You are on page 1of 2

Adrian Florin YY4

11921781 BS MEE-MTE

Kilala si Isko Moreno sa kaniyang pagiging isang millennial na Mayor ng Lungsod


ng Manila, na isa sa mga pinaka (busiest something in the Philippines chuchu). Ang
kanyang paraan ng paglilingkod sa kanyang nasaskupan ay isa rin sa mga naging
pagkakakilanlan kay Isko katulad na lamang ng pagiging aktibo sa iba’t ibang mga social
media platforms para magparating ng mga bagong anunsyo at mag-update sa mga
mamayanan ng lungsod. Dahil sa kaniyang presensya sa social media, hindi maiiwasan
ng iba’t ibang mga tao na gumagamit din ng naturang plataporma na mapansin ang
kaniyang estilo ng pakikipag-usap at maaliw sa paraan ng pagsasalita ng mayor. Ang
paraan ng wikang ginagamit ni Isko ay dulot ng kaniyang pagiging laki sa hirap, kung
kaya’t masasabing malaking parte ng bokabularyo ni Isko Moreno ay balbal o impormal
na wika. Ang paggamit ng ganitong klase ng wika ng Mayor ay tampok lalo na sa mga
mahihirap dahil nagbibigay sa kanila ito ng pag-asa na may isang tao na may mataas na
posisyon na nakakaintindi at nakakapagunawa sa kanilang sitwasyon at realidad sa
buhay. Masasabi nating ang paggamit ng ganitong klase ng wika ay isang paraan ng
pakikiramay ni Mayor sa kaniyang mga pinagsisilbihan. Kaniyang nauuwaan ang mga
problema at pinagdadaanan ng mga mamayanan ng lungsod kung kaya’t para sa interes
ng mamayanan ang mga proyekto at aktibidad na kaniyang ipinapatupad. Bukod pa rito,
ang paggamit din ng mga salitang kalye ay isang paraan upang mas madaling
maunawaan ng mga mamayanan ng lungsod ang kaniyang mga paalala, partikular na sa
maga may masasamang loob o kaya’y nagdudulot ng kaguluhan sa lungsod. Makikita
ang paggamit ng mga balbal na salita ng Isko sa kaniyang paalala katulad na lamang sa
kanyang mga babala laban sa mga criminal o “tolongges” na nagbabalak gumawa ng
krimen sa bagong rehabilitation ng Baseco Baywalk. “Ayokong pamahayan ng kriminal
ang Baseco, sinabi ko ‘yan nung unang pag- upo ko pa lamang. Kung meron pang
nakikinig na tolongges at hahalubilo sa mga mapayapang tao, umalis na kayo rito,
uubusin ko kayo rito” ang babala ni Isko.
Sa kalagitnaan ng pandemya, ang paglilingkod at pagbibigay serbisyo, lalo na sa
mga mahihirap na higit na naapektuhan dulot ng mga lockdown at quarantine ay dapat
bigyan ng prioridad ng mga namamahala. Ang paggamit natin ng wikang Filipino sa
kalagitnaan ng mga problema at pagsubok lalo na ng mga namamahala ay isang paraan
ng pagbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa mga mamayanan katulad na lamang ng
paggamit ng Isko moreno ng mga salitang balbal bilang isang paraan ng pakikipagkapwa
sa mga mamayanan ng kanyang lungsod. Sa ganitong paraan ay naipaparating ng mga
pinuno ng ating pamahalaan ang kanilang malasakit at pakikiisa sa mga lubhang
naapektuhan ng pandemya sa kanilang mga pang araw-araw na buhay.
Adrian Florin YY4
11921781 BS MEE-MTE

SANGGUNIAN
Bermudo, L. (2020, October 16). Mga kriminal na maglulungga sa Baseco, uubusin ni
Yorme. Retrieved November 02, 2020, from https://www.philstar.com/pilipino-
star-ngayon/metro/2020/10/17/2050179/mga-kriminal-na-maglulungga-sa-
baseco-uubusin-ni-yorme

You might also like