You are on page 1of 1

1.

Nangangahulugan ito na habang lumalawak ang mga teritoryo na iyong


nakukuha o nasasakupan ay lumalawak din o mas maraming likas na yaman ang
mapagkukunan o mapagsasamantalahan. Kasunod nito, sinasabi rin na ang
paglaki o pagdami ng yamang tao ay siya ring paglakas o pag-angat ng
kapangyarihan ng isang bansa dahil ang yamang tao ay ang siyang lumilinang at
gumagamit ng mga likas na yaman kung saan ipinapakita ang kanilang kakayahan
at kasanayan, lakas, at iba pang katangian para makabuo ng mga produkto o
kagamitan na makakatulong sa pamumuhay na siya ring sanhi ng pagsulong ng
katatagan at kaunlaran ng ekonomiya ng isang bansa.

2.
Ang “Open Door Policy” ay isang termino na nakabatay sa isang polisiyang
itinaguyod noong huling bahagi ng ika-19 na siglo at sa simula ng ika-20 siglo na
nagpapahintulot sa isang sistema ng kalakalan sa Tsina na buksan ng pantay-
pantay sa lahat ng mga bansa. Sa ilalim ng patakaran, wala sa kanila ang
magkakaroon ng eksklusibong karapatan sa pangangalakal sa isang tukoy na lugar.
Noong huling bahagi ng ika-20 siglo, inilalarawan din ng term na ito ang
patakarang pang-ekonomiya na pinasimulan ni Deng Xiaoping noong 1978 upang
buksan ang Tsina sa mga dayuhang negosyo na nais mamuhunan sa bansa.

You might also like