You are on page 1of 6

111…Intro

Grade :4
Learning Area : English
Learning Competency : EsP4PKPIe-g - 25
Episode :1
Script Writer : Joseph Joshua A. Palapar
Length : 45-50 minutes
Title : Pagiging Mapanuri sa Patalastas na Nabasa o Narinig
Objectives : Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nauunawaan ang ang layunin ng patalastas;
b. Nakapagsusuri ng katotohanan mula sa mga patalastas na nabasa/
narinig; at
c. Nakapagpapahayag ng sariling paraan ng pagsusuri ng patalastas na
napakinggan.

BIZ: REGIONAL OFFICE RX ADOBE


STANDARD MUSIC INTRO: RISING… FADING…

Host : Magandang umaga Valencia City, Magandang Umaga Bukidnon at sa lahat ng

mga mag-aaral sa ika-apat na baitang na nakikinig sa ating ngayon. Nawa’y

maganda ang inyong araw sapagkat kahit madaming pagsubok ang ating

kinakaharap, kapag tayo ay magsikap, tagumpay ay malalasap. Ako si

_____________ at samahan niyo ako tungo sa bago at makabuluhang kaalaman

para sa maganda kinabukasan.

Ngayong araw ay ating pag-aaralan kung paano maging mapanuri sa mga

patalastas na nababasa o naririnig.

STANDARD MUSIC INTRO: RISING… FADING…

Host : Gaya ng sinabi ko ay tatalakayin natin ang tungkol sa Pagiging Mapanuri sa

Patalastas na Nabasa o Narinig. Sa Pagkatapos ng araling ito ikaw ay

inaasahang: Nauunawaan ang ang layunin ng patalastas; Nakapagsusuri ng

katotohanan mula sa mga patalastas na nabasa/ narinig; at Nakapagpapahayag ng


222…Patalastas

sariling paraan ng pagsusuri ng patalastas na napakinggan. Pakikuha ng inyong

mga ballpen at modyul at buksan ito sa ______.

Host : Mga bata alam niyo ba kung ano ang patalastas? Ang mga patalastas ay isang uri

ng pag-anunsiyo ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba’t-ibang anyo ng

komunikasyong pang madla. Ang pagiging mapanuri sa mga patalastas na nabasa

o narinig sa pahayagan o sa radyo ay nakatutulong sa tamang pagpapasya.

Tunghayan natin ng kwento sa ika-apat na pahina ng modyul, Ang Palatuntunan.

STANDARD MUSIC INTRO: RISING… FADING…

Host : Makinig ng maigi at intindihin ang kwento. Handa ka na ba? Tayo na !

SFX : CHILDREN PLAYING WITH JOY/GIGGLES IN THE BACKGROUND

NARR : Naglalakad ang mga magkakaibigan at magkaklase na sina Ysraj, Khrisna,

Sofhia at Precious sa paaralan ng makita nila ang nakapaskil sa may ding ding sa

harap ng opisina ng Supreme Pupil Government.

Sofhia : Tignan niyo, may bagong nakapaskil sa bulletin.

Ysraj : Oo nga. Tara, basahin nga natin.

Sofhia : “Ano : Paligsahan sa Pagsasayaw

Sino : Binubuo ng apat na miyembro bawat grupo

Saan : Paaralan ng Masigla Elementary School

Kailan: December 8, 2020, Alas 10 ng umaga


333…Patalastas

Para sa karagdagang impormayon tumawag sa numerong 097668764672, o di

kaya ay tumungo sa opisina ng Student Supreme Government o SPG

Ysraj : Sali tayo (masayang tinig)

Khrisna : Sigi! Parang gusto ko yan. Anong sasayawin natin?

Precious : Huwag kang mag-alala Khrisna. Tayo ay mag-eensayo ng isang magandang

sayaw at atin itong pagbubutihan upang tayo ay manalo.

NARR : Nag usap- usap sila tungkol sa kanilang isasayaw at susuotin sa paligsahan.

Dahil gusto nilang manalo pinagbutihan nila ang kanilang pag ensayo at

nagtutulong tulong sila sa pagbuo ng sayaw at disenyo ng susuoting damit. Sa

araw ng palatuntunan, maaga silang pumunta sa paaralan at inayos ang mga gamit

na gagamitin sa paligsahan. Bago sila sumayaw ay nagdasal muna sila na gabayan

at pawiin ang kabang nararamdaman. Sumayaw sila ng buong husay at buong

kasiyahan. Natapos ang palatuntunan at sila ang nagwagi bilang kampyon.

Masayang umuwi ang magkakaibigan at baon ang ngiti at galak sa kanilang puso.

