You are on page 1of 178

Jose Abad Santos

(19 Pebrero 1886-2 Mayo 1942)


Si Jose Abad Santos (Ho·sé A·bád Sán·tos) ay isang kagawad ng gabinete,
estadista, at ang ikalimang punòng mahistrado ng Korte Suprema.
Nagsilbi rin siyáng Acting President ng bansa noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig at naging martir sa kamay ng mga Hapones.
Ipinanganak si Abad Santos noong 1886 sa San Fernando, Pampanga, at
pampito sa sampung anak nina Vicente Abad Santos at Toribia Basco. Nag-
aral siyá bilang pensiyonado sa Estados Unidos, nagtapos ng abogasya sa
Santa Clara College at Northwestern University sa Illinois noong 1908 at
master sa batas sa George Washington University nang sumunod na taon.
Napangasawa niyá si Amanda Teopaco noong 1918 at lima ang naging
anak nilá: Jose, Jr., Osmundo, Luz, Amanda, at Victoria.
Naging instrumental si Abad Santos sa pagsulat ng mga tuntunin at
konstitusyon ng Philippine Women’s University, ang unang pribado at
sektaryong pamantasan para sa kababaihan sa buong Asia. Siyá rin ang
naging unang Filipinong abogadong pang-korporasyon ng Philippine
National Bank. Naging tagapayong teknikal siyá ng misyong pangkasarinlan
ng Filipinas sa Estados Unidos noong 1919, humawak ng iba pang mga
tungkulin sa pamahalaan gaya ng abogado ng Manila Railroad Company
noong 1920, punò ng misyong pang-edukasyon sa Estados Unidos noong
1926, at kalihim ng katarungan noong 1931.
Noong 1942, isinasáma siyá ni Pangulong Manuel Quezon sa paglikas
ng pamahalaang Komonwelt sa Australya ngunit pinili niyáng manatili sa
Filipinas. Inatasan siyá ni Quezon na maging Acting President at mangasiwa
sa mga bahagi ng bansa na hindi pa nasasakop ng mga Hapones.
Nahúli siyá ng mga Hapones sa Cebu, kasáma ang anak na si Jose Jr. o
Pepito, noong 11Abril 1942. Hinatulan siyá ng kamatayan dahil ayaw
makipagtulungan sa mga mananakop. Bago siyá barilin noong 2 Mayo
1942 sa Malabang, Lanao (Lanao del Sur ngayon), sinabi niyá kay Pepito:
“Huwag kang umiyak. Ipakita mo sa mga táong ito na matapang ka. Isang
karangalan ang mamatay para sa iyong bayan.”
Ilang pangunahing lansangan sa mga lungsod ng bansa ang ipinangalan
sa kaniya; kabílang dito ang isang abenida sa Maynila na kinatitirikan ng
Abad Santos LRT Station. (PKJ) (ed VSA)
Pédro Abád Sántos
(31 Enero 1876-15 Enero 1945)
Si Pédro Abád Sántos ay isang doktor, abogado, at lider manggagawa.
Itinatag niya ang Partido Sosyalista ng Pilipinas noong 1929 at ang
Aguman Ding Maldang Talapagobra noong 1930.
Isinilang siyá noong 31 Enero 1876 sa San Fernando, Pampanga, panganay
sa sampung anak nina Vicente Abad Santos at Toribia Basco. Kapatid siyá
ni Jose Abad Santos na naging punong mahistrado ng Korte Suprema ng
Filipinas. Nagtapos siya ng sekundarya sa Colegio de San Juan de Letran.
Nag-aral siya ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas. Matapos ang
ilang taón, nag-aral naman siyá ang abogasya. Siyá ay naging medyor ng
hukbong Filipino, sa ilalim ni Hen. Maximino Hizon, noong Digmaang
Filipino-Amerikano. Nahúli siyá at nahatulan ng 25 taóng pagkabilanggo
dahil sa kaniyang pagkakasangkot sa gerilya. Nakalaya siyá sa tulong ng
Amerikanong abogado na si John Haussermann.
Noong 1906, pumasá siyá sa bar examination at nagsimula ng kaniyang
karera sa politika: naging justice of the peace ng kaniyang bayan mula 1907
hanggang 1909; konsehal ng kaniyang bayan mula Enero 1910 hanggang
Marso 1912; kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga sa Philippine
Assembly noong 1916-1922; miyembro ng Philippine Independence
Mission sa Estados Unidos, sa pamumunò ni Sergio Osmeña, noong 1922.
Noong 1926, naging undersecretary ng Department of Justice ang kapatid
niyang si Jose hábang natalo naman siyá sa pagkagobernador sa Pampanga.
Mula noon ay hindi na siyá naglingkod bilang opisyal ng pamahalaan.
Sa mga panahong iyon, sumama siyá sa mga kaibigang sina Crisanto
Evangelista, Antonio de Ora, at Cirilo Bognot para mag-aral sa Moscow,
Russia. Noong ika-26 ng Oktubre 1932, itinatag niya ang Partido
Sosyalista ng Pilipinas. Nang sumunod na taón ay itinatag naman niya ang
Aguman Ding Maldang Talapagobra na naglayong humingi ng reporma
sa lupa at proteksiyon laban sa abuso ng mga nagmamay-ari ng lupa.
Noong 7 Nobyembre 1938 itinatag ang Partido Komunista ng Pilipinas
at naihalal siyá bilang bise presidente hábang si Crisanto Evangelista ang
naging pangulo at si Guillermo Capadocia naman ang naging pangunahing
tagapangasiwa.
Noong 25 Enero 1942, hinúli siyá ng mga Hapon kasama ang ibang lider noong 1944. Sumama naman siyá sa Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon
ng bansa. Ikinulong siya sa Fort Santiago hábang ang kaniyang kapatid na (Hukbalahap) na itinatag ni Luis Taruc. Noong 15 Enero 1945, ikinamatay
si Jose, na naging Punòng Mahistrado ng Korte Suprema noong Disyembre niya ang kaniyang sakit sa tiyan sa isang base ng gerilya sa Minalin,
1941, ay pinatay ng mga Hapon. Pinakawalan siyá dahil sa sakit sa tiyan Pampanga. (KLL)
Juan Abad
(8 Pebrero 1872-24 Disyembre 1932)
Si Juan Abad (Hu·wán A·bád) ay isang makabayang mamamahayag at
mandudula. Naging mahalaga siyá sa teatrong Filipino dahil sa kaniyang
mga patriyotikong dula na Ang Tanikalang Guinto at Isang Punglo ng
Kaaway. Isinilang siyá noong 8 Pebrero 1872 sa Sampaloc, Maynila kina
Ambrosio Abad, isang bookbinder, at Bonifacia Domingo. Ang kaniyang
unang dulang Suenos dela mala fortuna ay itinanghal sa Dulaang Arevalo
sa Sampaloc noong 1895, noong siya ay 23 taóng gulang.
Kompositor siyá sa isang palimbagan ng mga Heswita nang magsimula ang
Himagsikang 1896. Noong 1898, naging kasapi siyá ng La Independencia
sa Malolos, Bulacan at ng La Republica Filipina sa San Fernando,
Pampanga. Bago matapos ang 1899, bumalik siyá sa Maynila, at naging
kasapi ng Ang Kapatid ng Bayan. Noong 30 Disyembre 1899, kasáma
sina Jose Palma, Faustino Salomon, Emilio Reyes, at Felipe Mendoza,
inilathala niya ang Laong-Laan. Siyá at si Palma ay inaresto nang lumabas
ang Laong-Laan. Pinalaya rin silá at isinailalim sa probasyon.
Nagsulat muli si Abad ng dula. Binuo niya, kasáma sina Mariano
Sequera at Honorio Lopez, ang organisasyong La Juventud Filipina na
naglayong paunlarin ang patriyotikong drama at kontrahin ang komedya.
Inimbestigahan ang ilang miyembro ng Juventud, kasáma si Abad na
inaresto rin dahil sa hindi nitó pagsasagawa ng oath of allegiance sa
Estados Unidos. Ipinatapón siyá sa Olongapo kasáma si Honorio Lopez.
Ang mga naging karanasan niya sa Olongapo ang naging materyales sa
kaniyang Manila-Olongapo na itinanghal sa Teatro Zorrilla noong Hunyo
1901.
Noong 7 Hulyo 1902, umani ng papuri at pagkilála si Abad dahil sa naging
matagumpay na pagtatanghal ng kaniyang Ang Tanikalang Guinto sa Teatro
Libertad. Noong 10 Mayo 1903, nang itanghal ito sa Batangas, inakusahan Sina Amado Alvarez bilang K. Ulayaw at Casiana de Leon bilang Liwanag
siyá ng sedisyon. Nahatulan si Abad ng dalawang taóng pagkabilanggo at sa unang pagtatanghal ng Ang Tanikalang Guinto.
minultahan ng dalawang libong dolyar. Nang makapagpiyansa, at hábang
naghihintay ng desisyon sa kaniyang kaso, isinulat niya ang Ang Punglo
ng Kaaway na itinanghal sa Teatro Rizal, Malabon noong 8 Mayo 1904.
Muli siyáng dinakip. Nailathala lámang niya ang Ang Tanikalang Guinto
noong 1907. Naging editor siyá ng Araw, ang diyornal ng Legionarios del
Trabajo, at noong 1928 ay ipinadalá sa China para sa isang misyon. Ilang
kaibigang Tsino ang nag-imbitang muli sa kaniya sa China. Hindi na siyá
nakauwi dahil nagkaroon ng problema sa kaniyang pasaporte. Namatay
siyá noong 24 Disyembre 1932 sa Xiamen. (KLL)
Alejandro G. Abadilla
(10 Marso 1906-26 Agosto 1969)
Si Alejandro G. Abadilla (A·le·hán·dro A·ba·díl·ya) ang kinikilalang
“Ama ng Modernistang Pagtula sa Tagalog.” Bukod sa pagiging makata,
isa rin siyáng nobelista at kritikong pampanitikan.
Sa kaniyang mga akda, hinahamon at sinasalungat ni Abadilla ang de-
kahong paggamit ng tugma at sukat sa tula at ang labis na romantisismo sa
panitikang Tagalog. Isa siyá sa mga tagapagtatag ng Kapisanang Panitikan,
at editor-tagapaglathala ng magasin nitóng Panitikan upang isulong ang
pagpapaunlad ng di-lumalagong panitikang Tagalog. Itinuturing ang tula
niyang ”Ako ang Daigdig” na hudyat ng pagsilang ng Modernistang
pagtula sa Tagalog bukod sa lumikha ito ng malaking kontrobersiya sa
nilalaman at sa anyong may malayang taludturan.
Ang kaniyang mga aklat ng tula ay Ako ang Daigdig at Iba Pang Tula
(1955), Piniling mga Tula ni AGA (1965), at Tanagabadilla (1964, 1965);
ang kaniyang mga nobela ay Sing-ganda ng Buhay (1947) at Pagkamulat
ni Magdalena (1958). Siyá ang editor ng mga antolohiyang Parnasong
Tagalog, ang unang pagtitipon sa isang aklat ng mga pangunahing tula
ng mga makatang Tagalog mula 1800 hanggang 1940s, Mga Kuwentong
Ginto (1936, kasama si Clodualdo del Mundo Sr.), Ang Maikling Kathang
Tagalog (1954, kasama si Federico Sebastian at A. D. G. Mariano), at
Maikling Katha ng 20 Pangunahing Awtor (1957, kasama si Ponciano B.
P. Pineda).
Nagsimula siyáng makilála bilang kontrobersiyal na manunulat noong
buksan niya ang isang kolum sa pamimilì ng mahuhusay na maikling
kuwento at tula. Pinamagatan niya ang kolum na Talaang Bughaw at
minarkahan sa pamamagitan ng isa hanggang tatlong asterisko ang
ipinalalagay niyang husay ng isang nalathalang akda. Maraming nagalit na
katandaan at popular na manunulat dahil malimit na mababà ang kanilang
markang asterisko. Sinundan ito ng pagtatatag niya ng Kapisanang
Panitikan, na binubuo ng mga kabataan noong manunulat, at nagsimula ng
mga gawaing tahasang sumasalungat sa panitikang popular noon.
ang Kapisanang Balagtas na “naglalayong paunlarin ang wikang Tagalog.”
Isinilang siyá sa Salinas, Cavite noong 10 Marso 1906 sa isang simpleng Pagbalik sa Filipinas, nakamit niya ang titulong Batsiler sa Sining ng
pamilya. Nagtapos siyá sa Mababang Paaralan ng Baryo Sapa at sa Mataas Pilosopiya mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1931. Nagsilbi
na Paaralan ng Cavite. Pagkatapos ay lumipad siyá sa Seattle, Washington siyáng konsehal sa munisipyo ng Salinas hanggang 1934, at pagkaraan ay
sa Estados Unidos upang magtrabaho sa isang maliit na palimbagan. naglako ng seguro para sa Philippine-American Life Insurance. Nagkaroon
Naging patnugot siyá roon ang seksiyong Filipino ng Philippine Digest, siyá ng walong anak sa asawang si Cristina Zingalava. Pumanaw siyá
naging tagapangasiwang editor ng Philippine American Review, at itinatag noong 26 Agosto 1969. (PKJ)
abaká
Ang abaká (Musa textilis) ay isang halamang hemp o napagkukunan ng
himaymay. Berde ang mga dahon nitó na kawangis ng dahon ng saging.

Bagaman nakakatulad ang anyo ng saging, madaling makilala ang abaka sa


pamamagitan ng ilang katangian nitó. Una, ang dulo ng dahon ng abaka ay
mas patulis kompara sa saging. Pangalawa, ang ibabang bahagi ng dahon
nitó ay hindi pantay. Pangatlo, ang magkabilâng bahagi ng dahon nitó ay
parehong makintab at madulas.

Ang taas ng punòng abaka ay umaabot nang apat hanggang walong metro.
Katutubo sa Filipinas ang halamang ito at pinaniniwalaang nagmula sa
rehiyong Bicol.

Maraming kapakinabangang pang-ekonomiya ang abaka. Ang mga


himaymay o hibla nitó ay hinahabi upang maging tela na ginagamit
sa paggawa ng damit o kortina. Ginagawa rin itong lubid, basket, at
katulad. Ang himaymay ay makukuha hindi sa mga dahon nitó kundi sa
pinakakatawan ng halaman na tinatawag ding saha. Ginagamit din ito sa
paggawa ng kilalang papel na kung tawagin ay papel de manila o manila
paper.

Ang punòng abaka pati na ang puting himaymay na nagmumula rito ay


tinatawag ding ibilaw, labayo, lain, at paguwa. (SAO) (ed GSZ)
abakáda
Abakáda ang tawag sa pangkat ng mga titik o letra sa wikang Tagalog at
kumakatawan ang tawag sa apat na unang titik nitó (A-Ba-Ka-Da). Ang
abakáda ay binubuo ng 20 titik: A,B, K, D, E, G, H, I , L, M, N, Ng, O, P,
R, S , T, U, W, Y. Lima rito ang patinig (A, E, I, O , U) at labinlima ang
katinig. Ang mga titik na ito ang ginamit sa pagtuturo ng Wikang Pambansa
bilang pagsunod sa atas ng 1935 Konstitusyon. Ginamit ang abakada sa
aklat ng balarila ni Lope K. Santos at ilang henerasyon ng mga mag-aaral
ang natuto ng Wikang Pambansa sa pamamagitan nitó.

Sinusundan ng abakada ang papantig na pagbigkas ng mga titik ng


wikang Tagalog na kalapit na kalapit rin sa mga sagisag ng baybáyin, ang
sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Tagalog. Mapapansin lamang na ang
E-I at O-U ay kinakatawan ng isang tunog sa baybayin kayâ tatlo lamang
ang patinig ng lumang alpabetong ito. Nagdulot ito ng kalituhan noon at
hanggang ngayon dahil hindi nabibigkas nang magkaiba ang E sa I at ang
O sa U.

Sa pagbabago ng konsepto ng Wikang Pambansa tungo sa Pilipino at


sakâ Filipino ay nadagdagan rin ang titik ng abakada. Pinalitan ito ng
pinagyamang alpabeto na may 31 titik noong dekada 1970. Labing-isang
titik ang idinagdag mula sa alpabetong Espanyol. Kaugnay ng 1987
Konstitusyon at ng pagpapahayag sa Filipino bilang Wikang Pambansa,
nirebisa at naging 28 ang titik ng alpabeto ng wikang Filipino. Pinanatili
ang 20 titik ng abakada kasáma ang mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z
at tinawag alinsunod sa alpabetong Ingles maliban sa katutubong NG at
Espanyol na Ñ. Idinagdag ang naturang mga titik upang kumatawan sa
mga tunog na wala sa orihinal na abakada ngunit nasa Ingles at Espanyol
at sa ilan sa mga katutubong wika ng Filipinas. Halimbawa, ang F at V ay
may tunog na nasa pangalan na ng Ifugaw at Ivatan. (JGP) (ed VSA)
abakús
Ang abakús ay isang kasangkapang ginagamit sa pagkukuwenta. Tina-
tawag din itong ábakó sang-ayon sa Espanyol. Madalas na gumagamit ito
ng kawayan bilang kuwadro at ng maliliit, karaniwang bilugan at may bú-
tas na piraso ng mga bato, matigas na kahoy o katulad na tinutuhog ng mga
kawad o alambre. Ilang siglo nang ginagamit ang abakús sa ilang bahagi
ng Asia bago pa man ang malawakang pagsusulat ng mga bílang. Nahahati
sa dalawang bahagi ang mga piraso ng bato sa loob ng abakús. Ang bawat
batong nása itaas ay may halagang lima (5) at bawat batong nása ibabâ ay
may halagang isa (1). Kasáma sa pagbibilang ang bawat batong nakadikit
sa kahoy na naghahati sa dalawang bahagi ng abakús. Nagagamit ito sa
pagdaragdag, pagbabawas, paghahati, at pagpaparami ng mga bilang.

Nagmula umano ang salita sa Griyegong abakos na nagmula naman sa


abax na tumutukoy sa sapad at manipis na piraso ng kahoy na karaniwang
parihaba at nalalagyan ng buhangin o alikabok na ginagamit sa pagguguhit
ng mga pigura ng heometriya at sa pagbibilang o pagkukuwenta.

Maraming pag-aaral ang nagsasabing nakatutulong ang paggamit ng


abakús sa pagpapatalas sa isipan ng isang tao kayâ’t patuloy itong gina-
gamit sa maraming paaralan sa buong mundo. Mas mainam na pamalit
umano ito kaysa kinasasanayan sa kasalukuyang pagmememorya ng mul-
tiplication table. Malimit makita ito ngayong ginagamit sa mga tindahang
Tsino. (ECS) ed VSA
abalóryo
Ang abalóryo (na mula sa salitang Espanyol) ay isang maliit at bilugang
butil na babasagin at karaniwang ginagamit bilang palamuti. May bútas
ito sa gitna at tinutuhog o pinagsasáma-sáma upang makabuo ng isang
bagay, tulad ng kuwintas, pulseras, at hikaw, o kayâ ay pandekorasyon
sa mga bagay na tulad ng bag at damit. Madalas na gawa sa salamin ang
mga abaloryo ngunit maaari ring yari sa ginto, kristal, pilak, bato, at hiyas.
Tinatawag din itong batek,butil, lusok, at manik, at madalas na isinasaling
bead sa Ingles.

Matagal nang ginagamit ang mga abaloryo ng mga Filipino. May pana-
hong ginagamit na tila abaloryo ang iba’t ibang uri ng kabibe, gaya ng na-
tagpuan sa mga yungib sa Cagayan, Palawan, at Sorsogon. Ang kabibeng
kabya ay tinutuhog matapos butasin sa gitna. Sa mga kasuotan naman
ng mga pangkating etniko sa Filipinas, karaniwang ginagamit ang mga
abaloryo bilang bahagi ng mga kasuotan sa ulo, kuwintas, hikaw, at iba
pa. Sa pamamagitan ng pagsasáma-sáma at pag-aayos ng mga abaloryo,
nakabubuo ang mga ito ng sari-sari at makukulay na disenyo at padron.
(MJCT) ed VSA
abaníko
Mas kilalá sa tawag na pamaypáy, ang abaníko ay gamit para magbigay
ng hangin sa naiinitan lalo sa panahon ng tag-init. Ang abaniko ay orihinal
na habi mula sa halamang abaniko (Balamcanda Chinensis o blackberry
lily). Ito ay hugis sagwan, puso o bilog kung permanenteng nakabukás.
Marami na rin ang abanikong natitiklop na gawa sa iba’t ibang materyales,
katulad ng papel, balahibo, tela, plastik, at iba pa.

Hango sa salitâng Espanyol (‘abanico’), ang abaniko ay sagisag na ng


pagkamalikhain ng mga Filipino. Ang uri ng materyales na gamit na may
matitingkad na kulay, at ang disenyo ng habi at hugis ay nagpapahiwatig
sa kulturang Filipino na pinanggalingan nitó. Halimbawa: ang abaniko
ng mga Ivatan (Batanes) ay hugis bilóg na may mga tulis kada pagitang
dalawang pulgada sa palibot at may maliliit na bútas bagama’t masinsin
ang pagkakahabi ng parang yantok na materyalea. Ang abaniko ng mga
Chavacano naman ay hindi pangkaraniwan dahil ito ay may dalawang
gamit: pamaypay at sombrero. Kung pamaypay, ito ay naititiklop na katulad
ng gamit ng mga Espanyolang babae at Hapones; kung sombrero naman,
ito ay binubuksan at pinagdidikit ang magkabilang dulo para maihugis
sombrero. Ang materyales ay batik na tela na nakadikit sa manipis at
malambot na kawayan.

Bukod sa ang abaniko ay madalas na kaugnay ng baro’t sáya ng


magagandang dilag Filipina, marami ring kahulugan at mensahe ang
naipapaabot sa pamamagitan ng paghawak ng abaniko. Halimbawa,
mensahe ng kahinhinan ang itakip ang abaniko sa dibdib ng isang dilag;
mensaheng pag-ayaw o pagkainis kapag namaypay nang mabilis ang isang
babae; at sa eskrima, ang aksiyon ng pagbukás ng abaniko ay signal ng
kahandaan ng magkalaban sa martial arts. (PGD)
ábay
Ang ábay ay ang mga katuwang ng magkasintahan sa pagdaraos ng ka-
nilang kasal lalo na sa tradisyong Katoliko sa Filipinas. Maaaring mai-
grupo ang mga abay ayon sa kasarian at sa kanilang mga papel sa mga
seremonya ng kasal.

Ang mga abay na babae ay pinangungunahan ng pangunahing abay na


babae o maid/matron of honor. Kalimitang siyá ang pinakamalapit sa ba-
baeng ikakasal kung kayâ maaaring siyá ang kapatid o matalik na kaibigan
nitó. Ang pangunahing abay ang katuwang sa paghahanda sa lahat ng mga
pangangailangan ng ikakasal bago, habang nagaganap, at matapos ang ser-
emonya. Kailangan niyang tiyakin na naihanda ang lahat ng kagamitang
pangkasal lalo na ang trahe at singsing. Sa mismong kasal, tinitiyak niya
ang maayos na paglakad ng babaeng ikakasal sa altar at ang anumang pan-
gangailangan nitó habang idinaraos ang seremonya.

Samantala, ang best man o pangunahing abay na lalaki naman ay karani-


wang matalik na kaibigan o kapatid ng lalaking ikakasal. Tungkulin ni-
yang tulungan ang ikakasal na maihanda ang lahat ng kailangan para sa
seremonya. Siyá ang unang-unang lumalakad sa prusisyon ng mga kala-
hok sa kasal bilang tagapaghanda sa pagdating ng lalaking ikakasal.

Kapuwa ang best man at maid of honor ang namamahala sa pagpapapirma


sa kontrata ng kasal sa mga ninong at ninang matapos ang seremonya.
Silá rin ay naaatasang magbigay ng maikling talumpati o mensahe para sa
bagong kasal sa panahon ng reception o palatuntunan sa kainan.

Abay rin ang tawag sa mga magkaparehang lalaki at babaeng naatasang


mag-ilaw ng kandila, maglagay ng belo at ng tali sa mag-asawa sa ser-
emonyas ng kasal. Silá ang tinatawag na secondary sponsor. Samantala,
bukod sa kanila ang mga katuwang ng best man at maid of honor ay ti-
natawag ring abay. Silá ang bridesmaids at groomsmen na maaaring isa
hanggang lima o higit pa depende sa nais ng ikakasal. Isang uri rin ng
abay ang mga batàng katuwang sa seremonyas gaya ng mga batang lalak- kuha ni Toni Narvaez
ing tagapagdala ng singsing at aras at ng mga batang babaeng nagdadalá
ng mga bulaklak. (WFF) ed VSA
Bonifacio Abdon
(14 Mayo1876-23 Abril 1944)
Si Bonifacio Abdon (Bo·ni·fás·yo Ab·dón) ay isang mahusay na biyolinista,
konduktor, kompositor, at guro ng musika at kinikilála bilang “Ama ng
Makabagong Kundiman.” Ang kaniyang komposisyon na “Kundiman”
ang unang kundiman na nakalimbag sa papel. Binigyan niya ng pormal na
estruktura ang kundiman bilang isang anyo ng komposisyong itinatanghal
at higit sa kalagayan nitó noon bilang popular na awiting-bayan.
Karamihan sa mga komposisyon ni Abdon ay ginamit sa mga sarsuwela
sa wikang Tagalog. Lumikha siyá ng musika para sa kaniyang bayaw na si
Patricio Mariano, na sumusulat ng mga dula para sa mga teatro sa Maynila
noong unang bahagi ng dekada 1900. Nagdirihe rin siyá ng orkestra.
Sinulat niya ang musika para sa mga dula ni Aurelio Tolentino na La
Rosa (1908), La Boda Maldita (1908), Manila Cinematografica (1908),
at Crimen sobre Crimen (1909). Itinatag niya ang Orchestra Oriental
noong 1910 at naging unang direktor ng musika ng Asociacion Musical
de Filipinas noong 1912. Nagturo siyá ng biyolin sa kaniyang bahay sa
Quiapo, Maynila na magiging Escuela de Violin kinalaunan. Hinirang siyá
bilang guro ng biyolin sa Konserbatoryo ng Musika ng Unibersidad ng
Pilipinas noong 1920. Noong sumunod na taón, isa siyá sa mga naging
kasaping tagapagtatag ng Manila Chamber of Music.

Isinilang siyá noong 14 Mayo 1876 sa Santa Cruz, Maynila kina Gregorio,
isang karpintero at panday ng ginto, at Juliana Abdon. Sa kaniyang kabataan,
tumira si Abdon kasáma ang kaniyang lolo sa Pandacan, na tinatahanan ng
ilan sa mga tanyag na musikero noon. Nag-aral siyá ng solfeggio sa isang
bulág na guro na kilalá bilang Mandong Bulag. Pagkaraan, nag-aral siyá
sa Ateneo Municipal de Manila at naging bahagi ng koro nitó. Sa edad
trese, natuto siyáng tumugtog ng biyolin, at pagkaraan, komposisyon, kay
Ladislao Bonus. Nagprisinta siyá bilang valet sa mga bumisitang pangkat
ng opera mula Italya upang matuto mula sa mga maestro nitó. Nagkaroon
siyá ng limang anak sa asawang si Felisa Mariano. Pumanaw siyá noong
23 Abril 1944 at inilibing sa Manila North Cemetery. (PKJ)
Nicanor Abelardo
(7 Pebrero 1893-21 Marso 1934)
Kinikilala si Nicanor Abelardo (Nikanór Abelárdo) bilang isa sa “Tatlong
Haligi ng Musikang Filipino.” Kasama sa tatlo sina Francisco Santiago,
unang Filipinong Direktor ng UP Konserbatoryo ng Musika, at Antonio
Molina na ginawaran ng Gawad sa Pambansang Alagad ng Sining sa
Musika noong 1973.

Si Abelardo ang unang Filipinong kompositor na lumikha ng Concerto in


B Flat Minor para sa piyano at orkestra noong 1923, na gumamit ng mga
temang batay sa awiting-bayan. Higit na kilala si Abelardo sa kaniyang
mga likhang awit na kadalasan ay siyá rin ang sumulat ng titik. Kabílang
sa mga awit sa estilong kundiman na kaniyang nilikha ang Nasaan ka
Irog? (titik: Nemesio Asistio), Kung Hindi Man , Magbalik Ka Hirang
(titik: Filomena Alcanar), Himutok, Paghanga, Sa Libingan ng Irog (titik:
Pedro Icasiano), at Kundiman ng Luha (titik: Jose Corazon de Jesus). Ang
kundiman ayon kay Abelardo, ay “isang awit na nagtatampok sa isang
lalaking nagmamahal na nagdedeklara ng pagkakait sa sarili upang sundin
ang nasa ng babaeng minamahal.” Ang halimbawa naman ng mga awit na
may makabayang titik na nilikha niyá ay Ang Aking Bayan at Ultimo Adios
(titik: Jose Rizal).

Lumikha rin siyá ng musika para sa mga sarsuwelang Tagalog. Kabílang


dito ang Sumilang ni Basilio Lanuza at Dakilang Punglo ni Servando de
los Angeles. Ang kilalang awit na Bituing Marikit ay nilikha ni Abelardo
para sa sarsuwelang Dakilang Punglo. Tinagurian din siyáng “Ama ng
Filipinong Sonata” para sa kaniyang mga obrang Sonata in G Major
(1921), Sonata for violin and piano (1931), at Sonata for String Quartette
(1932).

Isinilang siyá sa San Miguel de Mayumo, Bulacan noong 7 Pebrero 1893.


Ang bulto ng komposisyon niyá ay nasa anyo ng awit. Marahil, dahil
kabataan pa siyá’y mang-aawit na at piyanista. Noong 1931-1932, nag-aral
siyá bilang pensionado sa Chicago Musical College at dito’y lumikha siyá
ng mga komposisyong pang-instrumento. Nagtangka rin siyáng lumikha
ng Symphony na hindi natapos dahil sa kaniyang maagang pagkamatay bilang mahusay na guro sa UP Konserbatoryo ng Musika. Namatay si
noong 1934. Nicanor Abelardo noong 21 Marso 1934 nang hindi natapos ang operang
Florante at Laura, Concerto para sa biyolin at piyano, at ang nabanggit
Bukod sa pagiging mahusay na kompositor ay kinikilala rin si Ablelardo nang Symphony. (RCN) (ed GSZ)
Manuel Abella
(1828-4 Enero 1897)
Isa sa mga “Martir ng Bikol” at binitay noong 4 Enero 1897, si Manu-
el Abella (Man·wél A·bél·ya) ay isang eskribano (klerk sa hukuman) at
mariwasang magsasaka at hinahangan sa kaniyang katapatan sa tungkulin
at kaisipang liberal. Isinilang siyá sa isang mariwasang pamilya noong
1828 sa Cayanauan, Tayabas (Quezon ngayon) at nag-aral ng pagpapari sa
Naga. Umalis siyá sa seminaryo at noong 1875 ay isa nang eskribano sa
Naga. Bukod doon, nagsaka siyá ng palay at abaka at naging isa sa pinaka-
mayaman sa Bikol.
Ngunit kinainggitan siyá, lalo na ng mga Espanyol, na natatákot din sa
impluwensiya at ng kaniyang mga edukadong anak. Nang sumiklab ang
Himagsikang 1896, dinakip siyá at mga anak na Ramon na isa ring malak-
ing may-ari ng lupain; Domingo na isang surveyor at totoong kasapi sa
Katipunan; at Mariano na isang abogado, kaibigan ng mga Luna, at hukom
sa Naga. Dinakip din noong 16 Setyembre ang pari ng Naga na si Padre In-
ocencio Herrera, Padre Gabriel Prieto ng Malinao, Albay, potograpong si
Camilo Jacob, parmasyutikong si Tomas Prieto, hepe ng mga guwardiyang
panggabi na si Macario Valentin, Cornelio Mercado, Mariano Melgarejo,
at Mariano Ordenanza. Si Tomas Prieto diumano ang may sinumpaang
pahayag sa gobernador hinggil sa pagpupuslit ng armas mulang Cavite at
ipinamahagi sa mga dinakip.
Noong 20 Setyembre, dinalá ang mga bilanggo sa Bilibid, Maynila at nili-
tis. Kahit hindi napatunayang sangkot silá sa Katipunan, hinatulan silá ng
bitay sa pamamagitan ng pagbaril. Noong 4 Enero 1897, binitay sina Man-
uel at Domingo Abella, Padre Herrera, Padre Prieto, Padre Severino Diaz,
Camilo Jacob, Tomas Prieto, Florencio Lerma, Macario Valentin, Cornelio
Marcado, at Mariano Melgarejo. Nahatulang mabilanggo ang iba. Si Leon
Hernandez ay namatay si piitan sa Naga noong Oktubre 1897. Si Mariano
Ordenanza, na nahatulang ng 20 taóng bilanggo, ay namatay si Bilibid.
Sina Ramon Abella at Mariano Araña ay ipinatápon sa bilangguang Fer-
nando Po sa Afrika at dahil sa dinanas na sobrang pahirap ay nangamatay
sa sakit noong 1897 o 1898.
Pinakamasuwerte si Mariano Abella, na isang abogado, at hindi binitay,
naging delegado sa Kongresong Malolos, naging gobernador ng Cama-
rines Norte noong Disyembre 1898 hanggang Pebrero 1900, isa sa nag-
tatag ng Partido Federal, dalawang ulit pang nahalal na gobernador sa ila-
lim ng mga Amerikano. (GSV)
abokádo
Ang abokádo (Persea americana) ay kabílang sa pamilya ng mga
halamang namumulaklak. Nagmula ito sa bansang Mexico. Karaniwan
itong itinatanim sa mga klimang tropiko at mediterraneo sa buong mundo.
Ang punò ng abokádo ay may malalagô at berdeng dahon. Lumalaki
nang 12 sentimetro ang mga dahon at pasalit-salit ang pagkakaayos sa
tangkay. Tumataas ang punò hanggang 20 metro. Kulay dilaw ang maliliit
na bulaklak nitó. Kapag malakas ang hangin, natutuyo ang mga ito.
Ang hugis itlog na prutas ng abokado ay may laking 7-20 sentimetro at
bumibigat hanggang isang kilo. Mayroon itong isang buto. Inaani ang
mga prutas nang hindi pa nahihinog.
Nakaaani ng pitóng toneladang abokádo bawat ektarya ng taniman. Ang
pamumunga nang dalawang beses sa isang taón ay hindi nakabubuti para
sa mga susunod na produksiyon. Mabuting anihin ang bunga ng abokado
kapag mayroon na itong hanggang 23 porsiyentong tuyong laman. Madalas
na nilalagyan ng ethylene ang prutas ng abokado na hindi pa nahihinog
bago dalhin sa pamilihan upang pabilisin ang paghinog at pagbebental
nitó. Kapag madami ang bunga ng abokado, iniiwan sa punò ang mga
bungang sobra sa káyang ipagbili. Magandang katangian ng abokado ang
kakayahan nitóng mapanatili ang prutas sa punò nang hindi nabubulok
sa loob ng ilang buwan. Nakababawas ito sa pagkalugi ng magsasaka
matapos ang panahon ng anihan.
Ikinakalakal ang prutas ng abokado sa iba’t ibang bansa sa mundo dahil sa
mabubuting gamit nitó. Masustansiya ang prutas ng abokado. Ang 100
gramo nitó ay mayroong 35 porsiyentong potassium na higit kaysa prutas
ng saging. Mayaman din ito sa bitamina B, E, at K. Ang himaymay nitó
ay nakapagpapababà ng cholesterol. Mabisàng lunas din ito sa mga sakit
tulad ng allergy at panlaban sa pagkakaroon ng cancer.
Hindi lahat ng tao ay maaring kumain ng abokado. May dalawang uri ng
allergy sa pagkain ng abokado. Ang isa ay ang sakit sa bibig at lalamunan
na mararanasan ilang minuto lámang matapos kumain ng abokado. Ang
isa pa ay pagsusuka at pagsakit ng tiyan. Nakalalason sa mga hayop na
tulad ng pusa, áso, báka, kambing, kuneho, daga, ibon, isda, at kabayo
ang pagkain ng dahon, balát ng sanga, at ubod ng abokado. Maaari itong
makaapekto sa sistema ng katawan ng hayop o maging sanhi ng kamatayan
(SSC).
Napoleon V. Abueva
(26 Enero 1930—)
Itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining para sa Eskultura noong 1976
si Napoleon V. Abueva (Na·pol·yón Vi Ab·wé·va). Sa edad na 46, siyá
ang pinakabatang nagkamit ng parangal na ito. Kinikilala rin siyáng Ama
ng Makabagong Eskultura sa Filipinas.
Bihasa si Abueva sa iba’t ibang larangan ng eskultura. May kakayahan din
siyáng gamitin ang iba’t ibang uri ng materyales tulad ng kahoy, metal,
at bato. Ilan sa mga obra ni Abueva na matatagpuan sa mga espasyong
publiko ay ang sumusunod: Transfiguration (1979), isang matayog
na pigurang Kristo sa Eternal Gardens Memorial Park sa Caloocan;
magkabilaang krusipiho, altar (1957) at busto ni Padre Delaney sa Chapel
of the Holy Sacrifice sa kampus ng UP Diliman; labing-apat na estasyon
ng krus ng Kapilya ng Paaralang Claret sa Teacher’s Village, Diliman at
ng EDSA Shrine; Siyam na Musa sa UP Faculty Center (1994); rebulto ni
Teodoro M. Kalaw sa harap ng Pambansang Aklatan; marmol na miyural
sa Bantayog ng mga Bayani sa Bundok Samat, Bataan; at Sunburst sa
Peninsula Manila Hotel (1994).
Maibibilang naman sa kaniyang mahahalagang obra ang mga sumusunod:
Allegorical Harpoon, kabílang sa limang gawa niyá na lahok ng Filipinas
sa XXXII Venice Biennale noong 1964; Kaganapan (1953), itinuturing
na pinakamaestilo sa kaniyang mga likha; Halik (adobe), nagtamo ng
ikalawang gantimpala sa ika-4 taunang eksibisyon ng Arts Association
of the Philippines, 1951; lumulutang na eskulturang Moses (1951); Kiss
of Judas (kahoy), nagwagi ng unang gantimpala sa Eksibisyon ng mga
Relihiyosong Likhang Sining sa Detroit, Michigan, USA (1955); Water
Buffalo (Marmol), itinanghal sa St. Louis , Missouri, USA (1956); at
Unknown Political Prisoner, ginawaran sa Internasyonal na Patimpalak sa Noong 1978, hinirang si Abueva bilang Dekano ng College of Fine Arts
Eskultura ng Institute of Contemporary Arts, London (1953). sa Unibersidad ng Pilipinas, at nanatili sa posisyong ito hanggang 1989.
Naging kabiyak niyá si Sergia Valles na naging Kalihim ng National
Maaga siyáng naulila ng mga magulang na sina Kongresista Teodoro Center for Mental Health. May tatlo silang anak, sina Amihan, Mulawin
Abueva ng Tagbilaran, Bohol at Purificacion Veloso ng Cebu na pinaslang at Duero.
ng mga Hapones noong 1944 dahil sa pagiging mga gerilya. Nakapag-
aral siyá at nagtamo ng digri sa Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas sa Kabílang sa iba pa niyáng nakamit na parangal ang mga sumusunod: mga
pamamagitan ng iskolarship mula kay Pura Villanueva Kalaw. Nagtapos gawad mula sa Art Association of the Philippines (1951, 1952, 1953, 1954,
siyá ng Master sa Sining sa Cranbrook Academy of Art sa Michigan, USA 1958, 1974 at 1977); Natatanging Alumnus ng School of Fine Arts, UP
noong 1955 bilang iskolar ng Fulbright/Smith-Mundt. Nagpatuloy pa siyá Golden Jubilee (1958); Republic Award para sa Eskultura (1959); Ten
ng pag-aaral ng Ceramics sa University of Kansas at Kasaysayan ng Sining Outstanding Young Men of the Philippines (1959); Cultural Heritage
sa Unibersidad ng Harvard sa Estados Unidos. Award (1966). (RVR) (ed GSZ)
Abunnawas
Si Abunnawas ang popular na pilyong tauhan sa mga katakata, kuwentong
bayan ng mga Tausug at Samal. Hindi tulad ng ibang uri ng panitikang oral
ng mga Tausug at Samal, isinasalaysay lamang ang mga katakata at hindi
inaawit. Isinasalaysay rin ang mga ito bilang pampalipas-oras.

Sa lahat ng mga kuwento ni Abunnawas, lagi niyáng naiisahan ang sultan


sa mga pagsubok at pagtatangkang gawing katatawanan si Abunnawas.
Isang kuwento ni Abunnawas ay pinamagatang Lumakad si Abunnawas sa
Ibabaw ng Kawayan. Sa nasabing kuwento, nang napadaan si Abunnawas
sa kaharian ng sultan, kaniyang ibinida na nakapaglakad siyá sa ibabaw ng
kawayan. Hindi naniwala ang sultan kayâ hinamon niyá si Abunnawas na
maglakad sa ibabaw ng kawayan mula sa bahay nitó hanggang sa kaharian.
Kapag nagawa ito ni Abunnawas, bibigyan siyá ng salapi ng sultan ngunit
kapag hindi niyá natugunan ang hamon ng sultan ay kamatayan ang parusa.
Kaagad na umuwi si Abunnawas at naghanda ng tayakád, mga piraso ng
kawayan na itinali nang mahigpit sa isa’t isa at may nakausling bahagi ng
kawayan upang may mahawakan ang pilyong tauhan. Sunod, nagtungo
siyá sa kaharian at nang matapat na sa bintana na tanaw ng sultan, kaniya
itong tinawag upang tingnan siyá. Nagulat ang sultan at hinangaan na
lamang ang katalinuhan ni Abunnawas.

Kawangis ng pag-uugali ni Abunnawas ang iba pang popular na tauhan sa


iba’t ibang kuwentong-bayan, gaya ni Juan Púsong ng mga Bisaya at Juan
Usong ng mga Bikol. Ngunit, ayon sa mga iskolar ng panitikan ng Tausug,
taliwas sa kaugalian ng pangkat-etniko na maging masunurin ang asal ni
Abunnawas. (SJ) (ed VSA)

Lumakad si Abunnawas gamit ang tayakad,


Guhit nina Erika Sevilla at Jean Estella
Acta de la proclamación de independencia
del pueblo Filipino
Ang Acta de la proclamación de independencia del pueblo Filipi-
no (ák·ta de la prok·la·mas·yon de in·de·pen·dén·si·yá del pu·wé·blo
Fi·li·pí·no) ay ang kasulatang binása sa araw ng deklarasyon ng kasarin-
lan at kalayaan ng Filipinas noong 12 Hunyo 1898 sa bahay ni Heneral
Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Sa panulat sa Espanyol ni Ambrosio
Rianzares Bautista, kilalá bilang Don Bosyong, sinulat ang proklamasyon
mula Mayo hanggang Hunyo 1898 at nilagdaan ng 98 tao. Nilalaman ng
proklamasyon ang pagmimithi ng kalayaan ng bansa mula sa kolonisasyon
ng Espanya.
Ang proklamasyon ay isang napakahalagang pangyayari pagkatapos bu-
malik ni Aguinaldo mula sa destiyero sa Hong Kong at bahagi ng planong
wakasan ang pananakop ng mga Espanyol sa Filipinas. Bumalik si Agui-
naldo na sakay ng bapor na Amerikano at taglay ang paniwalang magiging
kaalyado ang Estados Unidos sa pagpapaalis ng mga Espanyol. Sa hápon
ng Hunyo 12, iwinagayway ang Pambansang Watawat ng Filipinas na ti-
nahi nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herboza sa
Hong Kong. Tinugtog din ang Marcha Filipina Magdalo, kilalá ngayon
bilang Pambansang Awit na “Lupang Hinirang,” na binuong musika ni
Julian Felipe.
Hindi kinilála ng Espanya ang deklarasyon sa Cavite Kayâ nagpatuloy
ang itinuturing na ikalawang yugto ng Himagsikang Filipino. Ngunit lu-
mitaw ding higit na nais sakupin ng Estados Unidos ang Filipinas mula sa
Espanya, na luminaw sa pagpasok ng hukbong Amerikano sa Maynila, at
nang lumaon, sa pagkakaroon ng Tratadong Paris. Sa naturang kasunduan,
ipinagbili ng Espanya ang Filipinas sa Estados Unidos. Sa panahong iyon,
hawak na ng Republika ng Filipinas na itinatag sa Malolos ang halos buong
kapuluan. Ipinagpatuloy ng mga Amerikano ang layuning mapanakop at
humantong sa Digmaang Filipino-Amerikano. Nagwagi ang mga Ameri-
kano ngunit nangakong ihahanda ang mga Filipino tungo sa pagsasarili.
Ibinigay ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Filipinas noong 4 Hulyo
1946. Ngunit sa panahon ng pamumunò ni Pangulong Diosdado Macapa-
gal, inilipat niya ang Araw ng Kasarinlan sa Hunyo 12 bilang pagkilála sa
proklamasyon sa Kawit, Cavite noong 12 Hunyo 1898..
Sa kasalukuyan, ang dokumento ng deklarasyon sa Cavite ay nakatago sa
Aklatang Pambansa ng Filipinas. (CID) ed VSA
Acta de Tejeros
Ang Acta de Tejeros (ák·ta de te·hé·ros) ay isang kasulatang nilagdaan
ni Andres Bonifacio upang mapawalang-bisà ang halalan ng mga opisyal
ng bagong rebolusyonaryong gobyerno noong 22 Marso 1897 sa Kum-
bensiyong Tejeros sa San Francisco de Malabon, Cavite. Sa naturang
kumbensiyon, nagkasundo ang mga dumalo na magtatag ng bagong pa-
mahalaang mapanghimagsik at igalang ang magiging resulta ng halalan
ng mga bagong pinunò. Nahalal sa eleksiyon sina Emilio Aguinaldo bilang
Presidente; Mariano Trias bilang Bise Presidente; Artemio Ricarte bilang
Kapitan Heneral; Emiliano Riego de Dios bilang Direktor ng Digma; at
Andres Bonifacio bilang Direktor Panloob.

Ang totoo, ang Kumbensiyon sa Tejeros ay isang pagpupulong ng Magdi-


wang at Magdalo—dalawang balangay ng Katipunan na binuo noong
Abril 1896 sa magkahiwalay na seremonyang pinasinayaan ni Bonifacio.
Dahil sa patuloy na paglaki ng dalawang grupo, idineklara ang mga itong
Sangunian Bayan—isang estado ng pagsasarili sa mga pook na saklaw—
hanggang sa nagkaroon ng kani-kaniyang pamunuan. Sa Kapulungan ng
Imus noong Disyembre 1896, sinimulan ang pag-uusap kung pananatilihin
ang sistema ng Katipunan o kung bubuo ng rebolusyonaryong gobyerno.
Nagkaroon ng debate dahil hati ang dalawang panig: gusto ng Magdiwang
ang una, gusto ng Magdalo ang pangalawa. Sa hulí, naipasiyang si Bonifa-
cio ay mamumunò ng isang Lupong Tagapagbatas.

Pagdating ng22 Marso 1897, nagkaroon muli ng pagpupulong at ito na ang


Kumbensiyong Tejeros, masasabing teritoryo ng Magdiwang. Layunin ng
pulong na isaayos ng dalawang grupo ang pagpapalaya sa Cavite laban sa
mga Espanyol. Ngunit nagulo ang kumbensiyon nang magsalita si Daniel
Tirona at hinahadlang ang pagkahalal kay Bonifacio bilang direktor.
Nagalit si Bonifacio at idineklarang walang-bisà ang kumbensiyon at
halalan. Kinabukasan, 23 Marso, binuo at pinirmahan ni Bonifacio at ilang
mga namumunò sa Magdiwang ang Acta de Tejeros na nagsasabing hindi
lehitimo ang nangyaring eleksiyon dahil sa posibilidad ng dayaan. Kasabay
nitong nangyari ang panunumpa sa posisyon nina Aguinaldo, Trias, at
Riego de Dios sa isang kumbento sa Tanza. Si Artemio Ricarte naman ay
sumunod sa kumbento matapos pumirma sa Acta. (CID) ed VSA
adárna
Ayon sa mga paniniwala ng mga Tagalog, isang maalamat na ibon ang
adárna. Batay sa mga deskripsiyon, ang tuka nitó ay hindi gaanong matulis,
may makulay na balahibo at mahahabà ang balahibo sa bandang puwitan
nitó. May kakayahan ang adarna na makapagpagaling ng anumang sakit
kapag ito’y humuni at umawit na. Dahil dito, pílit na hinuhuli ng mga tao
ang mitolohikal na ibon.

Sa koridong Ibong Adarna, naging mahalaga ang ibon sa pagpapagaling


sa hari ng Berbania, si Haring Fernando. Ngunit, hindi naging madali ang
paghuli sa ibon. Sa tamis ng huni at pag-awit ng ibon, nakakatulog ang
sinumang nakarinig nitó at kapag nataehan ng ibon ay nagiging bato. At
iyon nga ang nangyari sa dalawang anak ni Haring Fernando, sina Prinsipe
Pedro at Prinsipe Diego, na naging bato matapos makatulog nang marinig
ang pagkanta ng ibon at mataehan nitó. Ngunit, ang bunsong anak ni
Fernando na si Prinsipe Juan ay naging matagumpay matapos mapayuhan
ng matandang pulubi sa dapat gawin upang hindi makatulog at maging
bato at kung paanong makababalik ang dalawang kapatid niyá mula sa
pagiging bato. Binigyan siyá ng labaha at kalamansi. Sa bawat awit,
hinihiwa niyá ang bisig at pinapatakan ng kalamansi. Dahil sa kirot, hindi
siyá nakatulog hanggang matapos ang pitong awit ng adarna.Nang mahuli
na ni Juan ang ibon at bumalik mula sa pagiging bato ang dalawa niyáng
kapatid, umuwi na ang tatlong prinsipe sa kaharian. Mahabà pa ang mga
sumunod na pangyayari sa korido.

Ginagamit na ang adarna bilang pangngalang pantangi ng iba’t ibang


institusyon sa bansa. Una, ang Adarna Publishing House, ang kauna-
unahang lathalaan ng mga aklat pambata sa Filipinas. Ang UP Cine Adarna
(dating UP Film Center) na teatro para sa mga pelikula sa Unibersidad
ng Pilipinas. Ipinangalan din sa ibon ang proyektong ADARNA o Aerial
Dynamic Assessment Robot for National Advancement ng Pamantasang
De La Salle. (SJ) (ed VSA)
ádat
Ang ádat sa wikang Arabe ay “kaugalian.” Sa mga pangkating Muslim sa
Filipinas, ito ang kabuuan ng di-nakasulat na mga hálagáhan at pamantayan
ng asal at kilos sa lipunan. May ádat ukol sa tradisyonal na pananamit. May
ádat hinggil sa paraan ng paglutas ng usaping panlipunan. Halimbawa pa,
sa mga Tausug sa Lungsod ng Zamboanga, ang salitâng ádat ay karaniwang
ginagamit sa “pang-adatan pangalay” (kinaugaliang sayaw), “pang-adatan
pagkawin” (banal na gawain na ginagawa tuwing kasal), “malingkat adat”
(magandang pag-uugali) at “mangi adat” (masamâng pag-uugali). (RBT)
(ed VSA)
adélpa
Ang adélpa (Nerium oleander) o oleander ay palumpong na tumataas
nang 1-3 m, balahibuhin ang hugis sibat na dahon, at may dilaw, putî,
o puláng bulaklak. Isa ito sa mga nakalalasong halamang ornamental.
Matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng mundo at hindi pa natutukoy ang
tiyak na pinagmulan. Dinala ito ng mga Espanyol sa Filipinas at ngayon
ay itinatanim na sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa kaniyang Mga Pagsusuri sa mga Halaman (ca 300 BCE), inilarawan


ni Theophrastus ang isang palumpong na nakaaapekto sa isipan at tinawag
itong onotheras. Sinasabing ang ang alak na may halò ng ugat nitó ay
nakapagpapahinahon at nakapagpapasayá. Ang adelpa ay itinuturing na
opisyal na bulaklak ng Hiroshima dahil ito ang unang namulaklak matapos
ang pagsabog ng bomba atomika noong 1945 sa naturang siyudad.

