You are on page 1of 2

Filipino

[INTRO]
Magandang hapon, Dasmarinas! At isang pagbati Pilipinas!
Ako po si Jennyrose Bolima ang tagapaghatid ng balita sa mga oras na ito. Ngayon ay ika-13 ng
pebrero, taon dalawang libo’t dalawampu’t isa.

COVID-19 VACCINES IBIBIYAHE AGAD PATUNGONG 'HUBS' PAGDATING NG PILIPINAS


ABS-CBN News
Tiniyak ng gobyerno na nakalatag na ang kanilang plano para makalabas agad sa airport ang
mga bakuna kontra COVID-19 sa oras na lumapag ito sa bansa.
---------- (play ng vid na sinasabi yung naka quote na pahayag)------------------
Sabi naman ni vaccine czar Carlito Galvez sa isang pahayag…
--------(another vid nung nagpapahayag nung naka quote)-----------------------
Babantayan din ng mga pulis at airport security ang mga bakuna mula paliparan hanggang
warehouse, ani Galvez.
Aniya.-------(paraphrase mo lang yung quote ikaw na magsasabi nyan)
Ang mga bakunang may temperature requirement ay dadalhin mula airport patungong
Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa, na magsisilbing government
centralized vaccine hub.
Target na magawa ito sa loob nang 20 minuto.
Mula RITM, ipapasa ang mga bakuna sa regional warehouses ng Department of Health (DOH). 
Ipapamahagi naman ng Center for Health Development ang mga bakuna mula regional hubs
patungo sa local government units (LGU).
Responsibilidad ng LGU na dalhin ang mga bakuna sa implementing units tulad ng mga ospital
at iba pang vaccination site para maiturok sa eligible na residente.
Sinabi rin ni Vergeire… --------- (play ulit vid)
Pero may mga bakuna, tulad ng Pfizer, na nangangailangan ng ultra-cold storage.
Kaya base sa Philippine National Deployment and Vaccination Plan for COVID-19 Vaccines,
ilalagak ang mga naturang bakuna sa mga inupahang private warehouse ng gobyerno.
Ang cold storage company na ang magde-deliver ng bakuna sa mga ospital at vaccination site.
Dagdag pa ni Vergeire--------- (play vid uli)
Paalala naman ni Vergeire sa mga hahawak ng Pfizer vaccines: ------- (play vid ulit)
Ayon sa DOH, 41 kompanya ang pinadalhan ng imbitasyon para mag-bid bilang paglalagakan ng
COVID-19 vaccines na bibilhin ng gobyerno.
Target ng ahensiya na makapag-award ng nanalong bidder bago matapos ang Pebrero.
Magsasagawa naman ng simulation ang mga ahensiya ng gobyerno sa Martes para masukat ang
kahandaan ng mga pasilidad at ang oras sa paglalabas ng COVID-19 vaccines mula airport
patungong central vaccination hub.

[OUTRO]
At yan ang balitang nakalap namin para sa inyo. Muli, ako po si Jennyrose Bolima na nag-iiwan
ng katagang “Ang boses ng katotohanan, ay tinig ng buong sambayanan” Hanggang sa muli,
Dasmarinas!

You might also like