You are on page 1of 12

Literary text #5:

by Bienvenido Lumbera
Prepared by: Ms. Luz Anne B. de Guzman
Vocabulary:

A B
E 1. Malamlam A. Makikita
A 2. Mabubuglawan B. Napupuno
C 3. Kinakalag C.Inaalis
B 4. Napapalaluan D.Nakaliko
D 5. Nakalikmo E. Madilim
May lumbay na kinakapa/nilulusong
Ang biyolin at piano
Sa casette-player ng kotse ko.
At dahil Disyembreng malamlam ang
araw,
At buhol-buhol ang trapik,
Napapalaluan ng inip at panglaw.
STOP ang ilaw, walang galaw.
Sa sulok ng mata’y bigla kang nariyan-
Nakalikmong parang itim na sultan,
Sa kongkretong taniman ng halaman,
Tila basta tumubo na lang.
Nakatiklop ang mga biyas,
Nakatutok ang tingin sa dulo ng linya
Ng mga KIA, Mitsubishi, Toyota, at Honda.
Wari’y malayo ang paroroonan,
Pero walang masakyan.
Ano nga ba ang mga larawang
Hinihintay dumapo sa balintataw?
Ano nga ba ang mga buhol ng utak
Na isa-isang kinakalag?
Ano ang hubog ng kawalang
Hinahawi ng mga mata?
Tigilan ba kita at lunsarin
Sabay dantay ng palad sa balikat na
marusing,
Usisain hinging magbitiw ng mga salita
Na lalagom sa hapding hindi madadaing?
Taga-saan ka, bata?
Saan ka nagmula?
Pagkabata-bata pa
Natulala na lang bigla
Sa kapal ng wala
Na parang trapik ang dagsa,
Wala, wala, wala, wala, wala.
GO na ang ilaw.
Siksikan
Ang mga sasakyan
Una-unahan
Baka maubusan
Ng daan. Batang grasa, paalam.
Sa aling kanto kaya
Muling mabubuglawan?
Marahil, marahil malamang,
Doon, ikaw ay titigilan.
Aaluking sumakay,
At pangangakuan,
Na wala nang palaboy
Pagdating ng araw.
Aalukin ng mga salitang ipupuno sa wala,
Paghihintaying sikatan ng gintong tala
Ang sandipang langit ng kapwa mo dukha.
What is the theme of the poem?
What is the tone of the poem?
 The tone of any literary text refers to the attitude you feel in
it. It can also be the writer’s attitude toward the audience.

You might also like