Itinuturing na nakalalason ang adelpa dahil nagtataglay ito ng cardiac


glycosides na nagiging lason kapag naparami ang konsumo ng mga
mammal tulad ng aso at tao. Bagaman mayroon itong nakalalasong
katangian, wala namang naiuulat na pagkalason o pagkamatay mula sa
pagdikit sa mismong halaman hanggang sa paggamit ng mga pamahid sa
balát mula dito.

Pinaniniwalaang nakapagpapagaling ito ng hika, buni, ketong, herpes,


eksema, almoranas, kagat ng ahas, malarya, at sakit sa puso at puson. Sa
ilang pagkakataon, ginagamit din ito sa pagpapatiwakal at pagpapalaglag.
(KLL) ed VSA
adóbe
Ang adóbe ay isang uri ng matigas ngunit natatabasang bato at hinuhubog
sa mga pirasong parihaba upang gamitin sa paggawa ng esttrukturang
tulad ng bahay o gusali. Karaniwan itong pinagpapatong-patong upang
maging dingding o inihahanay nang patag upang maging sahig. Ginagamit
din itong pader sa moog o bakuran at sahig sa lansangan at bangketa

Ang salitang adobe ay nagsimula bilang “dj-b-t” sa wikang Ehipto


noong 2000 B.C hanggang naging “tobe” noong 600 B.C. Hiniram ito
sa wikang Arabe bilang “al-tub” hanggang naging salitang “adóbe” sa
Espanyol. Hiniram naman ito ng wikang Ingles bilang “adobe” noong
ikalabingwalong siglo. Ang lahat ng mga pagsasaling ito mula “dj-b-t”
hanggang “adobe” ay nangangahulugang tipak ng batong luad.

Ito ay madalas ginagamit sa mga bansang may mataas na temperatura


kung umaga at mababàng temperatura kung gabi dahil na rin sa mataas
nitóng thermal mass at makapal na kabuuan. Sa konseptong ito, ang pader
na adobe ay may kakayahang pigilan ang pagpasok ng init o lamig sa loob
ng bahay o gusali.

Ilan sa mga bansang gumagamit ng adobe ay Kanlurang Asia, Hilaga


at Kanlurang Aprika, Timog Amerika, at Silangang Europa. Ang mga
sinaunang sibilisasyong gumamit nitó ay ang mga grupo sa Mesoamerica at
Andes. Nagsimula itong gamitin sa Espanya bago ang ikawalong siglo BC
at naging karaniwan sa mga bahay sa Filipinas sa panahon ng pananakop
ng mga Espanyol. May malaking reserba ng materyales para sa adobe sa
hilagang bahagi ng bansa. (CID) ed VSA
adóbo
Isang putaheng karne na tinimplahan ng sukà, asin, bawang, at paminta.
Sa Espanyol, ang orihinal na adóbo ay tinimplahan sa langis, bawang, at
oregano. Ngunit marami ang nagpapalagay na ang putaheng ito ng mga
Filipino ay mulang Mexico. Sa Oaxaca, Mexico ang karne ay ibinababad
sa sili, bawang, sidrang sukà, tomílyo (thyme), dahon ng lawrel, dahon ng
abokado, oregano, itim na pamintang buo, at kanéla.

Sa kabilâng dako, marami din ang nagtuturing na “pambansang ulam”


ang adobo. Narito na ito diumano at tinawag lámang na “adobo” ng mga
Espanyol dahil kahawig ng alam nilá. Hindi rin magkasundo sa mga
rekado nitó. Iginigiit ng mga tradisyonalista na dapat itong lagyan ng asin,
isang sangkap na napalitan ng toyo at ipinalalagay na impluwensiya ng
mga Tsino. Iba-iba ang adobo sa iba-ibang kusinera at iba-ibang lugar.
Isang restoran ang sikát sa adobong baboy na may pritong taho, at pusit na
pinakuluan sa sukà at toyo. Sa Batanes, ang lúnyis o adobo ng mga Ivatan
ay may asin lámang.

Mabisàng paraan ang adobo para sa pag-iimbak ng karne para hindi ito
masira noong wala pang repridyireytor. At kahit ngayon kung walang
imbakan. Maaaring adobuhin ang karneng baboy, báka, manok, isda, at
kahit gulay. Maaasahang handa ito sa mga tahanan kung pista at báon
sa piknik o mahabàng biyahe. Noong 1898, sa inaugurasyon ng Unang
Republika ng Filipinas ay nása wikang Pranses ang menu ng grandeng
hapunan. Isa sa handa ang “Abatis de Poulet a la Tagale” na kung isasalin
ay “adobong atay at balumbalunan.” Kataká-taká bang tawaging “Adobo
Country” ang Filipinas? (VSA)
Marcelo Q. Adonay
(6 Pebrero 1848-8 Pebrero 1928)
Kilalang musiko sa pagtatapos ng siglo 19, si Marcelo Q. Adonay (Marsélo
Kyu Adónay) ay isang kompositor, organista, direktor pangmusika, at
guro.
Noong 1856, walong taon lamang si Adonay nang dalhin siyá ng kaniyang
tiyuhin sa Maynila upang pag-aralin sa kumbento ng Simbahang San
Agustin. Sa kumbento ay pormal niyáng natutuhan ang pagtugtog ng piyano,
organo, at kaalaman tungkol sa mga pangunahing tuntunin ng armonya.
Noong 1870, bukod sa pagiging organista ng Simbahang San Agustin, ay
iginawad kay Adonay ang titulong “Maestro di Capella.” Ang responsabilad
na ito ay ginampanan niyá hanggang 1914. Noon ding 1870 ay binuo niyá
ang orkestra ng kumbento na may kabuoang 20-25 miyembro, bukod pa
ito sa orkestra ng Katedral na lingguhan niyáng ineensayo. Bukod sa mga
gawaing pansimbahan, nagturo rin si Adonay sa mga paaralang Colegio
de Santa Catalina, Colegio de Santa Rosa, Colegio de San Sebastian, at La
Campañia de Jesus. Nagturo rin siyá ng solfeggio, armonya at komposisyon
sa Centro de Bellas Artes.
Kinikilala si Adonay bilang prinsipe ng musikang pansimbahan ng
Filipinas. Panrelihiyon ang tuon ng kaniyang musika, ngunit mayroon din
siyáng mga likhang sekular na musika. Narito ang ilang likhang musikang
pansimbahan ng maestro: Benedictus, para sa tenor at orkestra; Libera Me
Domine, para sa mga boses at doble bajo; Gazos a la Santissima Virgen
(a Nuestra Sra. de la Consolacion), para sa koro at organo o harmonium;
Gazos a la Santissima Virgen de Remedios, para sa koro at orkestra; Pequeña
Misa Solemne sobre Motivos de la Missa Regia del Canto Gregoriano,
para sa koro at orkestra; Rosario Difunto, para sa koro at maliit na orkestra;
Salve Regina, para sa isang boses at piyano. Narito naman ilang musikang
sekular: Martsa, alay kay Anotnio Luna; Rizal Glorified, unang itinanghal
noong 30 Disyembre 1911 sa Manila Grand Opera House para sa paggunita
ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal (kinomisyon ang musikang ito ni Pablo paggunita sa Pakil, Laguna bilang pagkilala sa kontribusyon ng maestro sa
Ocampo para sa nasabing okasyon); La Procesion de Turumba en Pakil, pagpapayaman ng musikang pansimbahan ng Filipinas.
para sa banda at mga boses; Ang Querot ng Reuma, na nilikha niyá noong
1912 marahil bilang pag-aalaala sa sariling karanasan sa sakit; Tocata Ipinanganak siyá noong 6 Pebrero 1848 sa Pakil, Laguna at yumao noong
para sa organo, ibinigay niyá kay Col. Walter Loving nang dumalaw ang 8 Pebrero 1928 sa kaniyang tahanan sa Malate, Maynila. Panganay na
koronel sa kaniyang bahay at humingi ng orihinal na komposisyon para anak sa labing-isang magkakapatid. Ang kanyang mga magulang ay sina
sa nabanggit na instrumento. Noong 1983, bilang pag-alaala sa ika-135 Mariano Adonay at Prudencia Quinteria na pawang magsasaka. (RCN) (ed
kaarawan ni Maestro Marcelo Q. Adonay, ay nagtayo ng isang panandang GSZ)
Macario G. Adriatico
(10 Marso 1869-14 Abril 1919)
Si Macario Gonzales Adriatico (Ma·kár·yo Gon·zá·les Ad·ri·yá·ti·ko)
ay isang iskolar, peryodista, manunulat, at politiko na kinikilála bilang
“Ama ng City Charter ng Maynila.”

Lumaban si Adriatico noong Himagsikang Filipino, at pagkaraan ay nag-


ing Comandante de Estado Mayor ng hukbong Filipino sa Panay noong
Digmaang Filipino-Amerikano. Naging abogado si Adriatico pagkatapos
pumasá sa bar exam noong 1902. Noong panahong iyon, hindi pinahihin-
tulutang magtatag ng mga pahayagan o samahang pampanitikan ang mga
Filipino, ngunit binuo pa rin niya ang isang lihim na samahan ng mahigit-
kumulang 50 kasapi, ang Akademya ng Wika at Panitikang Espanyol. Bi-
lang manunulat, naging patnugot siyá ng Diario de Filipinos ng Partido
Conservador at nagkapag-ambag din sa mga pahayagang La Moda Fil-
ipina, La Independencia, El Renacimiento, La Cultura Filipina, El Ideal,
at Domus Aurea. Bilang pagkilála sa kaniyang panulat at pagkabihasa sa
wikang Espanyol, nagwagi siyá ng ilang akademikong karangalan at nag-
ing miyembro sa Real Academia ng Madrid.

Bilang mambabatas, naging kinatawan siyá ng Mindoro sa Asemblea ng


Filipinas noong 1907. Siyá ang may-akda ng unang charter ng Maynila, at
isa sa naghain ng panukalang gawing dalawang distrito ang lungsod. Hin-
irang siyá ng pamahalaan bilang unang Filipinong direktor ng Pamban-
sang Aklatan at Museo (ngayon ay hinati na bilang Pambansang Aklatan,
Pambansang Museo, at Pambansang Sinupan), isang posisyong hinawa-
kan niya noong 1917-1919.

Isinilang siyá noong 10 Marso 1869 sa Calapan, Mindoro kina Luciano


Adriatico, isang empleado ng pamahalaan, at Natalia Gonzales. Nag-aral
siyá sa pribadong eskuwelahan ni Hipolito Magsalin sa Maynila bago pu-
masok sa Instituto Burgos ni Enrique Mendiola. Noong 1889, nagtapos siyá
ng Batsilyer sa Arte sa Colegio de San Juan de Letran nang may pinakama-
taas na karangalan. Sa Unibersidad ng Santo Tomas, kumuha muna siyá ng
medisina bago lumipat sa abogasya, pilosopiya, at letra. Nagkaroon siyá
ng sampung anak, walong babae at dalawang lalaki, sa asawang si Paula
Lazaro ng Bocaue, Bulacan. Pumanaw siyá noong 14 Abril 1919. Bilang
pagkilála, ipinangalan sa kaniya ng Lungsod ng Maynila ang Kalye Da-
kota sa Ermita. (PKJ) ed VSA
Adwána
Tinatawag na Adwána ang ahensiya o opisina ng pamahalaan na may
tungkuling mangolekta ng mga ipinapataw na buwis sa mga kalakal na
ipinapasok mula sa ibang bansa at ng bayad para sa paggamit ng mga
kasangkapan at serbisyo sa mga piyer at paliparan. Pinamamahalaan at
kinokontrol din nitó ang pagpasok at paglabas sa bansa ng iba’t ibang uri
ng produkto kagaya ng mga personal na kagamitan, sasakyan, pagkain,
hayop, halaman, at iba pang gamit na maaaring patawan ng buwis. Mula
ito sa Espanyol na aduana at may gayunding kahulugan. Sa panahon ng
kolonyalismong Espanyol nagtatag ng opisina upang maningil ng kaukulang
buwis sa mga tao at kalakal na nagdaraan sa mga piyer ng Maynila.

Ang Kawanihan ng Adwana (Bureau of Customs) ngayon ang may ganitong


tungkuling mag-inspeksiyon at magtása sa mga kalakal na pumapasok sa
Filipinas. Nagiging bahagi ang nalilikom na salapi ng pambansang pondo
ng gobyerno para sa mga proyektong pambayan.

Mayroon nang sariling sistema ng adwana ang mga katutubong Filipino


bago pa dumating ang mga Espanyol. Nagbibigay ng buwis noon pa ang
mga dayuhang mangangalakal sa naghaharing raha o datu ng barangay.
Ipinagpatuloy ng mga mananakop na Espanyol ang ganitong kalakaran sa
pamamagitan ng pagpataw ng buwis na ad valorem sa lahat ng kalakal.
Noong panahon ng pananakop ng Estados Unidos, nagbalangkas ang
Philippine Commission ng mga batas na gagabay sa pangongolekta
ng buwis sa mga inaangkat na kalakal. Sa kasalukuyan, ang sistema Gusali ng Bureau of Customs, Maynila 1945-1947
ng adwana sa Filipinas ay ginagabayan ng Tariff and Customs Laws Retrato ni John T Pilot
of the Philippines. Ang Kawanihan ng Adwana sa Filipinas ang isa sa
pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng gobyerno. Nakalilikom ito ng
mahigit isang bilyong piso taon-taon mula sa ipinapataw ng buwis sa mga
inaangkat at iniluluwas na kalakal. (SMP) (ed VSA)
agímat
Agímat ang tawag sa anumang bagay na pinaniniwalaang nagtataglay
ng kapangyarihang nakapagbibigay ng pambihirang lakas at iba pang
kakayahang higit sa taglay ng karaniwang tao. Sinasabing nakaugat
angagimat sa relihiyon ng mga sinaunang Filipino na naniniwalang ang
lahat ng bagay na likas ay may kaluluwa kung kayâ’t maging hanggang
sa kasalukuyan, ang maliliit na bato o piraso ng kahoy, lalo na iyong
mga nakuha sa sagradong lugar o kakaibang paligid, ay itinuturing na
makapangyarihan. Dulot na rin ng impluwensiya ng Kristiyanismo sa
bansa, maging ang mga kuwintas na krus at eskapularyo ay itinuturing
kung minsan na agimat. Sa katunayan, maraming nabibiling agimat maging
sa tabi ng simbahan sa Quiapo.

Tinatawag din itong anting-anting, o kayâ ay alipugpóg sa Iloko, dagón


sa Sebwano, galíng sa Tagalog, Iloko, Kapampangan, at Pangasinan,
samantalang ang mga terminong amuléto at birtúd ay mula sa Espanyol.

Bagaman nasasaksihan na lamang sa mga pelikula at telebisyon, o nababasa


sa mga kuwentong kababalaghan at komiks, bahagi rin ang agimat ng
maraming epikong Filpino at kuwentong bayan. Sa katunayan, nagiging
bahagi rin ito ng kasaysayan ng Filipinas. Hindi maihihiwalay, halimbawa,
ang pagkabantog ni Macario Sakay sa damit niyáng kinasusulatan ng
Latin at may mga dibuhong relihiyoso na sinasabing nagsanggalang sa
kaniya laban sa mga bala ng kaaway na Espanyol at Amerikano. (GAC)
(ed GSZ)
Gregorio Aglipay
(5 Mayo 1860-1 Setyembre 1940)
Si Gregorio L. Aglipay (Gre·gór·yo El Ag·lí·pay) ay isang makabayang
lider ng mga paring Filipino at unang Obispo Maximo ng Iglesia Filipina
Independiente, ang simbahang kilalá ngayon sa tawag na “Simbahang
Aglipay.”

Ipinanganak si Aglipay noong 5 Mayo 1860 sa Batac, Ilocos Norte. Sa


muràng edad ay naulila siyá at lumaki sa mga sakahan ng tabako. Sa edad
katorse, nakulong siyá dahil hindi nakamit ang takdang dami ng aning
tabako. Nag-aral siyá ng pagpapari sa seminaryo ng mga Agustino sa
Vigan at ng mga Dominiko sa Colegio de San Juan de Letran sa Maynila.
Nang sumiklab ang rebolusyon laban sa mga Espanyol, isa na siyáng kura
paroko at hindi ito nakasagabal para kumilos siyá at tumulong sa mga
Katipunero.

Noong 1898, hinirang siyá ni Hen. Emilio Aguinaldo na Vicario General


Castrense ng rebolusyonaryong pamahalaan. Ibig sabihin, siyá ang
pinunòng espiritwal ng mga Filipino at doon nagsimula ang tinatawag
ngayong rebolusyong panrelihiyon sa bansa. Nang panahong iyon, nakita
niyá na walang karapatan ang mga paring Filipino, hawak ng mga fraile
ang malalaking lupain, at walang hinihirang na obispong Filipino ang
Papa. Dahil dito, siyá at ang iba pang paring Filipino ay humiwalay sa
Simbahang Katoliko. Itinatag nilá noong 26 Oktubre 1902 ang Iglesia
Filipina Independiente. Noong Enero 1903, hinirang siyá bilang Obispo
Maximo ng bagong simbahan ng mga obispo ng Maynila, Cavite, Nueva
Ecija, Isabela, Cagayan, Pangasinan, at Abra.

Tatlumpu’t walong taon niyáng pinamunuan ang simbahang ito. Bago


namatay, kumandidato siyáng presidente sa eleksiyon ng Komonwelt
(kasama si Norberto Nabong ng Partido Komunista bilang bise-presidente)
pero natalo kina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña.

Noong 1939 ikinasal siyá kay D. Pilar Jamias y Ver. Namatay siyá noong
1 Setyembre 1940. Hanggang ngayon, ang simbahang itinatag niyá ay
nananatiling simbolo ng pagnanais ng mga Filipino na maging malaya
mula sa mga dayuhan. (PKJ) (ed VSA)
ágnos
Ang ágnos ay palawit sa kuwintas na may nilalamáng banal na relikaryo
o alaalang mula sa isang tagpo o bagay na nabanggit sa Bibliya. Nagiging
mamahálin ang kuwintas sa relikaryong nilalamán ng palawit, bukod pa
sa paniniwalang inangkat ito mula sa Hesrusalem at benditado sa Roma.
Itinuturing na isang mahalagang hiyas ang ágnos sa lipunan ng mga
relihiyoso noong panahon ng Espanyol.

Isang makabuluhang ágnos sa panitikan ang kuwintas na iniregalo ni


Kapitan Tiago kay Maria Clara pagdating sa San Diego. Sa Kabanata 28
ng Noli me tangere, inilarawan ni Rizal na inihandog ng ama sa anak “ang
isang magandang agnos na ginto at may pahiyas na brilyante at esmeralda
bukod sa naglalaman ito ng isang tatal mula sa bangka ni San Pedro,
sa dakong inupuan ng Ating Panginoon noong mangisda silá.” Kaagad
itong isinuot ni Maria Clara at nagpatingkad sa kaniyang ganda hábang
namamasyal sa plasa kasama ang mga kaibigan.

Sa kabanata ding iyon ay nawala kay Maria Clara ang agnos. Naawa siyá sa
isang ketonging pulubi at dahil walang pera ay ang agnos ang ipinalimos.
Hindi rin doon natapos ang kuwento ng agnos. Sa El filibusterismo, lumitaw
ito sa kamay ni Huli. Isasangla sana ito ng dalaga kasáma ng ibang hiyas
ngunit pinigil ang sarili dahil regalo ito sa kaniya ng kasintahang si Basilio.
Ibinayad ang agnos kay Basilio ng ketongin matapos niya itong gamutin.
Sa Kabanata 10 ng Fili, nakita ni Simoun ang agnos at inalok si Kabesang
Tales ng malaking halaga kapalit nitó. Hindi tinanggap ni Kabesang Tales
ang salapi, ngunit iniwan kay Simoun ang agnos kapalit ng rebolber nitó.
Waring sa pamamagitan ng agnos ay sinikap isalaysay ni Rizal ang mga
kasawian at karangalan ng Filipino sa panahong iyon. (VSA)

bahagi ng guhit ni Simon Flores y de la Rosa


agóho
Ang agóho (Casuarina equisetifolia) ay isang laging-lungting punongka-
hoy o hindi nagbabago ang kulay ng mga dahon sa buong taon. Umaabot
hanggang 30 talampakan ang taas ng punò ng agoho.

Kahawig ng punongkahoy ng agoho ang punòng pino. Korteng cone ang


bunga ng punongkahoy at mala-karayom din na hugis ang mga dahon
nitó. Makinis ang balát ng mga batàng punongkahoy samatalang makapal,
maraming kulubot at natutuklap naman ang matandang punò ng agoho.

Malimit itong makita sa mabubuhanging lugar, gaya ng mga tabing dagat.


Kadalasan din itong itinatanim at ginagawang palamuti sa mga pasyalan o
parke at sa mga tabi ng daan. Itinatanim din ang agoho sa matataas na lupa
para maiwasan ang pagguho. Madalas din na gawing bonsai ang punò ng
agoho, lalong-lalo na sa timog-silangang Asia at Carribean. Matatagpuan
ito sa mga bansa mula Aprika hanggang Polynesia. (ACAL) ed VSA
Felipe Agoncillo
(26 Mayo 1859-29 Setyembre 1941)
Si Felipe Agoncillo (Fe·lí·pe A·gon·síl·yo) ang abogadong kumatawan
sa Filipinas sa talakayan sa Paris, Pransiya na nagwakas sa Kasunduang
Paris noong 1898 na tumapos sa Digmaang Espanya-Amerika. Inatasan
siyá ng Republikang Malolos noon na itaguyod ang pagkilála ng ibang
bansa sa kasarinlan ng Filipinas. Dahil dito, itinuturing siyá ng marami
bilang unang natatanging diplomat ng bansa.
Isinilang siyá noong 26 Mayo 1859 sa Taal, Batangas kina Ramon Agoncillo
at Gregoria Encarnacion. Nag-aral siyá sa Ateneo Municipal de Manila bago
lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas, na pinagtapusan niya ng abogasya
at ginawaran ng lisensiya sa hurisprudensiya nang may pinakamataas na
grado. Bumalik siyá sa kinalakhang bayan ng Taal, Batangas at naghandog
ng libreng serbisyong legal sa mga dukha at aping kababayan. Dahil sa
kaniyang mga makabayang gawain, inakusahan siyáng filibustero ng kura
paroko. Napilitan siyáng lumisan patungong bansang Japan bago tumuloy
sa Hong Kong at nakiisa sa iba pang mga makabayang Filipino.
Pagkatapos malagdaan ang Kasunduang Biak-na-Bato, pinangunahan ni
Agoncillo ang komite sentral ng rebolusyon at nangasiwa sa tanggapan
ng propaganda ng pamahalaan ni Heneral Emilio Aguinaldo. Inatasan
siyáng maging embahador na maglulunsad ng mga tratado sa ibang bansa.
Lumisan siyá patungong Estados Unidos kasáma si Sixto Lopez upang
ipaglaban ang kasarinlan ng mga Filipino, ngunit hindi silá hinarap ng
Pangulong William Mckinley. Sumubok muli siyáng ipaglaban ang
kaniyang bansa sa pagpupulong sa Pransiya para sa magiging tadhana
ng Kuba at Filipinas. Hindi siyá binigyang ng kaukulang pansin ng mga
Europeo. Dalawang araw pagkatapos ang paglagda sa Kasunduang Paris,
bumalik si Agoncillo sa Amerika upang subuking harangin ang pagpapása
ng tratado ng Amerikanong Senado. Naghain siyá ng pormal na protesta
na pinamagatang Memorial to the Senate.
Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, ipinagpatuloy niya ang
pagiging abogado sa Maynila. Kinuha niya ang bar exam noong 1905 at
pumasá sa markang 100 porsiyento, na hindi pa napapantayan hanggang
sa kasalukuyan. Noong 1907, inihalal siyá bilang kinatawan ng Batangas
sa Asamblea ng Filipinas. Naglingkod siyá bilang Kalihim Panloob
(Secretary of the Interior) sa pamahalaan ni Gobernador-Heneral Leonard
Wood, at ipinaglaban niya ang Filipinasyon ng serbisyo sibil. Nagkaroon
siyá ng anim na anak sa asawang si Marcela Mariño. Pumanaw siyá noong
29 Setyembre 1941 sa Manila Doctors Hospital, Lungsod Maynila. (PKJ)
Marcela M. Agoncillo
(24 Hunyo 1860-30 Mayo 1946)
Si Marcela Mariño de Agoncillo, o mas kilalá bilang Marcela Agoncillo
(Mar·sé·la A·gon·síl·yo) ang pangunahing tagahabi ng una at opisyal na
watawat ng Filipinas. Dahil dito, binansagan siyá bilang “Ina ng Watawat
ng Filipinas.”

Sa gulang na 30, ikinasal siyá kay Felipe Agoncillo, ang abogadong


kakatawan sa Filipinas sa Kasunduang Paris noong 1898 na tatapos sa
Digmaang Espanyol-Amerikano. Nang nadestiyero si Felipe sa Hong
Kong pagsiklab ng Himagsikang Filipino, sumáma sa kaniya si Marcela
at kanilang mga anak. Habang naroon, pinakiusapan ni Heneral Emilio
Aguinaldo si Marcela na humabi ng watawat na sasagisag sa bansang
Filipinas at ayon sa disenyo ni Aguinaldo. Gamit ang sedang binili niya
sa Hong Kong, hinabi ni Marcela, kaniyang anak na si Lorenzana, at
kaibigang si Delfina Herbosa de Natividad (na pamangkin ni Jose Rizal sa
kapatid niyang si Lucia) ang watawat sa loob ng limang araw. Noong Mayo
1898, inihatid ni Agoncillo ang watawat kay Aguinaldo, na siyá namang
nagdalá nitó pabalik ng Maynila. Ito ang bandilang iwinagayway mula
sa kaniyang bahay sa Kawit, Cavite sa pagpapahayag ng kasarinlan ng
Filipinas noong 12 Hunyo 1898 sa saliw ng Pambansang Awit. Hindi nga
lamang ito nasaksihan ni Agoncillo, na nanatili sa Hong Kong kas►ma
ang kabiyak.

Isinilang siyá noong 24 Hunyo 1860 sa Taal, Batangas kina Francisco


Mariño at Eugenia Coronel. Nag-aral siyá sa Colegio de Sta. Catalina,
isang ekslusibong paaralan para sa mga babae, sa Intramuros, Maynila.
Nagkaroon siyá ng anim na anak, pawang mga babae, kay Felipe
Agoncillo. Pumanaw siyá noong 30 Mayo 1946 at inilagak kasáma ang
mga labi ng kaniyang asawa sa Sementeryong La Loma sa Maynila. Sang-
ayon sa kaniyang hulíng hiling, ginawang museo ang kanilang bahay sa
Taal, na ngayon ay nakapangalan sa kaniya. Tampok din ang larawan ni
Agoncillo sa sining biswal; dalawang mahusay na halimbawa nitó ay ang
pinturang “The Making of the Philippine Flag” ni Pambansang Alagad ng
Sining Fernando Amorsolo, at ang eskulturang “Three Women Weaving
the Filipino Flag” sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman ni Pambansang
Alagad ng Sining Napoleon V. Abueva. (PKJ) ed VSA
Teodoro A. Agoncillo
(9 Nobyembre 1912-14 Enero 1985)
Pambansang Alagad ng Agham, si Teodoro Agoncillo (Tyo·dó·ro
A·gon·síl·yo) ang kinikilálang ama ng makabansang pananaw sa pagsulat
ng kasaysayan. Iginiit niyá na dapat sulatin ang kasaysayan ng Filipinas
ng isang Filipino at sa pananaw na Filipino at ipinakita ito sa kaniyang
mga aklat, upang matigil ang lubhang pananalig noon sa historyang likha
ng mga dayuhan. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham
(National Scientist), postumo, noong11 Hulyo 1985.
Si Agoncillo ang pangunahing may-akda ng History of the Filipino
People. Ito ay naging pamantayang sanggunian sa pag-aaral ng
kasaysayan ng Filipinas. Bahagi ng kaniyang umaabot sa 22 aklat ang
Filipino Nationalism 1872-1971, Malolos: The Crisis of the Republic, The
Fateful Years: Japan’s Misadventure in the Philippines, at The Burden of
Proof: The Vargas-Laurel Collaboration, na kinikilala ngayon bilang mga
saligang babasahin upang maunawaan ang naratibo ng bansang Filipinas
sa modernong panahon.

Ang librong The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the
Katipunan ang itinuturing na pinakamahalagang akda ni Agoncillo sa
larangan ng makabayang historyograpiya. Umani ito ng maraming
papuri ngunit binatikos ng mga konserbatibong historyador ang
kaniyang makabayan at radikal na naratibo ng kasaysayan. Dahil sa mga
kontrobersiya, ipinatigil ni Pangulong Ramon Magsaysay noong 1948
ang pagpapalimbag sa aklat. Nalathala lámang ito noong Pebrero 1956.
Nagkamit si Teodoro Agoncillo ng mga parangal, at tampok sa mga ito ang
Republic Cultural Award (1967), UNESCO Prize for Best Essay (1969), at
ang Diwa ng Lahi (1982) -- ang pinakamataas na parangal na iginagawad
ng Lungsod ng Maynila.

Ipinanganak si Agoncillo noong 9 Nobyembre 1912 sa Lemery, Batangas.


Nagtapos siyá ng batsilyer sa pilosopiya (1934) at masterado sa sining
(1935) sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagsimula siyáng makilála bilang
makata at kritiko sa panitikan, naging pundador na kasapi ng Kapisanang
Panitikan, ngunit higit na natuon ang isip sa kasaysayan nang magturo
sa UP. Naging punò siyá ng Kagawaran ng Kasaysayan sa UP at naging
University Professor, pinakamataas na ranggong akademinko sa UP.
Namatay siyá sa sakít noong 14 Enero 1985. (SMP) (ed VSA)
Faustino Aguilar
(15 Pebrero 1882-24 Hulyo 1955)
Itinuturing na haligi ng panitikang Tagalog bago ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, si Faustino Aguilar (Faws·tí·no A·gi·lár) ay isang nobelista,
peryodista, at lider-manggagawa.
Ipinanganak siyá noong 15 Pebrero 1882 sa Malate, Maynila at anak nina
Claro Vergara Aguilar at Juana Ongjoc de los Santos. Sa gulang na 14
taón, nasaksihan niyá ang pamamalò ng mga fraile sa kaniyang ama at
sinasabing may malaking impluwensiya sa kaniyang pakikibáka laban sa
kolonyalismo.
Nagsimulang maging bahagi ng Katipunan si Aguilar bilang mensahero ni
Vicente Fernandez, isang Katipunerong kinupkop ng kaniyang pamilya.
Pagkaraan, naging kawani siyá ng Kalihim ng Digmaan at naging Kalihim
Panloob ng Republika ng Malolos noong 1899. Napiit siyá noong 1899.
Nalingkod din siyá laban sa mga Amerikano sa Digmaang Filipino-
Amerikano at ipinagpatuloy ang pakikibáka sa larangan ng peryodismo.
Naging editor siyá ng seksiyong Tagalog ng pahayagang La Patria noong
1902; pangkalahatang editor ng pahinang Tagalog ng El Renacimiento.
Siyá ang kahuli-hulihang editor ng pahayagang Muling Pagsilang at
naging unang editor ng pumalit na pahayagang Taliba.
Naging aktibo si F. Aguilar sa mga usaping pangmamagawa kayâ naging
pangalawang direktor siyá ng Bureau of Labor noong 1913 at pagkaraan
ay naging direktor nitó sa panahong 1918-1923. Naging kalihim siyá
ng Senado mula Enero 5, 1923 hanggang mabalik siyá sa Kagawaran
ng Paggawa at maging pangalawang kalihim sa mga taóng 1933-1939.
Nagpakasal siyá kay Isidora Ortiz Alonzo noong 1904 at nagkaroon silá ng
apat na anak. 1949 nang muli siyáng mag-asawa at nagpakasal kay Emilia
Warren. Yumao siyá noong 24 Hulyo 1954 sa Maynila.
Ang malasákit niyá sa kapakanan ng manggagawa ay nakatampok sa
Pinaglahuan (1907), itinuturing na pangunahing nobela niyá at hinggil
sa malungkot na kapalaran ng lider-manggagawang si Luis Gatbuhay. Diyos (1911) na nagsalaysay naman sa mga paraan ng pamamalakad ng
Tinalakay pa niyá ang masaklap na búhay ng karaniwang tao sa mga mga Heswita upang magpayaman; at Kaligtasan (1951) na naglalahad sa
nobelang Busabos ng Palad (1909) na tungkol sa isang anak-mayamang mga tunggaliang bunga ng urbanisasyon ng isang maliit na bayan. Ang
tinakwil ng lipunan nang piliing maging mananayaw; Nangalunod sa Lihim ng Isang Pulo (1927) ay ukol sa alamat ng magkasintahang naging
Katihan (1911) na ukol kay ni Dimas-ilaw, isang lalaking namunò sa punò ng aguho ngunit katangi-tangi dahil sa ekperimento sa paggamit ng
pakikibáka laban sa masamâng pamahalaan at simbahan; Sa Ngalan ng dalisay na wikang Tagalog. (JGP) (ed VSA)
Jose V. Aguilar
(23 Marso 1900-31 Enero 1980)
Si Jose Vasquez Aguilar (Ho·sé Vás·kez A·gi·lár) ay isa sa mga unang
Filipino na nakatanggap ng Ramon Magsaysay Award for Government
Service noong 1959. Ang paggagawad ay pagkilála sa kanyang mga naging
kontribusyon sa sistema ng edukasyon sa Filipinas. Pinangunahan niya ang
pagsasaayos ng pampublikong edukasyon para umangkop sa pamumuhay
ng mga nása kanayunan.
Ipinangananak si Aguilar noong 23 Marso 1900 sa baryo ng Caduhaan,
Cadiz, Negros Occidental sa mag-asawang Martin Aguilar, Sr. at Sofia
Vasquez. Nang magtapos sa Cadiz Central School noog 1915, agad siyáng
nagturo sa maliit na paaralan ng baryo sa loob n isang taon. Nagtapos siyá
ng edukasyong sekundarya sa Negros Occidental High School noong 1920
at ng batsilyer sa pilosopiya sa Unibersidad ng Denison sa Ohio noong
1925. Tinustusan niya ang sariling edukasyon sa pamamagitan ng pagkuha
ng iba’t ibang trabaho.
Sa kanyang pagbabalik sa bansa noong 1925, agad siyáng ginawang guro
ng Ingles sa Negros Occidental High School. Inihalal siyang academic
supervisor ng Masbate noong 1926 at ng Cebu noong 1927. Naging
division superintendent siya ng Camarines Norte noong 1928 at ng mga
probinsiya ng Antique, Samar, Capiz, at Iloilo sa mga sumunod na taon.
Pagkatapos niyang magbigay ng serbisyo sa mga rural na lugar, kinuha
siyáng tagapayo ng edukasyong elementarya sa UNESCO Consultative
Education Mission sa Filipinas. Pagdating ng 1945, itinalaga siyang
kinatawan ng bansa para sa pagsasaayos ng sistema ng pampublikong
edukasyon sa Tsina. Nadagdag dito ang mga hinawakan niyang posisyon
sa akademya, lalo na sa Unibersidad ng Pilipinas.
Ipinakita ni Aguilar ang pagpapahalaga sa mga paaralang rural kahit sa
kaniyang mga sinulat, gaya ng “Development of Community School
Concepts in Other Countries”at “Community Schools of the Philippines.”
Isinulat rin niya noong 1948 ang nobelang The Great Faith, isang kuwentong
umiikot sa pagbabago ng mga tradisyon ng Filipinas sa pagdating ng mga
Hapones. pagsasaka ng palay at ito ay itinuro nilá sa buong probinsiya sa tulong
ng 1,200 pang mga guro at tagasuporta. Kasabay ng pag-aaral ng mga
Pinasimulan niya ang idea na gawing mas praktikal ang edukasyon depende magsasaka ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Ginamit nina Aguilar ang
sa ginagalawang lugar o pamayanan ng paaralan. Noong 1938, bumuo siyá wikang Hiligaynon na lokal sa lugar ng mga mag-aaral. Ang mga ginawa
ng isang programang pang-agrikultura sa isang maliit na paaralan sa Aklan, niya sa sistema ng edukasyon sa Filipinas ay nagsilbing modelo ng iba
Capiz. Isang magsasaka ang nagkuwento sa kaniya ng mas produktibong pang proyekto. Namatay siya noong 31 Enero 1980. (CID) ed VSA
Emilio F. Aguinaldo
(26 Marso 1869-6 Pebrero 1964)
Si Emilio Famy Aguinaldo (E·míl·yo Fá·mi A·gi·nál·do) ang una’t hulíng
pangulo ng Unang Republika ng Filipinas. Ipinanganak si Aguinaldo sa
Kawit, Cavite noong 26 Marso 1869 kina Carlos Aguinaldo at Trinidad
Famy. May kabuhayan ang pamilya niyá, ngunit tumigil sa pag-aaral sa
Aguinaldo noong nása ikatlong taon ng segunda enseñanza at tumulong
sa negosyo ng mga magulang. Noong 1895, nahalal siyá ng Kawit na
capitan municipal, ang binagong tawag sa gobernadorsilyo o punò ng
bayan sa ilalim ng Batas Maura. Ikinasal din siyá kay Hilaria del Rosario.
Nang mabalitaan ang Katipunan, nagpunta siyá ng Maynila at nanumpang
kasapi. Pagsiklab ng Himagsikang 1896, nakilála siyá sa mga matagumpay
na labanan sa Cavite. Nang magkaroon ng halalan sa Tejeros noong 22
Marso 1897, siyá ang nahalal na pangulo ng binagong pamahalaang
mapanghimagsik.

Inilipat niyá ang himpilan ng pamahalaang mapanghimagsik sa Biyak-


na-bato, San Miguel de Mayumo, Bulacan. Doon din siyá lumagda sa
kasunduan, ang Kasunduang Biyak-na-bato noong 14-15 Disyembre 1897,
na pansamantalang nagtigil sa himagsikan hábang kusa siyáng nadestiyero
sa Hong Kong kasáma ang iba pang lider rebolusyonaryo. Pagkaraan ng
ilang buwan, bumalik si Aguinaldo sa Filipinas, ipinahayag ang kasarinlan
ng Filipinas noong 12 Hunyo 1898 mula sa kaniyang tahanan sa Kawit, at
sinimulan ang ikalawang yugto ng Himagsikang Filipino. Noong 23 Enero
1899, pormal na ipinahayag ang Unang Republika ng Filipinas sa Malolos,
Bulacan. Halos kasunod nitó ang pagsiklab din ng Digmaang Filipino-
Filipino noong Pebrero 1899 na nauwi sa pag-urong ng hukbong Filipino
pa-Hilagang Luzon. Nadakip si Aguinadlo sa Palanan, Isabela noong 23
Marso 1901 at tuluyang bumagsak ang Republikang Malolos.

Nabiyudo siyá noong 1921 at pinakasalan si Hilaria Agoncillo noong 1930.


Kumandidato siyáng pangulo ng pamahalaang Komonwelt ngunit tinálo ni
Manuel L. Quezon. Namatay siyá noong 6 Pebrero 1964 ngunit naabutan
pa niyáng ipinahayag ni Pangulong Diosdado P. Macapagal ang Hunyo 12
bilang Araw ng Kalayaan ng Filipinas. (VSA)
águng
Ang águng, na kilala rin sa pangalang blowon, bua, gaggung at sembakung,
ay isang pares ng nakasabit na gong. Ito ay may bilog na umbok sa gitnang
bahagi at may malapad na papaloob na tagiliran. Karaniwang makikita
ang agung sa katimugang bahagi ng Filipinas—Palawan, Mindoro, at mga
isla ng Sulu, Mindanao, at sa kalookan nitó—Ata, Bagobo, Bukidnon,
Higaonon, Mandaya, Mangguangan, Manobo, Mansaka, Matigsalog,
Subanon, Tagakaolo, Tiboli, at Tiruray. Kinabibilangan din ng Mamanwa,
Tiboli, Hanunuo, Bagobo, Magindanaw, Mëranaw, Tagbanua, Tiruray, at
Yakan ang iba pang Filipinong gumagamit ng tradisyonal na instrumentong
agung.
Sa okasyon ng Batak sa Palawan, tinutugtog ang agung kasaliw ng gimbal,
isang uri ng tambol, hábang nanggagamot ang mga babaeng babaylan.
Ang gawaing ito ay halaw sa Tagbanwa ng Palawan. Sa Tiboli naman, ang
isang kasiyahan katulad ng moqninum, na pagdiriwang ng anibersaryo ng
kasal ng kilalang mag-asawa, ay okasyon upang tugtugin ang agung.
May iba’t ibang uri ng agung: ang mabigat na tembag na hindi tinutugtog
ngunit prominenteng makikita sa tahanan bilang simbolo ng kayamanan ng
may-ari nitó. Malaking porsiyento nitó ay gawa sa tingga at maliit lamang
na bahagi nitó ang tanso. Ang benegulitok ay katulad ng tembaga ngunit
mas magaan. Tinutugtog ito kasama ng gong na tinatawag na sembakung.
Ang blowon naman ang pinakamagaan at pinakamakinis na gong.
Kompara sa Mindanao at Palawan, ang gong ng Hanunuo ay mas maliliit.
Nakasabit ang pares ng agung at magkaharap ang umbok ng mga ito.
Sa pagtugtog, hábang pinupukpok ng mga patpat ng isang musiko ang
parehong umbok, may isa o dalawa pang pumupukpok naman sa gilid ng
mga instrumento—dalawa ang ritmong lumalabas dito, ang mabilis na
binalinsay at ang mabagal na dinulut. Ang tugtog na ito ay idinaraos sa
sayaw ng kalalakihan. Ang musika ng agung ay tinutugtog sa kasiyahan
matapos ang anihan na tinatawag na panludan. Bukod sa mga agung, ang
iba pang instrumentong maririnig sa pagdiriwang ay plawta, gitara, at mga
patpat na perkusyon.
Sa Tiruray, ang salitang agung ay maaaring mangahulugang tono ng gong.
At agung din ang titulo ng isang uri ng musikang tinutugtog sa tangunggu.
(RCN) (ed GSZ)
agunyás
Mula sa salitang agonias ng wikang Espanyol, ang agunyás ay tumutukoy
sa tugtog ng kampana ng simbahan para sa namatay ang agunyas. Tinu-
tugtog nang mabagal ang batingaw sa mismong araw ng pagkamatay ng
isang miyembro komunidad lalo na,t isa itong táong kilalá.

Sa kasaysayan, mahalaga ang ritwal na ito sa pagtugtog ng agunyas para


sa tatlong paring martir nang bitayin silá noong 1872 sa Bagumbayan.
Hindi sana dapat ipagluksa ang kamatayan ng Gomburza dahil binitay silá
sa pagkakasalan laban sa pamahalaan. Subalit ipinatugtog ang mga kam-
pana sa Katedral at sinundan ito ng ibang simbahan. Na isang pahiwatig
na hindi lubusang naniniwala ang Arsobispo sa gawa-gawang paglilitis at
sa hatol ng mga nagsabwatang fraile at opisyal ng pamahalaan. Bukod sa
pagluluksa, ang agunyas para sa Gomburza ay naging simbolo ng pagtutol
laban sa walang-katarungan pagpatay sa mga lider ng sekularisasyon.

Sa nobelang El Filibusterismo, ang agunyas para sa pagkamatay ni Maria


Clara ay naghudyat ng pagkasawi ng mga plano ni Simoun na nang lu-
maon ay naging sawimpalad rin. Lahat ng balak ni Simoun nang bumalik
sa Filipinas ay maghiganti at mabawi si Maria Clara. Buong-buo na ang
kaniyang planong himagsik at pagmasaker sa mga lider ng pamahalaan.
Ngunit iginupo siyá ng pagtugtog ng agunyas kay Maria Clara at ipinatigil
ang nakahanda nang pagsalakay.

Ang agunyas ay tinutugtog din kapag dapithapon upang ihudyat ang pagw-
awakas ng araw. Sa mga lalawigan hanggang ngayon ay hudyat ito upang
tumigil sa maghápong gawain, humarap sa dakong simbahan, at saglit na
mag-alay ng panalangin. Isang ritwal itong hinding-hindi na napapansin sa
magulo’t nagmamadalîng búhay sa lungsod. (WFF) ed VSA

guhit ni Carlos V. Francisco


Agyu
Si Agyu ang pangunahing bayani ng sinaunang epikong-bayan na Olaging
at Ulahingan sa Mindanaw. Olaging ang tawag sa epikong-bayan ng mga
Bukidnon at sinasabing ukol lámang ito sa búhay at pakikipagsapalaran
ni Agyu. Sa kabilâng dako, ayon kay Elena G. Maquiso (1977), ang
Ulahingan ay isang sanga ng epikong-bayang Bendigan at nakaukol sa
búhay ni Agyu at kaniyang angkan. Ang Bendigan diumano ay epikong-
bayan ng mga Manobo at may sanga ito na tinatawag na Tulalangan at
hinggil naman sa bayaning si Tulalang.

Malimit na ang paksa ng Ulahingan ay ang paglalakbay ni Agyu, angkan, at


mga alagad upang hanapin ang Nalandangan o Nelendangan. Nagsisimula
ito sa pagdating ng isang malupit na kaaway o mananakop kayâ kailangang
tumakas ng komunidad ni Agyu. May episodyo tungkol kay Mungan,
asawa ng kapatid ni Agyu na si Vanlak. Nagkasakit ng ketong si Mungan
at nagpasiyang magpaiwan. Ngunit pinagaling siyá ng mga naawang
diwata at tinuruan pa kung paanong makaliligtas ang komunidad ni Agyu.
May episodyo din sa mga kapatid ni Agyu na gaya nina Tabagka at Lena,
gayundin sa anak niyáng si Bayvayan. Isang lumilipad na malaking
bangka, ang sarimbar, ang sinakyan nina Agyu upang makaligtas. Sa dulo,
narating nilá ang pangakong lupain, ang Nalandangan, at doon naghari si
Agyu sa habang-panahon kasáma ang mga adtulusan o pinagpalà.

Gayunman, may nakararating ding kaaway at ibang problema sa


Nalandangan. Sa isang Olaging na nakolekta ni Ludivina R. Opeña (1972),
inilarawan ang isang malaki’t madugong labanan nang lusubin ng mga
kaaway ang Nalandangan. Nagwagi ang mga taga-Nalandangan dahil sa
kapangyarihan ni Agyu at sa husay niyá sa pakikidigma. Ang isang katangi-
tangi sa Olaging na ito ay ang paglalarawan sa tila-paraisong kalagayan ng
Nalandangan at sa malaking bahay ni Agyu. (VSA)

guhit nina Erika Sevilla at Jean Estella


Akadémya Militár ng Filipínas
Mas kilala sa maikling Ingles na daglat—PMA (Philippine Military
Academy)—ang Akadémya Militár ng Filipínas ang institusyong
nagsasanay ng mga kadete na magiging opisyal ng Hukbong Sandatahan
ng Filipinas para sa tatlong sangay ng serbisyo nitó—ang hukbong katihan
(army), hukbong dagat ( navy), at hukbong panghimpapawid (air force).
Matatagpuan ang PMA sa Fort del Pilar, Lungsod Baguio, may sampung
kilometro mula sentro ng siyudad.

Nag-umpisa ang PMA bilang Akademya Militar sa Malolos, Bulacan


noong 25 Oktubre 1898 sa katulad na layunin. Tumagal lámang ang
Akademya hanggang 20 Enero 1899 dahil sa pagsiklab ng Digmaang
Filipino-Amerikano. Nagbukás itong muli bilang Officer’s School ng
Philippine Constabulary noong 17 Pebrero 1905 hanggang 1908 sa
Intramuros, Maynila. Sa bisà ng Philippine Legislature Act No. 3496 binuo
ang Philippine Constabulary Academy noong 8 Setyembre 1926 para
maghandog ng tatlong taóng pagsasanay. Pormal na pinangalanan itong
Philippine Military Academy noong 21 Disyembre 1936 ng Commonwealth
Act No. 1, at pinayagan ding maghandog ng apat na taóng kurikulum
para sa mga magsasanay bilang mga opisyal ng Hukbong Sandatahan ng
Filipinas. Nang magkaroon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong
1945, maagang pinagtapos ang batch ng 1942 at 1943 na mga kadete para
maitalaga sa mga lugar ng tunggalian katulad ng Bataan. Sa pagkakataóng
ito marami sa kanila ang nasawi. Matapos ang digmaan nagbukás muli
ang Akademya sa Camp Henry T. Allen sa Lungsod Baguio noong 5 Mayo
1947. Hindi pa nagtagal, inilipat ito sa Fort del Pilar dahil kinailangan
ang mas malaking lugar para sa lumalaking populasyon ng estudyante. Ito
ngayon ay nása 373 ektaryang espasyo.

Kung noong mga naunang kasaysayan ng PMA ang mga tinatanggap


lamang ay mga lalaki, nag-umpisa noong 1993 tumanggap ang Akademya
ng mga babaeng kadete, isang makabuluhang simbolo ng pagkilala sa
pantay na katayuan ng dalawang kasarian sa lipunan. Sinasanay ang mga
kadeteng lalaki at babae sa Akademya alinsunod sa pamantayan ng dangal
ng isang magiging opisyal ng militar—ang motto niláng Courage, Loyalty,
at Integrity. (PGD)
akapúlko
Ang akapúlko (Cassia alata Linn.) ay isang tuwid na punò na may ma-
gaspang na balát at mga sanga na may palumpong na mga dahong kulay
berde. Ang dahon ng akapulko ay may kulay kahel sa gitna nitó at may
mga 16-28 maliliit na dahon. Nagkakaroon ito ng axis na tinutubuan ng
mga bulaklak nitá na kulay dilaw, may apat na sisidlan ng mga buto, at
naglalaman ng mga 50 hanggang 60 lapad at hugis triyanggulong mga
buto. Ang bulaklak naman ng akapulko ay napapalibutan ng kulay dilaw
hanggang kulay kahel na pinaliit na dahong sumusuporta sa bulaklak nitó
at kusang nalalagas pagdating ng tamang oras.

Sa Filipinas, ang akapúlko ay ginagamit bilang halamang-gamot. Ang dahon


nitó ay maaaring gamitin sa mga sakit sa balát at pampurga. Ginagamit din
itong halamang-gamot para sa mga may hika at brongkitis. Ang akapulko
ay ginagamit na sangkap para sa paggawa ng sabon, syampu, at losyon.
Katunayan, ang Philippine Council for Health Research and Development
ay tumulong sa pagsúlong ng teknolohiya para sa paggawa ng losyon na
akapulko.

Madalîng paramihin ang punó ng akapulko sa pamamagitan ng pagtatanim


ng buto o kayâ naman ay pagtatanim ng pinutol na parte ng katawan nitó.
Dahil hindi ito maselang halaman, madalî itong buhayin.

