You are on page 1of 17

Pagsulat sa Piling

Larang (Akademik)
Unang Markahan – Modyul 1:
Akademikong Pagsulat at Mga
Halimbawa nito
Pagsulat sa Piling Larang (Akademik)
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Akademikong Pagsulat at Mga Halimbawa nito
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Luvy John A. Flores

Editor: Mary Ann F. Vidallo at Maria Fe C. Balaba

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Angelita S. Jalimao


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at MTB

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Pagsulat sa Piling
Larang (Akademik)
Unang Markahan – Modyul 1:
Akademikong Pagsulat at Mga
Halimbawa nito
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagsulat sa Piling Larang (Akademik) Baitang


12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Akademikong Pagsulat at Mga
Halimbawa nito!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagsulat sa Piling Larang (Akademik) Baitang


12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Akademikong Pagsulat at Mga
Halimbawa nito!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi
ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Nakagawa ka na ba ng isang papel - pananaliksik? O kaya naman ay isang pananaliksik lamang


sa iyong takdang - aralin? Sa paggawa mo ba ng mga ito ay malinaw ba sa iyo na ito ay mga
halimbawa ng sulating akademik? Ano ba ang kahulugan ng sulating akademik? Ano-ano ba
ang mga layunin, katangian, gamit, at anyo ng isang sulating akademik?

Ang sulating akademik ay isa sa pinakamabisang paraan para matutuhan kung paano magiging
malaman ang iyong pagsusulat. Tutulungan ka ng modyul na ito para rito. Ito ay nahahati sa
dalawang aralin: Una ay ang Pagbigay ng Kahulugan, sa Sulating Akademik at ikalawa ay ang
Pagkilala sa iba’t ibang akademikong sulatin tulad ayon sa Layunin, Gamit, Katangian, at Anyo.
Handa ka na ba? Kung gayon, halina at magkasama nating sagutin ang mga parating na mga
gawain.
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag - aaral ay inaasahang:
1. nauunawaan ang ilang pananaw sa pagsulat;
2. natutukoy ang mga konsepto ng Akademikong Pagsulat; at
3. ng iba’t ibang uri ng akademikong sulatin.

Subukin
Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Ikahon ang titik ng tamang sagot sa patlang.

1. Ano ang tumutukoy sa artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at


nararamdaman sa paraang nakalimbag?
a. pakikinig b. pagsulat c. pagbabasa d. pagsasalita
2. Alin sa sumusunod ang naglalahad ng pananagutan sa pagsulat ng akademikong
sulatin?
a. Gumamit ng pormal na salita at iwasan ang balbal at kolokyal.
b. Dapat bigyan ng nararapat na pagkilala ang nakalap na impormasyon o datos.
c. Dapat ang mga impormasyon ay may sapat na datos upang hindi imaging subhetibo
ang sulatin.
d. Kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkasunod – sunod at pagkakaugnay –
ugnay ng mga pangungusap na binuo sa sulatin.
3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI halimbawa ng akademikong gawain?
a. Totoong nakagigising ang musikang tinutugtog sa radyo ngayon.
b. Mahilig makinig ang mga mag – aaral sa talakayan ng kanilang mga guro.
c. Pinasusuri ni G. Valenzuela ang pelikula batay sa pamagat, mga tauhan, buod, at
tema.
d. Magkakaroon ng Symposium sa AVR tungkol sa Cancer.
4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang katangian ng di - akademikong gawain?
a. Ang di–akademikong gawain ay obhetibong paglalahad.
b. Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin kundi sa mga bagay, ideya, at
katotohanan.
c. Nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat.
d. Nagbibigay ng ideya at impormasyon.
5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang katangian ng akademikong gawain?
a. Naipahahayag ni Jacob ang kaniyang nararamdaman sa pamamagitan ng pagsulat
ng mga nonfiction na akda.
b. Isinalaysay ng guro ang kanyang sariling karanasan sa pag–unlad ng kaniyang
buhay.
c. Pinabasa ni G. Marcos ang “Hindi ngayon ang panahon” ni Rogelio Sikat sa mga mag-
aaral at ginawan ito ng mga mag – aaral ng buod.
d. Maraming tumangkilik na mag–aaral sa palabas nina Empoy at Alessandra na
pinamagatang Kita KIta.

