You are on page 1of 3

THIRD QUARTER

ASSESSMENT 2
ARALING PANLIPUNAN9
MELCs: 1.Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita
2. Natatalakay ang konsepto,dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon.

NAME:______________________________________ GRADE:____________________ SCORE:____________

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng iyong sagot.
1. Alin sa sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National Income?
A. Expenditure Approach
B. Economic Freedom Approach
C. Industrial Origin/Value Added Approach
D. Income Approach
2. Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php25,000.00 at ang kanya naming kabuuang gastusin
ay Php21,000.00, magkano ang maaari nyang ilaan para sa pag-iimpok?
A. Php1,000.00 B. Php2,000.00 C. Php3,000.00 D. Php4,000.00
3. Piliin sa sumusunod na pahayag ang pinakawasto.
A. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa
Gross National Income nito.
B. Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat
ng Gross National Income.
C. Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng Gross
National Income.
D. Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama
sa Gross National Income.
4. Alin sa sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa?
A. Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
B. Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo.
C. Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa pamumuhunan.
D. Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawang-gawa.
5. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?
A. dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal
B. dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng
bansa
C. dahil repleksyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng
malaking boto sa eleksiyon
D. dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya

6. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic


performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito?
A. Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig.
B. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin.
C. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang
pandaigdigan.
D. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.

7. Si Mr. Chen, isang Chinese National, ay nagtatrabaho sa kompanya na


nasa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang kanyang kinita?
A. Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamamayan siya nito.
B. Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
C. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
D. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang
kanyang kita.
8. Sa Sustainable Human Development palatandaan ng pag-unlad ang _______________.
A. pagtaas ng kalidad ng buhay ng tao
B. pagtaas ng bilihin
C. pagtaas ng dami ng nag-aaral
THIRD QUARTER
ASSESSMENT 2
ARALING PANLIPUNAN9
D. pagtaas ng dami ng may hanapbuhay

9. Alin sa sumusunod na pangungusap ang tama?


A. Sapat na ang paglago ng ekonomiya upang maging maunlad ang isang bansa.
B. Sapat nang maging masaya ang tao.
C. Sapat nang may trabaho ang tao upang maging maunlad ang bansa.
D. Walang sa mga nabanggit ang tamang sagot.
10. Ano ang Human Poverty Index?
A. kakulangan sa edukasyon ng mga tao
B. kakulangan sa kita ng mga tao
C. maikling buhay ng tao
D. lahat ng nabanggit ay tama
11.Ito ang pangkalahatang pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
A. Implasyon B. Deplasyon C. Consumer Price Index D. Disimplasyon
12. Ano ang tawag sa patuloy na pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin sa pamilihan?
A. Cost Push B. Demand Pull C. Implasyon D. Deplasyon
13. Ano ang ibig sabihin CPI na 100?
A. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay mahigit 100% malaki kaysa sa
batayang taon.
B. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 100% mas mababa kaysa sa batayang
taon.
C. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay parehas sa batayang taon.
D. Ang kasalukuyang halaga ng market basket at P100.
14. Alin sa sumusunod ang HINDI sanhi ng implasyon?
A. paglaki ng demand kaysa sa produksyon
B. kakulangan sa enerhiya
C. pagtaas ng kapasidad sa produksyon
D. pagtaas ng halaga ng pamumuhay
15. Alin sa sumusunod ang walang kaugnayan sa cost-push inflation?
A. pagtaas ng halaga ng elektrisidad
B. pagtaas ng pamimili ng mga konsyumer
C. mas mataas na demand sa pagtaas ng sahod
D. mga regulasyon ng pamahalaan
16. Alin sa mga dahilan ng implasyon ang tinalakay ayon sa konteksto ng quantity equation?
A. demand-pull at cost-push inflation
B. demand-pull inflation lamang
C. cost-push inflation
D. monetary inflation3
17. Alin sa sumusunod na pangungusap ang TAMA?
A. Ang halaga ng piso ay bumababa kapag tumatataas ang implasyon.
B. Ang halaga ng piso ay tumataas kapag mataas ang implasyon.
C. Ang halaga ng piso ay hindi naapektuhan ng implasyon.
D. Ang halaga ng piso ay maaaring tumaas o bumaba depende kung ang implasyon ay
demand-pull o cost-push.
18. Ano ang pinakamadalas gamitin na panukat sa pagbabago ng presyo?
A. PPC B. CPI C. GNP D. PPI
19. Ano ang ibig sabihin ng CPI na 145?
A. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 145% na mas mataas kaysa sa
batayang taon.
B. Ang batayang price index ay may index na 145.
C. Ang halaga ng market basket ay 145.
D. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 45% na mas mataas kaysa sa batayang
taon.
20. Ang COLA ay dinisenyo upang bigyang proteksyon ang mga manggagawa laban sa
__________________.
A. istrukturang kawalang trabaho B. underemployment
THIRD QUARTER
ASSESSMENT 2
ARALING PANLIPUNAN9
C. implasyon D. pagbaba ng bilang ng oras ng trabaho

21. Alin sa mga dahilan ng implasyon ang tinalakay ayon sa konteksto ng quantity equation?
A. demand-pull at cost-push inflation B. demand-pull inflation lamang
C. cost-push inflation D. monetary inflation
22. Alin sa sumusunod na pangungusap at TAMA?
A. Ang halaga ng piso ay bumababa kapag tumataas ang implasyon.
B. Ang halaga ng piso ay tumataas kapag mataas ang implasyon.
C. Ang halaga ng piso ay hindi naapektuhan ng implasyon.
D. Ang halaga ng piso ay maaaring tumaas o bumaba depende kung ang implasyon ay demand-pull
o cost-push.
23. Ano ang pinakamadalas gamitin na panukat sa pagbabago ng presyo?
A. PPC B. CPI C. GNP D. PPI
24. Ano ang ibig sabihin ng CPI na 145?
A. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 145% na mas mataas kaysa sa batayang taon.
B. Ang batayang price index ay may index na 145.
C. Ang halaga ng market basket ay 145.
D. Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 45% na mas mataas kaysa sa batayang taon.
25. Alin sa sumusunod ang HINDI sanhi ng implasyon?
A. paglaki ng demand kaysa sa produksyon B. kakulangan sa enerhiya
C. pagtaas ng kapasidad sa produksyon D. pagtaas ng halaga ng pamumuhay

Prepared by: Checked/verified:

ARVIJOY C. ANDRES NOBLEZA C. HIDALGO


Subject Teacher School Principal I

You might also like