Sa Filipinas, ang akapulko ay kilalá sa iba’t ibang pangalan na gaya ng


antsarasi, andadisi, andalan, bayabasin, bikas-bikas, buni-buni, kapis,
kapurko, kasitas, pakayomkom-kastila, at sunting. Mula ang pangalang
“akapúlko” sa Acapulco, isang lungsod sa Mexico. (ACAL)
akásya
Ang akásya (order Fabales) ay isang uri ng punò na nabubuhay sa mga
tropiko at maiinit na lugar. Ang pangalan nitóng “akasya” ay nagmula
sa salitâng Griyego na akis o tinik. Ang kakaibang katangian ng akasya
ay ang pagkakaroon nitó ng mga maliit at pinong dahon. Sa mga tuyong
lugar, hindi sapat ang kaunting dahon upang mabúhay ang isang malaking
punò ng akasya, kayâ’t ang mga sanga ang nagsisilbing tila mga dahon na
gumagawa ng mga gawain nitó. Pahiga ang oryentasyon ng mga dahon
nitó na nagsisilbing proteksiyon ng punò laban sa matinding sikat ng araw.
Kapansin-pansin din ang mababangong bulaklak na kulay dilaw, pulá, o
lila depende sa lugar na pinagmulan nitó. Lulan nitó ang maliliit na buto
na may kabagalan ang pagsibol.

Inilalahok ang mga parte ng akasya sa paggawa ng mga pagkaing


ipinoproseso, tulad ng beer, cola, at mga inuming nagbibigay enerhiya.
Ang mga buto ng akasya ay iniluluto upang gawing pampalasa. Ginagamit
din ang akasya sa paggamot ng mga sakit na tulad ng rabies.

Maganda ang kahoy ng akasya kayâ ginagamit ito na materyales sa


paggawa ng mga kagamitan sa bahay na tulad ng mesa, papag, at upuan. Sa
Indonesia, ginagamit ang akasya sa paggawa ng papel. Ang kagandahan ng
mga hibla nitó ang nagpapalambot sa mga papel na ginagamit sa pagggawa
ng Bibliya, diksiyonaryo, at ensiklopidya. Nakakapagpalambot din ito sa
paggawa ng mga tisyu.

Dahil sa magaganda nitóng mga bulaklak at makikintab na dahon, ginagamit


din itong halaman na pandekorasyon, lalo na sa mga lugar pasyalan. Ang
iba naman ay gumagawa ng pabango mula sa mga bulaklak. Sa Ehipto,
tinatawag ang punò ng akasya na punò ng buhay. Ginagamit nila ito sa
iba’t ibang ritwal, tulad ng pagpapaalis ng masamâng espiritu. (ACAL)
Aklátang Báyan
Ang Aklatang Bayan
noong 1930.

Isang malaki’t pangunahing kapisanan ng mga manunulat ang Aklátang Tagalog bilang wikang pambansa sa 1935 Kumbensiyong Konstitusyonal.
Báyan na naitatag sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano noong Nanguna ito sa pagdiriwang ng mga araw nina Balagtas, Bonifacio, at
1910 sa Tondo, Maynila. Naging pangulong tagapagtatag si Rosauro Plaridel, at kaipala ay pangunahing kasangkot sa pag-iisip at pagdaraos
Almario samantalang naging kalihim naman si Gerardo Chanco. Sinundan ng unang balagtásan. Sa hanay nitó hinugot ang mga kilaláng nobelista,
ni Precioso Palma si Almario bilang pangulo, at pagkatapos, ni Julian sarsuwelista, makata, at peryodista sa bungad ng ika-20 siglo.
Cruz Balmaceda na naging pangulo noong 1920 hanggang sa kaniyang
kamatayan noong 1947. Maraming sumulpot na samahang pangmanunulat Nanguna din ang mga kasapi ng Aklátang Báyan sa pagsusúlong
sa Filipinas, lalo na sa Kamaynilaan, sa panahong iyon. Ngunit sa Aklátang
ng panitikang makabayan at laban sa Amerikanisasyon. Narito ang
Báyan natipon ang mga unang haligi ng panitikang Tagalog na gaya nina kontradiksiyon sa tinatawag ni Virgilio S. Almario na taglay niláng diwa
Lope K. Santos, Carlos Ronquillo, Faustino Aguilar, Severino Reyes, Iñigo
ng “Balagtasísmo.” Sa isang bandá, masigasig siláng buhayin ang mga
Ed. Regalado, Hermenegildo Cruz, Patricio Mariano, at marami pa. adhikang mapagpalaya ng Himagsikang 1896. Sa kabilâng bandá, sa
pagsalungat nilá sa modernisasyong hatid ng mga Amerikano ay nasadlak
Naging makabuluhan ang Aklátang Báyan sa pagsusúlong ng kapakanan naman silá sa lubhang konserbatibong pagkupkop sa anumang tradisyonal,
ng wika’t panitikan sa Tagalog. Nagdaos ito ng mga tertulya at programa gaya ng tugma at súkat, at lubhang pagmamahal sa nakalipas. (SJ) (ed
para sumigla ang mga manunulat. Nanguna ito sa pagkampanya para sa VSA)
aklé
Ang aklé (Albizzia acle Merr) ay matigas na punongkahoy na ginagamit
sa pagtatayô ng bahay at paglikha ng muwebles. Mayroon itong katamta-
mang taas na 25-30 m at diyametro na 70-120 sm. Nalalagas ang dahon
tuwing tag-init at malapit nang mamulaklak at hindi nakatatagal sa lilim.
Ang bole nitó ay silindriko, karaniwang maiksi at baluktot, at mayroong
40-60 sm na diyametro at taas na 10-18 m. Ang mga dahon nitó ay mag-
kakatapat sa bawat tangkay at ang mga bulaklak ay putîng berde.

Ang punò nitó ay walang pansuhay ngunit may malalaking ugat. Ang
tuktok ay nakabuka nang palapad. Ang balát ng kahoy ay kayumanggi,
marupok, at putî kapag bagong tabas na nagiging manilaw-nilaw na pulá
kapag nahanginan na. Mabagal ang paglaki ng akle. Karaniwang ang 25
taóng gulang na punô ang tumataas nang mga 16 m at lumalaki nang mga
23 sm ang diyametro.

Ang kahoy nitó ay ginagamit sa paggawa ng aparador dahil sa taglay


nitóng kulay, magandang hilatsa, at tibay. Bukod dito, ginagamit din ito
sa pag-uukit, eskultura, paggawa ng mga instrumento, bahay, barko, at iba
pang katulad na konstruksyon.

Matatagpuan ang akle sa sa mga kagubatang mababà at mahalumigmig ng


Albay, Bataan, Bulacan, Camarines Norte, Camarines Sur, Capiz, Pala-
wan, Cebu, Davao, Ilocos Norte, Masbate, Mindoro Occidental, Negros
Oriental, Nueva Ecija, Surigao, Tarlac, at Zambales. (KLL) edVSA
“Akó ang Daigdíg”
Maituturing ang tulang “Akó ang Daigdíg” bilang pinakatanyag na likha
ni Alejandro G. Abadilla, na siyáng kinikilálang “Ama ng Makabagong
Panulaang Tagalog.” Una itong nalathala sa Liwayway noong Kabilang
ito sa unang aklat ng mga tula ni Abadilla, ang Ako ang Daigdig at Iba
Pang Tula (1955). Isa ito sa laging-sinisipi at inilalathalang akda sa
mga antolohiya ng tulang Filipino, tulad ng sa Sansiglong Mahigit ng
Makabagong Tula sa Filipinas ng Pambansang Alagad ng Sining Virgilio
S. Almario.
Mahalaga ang tula sa kasaysayan ng panitikang Filipino. Masasabing
kinakatawan nitó ang isang pangunahing hangarin ni Abadilla sa kaniyang
mga akda, ang paghámon at pagsalungat sa de-kahong paggamit ng tugma
at sukat sa tula at ang labis na sentimentalismo sa panitikang Tagalog.
Kayâ dapat asahan ang kontrobersiyang sumalubong sa pagkalathala nitó
at nadagdag sa kontrobersiyal nang karera ni A.G. Abadilla bilang makata
at kritiko. Ang mismong kasáma niya sa samahang Panitikan, si Clodualdo
del Mundo ay dagling bumigkas ng isang panayam na hindi ito tula. Narito
ang panimulang saknong ng tula:
ako
ang daigdig
ako
ang tula
ako
ang daigdig
ang tula
ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig
Ang retorikong pag-uulit ng unang mga salita lamang ay isang maituturing
na bagong paraan sa kasaysayan ng pagtula sa Filipinas. Ang diwa ng tula
ay mistulang isang manipesto laban sa namamayaning konserbatismo sa
panahong iyon na pinaghaharian ng mga tinatawag ni V.S. Almario na mga
”Balagtasista.” (PKJ) ed VSA
alagáw
Ang alagáw (Premna odorata blanco) ay isang halamang medisinal,
maliit na punongkahoy na tumataas nang tatlo hanggang walong metro,
balahibuhin ang ibabaw ng dahon, mapusyaw na lungti hanggang putî ang
bulaklak, malaman na lila ang bilugang prutas, at nabubuhay sa aplaya.
Matatagpuan ito sa halos lahat ng bahagi ng Filipinas.

Ginagamit ang murang dahon nitó sa pagluluto ng paksiw at bopis. Ang


pinakuluang dahon na may halòng kalamansi at asukal ay nakapagpapagalíng
ng ubo, lagnat, at sakit ng tiyan. Ang pinakuluang ugat, dahon, bulaklak, at
bunga ay gamot pampapawis, pampaihi, at pantanggal ng sakit ng dibdib.
Ang dinurog na dahon ay mainam pampahid sa sakit ng ulo. Ang paglunok
ng laway na nalikha mula sa pagnguya ng ugat nitó ay pinaniniwalaang
nakapagpapagalíng ng sakit sa puso. Ginagamit din ang dahon at bulaklak
nitó bilang pampaligo ng mga sanggol at panlinis ng puwit at ari ng babae.
Ang dahon ay isa sa pitóng sangkap ng pitó-pitó. (KLL) ed VSA
álak
Ang álak ay anumang inuming matapang at nakalalasing, tulad ng vino,
serbesa, at wiski. Sinasabing mahilig uminom ng alak ang mga Filipino,
kung kayâ naman hindi nakapagtataká na mayroon táyong ilang katutubong
uri nitó. Ilan dito ay ang basi, tuba, lambanog, at tapuy.
Ang bási ay alak mula sa katas ng tubó. Kapag pinatagal ang pagbuburo
sa basi, ito ay magiging sukà. Maituturing itong inuming pambayan ng
rehiyong Ilocos sa hilagang Luzon. Malaki ang ginampanan ng alak na
ito sa kasaysayan. Noong 1808, nag-alsa ang mga taga-Ilocos Norte sa
tinatawag na ”Pag-aalsang Basi” nang ipinagbawal ng mga Espanyol ang
pribadong paglikha ng basi.
Ang tubâ ay mabulâng alak mula sa katas sa sasâ o niyog. Tulad sa basi,
kapag pinatagal ang pagbuburo, ito ay magiging sukà. Tinatawag din itong
palm wine sa ibang bahagi ng mundo. Tulad ng tubâ, ang lambanóg ay alak
na mula sa katas ng sasâ at niyog. Dinadalisay ang tuba upang makuha ang
alkohol nitó, at tanyag ang lambanog bilang malakas na alak. Tinatayang 30
galon ng tuba ang kinakailangan para makagawa ng 5 galon ng lambanog.
Kilalá ang lalawigan ng Quezon bilang pagawaan ng lambanog, dahil na
rin sa matatagpuan dito ang pinakamaraming taniman ng niyog sa Luzon.
Tinatawag na ”putuhan” ang gawaan ng lambanog sa Quezon.
Ang tápuy (o tapey, tapuey) ay alak na gawa sa binurong bigas. Kilalá ang
rehiyong Cordillera sa alak na ito, at mahalaga itong bahagi ng kultura at
kabuhayan ng mga katutubong pangkat ng Cordillera. Iniinom ang tapuy
sa mga kasalan, seremonya ng anihan, at iba pang okasyon. Hindi ito
hinahaluan ng asukal at tubig. Ang paggawa ng tapuy ay isang tradisyon,
at ipinapása ang kaalaman ukol dito sa bawat henerasyon. Sa kasamaang
palad, naging saksi ang mga hulíng taon sa pagbawas ng gumagawa ng
tapuy, dahil madalî nang makabili ng mga komersiyal na tapuy bukod
sa higit nang nahihilig ang mga taga-Cordillera sa inuming tulad ng
hinyebra.
Dahil na rin sa pag-unlad ng teknolohiya at pag-unlad ng panlasa ng
mga manginginom, mabibili na ang mga katutubong alak ng Filipinas sa
iba’t ibang lasa, tulad ng mangga, strawberry, bubblegum, at tsokolate.
Gumagawa naman ngayon sa Filipinas ng vino (wine). gawa sa prutas
sa Filipinas, tulad ng atis, bignay, dalandan, duhat, guyabano, kalumpit,
lipote, mangga, mangosteen, passion fruit, pinya, saging, at sampalok.
Mayroon ding alak na gawa sa kape! Tagay! (PKJ)
alakáak
Ang isdang alakáak ay kabilang sa pamilya Sciaenidae. Ito ay kilalá rin
sa tawag na abo, gulama, o lagis. Matatagpuan ito sa mga karagatang At-
lantiko, Pasipiko at Indian, mula India at Sri Lanka hanggang silangang
bahagi kasáma ang timog Tsina, Filipinas, at Indonesia. Naglalagi ito sa
estuwaryo at baybay.

Ang palikpik sa likod ay mahabà, at may malalim na bingaw sa pagitan ng


matinik at malambot na rayo. Ang matinik na bahagi ay may 13-16 tinik at
ang malambot naman ay may isang tinik. Ang palikpik sa puwit ay kadala-
sang may 1-2 mahihinàng tinik. Ang linya sa gilid ng katawan ay umaabot
sa dulo ng buntot. Ang bukana ng hasang ay may kapirasong buto sa itaas.
May mga ilang uri na isa lang ang barbel o kayâ naman ay may patse ng
mga maliliit na barbel sa may babà. Ang nguso at ibabâ ng panga ay may
mga napakaliit na butas.

May ilang uri ng alakáak at ang pangkaraniwan ay ang Dendrophysa rus-


selii. Ang katawan ay bahagyang pikpik at pabilog, at ang lalim ay 3-4
ng kabuoang habà ng katawan. Ang nguso ay pabilog at medyo nakausli
lagpas sa dulo ng itaas na panga. Ang bibig ay mababà, ang taas na panga
ay mas maliit sa kalahati ng ulo, at may nag-iisang barbel sa babà. Hindi
masyadong makikilála ang pagkakaiba ng malalaki at maliliit na ngipin.
Hindi malawak ang pagitan ng malaking ngipin at bumubuo ng hanay sa
labas ng itaas na panga. Walo ang ibabâng kalaykay sa hasang. Ang pantog
panlangoy ay kahugis ng isang karot na may 15 pares ng karagdagang ba-
hagi na kahawig sa isang punò. Labing-isa ang kabuoang tinik sa palikpik
sa likod samantalang dalawang tinik naman ang sa palikpik sa puwit. Ang
likod ng katawan ay kulay abo at nagiging putî papuntang tiyan. Ang itaas
na gilid ng palikpik sa likod ay maitim. Ang karaniwang habà ay 15 sen-
timetro at ang pinakamalaking naitala ay 25 sentimetro. Ang espesye na
ito ay pinaniniwalaang may aparato na lumilikha ng tunog kapag oras ng
pangingitlog na nagaganap tuwing tag-init.

Kadalasan ay lumalangoy ito nang magkakasáma. Kumakain ito ng ali-


masag, hipon, uod, at mga isda. Ito ay sikat pagkain ng tao at karaniwang
ibinebenta nang sariwa o tuyo. (MA) ed VSA
alamát
Ang alamát ay isang mahalagang bahagi ng panitikang-bayan na
nagsasalaysay sa pinagmulan ng bagay-bagay sa daigdig. Itinuturing itong
paraan ng pagpapaliwanag ng ating mga ninuno sa kanilang kaligiran sa
abot ng kanilang kaalaman at sa kanilang pinagmulan sa abot ng kanilang
alaala. Karaniwang isang salaysay ito hinggil sa tunay na mga pook, mga
bahagi ng kalikasan, mga pangyayari, at mga tao. Marami sa mga ito ang
nakabatay sa kasaysayan at nakaugnay sa sinaunang mito at kuwentong-
bayan. May katumbas itong leyénda sa Espanyol at legend (lé·dyend) sa
Ingles.
Malimit na may sangkap na kagila-gilalas ang alamat. Ngunit malimit
ding nagdudulot ito ng makabuluhang aral sa búhay, kayâ mainam na
kasangkapan sa edukasyon ng musmos at kabataan. Halimbawa, ang
alamat ng pinya. Isang istorya ito tungkol sa isang batàng tamad at
laging nagdadahilan na hindi makita ang inuutos ng ina. Bilang parusa ng
engkantada, bigla siyáng naging bunga na maraming matá. Ipinaliliwanag
ng alamat kung bakit maraming tila “matá” ang bunga ng pinya. Ngunit
nagdudulot din ito ng aral laban sa katamaran.
May taglay na hálagáhang panlipunan at pangkultura ang halos lahat
ng mga alamat hinggil sa pinagmulan ng isang pook o halaman. Isang
popular na alamat ang tungkol sa Bulkang Mayon, na bunga diumano
ng nasawing pag-ibig ni Daraga Magayong dahil sa isang sakim na datu.
Naging simbolo naman ng pag-asa ang bahaghari dahil sa alamat kung
paano tumubò ang unang bahaghari sa mundo. Kinatatakútan naman ang
pating dahil sa alamat na mula ito sa isang isinumpang usurero.
May alamat na nagsisiwalat sa paniwala’t kaugalian ng lahi o pangkat
ng tao. Isang alamat ang nagkukuwento kung paanong nilikha ni Bathala
ang unang mga tao sa pamamagitan ng paghubog sa luad at pagluluto sa
nabuong anyo upang tumigas. Gayunman, dahil hindi pa sanay sa pagluluto
ay nagkaroon ng iba’t ibang kulay ang nalikhang tao. Ang unang anyong
tao ay lubhang nagtagal sa kalan kayâ nasúnog at pinagmulan ng lahing
Itim. Ang ikalawang anyong tao naman ay agad inalis sa kalan ni Bathala
sa tákot niyang masúnog muli ito. Nahilaw ang ikalawa kayâ pinagmulan
ng lahing Putî. Sa ikatlong pagkakataón, bihasa na si Bathala. Timplado
ang luto niya sa ikatlong anyo, hindi sunóg at hindi rin hilaw, at pinagmulan
ito ng lahing kayumanggi—ang mga Filipino. (VSA)
Pinagsama-samang guhit ng ilang paboritong tagpo sa mga alamat ng Filipinas (Aklat Adarna)
alamíd
Ang alamíd (Paradoxurus philippinensis) ay isang ilahas na pusa, maliit
sa karaniwan, itim ang kulay, at nakatira sa kagubatan. Tumitimbang mula
dalawa hanggang limang kilo. Ang katawan ay may habàng 53 sm at naba-
balot ng magaspang at gusot-gusot na balahibong batik-batik at kulay abo
at itim. Ang buntot ay halos kasinghabà ng katawan nitó na 48 sm. Ang
mukha naman ay nagtataglay ng tila putîng maskara.

Nakatira ang alamid sa magubat na pook. Maaari rin itong matagpuan


sa mga hardin na may matataas na punò at sa mga lugar na maraming
pananim. Matalas ang mga kuko nitó kayâ madalî itong nakakaakyat sa
punongkahoy at mga alulod ng bahay. Ang pangunahing pagkain ng al-
amid ay mga hinog na prutas tulad ng berries. Kumakain din ito ng tsiko,
mangga, rambutan, at kape pati maliliit na hayop at insekto.

Ang alamid ay mahilig mag-isa maliban na lamang kung naghahanap ito


ng kapareha sa panahon ng pagpaparami ng lahi nitó. Mas gisíng ito sa
gabi kaysa araw. Kapag may panganib, naglalabas ito ng mabahòng amoy
mula sa puwit nitó bilang depensa sa sarili. Mahilig ding mag-iwan ng
marka ang alamid sa pamamagitan ng pagdumi, pag-ihi, at paglalabas ng
matapang na amoy nitó. Malaki ang naitutulong ng mga alamid sa pag-
papanatili ng mga punongkahoy at halaman sa paligid dahil naikakalat
ngmga ito ang buto ng mga prutas at halamang kinakain.

Karaniwang matatagpuan sa Timog at Timog-Silangang Asia, katutubo ito


sa mga bansang India, Nepal, Bangladesh, Bhutan, Myanmar, Sri Lanka,
Thailand, Singapore, Malaysia, Brunei, Darus-salam, Laos, Cambodia,
Vietnam, Tsina, Indonesia, at Filipinas. Dinala rin ito sa Japan. Sa Fil-
ipinas, tinatawag itong alamír, alimús, amíd, garóng, milô, mirô, pásla,
púsang-gúbat, at singgalong. Sa Ingles naman ay Asian palm civet o toddy
cat. (KLL)
alampáy
Ang alampáy isang balabal o piraso ng damit na isinasampay sa balikat
o ipinapatong sa isa pang damit sa may bandáng balikat. Kilalá rin ang
alampay bilang ablay sa Waray, alikboy sa Bikol, baksa sa Sinaunang
Tagalog, baliog sa Aklanon, kagay sa Ilokano at kulibengbeng sa
Pangasinan. Maaaring gawa sa iba’t ibang tela ang alampay ngunit madalas
na gawa sa himaymay ng pinya ang ipinapares upang higit na maging
marangya ang baro’t sáya o terno ng kababaihan. Sa katunayan, kabilang
ang alampay sa apat na bahagi ng isang terno; ang tatlo pa ay ang kamisa,
sáya, at tapis.

Ngunit nagsimula ang alampay bilang praktikal na bahagi ng kasuotan.


Isinasampay ito sa balikat upang protektahan ito sa lamig. Kapag totoong
malakas ang hangin, ang alampay ay ibinabálot sa paligid ng leeg at
hanggang sa ibabâng bahagi ng mukha. May nakahandang piraso ng
damit ang mga magsasaka at manggagawa na palagiang nakasampay
na tila alampay sa kanilang balikat na ginagamit upang ipampunas ng
pawis at ipansanggalang sa init o usok. Sa kasalukuyan, ang kulay at
disenyo ng alampay ay ginagamit na simbolo ng ilang lider at aktibista
upang ipakatawan ang kanilang paninindigang pampolitika at isyung
ipinaglalaban. (MJCT) ed VSA
albuláryo
Ang albuláryo ay tumutukoy sa manggagamot na gumagamit ng sinaunang
paraan ng panggagamot. Kabílang sa mga pamamaraang ito ang pagtatapal
ng mga halamang gamot at langis, pag-oorasyon o pagbulong, pagtawas,
pagbabanyos o pagpunas sa maysakit.

Bago ang pananakop ng mga Espanyol, ang tungkulin ng panggagamot


ay nakaatang sa babaylan o ang pinunòng espiritwal ng katutubong
pamayanan. Naisantabi ang mga babaylan nang ipakilala ng mga Espanyol
ang bagong relihiyon. Kasunod nitó’y lumitaw ang mga arbularyo. Ang
mga dating inuusal ng mga babaylan ay nahalinhan ng mga Kristiyanong
orasyon at dasal, at sa gayo’y napaglangkap ng arbularyo ang katutubo at
ang bagong paniniwala.

Mga matandang babae o lalaki ang kalimitang nakikilalang albularyo


na sa tuwi-tuwina ay matatagpuan sa mga liblib na lugar at malayo sa
kabihasnan. Karaniwang iniaasa nila sa pananalig o pananampalataya ang
bisa ng kanilang gawain kasama ang malawak na karanasan sa pagpapabuti
ng isang may karamdaman.

Laganap ang albularyo sa buong kapuluan ng Filipinas lalo na sa mga


lugar na hindi naaabot ng makabagong medisina. Tinatawag din silang
erbolaryo at baglan sa wikang Iloko. (JCN) (ed GSZ)
Larry Alcala
(18 Agosto 1926-24 Hunyo 2002)
Si Lauro Zarate Alcala (láw·ro zá·ra·té al·ka·lá) o mas kilala bilang si
Larry Alcala ay isang nangungunang editorial cartoonist at ilustrador sa
Filipinas. Tinatayang nakagawa siyá ng mahigit 500 cartoon characters, 20
comic strips, 6 pelikula, 2 murals, at 15,000 na nailimbag na pahina mula
sa kaniyang 56 taon ng pagiging propesyonal na kartunista.
Isinilang siyá sa Daraga, Albay noong 18 Agosto 1926 kina Ernesto Alcala
at Elpidia Zarate. Nakapagtapos siyá ng kursong Bachelor of Fine Arts in
Painting sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1950 sa ilalim ng scholarship
mula sa pabliser na si Ramon Roces. Tumanggap din siyá ng Australian
Cultural Award kasabay ng isang travel study grant noong 1975. Nagturo
siya sa UP mula 1951 hanggang 1981. Nagsimula ang kaniyang karera
bilang kartunista noong 1946 habang nag-aaral pa lamang. Pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nilikha niya ang kaniyang kauna-unah-
ang comic strip na pinamagatang Siopawman na nailimbag sa komiks na
Halakhak noong 1947. Sa naturang taon din niya nalikha ang Kalabog en
Bosyo na gumamit ng Taglish bilang wika ng mga tauhan. Ito ang pinaka-
mahabang seryeng kartun na ginawa ng isang Filipino. Naisapelikula
ito noong 1957 ng Sampaguita Pictures na ginampanan nina Dolphy at
Panchito Alba.
Ang Slice of Life naman ang pinakasikat na seryeng kartun ni Alcala na
sumasalamin sa mga katangi-tanging aspekto sa araw-araw na buhay sa
Filipinas. Noong 1988, tumanggap ito ng parangal na Best in Humor dahil
sa paglalarawan nito ng kakayahan ng mga Filipinong tawanan ang kanil-
ang sarili anuman ang kanilang danasin sa buhay. Ang Mang Ambo naman, mercial art sa Filipinas, naitatag ang Visual Communication Department
ayon mismo sa kaniya, ay larawan ng isang Filipinong nanatiling tradisyo- sa UP College of Fine Arts noong dekada 50. Isinulong naman niya ang
nal kahit na may nagaganap na urbanisasyon sa kaniyang paligid. pagbuo ng grupo ng mga ilustrador ng mga pambatang libro at tinawag
itong Ang Ilustrador ng Kabataan (INK) noong 1991. Naging aktibong
Ang ilan pang likha niya ay ang Tipin (1951-1965); This Business of Liv- lider siyá sa mga organisasyong gaya ng Samahang Kartunista ng Pilipi-
ing (1961-1972); Loverboy (1964-1969); Project 13 (1966-1972); Barrio nas bilang pangulo 1979-1989 at bilang adviser 1989-2002; Art Directors
Pospak (1966-1972); Kongressman Kalog (1966-1972); Kalambogesyons Club of the Philippines bilang pangulo 1963-1964; Society of Philippine
(1966-1972); Smolbateribol (1972-1984); Mod-Caps (1974-2002); Snick- Illustrators and Cartoonists bilang ikalawang pangulo 1962-1963. Dahil
erteens (1973-1984); Asiong Aksaya (1976-1984); Bing Bang Bung (1978- sa hindi matatawarang dedikasyon, nakatanggap siya ng maraming paran-
1989); at Laugh and Live, Life Today (1981-2002). gal mula sa iba’t ibang organisasyon gaya ng UP College of Fine Arts,
UP Alumni Association, Philippine Board on Books for Young People
Si Alcala ang nagpasimula ng paggamit ng animated cartoons sa mga tele- (PBBY), Archdiocese of Manila, Komiks Operation Brotherhood (Ko-
vision commercial gaya ng Caltex noong 1965 at Darigold Milk noong mopeb), Society of Philippine Illustrators and Cartoonists, Gawad CCP, at
1957. Dahil sa kaniyang kampanya sa pagpapaunlad ng ilustrasyon at com- iba pa. (KLL) ed VSA
Arturo Alcaraz
(22 Marso 1916-10 Marso 2001)
Si Arturo Alcaraz (Ar·tú·ro Al·ka·ráz) ay isang bulkanólogó
(volcanologist) na kinikilála bilang “Ama ng Pagsulong ng Enerhiyang
Heotermal” ng Filipinas. Ang kaniyang mga pag-aaral sa mga bulkan
ng kapuluan at ang enerhiya na maaaring makuha mula sa mga ito ang
pumukaw sa pambansang interes hinggil sa geothermal energy. Malaki ang
ginampanan niya sa pagtitirik ng mga plantang heotermal sa buong bansa,
tulad sa Tiwi, Bundok Makiling, Bundok Banahaw, at Leyte. Masasabing
inihanda ng kaniyang pagpupursigi ang bansa laban sa mga krisis enerhiya
(i.e., sa krudo) na tumama dito, at nagpasibol sa isang industriyang lumikha
ng maraming trabaho.

Noong 1942, siyá ang naging Chief Geophysicist ng Philippine Weather


Bureau. Noong 1951, hinirang siyáng Chief Volcanologist ng bagong-
tatag na Commission on Volcanology. Noong 1955, ginawaran siyá
ng Guggenheim Fellowship. Noong 1967, kabilang si Alcaraz sa mga
nagpailaw ng bombilya gamit ang enerhiya mula sa isang bulkan malapit
sa Tiwi; ito ang unang nilikhang heotermal na enerhiya sa bansa. Noong
1968, ginawaran siyá ng Presidential Award of Merit. Noong 1982, hinirang
siyáng Ramon Magsaysay Awardee for Government Service.

Isinilang siyá noong 21 Marso 1916 sa Maynila kina Conrado Alcaraz at


Paz Pineda. Nag-aral siyá ng elementarya sa Lucena, Quezon, at hay-iskul
sa Camarines Norte at Baguio. Sa huling lugar, na siyáng nagtatamasa noon
ng kasagsagan sa pagmimina, napukaw ang kaniyang hilig sa pagmimina
at heolohiya. Nagtapos siyá ng BS Mining Engineering sa Mapua Institute
of Technology noong 1937, at MS Geology sa University of Wisconsin
noong 1941. Pagkaraan ay nag-aral din siyá sa University of California
at Berkeley at ginawaran ng Certificate in Volcanology. Nagkaroon siyá
ng tatlong anak sa asawang si Lilia Salas. Pumanaw siyá noong 10 Marso
2001. (PKJ)
Ramón Alcaráz
(31 Agosto 1915-25 Hunyo 2009)
Nitong 6 Mayo 2012, ipinahayag ni Pangulong Benigno aquino III na
pangangalanan ang ikalawang Hamilton Class Cutter ng hukbong dagat na
BRP Ramon Alcaraz at marami ang nagtanong. Sino ba si Ramón Alcaráz?
Isa siyáng ipinagmamalaking bayani ng hukbong dagat noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at may maningning na rekord ng paglilingkod
hanggang magretirong komodor noong 1966.
Ipinanganak si Alcaraz noong 31 Agosto 1913 sa Plaridel, Bulacan. Kumuha
siyá ng pagsusulit para sa PMA noong 1936, nakapasá, at nagtapos kasáma
ng 79 na bumubuo sa Class 1940. Pitó siláng sumapi sa Off-Shore Patrol.
Pagsiklab ng digma, nadestino si Alcaraz sa First Q-Boat Squadron na
binubuo ng mga torpedo boat. Siyá ang itinalagang komander ng Q-112
(Abra).

Noong 17 Enero 1942, nakasagupa ng Q-112 ang siyam na dive bomber


ng mga Hapones. Agad nagpaputok sina Alcaraz at tatlo sa mga eroplano
ang tinamaan bago lumipad palayô. Dahil sa katapangan, ginawaran si
Alcaraz ng Silver Star at itinaas sa ranggong unang tenyente. Nabihag ng
mga kaaway si Alcaraz sa Paombong pagkaraang mapalubog ang Q-112
sa baybayin ng Bataan noong 10 Abril 1942. Ipiniit siyá sa Malolos. Nang
palayain, sumapi siyá sa Philippine Constabulary ngunit ginamit itong
panlilinlang para sa kaniyang pagtulong sa mga gerilya ng Bulacan at
Hilagang Luzon.

Pagkatapos ng digma, bumalik siyá sa hukbong dagat at ipinadalá sa


Estados Unidos noong 1950 upang pag-aralan ang organisasyon ng US
Marines. Noong 1952 at sa kainitan ng rebelyon ni Hajji Kamlon, inatasan
si Alcaraz magpatrulya sa Dagat Sulu at matagumpay namang napayapa
niya ang rehiyon. Dahil dito, sinabitan siyá ng Military Merit Medal. Noong
1964, hinirang siyáng punò ng Naval Operations Force at nakaharang ng
libo-libong pisong halaga ng puslit na sigarilyo.

Hindi kinilála sa panahon ni Pangulong Marcos ang kaniyang tagumpay


hanggang magretiro. Naging kritiko siyá ng mga pambansang patakarang
militar. Nang ideklara ang Batas Militar, inaresto si Alcaraz at napilitang
umalis ng bansa. Namatay siyá noong 25 Hunyo 2009 sa Orange County,
Timog California. (EGN ed VSA)
Federico A. Alcuaz
(6 Hunyo 1932-2 Pebrero 2011)
Si Federico A. Alcuaz (Fe·de·rí·ko Ey Al·ku·wáz) ay isang prolipikong
pintor, eskultor, at tanging Filipinong artista na nagkamit ng pinakamaraming
gantimpala at parangal sa internasyonal sa larang ng pintura. Nominado
siyá para maging Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal noong
2009.

Isa siyá sa mga itinuturing na maestro ng abstraksiyon. Kung ang karamihan


ng mga artist sa kaniyang panahon ay naging alagad ng modernismo at
abstraksiyon dahil sa ito ang napapanahon, si Alcuaz ay nagsimula at
nagpakahusay muna sa klasikong estilo bago tuluyang naging bihasa at
nakilala sa abstraksiyon.

Una siyáng Filipino na nagwagi ng Prix Francisco Goya (1958). Sa Espanya,


natamo rin niyá ang prestihiyosong Premio Moncada (1957), nagkamit
siyá ng unang gantimpala sa Pintura Sant Pol del Mar (1961), at ikalawang
gantimpala sa Premio Vancell sa Fourth Biennial ng Tarrasa, Barcelona
(1964). Dito, gagamitin ni Alcuaz ang apelyido ng kaniyang ina upang
makilala siyá sa iba pang Aguilar na kasama niyá sa grupong La Puñalada
at apelyido ng karamihan noon sa Barcelona. Sa gulang na 24, itinanghal
si Alcuaz na pinakabatang nagkaroon ng eksibit sa prestihiyosong Sala
Direccion General, Museum of Contemporary Art sa Madrid. Susundan
pa ito sa Galerias Layetanas at Galerias Manila sa Barcelona. Sa Pransiya
ay pinarangalan siyá ng Diploma of Honor sa International Exhibition of
Art Libre (1961), Decoration of Arts, Letters and Awards na may ranggong
Chevalier mula sa pamahalaang Pranses (1964) at Order of French Genius
(1964). Si Alcuaz lamang ang tanging Filipino na nagkaroon ng mga
pagtatanghal sa Alemanya, Pransiya, Amerika, at Espanya.

Bagaman mahabàng panahon naglagi siyá sa Europa, di niyá nalimot


bumalik sa Filipinas. Nakamit niyá dito ang maraming karangalan, kabílang
ang Republic Cultural Heritage award, 1965; Araw ng Maynila Award,
1966, Outstanding Manileño, 2001; at Presidential Medal of Merit, 2006.
Isang aklat na pinamagatang Parallel Texts sa panulat din ni Alcuaz at Rod isang abogado siyá ngunit nanaig ang hilig sa sining. Ikinasal siyá kay Ute
Paras-Perez ay inilathala ng Artlink Group Inc. Gisela Schmitz, ang Alemang kumukuha ng kursong business at languages
na nakilala niyá sa Barcelona. Nagkaroon sila ng tatlong anak—sina
Isinilang siyá sa Santa Cruz, Maynila noong 6 Hunyo 1932 kina Mariano Christian Michael, Andreas Frederic, at Wolfgang Matthias. Pumanaw si
Aguilar, isang abogado at Encarnacion Alcuaz. Layon ng amang maging Alcuaz noong 2 Pebrero 2011. (RVR) (ed GSZ)
Jose Alejandrino
(1Disyembre 1870-1 Hunyo 1951)
Si Jose Alejandrino (Ho·sé A·le·han·drí·no) ay isang hinahangaang
heneral ng Himagsikang Filipino, propagandista, at senador.

Naging kasapi siyá ng kilusang propagandistang La Solidaridad hábang


nag-aaral sa Espanya. Bilang malapit na kaibigan ni Jose Rizal, siyá ang
pinagkatiwalaan nitó na magdalá ng manuskrito ng El Filibusterismo
sa palimbagan at mamahagi ng kopya. Noong 1896, naatasan siyáng
magtungo sa Hong Kong upang bumili ng mga dinamita at armas para sa
Himagsikang Filipino. Pagbalik sa bansa, naglingkod siyá sa Kongresong
Malolos at itinalagang direktor ng agrikultura at hepe ng mga inhinyero ng
hukbong katihan ng Filipinas.

Pagsiklab ng Digmaang Filipino-Amerikano, hinirang siyáng heneral


at namunò sa mga sundalong nakatalaga sa Gitnang Luzon. Naging
gobernador-militar siyá ng Pampanga pagkaraan. Nagsilbi rin siyá
bilang kalihim ng digmaan ng pamahalaang rebolusyonaryo. Noong
1923, sa panahon ng pananakop ng Amerikano, itinalaga siyáng senador
ng Mindanao at Sulu. Noong 1934, nahalal siyá bilang kinatawan ng
Pampanga sa Kumbensiyong Konstitusyonal. Sumulat din siyá ng aklat na
pinamagatang La Senda del Sacrificio na naglalarawan ng kaniyang mga
pakikipaglaban noong Himagsikan.

Isinilang siyá noong 1 Disyembre 1870 sa maykayang pamilya sa


Binondo, Maynila. Nakamit niya ang Batsilyer sa Arte sa Unibersidad ng
Santo Tomas bago nagtungo sa Espanya, at tumuloy sa Belgium upang
ipagpatuloy ang pagpapakadalubhasa sa larang ng chemical engineering
sa Unibersidad ng Ghent. Pumanaw siyá noong 1 Hunyo 1951. (PKJ)

Jose Alejandrino at maybahay


alferéz
Sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, ang alferéz (binabaybay ding
alperés o alpirés sa Tagalog) ay pinunò ng hukbong militar sa isang
munisipalidad. May totoong ranggong militar ito na tenyente o kapitan,
depende sa laki ng bayan at laki ng hinahawakang pangkat ng guwardiyá
sibíl (mula sa Espanyol na guardia civil). Sa nobelang Noli me tangere ni
Jose Rizal, malinaw na ipinakita ang absolutong kapangyarihan ng isang
alferez. Walang maaaring pumigil sa kaniyang utos o nais. Kahit ang kura
ng San Diego, na ipinakilála rin ni Rizal na isang hari-harian sa bayan, ay
maaaring salungatin ng alferez. Kailangang pati siyá ay linlangin ni Padre
Salvi upang maging katulong sa planong pagwasak sa búhay ng bidang si
Crisostomo Ibarra. Gayunman, ang alferez sa nobela ni Rizal ay binigyan
ng asawang abusada at lasengga, si Donya Consolacion, at katawa-tawa
ang kanilang eksena.
Ang orihinal na alferez sa Espanya ay isang mataas na opisyal sa korte ng
hari. Nagmula ang katawagan sa Arabe na al-faris, na nangangahulugang
“kabalyero,” bagaman isinalin din ito sa Latin na armiger o armentarius,
na nangangahulugan namang “tagapagdalá ng armas.” Karaniwang ang
alferez ay pangalawa sa majordomo, ang pinakamataas ang ranggong
opisyal sa kabahayan ng hari. Karaniwan ding pinunò ito ng mesnáda
o pribadong hukbo at personal na mga ayudanteng kabalyero ng hari, at
maaaring pati ng armori at guwardiya ng hari. Sumusunod siyá sa hari sa
mga kampanya at sa labanan.
Nag-umpisa ang titulong alferez sa panahong Midyibal. Nauna noong
ika-10 siglo ang kahariang Navarra at sinundan noong ika-11 siglo ng
mga kahariang Castilla at Leon. Karaniwang iginagawad ang titulo sa
kabataang maharlika ng korte, na nagiging hakbang tungo sa pagkakaroon
ng ranggong dúke (duque sa Espanyol). Nása kasaysayan ang gawad ni
Haring Alfonso VIII ng Castilla ng isang bayan kay Alvaro Nuñez de Lara
bilang gantimpala sa pagdadalá nitó ng kaniyang estandarte sa Labanang
Las Navas Tolosa. (VSA)
guhit ni Francisco V. Coching
Jose Algue
(22 Disyembre 1856-27 May 1930)
Si Jose Algue (Ho·sé ál·ge) ay isang Heswitang naging kilaláng
meteorologo at siyentista. Naging direktor siya ng Manila Observatory
at namunò ng unang Philippine Weather Bureau noong Panahon ng mga
Amerikano. Isinulat niya ang Baguios o Ciclones Filipino noong 1897 at
La Nubes en el Archipelago Filipino noong 1899, mga unang pag-aaral sa
bagyo sa bansa. Kilalá siyá sa kaniyang imbensiyong barocyclonometer
noong 1897.
Isinilang siyá noong 22 Disyembre 1856 sa Manresa, Espanya, nag-aral
sa eskuwelahang Espanyol, at pumasok na Heswita noong 17 Hulyo 1871
sa Andora. Noong 1889, nakilála niya ang Heswitang si Fr. Federico
Faura, isa ring siyentista. Noong 1891, ipinadalá siyá sa Georgetown
University sa Washington DC para palawakin pa ang kaniyang pag-
aaral sa meteorolohiya, seismolohiya, at astronomiya. Kasáma si Fr.
Faura, pumunta silá sa iba’t ibang obserbatoryo sa Amerika at Europa,
at dumating sa Filipinas noong 3 Pebrero 1894. Ang kaniyang Baguios
o cyclones Filipinos: Estudio teorico-practico noong 1894 ang unang
saliksik hinggil sa mga bagyo sa bansa. Noong 1897, naimbento niya ang
barocyclonometer para sa mga bagyo sa Filipinas at Asia.
Kinilála ng mga Amerikanong militar ang halaga ng pag-aaral ni Algue
kayâ personal siyang dinalá kay Admiral Dewey. Mula noon, si Fr. Algue
at ang Manila Observatory ay naging mahalaga sa kolonyalismong
Amerikano. Noong 1899, inirekomenda nina Dean Conant Worcester at
Charles Denby ng Schurmann Commission ang pagtatayô ng Philippine
Weather Service at si Fr. Algue bilang unang direktor nitó. Noong 1900, sa
ilalim ng direksiyon ni Algue, inilabas ang atlas ng Filipinas, isang resulta
ng maraming taón ng kaniyang pag-aaral. Noong 22 Mayo 1901, sa ilalim
ng Act. No. 131 ng Philippine Commission, ang Manila Observatory ay
naging Philippine Weather Bureau. Noong 1905, bumalik sa bansa si Algue
at nagkaroon ng unang warning system para sa mga bagyo ang Weather
Bureau.
Sa mga huling taón ng kaniyang pamamalagi sa bansa, nakapagpagawa
siyá ng 159 weather station, pati na ang 2 magnetic and seismic station.
Noong 1924, nagretiro siyá sa Manila Observatory, nagbalik sa Tortosa, at
namatay noong 27 Mayo 1930. Ang Manila Observatory ay nasira noong
World War II. Sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 78 noong Batas
Militar ay pinalitan ito bilang PAGASA. (KLL)
alibangbáng
Ang alibangbáng ay malaking punongkahoy (Bauhinia malabarica).
Mula ito sa family na Fabaceae o Leguminosae—mas kilala bilang
legume, pea, o bean—na kinabibilangan ng mga halamang namumulaklak.
Mula sa genus na Bauhinia—kilala rin bilang Mountain Ebony, Orchid, at
Kachnar—na ang bulaklak ay may limang talulot, 7-12 sm na diyametro,
kulay pulá, dilaw, rosas, kahel, o lila, at kadalasang mabango.

Dilaw kayumanggi ang balát ng B. malabarica at mayayabong ang sanga.


Ang mga dahon ay may habà na 5-10 sm. Ang bulaklak ay malalaki at
mapuputi. Karaniwang matatagpuan ito sa mga lugar na may mahahabàng
tag-araw sa Luzon, partikular sa Ilocos Norte hanggang Laguna. Maaaring
magamit bilang pampatunaw ng pagkain, pampapurga, pamparegla,
antibacterial, antioxidant, antifungal, at pumipigil sa pag-ulit ng sakit.
Nagagamit ang dahon nito bilang pansigang bukod sa gamot sa lagnat,
kolera, at sugat.

Ang “alibangbáng” ay salitâ ring Sebwano para sa paruparo. Maaaring ito


ang pagkakahawig ng punongkahoy sa kulisap, dahil hugis paruparo ang
dahon ng punongkahoy.(KLL)
Aliguyon
Si Aligúyon ang lalaking bayani sa Hudhud, ang epikong-bayan ng mga
Ifugaw sa kabundukang Cordillera. Sa salaysay, ipinanganak siyá kina
Amtulao at Dumulao, ang pinakamariwasang mag-asawa sa bayan ng
Hannanga. Kahit musmos pa ay nagpakita na ng natatanging talino, liksi,
at lakas si Aliguyon. Nang pitóng gulang pa lamang siyá ay sinasamahan
na niya ang ama sa pangangaso.

Mahilig kuwentuhan si Aliguyon ng kaniyang ama, at laging nauuwi ang


kuwento kay Pangaiwan, ang mortal na kalaban ni Amtulao sa bayan ng
Daligdigan. Kailangang mapuksa si Pangaiwan bago pumanaw si Amtulao
nang mapayapa. Kung kayâ’t nang nagbinata siyá, nagtungo si Aliguyon,
kasáma ang kaniyang mga kaibigang lalaki, sa Daligdigan upang hamunin
si Pangaiwan sa isang labanan. Ngunit matanda na ang hulí, at humalili
sa kaniya sa laban ang anak na si Pumbakhayon, isang mandirigmang ka-
sinlakas at kasintalas ni Aliguyon. Ngunit dahil hindi nakaaangat ang isa
sa isa, at kahit ang kani-kaniyang kaibigan ay magkakasinlakas, tumagal
ang labanan nang tatlong taon. Walang nagwagi o lubhang nasugatan. Sa
hulí, napagod na rin ang dalawang panig. Naibigan na rin ng mga taga-
Daligdigan sina Aliguyon dahil sa ipinamalas niláng katapangan at patas
na pakikipaglaban, at ang mga taga-Hannanga naman ay naibigan ang mga
mayuyuming binibini ng Daligdigan. Nagpasiya ang dalawang kampo na
itigil ang hidwaan. Nagkaroon ng malaking pagdiriwang. Hindi nagtagal
ay umibig si Aliguyon kay Bugan, ang babaeng anak ni Pangaiwan, at
hiningi ang kamay nitó. Nang nag-isang-dibdib sina Aliguyon at Bugan,
bumalik silá sa Hannanga upang ipaalam kay Amtulao na “pinaslang” na
ni Aliguyon ang kaniyang katunggaling si Pangaiwan nang ginawa niya
itong kaibigan. Mula noon ay namuhay nang masayá at mapayapa ang
mga tauhan sa dalawang bayan.

Bilang isang natatanging tauhan sa panitikang Filipino, patuloy na naba-


banggit at muling nagagamit bilang karakter si Aliguyon sa mga kontem-
poraneong akda, tulad ng sa Huling Hudhud ng Sanlibong Pagbabalik
at Paglimot para sa Filipinas Kong Mahal, isang makabagong epiko ng
Pambansang Alagad ng Sining Rio Alma (Virgilio S. Almario). (PKJ) ed
VSA
Álim
Ang Álim ang isa sa dalawang epikong-bayan ng mga Ifugaw. Isa itong
epikong panrelihiyon na inaawit kapag may namatay o kapag mayroong
may sakit sa pamilya. Inaawit din ang Alim kapag inilalagay ang hagabi
o ang bul-ul sa tahanan ng mga Ifugaw. Kasabay ng pag-awit ng Alim ay
ang pagdaraos ng kanyaw.

Nagsisimula ang epikong-bayan sa panahong masagana ang pamumuhay


ng mga tao. Nakakukuha ng pagkain ang mga tao kailanman nilá ito naisin
at naibibigay ng kalikásan ang kanilang nais. Ngunit dahil sa pagmamalabis
ng tao, nagalit ang mga diyos. Nagkaroon ng malaking bahâ at namatay
ang lahat ng tao, maliban kay Bugan na umakyat sa Bundok Kalawitan.
Nang humupa ang bahâ, inakala ni Bugan na siyá na lámang ang natirang
tao. Sa kaniyang paghahanap ng makakain, kaniyang natagpuan na buháy
rin ang kaniyang kapatid na si Wigan. Magkasáma siláng naghanap ng
makakain. Tumira silá sa tabi ng ilog upang mas madalî siláng makakuha
ng pagkain. Ilang araw ang lumipas, nalaman ni Wigan na nagdadalang-
tao siyá. Nagpunta si Bugan sa tabing-ilog upang magpakamatay dahil sa
kahihiyan na nabuntis niyá ang kapatid. Ngunit, nagpakita ang diyos na si
Makanungan upang pigilin siyá. Ikinasal ni Makanungan ang dalawa at
nagkaroon ng siyam na anak. Nagkaroon ng taggutom sa kanilang lugar.
Nag-alay ang mag-asawa ng dagâ upang matigil ang kahirapan ngunit
hindi pa rin nawala ang taggutom. Ipinasiya ng mag-asawa na ialay ang
kanilang bunsong anak na si Igon. Hindi natuwa si Makanungan sa ginawa
ng mag-asawa. Bilang parusa, kaniyang ipinaghiwalay ang mga tao sa
iba’t ibang bahagi ng kalupaan at isinumpang mag-aaway silá sa tuwing
magkakatagpo. (SJ) (ed VSA)

Guhit nina Erika Sevilla at Jean Estella


alimángo
Ang alimango [Scylla serrata (Forsskal)] ay kabilang sa pamilyang
Portunidae. Ito ay tinatawag ding alama, rasa, o kangreho. Ito ay
makikita sa Indo-Pasipiko, mula Hapon, Tsina, Filipinas, mga isla ng
Hawaii hanggang Australia, Indonesia, silangan at timog ng Aprika. Ito ay
dinalá rin sa Mexico.

Ang talukab ng alimángo ay hugis pamaypay na may makinis na balát at


ang paligid ng harapan ay may anim na tinik sa pagitan ng mga matá at
siyam na tinik naman sa gilid na loob. May malalim na hugis H sa gitnang
bahagi. Minsan ang talukab ng malalaking lalaki ay higit sa 20 sentimetro
ang lapad na may bigat na 1.5 kilo. Ito ay nagtataglay ng matibay na sipit
na pansunggab na kung tawagin ay cheliped. Ang cheliped ay matigas at
matipuno. Tulad ng ibang miyembro ng pamilyang Portunidae, ang hulíng
pares ng binti na mala-sagwan ang hugis ay ginagamit panlangoy. Ang sipit
ng lalaki ay nagiging malaki. Ito ay kulay berdeng abo o kayumangging
lila.