STANDARD MUSIC INTRO: RISING… FADING…

Host : at diyan nagtatapos ang ating kuwento. Ngayon naman ay sagutan natin ang mga

sumusunod na tanong. Ano ang pamagat ng kuwento? Tama! Ang Patalastas. Ano

naman ang binasa nina Ysraj, Khrisna, Sofhia at Precious sa bulletin? Tama, ang

binasa nila ay isang patalastas. Uulitin natin ang patalastas ay maikling mensahe

na nagpapabatid ng mahalagang impormasyon tungkol sa:

gaganaping palatuntunan o iba pang gawain


444…Patalastas
panawagan sa madla

kautusan nang paaralan o bayan

pangangailangan sa hanap buhay

at mga nawawala

Bilang indibidwal, mainam na suriin ang patalasta kung ito ay tama o mali upang

maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang pinanggalingan nga

patalastas, at kung ito ay napakahalagang impormasyon gaya ng nawawalang

bata, ay ikalat ito sa iyong bayan. Ang isang magandang uri ng patalastas ay

nasasagot ang mga katanungang ano, sino, saan, at kailan. Ito ay nagbibigay ng

simpleng impormasyon kung saan mas naiintindihan ng mabuti ng mga

tagapakinig kung ano ang gusto ibig ipahiwatig ng patalastas.

Sa patalastas na binasa nina Ysraj, Khrisna, Sofhia at Precious, ano patungkol sa

anunsiyo nito? Tama ka! Ito ay tungkol sa Paligsahan sa Pagsayaw.

Sino naman ang tinatawag ng patalastas? Tama! Grupo na may apat na myembro.

Saan mangyayari ang paligsahan ayon sa nabasa nila? Wow! Mahusay. Sa

Masigla Elementary School.

Panghuling tanong, kailan magaganap ang paligsahan sa pagsayaw? Tumpak! Sa

ika-walo ng Disyembre 2020. Magaling at tagala naman ikaw ay nakikinig.

Kaya maiging basahin at unawain ang mga patalastas upang makuha mo ang

tamang mensahe at hindi makapagbahagi ng kalituhan sa iba.

Ngayon ay magbibigay ako sa inyu ng mga pangungusap. Sabihin ang “APROB”

kung ang pahayag nababasahin ko ay tamang gawin, at “DIS-APROB” naman

kung hindi. Handa ka na ba? Ito na! (Repeat each number)


555…Patalastas

1. Susuriing mabuti ang nabasang patalastas kung ito ay tama o hindi.

“APROB!”

2. Iwasan na magkalat ng maling impormasyon tungkol sa nabasang patalastas.

“APROB!”

3. Alamin ang pinanggalingan ng patalastas. “APROB!”

4. Huwag ipagpatuloy ang pagbabasa ng patalastas kung ito naman ay hindi

nagkakakuha sa iyong atensyon. “DISAPROB”

SFX : ROUND OF APPLAUSE

Host : Sagutan ang mga katanungan sa pahina _____ at ang tayahin dahil ito ay

iwawasto ng iyong guro.

SFX : RECESS BELL RINGING

Host : Oras na para sa ating “TRIVIA” (echo sound effects upon the word TRIVIA)

Alam niyo ba na kalat sa social media gaya ng Facebook, Twitter, YouTube,

Instagram at iba pa ang tinatawag nilang Fake News? Oo, alam mo ba kung ano

ang fake news? Ang fake news ay tumutukoy sa isang balita kung saan ito ay mali

o walang katotohanan ang nakasaad nito. Ang fake news ay gawa gawa lamang

upang manlinlang mg mga tao at walang basehan o ibidensiya. Kaya tandaan,

bago maniwala sa mga nababa sa internet ay mainam na suriin ito kung ito ba ay
totoo bago mo ipakalat ito online para ikaw ay tawagin “ALPHA KID” (echo

sound effects upon the word ALPHA KID)

666…Patalastas
STANDARD MUSIC INTRO: RISING… FADING…

Host: : Tandaan, maging mapanuri sa mga nababasang patalastas dahil hindi lahat ng

nababasa ay totoo. Bawat tao ay may kani-kaniyang pananaw at opinyon sa mga

patalastas na nababasa o naririnig. Ang pagiging mapanuri sa nabasa o narinig na

patalastas ay nagpapakita lamang ng masusing pag-iisip. May mga balita na

nagbibigay ng tamang impormasyon upang lalong mapalawig ang kaalaman ng

mga nagbabasa. Subalit mayroon din naman sa paraang paninirang puri. Gamitin

ang kaalaman sa pagsusuri ng mga patalastas sa tama at maging isang mabuting

halimbawa sa komunidad.

At diyan nagtatapos ang ating leksiyon at sana may natutunan ka sa ating pag-

aaral ngayon. Ako si ___________ nag sasabing ang batang magalang, malayo

ang mararating sa buhay! Bye bye!

STANDARD MUSIC EXTRO: RISING… FADING…


BIZ: DIVISION OFFICE STATION ID...

-----END---

PALAPAR Script for


ESP Module 3 Q1.pdf

You might also like