1
I. Panuto: Punan ng wastong kasagutan ang bawat bilang.

AKADEMIKO DI – AKADEMIKO
6. Layunin Layunin
Magbigay ng sariling opinyon
7. Paraan o batayan ng datos (magbigay Paraan o batayan ng datos
ng isang halimbawa) Sariling karanasan, komunidad,
pamilya
8. Awdyens (magbigay ng isang Awdyens
halimbawa) Iba’t ibang publiko
9. Organisasyon ng ideya Organisasyon ng ideya
Hindi malinaw ang estruktura
10. Pananaw Pananaw Obhetibo

Aralin
Akademikong Pagsulat at
1 Mga Halimbawa nito
Ang pagsusulat ay isa sa mga moda ng wikang dapat mahubog sa mga mag-aaral. Ito ang
nagsisilbing kadluan ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao sa pagpapabatid ng
mensahe sa kaniyang kinakausap o kakausapin. Sa pamamagitan ng pagsusulat, naisasatitik
ang nilalaman ng isipan, damdamin, ideolohiya, at layunin ng isang tao sa tulong ng mga salita,
ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa makabuo ng isang sulatin.

Sa bawat moda ng wika o kasanayan sa komunikasyon, maraming pag-aaral na nagsasabi na


ang pagsulat ang pinakamahirap na kakayahan na matutuhan ng isang mag-aaral. Hindi na rin
bago sa iyo ang senaryo na kapag ang guro ay nagpagawa ng isang sulatin tulad ng sanaysay ay
nakatitig lamang ang iyong mga bata sa papel o di nama’y sa screen ng iyong desktop o laptop.
Bilang isang mag-aaral, hindi mo lamang ito suliranin dahil maging ang mga batikang
manunulat ay mayroon ding senaryo kung papaano nila ilalahad ang kanilang ideya sa
mabisang pamamaraan sa pagkukuwento ng kanilang mga akda.

Balikan
Magmula nang pumasok ka ng akademya ay ang pagsulat na ang naging lunduyan ng iyong
pag- aaral. Madalas kang pinagsusulat ng iyong guro sa mga tala na nasa pisara upang mapag-
aralan mo itong muli. Magmula elementarya hanggang hayiskul ay naging malaking pundasyon
mo kung paano makasusulat ng isang awtput. Marahil sa tulong ng mga ito ay marami ka ng
mga sulating nabuo. May inihanda ang modyul na ito na tseklist ng mga natutuhan mo sa
pagsulat mula ikaw ay pumasok ng paaralan.
Panuto: I-tsek ang sumusunod na mga salita/parirala kung ito ba ay iyo nang natutuhan sa
moda ng wika ng pagsusulat.
Ikaw ba ay…
1. Nakasusulat nang may 11. Nakasusulat ng simpleng resipi
wastong baybay, bantas at
mekaniks ng pagsulat

2. Nakasusulat ng isang talata 12. Nakasusulat ng buod/lagom ng


binasang teksto

3. Nakasusulat ng liham 13. Nakasusulat ng talata na may sanhi at


pangangalakal bunga

4. Nakasusulat ng talatang 14. Nakasusulat ng mga isyu/argumento


pasalaysay para sa isang debate

2
5. Nakasusulat ng tugma o 15. Naibibigay ang datos na hinihingi ng
maikling tula isang form

6. Nakasusulat ng talatang 16. Nakasusulat ng sulating pormal


naglalarawan

7. Nakasusulat ng 17. Naisusulat ang mga patunay na ang


reaksiyon/opinyon tungkol sa kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon
napapanahong isyu o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito

8. Nakasusulat ng timeline 18. Naisusulat ang orihinal na liriko ng


tungkol sa mga pangyayari sa awiting-bayan gamit ang wika ng kabataan
binasang teksto

9. Nakasusulat ng sariling 19. Naisusulat ang isang talatang


talambuhay naghihinuha ng ilang pangyayari sa teksto

10. Nakasusulat ng sariling 20. Naisusulat ang tekstong


kuwento o tula nagmumungkahi ng solusyon sa isang
suliraning panlipunan na may kaugnayan
sa kabataan
Ang mga talaan na inihanda sa gawaing ito ay mula sa gabay - kurikulum noong ikaw ay
nasa elementarya at hayiskul na natutuhan mo bago ka sumampa ng Senior High School. Mula
bilang 1 - 20, ilan ang nalagyan mo ng tsek? Bilangin at ilagay ito sa kahon na nasa ibaba.

