatro,
Pagpipinta, Pagdidisenyo, Arkitektura,
Sayaw at Palakasan/Isports
• Ang pagsusulat ng isang magandang teksto ay hindi isang natural na biyaya. Ito ay
natututunan. Kapang hindi maganda ang ginawang teksto, ang pampalubag-loob ng mga tao
sa sarili’y wala silang talent sa pagsusulat at dahil dito’y di sila nagpupursigeng matuto.
• Writing is a skill. Maaari itong matutunan.
• Ang pagsulat ay mahalaga sa pakikipag-ugnayan. Ang pagsulat ay hindi isang opsyon sa
akademya --- ito’y isang pangangailangan.
KAHULUGAN AT KALIKASAN

• Sa pagsulat, naipapasa ng isang tao ang kanyang ideya. Naisasakatuparan ang mga abstrak na
kaisipan sa pamamagitan ng pagsasalin nito sa mga kagamitang maaaring pagsulatan.
Naipipreserba ang mga katangi-tanging mga ideya na maaaring kapupulutan ng kaaalaman o aral
sa buhay.
• Ang pagsulat ay pagsasalin sa isang midyum na maaaring mapagsalinan (papel, kompyuter, etc.)
ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag
ang kanyang/kanilang kaisipan.
• Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Ito ay
pisikal sapagkat ginagamit dito ang kamay at mata. Mental naman dahil kailangang gamitin ang
utak sa pagsusulat.
• Hindi biro ang pagsulat. Kailangan ng puspusang mental at konsideribleng antas ng kaalamang
teknikal at pagkamalikhain.
• Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit,
talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pa. Komprehensibo ang pagsulat sapagkat
bilang isang makrong kasanayanng pangwika, inaasahang masusunod ng isang manunulat ang
maraming tuntuning kaugnay nito. Kaugnay nito ang pakikinig, pagsasalita at pagbasa.
• Ang pagsulat ay isang biyaya sapagkat ito ay isang kasanayang kaloob ng Maykapal at
ekslusibo ito sa tao. Isa rin itong pangangailangan sapagkat ito, kasama ang kasanayang
pakikinig, pagbasa at pagsasalita, ay may malaking impluwensiya upang maging ganap ang
ating pagkatao. Isa itong kaligayahan sapagkat bilang isang sining, maaari itong maging
hanguan ng satispaksyon ng sino man sa kanyang pagpapahayag ng naiisip o nadarama.
• Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang
pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.
SOSYO-KOGNITIBONG PANANAW SA
PAGSULAT
• Ang sosyo ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Ang kognitibo naman ay ano
mang tumutukoy sa pag-iisip. Nauugnay rin ito sa mga empirical o paktuwal na kaalaman.
• Ang sosyo-kognitibong pananaw ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat. Ayon sa
pananaw na ito, ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal na aktibiti. Nakapaloob sa
mental na aktibiti ang pag-iisip at pagsasaayos ng isang tekstong pasulat. Nakapaloob sa
sosyal na aktibi ang pagsaalang-alang sa mga mambabasa at sa kanilang magiging reaksyon o
tugon sa teksto.
• Ang pagsulat ay isang komunikasyong intrapersonal at interpersonal. Isa itong proseso ng
pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad ng Ano ang
aking isusulat? Paano ko iyon isusulat? Sino ang babasa ng aking isusulat? Ano ang nais kong
maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat? Isa rin itong paraan ng pakikipag-usap sa
mambabasa, isang tao man o higit pa.
MGA LAYUNIN SA PAGSULAT
• Kapwa isang gawaing personal at sosyal ang pagsulat.
• LAYUNING EKSPRESIBO: O pagpapahayag ng iniisip o nadarama. Ito ay personal na gawain.
• LAYUNING TRANSAKSYONAL: Sosyal na Gawain ang pagsulat kung ito ay ginagamit para sa
layuning panlipunan o kung ito ay nasasangkot ng pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa
lipunan.
