You are on page 1of 2

PAGBABAHAGING LABAS SA HUKUMAN

NA MAY BILIHANG LUBUSAN


NG BAHAGI NG LUPA

TANTUIN NG LAHAT NA:

Kami, JOSEFA V. UNTALAN, kasal kay Virgilio Untalan, ROGER W. VISPO, kasal kay
Leovegilda Sinag, LEODEGARIO W. VISPO, kasal kay Ma. Tessie Acar, HERMES W. VISPO,
kasal kay Evelinda Carmelo, ANIANO W. VISPO, kasal kay Maria Luisa Dicen at NICASIO JR. W.
VISPO, kasal kay Ma. Luisa Villegas, lahat Filipino, may mga sapat na gulang at pawang naninirahan
sa Sta. Maria, Laguna, sa pamamagitan ng KASULATANG ito ay nagpapatunay at nagsasaysay:

1. NA kami tanging lihitimong tagapagmana ng namayapang sina NICASIO VISPO na


namatay noong 06 Nobyembre 1995 sa __________________________ at ADELA W.
VISPO na namatay noong 29 Marso 2005 sa _______________________________;

2. NA sila ay namatay ng walang Huling Habilin o Testamento at walang anumang


pagkakautang kaninomang tao o samahan;

3. NA sa kanilang kamatayan sina NICASIO VISPO at ADELA W. VISPO ay


nakaiwan ng lupain na napapaloob sa Lot No. 2834, na sang-ayon sa Lot Data
Computation ay may lawak na APAT NA DAAN AT LABING DALAWANG
METRO KWADRADO (412 sq. m.), humigit kumulang, na matatagpuan sa
Brgy. Adia, Sta. Maria, Laguna, na may nakatalang hangganan gaya ng
sumusunod:

Ilaya : Lot No. 2835, Cad. 720-D


Ibaba : Lot No. 2833, Cad. 720-D
Silangan : Lot No. 2827, Cad. 720-D
Kanluran : KALSADA

4. NA sa bisa at kapangyarihan ng Talata Blg. I ng sinusugang Alituntunin Blg. 74 ng


Binagong Alituntunin ng Hukuman ng Pilipinas, ay aming pinagkasunduan na
BAHAGININ sa aming mga sarili ng pare-parehong sukat ang lupang nasasaysay sa
unahan;

5. NA dito ay aming isinasaysay na aming isinagawa ang pagbabahaging ito nang bukal at
malaya sa aming sarili, na walang sinumang nag-udyok, nanakot o namilit sa amin; na
aming pinagtitibay na tinanggap namin ang tumpak at sapat naming kabahagi at kami ay
walang anumang paghahabol sa bawat isa;

6. NA kaming lahat na tagapagmana sina NICASIO VISPO at ADELA W. VISPO, sa bisa


ng kasulatang ito ay nagkasundo ng aming ipagbili ang BAHAGI ng lupang nabanggit at
isinalarawan sa unahan nito;

7. NA ALANG-ALANG sa halagang ISANG DAAN AT LIMAMPUNG LIBONG


PISO (P150,000.00), salaping Pilipino, na aming tinanggap ng buong puso at
kasiyahang loob mula sa Mag-asawang JAIME E. BANILA at ROSALIA R.
BANILA, mga Filipino, mga sapat ang gulang, at naninirahan sa Brgy. Adia, Sta.
Maria, Laguna sa bisa ng kasulatang ito’y aming IPINAGBIBILI, ISINASALIN AT
INILILIPAT sa nabanggit na Mag-asawang JAIME E. BANILA at ROSALIA
R. BANILA ang pagmamay-ari sa BAHAGI ng lupang nabanggit sa unahan nito na
may Lot No. 2834-B at may sukat na ISANG DAAN AT LIMAMPU’T ISANG
METRO KWADRADO (151 sq. m.), humigit kumulang, na may hangganan gaya ng
sumusunod:

Ilaya : Lot No. 3834-C


Ibaba : Lot No.2834-A
Silangan : Lot No. 2827, Cad. 720-D
Kanluran : Kalsada

1|Pahina P a g b a b a h a g i n g L a b a s s a H u k a m a n n a m a y B i l i h a n g L u b u s a n g n g B a h a g i n g L u p a
8. NA ginagarantiyahan at pananagutan namin ang aming karapatan sa lupang nalalarawan
sa itaas nito at ang aming ganap na karapatang yaon ay ipagbili, ligtas sa anumang
pananagutan at mula naman ngayon ang ganap na pagmamay-ari sa BAHAGI ng lupang
may sukat na 151 sq. m. na nalalarawan sa itaas kasama ang lahat ng kagalingan nito ay
masasalin na sa BUMILI sa kanilang tagapagmana o kahalili;

9. NA aming hinihiling sa Tanggapan ng Tagatala ng Lupain at kinauukulang Tanggapan ng


Pamahalaan na itala sa pangalan ng BUMILI ang lupang may sukat na 151 sq. m. na
nalalarawan sa itaas.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, KAMI ay lumagda ngayong _______________ dito sa Sta.


Maria, Laguna.

JOSEFA V. UNTALAN ROGER W. VISPO


ID Blg. __________________ ID Blg. __________________
Gawad ng ________________ Gawad ng ________________
Gawad sa ________________ Gawad sa ________________

LEODEGARIO W. VISPO HERMES W. VISPO


ID Blg. __________________ ID Blg. __________________
Gawad ng ________________ Gawad ng ________________
Gawad sa ________________ Gawad sa ________________

ANIANO W. VISPO NICASIO JR. W. VISPO


ID Blg. __________________ ID Blg. __________________
Gawad ng ________________ Gawad ng ________________
Gawad sa ________________ Gawad sa ________________

JAIME E. BANILA ROSALIA R. BANILA


Bumili Bumili
UMID ID Blg.: 0111-2521506-7 UMID ID Blg. 0111-2266705-8
Gawad ng UMID Gawad ng UMID

Mga saksi :
_____________________ ______________________

PAGPAPATUNAY
REPUBLIKA NG PILIPINAS)
STA. MARIA, LAGUNA ) SS.

NGAYONG __________________ dito sa Sta. Maria, Laguna ay dumulog ang mga taong
nakalagda sa itaas na may Katibayan ng Pagkakakilanlan na nakatala sa ilalim ng kani- kanilang pangalan
at lagda, na mga kilala kong silang nagsagawa ng kasulatang ito na may dalawang (2) pahina kasama ang
pagpapatunay na ito na tumutukoy sa Pagbabahaging Labas sa Hukuman na may Bilihang Lubusan ng
Bahagi ng Lupa na pinatunayan nila sa harap ko na ito ay malaya at sarili nilang pagpapasya.

SAKSI ANG AKING LAGDA AT SELYONG PANGNOTARYO sa araw at lugar na nabanggit


sa itaas nito.

Kas. Blg. ____ ATTY. NORLITO C. BRIONES


Dah. Blg. ____ Notary Public
Aklat Blg. ____ Until 31 December 2019
Taong 2018. PTR No. 5745218/01-18-18/SML
IBP No. 028883/01-22-18/Laguna
Roll No. 40975

2|Pahina P a g b a b a h a g i n g L a b a s s a H u k a m a n n a m a y B i l i h a n g L u b u s a n g n g B a h a g i n g L u p a

You might also like