You are on page 1of 2

FILIPINO 6

Summative Test No. 3 Quarter 1

Name: ________________________________ Date: ___________ Score: _________

I. Pagbibigay hinuha
Panuto: Magbigay ng tig-dadalawang hinuha sa bawat talatang sumusunod at isulat ito sa patlang.

1. Pinukpok ni Sajid ang bahay-pukyutan. Naglabasan ang malalaking pukyutan.


Hinuha 1: _____________________________________
Hinuha 2: _____________________________________
2. Nakita ni Eli ang makukulay na mga bulaklak sa hardin. Papasok na siya sa
paaralan nang umagang yaon.
Hinuha 1: _____________________________________
Hinuha 2: _____________________________________
3. Nalaglagan ng isang subong kanin ang mga langgam sa ilalim ng mesa.
Hinuha 1: _____________________________________
Hinuha 2: _____________________________________
4. Sumakay ang mga sundalo sa helicopter at lumipad ito sa himpapawid.
Hinuha 1: _____________________________________
Hinuha 2: _____________________________________
5. May naiwang bag sa isang tricycle na naglalaman ng maraming pera. Kinuha ito
ng tatay mo.
Hinuha 1: ___________________________________

II. Paggamit ng Magagalang na Pananalita


Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Nasalubong mo ang iyong guro sa palengke na hindi nakauniporme,
anong sasabihin mo sa kanya?
a. “Mamamalengke ka Ma’am?” b. hindi papansinin tutal wala naman kayo sa paaralan
c. “Magandang araw po Ma’am, mamamalengke po ba kayo?”
d. babanggain mo ang kanyang balikat sabay sabing, “Hello Ma’am”
2. Galing ka sa paaralan, anong gagawin at sasabihin mo pagdating sa inyong bahay?
a. “Ma! Anong ulam natin ngayon?” b. dadaanan lang ang mga magulang sa sala at deretso sa kuwarto
upang makapaglaro sa cellphone
c. “Magandang hapon po itay, inay” sabay mano sa kanilang mga
kamay.
d. darating sa bahay na parang wala lang, uupo at kakain sa mesa
3. Maganda ang palabas sa telebisyon at nanonood ka ngunit inilipat ng tatay mo sa basketbol na
paborito rin niya. Anong sasabihin mo sa
kanya?
a. “Pwede po bang tapusin ko muna ang palabas, ‘tay?” b. “Ooppss! Ano ba ‘yan nanonood ako.”
c. “Nakaiinis naman ang matanda dito sa bahay!” d. “Naku! Ano ba ‘yan, nakaiirita ka ‘tay.”
4. May matandang nagtatanong sa iyo at hinahanap ang direksyon ng bahay ng kakilala niya ngunit hindi
mo alam. Anong isasagot mo?
a. “Hindi ko alam,” sabay talikod
b. “Sorry po Lola, hindi ko po alam, tutulungan na lang kitang
magtanong”.
c. ituturo ang direksyong hindi naman totoo para lamang umalis ang
matanda
d. “Lola, hindi ‘yan dito nakatira,” at tatakbong palayo
5. Tinatawag ka ng nanay mo at mayroong gustong iutos sa iyo. Anong isasagot mo?
a. “Pagod ako ‘nay!” b. “Nandiyan na po ‘nay!” c. magdadabog sabay sabing “palagi na lang
ako!” d. “Basta ang sukli sa akin ha?”
6. Dumating ang mga tiya at tiyo mo sa inyong bahay dahil kaarawan ng tatay mo. Anong dapat mong
gawin at sabihin?
a. tatakbo at papasok sa kwarto upang magmumukmok
b. “Magandang araw po tiyo at tiya,” at magmano sa kanilang mga
kamay.
c. huwag silang pansinin
d. makihalubilo sa mga bisita ngunit hindi sila kakausapin
7. Isang umaga abala kayong lahat sa gawain sa loob ng inyong silidaralan nang pumasok ang isang
guro. Bilang isang mag-aaral, anong
sasabihin mo?
a. “Magandang umaga po Ma’am” b. “Maganda ka pa sa araw Ma’am”
c. titingnan lamang ang guro at hindi papansinin kasi abala kayo sa
inyong ginagawa
d. “May hinahanap ka Ma’am?”
8. Maraming nakakalat na mga plastik at papel sa paligid. Tinawag ka ng isang guro para ipapulot ang
mga basura. Anong gagawin at sasabihin mo?
a. “Ayoko nga, hindi naman kita guro” b. titingnan lamang ang guro at tatakbo palayo
c. “Opo Ma’am, pupulutin ko po” d. “Sorry Ma’am, hindi naman po kami ang nagkalat niyan”
9. Maraming tao ang nag-uusap sa may pintuan at gusto mong lumabas upang maglaro. Anong sasabihin
mo?
a. “Umalis nga kayo riyan!” b. “Pwede po bang makiraan?”
c. “Pwede bang sa ibang lugar na lang kayo mag-usap?” d. “Lumayo nga kayo diyan!”
10.Nabasag mo ang salamin ng mesa ng iyong guro dahil sa kakulitan at paghahabulan. Tinanong kayo
ng guro kung sino ang may kasalanan.
Anong isasagot mo?
a. ituturo ang kaklaseng kalaro, “Siya Ma’am ang nakasagi.”
b. magsisinungaling at hindi aaminin ang kasalanan
c. “Ako po Ma’am ang nakabasag, pasensya na po.” hindi iimik at
parang walang narinig lang
d. hindi iimik at parang walang narinig lang

III. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Bilugan ang tamang panghalip

1. Sina Kuya, Ate at ako ay maagang aalis. Pupunta ___________ sa lalawigan.

a. kayo b. sila c. kami d. nila

2. Tulungan __________ si Paeng sa pagbubuhat ng mesa.

a. ikaw b. ako c. mo d. siya

3. Gawa sa matitibay na materyales ang bahay na ito. __________ nakatira sina G. at Gng. Valdez.

a. Dito b. Diyan c. Doon d. Heto

4. Nagpasalamat si Aling Marta sa Diyos dahil nakapasa ang anak niya sa pagsusulit. ___________ ang
nagpasalamat sa Diyos dahil nakapasa ang anak niya sa pagsusulit?

a. Ano b. Sino c. Bakit d. Saan

5. Pumasok ang mga mag-aaral sa laboratoryo. ________ bata ay may dalang mikroskopyo.

a. Anuman b. Pulos c. Bawat d. Isa

Godbless!!!

You might also like