• IMPORMATIBONG PAGSULAT: (expository writing) ay naghahangad na makapagbigay ng
impormasyon at mga paliwanag. Ang mismong pokus nito ay ang mismong paksang
tinatalakay sa teksto.
• MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT: (persuasive writing) ay naglalayong makumbinsi ang mga
mambabasa tungkol sa isang katuwiran, opinion o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito
ay ang mambabasa na nais maimpluwensiyahan ng isang awtor nito.
• MALIKHAING PAGSULAT: ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad
ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan,
ang pangunahing layunin ng awtor ditto ay pagpapahayag lamang ng kathang-isip,
imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito. Ang pokus dito ay ang manunulat.
• PORMULARING PAGSULAT: isang mataas at estandardisadong pagsulat katulad ng mga
kasulatan/kasunduan sa negosyo/bisnes at iba pang mga transaksyong legal.
ELEMENTO NG PAGSULAT
• 1. PAKSA: Ang proseso ng pagsulat ay lagging nagsisimula sa isang paksang siyang iikutan ng
sulatin. Hindi dapat isipin lamang ng manunulat kung ano ang kaniyang personal na interes,
kundi dapat din niyang isipin na ito ay kawiwilihan ng kaniyang nananais na mambabasa. Ang
paksa ay dapat na naaangkop sa sitwasyon at mambabasa, napapanahon at kawili-wili.
• 2. LAYUNIN: o purpose. Karaniwan na ang pamamaraan ng ating pakikipag-ugnayan ay
nadidiktahan ng ating layunin o ninanais na makamtan sa katapusan ng gawain. Sa tuwing
tayo ay nagsusulat, maingat nating pinipili ang ating mga salita upang maihiwatig ang ating
tunay na layunin.
• 3. PAGSASAWIKA NG IDEYA: Ang ideya ay ang kaisipan ng isang tao tungkol sa isang paksa, at
ito ay mananatiling kaisipan laman hangga’t hindi ito nalalapatan ng mga kongkretong salita
na siyang magbibigay kabuuan dito. Ang husay ng isang manunulat ay nasusukat sa kanyang
kakayahang bigyang-buhay ang mga kaisipan niya sa paglalapat ng mga salitang muli naming
bubuhayin ng kaniyang mambabasa sa kanilang isipan, na kung kanilang maiibigan ay maaari
nilang isabuhay. Ang mga piniling salita ng tagapagpahayag ang siyang batayan sa pagtukoy
sa tono ng may akda.
• 4. MAMBABASA: Sa isang diskurso o ano mang proseso ng pakikipagtalastasan, lagging may
dalawa o higit pang bilang ng partisipant. Laging mayroong tagapaghatid at tagatanggap. Ang
isang akda ay hindi magkakaroon ng kabuluhan kung ito ay walang mambabasa.
PROSESO NG PAGSULAT
• BAGO SUMULAT (PREWRITING):
• 1. MALAYANG PAGSULAT: (freewriting) Ito’y pagsusulat ng mga pangungusap o parirala sa
papel nang tuloy-tuloy hanggang makabuo ka ng burador. Hindi dapat alalahanin ang
tamang ispeling, pagbabantas, pagbura sa mga kamalian., pag-oorganisa ng mga ideya o
pagpili ng akyureyt na salita. Higit sa lahat ay makatutulong ito para mailabas ang iyong
saloobin at ideya.
• 2. PAGTATANONG: (questioning) Ang mga katanungang nabubuo ay maaaring
panggalingan ng mga ideya at detalye na posibleng magamit sa pagsusulat. Katulad ng
mga katanungang nag-uumpisa sa Sino? Ano? Saan? Kailan? Bakit? At Paano?