20

Tuklasin
Sa mga akademya, madalas mong naririnig ang mga salitang ito, ang academic activities at non
- academic activities. Kung minsan pa nga ang tawag dito ay academic at extracurricular activities.
Sa bahaging ito, nais kong sagutin mo ang mga ibibigay ko. Tukuyin mo kung ang mga parirala
na nasa ibaba ay nabibilang sa akademikong gawain o di - akademikong gawain. Isulat ang
AG(Akademikong Gawain) at DAG (Di-akademikong Gawain) sa patlang bago ang bilang.
___________1. Pagsali sa Singing Contest
___________2. Paggawa ng proyekto sa Asignaturang Agham
___________3. Pagguhit ng kartun para sa editoryal
___________4. Pagbigay ng marka ng guro sa proyektong pinasa
__________5. Pag - imbita sa pampasiglang bilang sa isang programa
___________6. Paggawa ng mga poster designs sa mga programa ng paaralan
___________7. Pakikipagtalastasan sa diskusyon sa loob ng klase kasama ang guro
___________8. Pagbabasa ng mga aklat na may kaugnayan sa kursong kinuha
___________9. Tagisan ng talino ng mga mag-aaral sa Buwan ng Agham
___________10. Tagisan ng husay ng mga mag-aaral sa basketbol at volleybol
Kumusta ang pagsagot mo sa mga gawain kanina? Naging madali ba ito para sa iyo? Bilugan
ang pinakaangkop mong emosyon para rito. Ipaliwanag.

1. Anong bilang ang nahirapan mong tukuyin bilang akademiko at di - akademikong


gawain? Bakit?
______________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Batay sa pag - unawa sa iyong kasagutan, ano ang pagpapakahulugan mo sa
akademikong gawain at di - akademikong gawain? -
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3
Suriin
Basahin ang sumusunod na punto sa pagkatuto.