Ang alimángo ay naninirahan sa maputik na ilalim ng tubig sa may


pampang, bakawan, at bunganga ng ilog. Ito ay aktibo at agresibo. Ito ay
isang karniboro at kumakain ng molusko, krustaseo, uod, halaman, at mga
labí ng hayop. Hinuhúli sa pamamahitan ng pante, bintol, o kulungan na
may paing isda o anumang klaseng karne at ito ay nakalagay sa ilalim ng
tubig.
Ang babaeng may magulang na obaryo ay mas mahal ang presyo at
masarap samantalang ang mga lalaki naman ay múra kahit gaano kalaki.
Ito ay kadalasang ibinebenta nang buháy. (MA)
alimásag
Ang alimásag (Portunus pelagicus Linnaeus, 1758) ay kabilang sa pamilya
Portunidae. Ito ay tinatawag ding ‘kasag’ sa Bisaya. Ito ay matatagpuan sa
Indo at kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko, mula Japan, Filipinas
at sa buong Timog Silangang Asia hanggang Indonesia, Silangan ng
Australia, at mga isla ng Fiji.

Ang talukab ay malapad, magaspang, at may mga batik. Karaniwang sukat


ng talukab ng lalaki ay pitóng sentimetro samantalang 6.5 sentimetro naman
ang sa babae. Ang harapang bahagi ay may apat na ngiping hugis tatsulok
at siyam na ngipin naman sa may gilid. Ang pinakalabas na ngipin ay 2-4
na mas malaki kaysa susunod. Ang sipit ay pahabâ (mas marami ang sa
lalaki kaysa babae) at may ngipin na korteng apa sa ilalim ng mga galamay.
Ang mga binti ay pahabâng unat at ang dalawang bahagi ng hulíng pares
ay hugis sagwan. Ito ay nagtataglay ng matibay na sipit na pansunggab at
kung tawagin ay chelipeds. Ang chelipeds ay mahabà, matigas, matinik at
magulugod. Ang lalaki ay makulay at may mga asul na marka samantalang
ang babae ay kulay mapusyaw na lungtian.

Ang alimasag ay matatagpuan sa mga mabuhangin at maputik na bahagi


ng tubig, sa lalim na 10 hanggang 50 metro, malapit sa mga tangrib,
bakawan, at lusayan. Ang batàng alimasag ay kadalasang naglalagi sa mas
mababaw na bahagi ng tubig. Ito ay matanda na kapag sumapit ng isang
taon. Ito ay isang karniboro at kumakain ng iba’t ibang uri ng organismo,
tulad ng maliliit na alimasag, molusko, uod. Bihira itong kumakain ng
mga halaman.

Hinuhúli ito sa pamamahitan ng pante, bintol, o kulungan na may paing


isda o anumang klaseng karne at ito ay nakalagay sa ilalim ng tubig. Ang
Filipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming húli ng alimasag. Ito
ay ibinebenta nang sariwa o inilagay sa yelo sa mga palengke o pabrika na
nagdede-lata ng mga alimasag. Mas múra ang presyo nitó kaysa alimango.
(MA) ed VSA
alitaptáp
Ang alitaptáp (pamilyang Lampyridae sa order Coleoptera) o firefly sa
wikang Ingles ay isang uri ng kulisap na karaniwang lumilipad sa gabi at
may sangkap sa gawing ibabâ ng tiyan na nagbibigay ng kukuti-kutitap
na liwanag. Kilala ito sa nililikhang ritmikong pagkislap ng ilaw sa gabi.
Ang totoo, ang naturang kutitap ay isang paraan ng hudyatan ng mga
alitaptap at sistema ng pag-akit sa magkaibang kasarian. Karaniwang
kulay kayumanggi ang alitaptap at may malambot na katawan. Kahit na
may pagkakatulad ang itsura ng babaeng alitaptap sa lalaki, ang babaeng
alitaptap ay maaaring makilala dahil sa mga compound eyes nitó.

Karamihan sa alitaptap ay nocturnal, isang katangian ng hayop na gising


sa gabi at tulog sa umaga. Nangangalap ang nocturnal ng pagkain sa gabi.
Ang iba namang alitaptap ay maituturing na diurnal, isang katangian ng
mga hayop na gising sa umaga at tulog naman sa gabi. Ang mga alitaptap
na maituturing na diurnal ay maaari pa rin namang lumikha ng liwanag sa
madidilim na lugar. Ilang araw matapos ang pagtatalik ng lalaki at babaeng
alitaptap, ilalagay ng babaeng alitaptap ang mga itlog nitó sa ilalim o sa
ibabaw ng lupa. Ang mga itlog ay mapipisa sa loob ng tatlo hanggang
apat na linggo. Aninipot ang tawag sa alitaptap ng Sebwano samantalang
luciernaga naman ang katumbas nitó sa wikang Espanyol.

May isang matandang tugmang pambatà, sa anyong tanagà, na tungkol sa


alitaptap, at ganito ang sinasabi:

Nas’an ang alitaptap?


Nasa punò ng dapdap.
Bakit di lumilipad?
Bali-balî ang pakpak.

Makabuluhan ito ngayon dahil sa malinaw na paglalahò ng alitaptap sa


mga lungsod at itinuturing na bunga ng polusyon at pagkasirà ng kalikásan.
Isa sa ipinagmamalaki sa Dongsol, Sorsogon ang pamamasyal sa isang
ilog doon kung gabi upang magmasid sa kagila-gilalas na mga malakihang
kumpol ng alitaptap na lumiligid sa mga punongkahoy.(IPC)
alkálde
Ang alkálde ay nagmula sa salitang Espanyol na alcalde at tumutukoy
ngayon sa pinunò ng isang munisipalidad 0 lungsod Tinatawag na alkal-
désa kung babae, at ginagamit din ito para sa asawang babae ng alkálde.
Sa kasalukuyan, tinatawag ding méyor, mula sa Ingles na mayor, ang punò
ng isang lungsod o munisipalidad.

Noong panahon ng kolonyalismong Espanyol sa Filipinas, unang ipinan-


tawag ang “alkalde” sa alkálde mayór na pinunò noon ng isang alkaldíya
o ang pamahalaang sibil ng isang lalawigan. Itinatalaga ito ng gobernador
heneral. Hinati noon ang bansa sa labindalawang probinsiya na pinamu-
munuan ng labindalawang alkalde mayor. Kabilang sa tungkulin niya ang
pangangasiwa sa pamahalaang sibil, pagpapatupad ng hustisya sa nasasak-
upan, pangongolekta ng buwis, at pagtatanggol ng alkaldiya sa pag-atake
ng mga táong-labas. Hinahawakan ang posisyong ito sa loob ng tatlo hang-
gang anim na taon. Upang maitalaga bilang alkálde mayor, kinakailangang
may dugong Espanyol, at dalawang taon nang nakapagtapos ng abogasya.
Maaaring bilhin ang posisyon o igawad sang-ayon sa pagtangkilik sa hari
ng Espanya. Sa paglipas ng mga taon, dahil sa matinding pag-abuso sa
posisyon, kinailangang maglagak ng pera ng ibig maging alkalde mayor
lalo pa’t siyá rin ang magsisilbing ingat-yaman at tagakolekta ng kinita
ng bayan. Bago ang 1844, maraming alkalde mayor ang mangangalakal
na ginamit ang posisyon upang kumita ng salapi, sang-ayon sa indulto
de comercio na nagbigay-karapatan sa mga alkalde mayor na makipagka-
lakalan. Nagbukás ito ng pagkakataon upang magtatag ng monopolya ang
namumunò sa nasasakupan. Makalipas ang 1844, ipinagbawal ang pag-
sangkot sa negosyo ng alkalde mayor. Sa bandang dulo ng pananakop ng
mga Espanyol, naging ganap na huwes ang mga alkalde mayor.

Sa panahon ng Amerikano nallipat ang pangalang alkalde sa pinunò ng


bayan o lungsod. Sa panahon ng Espanyol, ang pinunò ng bayan ay ti-
natawag na gobernadorsilyo. Samantala, sa panahon ng Amerikano, ang
pinunò ng lalawigan ay tinawag na gobernadór at governor sa Ingles.
(ECS) ed VSA

Alkalde Arsenio Lacson


Virgilio S. Almario
(9 Marso 1944—)
Si Virgilio S. Almario (Ver·híl·yo Es Al·már·yo) ay isa sa mga
nangungunang makata, iskolar, at kritiko sa bansa, bukod sa pagiging
mahusay na propesor, tagasalin, pabliser, editor, leksikograpo, at
tagapamahalang pangkultura. Dahil sa mga naiambag niyá sa iba’t ibang
larangan ng sining at kulturang Filipino, lalo na sa larangan ng panitikan,
kinilala siyáng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong
2003.
Bilang makata, kilala siyá bilang si Rio Alma. Inilathala niyá noong 1967
ang kaniyang unang koleksiyon ng mga tula, ang Makinasyon at Ilang
Tula. Sinundan ito ng sampu pang koleksiyon. Lahat ng nailathala niyáng
tula ay tinipon ng U.P. Press at inilimbag sa dalawang tomong Una Kong
Milenyum.
Isa rin si Almario sa pinakamasigasig na iskolar at kritiko sa panitikan
ng Filipinas, lalo na sa panulaang Tagalog. Noong 1972, inilathala
niyá ang Ang Makata sa Panahon ng Makina, isang kalipunan ng mga
panunuring pampanulaan. Sinundan pa ito ng mga pag-aaral hinggil sa
kasaysayang pampanulaan at mga pananaliksik tungkol sa katutubong
tradisyon ng pagtula, kabílang ang Taludtod at Talinghaga (1965; 1991),
Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino (1981), Balagtasismo
Versus Modernismo (1984), Kung Sino ang Kumatha Kina Bagongbanta,
Ossorio, Herrera, atbp. (1992), Panitikan ng Rebolusyon (g 1896) (1993),
at Pag-unawa sa Ating Pagtula (2006), Mahigit Sansiglo ng Makabagong (1989), Dangal ng Lipi Award (1993; 2008) ng Bulacan; Gawad Patnubay
Tula sa Filipinas (2006). ng Sining (1992) ng Lungsod Maynila; Gantimpalang Quezon (1993) ng
Lungsod Quezon. Pinakahuling pagkilalang natanggap niyá ang Gawad
Ang kaniyang pagsubaybay sa wikang Filipino ay makikita sa Filipino Diwa ng Lahi ng Lungsod Maynila (2010).
ng mga Filipino (1993; 2009) at Tradisyon at Wikang Filipino (1998),
Patnubay sa Masinop na Pagsulat (1981), isang manwal sa estilo, at Ipinanganak si Almario sa Camias, San Miguel de Mayumo, Bulacan
UP Diksiyonaryong Filipino (2001; 2010), ang maituturing ngayong kina Ricardo Almario at Feliciana Senadren. Nagtapos siyá ng A.B.
pinakakomprehensibong monolingguwal na diksiyonaryo sa wikang Political Science sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1963 at naging guro
pambansa. Nagsalin din si Almario ng mga halimbawa ng pinakamahuhusay sa San Miguel High School, na kaniya ring pinagtapusan ng kaniyang
na akda ng daigdig at inilibro sa Makabagong Tinig ng Siglo (1989). sekundaryang pag-aaral. Pagkaraan, nagturo siyá sa Department of
Nagsalin din siyá para sa teatro, at isinalin ang Noli at Fili (1999) ni Rizal, Philippine Studies ng Pamantasang Ateneo de Manila noong 1969. Nang
na kinilala bilang pinakamahusay sa larangan ng pagsasalin ng Manila magturo siyá sa Philippine Science High School, kumuha siyá ng M.A.
Critics Circle. Bukod dito, naging lider siyá sa akademya, at sa mga sa Filipino sa U.P. at natamo niyá ang digri noong 1974. Noong 2009,
organisasyong pangkultura, at naging guro ng mga kabataang manunulat pinagkalooban siyá ng honoris causa ng University of Regina Carmeli ng
gaya sa LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo). Bulacan at sa kasalukuyan, siyá ay professor emeritus sa U.P.
Dahil dito, tumanggap siyá ng maraming gawad at gantimpala, gaya ng Ikinasal siyá kay Emelina B. Soriano at biniyayaan ng tatlong anak, sina
TOYM para sa panitikan (1983), Southeast Asia Write Award of Bangkok Asa Victoria, Ani Rosa, at Agno Virgilio. (GSZ)
almasíga
Katutubong punongkahoy ng Filipinas ang almasíga (Agathis
philippinensis) at malaganap na ginagamit ang tabla sa industriya ng
konstruksiyon. Dahil lubhang ginagamit sa paggawa ng bahay, nanganib
itong mawala, kayâ ipinagbawal ng pamahalaan ang pagputol ng almasiga.
Ang dagta ng almasiga, na tinatawag na resin, ay sinasahod din at
ginagamit noon pa upang gamiting pampaningas at insenso. Hinigpitan din
ng pamahalaan ang pag-ani ng resin bukod sa itinuro ng Forest Products
Research and Development Institute (FPRDI) ang teknolohiya ng ligtas na
pag-ani ng dagta nang hindi napipinsala ang punongkahoy.

Ang almasiga ay malaking punongkahoy, tumataas nang mahigit walong


metro, laging-lungti, tuwid ang punò, makinis ang balát na kulay
kayumanggi at may mga patseng putî at abuhin. Maaari itong tumanda
ng ilang sansiglo. Magandang lilim ito sa bakuran o sa tabing lansangan.
Ang resin ay tinatawag ngayong Manila Copal at hilaw na sangkap para sa
barnis, pintura, insenso, at iba pa. Ang tabla ay ginagamit sa paggawa ng
bangka, panloob na dingding, playwud, at muwebles. (VSA)
Pédro Almazán
(namatay 1661)
Si Pédro Almazán ang pinunò ng unang pag-aalsa sa Ilocos laban sa mga
Espanyol. Isa siyáng mayamang mamamayan sa San Nicolas, Ilocos Norte
ngunit poot sa pang-aapi ng mga Espanyol kayâ nag-isip ng pag-aalsa.
Una niyang kasáma sa planong pag-aalsa si Juan Magsanop, isang lider sa
Bangui, at nagkasundo siláng ipakasal ang mga anak upang tumibay ang
kanilang pagkakaisa.
Naging magandang pagkakataón ang pag-aalsa ni Andres Malong sa
Pangasinan na ipinroklamang hari noong Disyembre 1660. Dahil natutok
ang pansin ng militar kay Malong, hinimok nina Almazan ang mga tao
para maghimagsik na rin. Pumayag si Gaspar Cristobal ng Laoag at pati
ang mga pinunò ng Kalinga at Isneg hanggang Cagayan. Noong 31 Enero
1661, pinasok ng mga rebelde ang simbahan ng Claveria, binihag ang
Dominikong si Fray Jose Santa Maria, at pinugutan. Kinabukasan, nlusob
naman ng mga rebelde ang Narvacan, nabihag ang Agustinong si Fray
Jose Arias at pinugutan din. Ipinadalá ang ulo ni Arias kay Magsanop,
na dinalá naman ito kay Almazan. Nagtipon ang mga pangkat ng rebelde
at ipnroklama si Almazan na Hari ng Ilocos. Isang korona, na nakuha sa
isang estatwa sa simbahan, ang ipinutong kay Almazan.

Pagdating ng Pebrero, nagpadalá ng hukbo ang pamahalaang Espanyol


sa pamumunò ni Lorenzo Alqueros. Binuo ito ng ilang Espanyol at
mahigit sanlibong katutubong sundalo. Hinihintay noon nina Almazan
ang malaking pangkat ng mga tagapagtaguyod mulang Ilocos Sur. Subalit
mabilis na sumalakay si Arqueros at napilitang tumakbo sa gubat ang
nabiglang hukbo ni Almazan. Sa tulong ng mga kolaboreytor na Ilokano,
natunton si Magsanop at nagpakamatay ito bago mabihag. Ipinagpatuloy
ni Almazan ang pakikibáka. Nang masusukol na, sinabing sumakay siyá
sa kabayo at lumusob sa mga kaaway. Nabihag siyá at binitay sa plasa ng
bayan. (VSA)
Natividad Almeda-Lopez
(8 Setyembre 1892-23 Enero 1977)
Kinikilálang “Dekana ng mga babaeng hukom,” ipinanganak si Natividád
Alméda sa Maynila noong 8 Setyembre 1892 at panganay sa anim na anak
nina Koronel Manuel Almeda y Gomez at Severina Lerma.

Naging lisensiyado siyá sa hurisprudensiya noong 1913 at pumasá sa bar


sa sumunod na taón, isa sa unang abogadong babae. Limang taón siyá
sa pribadong pag-aabogado bago pumasok sa gobyerno noong 1919 nang
hirangin siyáng special attorney sa Bureau of Justice. Naharap siyá sa ma-
higpit na pakikipagkumpetensiya laban sa mga lalaki. Gayunman, noong
1922, naging assistant attorney siyá sa opisina ni Leonard Wood at patu-
loy na tinangkilik ng mga sumunod na attorney general hanggang maging
assistant attorney general.

Noong 1931, hinirang siyáng acting judge sa hukuman ng Maynila ni Jus-


tice Secretary Jose Abad Santos. Naging permanenteng hukom siyá noong
1936 at naglingkod hanggang 1951. Samantala, noong 1937 at 1938 , na-
tamo niya ang masterado sa batas at ang doktorado sa batas sibil mula
sa Unibersidad ng Santo Tomas. Noong 1952, nahirang siyáng executive
judge ng Manila Municipal Courts. Noong 1956, nahirang siyáng presid-
ing judge ng Juvenile and Domestic Relations Court, ang unang babaeng
humawak ng posisyong ito sa Filipinas, at maging sa buong Asia. Noong
1961, nadagdagan ang kaniyang rekord nang mahirang siyáng unang ba-
baeng associate justice sa Court of Appeals.

Hindi niya nalimot ang gawaing sibiko sa kabilâ ng mabigat na tungkulin


sa hukuman. Naglingkod siyá sa mga samahang nagsusulong sa mga kara-
patan ng kababaihan. Isang samahan, ang La Proteccion de la Infancia,
ang pinaglingkuran niya bílang pangulo sa loob ng dalawang dekada. Isa
sa mga proyekto niya dito ang Manila Children’s Lying-In Hospital. Kasal
siyá kay Domingo Lopez, dating gobernador ng Tayabas (binubuo ng
Quezon at Marinduque noon). Tumanggap siyá ng mga mataas na gawad,
kasáma ang presidential award of merit, bago namatay noong 23 Enero
1977. (GVS)
almirés
Hango sa wikang Espanyol, ang almirés (o almeres) ay isang gamit sa
kusina na pinagdidikdikan ng mga sangkap sa pagkain o mga rekado na
katulad ng paminta at bawang. Ito ay karaniwang gawa sa bato, kahoy, o
tanso. Sa mas komersiyalistang layunin, fiberglass ang ginagamit para sa
mas matagalang paggamit.

Sa itsura, ang almires ay kahawig ng lusóng (sa sinaunang Tagalog) o


alsóng (sa Ilokano) na gamit kapag nagbabayó ng palay o mais .Sa sukat
at laki, ang almires ang maliit at dahil na rin para ito sa mas maliit na
kantidad ng dinidikdik.

Sa kasalukuyan, marami nang may gamit ng almires para sa iba’t ibang


pangangailangan. Para sa matatanda, ang almires ay mahalagang gamit
nilá para sa paggawa ng kanilang ngangà. Para naman sa isang mahilig
magluto, ang almires ay maluwag na rin niyang gamit pandikdik sa mani
bilang rekado ng lumpiang sariwa, sa iba’t ibang dahon na pantimpla sa
mga ulam, at pati na sa kung ano-anong buto na nanaisin niyang madurog
bago lutuin. Para sa isang malikhaing tao, gamit niya ang almires para
durugin ang mga bagay-bagay na materyales niya para sa pagbuo ng isang
mosaic o sining na multimedia. (PGD)
almúgan
Ang almúgan ay isang mahiwagang ibon na nakapagsasalita. Katumbas
ito ng limókon ng mga Mangyan na naniniwalang nagmula sa itlog nitó
ang sinaunang tao sa mundo.

Para sa mga Bilaan, isang pangkating etniko na matatagpuan sa Davao


del Sur, itinatakda ng almúgan ang lupang pagtataniman. Nagdadalá ang
isang lalaking Bilaan ng apat na kawayang may 60 sentimetro ang habà
sa gubat at hinihintay ang tunog ng almúgan na nagsasabi kung mabuting
pagtamnan ang lugar o hindi. Maaaring magtagal ang paghihintay, subalit
sa sandaling lumikha ng tunog ang almúgan, ihihilera ng lalaki ang
kawayan sa lupa nang nakaturo ang direksiyon nitó sa pinagmumulan ng
tunog. Kapag matuwid ang pagkakatindig ng mga kawayan, magiging
mabuti ang ani sa lupang iyon; kapag yumuyuko ang mga ito, kailangan
niyang maghanap ng ibang lugar na mapagtataniman.

Nag-aalaga rin umano ang mga Bilaan ng almúgan na inilalagay nilá


sa isang kulungang isinasabit malapit sa bintana. Ito ang nagbibigay ng
babala kapag may parating na kaaway o hindi kakilala. Kapag lumikha
ito ng ingay nang tatlong beses, babala umano iyon laban sa binabalak na
paglalakbay. Kapag lumilikha naman ng ingay ang almúgan sa gabi, may
masamâ umanong nakapaligid sa tahanan.

Sa pagdiriwang sa Pistang Kalilangan ng mga Bilaang nakatira sa Lungsod


General Santos, itinatampok ang tunog ng almúgan sa pamamagitan ng
sayawan at musika kasabay ng mga pag-aalay para sa pagtataboy ng salot
sa mga pananim. (ECS) edVSA
Teodóra Alónso
(9 Nobyembre 1827-23 Agosto 1911)
Napakahalaga ng tungkulin ni Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos
o Teodóra Alónso sa paghubog ng kamalayan ng kaniyang anak na si
Jose Rizal. Sinasabing ang kalipunan ng mga libro ni Donya Lolay ang isa
sa pinakaekstensibong koleksiyon ng kaniyang panahon. Ang kaniyang
pagmamahal sa sining at panitikan gayundin ang kaniyang pagiging
disiplinado sa pagtupad sa oras ang naipása niyang katangian sa kaniyang
mga anak, lalo na sa pambansang bayani. Sa isang liham ni Jose Rizal
kay Ferdinand Blumentritt, kaniyang sinabi na ang “Ang nakuha kong
edukasyon noong batà ang humubog sa aking mga ugali sa kasalukuyan.”
Ipinanganak si Teodora Alonso sa Meisik, Maynila noong 9 Nobyembre
1827. Bunso sa limang anak nina Lorenzo Alberto Alonso, isang surveyor
at dating capitan municipal ng Biñan, Laguna, at ni Brigida de Guintos,
si Donya Lolay ay lumaki sa Biñan at nag-aral sa eskuwelahan ng mga
pari. Nang magdalaga, pinadalá siyá ng mga magulang sa Maynila upang
mag-aral sa Colegio de Santa Rosa. Noong mga panahong iyon, bibihira
lámang pag-aralin ang mga babae kayâ masasabing isa sa iilang edukadong
kababaihan ng kaniyang panahon si Donya Lolay.
Ikinasal si Donya Lolay kay Francisco Mercado noong 28 Hunyo 1848.
Nagkaroon silá ng 11 anak: siyam na babae at dalawang lalaki. Nanirahan
silá sa bayan ni Francisco Mercado sa Calamba. Siyá ang namamahala sa
mga itinitindang bigas, mais, at asukal mula sa kanilang lupain kasabay ng
pagnenegosyo niya ng tela at paggawa ng arina. Nagbukás din si Donya
Lolay ng maliit na tindahan sa ibabâ ng kanilang bahay-na-bato. Mayroon
ding puwesto ng tindahan sa palengke ang mag-anak na Rizal na si Donya
Lolay mismo ang nagpapatakbo.
May mapait ding karanasan si Donya Lolay sa kamay ng mga Espanyol.
Noong 1871, inakusahan si Donya Lolay ng tangkang paglason sa
kinakasama ng kaniyang kamag-anak na si Jose Alberto. Kahit na idinulog
at napawalang-sala ang matanda, napiit siyá sa bilinggauan ng Sta.Cruz,
Laguna nang dalawang taón. Matapos ang halos tatlong dekada, muling Bago barilin si Jose Rizal sa Bagumbayan, nagmakaawa si Donya Lolay
nasangkot si Donya Lolay sa isang kontrebersiya. Hinúli ang matanda dahil kay Gobernador Heneral Ramon Blanco. Sinasabing ang malaking
malî ang dalá-dalá niyang sedula. Iba ang kaniyang pangalang nakalagay sa hagdanan sa Palasyo ng Malacañang ay inakyat ng matanda nang paluhod
sedula kaysa kaniyang kinagisnang pangalan. Sa halip na Teodora Alonso upang humingi lamang ng pardon. Ang nasabing kilos ni Teodora Alonso
Realonda de Rizal, kaniyang ginagamit lámang ay Teodora Alonso. Kahit ay siyá ring ginagawa ngayon ng mga bagong halal na pangulo ng Filipinas
na 64 na taóng gulang na, pinalakad pa rin si Donya Lolay mula bayan sa kanilang unang pag-akayat sa Malacañang bilang presidente. Isa itong
ng Calamba hanggang Sta. Cruz. Nahabag ang opisyal ng pamahalaan sa simbolo ng pagtanggap sa hámon na palayain ang bansa sa kinasasadlakan
kalagayan ng matanda kayâ ipinag-utos na palayain ito agad. nitóng hirap. Namatay si Teodora Alonso noong 23 Agosto 1911. (SJ)
alpahór
Ang alpahór ay pangunahing tumutukoy sa isang lutuin na may su-
musunod na sangkap: sago, gata ng niyog, biló-biló, at asukal. Karaniwan
itong mabigat na meryenda. Sa paghahanda ng alpahor, inilulutò ang mga
sago (na maaaring may iba’t ibang kulay at laki) sa pinakuluan at pinagha-
lòng gata ng niyog at asukal. Susunod na isinasáma ang mga bilo-bilo, na
malalaman kung lutô na kapag lumulutang na ang mga ito. Linalagyan pa
ito ng gata ng niyog upang lumapot at asukal upang tumamis ayon sa gus-
tong lasa. Bukod sa mga nabanggit na sangkap, madalas ding idinadagdag
ang mga hiniwang kamote, saging na saba, gábe, o ube. Upang magkaroon
ng mas mayaman pang lasa ay isinasáma rin ang mga dahon ng pandan at
banilya.

Dahil sa naturang mga sangkap na itinuturing na mabigat na meryenda o


himagas ang alpahor. Nakabubusog ang pag-ubos sa kahit isang munting
mangkok nitó. Lalo na’t sinabayan ito ng isang hiwang biko. Sa ibang lu-
gar, tinatawag itong bilo-bilo o kayâ ginatang bilo-bilo. (MJCT) ed VSA
alugbáti
Ang alugbáti o alukbáti ay may malambot, makinis, at matubig na
sangang gumagapang. Mabilis ang paglago nitó. Hindi nitó kailangan ang
masusing pag-aalaga. Nabubuhay ito sa mga tropikon na lugar tulad ng
Asia at Aprika.

Ang mga dahon nitó ay malaman, hugis puso at manipis na tulad ng okra at
saluyot. Nagkukulay berde o lila ang kulay nitó depende sa edad. Ang mga
tangkay nitó ay patusok ang mga dulo at lumalaki hanggang 12 sentimetro.
Ang bunga ng alugbati ay matubig, walang tangkay, at hugis biluhaba.
Kulay lila ito kapag magulang na. Namumulaklak din ang alugbati at ang
nagiging bunga nitó ay nagkukumpol-kumpol kapag tumanda na. Paborito
din itong pagkain ng mga ibon.

Ang alugbati ay may kalsiyum, iron, at mga bitamina A, B at C. Ang mga


dahon, sanga, at buto nitó ay makakain lahat. Ginagamit naman ang dagta
sa paggamot ng acne. Ang mga dahon na kulay lila ay ipinanggagamot sa
sakit ng ulo at tiyan. Kinukuha naman ang katas ng mga dahon at inilalahok
sa langis para gamiting gamot sa pasò. Maaari din itong pampakinis ng
pisngi at labì. Ang natural na kulay nitó ay ginagamit na pangkulay sa
iba pang pagkain. Bukod pa sa mga ito, maganda ding ipandisenyo ang
alugbati sa mga hardin.

May iba’t ibang tawag din ang alugbati sa Filipinas, gaya ng arogbati sa
Bikol, dundul sa Sulu, ilaibakir sa Iloko, at libato at grana sa Tagalog.
(ACAL)
alumáhan
Ang alumáhan (Rastrelliger kanagurta) ay kabilang sa pamilya
Scombridae. Ito ay matatagpuan sa kanlurang Indo-Pasipiko, mula Red
Sea at Silangang Aprika hanggang Indonesia, hilaga ng mga isla sa
Ryukyu at Tsina, timog Australia, Melanesia, at Samoa. Ito ay mahalagang
komersiyal na espesye ng isda sa Filipinas.

Ang katawan ng alumáhan ay bahagyang malalim at ang lalim sa gilid ng


talukap ng hasang ay umaabot sa 4.0-4.8 na beses ng habà ng sanga sa
buntot. Ang likod ay malalungtiang itim, kulay pilak ang gilid na malaginto.
May makipot at maitim na linya sa itaas ng katawan at isang itim na batik
malapit sa ibabâ ng palikpik sa pektoral. Ang ulo ay mas mahabà kaysa
lalim ng katawan. Ang panga ay bahagyang nakatago, binabalutan ng isang
buto at umaabot sa likod ng matá. May mahahabàng kalaykay sa hasang
na makikita kapag ang bibig ay nakabukás. Ang balahibo sa mahahabàng
kalaykay ng hasang ay may bilang na 105 sa alumahan na may laking 12.7
sentimetro, 140 para sa 16 sentimetro, at 160 naman para sa 19 sentimetro
ang laki. Ang bituka ay 1.3-1.7 na beses mas mahaba kaysa habà ng
katawan. Ang likod na palikpik ay may 8-11 tinik. Ang tinik sa palikpik sa
puwit ay hindi pa ganap na buo. Ang karaniwang laki ng alumahan ay 20-
25 sentimetro at ang pinakamahabàng naitalâ ay 35 sentimetro.

Ang alumáhan ay matatagpuan sa baybayin, look, puwerto, kadalasan sa


malalabòng pook ngunit sagana sa pagkain. Nagsasáma-sámang lumangoy
ang mga alumahang magkakasinlaki. Kalimitang kinakain ay plangkton at
maliliit na hipon at isda. Ito ay ibinebenta nang sariwa, inilagay sa yelo,
de-lata, tuyo, inasnan, at pinausukan. Ito ay ginagawa ring patis. (MA)
edVSA
Alunsína
Isang sinaunang alamat sa Panay ang naniniwalang walang langit at lupa
noong araw hanggang biglang lumitaw sina Tungkúng Lángit at Alunsína.
Niligawan ni Tungkung Langit si Alunsina, at nang magkaibigan ay
nanirahan silá sa isang pook na maluwalhati. Doon sa ang tubig ay laging
maligamgam at ang simoy ay laging malamig. Ngunit masipag na bathala
si Tungkung Langit at malimit na naglalakbay sa malayò sa pagsasaayos
ng bagay-bagay sa santinakpan. Malimit sa gayong maiwang mag-isa si
Alunsina at sa dulo’y naging panibughuin.

Isang araw na mag-away silá ay biglang nagpasiyang lumayas si Alunsina


at hindi na nagbalik. Malumbay na naiwan si Tungkung Langit at naghintay.
Nang hindi na makatiis ay hinanap niyá ang asawa. Nabigo siyá. Dahil sa
pangungulila, naisip ni Tungkung Langit na lumikha ng bagay-bagay. Una
niyáng nilikha ang lupa at dagat. Upang magkabúhay ang lupa, lumikha
siyá ng mga hayop at halaman.

Hindi pa rin niyá malimot si Alunsina. Sa wakas, kinuha niyá ang mga
hiyas ng asawa at ikinalat sa langit sa pag-asa na mapansin ito ni Alunsina.
Ang mga butil ng kuwintas ang naging mga bituin, ang suklay ang naging
buwan, at ang putong sa ulo ang naging araw. Hindi pa rin bumalik si
Alunsina. Ayon sa matatanda, kapag lubhang namamanglaw ay umiiyak
si Tungkung Langit. Iyon ang bumabagsak na ulan. Kapag tumangis pa
si Tungkung Langit, iyon ang kulog na umalingawngaw sa lahat ng dako
upang marinig ni Alunsina. (VSA)
Vicente Alvarez
(5 Abril 1862-4 Nobyembre 1943)
Matagumpay na pinunò ng Himagsikang Filipino sa Zamboanga, isinilang
si Vicente Alvarez (Vi·sén·te Al·va·réz) noong 5 Abril 1862 kina
Alejo Villasis Alvarez at Isidora Solis. Dahil malapit ang ama niyá kay
Gobernador Heneral Ramon Blanco ay ginawa siyá nitóng segundo oficial
mayor sa Malacañang. Malamit siyáng magbiyahe sa Mindanao at Sulu
kayâ naging kaibigan siyá sa mga katutubo doon. Ngunit sanhi din ito
ng nasaksihan niyáng pagmamalabis ng mga Espanyol sa mga katutubo,
bukod sa mababàng trato sa mga Muslim.
Sumapi siyá sa Katipunan at nagtatag ng sangay nitó sa Zamboanga.
Dahil sa pagsiklab ng Himagsikang 1896 ay hinatak ang mga puwersang
Espanyol mulang Zamboanga upang idestino sa Luzon. Sinamantala ni
Alvarez ang nabawasang puwersang Espanyol at sinimulan ang pag-aalsa
sa Zamboanga noong Marso 1898. Nakuha niyá ang buong peninsula
maliban sa mabigat na tanggulan ng daungan ng Lungsod Zamboanga
at Fuerza Pilar. Dahil sa kaniyang tagumpay, hinirang siyá ni Pangulong
Aguinaldo na lider ng gobyerno sa Zamboanga at Basilan.
Pinakamalaking tagumpay niyá ang pagbihag sa 13 bapor pandigma ng
mga Espanyol noong 7 Abril 1898. Bahagi ang mga bapor ng plota ni
Almirante Patricio Montojo na nakahimpil sa Kipot Basilan. Sa tulong ng
dilim, pinangunahan ni Alvarez ang 100 manghihimagsik na lumusob sa
mga bapor, pinatay ang mga opisyal, at inilipat ang mga ito sa bayan ng
Mercedes. Noong 4 Mayo 1899, kinubkob ng hukbo ni Alvarez ang buong
daungan at kuta ng Zamboanga at kinuha ito pagkaraan ng madugong
labanan. Dahil dito, iginawad sa kaniya ni Aguinaldo ang ranggong
heneral.
Noong 1900, inalok siyá ng mga Amerikano ng P75,000 para sumuko.
Tinanggihan niyá ang alok. Nabihag siyá sa kabundukan ng Oroquieta,
Misamis Oriental noong Marso 1900, dinalá sa Maynila, at ipiniit
hanggang sumumpa ng katapatan sa Estados Unidos noong 2 Agosto 1901.
Minahalaga ng mga Amerikano ang kaniyang karanasan kayâ binigyan
siyá ng posisyon sa pamamahala ng Moro Province. Noong 20 Oktubre
1904, naging opisyal siyá sa Konstabularya ng Filipinas. Namatay siyá
sa panahon ng Hapon noong 4 Nobyembre 1943 sa gulang na 81 taón.
(VSA)
Encarnacion A. Alzona
(23 Marso 1895-13 Marso 2001)
Pambansang Alagad ng Agham si Encarnacion Alzona (En·kar·nas·yón
Al·zó·na) bilang isang pangunahing historyador at mananaliksik sa
kasaysayan. Kilala rin siyáng masugid na tagapagtaguyod ng kagalingan
at karapatan ng kababaihang Filipino. Pinangunahan niyá ang paggiit sa
karapatan ng kababaihan upang makaboto nang malaya. Bilang pagkilala
sa kaniyang natatangi at makabuluhang pag-aambag sa larangan ng
historyograpiyang Filipino at paggabay sa mga sumunod na henerasyon
ng mga akademiko at historyador, iginawad sa kaniya ang Pambansang
Alagad ng Agham (National Scientist) noong 1985.

Nilimbag noong 1932 ang A History of Education in the Philippines 1565-


1930. Ito ang kauna-unahang aklat na sinulat ni Alzona. Komprehensibong
tinalalakay nitó ang pag-unlad at mga makabuluhang pangyayari sa
sistema ng edukasyon at kultura sa Filipinas mula sa pananakop ng mga
Espanyol hanggang sa kolonyal na paghahari ng Estados Unidos. Ayon sa
mga dalubhasa, ang akdang pangkasaysayan ni Alzona ay maituturing na
pinakakompleto at lahatang-panig na pananaliliksik hinggil sa kalagayan ng
edukasyon. Naging pangunahin din siyáng tagasalin at tagapagpaliwanag
ng mga akda ni Rizal. (SMP) (ed GSZ)
Amá Námin
Ang Amá Námin (Pater Noster sa Latin) o kilala rin bilang Panalangin
ng Panginoon o sa Ingles bilang The Lord’s Prayer ay ang pinakakila-
lang panalanging Kristiyano na itinuro ni Hesus ng Nazareth. Mayroon
itong dalawang bersiyon sa Bagong Tipan: bilang bahagi ng Sermon sa
Bundok sa Ebanghelyo ni Mateo; at bilang kahilingan kay Hesus ng isa
sa kaniyang mga disipulo na maturuan silá ng pagdarasal sa Ebanghelyo
ni Lukas. Bahagi ito ng halos lahat ng seremonyang Katoliko at ng pagro-
rosaryo. Nalimbag ang unang salin nitó sa Doctrina Christiana (1593) sa
sumusunod na paraan:

Ama namin, na sa langit ca ypasamba mo ang ngalan


mo, moui sa amin ang pagcahari mo. Ypa sunod mo ang
loob mo dito sa lupa parang sa langit, bigyan mo cami
ngaion nang aming cacanin, para nang sa araoarao, at
pacaualin mo ang aming casalanan, ya iang uinaualan
bahala namin sa loob ang casalanan nang nagcacasala
sa amin. Houag mo caming aeuan nang di cami matalo
nang tocso. Datapouat yadia mo cami sa dilan masama.
Amen, Jesus.

Sa kaniyang Dasalan at Tocsohan (1888), isang koleksiyon ng mga dasal


sa paraang parodya at naglalaman ng mga tuligsa sa ipokrisya at kasaki-
man ng mga fraile, isa ang Ama Namin sa mga ipinatudyo ni Marcelo H.
Del Pilar. Pinamagatan niya itong “Amain Namin”:

Amain naming sumasakumbento ka, sumpain ang


ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, kitlin
ang leeg mo dito sa lupa para ng sa langit. Saulan mo
kami ngayon ng aming kaning iyong inaaraw-araw at
patawanin mo kami gaya ng pagtawa mo kung kami’y
nakukuwaltahan mo; at huwag mo kaming ipahintulot
sa iyong mapanukso at iadya mo kami sa masama mong
dila. Amen.

Ipinaimprenta diumano ang Dasalan at Tocsohan ni M.H. del Pilar, lihim na


ipinamudmod sa simbahan kapag may misa, at itinuturing na isang marikit
na halimbawa ng panitikan ng Kilusang Propagandai (KLL) ed VSA
amarílyo
Ang amarílyo (Tagetes patula) ay isang yerba na may halimuyak ang salít-
salít na dahon; dilaw, mamulá-mulá, at malago ang bulaklak; at tumataas
nang 60 sentimetro. Nagmula sa Espanyol na amarillo ang pangalan nitó
at katutubo sa Mexico. Kilala rin ito sa Filipinas bilang márigóld na nása
genus na Calendula Tagetes.

Ang mga dahong hugis sibat ng amarílyo ay makikitid at may ngipin-


ngipin ang mga gilid; magkakapares ang mga dahon sa bawat tangkay.
Ang langis na nagmumula rito ay ginagamit na pampalasa sa pagkain.
Paisa-isa naman ang bulaklak sa bawat tangkay na umaabot sa kalahating
pulgada ang diyametro ng mga talulot. Makakain ang bulaklak ng amarílyo,
at maaaring ihalò sa mga pampalamig. Ang mga natuyong bulaklak ay
ginagamit ding pamalit para sa mamahaling saffron, upang magbigay ng
kulay-dilaw sa pagkain o tela.

Ilan sa katutubong gamit ng amarílyo ay ang pagpapakulo nitó sa tubig


para maibsan ang kabag. Ipinaiinom din ang katas nitó para sa mga hindi
matunawan, may ubo, nag-iiti, o may apád o pananakit o paninigas ng
tiyan. Ipinampapahid din ang langis nitó para magkaroon ng ginhawa sa
rayuma. Ang katas naman ay ipanggagamot sa sore eyes o bísil. Ang mga
katas ng ugat ng amarílyo ay pinaniniwalaang nakapapatay ng insekto sa
lupa gaya ng mga bulate o susô. Ang halimuyak nitó ay nakapagbubugaw
din ng mga langaw. Karaniwang itinatanim at pinararami ang amarílyo rito
sa Filipinas bilang pampaganda ng kapaligiran. (ECS) ed VSA
ambáhan
Nabanggit ni Fray Ignacio Francico Alcina (1668) ang ambáhan bilang
isa sa mga sinaunang anyo ng pagtula ng mga Bisaya. Walang dagdag
na impormasyon si Alcina. Ngunit naging popular ngayon ang ambáhan
dahil kay Antoon Postma at sa kaniyang saliksik sa buhay at kultura ng
Hanunoo Mangyan sa Mindoro. Naglabas pa ng isang aklat na koleksiyon
ng mga tulang Mangyan si Postma (muling nalathala 1981). Alinsunod sa
paliwanag at mga halimbawang tula, ang ambáhan ay isang katutubong
anyo ng pagtula ng mga Hanunoo Mangyan at may sukat na pipituhin
ang bawat taludtod. Regular ding may tugma ang bawat dalawang
magkasunod na taludtod, bagaman walang tiyak na bilang ng taludtod
ang bawat magkakatugmang mga taludtod. Wala ding tiyak na bilang ng
mga taludtod. May ambáhang tatlo lámang taludtod ngunit may ambáhang
umaabot sa 20 taludtod. Binibigkas/inaawit ang tula para sa isang okasyon,
mula sa ganitong halimbawa sa mapagbirong pag-aalaga ng batà:

Kaw danga maglumi Huwag ka ngang umiyak


Kita madnugan kuti Bakâ magising ang pusa
Kuti gin sa siyangi Pusang mula pa sa siyangi
Mag-ingaw magyangyangi Ngumiyaw at mag-ingay
Kita ud may ibawi Wala kitang pambugaw
Kantam bangkaw nabari Sibat natin ay nabali
Kita utak nalumbi. Itak natin ay nabingaw.

Hanggang pangingibig, pagtatrabaho, at paglalarawan ng kanilang daigdig.


Hitik ito sa talinghaga, gaya ng sumusunod:

Tigday na nawa naw-an Ang tabak kung bago pa


Tigdayan sa daramgan Ikiskis sa hasaan
Bag-o tigday sa kaywan Itaga sa kakahuyan
Siyan nga panmanlangan At sakâ ito subukan
Sa kiling sa kawayan. Sa pagkayas ng kawayan.
Tula ito hinggil sa edukasyon ng kabataan. Inihambing sa tabak ang mga
karanasang kailangang matutuhan at pagdaanan ng kabataan upang higit
na maging kapaki-pakinabang sa lipunan. (VSA)
Ambuklao Dam
Ang Ambuklao Dam (Am·buk·láw Dam) ay malaking dam na matatagpuan
sa kabundukan ng Bokod, Benguet, 36 km mula sa Lungsod Baguio. Bahagi
ito ng Ambuklao Hydroelectric Plant, na gumagamit sa Ilog Agno upang
makalikha ng koryente. Bukod dito, tumutulong ang dam na kontrolin ang
pagbahâ tuwing tag-ulan. Ang Ambuklao Reservoir na naiipon ng dam ay
ginagamit bilang irigasyon para sa mga sakahan sa Pangasinan.

Ang Ambuklao Dam ang pinakamataas at pinakamalaking dam sa buong


Silangang Asia noong dekada 50. Mayroon itong taas na 129 m at habàng
452 m. Ang kalsada sa itaas ng dam ay may elebasyong 756 m. Káya nitóng
humawak ng hanggang 327,170,000 metro kubikong tubig. Pagkagawa,
nag-ambag ang dam ng 75 megawatt ng koryente para sa buong Luzon;
pagkatapos paunlarin noong 2010, umakyat ito sa 105 megawatt.

Sinimulan ng National Power Corporation (Napocor) ang pag-aaral para


sa pagtatayô ng dam sa Ilog Agno noong 1948 sa ilalim ng administrasyon
ni Pangulong Manuel A. Roxas. Nagsimula ang paggawa sa dam noong
Hulyo 1950 sa pamahalaan ni Pangulong Elpidio R. Quirino. Ang planta sa
Ambuklao ang naging unang pangunahing proyekto ng Napocor. Ang Guy
F. Atkinson Company ang nagsilbing contractor, at ang Harza Engineering
Company ng Chicago ang nagsilbing engineering consultant. Pagkatapos
ng mahigit anim na taóng konstruksiyon, pinaandar sa unang pagkakataón
ang planta noong 23 Disyembre 1956, sa panahon ni Pangulong Ramon F.
Magsaysay. (PKJ)
Amerikano
Ang Amerikáno ay pangkalahatang tawag sa mga tao sa kontinenteng
Amerika, bagaman naging karaniwang tawag ito, lalo na sa Filipinas, sa
mamamayan ng Estados Unidos (United States o US). May pinaikling
tawag pa sa kanila na “Kanô.” May iba’t ibang lahi at etnisidad ang mga
mamamayan ng Estados Unidos, mula sa mga katutubong Indian hanggang
sa mga líkas mulang Europa at Afrika. Gayunman, malimit na ikinakapit
ang Amerikano o Kano sa may kulay na Putì na mamamayan ng US.

Ikalawa ang mga Amerikano sa kolonyalistang sumakop ng bansang


Filipinas at naganap ito mula 1898 hanggang 1946. (Ikatlo kung
isasaalang-alang ang maikling panahon ng pagsakop ng mga Ingles.) Sa
pamamagitan ng Kasunduang Paris ng 1898, napasakamay ng Estados
Unidos ang Filipinas, Cuba, Puerto Rico, bahagi ng West Indies, at Guam
sa halagang $20 milyon. Idineklara noong Disyembre 1898 ni Pangulong
William McKinley ng Estados Unidos na magaganap ang isang benevolent
assimilation sa Filipinas sa ilalim ng kapangyarihan ng Amerika. Ipinatupad
ng mga Amerikano ang mahahalagang batas tulad ng Batas Jones ng 1916
at Batas Tydings-McDuffie ng 1934 na nagdulot ng pagkakatulad ng
sistemang pampolitika ng Filipinas at ng Estados Unidos. Nang sumiklab
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1942, naagaw ng bansang
Hapones sa mga Amerikano ang kontrol sa Filipinas. Dahil dito, umalis
sa bansa si Heneral Douglas MacArthur at muling bumalik noong 1944.
Noong 4 Hulyo 1946 kinilala ng Amerika ang kasarinlan ng Republika ng
Filipinas.

Maikli lámang ang direktang pamamahala ng mga Amerikano sa Filipinas


kung ikokompara sa 300 taón ng kolonyalismong Espanyol. Subalit higit
na epektibo ang isinagawang “Amerikanisasyon” sa mga Filipino. Sa
loob ng ilang dekada at sa pamamagitan ng mga kasangkapang pang-
edukasyon ay nagkaroon ng isang henerasyon ng mga Filipino na ganap na
sumasamba sa superyoridad at kapangyarihan ng Estados Unidos sa lahat
ng aspekto ng pamumuhay. Tinuligsa itong pambansang “mis-edukasyon”
ni Renato Constantino, ngunit hanggang ngayon ay maraming isinasaloob
ang kanilang bansag na “Amboy” (American Boy) at ipinagmamalaki ang
kadalubhasaan sa Ingles at kulturang Amerikano sa kabilâ ng nagdaang
matinding panahon ng aktibismo laban sa kolonyalismong Amerikano.
(KLL)
amíhan
Amíhan ang tawag sa simoy mula sa hilaga o hilagang-silangan.
Nagmumula ito sa bahaging Siberia at Tsina. Nagdudulot ito ng
katamtamang temperatura, may daláng ulan ngunit madalas ay wala, at
hanging mula sa silangan. Nagsisimula ito tuwing Setyembre o Oktubre
at nagtatapos ng Mayo o Hunyo subalit maaaring magbago depende sa
kondisyon ng panahon sa bawat taon. Tinatawag itong aguy-óy, balás
o sabalás ng mga Tagalog at Kapampangan, at amyán ng mga Ilokano,
Mëranaw, at Panggasinense.
Itinuturing ng sinaunang paniwala na isang mahinhin at mapagpalàng
simoy ang amihan, lalo’t humihihip ito sa panahon ng anihan ng palay
kung Disyembre. Sa malaking titik, ang Amihan ay isa ring mitikong ibon
sa alamat ng mga Tagalog at isa sa mga nilaláng na nabuhay sa santinakpan
kasáma sina Bathalà at Amansináya. Ito ang tumuka sa kawayan na
nang mabiyak ay naglabas sa mga unang tao sa mundo—sina Malakás at
Magandá. (AMP) (ed VSA)
amnestíya
Ang amnestíya, mula sa Espanyol na amnestia, ay ganap na pagpapatawad
o paggagawad ng kapatawarang may kondisyon sa mga maysála sa
pamahalaan. Mula ito sa salitang Griyego na amnasthia, ibigsabihin ay
kalimutan, na pinagmulan din ng salitang amnesia. Ang unang naitalang
amnestiya ay ang paggagawad ni Thrasybulus ng Athenas ng kapatawaran
sa Tatlumpung Tirano matapos magwagi ang kaniyang kampanya laban sa
pamahalaang oligarko na ipinatupad ng pananakop ng Sparta.

Iginagawad ito ng pamahalaan sa mga maysala kapag ang magiging


pagsunod nilá sa batas ay pinaniniwalaang mas matimbang kaysa
pagpaparusa sa kanila. Ang ilan sa mga benipisyo ng amnestiya ay ang
pag-iwas sa paggastos nang mahal para sa proseso ng gaganaping paglilitis;
paghikayat sa mga maysala na sumuko sa halip na tumakas sa awtoridad;
at paglikha ng pagkakataóng maiayos ang gusot ng mga maysala at ng
pamahalaan. Sa kabilangdako, pinupuna ito dahil nasasakripisyo ang
pagpapairal ng hustisya laban sa nagkasala.

Sa kasaysayan ng Filipinas, nasasaad mula sa Konstitusyong Malolos


hanggang sa kasalukuyang saligang-bayas ang kapangyarihan ng
pamahalaang Filipino na magbigay ng amnestiya. Nawala ito noong panahon
ng kolonyalismong Amerikano. Sa ilalim ng mga Amerikano, naganap ang
unang amnestiya na iginawad ni dating Pangulong Theodore Roosevelt
noong 1902 sa mga Filipinong naging bahagi ng rebolusyon. Inilipat
naman ang kapangyarihan ng amnestiya sa kamay ng Gobernador Heneral
ng Filipinas sa ilalim ng Batas Jones noong 1916. Sa 1935 Konstitusyon,
ibinalik ang naturang kapangyarihan sa ehekutibo at lehislatibong sangay
ng gobyerno. Sa kasalukuyang 1987 Konstitusyon, magkakaroon lamang
ng kapangyarihan ang pangulo na magbigay ng amnestiya kapag sinang-
ayunan ito ng mayorya sa Kongreso.

