You are on page 1of 2

フィリピン日系人会国際学校

PHILIPPINE NIKKEI JIN KAI INTERNATIONAL SCHOOL


Angliongto Avenue, Brgy. Alfonso Angliongto, Buhangin District, Davao City
SY. 2020 – 2021

FILIPINO 9
BUWANANG PAGTATAYA
(Abril)

I. TALASALITAAN
Basahin ang sumusunod na MATALINGHAGANG PAHAYAG. Tukuyin ang KAHULAGN ng
salitang nakasulat sa MALAKING TITIK sa bawat pangungusap. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa nakalaang patlang bago ang bilang.

1. Nagulat si Edward sa kanyang nasaksihan. Siya ay PARANG TUOD SA


PAGKAKATAYO.
a. hindi nakahinga c. hindi nakalaban
b. hindi nakagalaw d. hindi nakatayo

2. Si Maria ay NAPIPI AT NI GAPUTOK AY HINDI NAKAPAGSALITA.


a. natahimik at walang nasabi
b. nautal at nahirapang bumigkas ng salita
c. natakot at nanigas
d. umurong ang dila

3. Kahanga-hanga si Maymay sa pagkakaroon ng DALIRING HUBOG KANDILA.


a. mainit na mga daliri
b. mahahabang daliri
c. mapapayat na daliri
d. magagandang hubog ng daliri

4. bagama’t nagsasalita ng katunggakan at kababawan ay itinuturing na dakila DAHIL SA


KANILANG DILA.
a. iba ang kula ng dila
b. katabilan
c. iba ang wika na ginagamit
d. kakayahang gumawa ng kuwento

5. NAHULOG ang bantog na si Berto SA KAMAY NG BATAS.


a. nadapa sa harap ng pulis
b. napadpad sa presinto
c. sumuko sa batas
d. nahuli ng mga tagapagpatupad ng batas
II. GRAMATIKA AT RETORIKA
A. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita ayon sa binibigay na kayarian. (2
puntos bawat bilang)
1. aral (tambalan)
_____________________________________________________________

2. gamit (maylapi-gitlapi)
______________________________________________________________
3.sama (inuulit)
______________________________________________________________
4. palit (maylapi-magkabilaan)
______________________________________________________________
5. araw (inuulit)
______________________________________________________________
B. Tukuyin kung ano uri ng Kayarian ng salita ang sumusunod. Isulat ang P kung ang salita
ay payak, M kung maylapi, I kung inuulit at T kung tambalan.
1. ________ puntahan
2. ________ pagsamahin
3. ________ kabi-kabila
4. ________ uminom
5. ________ tulog
6. ________ kilikili
7. ________ kuryente
8. ________ sumisikat
9. ________ anakpawis
10. ________ silid-aklatan

III. SANAYSAY
Ipaliwanag sa iyong sariling pang-unawa at wastong paggamit ng wika sa Filipino kung ano ang
ibig ipahiwatig ng kasabuhan/katagang: (5 puntos)
“Mga dakilang Asyano modelong totoo, katapangan, kabayanihan, at damdaming nasyonalismo sa
kanila’y nakatatak, iyong mapipiho”.

You might also like