You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

University of Rizal System


Morong, Rizal
Graduate Studies

Maria Cecilia R. San Jose MAT – Filipino


Dr. Maria Martinez Ed.D. Prof. Lecturer
Report
_____________________________________________________________________

PANAHON NG PAGBABAGONG DIWA


 Ang paghahangad ng pantay at matuwid na pagtingin.
 Nagsimula ng payagan ng Espanya sa pakikipagkalakalan sa labas ng bansa.
 Damdaming liberal na nagsimula sa Europeo.
 Kasabay nito ang himagsikansa Espanya noong 1868 at ang pagbubukas ng
kanal Sues noong 1869.
DIWANG MALAYA
 Ang paghahangad ng pantay at matuwid na pagtingin.
 Nagsimula ng payagan ng Espanya sa pakikipagkalakalan sa labas ng bansa.
 Damdaming liberal na nagsimula sa Europeo.
 Kasabay nito ang himagsikansa Espanya noong 1868 at ang pagbubukas ng
kanal Sues noong 1869.

MGA NAKAIMPLUWENSYA SA MGA PILIPINO UPANG MAGHANGAD NG


BAGONG-BIHIS NA PAMAHALAAN
 Mga pananaw sa panulat nina Rousseau, Voltaire, Locke at iba pa.
 Ang mga ideolohiya ng mga pag-aaklas ng mga Amerikano at Pranses .
 Sabay na pag-unlad ng Pilipinas sa sistemang pandaigdigan.

KAISIPAN NG MGA ILUSTRADO


 Di pagkakapantay-pantay na pagtingin o pagtrato ng mga Kastila at Pilipino.
 Lantarang pagsasamantala’t paniniil ng mga namumuno.
 Pagkakaroon ng liberal na gobernador. Ang pag-aalsa ng mga manggagawa sa
arsenal sa Kabite at pagbitay kina Padre Gomez, Burgos at Zamora.

KASAYSAYAN NG LIBERALISMO SA PILIPINAS.


 Pagkagapi ng Reyna Isabela II at ang pag-akyat sa kapangyarihan ng liberalismo
sa Espanya.
 Ang pagiging Gobernador-Heneral ni Carlos Ma. Dela Torre sa Pilipinas.
 Ang pagkatha ni Jose Rizal ng tulang “Ala Jeventud Filipina” (Sa kabataang
Pilipino) na inihandog niya sa kapisanan ng mga mag-aaral sa Pamantasan ng
Santo Tomas ,ang Felipe Buencamino.
 1870 – Natalo ang pansamantalang Republika ng Espanya sa mga Monarkista at
naging hari si Amadeo ng Savoy (1871-1873)
 Pumalit kay Hen. Carlos Dela Torre si Rafael de Izquierdo at umusbong ang
kaguluhan.
 Enero, 1872 – Nag-aklas ang mga manggagawa sa arsenal sa Kabite na
pinamunuan ni Lamadrid, isang sarhentong Pilipino .
 Pebrero 17, 1872 – Nahatulan ng bitay sa garote sina Padre Jose Burgos,
Mariano Gomez at Jacinto Zamora .
 Maraming Pilipino pa ang isinangkot sa kaguluhan sa Kabite at ipinatapon sila sa
Hongkong, Singapore, Barcelona, Madrid, Londres at iba pang pook-banyaga.
 Pagkakatatag ng Kilusang Propaganda.

KILUSANG PROPAGANDA
LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA
 Pagkakapantay-pantay na pagtingin sa Pilipino at Kastila sa harap ng batas.
 Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
 Ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya.
 Italaga ang mga Pilipino bilang mga kura-paroko.
 Kalayaang pangkatauhan para sa mga Pilipino, gaya ng makapagpahayag,
makapagsalita, kalayaang makapaglunsad ng pagtitipon at pagpupulong at
paghingi ng katarungan sa kaapihan.