Ang gawaing akademiko ay mayroong mataas na gamit ng isip upang ipahayag ang isa
o higit pang ideya bilang batayan ng karunungan. Ito rin ay mga gawaing may kritikal na
paghusga o pag-analisa sa mga komplikadong ideya at impormasyon. May matibay na
pagbabatayang datos, na maaaring galing sa mga umiiral na kaalaman o sa mga eksperimento
ng mga siyentipiko. Ang pinakalayunin ng akademikong gawain ay magbigay ng patunay o
pruweba sa mga ideya o impormasyong ukol sa mga akademikong disiplina. Karaniwang
gumagamit nito ay ang mga mananaliksik na propesyunal at estudyante.
Ang gawaing di-akademiko ay naisasagawa gamit ang malikhaing isip ng tao ukol sa
mga bagay sa kaniyang paligid. Ang mga gawaing nagpapahayag ng emosyon, kaisipan o
opinyon ng isang tao. Ito ay nakabatay sa mga walang katiyakang palagay mula sa umapela
sa emosyon o pakiramdam ng mambabasa. Karaniwang ito ay pansariling paniniwala ng tao
ang mga tinatalakay sa isang di-akademikong gawain. Ito ay mula sa sariling karanasan,
pamilya at komunidad, ang karaniwang gumagamit nito ay ang iba’t ibang publiko.
Ang akademiko at di-akademikong gawain ay makatutulong sa atin upang mapaunlad
ang ating bansa. Mahalagang malaman ng isang mag aaral o ng isang estudyante ang
kaibahan ng dalawa. Subalit parehas itong makapagbibigay sa atin ng kaalamang magagamit
natin lalo na sa pagpili ng larangan.
Ang sulating akademik ay isang pormal na sulatin o akdang isinasagawa sa isang
akademikong institusyon o unibersidad sa isang partikular na larangang akademiko. Sa
gawaing ito, nababasa mo ang iba’t ibang pormal na sulatin, ulat, eksperimento,
imbestigasyon, pagsusuri, o kritisismo, rebyu, pamanahong-papel, tesis, disertasyon,
sanaysay tungkol sa kasaysayan, manwal, at mapanuring sanaysay. Ang atake sa pagsulat
ng sulating akademik ay nasa obhetibong pananaw. Ibig sabihin, hindi ito direktang
tumutukoy sa emosyon o damdamin ng isang tao kundi sa mga ideya, emperikal na datos, at
mga napatunayan ng pag - aaral. Sa pagsulat nito ay ginagamitan ito ng ikatlong panauhan.
Isa pang halimbawa ay ang pagsasalita at pagdidiskurso sa simposyum habang ang isa naman
ay itinakdang magrekord o magtala ng mga mahahalagang impormasyon sa gawain.
Isang kasanayan ang sulating akademik dahil hindi lahat ng nasa paligid mo ay may
kakayahan sa pagsulat ng ganitong klaseng sulatin. Isang halimbawa, ang pagsulat ng mga
lab reports na karaniwang sinusulat ng mga siyentista. Sunod, ang pagsulat ng mga modyul
para sa mga mag - aaral na ginagawa naman ng mga nasa sektor ng edukasyon. Nakaaangat
ang ganitong abilidad dahil ito ay gumagamit ng talas ng pag - iisip o mataas na antas ng
kaalaman. Ang isang manunulat ng akademikong sulatin ay may mapanuring pag - iisip
sapagkat may kakayahan siyang mangalap ng mga impormasyon o datos, mag - organisa ng
mga ideya, mag - isip nang lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri ng
isinulat ng iba.
Ang mga halimbawa ng akademikong sulatin ay nahahati sa tatlong bahagi; Una, Ang
Mga Praktikal na Sulatin sa Loob at Labas ng Akademikong Larang tulad ng Bionote, Abstrak,
Sintesis at buod. Ikalawa, Ang Mga Pagsasanay sa Organisasyong Gawain tulad ng Adyenda,
Memorandum, Katitikan ng Pulong, at Panukalang Proyekto. Ikatlo, ang mga Pagsulat ng iba’t
ibang Uri ng Sanaysay tulad ng Talumpati, Posisyong Papel, Replektibong Sanaysay, Pictorial
Essay, at Lakbay Sanaysay.

Ngayong alam mo na ang konsepto ng Akademikong Sulatin, palawigin pa natin ang iyong
kaalaman sa pamamagitan ng pagkakaiba nito sa ibang anyo.

4
Katangian ng Akademikong Pagsulat

Maliwanag at May May


Obhetibo Pormal Organisado paninindigan pananagutan

1. Bakit mahalaga ang akademikong pagsulat sa iyo bilang kabahagi ng STEM strand?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
2. Ano – ano ang kabutihang dulot nito sa iyong buhay partikular sa hinaharap?
_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Pagyamanin

Gawain 1.1 Venn Diagram


Gamit ang mga konseptong nalaman mo sa modyul na ito, oras na para pagyamanin mo
ang iyong mga natutuhan. Itala sa venn diagram ang pagkakaiba at pagkakaparehas ng
akademikong pagsulat at malikhaing pagsulat.
Akademikong Pagsulat
at Malikhaing Pagsulat

Gawain 1.2 Concept Map

Itinala sa itaas na bahagi ang mga iba’t ibang katangiang dapat taglayin ng isang
akademikong sulatin. Isulat muli ito sa concept map na nasa ibaba at magsulat ng maikling
paliwanag sa bawat katangian.
Gawain 1.3 Saliksikin!

1. 2. 3. 4. 5.

Matapos mong tayahin ang mga natutuhan mo sa gawain 1.1 at 1.2. Ikaw naman ang
tatarok ng sarili mong pagkatuto sa pagkakataong ito. Nananabik ang iyong guro sa magiging
kasagutan mo sa inyong klase!

5
Ikaw ay magsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, katangian,
at kahalagahan ng napiling tatlong uri ng akademikong sulatin sa tulong ng graphic organizer.