Ang amnestiya ay iginawad ng pamahalaang Filipino sa mga gerilya,


miyembro ng HUKBALAHAP, at pinaniniwalaang collaborator noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig; kay Francisco Medrano kasama ng iba
pang nag-alsa sa Batangas nang matalo si Jose Laurel kay Elpidio Quirino
sa pagkapangulo noong 1949; at sa mga rebeldeng Muslim, komunista,
at destiyerong politikal mula sa panahon ng Martial Law hanggang sa
kasalukuyan..(KLL) ed VSA
amor propio
Isang hálagáhan ang amor propio (a·mór próp·yo) na dahil sa pangalang
Espanyol ay agad masasabing pamana ng kolonyalismong Espanyol.
Maisasalin itong “pag-ibig sa dangal” at nangangahulugan ng pag-iingat
sa sariling karangalan o pagkakaroon ng paggálang sa sarili. Tinatawag din
itong orgullo (or·gúl·yo) at dignidád sa Espanya. Ang pagpapahalaga sa
sariling dangal ay nakatutulong upang mag-ingat sa pagkilos at pagsasalita
ang isang tao. Nagdudulot din ito ng disiplina sa sarili. Nagsisikap siyáng
magtagumpay sa pag-aaral, paligsahan, at anumang gawain, ibinubuhos
ang talino’t panahon upang umunlad dahil sa lunggating igálang ng
kapuwa. Umiiwas din siyáng magkasala dahil sa amor propio.

Ngunit maaari din itong magdulot ng sobrang pagmamahal sa sarili, na


nauuwi sa pagiging arogante at abusado. Dahil sa labis na pagpaparangalan
sa talino o yaman o posisyon sa lipunan ay nagiging sanhi ang amor propio
ng pagmamataas, kawalan ng malasakit sa pangangailangan ng kapuwa, at
labis na paghahanap ng papuri mula sa ibang tao. Maraming gulo o away
ang nangyayari dahil sa hindi diumano iginálang na “reputasyon.” May
mga tao namang nagpapakamatay dahil “nasira” ang puri. Nagbubunga
ang lisyang amor propio ng korupsiyon. May umaabuso, ginagamit ang
kapangyarihan upang mandahas ng kapuwa, dahil “nalasing” sa tinamasang
awtoridad.

May malaking kaugnayan ang amor propio sa katutubong hiyâ—na isang


hálagáhang may maganda at may pangit na mukha. Mabuti ang hiya kung
mauuwi sa disiplina sa sarili. Masamâ ang hiya kung pabalat-bunga lang
at pagtatanggol ng sarili kahit nagkamali. Ang sobrang amor propio ang
kabaligtaran ng kababaang-loob. Ayaw nitóng tumanggap ng anumang
puna at itinuturing na paninirang-puri ang kahit wasto at mapagmalasakit
na pagsusuri ng iba. Aayaw ito sa trabahong pisikal at mababà ang puwesto
kahit kailangan. Ipagkakaila nitó ang sakít dahil ayaw mapagtsismisan.
Ito ang katwiran kayâ sinasabi ng maraming sosyologo na hadlang sa
kaunlaran ng mga Filipino ang sobrang amor propio. (VSA)

guhit ni Albert E. Gamus


amorséko
Ang amorséko (Digitaria) ay isang uri ng ilahas na damó na mabilis
dumami kapag tag-araw. Tinatawag din itong mursíkos at tinlóy at crab
grass sa Ingles. May dalawang uri ng Digitaria: ang Digitaria sanguinalis
na mabalahibo, mataas (umaabot sa tatlong talampakan ang taas), at may
dahong maputlang asul-lungtian; at ang Digitaria ischaemum na makinis,
maliit (umaabot lámang sa 15 pulgad ang taas), at may dahong madilim na
lungtian na humahabà nang apat na pulgada. Ang dalawang uri ay kapuwa
may kakayahang magbunga ng 150,000 hanggang 180,000 buto taón-taón
at maaaring mabaón sa lupa nang matagal bago magkaugat, kayâ mahirap
lipulin ang amorseko.
Karaniwang tumutubò ang amorseko sa mga gilid ng kanal, pilapil, at landas
sa piling ng ibang ilahas na damo. Kayâ ikinabubuwisit ng taganayon ang
pagkapit ng mga buto nitó sa pantalon at palda ng nagdaraan. Isang bugtong
na pampatawa dahil sa erotikong pahiwatig ang tungkol sa amorseko ngunit
isinasadula ang abálang idinudulot ng amorseko sa sinumang makapitan
ng mga buto nitó:
Sa bukid nagsaksakan,
Sa bahay nagbunutan.
Itinuturing na peste ang amorseko sa pag-aalaga ng damuhan o lawn dahil
pinapatay nitó at inaagawan ng espasyo ang ibang damo. Makokontrol
ito sa pamamagitan ng pagtatanim ng higit na matibay na uri ng damo
at sa paraang higit na makapal. May nabibili ring abono na may halòng
pestesayd upang puksain ang buto ng amorseko bago magkaugat. (VSA)
Fernándo C. Amorsólo
(30 Mayo 1892-24 Abril 1972)
Si Fernándo C. Amorsólo ang pinakaunang ginawaran ng karangalang
Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura noong 1972. Si Amorsolo ang
pinakamaningning na kinatawan ng panahong klasiko sa sining biswal sa
Filipinas. Kinikilala rin siyáng “Ang Maestro” at “Grand Old Man” ng
sining sa Filipinas noong nabubuhay pa.

Ang malikhaing paggamit ng liwanag, sa partikular, ng backlighting, ang


pinakamalaking kontribusyon ni Amorsolo sa pagpipinta sa Filipinas. Ang
tingkad ng maningning na liwanag na nagmumula sa likuran ng kaniyang
mga paksa ay nagtatampok sa isang bahagi ng kaniyang kambas—sa mga
dahon ng mga punò, tikwas ng buhok, ngiti sa mga labì, at umbok ng dibdib
ng dalagang Filipina. Masaklaw ang larangan ng mga obra ni Amorsolo—
mula sa mga portrait ng mga kilala at mayayamang tao, larawan ng mga
tanawin, hanggang sa dibuho sa mga pabalat ng libro at magasin. Ngunit
naging tatak ng likhang Amorsolo ang pagtatanghal ng mga payak, payapa,
at pang-araw-araw na buhay ng mga naninirahan sa lalawigan.

Ang mataas na antas ng kasiningan ay napanatili ni Amorosolo sa kabila ng


dalas at dami nitó. Ang mga pinturang oleo pa lamang niyá ay tinatayang
aabot na sa libo. Dahil sa mga tiyak na hagod ay mabilis na natatapos
ni Amorsolo ang kaniyang mga likha. Ang tatlong malalaking pintura
niyá para sa Philippine Pavillion na ginamit sa 1931 Paris Exposition ay
natapos niyá sa loob lamang ng isang buwan. Ilan pa sa mga kilalang obra
ni Amorsolo ay ang Maiden in a Stream, Dalagang Bukid, Lavanderas,
Family in a Banca, Tinikling, Harvest Scene at Barrio Fiesta. Ang Rice
Planting na ginawa ni Amorsolo noong 1922 ay naging pinakapopular na
hulagway sa panahon ng Komonwelt. Lumikha rin siyá ng mga obrang
nagtatanghal sa kasaysayan ng Filipinas gaya ng Early Filipino State
Wedding, Traders, Sikatuna, The First Mass in the Philippines, The
Self-Portrait (1942)
Building of Intramuros, at Burning of the Idol.
Kabílang sa mga pagkilalang iginawad sa kaniya ang Outstanding UP
Isinilang siyá noong 30 Mayo 1892 sa Calle Herran sa Paco, Maynila sa Alumnus, 1940; Rizal Pro-Patria Award, 1961; Patnubay ng Sining at
mag-asawang Pedro Amorsolo at Bonifacia Cueto. Ang malaking bahagi Kalinangan Award mula sa Lungsod Maynila, 1963; Republic Cultural
ng kaniyang kabataan ay ipinamalagi niyá sa Daet, Camarines Norte. Nag- Heritage Award, 1967; at Gawad CCP para sa Sining, 1972.
aral siyá sa Unibersidad ng Pilipinas School of Fine Arts na pinagturuan
din ng kaniyang tiyuhing pintor na si Fabian de la Rosa. Isa siyá sa mga Lumikha siyá ng mga obra hanggang sa mamatay noong 24 Abril 1972.
pinakaunang nagtapos doon at nagkamit pa ng maraming karangalan. (RVR) (ed GSZ)
ampalayá
Ang ampalayá (Momordica charantia) ay isang halamang gumagapang
na nabubuhay sa mga tropikong lugar. Ang baging nitó ay humahabà ng
20 sentimetro. Ang mga dahon ay hugis puso at lumalaki ng hanggang
15 sentimetro ang diyametro. Malaman ang prutas nito na kulay berde at
may kulubot na balát. Hábang nahihinog ang ampalaya, nagiging kulay
dalandan ito. Lumalaki ang biluhabang bunga ng ampalaya hanggang 30
sentimetro. Sa loob nitó ay may mga buto na tinatanggal bago kainin. Kilalá
ang ampalaya sa pagiging mapait. Mabuti ang naidudulot ng ampalaya sa
katawan ng tao kayâ naman pinakikinabangan ito bilang pagkain at gamot
sa maraming uri ng sakit.

Hábang gumugulang ang ampalayá, lalo itong nagiging mapait at ang ubod
naman ay nagiging matamis. Kadalasang iniluluto ang bunga at dahon ng
ampalaya bago kainin. Sa Tsina, ginagamit ang mapait na lasa ng ampalaya
para pasarapin ang mga lutuin niláng nilalahukan ng karne. Ginagawa din
itong tsaa. Sa Pakistan, pinakukuluan ito at inihahain kasáma ng giniling
na báka at sakâ inuulam sa mainit na tinapay. Sa Filipinas, iniluluto ito na
may giniling na báka, itlog, at kamatis. Isang sangkap din ito sa kilaláng
luto ng mga Ilokano, ang pinakbet.

Ginagamit ang ampalayá na panlunas sa sakit sa tiyan. Binubuksan ang


ampalaya at ibinababad sa pulut dahil mabisà itong pamatay sa bulateng
nematode, malarya, bulutong, at HIV. Pinagaganda rin nitó ang daloy
ng dugo. Mabisàng panlaban sa diyabetis ang ampalaya. Isinasaayos
nito ang dami ng insulin na ginagamit sa katawan ng tao. Mula sa pag-
aaral, nakatutulong din ang ampalaya upang labanan ang sakit na kanser.
(ACAL)
amugís
Ang amugís (Koordersiodendron pinnatum) ay malaking laging-lungting
punongkahoy na 25 m ang taas, may mga dahong nakahanay sa magkabilang
gilid ng tangkay, mga bulaklak na putî hanggang madilaw-dilaw na
lungtian, mga bungang maliliit, madidilaw, at mapipintog, at katutubo sa
Filipinas. Ang pangalang siyentipiko nitó ay nangunguhulugang mala-
balahibo sa Latin at tumutukoy sa itsura ng mga dahon nitó. Nabibilang
ito sa pamilyang Anacardiaceae na mayroong bungang nababalot ang mga
buto gaya ng kasoy at mangga. Ang propagasyon nitó ay sa pamamagitan
ng buto.

Ginagamit ang exudates nitó sa medisina. Ang balát ay pinaniniwalaang


maaaring gawing gamot. Ang kahoy nitó ay mainam na sangkap para
sa konstruksiyon, paggawa ng sahig, aparador, at iba pang muwebles.
Matatagpuan ito sa mga kagubatang hindi pa nagagalaw na may taas na
500 m hanggang 800 m. Matatagpuan ang mga amugis sa halos lahat
ng isla at probinsiya ng Filipinas bagaman hindi sa maraming bilang; at
sa mga karatig isla ng Borneo, Celebes, Moluccas, at Kanlurang New
Guinea. Sa Filipinas, tinatawag din itong bangkalari, bangkasi, dangila,
gagil, karogkog, sambulawan, uris, at urisan. (KLL) ed VSA
anáhaw
Ang anáhaw (Livistona rotundifolia) ay katutubong palma na may makinis
na bunged o punò ng kahoy at may mga dahong nakakumpol sa dulo ng
bunged. Itinuturing itong Pambansang Dahon ng Filipinas.

Ang dahon ng anahaw ay malapad at pabilog at kulay berde. Ang tangkay


ng dahon ay matinik at tumutubò nang paikot sa sariling katawan nitó.
Ang anahaw ay umaabot sa taas na 20 metro kung ito ay tumutubò sa likas
na kaligiran sa kagubatan. Ngunit kung ito nama’y nasa hardin o iba pang
artipisyal na lugar, tila napipigil ang paglaki at pagtaas ng palmang ito.

Ang dahon ng anahaw ay maaaring gamitin bilang materyal sa paggawa


ng bubong ng mga bahay kubo. Dahil sa kintab at hugis ng dahon nitó,
nagagamit din itong pandekorasyon kapag may espesyal na pagdiriwang.
Ang dahon nitó ay pinagtatagni at ginagamit noong kalapyaw, ang tawag
sa sinaunang kapote. Ang buko nitó ay iginugulay at kinakain. Ang punò
ng kahoy o katawan nitó ay ginagamit namang sahig ng mga sasakyang
pandagat o pundasyon ng bahay. (SAO) (ed GSZ)
“Anák”
Ang “Anák” ay isang awiting Tagalog na isinulat ni Freddie Aguilar. Kabi-
lang ito sa mga nominado para sa kauna-unahang Metropop Song Festi-
val sa Maynila noong 1977. Dahil sa kantang ito, nagkaroon ng kontrata
si Aguilar sa VICOR, ang nangungunang record label noon sa Filipinas.
Nagkaroon ng mahigit 100 cover versions, 27 salin, at inilabas sa 53 bansa,
at nakabenta ng 30 milyong kopya. Tungkol ito sa isang anak na inalagaan
ng kaniyang mga magulang noong sanggol pa lamang na kalaunan ay na-
pariwara ang buhay. Narito ang unang bahagi ng awit:

Noong isilang ka sa mundong ito


Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo’y di
Malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi’y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama’y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo

Ngayon nga ay malaki ka na


Nais mo’y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila’y sinuway mo.

Hango ito diumano sa tunay na buhay ni Freddie Aguilar. Sa gulang na


18, iniwan ni Aguilar ang kaniyang pamilya at huminto sa pag-aaral. Nais
ng ama niyang maging abogado siya ngunit hindi ito nangyari. Naglakbay
si Aguilar sa malalayong lugar dala lamang ang kaniyang gitara at noon
nagsimulang mapariwara. Isinulat niya ang “Anak” bilang isang paghingi Sinasabing naging matagumpay ang awitin dahil isinulat sa paraang Kan-
ng kapatawaran sa kaniyang mga magulang. Umuwi siyang muli sa kanil- luranin na may halò ng pasyon, isang anyo at kuwentong kilala ng mga
ang tahanan at tinanggap siya ng kaniyang mga magulang nang walang Filipino. Isinapelikula naman ito noong 2000 sa direksiyon ni Rory Quin-
anumang sama ng loob. Napalapit sila sa isa’t isa ng kaniyang ama nang tos at naging mga pangunahing artista sina Vilma Santos, Claudine Bar-
mabasa nito ang awitin bago sumakabilang buhay. retto, at Joel Torre. (KLL) ed VSA
Anák Dálitâ
Idinirihe ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Teatro at Pelikula
Lamberto Avellana ang pelikulang Anák Dálitâ (1956). Hinggil ito
sa paghihirap at pagsisikap ng isang beterano ng digmaan sa Korea sa
loob ng pamayanang umusbong sa guho ng Intramuros. Nasangkot siyá
sa trabahong ilegal at sa pag-ibig ng isang mang-aaliw sa nightclub.
Ginampanan nina Tony Santos Sr. at Rosa Rosal ang mga pangunahing
tauhan ng kuwento. Ginawaran ang pelikula ng Gantimpalang Gintong
Ani para sa pinakamahusay na pelikula ng 1956 Asian Film Festival at
naglunsad sa katanyagan ng pelikulang Filipino sa mga internasyonal na
timpalak at festival.

Bunga ng pagnanais ng ikalawang henerasyong prodyuser na si Manuel de


Leon ng LVN Pictures na gumawa ng pelikulang mailalaban sa pamanta-
yang internasyonal hindi man kumita, binigyan ng laya ang direktor sa
paglikha. Sa ganitong sistema din nabigyan ng pagkakataon ang tambalan
ng dáting kontrabidang si Rosa Rosal at ng dáting tagasuportang aktor
lámang na si Tony Santos Sr.

Kinikilála ng mga iskolar ang Anák Dálitâ bilang mahalagang pelikula ng


Unang Gintong Panahon ng Sineng Filipino. Neo-Realismo ang estilo ng
pelikula at naitampok na tagpuan ang sinematikong arkitektura ng mga
pook ng karukhaan. Naihahambing ng mga iskolar ang ganitong padron
sa ibang mahahalagang direktor sa Filipinas ng mga sumunod pang mga
dekada, gaya ni Lino Brocka ng 1970s hanggang 1980s at ni Brillante
Mendoza sa kasalukuyan. (GCA) (ed VSA)
andadór
Ang andadór ang tradisyonal na kasangkapan para masanay ang isang
musmos na lumakad. Kung bagá, ito ang walker ngayon. Karaniwang yari
ang andadór sa yantok na hinutok para bumuo ng dalawang singsing—isa
ay malaki at nagsisilbing saligan ng andador, at ang ikalawa ay maliit at
kasiya ang katawan ng musmos—at mga posteng yantok din o kawayan
na may taas na hanggang dibdib ng musmos. Ipinapasok sa loob ng
andadór ang musmos ngunit nakalabas ang mga kamay, at pinababayaang
“lumakad” paikot-ikot sa sala ng bahay

Mula sa wikang Espanyol ang andadór (tagapagpakilos) at nangangahulugan


nga ng gayong gamit sa paglakad. Malaking tulong ito sa pagsasanay tumayô
at manimbang ng batà, at nalilibre ang tagapag-alaga sa mahabàng panahon
ng paghawak sa mga kamay at pag-alalay sa musmos na nagnanais nang
lumakad. Naglahò ang andador sa mga tahanan, lalo na kalungsuran, dahil
sa komersiyal at plastik na walker. Gayunman, marami ang naniniwala na
higit itong ligtas. Una, mas ligtas ang organikong materyales ng andador.
Ikalawa, higit na matatag ito kaysa de-gulong na walker. Gayunman,
ipinapayo ng mga doktor ang maingat pa ring pagbabantay sa musmos na
naglilikot. (VSA)
Ang Kiukok
(1 Marso 1931-9 Mayo 2005)
Si Ang Kiukok (Ang Ki·yú·kok) ay hinirang na Pambansang Alagad ng
Sining para sa Sining Biswal noong 2001. Kinikilala siyáng pangunahing
modernistang pintor sa Filipinas.
Ang likhang Kiukok ay may matingkad na partikularidad sa estilo, disenyo,
at pamamaran. Mayroon itong tiyak na kaisahan, identidad na biswal, at
sistema ng metapora kayâ ang mga obra niyá ay kagyat na nakikilala.
Tanyag sa kaniyang mga ekspresyonistang rendisyon ang karaniwang mga
bagay-bagay gaya ng aso, pusa, isda, kalansay, tinik, sabong, basurang-
pabrika, barb wayr, gayundin ang mga kadalasang tema sa sining na mag-
ina, magsing-irog, hubad na katawan, at krusipiho.
Sinasabing nagpapahiwatig ng maiigting na damdamin, tulad ng pusok,
dahas, hinagpis, pagpapakasakit, at linggatong ang kalakhan ng mga
larawang ipininta ni Kiukok. Mga imaheng karima-rimarim at kagila-gilalas
ang mahalagang bahagi ng kaniyang mga pinta. Matingkad ang mga kulay,
marahas ang hagod ng pinsel, siksik at makipot ang mga espasyo, dinamiko
at tensiyonado. Mababanaag ang pagsasanib ng impluwensiyang kubismo,
ekspresyonismo, at surealismo sa kaniyang mga likha. Ang mga tauhan
sa kaniyang mga pintura ay mga payaso, magbubukid, manggagawa, at
mangingisda. Madalas niyáng itinatampok ang tema ng pagkakabitag at
pagpupumiglas.
Mahalagang bahagi ng mga obra ni Kiukok ay ang serye ng krusipiho.
Malayo sa taimtim o realistikong kopya ng importanteng sagisag na ito ng
Katolisismo, sa sining ni Kiukok ay naging mabisang pagpapahayag ng
pighati at pagpapakasakit ang krusipiho. Naging mabisang behikulo ito sa
sining na nakagigitla, umaantig, at sa proseso ay nagmumulat.
Hagip ng sining ni Kiukok ang konteksto ng pasismo ng batas militar.
Sinagisag ito sa kaniyang mga sundalong unipormado at may aserong
helmet na mabalasik at sumisinghal. Ipinahihiwatig sa kaniyang mga Kinatawan niyá ang Filipinas sa maraming internasyonal na pagtatanghal
pigurang hubo’t hubad ang paghuhumiyaw, ang pagkalugmok, at pag- pansining sa Asia kayâ naman ang kaniyang mga gawa ay isa sa mga mas
alpas. kilala sa bahaging ito ng daigdig.

Sina Vicente Ang at Chin Lim, mga migranteng Tsino na nanahanan sa Nagtamo na si Kiukok ng mga gawad mula sa Arts Association of the
Lungsod Davao, ang kaniyang mga magulang. Nagtapos siyá ng digri sa Philippines (AAP), pambansang patimpalak sa sining ng Shell, National
sining sa UST (1952- 1954). Si Vicente Manansala ay isa sa kaniyang mga Museum of Modern Art sa Hawaii, at Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.
naging guro. Kayâ naman mababanaag ang impluwensiya ng kubismo ni Kinilala rin siyáng Outstanding Overseas Chinese (1961) at pinagkalooban
Manansala sa kaniyang mga naunang pintura. ng Araw ng Maynila Award (1976). (RVR) (ed GSZ)

Angaló
Si Angaló (kung minsan, Angngalo) ang lumikha sa tao sa mitolohiyang
Iloko. Bukod kay Lam-ang at Kannoyan, lalaki at babaeng bida ng
epikong-bayan ng mga Iloko, sina Angalo at Aran na marahil ang mga
tanyag na tauhan sa mga Ilokanong kuwentong-bayan. Maraming bersiyon
ng kuwento ni Angalo, at iba-iba ang kaniyang ginagampanan—bilang
dakilang manlilikha, bilang anak ng isa pang bathala, o bilang isang
mangingisda na hinahanap ang kaniyang nawawalang irog.

Sa isang mito, sina Angalo at Aran ay mga higanteng may anyong tao. Sa
laki ni Angalo, abot-langit ang kaniyang ulo, daan-daang milya ang saklaw
ng bawat hakbang, at naririnig sa lahat ng sulok ng mundo ang kaniyang
boses at halakhak. Patag dati ang buong daigdig, at kinalkal niya ang lupa
upang bumuo ng mga bundok at lambak, at inihian ang mga hukay upang
maging mga dagat at lawa. Mula sa kaniyang dura nagmula ang unang
lalaki at babae. Sa ibang kuwento, may tatlong anak na babae sina Angalo
at Aran na hindi nilá kasinlaki. Nabuo naman daw ang kapuluang Bisayas
nang nagtalo ang dalawa sa mga nakalap niláng perlas; nagkabitak-
bitak ang lupain at lumubog ang ilang bahagi sa lakas ng kanilang mga
dagundong. Sinasabi ding nanahan silá malalaking yungib ng hilagang
Luzon, tulad ng sa Abra, Ilocos, at Cagayan.

Sa isang salaysay, si Angalo ay isang mortal na tao na naging mangingisda


sa pag-asang makikita ang irog na nilisan siyá. Nadesgrasya ang barkong
sinasakyan niya at napadpad siyá sa pampang ng Ilocos. Tinulungan niya
ang mga Ilokano sa pangingisda at pinuksa ang isang halimaw-dagat na
kumikitil ng maraming taumbayan taon-taon. Hindi niya malimot ang
kaniyang nawawalang irog, at inukit niya ang malaking imahen ng babae
sa dalisdis ng isang bundok. Tuwing pauwi siyá mula sa pangingisda,
sinasalubong siyá ng tanawing ito.

Sa kasalukuyan, matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng Ilocos, Cagayan,


at Pangasinan ang ang malalaking tipak ng bato na tinatawag na mga
”tugot” (yápak) ni Angalo. Isang halimbawa nitó ay makikita sa bayan ng
Sudipen sa La Union, sa Ilog Amburayan. Magpahanggang-ngayon, may
naniniwala pa rin na gumagalà ang espiritu nina Angalo at Aran, at maaari
siláng magpalit ng anyo ng tao, hayop, o kahit bagay. (PKJ)
Si Angalo at Aran (guhit ni Angeli Marie Narvaez)
Angat Dam
Ang Angat Dam (Ang·gát Dam) ay matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan.
Bahagi ito ng Angat Hydroelectric Plant, na gumagamit sa Ilog Angat (Ilog
Bulacan) upang makalikha ng koryente, at bahagi ng mas malaking sistema
ng mga dam ng Angat-Ipo-La Mesa. Ang Angat Reservoir na naiipon ng
dam ang nagtutustos sa humigit-kumulang 90% ng pangangailangan sa
tubig ng Kalakhang Maynila. Ginagamit din ito bilang irigasyon para
sa 28,000 ektarya ng sakahan sa Bulacan at Pampanga. Bukod dito,
tumutulong ang dam na kontrolin ang pagbahâ tuwing tag-ulan.

Ang Angat Dam ay may taas na 131 m at habàng 568 m. Káya nitóng
humawak ng hanggang 850,000,000 metro kubikong tubig at mag-ambag
ng 246 megawatt ng koryente para sa buong Luzon. Ang tubig na dumadaan
sa dike ay unang ginagamit para sa koryente. Pagkatapos, sangkatlo nitó
ay ginagamit ng MWSS (dáting NAWASA) para sa tubig na maiinom ng
mga taga-Kalakhang Maynila. Sangkatlo rin ang ginagamit ng National
Irrigation Administration (NIA) para sa irigasyon, at ang hulíng sangkatlo
ay bumabalik sa Look Maynila.

Sinimulan ang paggawa sa dam noong Nobyembre 1961 at unang ginamit


noong 16 Oktubre 1967. Natapos ang konstruksiyon noong Agosto 1968.
Ang mga kompanyang Grogun, Inc., Paul Hardeman (Phil.), at Filipino
Engineers Syndicate, Inc. ang nagtayô sa dam. (PKJ)
angkák
Ang angkák (Monascus purpureus) ay puláng amag ng binurong kanin.
Isa itong sinaunang paraan ng pangkulay sa pagkain bukod sa isang
sangkap sa gamut para sa sirkulasyon ng dugo. Ang funggus na Monascus
na lumilikha ng angkak ay natural at epektibong suplemento para sa
pagkontrol ng kolesterol. Sa gayon, ang kulay na idinudulot ng angkak
sa pagkain ay hindi lamang nagdudulot ng dagdag na lasa sa pagkain.
Nagsisilbi din itong medisina para sa kumakain. May ulat sa panahong
Ming na ipinanggamot ang angkak laban sa sakit ng tiyan, pagtatae,
anthrax, hang-over, at dyspepsia. Tinatawag itong hung-chu at zhitai sa
Tsino at benikoji sa Hapones.

Isang matandang kaalaman sa Tsina ang produksiyon ng angkak at


sinasabing matagal itong ipinaglihim. Ginagamit ito noon sa paggawa ng
keso at ng inuming tinatawag na anchu. Sa Filipinas, ginagamit ang angkak
bilang pangkulay ng bagoong at mga inuming kahawig ng anchu. Pinag-
aaralan din ngayon ang tunay na halaga nitó bilang kapalit ng nitrite sa
pagtatapa ng karne. Kapag ibinuburo ang kanin, mapapansin ang aksiyon
ng Monascus purpureus sa pagbabago ng kulay ng kanin. Sa umpisa, putî
ito, ngunit mabilis na magbabago ng kulay at magiging pink hanggang
maging naninilaw na kulay dalandan. Bisà ito ng pag-asim ng kanin. Sa
pangwakas na yugto, ang kanin ay magiging mapuláng-mapulá.

Lahat halos ng bigas ay maaaring iburo para gawing angkak. Maliban sa


malagkit dahil itinuturing na hindi kasiya-siya ang tila madikit na testura
nitó. Sa kasalukuyan, may mga eksperimentong ginagawa mula mais dahil
higit na múra ito kaysa bigas. (ABSM)
angkát
Ang angkát ay isang konsepto sa ekonomiya na nangangahulugang paninda
o kalakal na binili mula sa ibang pook, bayan, o bansa. Kabaligtaran nitó
ang konsepto ng luwás o pagdadalá at pagbibili ng paninda o kalakal sa
ibang pook, bayan, o bansa. Sa Ingles, ang angkat ay import at ang luwas
ay export.

Ang Filipinas ay nagsasagawa na ng pag-angkat bago pa dumating ang


mga mananakop na Espanyol. May mga ulat hinggil sa pakikipagkalan ng
mga sinaunang Filipino sa mga dayuhan mulang Tsina, India, at Arabia. Sa
panahon ng pananakop ng mga Espanyol at dahil sa Kalakalang Galeon,
may panahong ang kalakalan ng Filipinas ay nakasentro sa pagtitipon
ng mga kalakal ng bansa at ibang produktong Asyano at pagdadalá ng
mga ito sa Mexico upang sa pagbalik ng mga barko ay tumanggap naman
ng mga angkat na kalakal mulang Mexico at Espanya. Umunlad ang
pakikipagkalakalan nang bumilis ang paglalayag sa pagitan ng Espanya
at ng Filipinas dahil sa Kanal Suez at nang buksan ang mga daungan
para sa ibang dayuhang mangangalakal. Naging pangunahing luwasan at
angkatan naman ng Filipinas ang Estados Unidos mula nang mapailalim
ang Filipinas sa mga Amerikano.

Malaking problema sa kalakalan ng Filipinas ang pangyayaring higit na


malaking porsiyento ng angkat kaysa iniluluwas. Sa kasalukuyan, lumawak
ang mga bansang pinag-aangkatan ng Filipinas ng iba’t ibang uri ng
produkto, ngunit pangunahing bansang pinag-angkatan noong 2012 ayon
sa laki ng halaga ay ang Tsina (10.43%), Hapon (10.15%), Estados Unidos
(9.02%), Timog Korea (7.84%), Singapore (7.25%), Taiwan (5.84%),
Thailand (4.64%), Saudi Arabia (4.50%), Indonesia (3.74) at Russia (3.66%)
. Ang mga pangunahing angkat ng Filipinas noong 2012 ayon sa halaga
ay ang sumusunod: kasangkapang elektroniko: 15,822,822,887 (25.64%),
petrolyo: 12,551,796,684 (20.34%), transportasyon: 5,117,299,409
(8.29%), mga kemikal: 4,619,921,816 (7.49%), makinarya: 3,601,334,095
(5.84%), iprinosesong pagkain: 2,604,942,342 (4.22%), sariwang pagkain
– 2,138,008,810 (3.46%), mineral: 1,963,772,098 (3.18%), bakal –
1,918,049,829 (3.11%). (MJCT) ed VSA
Anilao
Ang Anilao (a·ni·láw) ay isang popular na pook-bakasyunan sa bayan
ng Mabini, lalawigan ng Batangas. Binubuo ito ng dalawang barangay
(Anilao Proper at Anilao East) at matatagpuan sa dulo ng Tangway ng
Calumpang.

Tanyag ang Anilao bilang isang pook-sisiran (dive spot), at dinadayo ng


mga scuba diver at snorkeler mula sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas.
Itinuturing itong isa sa mga unang dive spot sa bansa, at nagsimulang
sumikat noong dekada sitenta.

Paborito ang Anilao at mga karatig-pook (tulad ng mga pulo ng Sombrero


at Maricaban) ng mga maninisid mula sa Metro Manila, dahil na rin mas
malapit ito sa lungsod kaysa ibang dive spot. Hitik ang dagat sa paligid ng
Anilao sa mga lamantubig, tangrib, at maraming uri ng isda. Malinaw din
ang tubig. Matatagpuan naman sa dalampasigan ang mga resort. (PKJ) ed
VSA
anís
Ang anís (Pimpinellaanisum, Glycyrrhizaglabra) ay isang lubigan o herb
na may makinis na balát at tuwid na katawan. Marami itong sanga at mata-
bang mga ugat. Lumalaki ito ng tatlong talampakaan. Ang mga lungtiang
dahon ng anis ay maninipis at umaabot ng pitóng pulgada ang habà na
nagsasangay din ng mas maninipis pa ngunit mas maiikling mga dahon.
Ang bulaklak nitó ay maliit, kulay dilaw o putî, at kumpol-kumpol na hu-
mahabà kung ito ay nagbunga na. Mabango ang bunga ng anis kahit magu-
lugod ang mga ito. Hugis ipa ng palay ang buto nitó ngunit mas maliit ang
sukat.

Pinaniniwalaang nagmula sa Meditereneo ang anis. Matatagpuan ang hal-


amang ito sa mga bansang may mainit na klima.

Mayaman ang kasaysayan ng mundo na nagpapatunay na maraming gamit


ang anis. Mabisà ito sa panggagamot at ginagamit din ito sa pagluluto
at iba pa. Lahat ng parte ng halamang-gamot na ito ay may pakinabang.
Bukod sa pampalasa sa mga pagkain, ang talbos, bunga, at buto ngaAnis,
pamparami pa raw ito ng gatas ng ina at nakakaparegular ng regla. Na-
kakatulong sa paghinga ang mga talbos nitó samantalang ang ugat na-
man ay mainam na gamiting pampurga. Ang bungang anis ay mabisà ring
carminative o nakakapagpalabas ng hangin mula sa bituka at sikmura.
Naitataboy ng amoy ng anis ang mga insekto, naiibsan nitó ang lagnat at
sakit ng ngipin. Nalulunasan din nitó ang mabahòng hininga.

Mayaman sa anti-oxidants ang anis. Pinaniniwalaang natural na pampalit


ito sa mga kemikal na non-steroidal anti-inflammatory drug (NSAID), ex-
pectorant, diuretic at antidepressant. Sa India, ginagamit din ang anis na
lunas sa mga sexually transmitted diseases. Nakukuhanan din ng lana ang
anis na gingamit sa aromatherapy o pangmasahe. Maaari rin itong ipahid
sa mga bitag ng daga bilang pampain upang makasilò. (ACAL) ed VSA
aníto
Aníto ang tawag sa sinaunang espiritu ng mga ninuno o espiritu ng
kalikasan na sinasamba ng mga Filipino noong araw. Itinuturing na
mabubuting espiritu, ang mga anito ay nagsisilbing tagapagtanggol laban
sa masasamang espiritu sa lawas ng kagubatan. Itinuturing rin sila ng ilang
grupong etniko bilang tagapangalaga ng kalikasan at bilang bantay o kawal
ng mga di-binyagan.

Laganap ang mga anito sa mga agrikultural na pamayanan ng Luzon.


Kalimitang nag-aalay sa mga anito ng pagkain o atang at iba pang bagay
ang mga tao para magkaroon sila ng masagana at payapang pamumuhay.
Mga anito ang pinaniniwalaan at sinasamba ng mga katutubong Filipino
bago dumating ang Espanyol.

Ang mga anito ay maaaring katawanin ng anomang bagay: imaheng


kawangis ng tao na yari sa kahoy, isang pirasong kahoy, inukit na bato o
maaari ring bagay na hindi nahihipo o nakikita tulad ng hangin, liwanag at
dilim, o isang tinig.

Nang dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang Kristiyanismo,


nahalinhan ang mga anito ng pagsamba sa Diyos at iba pang mga santo.
Gayunman, masasabing ang ilang paniniwala kaugnay ng anito ay maaaring
nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan. Dahil dito, may ilang Filipinong
iskolar na naglarawan sa relihiyong ipinakilala ng mga Espanyol na
isinapraktika ng mga Filipino bilang Folk Christianity. (JCN) (ed GSZ)
anónas
Ang anónang/anónas (Annona reticulata) ay palumpong na may taas na
aabot hanggang sampung metro at nakakain ang bunga. Ang mga dahon
nitó ay makikintab at biluhaba na may patusok sa dulo; may habàng 20 sm
at lapad mula dalawa hanggang limang sentimetro. Ang mga bulaklak nitó
ay may kulay na lungtiang dilaw, mabango, at may habàng dalawa hang-
gang dalawa’t kalahating sentimetro. Ang itsura ng panlabas na talulot ay
kawangis ng atis samantalang ang panloob naman ay napakaliit at palapad
na bilog. Ang mga bunga nitó ay hugis-puso, kayumangging dilaw at may
diyametrong walong sentimetro o higit pa. Ang balát ng bunga ay manipis
na bumabalot sa lamang kulay krema, makatas, at matamis. Nabubuhay ito
sa mga lugar na may klimang tropikal.

Kinakain ang bunga nitó kapag hinog. Ang pinatuyo at pinulbos na bun-
gang hilaw naman ay mainam gawing gamot sa pagtatae, pampahilom ng
sugat, at pampuksa ng parasito. Ang pinainitang dahon ay maaaring gaw-
ing pampuksa sa parasito at lunas sa mga hindi natutunawan ng pagkain.
Ang mga balát ng punò ay maaaring gawing gamot sa sugat at inuming
pampagising. Ang pinulbos na mga balát ng kahoy ay ginagamit pangga-
mot sa pagtatae at íti. Kapag malala ang pagtatae ng isang pasyente, sama-
samang pinakukuluan ang hilaw na bunga, balát ng punò at mga dahon sa
isang litrong tubig sa loob ng limang minuto saka ipaiinom sa pasyente.
Ang mga ugat ay gamot sa epilepsiya. Maaari ring makakuha ng asul at
itim na pangkulay at matitibay na hibla mula sa anonas.

Dinalá ito ng mga Espanyol sa Filipinas mula sa bahaging tropikal ng


Amerika. Tinatawag din itong ánat, bullock’s heart, custard apple, nanas,
at sari-káya. (KLL)
ansisit
Ang ansisit ay Ilokanong salita para sa nuno. Katulad ng iba pang nilaláng
sa mitolohiyang Filipino, gaya ng engkantada at diwata, ang ansisit ay
mayroon ding mahiwagang kapangyarihan. Kahalintulad niya ang maliit
na pangangatawan ng duwende ngunit mas negatibo ang ugali.

Ang ansisit ay naninirahan sa punso, malalaking bato, matatandang puno,


tabing-ilog, kuweba, at sa likod-bahay. Hindi siya nakikita ng tao kayâ agad
niyang pinaghihigantihan ang hindi nagpasintabi o nagsabi ng “Tabi, tabi
po, nuno” sa kaniyang pinaglalagian. Gamit ang kaniyang pandudura, sari-
sari ang kaniyang puwedeng gawing sumpa sa makaaapak o makatatabig
sa kaniyang tirahan. Ang táong hindi magpasintabi ay puwedeng mamaga
ang anumang bahagi ng katawan, magsuka ng dugo, umihi ng itim na
likido, at tubuan ng labis na buhok sa likod.

May paniniwala na ang mga sumpang ito ay hindi maipaliliwanag ng


doktor o ospital kayâ’t isinasangguni ito sa katutubong medisina. Dinadalá
sa albularyo ang maysakit at tinatawas siyá para malaman kung anong
engkanto ang nagbigay ng sumpa sa kaniya. Ang tawas ay ikukrus sa
ulo ng pasyente at pagkatapos ay paiinitan sa bága. Pagkaraan ng ilang
minuto, tatanggalin sa bága ang tawas at ang kinalabasang anyo nitó ang
sasabihing nakaengkangto sa maysakit.

Upang maalis ang sumpa, kailangang mag-alay ng pagkain at humingi ng


tawad para sa naapakang punso. Mahalaga ang paglapit sa ansisit para hindi
maging permanente ang pagsanib ng masamâng espiritu. Pinaniniwalaan
din na maaaring hulihin ng albularyo ang ansisit sa pamamagitan ng
pagpisà sa ulo nitó gamit ang mga daliri. Mas delikado ang paraang ito
dahil maaaring magalit ang mga kasáma ng ansisit at lalong maghiganti.
(CID) ed VSA
Antipólo
Ang Bírheng Antipólo o Nuestra Señora dela Paz y Buenviaje (Ang
Mahal Nating Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalayag) ay dinalá ng
mga misyonero buhat sa isang parokya sa Acapulco, Mexico. Makailang
beses itong nagparoo’t parito noong panahon ng Kalakalang Galeon. Sa
tuwing may mahalagang produkto o tao na lulan sa barko, isinasáma
ang birhen upang magkaroon ng ligtas na paglalakbay. Iyon ang ugat
ng pangalan nitó bilang patrona para sa mabuting paglalakbay. Unang
naglayag ang imahen noong 1626 kasáma ang Gobernador Heneral Juan
Nino de Tabora at panghulí noong 1746 sa hiling ng Gobernador Heneral
Arrechedera. Sinasabing iisa ang kahoy na pinagmulan ng Birheng Antipolo
at ng imahen ng Poong Nazareno sa Quiapo kayâ tuwing ika-29 ng Abril,
dinadalá ang Birhen ng Antipolo sa Simbahang Quiapo bago iahon muli sa
Lungsod Antipolo. Ang gawaing ito ay tinatawag na Ahunan. Gayundin,
noong ika-17 siglo, dinadalá ang Birhen ng Antipolo sa Ternate, Cavite
upang saksihan ang pagbebendisyon ng mga barkong ginagawa upang
gamitin sa paglalayag. Inilalagay ang Birhen sa parokya na kinaroroonan
din ng imahen ng Santo Niño. Kawangis ng Birhen ng Antipolo at Hesus
Nazareno ang Santo Niño sa kulay at pinaniniwalaan ding nagmula sa
iisang punongkahoy.
Nang malipat sa mga Heswita ang pangangalaga sa imahen, inilagay ang
imahen sa bulubunduking parokya ng Sta.Cruz sa Morong (Rizal ngayon)
na noo’y pinagsisilbihan ni Fray Pedro Chirino. Palaging nawawala ang
imahen at natatagpuan sa punò ng tipolo kayâ nagdesisyon ang kura
parokong si Fray Diego Garcia noong 1603 na magpatayô ng kapilya para
sa imahen sa lugar na laging kinatatagpuan nitó. Ginamit ang punòng at Amerika Latina noong panahong iyon. Ayon kay Padre Murillo, walang
tipolo sa paggawa ng retablo hábang sawali lámang ang dingding ng kasingganda ang Simbahang Antipolo noong ika-18 siglo. Bahagyang
maliit na simbahan. Nang magdesisyon ang mga Heswita na magpatayô nasira ang simbahan sa mga lindol noong 1645, 1824, at 1863 ngunit
ng simbahang bato, si Fray Juan de Salazar ang namunò sa paggawa ng nawasak noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Muling ipinagawa ito
Simbahang Antipolo. Nagsimulang gawin ito noong 1630 at natapos noong ni Padre Francisco Avendano sa tulong ng kaniyang kaibigang si Jose de
1653. Ocampo. Noong 2002, pinalitan ang sahig nitó ng marmol. Noong 2004,
sinimulang baguhin ang disenyo ng harapan sang-ayon sa disenyo ni Joey
Isa sa mga pambihirang estruktura sa Filipinas ang Simbahang Antipolo. Amistoso. Si Nemesio Miranda, isang artist ng Angono, ang nagpinta ng
Ang arkitektong si Jose de Ocampo ang nagdisenyo ng simbahan. Pagkamatay at Muling Pagkabuhay ni Hesukristo.
Modernista ang disenyo nitó na may dome-shaped na bubungan at
napapalibutan ng mga stained glass ang ilalim. May laking 40 metro Kasabay ng pagdiriwang sa kapistahan ng San Jose Manggagawa tuwing
sa diyametro, ang simboryo ng Antipolo ang isa sa pinakamalaki at 1 Mayo, ang Simbahang Antipolo ay dinarayo ng mga mananampalataya
pinakaengrandeng estruktura na naitayô noong 1954. Ang unang lay-out ng upang magdasal sa Birheng Antipolo. Dahil dito, binansagan ang Lungsod
simbahan ay pakrus, kagaya ng mga simbahan na matatagpuan sa Europa Antipolo na “Pilgrimage City of the Philippines.” (SJ)
Pablo S. Antonio
(25 Enero 1901-14 Hunyo 1975)
Isang arkitekto si Pablo S. Antonio (Páb·lo Es An·tón·yo) at itinuturing
na tagapaghawan ng landas para sa modernong arkitektura na umaangkop
sa kaligiran, kaugalian, at pangangailangan ng mga Filipino. Iginawad sa
kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura noong 1976.

Sa kaniyang mahigit 43 taon sa larangan ng arkitektura, ang kaniyang


mataas na kalidad ng paggawa at walang kapares na pagpapahalaga sa
propesyon ay katangi-tangi at nagsilbing inspirasyon sa mga sumusunod
sa kaniyang yapak. Pinili niyá na gumawa nang may pagpapahalaga sa
kalikasan. Kilalá ang likhang Antonio sa paggamit ng natural na liwanag
at bentilasyon at kung gayon ay walang pag-aaksaya sa enerhiya, malilinis
at makikinis na mga linya, mga kurbang nakapaloob sa mga estruktura, at
malalaking bukás na espasyo at mayayabong na hardin. Naniniwala siyá
na ang mga Filipino ay mga bukás na tao, hindi nakagawian ang harang
o hanggahan. Kayâ naman ang mga bahay na likha ni Antonio ay may
malawak na sala na nakaugnay sa iba pang parte ng bahay nang walang
harang o dibisyon.

Binago ni Antonio ang mukha ng Kamaynilaan. Si Antonio ang namahala


sa konstruksiyon ng Executive Building sa Taft Avenue kanto ng P. Burgos
St. (ngayon ay National Museum). Siyá ang arkitekto ng maraming gusali
ng mga paaralan-Nicanor Reyes Hall, Administration Building, Home
Economics Building, at Girls High School ng Far Eastern University;
Auditorium at Executive Offices ng University of the East; at Afable
College of Medicine. Itinayô rin niyá ang mga opisina, ospital, at iba pang
gusaling pampubliko tulad ng PNB head office at mga branch offices, Singer
Sewing Machine Office, mga estasyon at terminal ng Manila Railroad
Company, Cartimar Shopping Center, Bel-Air Apartment na matatagpuan
sa Roxas Blvd., Taliba-Vanguardia-Times Annex Bldg, Ramon Roces
Publications Building (ngayon ay Guzman Institute of Technology),
Manila City Hospital (ngayon ay National Children’s Hospital), at De La Works upang matustusan ang sariling pag-aaral sa paaralang sekundarya
Salle Chapel. at sa Mapua Institute of Technology hanggang makatapos ng kursong
Arkitektura. Kumuha siyá ng karagdagang pag-aaral sa University of
Ipinanganak siyá noong 25 Enero 1901 sa Balanga, Bataan. Nakaisang- London sa England sa tulong ni Don Ramon A. Arevalo. Sa kompanya
dibdib siyá ni Marina Reyes, isang bantog na pangalan sa haute couture ni Don Ramon na Sta. Clara Lumber Company maglilingkod si Antonio
noon at biniyayaan ng anim na anak. Tatlo rito ay naging mga arkitekto rin, bilang ganap na arkitekto hanggang sa maitayô nitó ang sariling kompanya.
sina Pablo Jr., Luis, at Ramon. Naging draftsman siyá sa Bureau of Public (RVR) (ed VSA)
Galicano Apacible
(25 Hunyo 1864-2 Marso 1949)
Si Galicano Apacible (Ga·li·ká·no A·pa·síb·le) ay isa sa mga tagapagtatag
ng La Solidaridad at naging unang pangulo nitó. Naging politiko siyá
at kasapi Partido Nacionalista sa panahon ng pamahalaang kolonyal ng
Amerika. Naging gobernador siyá sa Batangas at naging representante
ng unang distrito ng Batangas. Isinulat niya ang To the American People,
an Appeal, isang pangangatwiran sa mga mamamayan at pamahalaan ng
Estados Unidos na huwag alisan ng kasarinlan ang Filipinas.
Isinilang sa Balayan, Batangas noong 25 Hunyo 1864, si Kanoy ang bunso
sa tatlong anak nina Don Vicente Apacible at Catalina Castillo. Walong
taon siyá nang matapos ang elementarya. Itinuloy niya ang pag-aaral sa
Maynila—una sa pribadong eskuwelahan ni Benedicto Luna at pagkatapos
ay pumasok sa Colegio de San Juan de Letran. Kasama ng nakatatandang
kapatid na si Leon at ang pinsang si Jose Rizal, nanirahan silá sa isang
paupahan sa 15 Kalye Anda sa Intramuros. Nag-aral siyá sa Unibersidad
de Santo Tomas ng medisina. Nakagalit niya ang isang paring Dominiko
doon kayâ nagpasiya siyáng ipagpatuloy ang pag-aaral sa Europa. Natapos
niya ang kaniyang Bachiller en Artes sa Instituto del Tarragona at ang
kaniyang Licenciado sa medisina at pagtistis sa Universidad de Barcelona
noong Nobyembre 1889. Itinuloy niya ang kaniyang doktorado sa medisina
sa Universidad Central de Madrid. Naging aktibo siyá sa mga kilusang
politikal sa Espanya.
Nang magbalik sa Filipinas noong 1892, nalaman niyang ipinatapon
ang kapatid niyang si Leon sa Lepanto habang si Rizal ay sa Dapitan.
Pinagsospetsahan siyá ng pamahalaan dahil sa pagiging aktibo sa mga
kilusang politikal sa Espanya at gayundin sa pagiging Mason. Nagpunta
siyá sa Hong Kong kasama ang pamilya ni Rizal upang makaiwassa
pagdakip. Sa Hong Kong, naging tagapayo siyá ng Alto Consejo de los
Revolucionarios at naging tagapamahala ng Comite Central Filipino.
Noong 1899, ipinadala siyá sa Estados Unidos kasama si Rafael del Pan
bilang kinatawan ng pamahalaang Rebolusyonaryo ng Filipinas upang
makipag-usap sa pamahalaang Amerikano. Noong 1903, nagbalik siyá
sa Manila at nagsimulang manggamot. Nagtrabaho siyá sa San Lazaro
Hospital 1906-1907. Nagsimula rin ang kaniyang karera bilang politiko.
Naging gobernador ng Batangas noong 1907, representante ng unang
distrito ng Batangas 1909-1912, bise presidente ng Partido Nacionalista,
at unang kalihim na Filipino ng departamento ng agrikultura sa ilalim Naaksidente siyá noong 1944 at nabulag noong 1947. Namatay siyá noong
ng pamahalaang kolonyal ng Amerika na iniwan din niya dahil sa 2 Marso 1949 at inilibing sa La Loma Cemetery sa Manila. (KLL) ed
karamdaman. VSA
Leon Apacible
(25 Oktubre 1861-1901)
Isang katangi-tanging ilustrado at Propagandista, si Leon Apacible (Le·ón
A·pa·síb·le), kapatid ng bantog ding si Galicano, ay isinilang noong 25
Oktubre 1861 sa Balayan, Batangas, kina Vicente Apacible at Catalino
Castillo na kapuwa mulang mariwasang pamilya. Nag-aral siyá sa Ateneo
Municipal, kaeskuwela ni Rizal, at tulad ni Rizal ay sobresaliente o may
pinakamataas na marka sa lahat ng klase.
Naging lisensiyado siyá sa hurisprudensiya noong 1886, nag-abogado sa
Batangas, nagtatag doon ng Masoneriya, at nahirang na hukom sa Lungsod
Batangas. Napangasawa niya si Matilde Martinez ng Taal at nagkaroon
silá ng tatlong anak. Kasáma siyá sa mga dinakip pagsiklab ng Himagsi-
kang 1896 at ipinatápon sa Lepanto (Bontoc ngayon). Nakabalik siyá sa
Batangas dahil sa Kasunduang Biyak-na-Bato, at lumahok sa ikalawang
yugto ng Himagsikan bilang ayudante ni Heneral Malvar. Pinangunahan
niya ang salakay sa Lungsod Batangas.