ANG MGA PROPAGANDISTA


KATANGIAN NG MGA PROPAGANDISTA:
 Karamihan sa kanila ay may mga angking talino, may damdaming makabayan,
may dakilang katapangan at lakas ng loob, anak ng nakaririwasang pamilya at
nagsipag-aral at nakapagtapos sa mga kilalang unibersidad.
 Naipaabot ang kanilang simulain sa pamamagitan ng pagsapi sa samahang
masonaria.
 Naglathala at nagpalimbag sila ng mga pahayagan, aklat, mga artikulong
tumutuligsa sa maling pamamahala tungo sa paghingi ng reporma

DR. JOSE P. RIZAL


 Isinilang noong Hunyo 19, 1861.
 Manunulat,pintor, maglililok, kinilalang manggagamot, paham at siyentipiko sa
Europa.
 Makapagsasalita ng 22 na wika.
 Pinagbintangan ng sedisyon at paghihimagsik ng pamahalaang Kastila, nakulong
sa Real Fuerza de Santiago at nahatulang barilin sa Bagumbayan noong ika-30
ng Disyembre.
ANG MGA TANYAG NA AKDA NI RIZAL
 Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong Salingin)
 El Filibusterismo (Ghent, 1891)
 Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hingil sa Katamaran ng mga Pilipino)
 Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos (London,Pebrero 22,1889)

MARCELO H. DEL PILAR (1851-1896)


 Isinilang sa nayon ng Kupang n San Nicolas, Bulacan noong ika-30 ng Agosto,
1850
 Anak nina Julian (mambabalarila) at Blasa Gatmaytan na kilala sa tawag na
Donya Blasica.
 Nagtapos sa Pamantasan ng Santo Tomas,nag-eeskrima, at tumugtog ng biyolin
at plawta.
 Itinatag at pinamatnugutan ang Diariong Tagalog (1882)
 Humalili kay Graciano Lopez-Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad.
 Gumamit siya ng mga ngalang sagisag sa panulat tulad ng “Dolores Manapat,” “
Piping Dilat,” “Plaridel,” at “Pupdoh.”
MGA KINIKILALANG AKDA NI DEL PILAR
 Caiingat Cayo (Kaingat kayo)
 Ang Cadaquilaan ng Dios (Barcelona,1888)
 Ang Kalayaan
 “La Frailocracia en Filipinas” at “La Soberaña Monacal en Filipinas.”
 “Dupluhan… Dalit…Mga Bugtong” (Malolos,1907)
 Dasalan at Tocsohan
 Isang Tula sa Bayan
 Paciong Dapat Ipag-alab Nang Puso nang Taong Babasa
 Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas

 GRACIANO LOPEZ JAENA (1860-1896)


Ipinagmamalaking anak ng Jaro,Iloilo.
 Ipinanganak noong Disyembre 18, 1860.
 Itinuring na isa sa pinakadakilang henyo ng Pilipinas.
 Kritiko ng pahayagang Kastila – Los Dos Mundos.
 Itinatag at pinamatnugutan ang La Solidaridad noong 1889.
 Kabilang sa Associacion Hispano-Filipino, kapisanan ng mga Kastila at Pilipino
na tumutulong sa mga pagbabago.
MGA AKDA NI GRACIANO LOPEZ-JAENA
 La Hija Del Fraile (Ang Anak Ng Prayle)
 Sa Mga Pilipino (1891)
 En Honor de los Filipinas (Ang Dangal ng Pilipinas)
 Mga Kahirapan sa Pilipinas
 En Honor del Presidente de la Assocasion Hispano-Filipino
 Ang Lahat ay Pandaraya
 Fray Botod (Disyembre 17,1856-Enero 20,1896)

ANTONIO LUNA (1868-1899)


 Isinilang sa Urbis, Tondo, Maynila noong Oktubre 29,1868.
 Isang parmasyotikong produkto ng Ateneo.
 Ginamit ang Taga-ilog bilang sagisag sa pagsulat.
 Naging patnugot ng La Independencia.
 Namatay noong Hunyo 7, 1899, di umanoy nabaril sa Kabanatuan, Nueva Ecija.
ILANG AKDA NI ANTONIO LUNA
 Noche Buena
 Divierten
 Por Madrid (Sa Madrid)
 La Maestra De Mi Pueblo
 Todo Por El Estomago
 La Tertulla Filipina (Ang Piging na Pilipino
 Impresiones

MARIANO PONCE
 Isinilang sa Baliwag, Bulacan noong Marso 22,1863.
 Nakasulat ng mga akdang pampanitikan gamit ang wikang kastila, Tagalog at
Ingles.
 Nagkubli sa sagisag na Tikbalang, Nanding at Katipulako.
 Tagapamahalang patnugot , mananalambuhay at mananaliksik ng kilusang
propaganda.
 Namatay noong Marso 23, 1918.

