You are on page 1of 3

Mahabang Pagsusulit sa Filipino

Pangalan: ________________________________________

Taon at Pangkat: __________________________________

Test 1- Tama o Mali


Panuto: Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag at MALI kung mali ang pahayag.

____________1. Ang telebisyon ay mahalagang midyum sa paghahatid ng mahalagang kaganapan sa


bawat sulok ng bansa.

____________2. Noong panahon ng Batas Militar ay lalong namayagpag ang telebisyon at mga
programa nito.

____________3. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring
maimpluwensyahan ng pinanonood ng mga programa sa telebisyon.

____________4. Ang komentaryong Panradyo ay mga palabas na naglalayong maghatid ng


komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa
kultura at pamumuhay sa isang lipunan.

____________5. Ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na
nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao.

____________6. Ang Telebisyon ay walang kapangyarihan o impluwensya.

____________7. Ang I Witness,Reporter’s Notebook,Reel Time at Front Row ay ilan sa mga


halimbawang programa ng dokumentaryong pantelebisyon.

____________8. Ang naghahatid ng kaalaman at katotohanan sa bawat mamamayan sa pamamagitan


ng bawat galaw ng tao sa tunay na buhay na binibigyang kulay sa likod ng kamera ay tinatawag na
dokumentarista.

____________9. Mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal,


pangkultura, pangmoralidad at pang-edukasyon ang pelikula at programang pantelebisyon.

____________10. Sinasabing naging bahagi na ng buhay at daily routine ng mga Pilipino ang panonood
ng mga palabas sa telebisyon simula paggising sa umaga at bago matulog.
Test 2- Mga Konseptong may Kaugnayang lohikal

Panuto: Isulat ang DB kung ang pangungusap ay dahilan Dahilan at Bunga, PL kung Paraan at Layunin,
PR kung Paraan at Resulta at KB kung Kondisyon at Bunga.

____________11. Bumabaha sa Maynila dahil sa mga basurang walang pakundangang itinatapon sa


mga ilog at sa mga lugar na di tapunan.

____________12. Upang hindi pagbahayan at pagmulan ng lamok ang bakuran ng bahay ni aling
Nena,nililinis niyang mabuti ang inaayos ang mga bagay na pwedeng pangitlogan ng lamok.

____________13. Nagsanay at naghandang mabuti si Pacman kaya siya nanalo sa laban nila ni Rios.

____________14. Makakapaglaro ka mamaya kung tatapusin mo ang mga gawaing bahay.

____________15. Makakamit mo lamang ang pangarap mo kung determinado kang makamit ito at
sasamahan mo ng tiyaga at sikap sa buhay.

____________16. Kumakain si Arthur ng masusustansiyang pagkain at nag-eehersisiyo kaya malakas at


malusog ang kanyang katawan.

____________17. Nag-aaral at nagpapakabuti si Justine sa paaralan upang mabigyan niya ng kasiyahan


at karangalan ang kanyang mga magulang.

____________18. Tumataas ang presyo ng gasolina at mga produktong petrolyo, dahil dito tumataas
din ang presyo ng mga bilihin.

____________19. Suwail sa magulang at mahilig sa masamang barkada si Ehjay kaya naman nalulong
sa masamang bisyo at napariwara ang buhay nya.

____________20. Nagbenta ng mga lumang damit at nagsagawa ng kosiyerto ang mga artista upang
ang kikitain nito ay maitulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Test 3-ESSAY ( Limang Puntos 5 pts. )

Sa paanong paraan nagiging makapangyarihan at maimpluwensiya ang telebisyon at iba pang sangay
ng media katulad ng radio, radio atbp.? Magbigay o magpaliwanag ng isang espesipikong halimbawa.

______________________________________________________________________________

You might also like