Nahirang siyang kinatawan ng Lepanto sa Kongresong Malolos. Magka-


sulatan silá ni Galicano, na naging bahagi ng Hong Kong junta. Minsan,
naisulat ni Galicano ang kaniyang kabiguan sa Republikang Malolos dahil
marami sa mga opisyal ang “inkompetente, tamad, at napakabagal mag-
pasiya sa mabibigat na usapin.” Inalok ni Galicano si Leon na sumáma sa
kaniya sa Hong Kong. Ngunit nanatili si Leon sa Filipinas. Sa Digmaang
Filipino-Amerikano, umuwi si Leon sa Taal at nagnegosyo. Namatay siyá
Leon Apacible Ancestral House, Batangas
noong 1901 sa gulang na 40 taón. Isang marker sa kaniyang alaala ang
inilagay ng National Historical Institute sa kaniyang bahay sa Taal noong
1970. Noong 1976, ibinigay ng kaniyang apóng si Meyor Corazon Cañiza
ang bahay at mga dokumento ni Leon sa gobyerno. Ipinaayos ng NHI ang
bahay bílang memoryal.
(GVS)
apáhap
Ang apáhap (Lates calcarifer (Bloch)) ay isdang nabibilang sa pamilyang
Centropomidae. Ito ay tinatawag ding kakap, bulgan, salongsong, katuyot,
matáng pusà. Matatagpuan ito sa mga baybaying dagat, estuwaryo, ilog,
batis at lawa, sa malinaw man o malabong tubig. Ito ay pinararami at
inaalagaan sa mga palaisdaan ng bansang Thailand, Malaysia, Singapore,
Indonesia, Hong Kong at Taiwan.

Ang katawan ng apáhap ay siksik na pahabâ. Ang ulo ay patulis samantalang


ang likod ay malukong na nagiging matambok sa harap ng palikpik sa
likod. Ang bibig ay malaki, bahagyang pahilig, at ang itaas ng panga ay
umaabot sa likod ng matá. Ang palikpik sa likod ay may 7 hanggang 9 na
tinik. Ang palikpik sa pektoral ay maikli at pabilog hábang ang palikpik sa
likod at puwit ay parehong may makaliskis na kaluban. Ang kulay kapag
nása dagat ay olibong kayumanggi sa itaas ng katawan at pilak sa gilid at
tiyan samantalang ginintuang kayumanggi naman kapag nása tubig tabang.
Ang tigulang na apahap ay kulay berdeng bughaw o abo sa itaas at pilak
sa ibabâ.

Matatagpuan ito sa malawak na bahagi ng tropikal at sub-tropikong


kanluraning Pasipiko at Karagatang Indian. Ang batàng apahap ay
nananatili sa mga ilog at lawa ng dalawa hanggang tatlong taon bago ito
bumalik sa estuwaryo at dagat upang mangitlog. Mabilis itong lumaki,
kadalasan ay tatlo hanggang limáng kilo sa loob ng dalawa o tatlong taon.
Naitalâ
ang pinakamalaking apahap na may sukat na 200 sentimetro samantalang
ang pinakamabigat naman ay 60 kilo. Kumakain ito ng mga alga, krustaseo
at maliliit na isdang tulad ng sapsap at banak.

Ibinebenta ang apahap nang sariwa o elado. Dahil sa mataas na halaga sa


pamilihan, ito ay naging kaakit-akit na kalakal sa akwakultura. Gayunman,
ang pangunahing hadlang sa pag-aalaga ay ang kakulangan ng suplay ng
maliliit na apahap mula sa dagat. (MA)
api-api
Ang api-api (Avicenniaalba) ay isang uri ng bakawan. Ito ay kadalasang
lumalaki ng dalawampung metro (66 na talampakan). Ang punò nitó ay
kulay abo kapag tuyo at kulay itim naman kapag nabasâ ang balát. Ang
dahon nitó ay makintab na kulay berde sa ibabaw at maputî naman sa
ilalim, kadalasang hugis itlog o hugis sibat na matulis ang dulo. Ang
bulaklak ng api-api ay parang mga krus tulad ng inflorescence nitó. Ang
mga talulot nitó ay kulay dilaw na may habàng apat na milimetro. Ang
kulay ng bunga ng api-api ay maputla na berde, pahabâ, at may mga
sumisibol na buto sa loob. Ito ay siksik o maraming palumpong na korona
na madalas sumasanga sa katawan ng bakawan. Ang ugat ay mababaw at
nagdadala ng maraming bilang na hugis lapis na pneumatophores.

Ito ay matatagpuan sa mga nabuong putikan (mudbanks) sa may gilid


patungong dagat o sa kahabaan ng ilog. Ito ay umaakit ng mga malilit na
kulisap (fireflies).

Ang troso ng api-api ay hindi pwedeng gamiting panggatong o uling ngunit


ito ay mainam gamitin na pampausok ng goma o ng isda. Ang katas ng
heartwood ay ginagamit sa mga herbal na gamot upang makagawa ng isang
gamot na pampalakas. Ang abo ng kahoy ng api-api ay maaaring gamitin
upang makagawa ng sabon. Ang mga buto naman nitó ay pinakukuluan at
kinakain bilang gulay. Paminsan-minsan may mabibili nitó sa mga lokal
na pamilihan (ACAL) ed VSA
apítong
sIsang uri ng matigas na punóngkahoy ang apítong na katutubo sa Timog-
Silangang Asia at India. Dipterocarpus grandiflorus ang siyentipikong
pangalan nitó. Mainam itong uling at gawing papel. Karaniwang ginagamit
na tabla ang kahoy nitó para sa sahig at dingding na panloob ng bahay,
pansahig ng trak, at playwud. Ang dagta nitó ay ginagamit na barnis.
Samantala, ang punongkahoy mismo ay mahalaga sa pagpigil ng pagguho
ng lupa at pagsasaayos ng nitroheno sa lupa.
Ang apitong ay tumataas ng 43 metro, walang sanga hanggang 30 metro,
at mat balát na bahagyang dilaw. May dahon itong biluhaba at 10-18
sentimetro x 5-12 sentimetro ang laki, at may malaking bulaklak na may
samyo. Ang pangalan nitó sa Latin ay tumutukoy sa pagkakaroon ng
malaking bulaklak. Nagkakaroon ito ng bulaklak at bungang nuwes taon-
taón at nahihinog ang bunga sa loob ng 3-5 buwan. Ang isang punongkahoy
na nagsisimulang mamulaklak at magbunga bago sumapit ang ika-30 taón
nitó.
Mainam na proteksiyon ng watershed ang apitong. Nakapag-iimbak ito
ng maraming tubig-ulan at natitimpi ang daloy nitó sa mga batis, latian, at
mga imbakang-tubig ng irigasyon. (VSA)
apò
Sa mga kasapi ng maraming angkang Filipino, karaniwang tumutukoy ang
apò sa napakatandang lalaking miyembro. Itinuturing ang isang apò na
may maraming kaalaman at karanasang maibabahagi sa iba pang kasapi
ng angkan. Sa isang pamayanan, bayan, at maging sa mga organisasyon,
itinuturing ding apò ang mga matandang iginagálang ng mga tao o kasapi
dahil sa mayamang kaalaman at karanasan.

May mga pangalan ng mga lugar sa Filipinas ang nag-ugat sa titulong apò.
Isa na rito ang Lungsod ng Olongapo, na sinasabing nagmula sa mga salitang
“ulo ng apo”. Sa katunayan, may rebulto ng Ulo ng Apo sa lungsod at ito
ay nagsisilbing sagisag ng pagkakaisa ng mga taga-Olongapo. Itinuring
namang banal na lugar ng mga katutubong naninirahan ang Bundok Apò
at pinaniniwalaang ipinangalan ito kay Apo Sandawa, isang mahalagang
ninuno nilá.

Isang kilaláng tao na may titulong apò ay si Pangulong Ferdinand E.


Marcos. Para sa mga naniniwala, si Apo Marcos ay isang dakilang tao.
Marami sa mga naniniwala kay Apo Marcos ay mga Ilokano dahil na rin
sa malaking tulong ni Ferdinand Marcos upang mapaunlad ang kanilang
pamumuhay noong pangulo pa ito ng Filipinas. (MJCT) ed VSA

Ulo ng Apo, Lungsod Olonggapo


Cecilio Apostol
(22 Nobyembre 1877-17 Setyembre 1938)
Si Cecilio Apostol (Se·síl·yo A·pos·tól) ay isang pangunahing makata,
mananaysay, tagasalin, at editor sa wikang Espanyol.

Isinilang siyá sa Santa Cruz, Maynila noong 22 Nobyembre 1877 kina Jose
Pablo Apostol, isang bookkeeper, at Marcelina delos Reyes. Nagkaroon
siyá ng anim na anak sa asawang si Margarita San Jose. Noong kaniyang
kabataan, mahilig siyáng sumulat ng tula at magpinta. Nagtapos ng batsilyer
sa Ateneo Municipal de Manila noong 1894 at pagkaraan ay kumuha ng
abogasya sa Universidad de Santo Tomas. Inihinto niya ang pag-aaral ng
abogasya upang sumama sa Himagsikang 1896.

Nagsimula ang hilig niya sa panitikan sa Ateneo. Sumasama siya sa mga


pulong ng mga manunulat sa Intramuros at nahilig magbasá ng panitikang
Espanyol. Noong 1899, sumama siya sa La Independencia na itinatag ni
Antonio Luna. Nakapagsulat siya sa mga pahayagang nasyonalistiko tulad
ng La Patria, La Fraternidad, La Democracia, El Renacimiento, at La
Union.

Dahil likás na mapag-isa, pinili niyang magtrabaho na lamang bilang


manunulat at tagasalin sa city attorney’s office ng Maynila noong 1903
habang ipinagpapatuloy ang kaniyang abogasya sa UST. Bagaman
hindi niya nakuha ang kaniyang degree, nakapasa siyá sa bar exam at
nakapagtrabaho sa law office ni Vicente Francisco.

Ang ilan sa mga una niyang tula gaya ng “El tenor de los Mares Indicos”
ay lumabas sa El Comercio noong 1895. Ang mga tanyag niyang katha ay
mayroong temang patriyotiko gaya ng “Los martires anonimos de la patria,”
“Al Yankee,” at “Rizal” noong 1899. Nagkamit ng gantimpala mula sa Club Dahil sa ipinamalas na husay sa pagtula, minsan nang ginamit ang kaniyang
Internacional ang kaniyang mahabàng tula na “Mi raza.” Nagsulat din siyá mga akda upang ituro ang wikang Espanyol sa ilalim ng Republic Act No
ng mga tula hinggil sa mga kilalang personalidad gaya nina Marcelo H. del 1881 kahanay nina Jose Rizal, Fernando Ma. Guerrero, Jose Palma, Claro
Pilar, Manuel Ravago, at Wenceslao E. Retana. Ang kaniyang “A Emilio M Recto, at iba pa. Kinikilala din maging sa ibang bansa ang kaniyang
Jacinto” ay nanalo sa isang patimpalak para sa naturang bayani noong husay—isinama ang kaniyang mga tula at talambuhay sa Anthology of
1914 habang ang kaniyang “Sobre el pinto” ang pinag-ugatan ng bansag Spanish Poetry ni Carl Kjersmeier at sa Enciclopedia España.
na Dakilang Lumpo kay Apolinario Mabini. Isinalin niya sa iba’t ibang
wika ang ilang kathang Filipino, tulad ng Dekalogo ni Andres Bonifacio sa Namatay siya noong 17 Setyembre 1938 sa Caloocan, Rizal (Lungsod
wikang Pranses at ng epikong Lam-ang sa wikang Espanyol. Tinipon ang Kalookan ngayon) at ipinangalan sa kaniya ang isang malaking paaralang
kaniyang mga tula sa librong Pentelicas na inilabas noong 1940s. publiko sa naturang lungsod. (KLL) ed VSA
Gaspar Aquino de Belen
Itinuturing na unang pangunahing makatang Tagalog sa panahon ng
kolonyalismong Espanyol si Gaspar Aquino De Belen (Gas·pár A·kí·no
De Be·lén). Kinikilála siyá sa kaniyang Ang Mahal na Passion ni Iesu
Christong P. Natin na Tola, ang unang nalathalang pasyong tula sa bansa.
Nalathala ang nasabing pasyon bilang bahagi ng kaniyang librong Manga
panalanging pagtatagobilin sa caloloua nang tauong naghihingalo
(1703), na salin ng Recomendacion del alma ni Tomas de Villacastin.
Naglalaman ito ng mga hakbang sa pagpapahid ng santo oleo sa maysakít
at naghihingalo at iba pang ritwal at dasal para sa pagliligtas ng kaniyang
kaluluwa. Ito ang dahilan, ayon kay Bienvenido Lumbera, kayâ ang Ang
Mahal na Passion ni Aquino de Belen ay sumasaklaw lámang sa hulíng
yugto ng búhay ni Hesukristo.

Itinatag ng Ang Mahal na Passion ang anyo ng saknong ng pasyón.


Binubuo ang saknong ng limang taludtod na may isáhang tugma at ang
bawat taludtod ay may súkat na walong pantig. Kinilála rin ni Lumbera
ang husay ni Aquino de Belen tungo sa pagsasakatutubo ng ilang diwa ng
búhay ni Kristo at nakatulong upang madalî itong maunawaan ng madla.
Halimbawa, sinurot ng awtor si Hudas matapos pagtaksilan si Hesus
ngunit hindi dahil nagkasála sa Diyos. Sa halip, ang ipinansurot ay ang
katutubong konsepto ng utang-na-loob. Ipinaalaala na lumaki si Hudas na
matalik na kaibigan ni Hesus, itinuring siyáng “kasambaháy” sa bahay
ni Maria, nagsálo silá sa pagkain, at ipinaghahain ng kahit bahaw kapag
naligaw sa tahanan nina Hesus. Sa maikling salitâ, sa hálagáhang Filipino,
si Hudas ay walang utang-na-loob:

Di cayo,y, nagsasangbahay,
Iysa ang inyong dulang?
Cun icao ay longmiligao,
May laan sa iyong bahao,
Canin, at anoanoman.

Walang gaanong ulat sa búhay ni Aquino de Belen. Isinilang siyá sa


Rosario, Batangas at naging tagapangasiwa ng imprenta ng mga Heswita
sa Maynila mula 1704 hanggang 1716. Bahagi siyá ng principalia at
nagkaroon ng edukasyong naghanda sa kaniya bilang isang mahusay na
tagapangasiwa ng imprenta. (VSA)
Benigno Aquino Jr.
(27 Nobyembre 1932-21 Agosto 1983)
Si Benigno Simeon Aquino Jr. (Be·níg·no Sim·yón A·kí·no), mas kilala
bilang “Ninoy,” ay isang Filipinong senador na naging pangunahing kritiko
laban kay Pangulong Ferdinand E. Marcos noong panahon ng diktadura.
Pinaslang siyá sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila pagkauwi mula sa
destiyero sa Estados Unidos. Ang kaniyang pagkamatay ang nagsilbing
mitsa ng pagkakaluklok ng kaniyang maybahay, si Corazon Cojuangco
Aquino, bilang Pangulo na pumalit sa 20 taóng rehimeng Marcos.

Isinilang siyá sa Concepcion, Tarlac noong 27 Nobyembre 1932 kina


Aurora Aquino-Aquino at Benigno S. Aquino Sr., dating Assemblyman.
Ang kaniyang lolo, si Servillano Aquino, ay isang heneral sa hukbong
rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo. Pumasok siyá sa Ateneo de Manila
upang mag-aral ng batsilyer sa sining. Hindi niyá ito natapos sapagkat
pinilìng maging peryodista. Sa edad 17, si Aquino, para sa pahayagang
The Manila Times ni Joaquin “Chino” Roces, ang naging pinakabatàng
korespondent para sa Digmaang Korea, at sinundan niyá doon ang mga
gawain ng mga sundalong Filipino (PEFTOK). Natamo niyá dahil sa
Korea ang Philippine Legion of Honor na iginawad sa kaniya ni Pangulong
Elpidio Quirino sa edad na 18. Kumuha siyá ng abogasya sa Unibersidad
ng Pilipinas, ngunit hindi niyá rin ito natapos.

Sa edad na 22, nahalal si Aquino bilang alkalde ng Concepcion, Tarlac. Siyá


ang naging pinakabatàng bise-gobernador noon ng bansa sa edad na 27.
Dalawang taon lang ang lilipas bago siyá maging gobernador ng lalawigan.
Noong 1967, sa edad 34, siyá ang naging pinakabatàng halal na senador
sa kasaysayan ng Filipinas. Di malaon ay umusbong si Aquino bilang
pangunahing kritiko laban kay Marcos at sa asawa nitóng si Imelda.

Nang ipahayag ang Batas Militar noong Setyembre 1972, dinakip si


Aquino at nakulong ng maraming taon. Nagkaroon siyá ng sakit sa puso at
pinahintulutang lumabas ng bansa upang maoperahan sa Estados Unidos. kaniyang anak na si Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III.
Sinubok niyáng bumalik sa Filipinas noong 1983, ngunit pagtuntong pa
lamang niyá sa paliparan ng MIA, binaril siyá sa ulo. Ang pagpaslang Bilang pagpapahalaga, ipinangalan ang paliparang tagpo ng kaniyang
sa kaniya ang isa sa mga pangyayaring nagdulot sa People Power kamatayan bilang Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Makikita
(EDSA) Revolution ng 1986 na nagbalik ng kalayaan sa taumbayan, at ang kaniyang imahen sa 500 pisong papel ng Bangko Sentral ng
sa pagkakaluklok sa kaniyang iniwang maybahay na si Corazon Aquino Pilipinas, at matatagpuan ang kaniyang monumento sa sentrong distritong
bilang Pangulo ng bansa. Noong 2010, nahalal din bilang pangulo ang pangkalakaran ng Lungsod Makati. (PKJ) (ed VSA)
Benigno Simeon C. Aquino III
(8 Pebrero 1960—)
Tulad ng kaniyang inang si Pangulong Corazon C. Aquino, isang “di-
akalaing” pangulo ng Republika ng Filipinas si Benigno Simeon C.
Aquino III (Be·níg·no Sim·yón Si A·kí·no) nang kumandidato at magwagi
sa halalang 2010. Hindi siyá kasáma sa mga pinagpipiliang kakandidato
sa simula ng kampanya para sa eleksiyon. Sa gayon, bukod sa nahulí sa
pagtakbo ay minaliit ang kaniyang kakayahan, mahiná ang makinaryang
pampolitika, at kulang sa pondo. Ngunit sinasabing dinalá siyá sa tagumpay
ng bagong silakbo ng “Cory phenomenom” dahil sa pagpanaw ng ina
noong 1 Agosto 2009.

Isinilang si Noynoy (ang palayaw niyá) o PNoy (ang itinawag sa kaniya


pagkaraang manalo) noong 8 Pebrero 1960 sa Maynila at pangatlo sa limang
anak nina Benigno (Ninoy) Aquino Jr at Corazon (Tita Cory) Cojuangco
Aquino. Ikaapat na salinlahi na siyá ng mga politiko sa pamilya, mula kay
Servillano Aquino na delegado sa Kongresong Malolos, lolong si Benigno
Aquino Sr. na ispiker sa Mababàng Kapulungan noong 1943-1944, at mga
magulang. Nagtapos siyá sa Ateneo de Manila noong 1981 at kasáma ng
pamilya nang kusang madestiyero si Ninoy sa Estados Unidos. Nagbalik
siyá pagkatapos paslangin si Ninoy noong 1983 at tahimik na nagtrabaho
sa pribadong sektor. Nahalal siyá sa Mababàng Kapulungan noong 1998 at
muling nahalal noong 2001 at 2004. Kumandidato siyáng senador noong
2007 at nagwagi. Sa panahong ito, sinabi nang dinalá siyá sa tagumpay ng
magkatulong na popularidad ng ina at ng artistang kapatid na si Kris.

Umugong ang panawagang kumandidato sa pagkapangulo si Noynoy


nang mamatay si Pangulong Corazon Aquino, lalo na upang ituloy
ang kampanya noon ni Tita Cory laban sa mapagmalabis na gamit sa
kapangyarihan ni Pangulong Arroyo. Matagal bago nagpasiya si Noynoy.
Kinailangan pa ang kampanyang lumikom ng sangmilyong lagda ng
taguyod sa kaniya. Kumonsulta siyá ng mga tao hanggang Mindanao.
Nang tanggapin niyá ang nominasyon sa Partido Liberal, ginawa niyang
islogan ang paghanap ng “daang matuwid” para sa pagkakaisa at kaunlaran
ng bansa. Ipinamalas niyá ang dibdibang pagsunod sa kaniyang islogan
nang ipahayag niyá pagkapanumpa bilang pangulo ang kampanya laban sa
ugaling “wangwang.” Sinundan ito ng pag-usig sa sari-saring katiwaliang
naganap sa nakaraang administrasyon. (VSA)
Maria Corazon C. Aquino
(23 Enero 1933-1 Agosto 2009)
Isang “di-akalaing” pangulo si Maria Corazon Cojuangco Aquino
(Mar·yá Ko·ra·zón Ko·hwáng·ko A·kí·no) nang iluklok siyá sa
Malacañang ng People Power sa EDSA at maging unang babaeng pangulo
ng Republika ng Filipinas. Tinapos ng Pag-aalsang EDSA ang mahigit
20 taóng pamumunò ni Pangulong Marcos at ibinalik ng pamumunò ni
Pangulong Aquino ang demokrasya sa bansa.
“Tita Cory” ang popular na tawag kay Pangulong Aquino. Taglay ng
palayaw ang pangyayaring tila isa lámang siyáng tahimik na maybahay ng
martir na si Benigno (Ninoy) Aquino Jr. ngunit isinulong sa politika dahil
sa pagpaslang kay Ninoy noong 21 Agosto 1983. Isinilang si Tita Cory sa
Maynila noong 23 Enero 1933 at anak nina Jose Cojuangco Sr. at Demetria
Sumulong na kapuwa mula sa mariwasa at politikong pamilya. Noong
1946, nagpunta sa Estados Unidos ang kaniyang pamilya kayâ doon siyá
nagtapos ng mataas na paaralan at ng kursong Batsilyer sa Sining. Bumalik
siyá sa Filipinas at kumuha ng abogasya sa Far Eastern University ngunit
hindi nakatapos dahil ikinasal kay Ninoy. Nagkaroon silá ng limang anak:
sina Maria Elena, Aurora Corazon, Victoria Eliza, Benigno III (Noynoy)
na naging pangulo ng Filipinas, at Kristina Bernadette (Kris) na isang
popular na artista.

Bago ang 1983, isang tapat na maybahay at mapagmahal na ina ang


tungkulin ni Tita Cory. Kailangan iyon upang maitaguyod ang masiklab
na karera ni Ninoy bilang politiko. Si Ninoy ang itinuturing na nag-iisang
tinig ng oposisyon sa panahon ng pamumunò ni Pangulong Marcos. Sa
eleksiyong 1967, si Ninoy lámang ang nagwaging kandidatong senador
ng tiket Liberal. Si Ninoy din ang patuloy na tumuligsa at nagbubulgar ng
mga anomalya sa administrasyon. Nang pairalin ang Batas Militar, isa si
Ninoy sa unang-unang dinakip at ipiniit. Pinawalan lámang siyá dahil sa
karamdaman at sa kondisyong magtitira sa Estados Unidos. Saksi at nása Pebrero 1986 ay nanumpa na sa umaga ng araw na iyon si Tita Cory bilang
likod ni Ninoy si Tita Cory sa buong pangyayari. pangulo. Bumuo ng Komisyong Konstitusyonal si Tita Cory upang bumuo
ng bagong Saligang-Batas. Sa kabilâ ng mga kudeta, isa-isang ibinalik ng
Nang tumawag ng Snap Elections si Pangulong Marcos noong 7 Pebrero kaniyang administrasyon ang mga demokratikong institusyon. Sinunod din
1986, napagkaisahang ilaban ng oposisyon si Tita Cory. Napasalin sa kaniya niyá ang bagong 1987 Konstitusyon na bumabâ sa tungkulin pagkatapos
ang paghanga kay Ninoy. Nang magwagi ang protesta ng taumbayan sa ng anim na taón. Ngunit patuloy siyáng pumatnubay sa takbo ng politika
pamamagitan ng mapayapang na People Power (tinatawag ngayong Pag- at hindi lumipas ang kaniyang pambihirang popularidad hanggang igupo
aalsang EDSA) at mapatalsik si Pangulong Marcos noong gabi ng 25 ng karamdaman noong 1 Agosto 2009. (VSA)
Melchora Aquino
(6 Enero 1812-2 Marso 1919)
Binansagang “Tandang Sora” si Melchora Aquino (Mel·tsó·ra A·kí·no)
bilang pagkilala sa kaniyang paglilingkod at pagkakanlong sa mga
kababayan noong Himagsikang 1896 kahit na siyá ay nasa katandaang
gulang na. Itinuturing siyá bilang “Ina ng Rebolusyong Filipino,” “Ina ng
Katipunan,” at “Ina ng Balintawak.”
Isinilang siyá sa Balintawak noong 6 Enero 1812 sa bayan ng Kalookan
(at ngayon ay matatagpuan sa Lungsod Quezon) kina Juan at Valentina
Aquino, pawang mga maralita. Sa kaniyang pagtigulang, ikinasal siyá
kay Fulgencio Ramos, isang cabeza del barrio. Nagsilang siyá ng anim
na anak. Pumanaw si Ramos noong pitong taon pa lamang ang kanilang
bunso. Kahit nag-iisang magulang, naging abala si Aquino sa mga pista,
binyag, at kasal bilang hermana mayor.
Nang sumiklab ang rebolusyon laban sa mga Espanyol noong 1896 ay 84
taong gulang na si Aquino. Ngunit hindi naging sagabal ang kaniyang edad
upang makapaglingkod sa mga Katipunero. Naging kanlungan ng mga
hapo at sugatang mandirigmang Filipino ang kaniyang tahanan at munting
tindahan, na ginagamit ding lihim na pulungan ng mga ito. Pinakakain sila
ni Tandang Sora at pinapupunta sa lugar na ligtas sa pang-uusig ng mga
Espanyol. Nangangalap din siyá ng mga damit at gamot para sa kanila.
Nasaksihan niyá at ng kaniyang anak na si Juan Ramos ang pagpunit ng
mga sedula sa Unang Sigaw.
Dahil sa pagkakasangkot sa Himagsikan, hinúli siyá ng guwardiya sibil at
dumaan sa interogasyon. Tumanggi siyáng magpahayag ng kaalaman ukol
sa mga gawain ng Katipunan. Ipinatapon siyá ng mga Espanyol sa Guam
sa Islas Marianas. Nang masakop ng mga Amerikano ang Filipinas noong
1898, kasama si Aquino sa mga pinalaya at pinabalik sa bansa. Namatay
siyá noong 1919 dahil sa katandaan at inilibing sa sarili niyáng bakuran, na
ngayon ay bahagi na ng Himlayang Pilipino Memorial Park. Ipinangalan
sa kaniya ang isang distrito, isang barangay, at isang pangunahing daan
ng Lungsod Quezon. Siyá ang kauna-unahang Filipina na mailagay sa
salaping papel ng Bangko Sentral ng Pilipinas (100 pisong papel mula
1951 hanggang 1966); lumabas din siyá sa 5 sentimong barya mula 1967 guhit ni Romulo Olazo
hanggang 1992.
ni Aquino mula sa Himlayang Pilipino patungo sa Pambansang Dambana ni
Ipinahayag ang taong 2012 bilang Taon ni Tandang Sora bilang paggunita Tandang Sora sa Banlat Road, Barangay Tandang Sora, Lungsod Quezon.
sa ikalawang sentenaryo ng kaniyang kapanganakan; inilipat ang mga labí (PKJ) (ed VSA)
Arábe
Ang mga Arábe ay isang pangkating etniko na malaganap sa Gitnang
Silangan at Hilagang Aprika. Isa silá sa mga unang dayuhang
nakipagkalakalan sa Filipinas.

Masigla ang kalakalan ng mga Arabe at mga Tsino nang buksan ang Canton
sa dayuhang kalakal. Subalit noong ikasiyam na dantaon, ipinagbawal ng
Dinastiyang Tang ang pagpasok ng mga Arabe sa kanilang bansa. Dahil
dito, napilitang siláng maghanap ng ibang ruta hanggang sa matagpuan
nila ang Calamianes at Mindanao. Nakipagkalakalan silá sa mga katutubo
doon na naging unang palatandaan ng kalakalan ng mga Arabe at ng mga
Filipino.

Hindi naglaon, hindi lamang mangangalakal ang dumating sa Filipinas.


Dumating din ang mga misyonerong Arabe upang magpalaganap ng
pananampalatayang Islam. Si Karim al-Mukdum ang itinuturing na kauna-
unahang misyonerong Arabe na nagpahayag ng mga aral ng Islam noong
1380. Sinundan ito ni Rajah Baguinda noog 1930 at ni Abu Bakr noong
1450. Si Abu Bakr ang nagpatuloy ng pagpapalaganap ng Islam sa Sulu at
sa karatig na mga pulo. Higit na napadalî ang pagpapalaganap nang Islam
ng pagsama-samahin ang mga barangay na tumanggap nitó at nang itatag
ang mga sultanato, isang uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng isang
sultan. Si Abu Bakr naging kauna-unahang sultan ng Sulu.

Bukod sa relihiyong Islam at pamahalaang sultanato, ilan pa sa mga


impluwensiya ng mga Arabe ay ang pagbilang, pagsasalita, at pagsulat
sa wikang Arabe. Ilan sa mga salita sa wikang Arabe ay naisáma na sa
bokabularyong Filipino ay hukom, pilat, salamat, at sulat. Sa musika,
maraming instrumento at sayaw ang hango sa mga ipinakilála ng mga
Arabe, tulad ng sayaw na singkil. Sa larangan ng panitikan, naging
inspirasyon naman sa paggawa ng maraming kuwento ng mga Mëranaw
at Tausug ang mga kuwentong bayan sa Arabia. (MJ) ed VSA
Aranéta Coliseum
Ang Araneta Center ay ang sentro ng komersiyo sa Cubao, Lungsod
Quezon, Kalakhang Maynila. May lawak itong 35 ektarya, at tinatáyang
daan-daang libong katao ang bumibisita sa samot-saring opisina, pamilihan,
tahanan, at pook-libangan dito araw- araw. Pinakatanyag sa mga gusali
nitó ang Araneta Coliseum, ang pinakamalaking pook-libangan sa Asia
na binuksan noong 1960 bílang pinakamalaking indoor arena sa buong
mundo.

Binili ni J. Amado Araneta ang lupang binabakuran ng Epifanio Delos


Santos Avenue (EDSA), Aurora Boulevard, P. Tuazon, at 15th Avenue,
mula sa Radio Corporation of America noong 1952, at mula noon ay hawak
na ito ng pamilyang Araneta. Sinimulan ang paggawa sa Coliseum noong
1957, at si Dominador Lugtu ang nagsilbing arkitekto. Ang sahig nitó ay
sumasaklaw ng 23,000 metro kuwadrado.

Isang laban sa boksing ni Gabriel “Flash” Elorde para sa kampeonato ang


nagpasinaya sa arena, at mula noon, iba’t ibang mahahalagang okasyon
sa larangan ng isports at libangan ang ginanap dito. Ilan dito ang laban
sa boksing nina Muhammad Ali at Joe Frazier na tinaguriang “Thrilla in
Manila,” mga pandaigdigang laban sa basketbol, at konsiyerto ng mga sikat
na musikero. Mahigit isanlibong laro ng Philippine Basketball Association
(PBA) ang naidaos na sa tinaguriang ”The Big Dome.” Depende sa
okasyon, káyang magpaupô ng koloseo ng 15,000 hanggang 16,500 katao,
at nadadagdagan ito ng mga táong nakatayô sa mga pilìng pagkakataón;
halimbawa, maaaring umabot sa halos 24,000 katao ang nanonood sa mga
laban para sa kampeonato sa basketbol.

Bukod sa Coliseum, matatagpuan din sa Araneta Center ang malalaking


pamilihan tulad ng Ali Mall, Farmers Market, Farmers Plaza, Gateway
Mall, at SM Cubao. Terminal din ito ng mga bus papuntang Timog Luzon,
at nása paligid lámang ng sentro ang iba pang terminal ng bus papuntang
Hilaga at Timog Luzon. (PKJ)
Gregorio S. Araneta
(19 Abril 1869-9 Mayo 1930)
Si Gregorio Soriano Araneta (Gre·gór·yo Sor·yá·no A·ra·né·ta) ay isang
abogado at politikona naging pinakabatàng associate justice sa kasaysayan
ng Korte Suprema, at unang Filipino na humawak ng mataas na posisyon
noong panahon ng pamahalaang Amerikano.

Pagkatapos pumasá sa pagsusulit sa abogasya, pumasok siyá sa law office


ni Don Jose Ycaza bago maging auxiliary register of deeds ng timog distrito
ng Maynila (1894-1895) at nanunungkulang piskal (1896). Noong panahon
ng Himagsikang Filipino, nanungkulan siyáng kalihim ng Kongreso ng
Malolos at Kalihim ng Katarungan ni General Emilio Aguinaldo. Noong
1899, sa panahon ng Amerikano, itinalaga siyá ni Heneral Elwell Otis bilang
Associate Justice ng Korte Suprema. Noong 1901, itinalaga naman siyáng
Solicitor General, at noong 1906, Attorney General. Noong 1908, hinirang
siyáng kasapi ng Philippine Commission at Kalihim ng Katarungan at
Kasapian. Pagkatapos ng kaniyang panunungkulan noong 1913, nagtayô
siyá ng sariling law office at nagturo ng abogasya sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Tumakbo siyá bilang Senador noong 1916 ngunit hindi pinalad na
magwagi. Nang inalok siyá ni Ispiker Sergio Osmeña na maging Punòng
Mahistrado ng Korte Suprema, tinanggihan niya ito upang magbigay-
daan kay Manuel Araullo, na pakiramdam niya ay mas karapat-dapat sa
posisyon.

Isinilang siyá noong 19 Abril 1869 sa Molo, Iloilo kina Felix Araneta at
Paz Soriano. Nag-aral siyá sa mga pribado at pampublikong eskuwelahan
sa Molo bago mag-aral ng sekundarya sa Ateneo Municipal de Manila. Sa
Ateneo din siyá nagtapos ng batsilyer en artes. Noong 1891, nakamit niya
ang Licenciado en Derecho sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagkaroon
siyá ng 14 anak sa asawang si Carmen Zaragoza. Pumanaw siyá noong 9
Mayo 1930 sa atake sa puso. Ipinangalan sa kaniya ang isang pangunahing
abenida sa Lungsod Quezon at ang De La Salle Araneta University (dating
Gregorio Araneta University Foundation). (PKJ) ed VSA
Juan Araneta
(13 Hulyo 1852-3 Oktubre 1924)
Si Juan Araneta (Hu·wán A·ra·né·ta), kilalá bilang Don Juan, ay lider sa
Rebolusyong Negros. Isa rin siyáng tagapanguna sa pagsasaka dahil sa
pagdadalá niya ng mga makabagong pamamaraang agrikultural sa bansa.
Isinilang siyá noong 13 Hulyo 1852 sa Molo, Iloilo kina Romualdo
Araneta at Agueda Torres. Lumipat ang mga Araneta sa Negros at doon
na namalagi. Nag-aral siyá ng Komersiyo sa Ateneo Municipal de
Manila. Nang magbalik sa Molo, hinirang siyá bilang Capitan del Pueblo.
Naghinala sa kaniya ang mga fraile noon ngunit dahil sa mataas na respeto
sa kaniya ng mga taumbayan ay hindi siya mapatalsik.
Noong 1891, matapos mamatay ng kaniyang asawa, ay nagpunta siyá sa
Europa kasáma ang kaibigang si Don Caludio Reina. Nagkaroon siyá ng
pagkakataóng makilála ang mga lider na Filipino na nása Madrid, London
at Paris. Lalong nag-init ang mga fraile sa kaniya nang siyá ay bumalik sa
bansa. Inagaw ang kanilang lupa at kinailangan niyang dalhin sa Bundok
Kanlaon ang kaniyang pamilya upang magsimula ng bagong sakahan.
Ang kaniyang mga paglalakbay sa Europa ang nagbukás sa kaniya sa mga
makabagong kagamitang pang-agrikultura tulad ng sugar mill mula sa
Inglatera na inilagay niya sa kaniyang asyenda sa Dinapalan, baler para sa
abaca, rice thresher at iba pa. Naging mapaghinala ang mga awtoridad na
Espanyol sa mga idinedeskarga sa kaniyang lupain sa Lumangub. Dinakip
siyá at dinalá sa Concordia noong Enero 1897. Ipiniit siyá sa Himamaylan,
sa Ilog, na kabisera noon ng probinsiya, at sakâ sa Bacolod upang doon
pakawalan noong Oktubre 1897.
Noong 5 Nobyembre 1898, naging matagumpay ang Rebolusyong Negros.
Kasáma si Heneral Aniceto Lacson bilang Presidente, siya ay naging
Kalihim ng Digma sa itinatag na Republikang Negros. Nang dumating
ang mga Amerikano sa Iloilo, ipinayo niyang sumunod ang Republika sa
mga ito. Noong 1904, isa siyá sa mga naging komisyoner sa St. Louis
Exposition. Itinanghal niya ang iba’t ibang klase ng bigas, kakaw, abaka,
at iba pang ani mula Negros at Panay. Nagpatuloy siyá sa pagpapaunlad
ng agrikultura, sa kagamitan man o sa mga itinatanim. Isa siyá sa mga
nagtatag ng Ma-ao Sugar Central.
Nagkaroon siyá ng 25 anak sa apat na naging asawa na sina Celestina Diaz,
Cristeta Sarmiento, Natalia Salsalida, at Juanita Camillarosa. Namatay
siyá noong 3 Oktubre 1924 sa Negros Occidental. (KLL)
aránya
Ang aránya, mula sa Espanyol na araña, ay isang sanga-sangang kumpol ng
mga ilaw na nakasabit sa kisame ng bulwagan o pangunahing pinagtitipunan
ng mga tao sa isang gusali. Bukod sa gamit bilang ilaw ay nagsisilbi itong
palamuti at tatak ng karangyaan. Mas maraming nakakumpol na ilaw,
mas marangya at kahanga-hanga. Tinawag itong aránya dahil tila sápot ng
gagamba—na araña din sa Espanyol. Noong araw, kandila ang mga ilaw
na itinutulos sa aranya. Ngayon, mga bombilya ang mga ilaw ng aranya,
bagaman may mga bombilyang hinubog kandila ang ikinakabit.

Karaniwang nakikita ang aranya sa loob ng mga simbahan, palasyo,


malalaking modernong gusali, at mansiyon. Hinahangaan din ang disenyo
nitó. Isa sa mga hinahangaang aranya ay makikita sa pangunahing lobby
ng Sentrong Pangkultura sa Filipinas (CCP). Idinisenyo ni Patricia Keller
ang tatlong malalaking aranyang gawa sa 5,000 capiz at prismong kristal.
Simbolo ng tatlong pangkat ng mga pulo (Luzon, Visayas at Mindanao)
ang tatlong kumpol ng mga ilaw. (MJCT) ed VSA
aráro
Isang pangunahin at tradisyonal na kasangkapan sa pagsasáka ang aráro
(mula sa Espanyol na arado). May mga varyant itong dáro sa Sebwano
at dádo sa Mëranaw at tinatawag na lókoy sa Pangasinan. Ginagamit
ito sa pagbungkal ng malaking piraso ng bukirin, lalo na sa kapatagan,
at karaniwang hinihila ng kalabaw o báka. May paniwala na ipinakilála
lámang ito sa agrikultura ng Filipinas sa panahon ng kolonyalismong
Espanyol. Hindi ito ginagamit sa pagbabakál ng bakood at kaingin. Hindi
rin gumagamit ng aráro ang pagsasáka noon ng payyo sa Cordillera.
Kinailangan ang aráro sa maluluwang at pinatubigang bukirin.

Ang tradisyonal na aráro ay binubuo ng bahaging kahoy at bahaging bakal.


Apat na piraso ng kahoy ang pinakabalangkas nitó, kasáma ang tinatawag
na lúnas, ang nakaarkong kahoy na kinakabitan ng lubid na may singkaw
ng kalabaw, at ang mataas na puluhan na tinatawag na úgit. Ang lúnas ay
pinakatiyan ng aráro at binubuo ng dalawang maikling piraso ng kahoy na
pinaghugpong sa anggulong 90 digri. Sa hugpungan ng lúnas nakakabit
ang bahaging bakal, na binubuo naman ng sudsód at lípya. Ang sudsód ay
patulís na piraso ng bakal at tulad ng ibig sabihin ng pangalan ay tumutusok
sa lupang binubungkal. Ang lípya ay hugis-pusong piraso ng bakal at
humahawi sa isang tabi sa mga tiningkal o malalaking piraso ng lupa na
iniaalsa ng sudsód. Sa kasalukuyang modernong pagsasáka, pumalit na sa
aráro ang mekanisadong traktora bilang pambungkal. May tinatawag na
kuliglíg, na tatak ng isang maliit at popular na traktorang-kamay. (VSA)
ar-arosép
Isang uri ng kinakaing halamang-dagat ang Caulerpa lentillifera na higit
na kilalá sa pangalan nitóng ar-arosép sa Ilokano at lató sa Tagalog. Para
itong kumpol-kumpol na berdeng ubas kayâ sea grapes ang tawag sa Ingles.
Inalagaan na ito sa maraming pook sa Filipinas at sa Okinawa at kinakain
nang hilaw bilang ensalada. Mayaman ito sa iodine, iron, calcium, at mga
bitamina A at C. Kilalá itong omi-budo sa Okinawa na “ubas dagat” ang
ibig sabihin.

Masagana ang ar-arosep sa Pangasinan, lalo na sa mga bayan ng Agno,


Lingayen, at Bolinao. Karaniwang isinasawsaw lámang sa sukà ang hilaw
na ar-arosep. Ngunit sa Pangasinan, hinahaluan ito ng mga pinirasong
kamatis at bagoong (siyempre, bagoong Pangasinan).

May matagumpay nang pond cultivation ng ar-arosep sa isla ng Mactan


at ipinagbibili ang anis a Cebu at Manila. Umaabot ito sa 400 ektarya at
umaani ng 12-15 tonelada ng sariwang damong-dagat bawat ektarya taón-
taón. Isang malaking problema ang pagluluwas nitó sa ibang bansa dahil
mabilis malanta. Kamakailan, iniluluwas ang inasnang lato sa Japan at
Estados Unidos.

Lumilitaw sa pag-aaral na bumababà ang kalidad ng lato o ar-arosep dahil


sa pagkawala ng tubig na nangangahulugan ng pagkawala din ng iodine
at bitamina A. Lumilitaw din sa saliksik na naaapektuhan ang lasa nito ng
pagkawala ng tubig. Nababawasan ang pagiging madulas at makatas nitó.
Ang malaking problema, higit na malaking bahagi nitóng tubig at iodine
ang nawawala kapag malakas ang konsentrasyon ng asin. Sa gayon, hindi
nakaiinam ang mataas na konsentrasyon ng asin sa ar-arosep na pang-
export. Ngunit kailangan ang malakas na pag-aasin dahil napananatili
naman ang kulay, amoy, at itsura ng ar-arosep para sa matagal na biyahe.
(VSA)

mula sa Kulinarya, A guide to Philippine Cuisine


aratilés
Ang aratilés (Muntingia calabura) ay isang uri ng punongkahoy na
namumulaklak, mabilis lumaki, at katutubo sa Gitnang Amerika at Timog
Amerika. Tumataas ito nang lima hanggang sampung metro. Ang mga
palapad na dahon nitó ay mabalahibo, madikit, salit-salit, biluhaba, may
mga pagitan na parang maliliit na ngipin, patulis, at humahabà nang 8-13
sm. Ang mga bulaklak ay may diyametrong dalawang sentimetro, kulay
putî, at maaaring mag-isa o may kapares. Ang mga talulot ay may isang
sentimetro ang habà. Makinis at bilog ang mga bunga nitóng berde kapag
hilaw at pulá naman kapag hinog, matamis, at maraming maliliit na buto
sa loob. Nabubuhay ito kahit sa mahinang klase ng lupa at nakakatagal sa
mga asido at alkalinong kondisyon, maging sa tagtuyot.

Maraming gamit ang aratiles. Ang hinog na bunga nitó ay maaaring kainin.
Sa Mexico, ginagawang jam ang prutas nitó at tsaa ang mga dahon. Sa
Brazil, itinatanim sa gilid ng mga ilog upang ang mga mahuhulog na bunga
ay maging pang-akit sa mga isda. Ang mga bulaklak naman ay ginagamit
bilang antiseptiko at panggamot sa sakit sa tiyan at katawan, sipon, at sakit
ng ulo. Ang mga balát naman ng kahoy ay ginagawang lubid. Nagbibigay
naman ng magndang lilim ang makakapal na sanga at dahon nitó. Popular
na pagkain sa mga kabataan sa Filipinas ang mga bunga nitó.

Nagmula ang aratiles sa maiinit na lugar sa Amerika at naipakilala sa


Thailand at Java, Indonesia. Naturalisado ito sa Filipinas at matatagpuan
sa halos lahat ng bayan sa bansa. Tinatawag din itong Jamaican cherry,
Panama berry, Singapore cherry, Bajelly tree, Strawberry tree sa Ingles;
bolaina, yamanaza, cacaniqua, capulin blanco, nigua, niguito, memizo sa
Espanyol; at kersen sa Indones. (KLL) ed VSA
Araw ng Kagitíngan
Ang Araw ng Kagitíngan, kilalá rin bilang ”Day of Valor” at ”Bataan
Day,” ay isang pambansang araw ng paggunita sa pagbagsak ng Bataan
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Idinadaos tuwing ikasiyam ng
Abril, isa ito sa mga pambansang pista o holiday ng Filipinas.

Noong ikasiyam ng Abril 1942, pagkatapos ng tatlong buwan na Labanang


Bataan, isinuko ni Major General Edward King Jr. ng Estados Unidos ang
mahigit-kumulang 76,000 sundalo sa hukbong Hapones. Ang mga alyadong
sundalo—Filipino, Amerikano, at Tsinoy—ay sapilitang pinalakad, at sa
hulíng yugto ay ipinagsiksikan sa mga kotse ng tren, sa umaabot sa 140
km tungo sa Camp O’Donnell sa Capas, Tarlac. Libo-libo ang binawian
ng búhay sa tinatawag na ”Death March” dahil sa uhaw, init, gutom,
karamdaman, at pagmaltrato ng mga Hapones. Mahigit-kumulang 54,000
sundalo lámang ang nakaabot nang buháy sa kampo.

Sa kasalukuyan, nakapaloob sa Linggo ng mga Beterano ng Filipinas


(Philippine Veterans Week) ang Araw ng Kagitingan. Ilan sa mga opisyal
na seremonya sa linggong ito ay idinadaos sa Libingan ng mga Bayani,
Kampo Aguinaldo, Isla ng Corregidor, Capas, at ang Dambana ng
Kagitingan sa Bundok Samat, Pilar, Bataan. Sa karamihan ng okasyong
ito, magkakasáma sa paggunita ang mga beterano at kanilang kaanak, mga
kinatawan ng Estados Unidos at bansang Japan, mga pinunò ng pamahalaan
ng Filipinas, at mga kabataaang Filipino. (PKJ)

Ika-69 Pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan


(retrato ni Marcelino Pascua)
Áraw ng Kasarinlán
Opisyal at pambansang pagdiriwang ang Áraw ng Kasarinlán tuwing
Hunyo 12. Ginugunita sa araw na ito ang pagpapahayag ng kalayaan
noong ikaapat ng hápon ng 12 Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite. Ginanap ito
sa balkonahe ng matandang bahay-na-bato ni Hen. Emilio Aguinaldo na
kababalik noon mulang Hong Kong upang ipagpatuloy ang Himagsikang
Filipino laban sa mga Espanyol. Bukod sa pagbása ni Ambrosio Rianzares
Bautista sa Akta ng Pagpapahayag ng Kasarinlan, iwinagayway sa
pagkakataóng ito ang tinatawag ngayong Pambansâng Watáwat at
tinugtog ang Marcha Filipina Magdalo na naging musika ng Pambansâng
Áwit ngayon.

Ang Akta ay nilagdaan ng 98 katao, kabílang ang isang Amerikanong


koronel sa hukbo ng Estados Unidos. Noong nása Malolos, Bulacan na ang
hukbong Filipino, ipinabago ni Apolinario Mabini ang teksto ng Akta dahil
waring ipinaiilalim ang Filipinas sa proteksiyon ng mga Amerikano.

Ang pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan tuwing Hunyo 12 ay sinimulan


ni Pangulong Diosdado Macapagal sa pamamagitan ng Republic Act
No. 4166 noong 4 Agosto 1964. Bago ito, ipinagdiriwang sa Araw ng
Kasarinlan ang pagbibigay ng kalayaan sa Filipinas ng Estados Unidos
noong 4 Hulyo 1946. (VSA)
Araw ng Paggawâ
Ang Araw ng Paggawâ ay ginaganap tuwing unang araw ng Mayo
bilang pagdiriwang at pagpapahalaga sa mga manggagawa’t anakpawis.
Ang unang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ay nangyari sa Estados
Unidos noong 1882 at itinaguyod ng Knights of Labor, isang samahan ng
mga anakpawis. Gayunman, nang lumaon ay ginawang unang Lunes ng
Setyembre ang opisyal na pagdiriwang ng araw na ito sa Estados Unidos at
Canada. Sa Filipinas, higit na sinunod ang tradisyong namayani sa Europa
na ipagdiwang ang araw na ito tuwing unang araw ng Mayo. Ang araw na
ito ay unang ipinagdiwang sa Filipinas noong 1903 at ang bansa ay nasa
ilalim pa ng Estados Unidos. Mahigit isang daang libong manggagawa
ang nagmartsa sa harap ng Palasyo ng Malacañang upang humingi ng mga
kondisyon para sa ikabubuti ng lahat ng manggagawa at ito’y pinamunuan
ng organisasyong Union Obrero Democratica de Filipinas (UODF).
Hudyat ito ng pagtubò ng unyonismo sa Filipinas. Dahil dito ay naalarma
ang pamahalaang Amerikano. Sinalakay ng mga Amerikano at Filipinong
kabilang sa Philippine Constabulary ang imprenta ng UODF at inaresto
ang presidente nitó na si Dominador Gomez sa salang “illegal assembly
and sedition.”
Pagkaraan ng limang taón, pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang
Batas Blg. 1818 na nagtatadhanang isang pista opisyal ang unang araw
ng Mayo bilang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa. Idinadaos sa araw
na ito ang mga parada at palatuntunang pangmadla. Walong taón sng
lumipas, 1 Mayo 1913, nabuo ang Congreso de Obrero de Filipinas
(COF), na pinamunuan ni Herminigildo Cruz. Ang organisasyong ito ay
naglalayon na ipaglaban ang walong oras na pagtatrabaho sa isang araw,
ang abolisyon ng pagtatrabaho ng mga batàng wala pa sa wastong gulang,
ang pamantayan para sa paggawa ng kababaihan, at ang paglinaw sa mga
pananagutan ng mga kapitalista. Simula din noon ay nagbago na ang
tradisyon ng paggunita sa Araw ng Paggawa. Kung noong mga nakaraang
taón ay ipinagpipista ito sa pamamagitan ng parada, sa ngayon ay
ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng pagprotesta ng mga manggagawa.
Naging araw din ito ng paglalatag ng mabibigat na isyung pampolitika at
suliraning pangkabuhayan at may nagaganap na mga araw ng welga’t rali
bago sumapit ang Mayo 1. Karaniwang pinangungunahan ng pederasyon
ng mga unyon ng manggagawa ang naturang protesta. (LN) (ed VSA)
Francisco Arcellana
(6 Setyembre 1916-1 Agosto 2002)
Isang manunulat ng maikling kuwento at sanaysay, peryodista, kritiko, at
guro si Francisco Arcellana (Fran·sís·ko Ar·se·lyá·na). Zacarias Eugene
Francisco Quino Arcellana ang buo niyáng pangalan. Si Arcellana, na kilala
rin bilang Franz, ay isa sa mga tagapanguna sa pagsusulat ng maikling
kuwento sa Ingles. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining
sa Panitikan noong 1990.
Nakilála ang kahusayan ni Arcellana sa pagsusulat noong 1932 at estudyante
pa lámang sa Torres High School dahil sa pagkakalathala sa Graphic ng
kaniyang kauna-unahang katha, “The Man Who Could Be Poe.”

