You are on page 1of 1

Pagtukoy sa Pang-abay na Pamaraan

Salungguhitan ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap. Bilugan ang pandiwa na inilalarawan ng pang-abay na ito.
1. Masarap magluto ng sinigang si Ate Rosita.
2. Ipinagtanggol nila nang buong tapang ang ating kalayaan.
3. Siya ay nag-isip nang malalim bago siya sumagot.
4. Ang bagong mag-aaral ay malumanay magsalita.
5. Kinausap niya nang mahinahon ang makulit na bata.
6. Ang munting prinsesa ay mahinhin kumilos.
7. Gumagalaw nang pataas ang elevator.
8. Ang hangin ay umihip nang malakas sa karagatan.
9. Unti-unting lumalakas ang liwanag ng araw.
10. Ang operasyon ay matagumpay na isinagawa.
Pagtukoy sa Pang-abay na Pamanahon
Salungguhitan ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap. Bilugan ang pandiwa na inilalarawan ng pang-abay na ito.
1. Oras-oras niya akong tinatawagan sa opisina.
2. Nakikita ko paminsan-minsan ang mga dati kong kaklase.
3. Ang mga bumbero ay darating sa lugar ng sunog sa lalong madaling panahon.
4. Tuwing Sabado, nagluluto ng espesyal na meryenda si Nanay.
5. Laging naka-abang sa gate ang alagang aso ni Terry.
6. Ang presyo ng langis ay tumataas linggu-linggo.
7. Kani-kanina lang ay hinahanap ka ni Ginoong Ramos.
8. Madalas magsinungaling ang batang iyan.
9. Ipinanganak si Sarah noong ika-15 ng Setyembre.
10. Ang mga senador ay nagpupulong sa Malacañang sa kasalukuyan.
Pagtukoy sa Pang-abay na Panlunan
Salungguhitan ang pang-abay na panlunan sa pangungusap. Bilugan ang pandiwa na inilalarawan ng pang-abay na ito.
1. Lumangoy sila sa malaking lawa.
2. Dahan-dahan kaming tumawid sa lumang tulay.
3. Sa Malacañang tumitira ang pangulo ng Pilipinas.
4. Inilagay ko sa loob ng kabinet ang mga pagkaing de-lata.
5. Sumasayaw ng tinikling ang pangkat ni Mario sa entablado.
6. Binili ni Ate Rica ang blusang ito sa Divisoria.
7. Sa harap ng simbahan tayo magkita sa Linggo.
8. Natutulog ang aso sa ilalim ng kotseng nakaparada.
9. Isinampay sa bakuran ang mga damit na bagong laba.
10. Nasalubong ko sa labas ang magkakapatid.

You might also like