Uri ng Akademikong Sulatin:

Kahulugan:

Katangian:

Kahalagahan:

Sanggunian (MLA 7th Edition):

Isaisip
Mahalagang isipin ng isang manunulat ng sulating akademik ang kaniyang
pananagutan. Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon
ay dapat na bigyan ng pagkilala bilang bahagi ng etika ng pananaliksik.
Ang islogang pinasikat ng GMA – 7 na “Think before you click” ay naglalayong maging
responsable ang mga gumagamit ng internet lalong – lalo na sa pagpopost sa mga social
media(socmed) tulad ng Facebook at Twitter. Isinusulong nito ang pagbabalanse ng mga i-po-
post natin upang matiyak ang kaligtasan sa mundo ng internet. Ang ganitong paalala ay isang
bagay na dapat isabuhay ng lahat dahil kapag nagkaroon ng pagkakamali sa isang post tulad
na lamang ng pag – angkin ng gawa ng iba ay maaaring mawalan ng kredibilidad ang taong iyon.

Sa gawaing ito, nais malaman ng modyul na ito ang iyong saloobin dahil naniniwala ang
iyong guro na #MEMASASABI ANG

Pangalan
Pangkat
MEMASASABI ANG KABATAAN

Petsa

Bilang isang mag-aaral na nag-aaral ngayon ng aksademikong pagsusulat ay


magbigay ng mga paraan ng pagpapaalala lalo na sa kapwa mong mag-aaral.

Paanong maging responsible at makapagbibigay ng inspirasyon sa ating mga


isinusulat o ipino-post sa ating social media account?

6
Isagawa
Palawakin ang Kaalaman!
Ipagpalagay na manunulat ka sa isang pahayagan. Bahagi ng iyong trabaho ang
pagrerebyu ng pelikula. Inatasan ka ng iyong editor na rebyuhin ang isang lumang pelikulang
Pilipino para sa susunod na isyu ng pahayagan.
Ito ang mga gabay na kaniyang ibinigay: isulat ang rebyu nang hindi bababa sa 500 salita
at suriin kung napapanahon ang kuwento. Tandaan na ang buod ay hindi rebyu.
Mahalaga sa rebyu ang puna, insight, at realisasyon. Mamarkahan ka batay sa mga
sumusunod: estilo ng pagsulat, tamang grammar, at baybay ng mga salita, at nilalaman ng
sulatin. Gawin ito sa inyo e-portfolio at ipasa sa iyong guro.

Tayahin
Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Ikahon ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy bilang kadluan ng kaisipan at damdaming nais
ipahayag ng tao sa pagpapabatid ng mensahe sa kanyang kinakausap o kakausapin.
A. pakikinig B. pagsulat C. pagbabasa D. pagsasalita
2. Alin sa sumusunod ang naglalahad ng pananagutan sa pagsulat ng akademikong sulatin?
A. Ginagamitan ng pormal na salita at iwasan ang balbal at kolokyal.
B. Binibigyan ng nararapat na pagkilala ang nakalap na impormasyon o datos.
C. Marapatin na ang mga impormasyon ay may sapat na datos upang hindi maging
subhetibo ang sulatin.
D. Kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkasunod – sunod at pagkakaugnay – ugnay
ng mga pangungusap na binuo sa sulatin.
3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI halimbawa ng akademikong gawain?
A. Nagkakaroon ng webinar discussion ngayon ang paaralan tungkol sa CoVid – 19.
B. Sadyang nakagigising ang mga musikang Pilipinong tinutugtog sa radyo ngayon tuwing
Linggo.
C. Aktibong nakikinig ang mga mag – aaral sa talakayan ng kanilang mga guro tungkol sa
Pagsulat ng Bionote.
D. Nagpapasuri si G. Valenzuela ng rebyu ng pelikula batay sa puna, insight, at realisasyon
ng kaniyang mga mag –aaral.
4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang katangian ng di-akademikong gawain?
A. Ang di–akademikong gawain ay nagbibigay ng ideya at impormasyon ayon sa mga
makatotohanang impormasyon.
B. Si James ay nanindigan sa kanilang argumento na ang di–akademikong gawain ay
naglalahad ng mga obhetibong pananaw.
C. Ayon naman sa mga iba pang dalubhasa, ang di–akademikong gawain ay nasa una at
pangalawang panauhan ang pagkakasulat.
D. Si G. Indarapatra ay tinukoy ang di – akademikong gawain bilang hindi direktang
tumutukoy sa tao at damdamin kundi sa mga bagay, ideya, at katotohanan.
5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang katangian ng akademikong gawain?
A. Isinalaysay ng guro ang kaniyang sariling karanasan sa pag – unlad ng kaniyang buhay.
B. Naipahahayag ni Jacob ang kaniyang nararamdaman sa pamamagitan ng pagsulat ng
mga nonfiction na akda.
C. Maraming tumangkilik na mag – aaral sa palabas nina Empoy at Alessandra na
pinamagatang “Kita kita.”
D. Pinabasa ni G. Marcos ang “Hindi ngayon ang panahon” ni Rogelio Sikat sa mga mag -
aaral at ginawan ito ng mga mag – aaral ng buod.