MGA AKDA NI MARIANO PONCE


 “Mga Alamat ng Bulakan”
 “Pagpugot kay Longino”
 “Sobre Filipinas”
 “Ang Mga Pilipino sa Indi Tsina”
 “Ang Oaniyakan ng Kilusang Propaganda

PEDRO SERANO LAKTAW


 Isa sa mga pangunahing Mason na kasama ni Antonio Luna na umuwi sa
Pilipinas upang bunuo ng Masonarya.
 Itinatag ang Lihiyang “NILAD”
 Sumulat ng unang “Diccionario Hispano-Tagalog” na nalathala noonh 1889.
 Ang kanyang “Estudios Gramaticales” at “Sobre La Lengua Tagala” ang
pinagbatayan ni Lope K. Santos ng balarila ng Wikang Pambansa.
JOSE MARIA PANGANIBAN
 Isinilang sa Mamburaw, Camarines Norte noong Pebrero 19, 1865.
 Kilala sa sagisag na JOMAPA sa kanyang panulat.
 Siya ay nakilala sa pagkakaroon ng Memoria Fotografica
ILANG AKDA NI JOSE MARI PANGANIBAN
 A Nuestro Obispo
 Noche de Mambulao
 Ang Lupang Tinubuan
 Sa Aking Buhay
 El Pensamiento
 La Universidad de Manila
 Su Plan de Estudio

DR.PEDRO PATERNO
 Isinilang sa mayamang angkan sa Sta. Cruz Maynila noong ika-17 ng Pebrero
1857.
 Napabilang sa tatlong panahon ng panitikang Pilipino – panahon ng Propaganda,
Himagsikan at Amerikano
 Iskolar at mananaliksik

MGA AKDA NI DR. PEDRO PATERNO


 Ninay
 Sampaguita y Poesias Varias (Mga Sampaguita at Sarisaring Tula)
 El Cristianismo y La Antigua Civilizacion Tagala (1892)
 La Civilizacion Tagala, “El Alma Filipinos” at “Los Itas”
 A Mi Madre (Sa Aking Ina)

PASCUAL POBLETE
 Isinilang sa Naic Kabite noong ika-17 ng Mayo, 1856.
 Tinaguriang “Ama ng Pahayagan.”
 Itinatag at pinamatnugutan ang pahayagang “El Resumen” matapos maghiwalay
ni Marcelo Del Pilar sa pagsusulat sa “Diyariong tagalog.
 Napatapon sa Africa at nagtatag ng “El Grito el Pueblo” na may pangalang “Ang
Sigaw ng Bayan.”
 Itinuturing na kauna-unahang nagsalin ng “Noli Me Tangere” ni Rizal sa wikang
Tagalog.
MGA AKDA NI PASCUAL POBLETE
 Salin ng nobelang “Konde ng Monte Kristo” ni Alexander Dumas
 Lucrecia Triciptino
 Salin ng “Buhay ni San Isidro Labrador” ni Francisco Butina
 Ang Kagila-gilalas sa buhay ni Juan Soldado
 Ang Manunulat sa Wikang Tagalog

ISABELITO DELOS REYES


 Itinatag ang “Iglesia Filipina Independencia.”
 Nagtamo ng gantimpala sa exposisyon sa Madrid sa kanyang kathang “El
Folklore Filipino.”
 May akda ng: Las Islas Visayas En La Epoca de la Cobquista, Historia De Ilocos
at La Sensacional Memoria Sobre La Revolucion Filipina

You might also like