• 3. PAGLILISTA: (listing/brainstorming) Sa paglilista, kinokolekta mo ang mga ideya at
detalye na may kaugnayan sa paksang susulatin mula sa nabuong burador. Ilista ang mga
paksang may kaugnayan sa isa’t isa na maaaring gabay sa pagsusulat.
• 4. PAGKAKLASTER: (clustering) Ang pagkaklaster o diagramming ang isa sa mga pamamaraan
na maaaring pagmulan ng magandang material para sa teksto. Kinokonek ang mga ideyang
nakapaloob sa mga kahon/bilog sa isa’t isa sa pamamagitan ng mga linya.
• 5. PAGBABALANGKAS: (preparing an outline) Sa pamamagitan ng balangkas ay maaaring
tayain ang sariling gawa, kung mayroon pa bang kakulangan ang bubuuing teksto. Ang
balangkas ay maihahantulad sa isang blueprint na gabay para makabuo ng isang magandang
tekstong ekspositori.
• A. IMPORMAL NA BALANGKAS: Halos katulad ito ng pormal na balangkas pero hindi
kailangang mahigpit na sundin ang herarkiya ng pagkakasunod-sunod ng mga ideya at
detalye. Ito’y gamitin lamang sa pagpaplano ng susulatin.
• B. BALANGKAS NA PANGUNGUSAP: Mas debelop ito kumpara sa impormal na balangkas.
Hindi lamang paksa ang maaaring ipasok sa bawat talata kundi maging ang mga paksang
pangungusap at mga pangunahing detalye nito na ninanais gamitin.
• C. PORMAL NA BALANGKAS: Ang balangkas na ito ay hindi ginagamit sa pagpaplano ng
pagbubuo ng teksto. Madalas itong nabubuo pagkatatapos ng preliminary o pinal na
burador. Ang bawat entri sa pagbabalangkas na ito ay nas anyong pangungusap.
• HABANG SUMUSULAT (ACTUAL WRITING):
• 1. MAGSIMULA SA ISANG PAKSANG PANGUNGUSAP: Simulan sa paksang pangungusap
ang iyong unang talata. Mainam na sumusuporta sa paksang pangungusap ang bubuo sa
unang talata.
• 2. SUPORTAHAN ANG PAKSANG PANGUNGUSAP NG MGA TIYAK NA KATIBAYAN:
Nararapat na maipresenta ang mga tiyak na detalye – tulad halimbawa ng
pangangatuwiran, ebidensya at mga halimbawa sa iyong teksto upang maging kapani-
paniwala at makahikayat ng mga mambabasa.
• 3. AYUSIN AT PANSININ ANG PAGKAKAUGNAY-UGNAY NG MGA IDEYA: Obserbahan ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga ideyang ipinasok. Dapat isaisip nang mabuti upang hindi
maguluhan ang mga mambabasa sa tekstong binabasa.
• 4. ISULAT NANG MALINAW O ERROR-FREE ANG PANGUNGUSAP: Hindi dapat ipag-walang
bahala ang mga tamang estraktura ng gramatika o maging simpleng mga paggamit ng
bantas. Hangga’t maaari’y error-free ang kabuuan ng ating teksto.
• PAGKATAPOS SUMULAT (REWRITING):
• Ilang dapat isaalang-alang sa pagrerebisa.

Kohirens Kakayahang maipakita ang ugnayan ng


mga ideya.
Kaisahan Kailangang ang mga ideya ay malinaw na
magkaugnay sa isa’t isa at umikot ang
talakay sa isang sentral na ideya.
Empasis Ang mga mahahalagang salita o punto ay
dapat nakahaylayt o nagbibigay-diin.
Kasapatan Sapat ang mga material – halimbawa,
detalye, paliwanag at mga
ebidensya/datos – para masuportahan
ang paksang tinatalakay.
Kasanyan sa Pangungusap Obserbahan ang estraktura ng grammar
na ginamit – tamang pagbabantas,
ispeling at maging pormat ng ibinigay ng
guro.

You might also like