I. Panuto: Punan ng wastong kasagutan ang bawat bilang.


AKADEMIKO DI – AKADEMIKO
6. Layunin Layunin
Magbigay ng sariling opinyon
7. Paraan o batayan ng datos Paraan o batayan ng datos
Sariling karanasan, komunidad,
pamilya
8. Awdyens Awdyens
Iba’t ibang publiko

7
9. Organisasyon ng ideya Organisasyon ng ideya
Hindi malinaw ang estruktura
10. Pananaw Pananaw
Obhetibo

Karagdagang Gawain
Basahin ang mga pahina 3 – 5 sa artikulong “What Is ‘Academic’ Writing?” ni L. Lennie Irvin.
Mababasa ito sa https://wac.colostate.edu/books/writingspaces1/writing-spaces-readings-on-
writing-vol-1.pdf. Ito ay tumatalakay sa mito ng akademikong pagsulat.

Gumawa ng isang puna, insight, at realisasyon batay sa artikulong nabasa. Sang – ayon
ka ba sa mga inilahad nito?

8
9
Subukin Tayahin
1. B 1. B
2. B 2. B
3. A 3. B
4. C 4. C
5. C 5. D
6. Magbigay ng 6. Magbigay ng
impormasyon impormasyon
7. Obserbasyon, 7. Obserbasyon,
pananaliksik, pananaliksik,
pagbabasa pagbabasa
8. Iskolar, guro, 8. Iskolar, guro,
mga propesyunal mga propesyunal
9. Lohikal, 9. Lohikal,
planado, may planado, may
estruktura estruktura
10.Subhetibo 10.Subhetibo
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Dela Cruz, Mar Anthony Simon. n.d. “Pagsulat Ng Abstrak.” In PAGSULAT SA FILIPINO SA
PILING LARANGAN: AKADEMIK, 16–20. Makati City: Diwa Learning System Inc.
Julian, Ailene Baisa, and Nestor S. Lontoc. 2017. “Ang Kalahagahan Ng Pagsusulat at Ang
Akademikong Pagsulat.” In Pinagyamang Pluma (K to 12): Filipino Sa Piling Larang (Akademik),
1–8. Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc.
Evasco, Eugene Y., and Will P. Ortiz. 2017. “Pagsulat Ng Abstrak.” In FILIPINO PAGBASA AT
PAGSULAT SA PILING LARANGAN, 8–12. Quezon City: C&e Publishing.

Elektronikong Sanggunian
Lowe, Charles, and Pavel Zemliansky. “Writing Spaces Readings on Writing Vol.
1.” COLOSTATE.EDU, 2010, wac.colostate.edu/books/writingspaces1/writing-spaces-readings-
on-writing-vol-1.pdf.
Mercado, Ayessa Jhen. “Aralin 1 Akademiko Di Akademikong Gawain Paggawa Ng Mini Corner
Ng Mga Kursong Pagpipilian Sa Kolehiyo .” Academia.edu,
www.academia.edu/38736974/Aralin_1_Akademiko_Di_Akademikong_Gawain_Paggawa_ng_Mi
ni_corner_ng_mga_Kursong_Pagpipilian_sa_Kolehiyo_Copy.

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212

Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862

Email Address: makati.city@deped.gov.ph

You might also like