Ang kaniyang inilathalang Expression (1934) ay pagsisimulan ng kanilang


mahabàng panahon ng pagsusulatan at samahan ni Jose Garcia Villa, isa
ring Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan sa wikang Ingles. Bahagi
siyá ng Veronicans na binubuo ng 13 manunulat bago ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig na sumasalungat sa tradisyonal na porma at paksa
sa panitikang Filipino.

Ang mga akda ni Arcellana ay naisalibro sa The Francisco Arcellana


Sampler (1990). Kabílang sa mga kuwento niyáng malimit isáma sa
mga antolohiya ang “Divide by Two,” “Flowers of May,” at “The Mats.”
Isa namang kuwento niyáng ekperimental ang “Trilogy of Turtles.”
Hinahangaan siyá ng maraming kritiko dahil sa masinop at disiplinadong
gamit ng wika.

Isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong 6 Setyembre 1916, si Arcellana


na tinatawag sa pamilya na Paking, ay ikaapat sa 18 mga anak nina Jose
Arcellana at Epifania Quino. Nagtapos siyá ng Batsilyer sa Pilosopiya
sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1939. Naging kagawad din siyá
ng Philippine Collegian. Ikinasal siyá kay Emerenciana Yuvienco, na
professor emeritus sa UP at may-akda ng The Relevance of Recto Today, at
nagkaroon silá ng anim na anak. (1996). Mula 1979-1982, nagsilbing guro
si Arcellana sa UP Department of English and Comparative Literature,
tagapayo ng Philippine Collegian, direktor ng UP Creative Writing Center,
at nagpatuloy magturo hanggang magretiro at sumakabilang-buhay noong
1 Agosto 2002. (RVR) (ed GSZ)
Liwayway A. Arceo
(30 Enero 1920-03 Disyembre 1999)
Si Liwayway Ablaza Arceo (Li·way·wáy A·blá·za Ar·sé·o) ay isa sa mga
nangungunang kuwentista, radio scriptwriter, mananaysay, tagasalin, at
editor sa wikang Tagalog.
Isinilang siyá noong 30 Enero 1920 sa Tondo, Maynila kina Gregorio Arceo
at Amada Ablaza. Nagkaroon siya ng anim na anak sa asawang makatang
si Manuel Principe Bautista. Nang makapagtapos sa Torres High school,
pumasok siyá sa Balita at naging unang babaeng kawani ng isang pahaya-
gang Tagalog. Gumanap siyá sa pelikulang Tatlong Maria kasama sina
Carmen Rosales at Norma Blancaflor noong 1943. Nang muling alukin sa
pag-arte, tinanggihan niya ito at mas pinili ang pagsusulat.
Noong dekada 50, nagsulat siyá ng mga script para sa Ilaw ng Tahanan,
ang unang radio soap opera sa bansa na nagtagal nang halos 10 taon. Siyá
rin ang nasa likod ng mga script na binabasa noon ng mga gaya ni Tiya
Dely Magpayo sa programang Ang Tangi Kong Pag-ibig at Kasaysayan ng
mga Liham ni Tiya Dely noong mga taóng 1960 hanggang 1990; at Helen
Vela sa programang Lovingly yours, Helen noong mga taóng 1970.
Nakapagsulat siyá nang halos 50 nobela, libong maikling kuwento, sanay-
say, at dramang panradyo. Naging pinakatanyag ang kaniyang mga nobel-
ang Canal de la Reina (1972) at Titser (1995). Ang ilan naman sa kalipu-
nan ng kaniyang mga maiikling kuwento ay: Uhaw ang Tigang na Lupa at
Iba Pang Katha (1968); Mga Piling Katha (1984); Ina, Maybahay, Anak,
at Iba Pa (1990); Ang Mag-anak na Cruz (1991). Naging editor din siyá
ng seksiyong Bagong Dugo sa Liwayway at ng seksiyong pangkonsiyumer
sa Balita.
Marami siyáng isinaling akdang relihiyoso sa wikang Filipino. Ang pinaka-
malaking proyekto na marahil ay ang pagsasalin ng Bibliya kasama ang
kaniyang asawa at iba pang kapuwa manunulat. Naisalin din sa iba’t ibang
wika ang kaniyang mga akda tulad ng: Canal de la Reina at Uhaw ang
Tigang na Lupa sa wikang Nihonggo at Banyaga sa wikang Bulgaryan,
Ruso, at Ingles, at umani ng mga parangal mula sa mga pangunahing insti-
tusyong gaya ng Katipunang Pambansa ng Alagad ng Sining, Don Carlos
Palanca Memorial Awards, Catholic Mass Media Awards, Cultural Center
of the Philippines, Linangan ng Wika sa Pilipinas,Unyon ng mga Manunu-
lat ng Pilipinas, Asian Catholic Publishers, University of the Philippines,
at iba pa. (KLL) ed VSA
Tomas Arejola
(18 Setyembre 1866-Mayo 1926)
Isang makabayang abogado at masipag na Propagandista, si Tomas
Arejola (To·más A·re·hó·la) ay isinilang noong 18 Setyembre 1866 sa
Nueva Caceres (Lungsod Naga ngayon) sa mariwasang pamilya nina
Antonio Arejola at Emeterio Padilla. Nakatapos siyá ng perito agronomo
sa Colegio de San de Letran at kumuha ng abogasya sa Unibersidad ng
Santo Tomas. Ngunit nagpunta siyá ng Espanya noong Agosto 1888 at
tinapos ang abogasya sa Universidad Central de Madrid.
Napalahok siyá sa Kilusang Propaganda nang sumapi sa Asociacion
Hispano-Filipino na itinatag ni Miguel Morayta noong 12 Hunyo 1889
at lumakad sa Batas Maura noong 1893. Itinatag pagkuwan ni Tomas ang
Circulo Hispano-Filipino na siyá ang unang pangulo at si Mariano Ponce
ang kalihim. Naging masipag na manunulat si Tomas sa mga diyaryo sa
Espanya at marami sa mga ito ang atake laban sa mga abuso at katiwalaang
nagaganap sa Filipinas. Nang sumiklab ang Himagsikang 1896, isinangkot
at dinakip siyá at ipiniit sa Carcel Modelo ng Madrid, kasáma ang anim pang
miyembro ng Circulo at Mason. Ang kaniyang amang si Antonio Arejola
ay dinakip din sa Filipinas at ipinatápon sa Fernando Po sa Kanlurang
Afrika. Nang pawalan, ipinagpatuloy ni Tomas ang gawaing propagandista
hábang nása Espanya. Nahirang siyáng kinatawan ng Ambos Camarines sa
Kongresong Malolos bagaman nása Espanya siyá.

Pumunta siyá sa Singapore at sa Hong Kong upang tumulong mag-organisa


ng mga Filipino doon. Noong 1902-1906, kasáma siyá ni Mariano Ponce
sa Japan. Nang umuwi siyá sa Filipinas, naging aktibo siyáng kasapi
ng Partido Nacionalista sa Bikol at nahalal na kinatawan sa Philippine
Assembly. Pinakamahalagang ginawa niya ang pagiging isa sa awtor ng
Philippine Public Library Act noong 1908. Kumandidato siyáng senador
noong 1916 at nagwagi. Gayunman, di siyá nakaupô dahil pinawalang-
bisa ang halalan dahil sa mga katiwalaan. Nagretiro sa politika si Tomas
at namatay noong Mayo 1926. Napangasawa niya si Mercedes Caldera y
Olarte ngunit wala siláng naging anak. (GVS)
Deodato Arellano
(26 Hulyo 1844-7 Oktubre 1899)
Si Deodato Arellano (De·yo·dá·to A·rel·yá·no) ay isang patriyotang
Filipino, isa sa mga tagapagtatag ng Katipunan, at naging pangulo nitó.

Ipinanganak siyá sa Bulacan kina Juan at Mamerta de la Cruz. Pinalitan


ng pamilya ang kanilang apelyido bilang Arellano nang ideklara ng
pamahalaang Espanyol noong 1849 na palitan ng mga katutubo ang
kanilang apelyido alinsunod sa mga nakalagay sa direktoryo ng Madrid.
Nag-aral siyá ng bookkeeping sa Ateneo Municipal de Manila at kalaunan
ay nagtrabaho bilang katulong na klerk sa Maynila. Ikinasal siyá kay
Hilaria del Pilar, kapatid ni Marcelo H. del Pilar.

Kasáma ng mga del Pilar, siyá ay naging aktibong mason. Naging tagakalap
siyá ng salapi para sa mga Filipino sa Espanya nang kinailangan ni Marcelo
H.del Pilar na tumakas patungong Espanya dahil sa pinaghihinalaang mga
subersibong artikulo na lumabas sa Diariong Tagalog.

Noong 1892, sumama siyá sa La Liga Filipina, na itinatag ni Jose Rizal


nang magbalik sa bansa. Naging kalihim siyá ng samahan. Noong 7 Hulyo
1892, nang ideklara ang pagpapatápon kay Rizal sa Dapitan, itinatag niya
kasáma sina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa, Teodoro Plata, Valentin
Diaz, at Jose Dizon ang Katipunan. Inihalal siyá bilang unang pangulo ng
Katipunan. Nang sumiklab ang Himagsikan noong Agosto 1896, nagpunta
si Arellano sa Bulacan upang sumáma sa brigada ni Gregorio del Pilar.

Nakipaglaban din siyá sa Bulacan noong Digmaang Filipino-Amerikano.


Nagkaroon siyá ng tuberkulosis hábang nakikipagdigma sa Cordillera.
Inilibing siyá sa La Trinidad, Benguet. (KLL)
Juan M. Arellano
(25 Abril 1888-5 Disyembre 1960)
Si Juan M. Arellano (Hu·wán eM A·rel·yá·no) ang isa sa pinakamahusay
na arkitekto sa kasaysayan ng Filipinas. Marami sa kaniyang mga gusaling
nananatiling nakatayô ang itinuturing na dakilang sagisag ng arkitektura
at sining na Filipino. Kilalá siyá sa paggamit ng estilong Neoklasiko at
Art Deco sa kaniyang mga obra. Ilan sa mga tanyag na likha ni Arellano
ay ang:
• Metropolitan Theater (1935), Maynila
• Legislative Building (1926; ngayon ay kilalá bilang Old Congress
Building at tahanan ng Pambansang Museo), Maynila
• Manila Central Post Office (1926), Maynila
• Negros Occidental Provincial Capitol (1936), Bacolod
• Cebu Provincial Capitol (1937), Cebu
• Bank of the Philippine Islands Cebu Main Branch (1940), Cebu
• Misamis Occidental Provincial Capitol (1935), Oroquieta
• Jones Bridge (1916; nawasak noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig at pinalitan ng bagong Jones Bridge)
• Center for West Visayan Studies and Museum, UP Visayas (dating
Iloilo City Hall), Iloilo
• Jaro Municipal Building (ngayon ay tahanan ng pulisya sa Jaro),
Iloilo
• Malcolm Hall, UP Diliman (Lungsod Quezon)
Isinilang siyá noong 25 Abril 1888 sa Tondo, Maynila kina Luis C. Arellano
at Bartola de Guzmán. Nag-aral siyá sa Ateneo Municipal de Manila.
Una niyang hilig ang pagpipinta, at nagsanay siyá sa ilalim nina Lorenzo
Guerrero, Toribio Antillon, at Fabian de la Rosa. Pinilì niyang hasain ang
talino sa ibang uri ng sining at ipinadala sa Estados Unidos bilang isa sa mga
unang pensiyonado sa larang ng arkitektura. Noong 1911, pumasok siyá sa
Pennsylvania Academy of the Fine Arts bago lumipat sa Drexel Institute
upang tapusin ang kaniyang digri. Nagtrabaho muna siyá sa Lungsod ng
New York bago umuwi sa Filipinas. Nanungkulan siyá bilang supervising
architect ng Kawanihan ng Pagawaing Bayan kasáma si Tomas Mapua.
Bukod sa mga proyektong nakalista sa itaas, lumikha siyá at si Harry Frost
ng disenyo para sa Lungsod Quezon, na siyáng magiging bagong kabisera
ng bansa. Nagkaroon siyá ng isang anak sa asawang si Naty Ocampo.
Ilang taon bago pumanaw, bumalik siyá sa pagpipinta at nagtanghal ng
mga obra sa Manila YMCA. Pumanaw siyá noong 5 Disyembre 1960.
(PKJ) ed VSA
Manuel E. Arguilla
(Hunyo 1911-Disyembre 1944)
Isang pangunahing kuwentista sa Ingles si Manuel Estabillo Arguilla
(Man·wél Es·ta·bíl·yo Ar·gíl·ya). Nakilála siyá sa kaniyang mga maikling
kuwento na nalimbag sa iba’t ibang magasin, tinipon sa koleksiyong
How My Brother Leon Brought Home a Wife and Other Stories (1940), at
nagwagi ng unang gantimpala sa kategoryang maikling kuwento sa Ingles
sa Commonwealth Literary Contest. Itinuturing na pinakamahalaga sa
mga kuwento niyá ang “How My Brother Leon Brought Home a Wife,”
“Midsummer,” “Long Vacation,” at “Caps and Lower Case.”

Walang ulat sa tiyak na araw ng kaniyang pagsilang at kamatayan. Isinilang


si Arguilla boobg 1911 sa La Union at anak ng magsasaka at karpinterong
si Crisanto Arguilla at ni Margarita Estabillo. Nagsilbing tagpuan ng mga
tanawing Ilokano ang kaniyang bayan sa mga hinahangaang kuwento niyá
ng katutubong kulay. Mistulang impiyerno naman ang pagtatanghal niyá
ng maralita sa lungsod sa “Caps and Lower Case.”

Nagtapos siyá ng Edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1933.


Hábang nag-aaral ay naging kasapi siyá ng U.P. Writers Club at editor
ng The Literary Apprentice. Nagturo siyá sa University of Manila at
naglingkod na editor ng publikasyon ng Bureau of Public Welfare noong
1943. Naging asawa niyá si Lydia Villanueva na isa ring manunulat. Ang
kanilang tirahan sa Ermita, Manila ay tinaguriang “The Porch” dahil
nagsilbing tagpuan ng mga artist, manunulat, at patron ng panitikan. Sa
panahon ng Pananakop ng mga Hapones ay kumilos siyáng espiya ng mga
gerilya, nadakip noong Oktubre 1944, pinarusahan sa Fuerza Santiago, at
hindi na nakitang buháy. (JGP) (ed VSA)
arikenkén
Isang tradisyonal na sayaw ng mga Ilokano ang arikenkén. Sa ibang bahagi
ng Hilagang Luzon, tinatawag itong pandánggo. Malimit na tuwing pista
isinasagawa ang arikenken sa harap ng maraming manonood.

Sa sayaw na ito, isang pares na lalaki at babae ang tila gumagawa


ng pagpapakahulugan sa naririnig niláng sinasabi ng awit na dállot.
Naghahabulan ang lalaki at babae sa entablado batay sa takbo at daloy ng
ibinabahaging berso. Walang tiyak na kilos sa pagsasayaw ng arikenken
maliban sa ginagawang pang-aakit ng babae at ang pagtatangkang makuha
ng lalaki ang panyong nakasabit sa balikat ng babae. Nagiging katatawanan
ito sa mga tagapanood kapag nahihirapan ang lalaki na makuha ang babae
o kung malayòng-malayò ang interepretasyon ng mga mananayaw sa
bersong pinakikinggan.

Isa na sa matatandang uri ng sayaw ang arikenken. Nagiging iba ito sa mga
tradisyonal na sayaw ng bansa, gaya ng kumintang at ng pandanggo sa
ilaw, sinasayaw ito sa saliw ng isang uri ng sining, ang dallot. (SJ)

Guhit ni Jose Honorato Lozano


arnís
Ang arnís ay isang sining ng pakikipaglaban ng mga Filipino na kapuwa
pandepensa at pang-opensa. Bagaman kilala itong gumagamit ng sandata
lalo na ng dalawang patpat na karaniwang yari sa yantok o kamagong, ang
mga kasangkapang ito ay itinuturing na ektensiyon lamang ng mga kamay
at kakayahan ng manlalaro.

Nagsimula ang paglalaro ng arnis bago pa dumating ang mga Espanyol.


Ginagamit ito ng mga tribu sa pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway.
Ipinagbawal ito nang dumating ang mga Espanyol. Sa kabila nitó, patuloy
ngunit palihim na nagsanay ang mga Filipino sa paglalaro nitó. May mga
pagkakataong isinasagawa nila ito sa publiko maging sa harap ng mga
Espanyol ngunit sa paraang artistiko, bilang bahagi ng dulang moro-moro.
Dito, nakasuot ang mga Filipino ng damit ng mga Espanyol na sundalo na
tinatawag na arnes at kunwa’y nakikipaglaban sa mga kaaway.

May tatlong pamamaraan sa paglalaro ng arnis: ang espada y daga (espada


at punyal), solo baston (isang patpat), at sinawali (maghabi). Sa huli,
gumagamit ng dalawang patpat na magkatulad ang habà at iminumuwestra
ang galaw ng paghahabi tuwing nakikipaglaban.

Sa kasalukuyan, itinuturo ito sa ilang paaralan bilang bahagi ng Edukasyong


Pampalakasan.

Kabílang sa mga kinikilalang maestro ng modernong arnis sina Venancio


“Anciong” Bacon, Dan Inosanto, Cacoy Canete, Mike Inay, Remy Presas,
at Ernesto Presas. (GB) (ed GSZ)
aroskáldo
Mula sa Espanyol na arroz caldo, ang aroskáldo ay nilutong bigas na may
sabaw at sahog na manok at luya. Sa malawak na paraan, isang uri ito ng
lúgaw (porridge o congee sa Ingles) na nilutong bigas (kánin sa Tagalog)
na may sabaw at sahog. Pinakasimpleng lugaw ang walang anumang sahog.
Karaniwang ipinakakain ito sa maysakit.Ngunit sa pagtakbo ng panahon
ay lumitaw ang mga lugaw na may iba’t ibang sahog. May lugaw na may
sahog na isda, hibi o hebe, itlog, at karne.

Ang lugaw na may lamáng-loob (bituka at kalyos) ng báka ay tinatawag na


góto. Ang lugaw na may tokwa at baboy ay malimit na tawaging tókwa-
báboy (itinatawag din ito sa putaheng walang lugaw at nakababad sa toyo).
Hindi malinaw kung naimbento lámang ang aroskaldo noong panahon ng
kolonyalismong Espanyol. Ngunit itinuturing itong higit na espesyal na
lugaw at paboritong ihanda bilang putaheng panghatinggabi sa Bagong
Taon. Bago kainin ang lugaw, malimit na tinitimplahan ito ng patis, toyo,
bawang, paminta, o kalamansi.

Malaganap ang lugaw sa mga bansang bigas ang pangunahing pagkain sa


Asia. Tinatawag itong xifan sa Tsina, okayu sa Japan, juk sa Korea, at ganji
sa India. (VSA)

mula sa Kulinarya, A guide to Philippine Cuisine


árras
Tinatawag ding mga “baryang pangkasal” ang árras binubuo ito ng
labintatlong gintong barya na inihahandog ng lalaki sa babae sa loob
ng seremonya ng kasal na Kristiyano. Malaganap ang kaugaliang ito sa
Espanya, kayâ isang salitâng Espanyol ang arras, Amerika Latina, at
Filipinas. Ang orihinal diumanong kahulugan nitó ay “paunang-bayad,”
“presyo ng nobya,” o “yaman ng nobya.” Ngunit sa seremonya ng kasal,
nangangahulugan ito ng mahigpit na pagkakaisa. Kalakip ng inihahandog
na arras ang sumpa ng nobyo na idulot ang lahat ng pangangalaga para sa
pangangailangan ng bagong pamilya.

Sa Espanya, nakalagay ang arras sa isang munti’t may dekorasyong kahon


na tinatawag na madrina de arras. Sa Filipinas, inilalagay ang mga gintong
barya sa isang lukbutan o basket. Binabasbasan muna ito ng pari bago
ibuhos ng nobyo sa nakabukás na mga palad ng nobya. Bakit labintatlo ang
barya? Sumasagisag diumano kay Kristo at sa labindalawang apostoles.

Inuugat ang arras sa matandang kaugalian kaugnay ng dóte. Bahagi noon


pa ng pag-iisang-dibdib sa Filipinas ang pagbibigay ng “bigay-káya” na
binubuo ng salapi o ari-arian mula sa isang panig ng mga pamilya ng
ikakasal. Sinasabing mula ang arras sa pagbibigayan ng gintong singsing
sa lipunang Visigoth. Sa sinaunang Roma, bahagi ng kasal ang pagbiyak
sa ginto o pilak sa dalawang piraso upang paghatian ng ikinakasal. Sa
matandang Espanya, ang paghahandog ng mga barya ay kumakatawan sa
dote para sa nobya at isang sagisag tungo sa mabilis na prosperidad ng
mag-asawa. (VSA)
Gloria M. Macapagal-Arroyo
(5 Abril 1947—)
Nang patalsikin ng Pag-aalsang EDSA II noong 20 Enero 2001 si
Pangulong Estrada, pumalit ang kaniyang pangalawang-pangulo na si
Gloria M. Macapagal-Arroyo (Glór·ya Em Ma·ka·pa·gál Ar·ró·yo).
Tinapos ni Pangulong Arroyo ang natitirang panahon ni Pangulong Estrada,
muling kumandidato at nagwaging pangulo ng Republika ng Filipinas sa
eleksiyong 2004.
Isinilang si Gloria noong 5 Abril 1947 sa San Juan, Rizal (Lungsod San
Juan ngayon) at panganay sa dalawang anak ni Pangulong Diosdado
Macapagal kay Evangelina Macaraeg. Taga-Pampanga din ang Macaraeg
ngunit nagkaroon ng bahay at ari-arian sa Lungsod Iligan. Malaking bahagi
ng kamusmusan ni Gloria ang ginugol sa Lungsod Iligan. Bumalik sa
Maynila si Gloria noong 1957, nag-aral sa Assumption College, nag-aral
sa Georgetown University noong 1964, nagtapos sa Assumption College
ng Batsilyer sa Komersiyo magna cum laude noong 1968, at napangasawa
si Jose Miguel (Mike) Tuazon Arroyo. Tatlo ang anak nilá: sina Juan
Miguel na naging kongresista, Evangeline Lourdes, at Diosdado Ignacio
Jose Maria na naging kongresista din. Nag-Master sa ekonomiks si Gloria
sa Ateneo de Manila, at nagdoktorado sa Unibersidad ng Pilipinas.
Maligalig ang panunungkulan ni Pangulong Arroyo. Una, marami
ang naniniwala na hindi makatarungan at labag sa Konstitusyon ang
pagtanggal kay Pangulong Estrada, bukod sa naging biktima lámang ang
pinaalis ng sabwatan ng mariwasa’t makapangyarihan sa lipunan. Noong
2003, isang pangkat ng sundalo ang nagsagawa ng Makati Mutiny bilang
pagtutol kay Pangulong Arroyo. Nangako siyáng hindi na kakandidato
noong 2002 ngunit biglang nagpahayag ng kandidatura para sa eleksiyong
2004. Nilabanan siyá ng popular na artistang si Fernando Poe Jr. Nanalo
man si Pangulong Arroyo, lumitaw pagkuwan ang kasong “Hello Garci”
at kaugnay ng sinasabing malawakang dayaan sa eleksiyon upang manalo
si Pangulong Arroyo at mga kaalyado. Noong 2003, inimbestigahan ng
Senado ang kasong “Jose Pidal” at bahagi ito ng mga akusasyon hinggil
sa malakihang korupsiyon at pagnanakaw na pinayagan ni Pangulong
Arroyo at nagsasangkot sa kaniyang asawa. Ang malawakang pagkatálo
ng mga kandidato ni Pangulong Arroyo sa eleksiyong 2010 ay itinuturing
na katibayan ng pagbagsak ng kaniyang pangalan sa tingin ng taumbayan.
Gayunman, tumakbo siyá at nagwaging kongresista ng Pampanga. (VSA)
arróz ala valenciána
Ang arróz ala valenciána, na kilala rin bilang arósbalensiyána, at
balensiyána, ay lutong kanin na hinaluan ng karne at iba pang pampalasa.
Akmang-akma ang putaheng ito sa hilig ng mga Filipino sa kanin. Dahil sa
pagiging hitik nitó sa sahog—pinagsáma na itong kanin at ulam—at dahil
hindi rin ganoon kahirap ang paghahanda nitó nang maramihan, malimit
ihain ang arroz valenciana sa mga okasyong tulad ng pistang-bayan o
bangketeng pampamilya. Puwede rin itong isilid sa mga lalagyan bilang
pambaon o pampiknik. Maituturing itong kapatid ng isa pang paborito ng
Pinoy, ang paelya, at tulad ng nabanggit ay nagmula sa lutuing Espanyol.

Ginagamitan ito ng malagkit o regular na kanin, karne ng manok, tsoriso,


at iba pang sahog na tulad ng patatas, sili, at nilagang itlog. Nakaugalian
ding ihalò ang gatas ng niyog. Maaari itong lagyan ng serbesa o putîng alak
bilang dagdag pampalasa. Sa dami ng kanin at laki ng kawaling ginagamit,
natututong ang mga gilid at ilalim ng arroz ala valenciana samantalang
nanatiling basâ at malambot ang nása gitna. Malimit na pag-agawan ng
mga kakain ang masarap at malutong na tutong! (PKJ)
arsobíspo
Ang arsobíspo ay isang miyembro ng kaparian na may mas mataas na
ranggo at katungkulan kaysa mga regular na obíspo. Karaniwang siyá ang
namumunò sa isang mahalaga o pangunahing diyosesis, at bunga ng lawak
o pagiging makasaysayan nitó ay tinatawag na artsidiyosesis. Siyá rin ang
namumunò sa mga obispo ng nasasakupan niyang artsidiyosesis.

Bagaman walang pagkakaiba ang opisyal na kasuotan ng arsobispo at


ng obispo, ang mga arsobispo ng mga arkidiyosesis ay nakikilála sa mga
maliturhiyang seremonya gamit ang palyum. Ang arsobispo ay karaniwang
may eklesyastikong sombrero na may sampung kalapay sa magkabilang
gilid, samantalang ang obispo naman ay may eklesyastikong sombrero na
may anim na kalapay.

Ang pagkabakante ng puwesto ng arsobispo ay pinupunan sa paraang


katulad ng pagpunô sa nawalang regular na obispo. Maaaring ito ay sa
pamamaraan ng eleksiyon, presentasyon o nominasyon, o direktang
paghirang ng Papa. Kung ang nahirang na bagong arsobispo ay isang pari,
siyá ay makatatanggap ng episkopal na konsekrasyon. Kung ang nahirang
naman ay isa nang obispo, siyá ay mataimtim na itatalaga sa kaniyang
bagong opisina. Ngunit hindi ang konsekrasyon o ang pagtatalaga ang
magsasabi na isa na siyáng ganap na arsobispo. Bagkus ito ay ang kaniyang
pagkahirang na mamunò sa isang artsidiyosesis. (MJCT) ed VSA

Archbishop Jose S. Palma ng Cebu


Artes y reglas de la lengua tagala
Ang Artes y reglas de la lengua tagala (ár·tes i rég·las de la léng·gwa
ta·gá·la) ang unang nalathalang pag-aaral sa katangian at gramatika ng
isang wikang katutubo. Inilathala ito noong 1610, isinulat ni Fray Francisco
Blancas de San Jose, isang misyonerong Dominiko at inilimbag ni Tomas
Pinpin sa imprentang Dominiko sa Abucay, Bataan. Nagkaroon pa ng
dalawang limbag ang libro noong 1752 at 1832.

Tulad ng iba pang unang libro sa gramatika ng ibang wika sa Filipinas,


inihanda ni Fray San Jose ang Arte y reglas para sa susunod na mga
kapuwa misyonero upang higit siláng mabilis matuto ng wika ng katutubo.
Naging patakaran ng mga misyonero sa Filipinas na silá ang mag-aral ng
wika sa pook ng kanilang destino sa halip na sapilitan niláng ituro ang
Espanyol sa mga Indio. Dahil dito, mga misyonero ang unang nag-aral
at sumulat ng gramatika ng mga wikang katutubo na pinagpalaganapan
nilá ng Kristiyanismo. Napakahalaga nitó sa naganap na preserbasyon
ng mga wikang katutubo sa Filipinas sa kabilâ ng tatlong dantaon ng
kolonyalismong Espanyol.

Si Fray San Jose ay isinilang sa Navarra, Espanya at dumating sa


Maynila noong 1595. Kahanga-hanga ang kaniyang talino sa pag-aaral
ng wika. Sa Bataan siyá unang nadestino at sa loob ng tatlong buwan ay
nakapagsesermon na sa Tagalog. Dahil sa dalubhasa sa Tagalog, nilagyan
niya ng titik na Kristiyano ang mga katutubong awit upang maging
kasangkapan sa pagpapalaganap ng bagong relihiyon. Sumulat din siyá
ng mga tula at maituturing na unang makatang misyonerong naglathala
ng tula. Lumabas ang mga unang tula niya bilang patulang bersiyon ng
mga pagninilay niya sa Sampung Utos sa libro niyang Memorial de la
vida cristiana en lengua tagala (1605). Isa rin siyá sa unang nagtipon ng
salitâ para sa bokabularyong Tagalog na itinuloy ng ibang mga misyonero
pagkamatay niya. (VSA)
arudíng
Ang arudíng ay isang instrumentong pangmusika ng mga Tagbanwa,
isang pangkating etniko na matatagpuan sa gitna at hilagang Palawan,
at karaniwang gawa sa kawayan at hinihipan upang makalikha ng tunog.
Katulad ito ng kubíng o kumbíng ng mga Magindanaon at Mëranaw na
maliit, manipis, at makitid na instrumentong yari sa kawayan, bronse, o
metal, iniipit sa pagitan ng mga labì, kinakalabit ang matulis na dulong
may dila upang lumikha ng tunog na umaalingawngaw sa loob ng bibig.
Nagbabago ang tono sang-ayon sa pagsasara at pagbuka ng bibig ng
nagpapatugtog nitó. Kinikilala ito ng mga Yakan, ang pangkating etniko
na matatagpuan sa pulo ng Basilan at karatig na lugar, bilang kulaing.
Tinatawag naman itong barimbang ng mga Hanunuo, na isa sa mga
pangkating etniko ng Mangyan na matatagpuan sa timog Oriental Mindoro.
Sa mga Tinggian, kilala ito bilang kulibaw.

Sa pamamagitan ng itak o kutsilyo, inuukitan ang kawayan na karaniwang


kalahating talampakan ang habà at nilalagyan ito ng piraso ng batong
munti. Madalas na pinagdidikit ang mga ito sa pamamagitan ng pulút-
pukyutan. Isa ang arudíng sa mga instrumentong itinuturing na taimtim
at nauukol sa malalapit na kapamilya o minamahal. Ginagamit din ito ng
kalalakihan sa panliligaw. (ECS) ed VSA
asaról
Ang asaról, o hoe sa Ingles, ay isang pangunahing kasangkapan sa
agrikultura na ginagamit sa pagbungkal ng lupa. Ito ay pangkaraniwang
ginagamit sa paghahalaman, una, sa pagbungkal ng lupang gagawing
taniman; ikalawa, sa paghukay sa lupang huhulugan ng binhi o tatamnan
ng supling; ikatlo, sa pagbungkal ng lupa sa paligid ng halaman at pag-
aalis ng damo. Ginagamit din ito sa paghukay o pag-ani ng mga halamang-
ugat na tulad ng kamote, ube, at patatas.

May iba’t ibang klase ng asarol depende sa anyo at gamit. Halimbawa, ang
collinear hoe na may manipis at matalas na talim na ginagamit sa pagtanggal
ng mga damong ligaw. Ito ay hindi maaaring gamitin sa pagbubungkal o
paglilipat ng lupa. Samantala, ang dego hoe na tipikal na ginagamit sa
pagtatanim ay may malaki at malapad na talim at pantay na gilid. Ito ang
karaniwang ginagamit sa paghahalaman sa Filipinas. Ilan pa sa mga klase
ng asarol ay ang dutch hoe at stirrup hoe. Dapat ding banggitin ang píko
na isang kasangkapang may dalawang talim ang ulo. Ang isang talim ng
piko ay tulad ng asarol, ngunit may kakambal itong talim na matulis at
ginagamit sa pagbasag ng bato at ibang matigas na bagay sa lupa.

Bukod sa pagtatanim, karaniwan ring ginagamit ang asarol ng mga


propesyonal na arkeologo at maging ng mga minero sa paglilinis ng
malalaking lugar. Mas mabilis itong gamitin at nagbubunga ng mas malinis
na hukay kaysa iba pang kasangkapan. (MJCT) ed VSA
Asian Development Bank
Ang Asian Development Bank (ADB) ay itinatag noong 22 Agosto 1966
upang mapaunlad ang buhay ng mga tao sa Asia at sa Pasipiko. Nilalayon
nitóng matulungan ang umaabot sa 1.8 bilyong maralita sa rehiyon sa
pamamagitan ng mga grant at pautang. Tumutulong din ang ADB sa
edukasyon at pagsasanay ng mga eksperto, pagsusuri sa mga patakarang
pangkabuhayan, at pagtulong sa pamumuhunan.

Nagsimula ito sa 31 miyembro at tinanggap ang mga miyembro ng


United Nations Economic and Social Commission for Asia and the
Pacific (UNESCAP). Sa ngayon, may 67 miyembrong bansa ito, na 48
ang mula sa loob ng Asia at 19 ang mula sa labas ng kontinente. Itinulad
ang organisasyon nitó sa World Bank, at tulad ng huli, may sistema ito ng
tinitimbang na pagboto— ang ibig sabihin ang mga boto ay ipinamamahagi
alinsunod sa suskrisyong kapital ng miyembro.Sa ganito, ang Estados
Unidos at Japan na may pinakamalaking bahagi ng puhunan ay may
pinakamalaking bahagi din ng mga boto. Sumusunod bilang ikatlo at
ikapat ang Tsina at India.Aang pangunahing himpilan nitó ay matatagpuan
sa Lungsod Mandaluyong, Metro Manila, Filipinas. May mga opisina din
ito sa iba pang 26 bansa.

Tumutulong ang ADB upang mapaunlad ang iba’t ibang larangan, tulad sa
impraestruktura, serbisyong pangkalusugan, at sistemang may kinalaman
sa pinansiyang pampubliko. Aktibo ito sa edukasyon ng mga nasyon
upang mapaghandaan ang mga panganib na dulot ng climate change at
kung paano gagamitin sa tamang paraan ang mga likás na yaman. Noong
2011, halos $21.72 bilyon ang naitulong ng ADB sa iba’t ibang bansa.
Sa nakaraang anim na taón lámang, nakapagpaayos ito ng 135,000
silid-aralan, nakapagsanay ng 660,000 guro, nakapagpagawa ng 44,300
kilometro ng kalsada, nag-instala ng 300 megawatt ng bagong kapasidad
pang-elektrisidad, at napalaki sa mahigit 2.7 milyon ang mga bagong
microfinancing account. (VSA)
asín
Putîng-putî at pinong butil na mineral ang asín at karaniwang nagbibigay
lasa sa mga pagkaing iniluluto o sa mga pagkaing prutas man o gulay na
kinakain nang hilaw katulad ng manga, bayabas, pipino, pinya at iba pa.
Mahalagang sangkap ang asin sa preserbasyon ng mga karne, halimbawa
sa pagtatapa; ng mga isda, halimbawa sa pagdadaeng; ng mga gulay,
halimbawa sa pag-aatsara; at ng mga itlog, halimbawa sa paggawa ng itlog
na maalat. Sa mga katutubong kultura sa Cordillera, mahalaga ang asin sa
bundok sa pagprepreserba ng karne na tinatawag nilang etag.

May siyentipikong pangalan na sodium chloride sa Ingles, ang asin ay natural


na elemento ng tubig alat. Sa Dasol (mula sa pinagsámang da (Eng ‘the’)
sol (Esp ‘salt’), ang lugar ng industriya ng asin sa Pangasinan, maraming
salt marshes, mga bahagi sa pampang sa tabing dagat na maraming tubig
alat at dinadaanan sa prosesong salinasyon upang maihiwalay ang asin
sa tubig alat. Sa panahon ngayon ang prosesong ito ay pinapabuti pa sa
pamamagitan ng paghahalo ng yodo (iodine) sa asin. Mas kilala sa tawag
na iodized salt, ito ang gamot o panlaban sa buklaw o bosyo, isang sakit
kapag lumalaki ang thyroid glands sa leeg. (PGD)
áso
Isang hayop na naaalagaan ang áso (Canis lupus familiaris), tinatawag na
dog sa Ingles at perro sa Espanyol, at may iba’t ibang lahi, laki, at gamit
sa tao. Sa taksonomiyang siyentipiko, ang áso ay subspecies ng gray wolf
(Canis lupus) na miyembro ng pamilyang Canidae sa order na Carnivora
ng mamalya. Ang domestikadong áso ngayon ay ipinalalagay na nagmula
sa gray wolf mga 15,000 taón na ang nakararaan, bagaman may mga fosil
ng domestikadong áso na natagpuan sa Siberia at Belguim na may edad na
33,000 taón. Maaaring ang áso ang unang hayop na inalagaan at ginamit
sa iba’t ibang gawain, mula sa panghuhúli ng ibang ilahas na hayop
(“pangangáso” sa Tagalog), paghila ng mabigat na bagay, pagpapastol ng
kawan, bantay kung gabi, at kasa-kasáma sa bahay at paglalakbay. Kayâ
tinawag itong “Man’s Best Friend” sa Kanluran. Ngayon, ginagamit itong
patnubay ng may kapansanan, tagaamoy ng droga at anumang hinahanap
ng pulisya. Espesyal din itong putahe sa ilang bansa, gaya sa tinatawag na
“asuséna” ng mga lasenggo sa Filipinas, sa kabila ng paghihigpit ng batas
laban sa pagkain ng áso.

Sa mitolohiyang Griyego, si Cerberus ay isang áso na may tatlong ulo


at bantay ng tarangkahan ng Hades. Sa mitolohiyang Filipino, si Kimat
ay alagang áso ni Tadaklan, ang bathala ng kulog. Ang áso ay sagisag ng
katapatan sa Kristiyanismo. Sa Islam, ang áso ay tinitingnang marumi. Sa
mga bansang Asyano, gaya ng Tsina, Korea, at Japan, itinuturing ang áso
na tagapagtanggol.

May mga lahi ng áso na bantog sa tapang, gaya ng bulldog, at trabaho, gaya
ng German Shepherd at Saint Bernard. Pinakamaliit na áso ngayon ang
Yorkshire Terrier, pinakamalaki ang English Mastiff, at pinakamataas ang
Great Dane. Dahil sa modernong paraan ng pagpapalahi ay nagkakaroon
ngayon ng mga áso na iba-iba ang itsura at ugali. Ang sukat ng Chihuahua
ay naglalaro sa anim na pulgada hanggang 2.5 talampakan. Ang kulay ng
Irish Woldhound ay naglalaro sa putî, abuhin, hanggang itim. May mga
klinika ngayon para sa alagang áso. Ipinakabibilin ang pag-iingat na
makagat ng áso. Kailangan ding pabakunahan ang alaga laban sa mga sákit
at kamandag na naisasalin sa tao. (VSA)
asóge
Ang asóge (mula sa Espanyol na azogue), tinatawag ding mercury at
quicksilver, ay mabigat na element at metalikong kemikal, may atomic
number 80 at symbol na Hg, at likido sa katamtamang temperatura.
Ang simbolo nitó ay mula sa salitang Griyego na hydrargyrum (hydra
na nangangahulugang tubig o likido at argyros na nangangahulugang
pilak). Mayroon itong 38.83 °C freezing point at 356.73 °C boiling point.
Karaniwang nása anyong sinabriyo (cinnabar) ang asoge. Nakalalason
ang sinabriyo kapag ito ay nasubo o nalanghap ang alikabok mula dito.
Nakalalason din ang kontak sa nása anyong likido ng asoge na gaya
ng methylmercury, paglanghap ng mercury vapour, at pagkain ng mga
lamang-dagat na kontaminado nitó.
Mayroong natagpuang asoge sa libingan sa Ehipto na may edad na 1500
BC. Sa Tsina at Tibet, pinaniwalaan noong nakapagpapahabà ng buhay
ang pag-inom nitó. Ang mga sinaunang Griyego naman ay ginamit itong
pamahid sa katawan habang ang mga sinaunang Ehipsyo at Romano ay
inihahalo ito sa mga kosmetiko. Pinaniwalaan noon ng mga alkemista na
ang pagsasama ng asoge sa transmutasyon ng mga metal na di-dalisay ay
makalilikha ng ginto.
Ginagamit ang asoge sa paggawa ng mga kosmetiko at instrumentong
gaya ng termometro, barometro, at fluorescent lamp. Naging laganap din
ang paggamit sa medisina sa pamamagitan ng dental amalgams, vaccines,
at topical antiseptics. Sa kontemporaneong panahon, bagaman laganap na
ang kaalaman sa taglay na lason ng mercury at ipinatigil na sa ilang bansa
ang paggamit nitó, pinakamalakas pa rin ang produksiyon nitó sa mga
bansang gaya ng Tsina, Kyrgyztan, at Peru. Naitala ang ilang malalalâng
insidente ng mercury poisoning sa Minamata, Japan noong mga taóng
1950 at sa Iraq noong mga taóng 1970.
Mahalaga ang asoge sa industriya ng minahan, partikular sa mga small-
scale mining industry sa Filipinas. Ito ang ginagamit upang mapaghiwalay
ang ginto sa mga naminang ore sa prosesong tinatawag na amalgamasyon.
Popular ang prosesong ito sa mga small-scale mining industry dahil madalî
itong gawin at mayroon lamang maliit na puhunan. Mano-mano itong
isinasagawa ng mga minero. (KLL) ed VSA
asóhos
Ang isdang asóhos ay kabilang sa pamilya Sillaginidae at ang pinakak-
ilaláng uri ay ang Sillago. Matatagpuan ito sa kanluran ng Indo-Pasipiko,
mula Red Sea at Knysna, Timog Aprika hanggang Japan at Timog Austra-
lia.

Ang katawan ng asóhos ay pahabâ, may maliit at matalas na bibig. May


dalawang palikpik sa likod, ang unahan ay may 10-13 payat na tinik sa-
mantalang ang likod na palikpik ay may isang tinik at 16-27 malambot na
tinik. Ang buntot sa puwit ay mahabà at may dalawang tinik. Maraming
uri ng asohos at ang pangkaraniwan ay ang Sillago sihama. Ang palikpik
sa likod ay may 11-13 tinik samantalang ang palikpik sa puwit ay may
2 tinik. Ang pantog panlangoy ay may tigalawang dugtong sa unahan at
hulihan. Mababà ang linya sa gilid ng katawan at may 70 kaliskis. Ito ay
may karaniwang habà na 20 sentimetro at ang pinakamalaking naitalâ ay
31 sentimetro. Ang pinakamatanda naman ay pitóng taon.

Ang asohos ay naglalagi sa baybayin, buhangin, bakawan, at estuwaryo.


Ito ay makikita rin sa mga tubig tabáng. Lumalangoy nang magkakasáma,
kapag nabulabog ay inililibing ng mga tigulang ang kanilang sarili sa bu-
hangin. Kumakain ito ng plangkton, uod, maliliit na isda at hipon. Bihira
ang nahuhúli ng galadgad. Ito ay ibinebenta nang sariwa o inilagay sa
yelo.

Sa Filipinas, ang asohos ay kasama sa talaan ng mga isdang pinoprotek-


tahan ng batas sapagkat ito ay naglalakbay sa pagitan ng dagat at mga
ilog. Ipinagbabawal ng Philippine Fisheries Code o Republic Act 8550 at
Fisheries Administrative Order 217 ang pagtatayô ng kahit na anong uri ng
estruktura sa mga ilog at estuwaryo na maaaring humarang sa pagdaan ng
mga isdang naglalakbay tulad ng asohos. (MA)ed VSA
asóla
Ang asóla o azolla ay kimpal ng yerbang pantubig na may maliit na sanga,
at payát ang mga ugat. May pangalang siyentipiko ito na Azolla pinnata.
Katutubo ito sa Filipinas, at matatagpuan din sa ilang bahagi ng Aprika,
Asia at Australia. Dalawampu hanggang 30 bahagdan ng asóla ay protina
kayâ idinadagdag din ito sa patuka ng manok.

Nabubúhay ang asóla sa tahimik at may mabagal na agos na anyong-


tubig, dahil sinisira ng malakas na agos o alon ang halaman. Humahabà
nang hanggang 2.5 sentimetro ang patatsulok nitóng sangang maberde na
lumulutang sa tubig. Tinutubuan ang sanga-sanga nitó ng bilugan o may
kantong mga dahon na nagpapatong-patong at may habàng isa hanggang
dalawang milimetro. May kulay na berde ang dahon nitó, na mangasul-
ngasul, o kung minsa’y madilim na pulá na nababalutan ng maliliit na
tila buhok kaya may datíng itong tila tersiyopelo. Dahil sa mabuhok na
rabaw ng dahon kayâ ito hindi napapasok ng tubig at lumulutang kahit
itulak pababâ sa tubig. Inilalayô rin nitó ang asóla sa ibang mga halaman.
Nagtataglay ang dahon nitó ng cyanobacterium Anabaena azollae na
tumutulong sa pagsasaayos ng nitroheno sa atmospera upang magamit ng
halaman. Tinutulungan nitó ang asóla na mamuhay sa mga lugar na may
mababàng nitroheno. Humahabà naman ang ugat nitó palalim sa tubig.

Madalas na ituring na peste ng daang-tubig ang asóla dahil binabawasan


nitó ang oksiheno sa tubig. Samantala, pinatutubò naman ito ng mga
magsasaka sa kanilang taniman ng palay dahil nga tumutulong ito sa
paglikha ng nitroheno, na nakatutulong naman sa pagpapataba ng lupa.
May kakayahan din ang asóla na sumipsip ng polusyong metal, tulad ng
tingga, sa tubig. (ECS) ed VSA
asoséna
Ang asoséna ay isang pagkain na gawa sa karne ng aso. Mapaglaro ang
pangalan ng naturang pagkain.Sa isang bandá, pinagdudugtong nitó ang
“aso” at “sena”—mula sa cena ng Espanyol na nangangahulugan ng
pagkaing hapunan. Sa isa pang bandá, ipinahihiwatig nitó ang sarap sa
halimuyak ng bulaklak na “asusena.” Sinasabing sumikat ang salitang
asosena dahil sa pelikulang “Asucena” na isinulat ni Enrique Ramos at
idinirehe ni Carlos Siguion-Reyes noong 2000, bagaman matagal na itong
nilikhang pangalan sa paboritong pulutan ng mga lasenggo.

Karaniwan itong pulutan sainuman. Gayunman, may mga pook na mahilig


sa asosena bilang ulam. Sinasabing mainam itong pampababà ng presyon
ng dugo. Itinuturing itong di gaanong makolesterol dahil ang karne ng aso
ay mapulá-pulá na maputî-putî, may maninipis na tabâ, at medyo matigas
at mahibla. Malaganap ang pagpatay at pagkain sa mga aso dahil na rin
sa múra ito kaysa iba pang pagkukunan ng karne. Inilalaga ang karne,
ngunit higit na popular ang kaldereta, lalo na ang kompleto sa rekadong
pampalasa.

Ipinagbabawal sa Filipinas simula noong 1998 ang pagkain ng karne


ng aso. Ayon sa Republic Act No. 8485 o mas kilala bilang ang Animal
Welfare Act, bawal patayin at kainin ang aso maliban na lamang kung
bahagi ng mga panrelihiyong ritwal tulad ng mga isinasagawa ng ilang
katutubong pangkat sa Hilagang Luzon. Sa Metro Manila, pinagtibay
pa ito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ordenansa bilang 8205, na
nagbabawal sa pagkain at pagbebenta ng karne ng aso. (MJCT) ed VSA
asotéa
Ang asotéa, o azotea sa Espanyol, ay isang balkonahe likod o gilid ng
bahay-na-bato na karaniwang yari sa bato o kongkreto. Maaaring malapad
o maliit ito depende sa lapad din ng bahay. Ginagamit itong pahingahan
habang nakatunghay sa malaking bakuran. Binabakuran din ito ng bato
o kongkreto at nilalagyan ng mga palamuti tulad ng mga ornamental na
halaman. Karaniwang kailangan munang pumapasok sa loob ng ikalawang
palapag ng bahay upang marating ang asotea. Ngunit may mga bahay-na-
bato na may hiwalay na hagdan patungo sa asotea. May mga asotea na may
butas para sa pagsalok sa balon sa ibabâ at katabi ng kusina at labahan.

Maraming silbi ang asotea. Bukod sa pahingahan, ginagamit itong pook


kainan lalo’t mainit ang panahon. Ginagamit din ito sa maliliit na pulong.
Isang magandang tagpo sa Noli me tangere ang kabanatang “Suyuan sa
Asotea.” Sa nobela, sa asotea nag-usap sina Ibarra at Maria Clara upang
magkasarilinan at hindi marinig ng iba ang kanilang pag-uusap. Kadarating
ni Ibarra mula sa matagal na pag-aaral sa Europa at halata ang pananabik
ng magkasintahan sa isa’t isa. Sa nabanggit ding asotea naganap ang
hulíng pag-uusap ng dalawa sa nobela dahil papatakas si Ibarra pagkatapos
mabilanggo. (MJCT) ed VSA
aspálto
Ang aspálto, karaniwang tinatawag na bitumen sa Europa, ay pinaghalò-
halòng alkitran, bato, buhangin, at apog. May melting point o antas ng
pagkatunaw ito na 54-173°C at boiling point o antas ng pagkulo na higit pa
sa 3000 °C. Dahil na rin sa madikit at malapot nitóng katangian, ang aspalto
ay ginagamit na pantambak sa kalye, pantapal sa bubong, at proteksiyon
sa mga produkto para hindi pasukin ng tubig o waterproof. Ginagamit din
ito bilang pangunahing materyales sa mga pinturang hindi nakasisira sa
metal.

Ang natural na anyo ng aspalto ay nabuo mula sa mga patay na algae na


naipon sa ilalim ng dagat. Sa matinding init at bigat ng pagkakabaón sa
putik sa matagal na panahon, nagbabago ang kemikal na komposisyon ng
patay na algae hanggang naging aspalto.

Madalîng matunaw ang aspalto pag inihalò sa carbon disulfide.


Dinadagdagan ito ng kerosin o langis kung kailangang ibiyahe nang malayò
para manatili ang tamang lapot. Kailangan ding manatili ang temperatura
ng kinalalagyan nitó sa 150°C. Ang purong aspalto ay mabilis masunog.
Kayâ kapag inabot ng apoy, hindi ito dapat gamitan ng tubig kundi ng
carbon dioxide, dry powder, o foam. (CID) ed VSA
asúkal
Ang asúkal, mula sa Espanyol na azucar, ay produkto mula sa tubó, sugar
beet, at nakukuha rin sa prutas, pulút, at sorghum. Karaniwang tinatawag na
asukal ang kristalinang mga munting butil mula sa katas ng tubó, kinakain,
at matamis. Sa wika ng siyentipikong nutrisyon, may tatlong uri ito: ang
sucrose, lactose, at fructose. Ang sucrose na karaniwang ginagamit na
asukal na pantimpla sa kape at pagkain sa mesa ay makukuha din sa pulút,
bungangkahoy, at pakwan at milon. Ang lactose ay karaniwang makukuha
sa gatas, samantalang ang fructose ay makukuha sa ibang pagkaing gaya
ng prutas. Ang asukal ay itinuturing na carbohydrate at may 15 kalori
bawat kutsarita. Ang carbohydrate ay nagdudulot ng lakas sa utak at sa
mga masel ng tao.

Ang tubó ay isang uri ng damo na malaganap sa Asia. Gayunman,


tinatanggap na nagmula ang paggawa ng asukal sa India. Sinasabing iniuwi
ito sa Europa ni Alejandro ang Dakila mula sa pagsakop ng India. Sa ika-
12 siglo, nagluluwas na ng asukal ang Venice. Dinala ito ni Columbus sa
Amerika, nagkaroon doon ng malakihang plantasyon ng tubó, at nagbunga
ng pag-angkat ng alipin mulang Afrika. Nagmula ang salitâng asukal sa
Arabeng sukkar na nagmula sa Persang shakar na nagmula naman sa
Sanskritong sharkara. Sa India, tinatawag itong khanda na pinagmulan ng
Ingles na candy.

Nagkaroon ng malalaking plantasyon ng tubó sa Filipinas noong panahon


ng Espanyol at nanatili hanggang ngayon sa Negros at Tarlac na may
malalaking asukarera. “Kabyaw” o “kabyawan” ang tawag sa gilingan ng
tubó at mula dito ang pangalan ng Cabiao, Nueva Ecija. Sa ngayon, ang
binutil na asukal ay putî o repinado at pulá (brown sugar sa Ingles). Higit
na malalaki ang butil ng muskobado (muscovado). May inihuhulma ding
katas ng tubó sa bao ng niyog at tinatawag na panotsá. May kendi ng
asukal na may niyog at tinatawag na bukayò. Ang karamélo ay nilutong
asukal at kung minsan ay hinahaluan ng vanilla at butter. “Minatamis” ang
tawag sa himagas dahil karaniwang maasukal. Hinihigpitan ngayon ang
pagkaing maasukal dahil pinagmumulan ito ng , pagkasirà ng ngipin, labis
na pagtabâ, at diyabetes. (VSA)
asukaréra
Ang asukaréra ay isang pabrika sa paggawa ng asukal. Karaniwang
bahagi ng isang asukarera ang taniman ng tubó, imbakan ng iba’t ibang
anyo at produkto na mula sa tubó, at mga makinarya sa pagproseso ng
asukal. Ang mga asukarera ay bunga ng paglaki ng pangangailangan sa
asukal sa pandaigdigang pamilihan nitóng ika-19 siglo. Ang mga dáting
asyendang taniman ng palay o mais ay ginawang mga plantasyon ng tubó.
Maraming asendero sa Negros ang higit pang yumaman dahil sa malakas
na pagluluwas ng asukal. Sa kabilang bandá, ang asukarera at ang mataas
na tore ng pagawaan ng asukal ay nagmistulang simbolo ng kariwasaan sa
gitna ng malawak na plantasyon at naghaharing karalitaan sa paligid.

Ang malubhang pagsasamantala sa mga magsasaka, ang mapang-aliping


relasyon ng asendero at ng mga manggagawa sa asukarera, at iba pang
kalupitan sa tinatawag na sakáda ay naging maalingasngas nang maiulat
sa mga pag-aaral at artikula noong dekada 60. Sa kabila ng reporma sa
lupa at ng malimit na pagbagsak ng presyo ng asukal ay hindi naglahò ang
mga hindi makatarungang pamamalakad sa mga asukarera.

Matatagpuan ang mga asukarera, na naging malakas sa hulíng bahagi


ng pananakop ng mga Espanyol at sa panahon ng pananakop ng mga
Amerikano, sa Gitnang Luzon at Kanlurang Kabisayaan. Isang halimbawa
ng asukarera ay ang Central Azucarera de Tarlac na makikita sa loob
ng Luisita Agro-Industrial Complex sa San Miguel, Tarlac. Naging
kontrobersiyal ang asukarerang ito dahil sa pagtanggal ng pamunuan sa
mga lider ng unyon na humihingi ng reporma sa pagpapasahod. (MJTC)
ed VSA
Jose Maria Asuncion
(14 Disyembre 1869-2 Mayo 1925)
Isang kinikilálang pintor, naglingkod sa hukbong rebolusyonaryo, at isa
sa unang guro sa pintura sa UP School of Fine Arts. Isinilang si Jose Ma-
ria Asuncion (Ho·sé Ma·rí·ya A·sun·syón) noong 14 Disyembre 1869 sa
Sta. Cruz, Maynila kina Hilarion Asuncion at Marcela Reymundo. Isang
mang-uukit sa kahoy ang kaniyang ama at anak ito ng bantog na si Leoncio
Asuncion. Nagtapos siyá ng batsilyer sa Ateneo de Manila at nag-aral sa
Academia de Dibujo y Pintura. Tinangkilik siyá ni Agustina Medel, may-
ari ng Teatro Zorilla, hábang nag-aaral sa Paris noong 1890. Doon niya
nakilála sina Juan Luna at Feliz R. Hidalgo. Lumipat siya sa Madrid at
nag-aral sa Escuea de Bellas Artes, 1891-1895. Tumanggap siyá ng ilang
premyo hábang nag-aaral. Bumalik siyá sa Maynila noong 1895 at nag-
ing assistant sa Escuela Profesional de Artes y Oficio sa Iloilo hanggang
Nobyembre 1898.

Lumahok siyá sa ikalawang yugto ng Himagsikang Filipino at naging


tagapangasiwa ng suplay ng hukbo sa Iloilo. Nalipat siyá sa pagtatayô
ng tanggulan sa Jaro, La Paz, at ibang pook, at naging kapitan noong Pe-
brero 1899. Pagkatapos ng Digmaang Filipino-Amerikano, isináma niya
ang asawang si Juana Hubero sa Calbayog, Samar at pagkatapos, sa Ta-
cloban Leyte. Apat na taón siyá doon na nagpipinta ng tanawin at talon,
at pumasok sa potograpiya para kumita. Bumalik siya sa Maynila noong
1905, nag-aral ng abogasya, naging miyembro ng Partido Independista, at
nagsulat sa iba’t ibang peryodiko.

Nang buksan ang University of the Philippines School of Fine Arts, tinang-
gap ni Asuncion ang pagiging guro noong 1 Hunyo 1909 at naging kali-
him nitó noong 1911. Itinuturing siyá ni Fabian de la Rosa na natatanging
espesyalista sa “still life.” Ang mga pag-aaral niya sa kasaysayan ng sin-
ing sa Filipinas at dibuho ng mga tradisyonal na kasuotan ay itinuturing
na napakahalaga sa naturang mga paksain. Namatay siyá noong 2 Mayo
1925. (GVS)
Leoncio Asuncion
(12 Setyembre 1813-1888)
Isang natatanging eskultor ng mga paksaing relihiyoso, isinilang si Leoncio
Asuncion (Le·ón·syo A·sun·syón) noong 12 Setyembre 1813 sa Sta. Cruz,
Maynila. Noong 1830, naglingkod siyáng eskultor sa Taller de Escultura,
at lumitaw pagkuwan na pinakamahusay sa eskulturang relihiyoso sa
Filipinas noong ika-19 siglo.

Itinayô niya at kapatid na si Manuel, isa ring eskultor, ang isang talyer
na naging bantog sa paglikha ng estatwang relihiyoso. Marami sa mga
sumikat na eskultor ang naging estudyante ng magkapatid na Asuncion.
Nililok ni Leoncio ang bantog na “La Tercera Caida” na naglalarawan
sa ikatlong pagkadapa ni Kristo patungo sa Kalbaryo. Ipinuprusisyon ito
hanggang ngayon sa paligid ng Simbahang Sta. Cruz. Lumikha rin siyá ng
Nakapakòng Kristo sa marmol, at mga estatwa ng santo. Hinahangaan ang
mga likha ni Leoncio sa simetriya at nilalik na kagandahan. Sinasabing
nadulutan niya ang kaniyang mga likha ng “damdamin at kariktang
makasining.”

Namatay si Leoncio noong 1888. Nitóng 1983, naglagay ang National


Historical Institute ng isang marker sa harap ng Simbahang Sta. Cruz
bílang pagpupugay sa kaniyang alaala. (GVS)
aswáng
Pinaniniwalaan sa iba’t ibang lugar at bayan, ang aswáng ay isang lalang
na bahagi ng kuwentong-bayan ng Filipinas. May kakayahan itong
makapagpalit ng anyo, nakalilipad, at nahahati ang sariling katawan.
Sinasabing nagnanakaw ito at kumakain ng bangkay lalo na ang puso at
atay ng tao. Ang ninakaw na katawan ay hinahalinhan ng katawan ng punò
ng saging. May aswang ding tinatawag na mandurugo o yaong parang
bampirang sumisipsip ng sariwang dugo ng tao. Kabílang rin sa uri nitó
ang mga manananggal at wakwak o kawakwak na nahahati ang katawan
at lumilipad. Naiiwan ang baywang nitó at paa at lumilipad ang ulo at
katawan upang maghanap ng mabibiktima.

Pinansin ng mga kronistang Espanyol na ang aswang ang pinakakinatataku-


tang lalang ng mga katutubong Filipino kahit pa noong siglo 16. Laganap
sa buong Filipinas ang paniniwala rito maliban sa rehiyong Ilocos.
Ang katangian ng aswang at mga kakabit na salaysay tungkol dito ay
nagkakaiba-iba sa bawat rehiyon. Gayunman, may matutukoy na ilang
palagiang katangian. Nagbabago-bago ang hitsura ng mga aswang. Sila
ay namumuhay bilang karaniwang tao, tahimik, mahiyain at palaiwas sa
tao. Sa gabi, nagbabago sila ng anyo—nagiging pusa, baboy, ibon, o aso.
Gustong-gusto nilang kumain ng mga sanggol sa sinapupunan o mga batang
paslit. Napahahabà nila ang kanilang dila na ginagamit nila sa pagsipsip ng
sanggol sa sinapupunan ng ina. Mayroon ding mapupulang mata ang mga
aswang na dulot ng pagkapuyat nila sa paghahanap ng makakain sa gabi.

Madalas, kapag may hindi maipaliwanag na pangyayari sa komunidad,


ginagawang dahilan ang mga aswang. Halimbawa nitó ang mga nakawan
sa mga libingan, pagkawala ng mga bata, di-maipaliwanag na mga ingay,
o mga taong may kakaibang galaw o gawi.

Pinakalaganap sa Kabisayaan, lalo na sa Capiz, ang mga kuwento tungkol


sa aswang. Sa katunayan, noong 2004, pinasimulan sa Capiz ang Aswang Mula sa Aklat Adarna
Festival bilang pantumbas sa Halloween. Tinuligsa ang pistang ito ng
simbahang Katoliko kayâ itinigil ito ng lokal na pamahalaan noong 2007. Sa ilang bahagi ng Kabisayaan, ang aswang ay tinatawag na tamawo,
tumao, kama-kama, at sok-sok. Ang ilan sa mga ito ay nag-aanyong hayop
Sa kulturang popular, marami nang pelikula, programa sa telebisyon, at tulad ng tiyu-an na isang baboy, at tik-tik at silik-silik na isang uri naman
komiks ang nagtampok sa aswang bilang tauhan. ng ibon. (JCN) (ed GSZ)
asyénda
Ang asyénda (mula sa Espanyol na hacienda) ay malawak na lupain na
karaniwang pag-aari ng mga táong nakaaangat sa lipunan at ginagamit
bilang plantasyon. Umusbong ang mga ito sa Filipinas noong ika-19 na
dantaon bunsod ng dalawang pangyayari. Una, ang kolonya ay nagbukas sa
kalakalang pandaigdig at pangalawa, naitatag dito ang ekonomiyang cash-
crop—isang ekonomiya na nakabase sa mga kalakal na pananim tulad ng
abaka, tabako, kape, bigas, at asukal. Sa unang pagkakataon, nabuksan sa
kamalayan ng mga tao ang kahalagahan ng lupa. Bunga nitó, nagsimulang
mag-ari ng lupa ang mga táong may mataas na estado o uri sa lipunan, at
kinalaunan ay tinawag ang kanilang mga lupain na asyenda .

Bukod sa mga relihiyosong korporasyon, mga Espanyol, at creoles (mga
Espanyol na ipinanganak sa Filipinas), naging aktibo din sa pag-aari
ng lupa ang mga mestisong Tsino na sa panahong ito ay nagkaroon na
ng sapat na yaman mula sa kanilang mga negosyo upang tustusan ang
pagbili ng lupa. Ang paglago ng kanilang lupain ay bunsod ng pacto de
retroventa, isang kasunduan na ibinibigay ng táong nangungutang ng pera
ang kaniyang lupa bilang kolateral sa táong kaniyang inutangan. Bahagi
ng kasunduan ang muling pagbili ng una sa kaniyang lupa mula sa huli
sa halagang katumbas ng kaniyang pagbebenta. Gayunman, sa ilalim ng
kasunduang ito, hindi na nababawi ng táong nagbenta ang kaniyang lupa.
Bukod sa pacto de retroventa, naging daan din ang Batas Maura noong
panahong ito sa pag-usbong ng asyenda. Ayon sa batas na ito, may isang
taóng palugit lámang ang sinuman upang patituluhan ang kanilang lupa.
Sinumang hindi makatupad dito ay mawawalan ng karapatan sa kaniyang
pag-aari. Bunsod ng kawalang-alam sa batas na ito, ang lupa na pag-aari
ng mga maliliit na tao ay naglaho at napasáma sa titulo ng mga malaking
nagmamay-ari ng lupa na nakakaalam sa nasabing batas.
Bago pa ang dalawang nabanggit sa itaas, ang mga gawad ng monarkiya
(royal grants) at pagbili sa mga lupaing pag-aari nitó (realengas o
royal estates) ang nagbigay daan sa paglitaw ng malalawak na lupaing
pagmamay-ari ng iilang mariwasang tao sa Filipinas. Sa simula pa lamang
ng pananakop, ang mga opisyal na Espanyol ay binibigyan ng karapatang
pangalagaan ang malalawak na lupaing tinatawag na engkomiyénda
(encomienda). Ang mga lupaing ito ang naging pundasyon ng mga asyenda
sa kasalukuyan. Sa Luzon, ang dalawang malaking asyendang Luisita
at Esperanza ay bunga ng nabanggit na gawad ng monarkiya. (LN) (ed
VSA) Retrato ni Soliman A. Santos
átang
Ang átang ay may dalawang kahulugan na magandang pag-aralan. Sa mga
Tagalog, ang átang ay paraan ng pagtulong upang isunong o pasanin ang
isang mabigat na bagay. Ginagawa ito madalas ng mga magsasaka kapag
binubuhat ang palay, ng mga mangingisda at kargador sa pagpapasan ng
mga banyera ng isda, at ng iba pang uri ng manggagawa. Sa ibang pook,
ang átang ay isang paghahayin o pag-aalay. Sa Bikol at Pangasinan, tawag
ito sa paghahandog ng banal na alay bilang pasalamat sa ani o anumang
biyaya.

Kapuwa nangangahulugan ang dalawang praktika ng tungkuling


pangkomunidad. Ang una ay sagisag ng pagtutulungan sa pagharap sa
mabibigat na tungkulin. Ang ikalawa ay pagpapahayag ng nagkakaisang
damdamin ng sambayanan, isang sáma-sámang pagdiriwang. Hindi
maaaring ganapin ang alinman sa dalawa ng isang tao at nag-iisa.
Halimbawa pa, hindi materyal na bagay lámang ang ipinaaatang. Madalas
ding ipaatang ang responsabilida na gaya ng pag-aaruga ng panganay sa
mga kapatid kapag namatay na ang mga magulang o ng pagbabantay ng
kamag-anak kapag nangibang-bansa ang mga magulang. (MJCT) ed VSA
Atí-Atíhan
Ang Atí-Atíhan ay isang pista tuwing ikalawang linggo ng Enero sa
Kalibo, Aklan sa pulô ng Panay upang gunitain ang kapistahan ng Santo
Niño. Ito ay karaniwang ipinagdiriwang pagkatapos ng selebrasyon ng
pagdalaw ng Tatlong Hari kay Hesus sa sabsaban. Gamit ang makukulay
na maskara, uling sa katawan, at iba’t ibang matingkad na kasuotan, ang
mga táong kaisa sa pagdiriwang ay sumasayaw kasabay ang tunog ng mga
tambol at sigaw na “Hala, Bira!.”

Ang salitâng “Atí-Atíhan” ay may kahulugan na “maging katulad ng


isang Ati.” Noong ika-13 siglo, pinaniniwalaang dumating sa Panay ang
sampung datu mula sa Borneo at nakipagsundo sa mga katutubong Ati.
Ang mga Ati ay mga Negrito o maliliit at maiitim na tao, kulot ang buhok,
at naninirahan noon sa Panay. Ayon sa kuwento, binili nina Datu Puti
ang ilang bahagi ng lupain kapalit ng salakot na ginto at iba pang hiyas.
Magmula noon ay sa kabundukan nanirahan ang mga Ati. Bumababâ silá
kapag humihingi ng tulong sa mga datu. Ang mga Ati ay sumasayaw at
kumakanta bílang pasasalamat.

Itinapat ang Ati-Atihan sa pagdiriwang ng pista ng Santo Niño. Kayâ bahagi


ng sanlinggo’t masayáng parada sa Kalibo ang pagtatanghal at pagbubunyi
sa imahen ng batàng Hesus, gaya ng ginagawâ ding pagdiriwang tuwing
Enero sa “Sinulog” ng Cebu, “Dinagyang” ng Iloilo, “Halaran” ng Capiz,
“Maskarahan” ng Bacolod, at “Binirayan” ng Antique. (IPC) (ed VSA)
átis
Ang átis (Anona squamosa Linn.) ay isang maliit na punò na may taas na
3 hanggang 5 metro. Ang dahon nitó ay hugis pahabâ na 8-15 sentimetro
ang habà. Namumulaklak ito sa pagitan ng mga dahon at tangkay na may
habàng 2.5 sentimetro at nagkukulay berde hanggang dilaw.

Ang prutas nitó ay may iba’t ibang hugis at laki. Kalimitang bilóg o
hugis puso. Ang labas ng prutas ng atis ay maraming bukó na maliliit at
magaspang. Malalamang hinog na ang prutas kapag ang kulay ng balát nitó
ay nása pagitan ng dilaw at berde. Ang laman ng atis ay maputî, matamis,
malambot, at makatas na may masarap na lasa. May matamis din itong
amoy.

Ang atis ay gáling sa Amerika at dinala ng mga Espanyol sa Filipinas.


Ngayon, ito ay nililinang na sa buong bansa. Kinakain din ng ibong kabag
ang atis kayâ madalî itong kumalat sa iba’t ibang lugar dahil sanalalaglag
na mga buto nitó. Ang punò ng atis ay tumutubò kahit saan maghulog ng
buto nitó. Mabilis din itong lumaki. Katunayan, mahigit isang taón lang
mula sa pagkakatanim ng buto nitó ay maaari na itong mamunga. Tatlong
beses sa isang taón kung mamunga ito pero ang pinakamagandang bunga
nitó ay tuwing tag-init. Dahil gusto ito ng mga kabag at ibon, kailangang
anihin ang bunga nitó bago ito mahinog sa punò at upang makapag-ani ng
magandang mga prutas. (ACAL)
atsára
Karaniwang tinatawag na atsára ang pampalasa na gawa sa ginadgad na
muràng papaya at ibinabad sa sukà. Gayunman, ang pinagmulan nitóng
atchara sa Espanyol ay anumang gulay na ibinabad sa sukà at isang
prosesong katulad ng pickle sa Ingles. Ang atsára ay itinuturing na mainam
na pampalasa sa inihaw o pritong pagkain, lalo na barbekyu.
Ang nakagarapong atsara ay binubuo ng ginadgad na muràng papaya,
hiniwang carrot, binlatang mga liha ng bawang, at mga piraso ng luya,
sibuyas, at siling pukinggan. May nagdadagdag ng pampatamis na pasas at
pinya. Para mas tumapang, dinadagdagan pa ng paminta. Sakâ ibinababad
sa solusyong sukà, asukal o sirup, at asin sa loob ng isang garapong mahigpit
ang pagkakatakip sa loob ng ilang araw. Kapag binuksan, kailangang itago
ang atsara sa loob ng palamigan upang manatili ang lasa at hindi lubhang
umasim.
May popular ding atsarang labóng ng kawayan. Ang totoo, katumbas na
ngayon ang atsara ng gamit nitó sa Espanyol, gaya sa atsarang pipino,
atsarang talong, at iba pang gulay. (VSA)
atsuwéte
Ang atsuwéte (Bixa orellana Linn.) o achuete ay punongkahoy na umaabot
sa anim na metro ang taas at may bungang tila kapsula, mabalahibo at
mapulá ang labas ay may maliliit na butong pulá sa loob. Annatto o lipstick
plant ang tawag dito sa Ingles. Tumutubò ito sa lahat ng dako ng Filipinas.
Itinuturing itong halamang-gamot. Ang dahon ay inilalaga at pantapal
sa galos at paltos. Ang sapal ng mga buto ay naipapahid din sa naturang
pinsala o kayâ’y ipinapahid sa noo laban sa sakit ng ulo. Itinatapal din ang
nilagang dahon laban sa gonorea.
Gayunman, higit na kilalá ang atsuwéte bilang pampalasa at pampakulay
ng pagkain. Ang mga buto ay nililinis at pinipiga sa tubig hanggang
pumulá. Ibinubuhos ang mapuláng tubig sa inilulutong karekare. Múra
itong pampapulá sa ispagheti at ibang ulam sa karenderya. Pinaglalaruan
din ng mga musmos at ginagamit na kolorete o lip-istik. Sa mga sayaw,
ipinangguhit ito ng mukha at ipinangkukulay ng buhok. May malaking
komersiyo ng mga buto ng atsuwete sa buong mundo, Brazil ang may
pinakamalaking produksiyon, lalo na dahil ginagamit ito sa paggawa ng
sabon at ibang kosmetiko. (VSA)
Audiencia Real
Ang Audiencia Real (aw·dyén·sya re·ál) o Real Audiencia (Royal
Audiencia sa Ingles) ay mataas na hukuman sa Espanya at mga kolonya nitó.
May mga hukom itong tinatawag na oidores, literal na nangangahulugang
“mga tagadinig.” Ang unang audiencia ay itinatag sa Kaharian ng Castilia
noong 1371 at sa Valladolid at dalawang siglong nagsilbing kataas-taasang
hukuman. Ang sistemang audiencia ay pinairal sa mga kolonya bagaman
nagkaroon ng dagdag na tungkulin at iba’t ibang komposisyon. Sa labas ng
Espanya, nagkaroon ito ng trabahong lehislatibo at administratibo bilang
kinatawan ng Hari. Iba-iba din ang bilang ng kagawad sa pana-panahon.
Sa Mexico, ang unang audiencia ay may apat na oidores, isang presidente
at isang piskal, at dumidinig ng lahat ng kasong kriminal at sibil. Pagdating
ng ika-17 siglo, nagkaroon ito ng dalawang kamara para sa dalawang uri
ng kaso. Ang kamarang sibil ay may walong miyembro at isang piskal.

Sa Filipinas, ang Audiencia Real ang itinuturing na unang kataas-


taasang hukuman sa bansa. Itinatag ito noong 1583 at unang presidente
si Gobernador Santiago de Vera. Bukod sa pagdinig sa mga kasong sibil
at kriminal, dinidinig din nitó ang ibang kasong administratibong idulog
ng gobernador-heneral. Dahil mahirap ang kolonya at kaunti pa ang
populasyon, inisip na buwagin ang audiencia noong 1589. Ipinalit ang
isang konseho na may 400 miyembro sa ilalim ng gobernador-heneral.
Kaagad napuna ang di-kasiya-siyang operasyon ng konseho kayâ muling
ibinalik ang audiencia noong 1895 kasáma ng mga dating tungkulin nitó.

Nagtakda din ng mga paraan upang masuri ang paglilingkod ng mga


miyembro ng audiencia, lalo na ang sa presidente. May tinatawag na
residencia (re·si·dén·sya) upang siyasatin ang gobernador-heneral sa
katapusan ng kaniyang panunungkulan. Nagpapadalá din ng visita ang
Hari upang mag-imbestiga sa kolonya. Bahagi ng Repormang Bourbon ang
pagtatalaga ng regente (re·hén·te) bilang punò ng audiencia. Sa ganitong
paraan ang gobernador-heneral ay naging presidenteng pandangal lámang
ng hukuman. (VSA)
retrato ni Gobernador Heneral Narciso Claveria
Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)
Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay isang
espesyal na rehiyong iniukit sa Mindanao at karatig pulo para sa
pamamahala ng mga pook na Muslim ang nakararaming mamamayan.
Una itong nilikha noong 1 Agosto 1989 sa bisà ng Batas ng Republika
Blg. 6734 bilang pagtupad sa tadhanang konstitusyonal hinggil sa bagay
na ito. Isang plebisito ang ginanap sa mga lalawigan at bayan sa Mindanao
upang malaman kung nais ng mga residente maging bahagi ng ARMM.
Apat na lalawigan ang bumotong maging bahagi ng rehiyong awtonomo,
ang Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, at Tawi-Tawi, at pinasinayaan ang
ARMM noong 6 Nobyembre 1990 sa pansamantalang kapitolyo nitó sa
Lungsod Cotabato, bagaman hindi ito saklaw ng ARMM.
Noong 2001, pinalaki pa ang ARMM ng RA 9054. Sa isang plebisito,
bumotong bahagi ng ARMM ang Lungsod Marawi at ang lalawigan
ng Basilan (maliban sa Lungsod Isabela). Noong 2006, isang bagong
lalawigan, ang Shariff Kabungsuan, ang inihiwalay sa Maguindanao at
naging ikaanim na probinsiya sa loob ng ARMM. Gayunman, naglaho ang
Shariff Kabungsuan noong 2008 nang ideklara ng Korte Suprema na labag
sa konstitusyon ang batas na pinagbatayan ng pagkalikha sa probinsiya.
Ang paglikha ng ARMM ay bunga ng mahabàng kasaysayan ng pagtutol
ng mga Muslim sa Mindanao na maging bahagi ng Filipinas mula pa
noong pananakop na Espanyol. Hindi lubos na napailalim ang mga Muslim
kahit sa panahon ng mga Amerikano. Noong mga taóng 1970 ay lumubha
ang kaguluhan sa pook dahil sa separatistang Moro National Libration
Front (MNLF). Napilitang magpahayag si Pangulong Marcos ng isang
awtonomong rehiyon sa Katimugang Filipinas ngunit tinanggihan ito sa
isang plebisito.
Sa kabilâ ng ARMM, mailap pa rin ang kapayapaan sa buong Mindanao.
Napalitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang MNLF bilang
pangunahing puwersang sandatahan. Aktibo ang mga terorista sa
pangunguna ng pangkating Abu Sayyaf. Samantala, maraming lumitaw
nang kaso ng malubhang korupsiyon sa pamahalaang ARMM. Sangkot
ang maraming pook ng ARMM sa malawakang dayaan nitong nakaraang
mga pambansang halalan. Nitóng Hunyo 2012, ipinatigil ang rehistrasyon
para sa eleksiyon sa ARMM dahil kailangang linisin ang listahan ng mga
botante. Gayunman, patuloy ang negosasyong pangkapayapaan para
mapahusay ang pamamahala sa buong rehiyon at maipatupad ang mga
programang pangkaunlaran. (VSA)
Librada Avelino
(17 Enero 1873-9 Nobyembre 1934)
Si Librada Avelino (Li·brá·da A·ve·lí·no), kilala bilang Maestra Ada, ay
isang natatanging guro sa Filipinas. Isa siyá sa mga naging tagapagtatag ng
kinikilála ngayong Centro Escolar University.
Isinilang siyá noong 17 Enero 1873 sa Quiapo, Maynila kina Pedro Avelino,
isang parmasyutiko, at Francisca Magali. Nagsimula siyá ng pormal
na edukasyon sa ilalim ni Maestra Luisa Bacho sa isang pampublikong
paaralan. Nag-aral din siyá ng wikang Espanyol at musika. Humanga siyá
sa nobela ni Jose Rizal, at naging paborito niyang awtor ang naturang
bayani. Sa edad na 16, siyá ang pinakabatà na nakatapos ng kurso sa
pagtuturo noong panahon ng mga Espanyol. Naipasa niya ang eksamen ng
pamahalaan para sa mga guro ng mababàng paaralan sa naturang edad at
nagpamalas ng husay sa pagtuturo.
Kumuha siyá ng isa pang diploma sa Normal School for Women dahil
ambisyon niyang makapagturo sa sekundarya. Noong unang bahagi ng
pananakop ng Amerikano, nagtatag siyá ng isang pribadong paaralan sa
Maynila ngunit hindi naging matagumpay dahil sa kakulangan sa mga
klase sa Ingles. Pumasok siyá sa mga summer school sa Maynila at Hong
Kong upang linangin ang sarili sa wikang Ingles. Matapos nitó, ginawa
siyáng prinsipal sa isang pampublikong paaralan para sa mga babae sa
Pandacan. Siyá ang unang prinsipal na Filipina sa pampublikong paaralan
sa Panahon ng Amerikano.
Isa rin siyang patriyota. Nagprotesta siya sa isang lektura ni Prescott
F. Jernegan hinggil sa mga rebolusyonaryong Filipino. Ipinagtanggol
niyang hindi silá mga bandido at sa halip ay mga patriyotang gaya rin
ng mga sundalo sa Rebolusyong Amerikano. Nagprotesta rin siyá sa
panghihimasok ng isang Amerikanong opisyal ng paaralan sa kaniyang
gawaing pampaaralan, na nagdulot ng unang naitalang walkout ng mga
estudyante bilang suporta sa kanilang guro.
Noong 1907, kasáma sina Carmen de Luna at Don Fernando Salas,
itinatag niya ang unang eskuwelahang pambabae na nasyonalistiko at Pinarangalan siyá bilang Master of Pedagogy, honoris causa ng Unibersidad
non-sectarian sa Filipinas. Tinawag itong Centro Escolar de Señoritas at ng Pilipinas noong 1929 para sa kaniyang naging mahalagang kontribusyon
siyá ang naging direktor nitó. Nagturo siyá sa kababaihang estudyante na sa edukasyon sa bansa. Siyá ang unang babaeng tumanggap ng naturang
magkaroon ng aktibong interes sa gobyerno. Ang naturang kolehiyo ang karangalan. Namatay siyá sa kanser sa tiyan noong 9 Nobyembre 1934.
unang institusyong non-sectarian na nagbigay ng kurso para sa pilosopiya Ipinangalan sa kaniya ng Centro Escolar University ang Librada Avelino
at edukasyon. Tinawag ito kalaunan bilang Centro Escolar University. Memorial Awards para sa mga natatanging babaeng lider sa Asia. (KLL)
Daisy Hontiveros Avellana
(26 Enero 19170-12 Mayo 2013)
Tinaguriang “Unang Ginang” ng Teatrong Filipino si Daisy Hontiveros-
Avellana (Déy·si On·ti·vé·ros-A·vel·yá·na). Isa siyáng aktres, direktor,
prodyuser, at manunulat para sa teatro, radyo at pelikula. Lourdes
Genoveva Dolores Pardo Hontiveros-Avellana ang kaniyang buong
pangalan. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa
Teatro noong 1999.
Walang katulad sa husay ang pagganap niyá bilang Candida Marasigan
sa dula at pelikulang Portrait of the Artist as Filipino ni Nick Joaquin.
Binigyang-buhay rin ni Daisy sa entablado ang tauhang si Doña Lupe
(1978) ni Nick Joaquin sa Tatarin; sina Lady Macbeth (1959) at Desdemona
(1953) ni William Shakespeare; si Bernarda Alba (1967) ni Federico
Garcia Lorca; si Joan of Lorraine (1954) ni Maxwell Anderson; si Mary
Tyrone (1958) ni Eugene O’Neil; sina Medea, Eleanor of Aquitaine, Sarah
Bernhardt; at, marami pang karakter ng mga dulang lokal at inangkat.

Katuwang siyá ng kaniyang asawa na si Lamberto Avellana at may


limampung kapanalig sa pagtatatag ng Barangay Theatre Guild (BTG)
noong 1939. Ang BTG ang unang organisasyong panteatro sa Filipinas.
Itinanghal ng BTG sa kanilang ang unang produksiyon ang Women are
Extraordinary ni Wilfrido Ma. Guerrero, The Potboiler ni Gerstenberg,
Nerves ni Farrar, at sa mga sumunod ay mga orihinal niyáng akda gaya ng
And One was Valiant.

Ang una niyáng akda para sa pelikula ay ang Sakay, na ginarawang


pinakamahusay na iskrip noong 1939. Sumulat din siyá ng mga pinaikling
dula na halaw mula sa Wuthering Heights, Joan of Lorraine, at Cradle
Song na isinahimpapawid sa mga programa ng DZPI, DZHF at DZRP.
Idinirihe para sa teatro ni Daisy ang Diego Silang (1968), at Walang Sugat
(1971-1972). Ang pagtatanghal ni Daisy ng dula ni Severino Reyes na
Walang Sugat noong kapanahunan ng pagkakasuspinde ng writ of habeas Hontiveros. Nagtapos siyá ng Batsilyer sa Pilosopiya sa Unibersidad ng
corpus ay tumugon sa pangangailangang buhayin ang kaisipan laban sa Pilipinas (1937), Master sa Sining sa UST (1938). Nagsanay siyá ng mga
panunupil. estudyante ng drama at nagdirihe ng mga dula sa Centro Escolar University
(1938), St. Paul College (1949-1961), St. Theresa’s College, Assumption
Tubòng-Lungsod Roxas, Capiz, ipinanganak siyá noong 26 Enero 1917 Convent, St Scholastica’s College, Holy Ghost College, FEU, at UST.
at panganay sa magkakapatid na walong lalaki at dalawang babae nina College of Medicine. Namatay si Avellana noong 12 Mayo 2013 sa edad
Huwes Jose Hontiveros, huwes ng Korte Suprema, at Vicenta R. Pardo- na 96. (RVR) (ed VSA)
Lamberto V. Avellana
(12 Pebrero 1915-25 Abril 1991)
Si Lamberto V. Avellana (Lam·bér·to Vi A·vel·yá·na) ay isang mahusay
na direktor sa teatro at pelikula. Makabuluhan ang kaniyang mga ambag sa
pagpapaunlad ng anyo at laman ng pagtatanghal sa entablado at pinilakang
tabing. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa
Teatro at Pelikula noong 1976.
Sa pelikula, tagapanguna siyá sa sinematikong paraan ng punto-de-bista
at mise-en-scene sa paggamit ng kamera. Sa bawat kuwadro ng pelikula
at kabuuang eksena ay napapatampok ang damdamin sa pamamagitan ng
anggulo ng kamera at komposisyon. Inihatid din niyá sa iskrin ang mga
imahen at naratibo ng tunay na buhay ng pangkaraniwang tao, ang kanilang
realidad at pagsisikap mabuhay, at sa gayong paraan ay naghandog siyá ng
salungat na tunguhin laban sa purong komersiyalismo ng pelikula.
Kinilála ng mundo ang kaniyang mga pagsisikap: ang Anak Dalita (1956)
ay nagkamit ng Grand Prix bilang pinakamahusay na pelikula sa Asian
Film Festival sa Hong Kong; ang Badjao (1957) ay nagbigay sa kaniya ng
gawad para sa pinakamahusay na direktor at tatlo pang medyor na parangal
sa Asian Film Festival sa Tokyo; nagwagi ng Conde de Foxa Award sa
Bilbao, Spain, ang El Legado (1960); ang, La Campana de Baler (1961)
ay nagwagi rin ng Conde de Foxa Award, medalyang pilak; at, noong 1969,
nakamit niyá ang gawad para sa pinakamahusay na dokumentaryo para
sa The Survivor, sa Cambodian Film Festival. Si Avellana rin ang unang
Filipinong nagtanghal ng obra sa Cannes International Film Festival,
Ang Kandelerong Pilak (1954). May mga pelikula si Direktor Avellana
na para sa pangdaigdigang pagtatanghal tulad ng Sergeant Hasan (1967),
Destination Vietnam (1969), at The Evil Within (1970).
Tampok sa kaniyang mga obra maestra ay ang pagsasapelikula ng ilang
mga klasikong dula: ang A Portrait of the Artist as Filipino (1965) ni Nick
Joaquin at Walang Sugat ni Severino Reyes.
Ipinanganak siyá noong 12 Pebrero 1915 kina Dr. Jose Avellana at Rita
Vera. Napangasawa niyá ang Pambansang Alagad ng Sining din na si Daisy
Hontiveros at may tatlo siláng anak—Jose Mari, Marivi, at Lamberto Jr.
Ang marubdob na pag-ibig sa dulaan ni Avellana ay nagsimula noong Panandang-bato sa teatro sa bansa ang 1 Marso 1939, nang itinatag ng
estudyante pa lámang siyá ng Ateneo. Siyá ang gumanap na Joan of Arc mag-asawang Lamberto at Daisy at ng may 50 kapanalig na mga aktor,
noong 1935 para sa Diamond Jubilee ng Ateneo sa direksiyon ni Fr. Henry musiko, mananayaw, manunulat, pintor, arkitekto, eskultor, at propesor
Lee Irwin, S.J. Siyá rin ang katulong na direktor ni Fr. Irwin hábang ang Barangay Theater Guild (BTG). Nagkamit siyá ng maraming parangal
gumanap na bida sa dula. Sa Ateneo siyá nagtapos ng Batsilyer sa Sining, bago sumakabilang-buhay noong 25 Abril 1991. (RVR) (ed GSZ)
magna cum laude.
Aves de Rapiña
Editoryal na lumabas sa El Renacimiento, pahayagan sa wikang Espanyol,
noong 30 Oktubre 1908. Sinulat ito ng pangalawang editor na si Fidel
Reyes. Matinding tinuligsa sa editoryal ang isang mataas na pinunò ng
pamahalaang kolonyal ng Amerika sa Filipinas, na pinasaringang “Aves
de Rapiña” (Mga Ibong Mandaragit) dahil ginagalugad diumano ang
kabundukan ng Benguet, Mindanao, at Mindoro upang tuklasin ang susi
sa mga yamang likás ng bansa para sa pansariling pakinabang. Wala mang
binanggit na pangalan, tinamaan ang noo’y Kalihim ng Interior na si
Dean C. Worcester. Nagsampa ito ng kasong libelo laban sa may-ari ng
pahayagan na si Martin Ocampo, sa editor at pangalawang editor na sina
Teodoro M. Kalaw at Fidel Reyes, at iba pang pinunò ng pahayagan (na
inalis sa demanda nang lumaon).

Nanalo si Worcester at naparusahan ng pagmumulta at pagkabilanggo ang


mga akusado. Nasara ang pahayagan at naibenta ang imprenta nitó; ngunit
naghabol hanggang sa Korte Suprema ng Estados Unidos sina Ocampo,
Kalaw, at Reyes. Tumagal ang kaso hanggang 1914, ngunit hindi silá
nabilanggo, dahil pinagkalooban silá ng lubusang kapatawaran ng naupông
Gobernador Heneral Francis Burton Harrison. Hindi napatunayan ang
mga paratang kay Worcester. Ngunit pinatunayan sa kasong ito, minsan
pa, kung paanong ginamit ng mga Filipino ang peryodismo para isulong
ang adhikang makabansa. (AEB) (ed VSA)
awideng
Ang awideng o awedeng ay isang instrumentong pangmusika ng mga
Bontok na yari sa metal. Kabilang ito sa pamilya ng mga jew’s harp o kubing
(ang pangkalahatang tawag sa Filipinas sa mga ganitong instrumento).
Ang awideng ay katulad din ng abilao, abil-law o abellao ng mga Bontok
ngunit gawa ang mga hulíng nabanggit sa kawayan.

Upang makalikha ng tunog, inilalagay ang awideng sa pagitan ng mga labì


o ngipin ng tumutugtog. Ang pagkalabit ng kaniyang daliri (na madalas ay
ang hinlalaki), ang paggalaw, panginginig, at posisyon ng kaniyang dila, at
ang espasyo sa bunganga ang nagbibigay ng iba’t ibang tunog sa awideng.
Madalas ginagamit ang awideng, kasáma ng iba pang instrumento, tulad
ng abilao, gangsa, at kullitong, sa pagbibigay ng aliw o kasiyahan kapag
nagtatrabaho ang mga Bontk o kayâ ay sa panliligaw.(MJ)ed VS
áwit
Ang áwit ay pangkalahatang tawag sa kanta o musikang pamboses. Sang-
ayon sa isang matandang diksiyonaryo maraming inabutang awit ang
mga mananakop na Espanyol. Kabílang dito ang diyona (para sa kasal
at iba pang pagdiriwang), talingdaw (lumang awitin), indolanin (may
malungkot na himig), dolayanin (awit hábang nagsasagwan), hila (awit
sa pamamangka), soliranin (awit sa paglalakbay sa karagatan), holohorlo
(awit sa pagpapatulog sa sanggol), at iba pang anyong pampanitikang may
himig, na maihahambing ngayon sa ablon ng dumagat, bayok ng Mëranaw
at Mansaka, darangan ng Mëranaw, at ogayam ng Kalinga.

Sinasabi na may awit ang mga Filipino sa bawat okasyon ng kanilang


buhay at sa lahat ng kanilang gawain komunal. May awit sa pag-aalaga ng
sanggol, may awit sa kasal, may awit sa pagsasaka at pangingisda, may
awit sa pangangaso, at may awit sa patay. May mga awit ding gaya ng
pamatbat na pasalaysay tungkol sa kaugalian at kasaysayan ng tribu. May
awit na sagutang gaya ng talingdaw at may awit na masayang gaya ng
seryeng Doon Po sa Amin.

Nitóng ika-19 siglo, awit din ang tawag sa isa sa dalawang naging
popular na anyo ng metriko romanse. Ang isa pa ay tinatawag na korido.
Kapuwa mahabàng tulang pasalaysay hinggil sa mga nakagigilalas na
pakikipagsapalaran ng mga prinsipe at kabalyero o mga buhay ng banal

na tao ang awit at korido. Nagkakaiba lamang ang dalawa sa sukat ng


taludtod nitó. Ang korido ay may sukat na wawaluhin at ang awit ay
lalabindalawahin.

Hanggang ngayon, tampok ang awit sa mga kasayahan at pagtitipon


katulad ng kasal at kaarawan. Maaari rin itong maging tampok na aktibidad
para sa kasiyahan ng mga iginagalang na bisita. Maaari itong awitin ng
propesyonal, para sa mga pormal at malalaking pagtitipon. Ngunit sa di
gaanong pormal na pagtitipon, halimbawa ay simpleng kasal at kaarawan,
ang mismong ikinakasal ang gumagawa nitó upang mabigyan sila ng gala
na siyáng salaping regalo ng mga kaanak at kaibigan. Kung kaarawan
ang okasyon, ang nagpapasimula nitó ay maaaring makihati sa regalong
ibinibigay sa nagdiriwang ng kaarawan. (RCN) (ed GSZ)
ayoweng
Ang ayoweng ay ang awit ng mga Bontok at iba pang pangkating etniko
sa Cordillera kapag nagtatrabaho sa bukirin, nagbabayo ng palay, o
naglalakad papunta sa bukirin. Kinakanta rin ang soweey ng mga Bontok
kapag nagbabayo ng palay. Tinatawag ding mangayuweng ang awiting
ayoweng.

Kabilang ang ayoweng sa maraming awitin ng mga Bontok at iba pang


pangkat upang ipagdiwang o gunitain ang mahahalagang bahagi ng kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay. Sa pag-awit ng ayoweng, sinasaliwan ito
ng kanilang mga instrumentong pangmusika. (MJCT) ed VSA
ayúngin
Ang ayúngin (Leiopotherapon plumbeus) ay kabilang sa pamilya Tera-
pontidae. Ito ay katutubo sa Filipinas at matatagpuan sa mga tubig tabáng
sa Luzon. Nanganganib na maubos ang populasyon ng ayungin.

Ang katawan ng ayúngin ay maliit at kulay pilak. Ito ay may karaniwang


habà na 15.9 sentimetro. Ang itlog ay binabantayan ng lalaki. Kadalasan
ang babae ay mas malaki kaysa lalaki. Lumalangoy nang magkakasáma at
magkakalapit ang mga ito upang maiwasang makain ng mga dalag at ahas
sa tubig. Kumakain ito ng hayop at halamang tulad ng plangkton, maliit na
hipon, itlog ng mga isda, lumot, at insekto.

Ang ayúngin ay kilaláng nahuhúli sa mga lawa ng Laguna at Taal. Ito


ay hinuhúli sa pamamagitan ng bingwit, na ginagamitan ng pinakama-
liit na kawit dahil sa napakaliit na bibig. Walang kabuluhang gumamit ng
lambat sa panghuhúli dahil ito ay lumalangoy sa gitnang bahagi ng tubig.
Ang pinakamainam na pain ay ang maliliit na hipon na kung tawagin ay
yapyap.

Bagama’t maliit, mataas ang pangangailangan para dito dahil sa mala-


sang laman kompara sa ibang isda na nahuhúli sa tubig tabang. Depende
sa panahon, ang presyo ng sariwang ayungin ay PhP300 bawat kilo sa-
mantalang ang idinaeng naman ay PhP200 hanggang PhP800 bawat kilo.
Noong araw, maraming ayungin ang nahuhúli sa mga ilog at look. Subalit
ang walang tigil na panghuhúli para pagkain ng tao at iba pang hayop tu-
lad ng pato ang itinuturong dahilan ng pagkaubos nitú. Sa kasalukuyan,
madalang nang makitang ibinebenta ang ayungin sa mga palengke. Upang
protektahan at pigilan ang tuluyang pagkaubos nitó at ng iba pang isda
na katutubo sa Filipinas, ipinalabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic
Resources o BFAR ang Fisheries Administrative Order 233-1 noong 2010.
(MA) ed VSA
ayúntamyénto
Ang ayúntamyénto (ayuntamiento sa Espanyol) ay ang sangguniang
panlungsod na itinatag ng mga Espanyol.

Sa balangkas ng organisayon ng ayuntamyento, pinamumunuan ito ng


dalawang alkaldeng napapailalim sa awtoridad ng gobernador-heneral
o alkalde mayor ng probinsiya. Kasama ng alkalde ang labindalawang
konsehal at mga opisyal na gaya ng alguwasil o hepe ng pulisya at eskribano
na tagahawak ng mga talaan.

Matapos ang ika-17 siglo, nakapagtatag ang mga Espanyol ng anim na


lungsod sa Luzon at Kabisayaan: Maynila, Cebu, Vigan, Nueva Segovia
(Lal-lo, Cagayan), Arevalo (Iloilo), at Nueva Caceres (Naga). Hanggang
sa kasalukuyan ay tumatayong sentro ang mga ito ng kultura, politika,
kalakalan, at relihiyon sa kani-kanilang rehiyon.

Ang ayuntamyento ay tumutukoy rin sa casas consistoriales, isang gusali


na matatagpuan sa Aduana, Intramuros sa Maynila. Itinatag ang nasabing
estruktura noong 1738, at matapos masira ng isang lindol ay muling
itinayo noong 1879. Ginamit na gusali ito ng Asamblea ng Filipinas noong
panahon ng mga Amerikano. (MBL) (ed GSZ) Mula sa Philippine Picture Post Cards 1900-1920 (1994)
Azím ud-Din I
Si Muhámmad Azím ud-Din I, isinusulat ding Muhámmad Alimuddín,
ay sultan ng Sulu at Sabah sa panahong 1735-1748 at panahong 1763-
1773. Anak siyá ni Sultan Badar ud Din I at nag-aral sa Batavia (Djakarta
ngayon). Doon siyá natuto ng Arabe at Malay at naging dalubhasa
sa Koran. Bumabâ ng trono para sa kaniya ang kaniyang ama dahil sa
katandaan noong 1732 ngunit pormal siyáng kinilala bilang sultan noong
1735 nang umatras ang kaniyang pinsang si Nasar ud-Din. Sinasabing isa
siyáng matalinong pinunò at alagad ng kapayapaan. Mahalaga siyá sa mga
pinunò ng Sulu dahil lahat halos ng datu ngayon ay nakaugnay sa kaniyang
angkan.
Nagkaroon ng malaking intriga nang diumano’y pahintulutan niyang
makapasok sa kaniyang teritoryo ang mga misyonerong Heswita. Nag-alsa
ang mga pandita. Sapilitan siyáng pinalitan ng kapatid na si Bantilan bilang
sultan at umalis siya ng Jolo kasama ang pamilya at ilang alagad. Dumating
siyá sa Cavite noong 2 Enero 1749 at pinarangalan ng mga Espanyol.
Noong 1750, nakumbinsi siyá ni Gobernador Juan de Arechederra, na
obisbo din ng Nueva Segovia, na magpabinyag. Naganap ito noong 29
Abril 1750. Pinangalanan siyáng Fernando de Alimuddin I, at maituturing
na uang sultan ng Sulu na naging Kristiyano. Nagpabinyag din ang mga
anak niyang sina Israil at Fatimah.
Pinangakuan siyá ng mga Espanyol na ibalik sa kapangyarihan, ngunit
pinaghinalaan ang katapatan kayâ ipiniit noong 1751 sa kasalanang
pagtataksil. Sa isang bersiyon, nabilanggo siyá hanggang sakupin ng
mga Ingles ang Maynila. Tinulungan siyá ng mga Ingles na mabawi ang
kapangyarihan noong 1763. Sa ikalawang bersiyon, nagpalit diumano ng
gobernador noong 1754. Higit na mabuti ang ginawang trato ni Gobernador
Pedro Manuel de Aranda kay Azim ud-Din. Binigyan pa siyá ng pensiyon
at pinayagang makabalik sa Jolo. Si Azím ud-Din I habang lumalagda sa
unang kasunduan ng pakikipagkaibigan sa mga Espanyol
Noong Nobyembre 1773, iniwan niya ang trono para sa kaniyang anak mula sa The Founders of Freedom
na si Israil. Hindi maliwanag kung tunay siyáng nagpalit ng relihiyon.
Nang bumalik siyá sa Sulu ay masayáng tinanggap siyá ng mga sákop at
namuhay nang isang Muslim hanggang mamatay. (VSA)

You might also like