Professional Documents
Culture Documents
El Filibusterismo
El Filibusterismo
Scene: Sa SEMENTERYO
(basilio & simoun)
Basilio: (umikot sa isang puno at naupo sa tabi nito) Matagal na rin nang huling punta
ko rito. Naaalala ko pa rin ang mga pangyayari, sariwa pa ang lahat sa aking isip. Parang
kailan lang ang mga sakit na sinapit ko... (tumayo at napatingin sa isang ilaw na
malapit) ano ‘yon...? Si Ginoong Simoun! Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan
ng aking ina?
(Nakita niya si Simoun na naghuhukay nang kung ano at may katabing isang
malaking kahon. Isang pagbabalik tanaw ang nangyari kay Basilio: Sa paghabol
niya sa kanyang ina noon, may labingtatlong taon na ang nakakalipas, isang
lalaking duguan at hindi niya kilala ang inabutan niya sa gitna ng gubat. Dito’y
pinakiusapan siya nito na tulungang sunugun ang bangkay ng isang di niya kilalang
lalaki.)
Basilio: Hindi ko po kaya kayo matutulungan, ginoo?
(Gulat na liningon ni Simoun ang tinig at may kung anong huhugutin sa bulsa..)
Simoun: Anong ginagawa mo sa gubat na ito?
Basilio: Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may
labing tatlong taon na ang nakakaraan. Sa aking palagay kayo po ang naghandog sa akin
ng isang pakikiramay, ikaliligaya ko kung ako’y makatutulong naman sa inyo.
(Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio.)
Simoun: At sa tingin mo’y sino ako? (humakbang paurong)
Basilio: Isang taong ipinalalagay kong napakadakila. Isang taong ipinagpapalagay ng
lahat, maliban sa akin, na patay na at ang tinamong kasawian ay labis kong
ipinagdaramdam.
Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari mong
ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil dito ay maaari kang masawi sa aking kamay?
Totoong ako’y naparito may labing tatlong taon na ang nakakaraan, upang dakilain ang
isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban
sa mga mapang-api. At ngayo’y nagbalik ako upang ipagaptuloy ang kanyang nasimulan.
Hindi ko akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa lipunan! At ang mga
kabataan! Wala ng ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi pinakikinggan!
Basilio: Hindi G. Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang
Kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod
ng tuluyan sa mga Pilipino.
Simoun: Isang pagkakamali! Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin
natin ang wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wiikang ito ang ating mga karapatan!
Ang ating mga pagkatao!
Basilio: Ginoong Simoun, mali ang inyong iniisip.
Simoun: At ano ang iyong mahihita kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo bang
masaya ang iyong bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At ano, iyo na lamang
bang hahayaan ang iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na tinatapakan ng
mga taong siya mismong pumatay sa kanila?
Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko Ginoong Simoun? Kaya ko ba silang ipaglaban
gayong ako mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay.
Hindi maaaring hukayin ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyanng bangkay at
pagkatapos ay mangbintang nang kung sino-sinong kastila.
(Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun sa kanyang
kinatatayuan.)
Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! Mamamatay ang mahihina at matitira
ang mga malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay.
Kaunting tiis na lang.
Scene: OFFICE
(ginoong pasta & Isagani)
(pumasok si Isagani sa opisina ni Ginoong Pasta)
(nagsusulat si Ginoong Pasta at lihim na tinignan si Isagani mula ulo hanggang paa)
Ginoong Pasta: Ikaw pala Isagani! Maupo ka. Kumusta na si Florentino? May kailangan
ka ba?
Isagani: Maraming salamat po. Maayos po ang lagay ng aking amain. (natigil sandali)
Ginoong Pasta: Sige, magpatuloy ka...
Isagani: Marahil ay narinig niyo na ang tungkol sa balak naming mga estudyante na
magpatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.
Ginoong Pasta: Ito ay isang bayan ng mga plano at panukala!
Isagani: Nais naming humingi ng tulong sa inyo upang mapakiling si Don Custodio sa
amin.
Ginoong Pasta: Oo! (napakamot sa ulo) Walang makakahigit sa akin pagdating sa pag-
ibig sa tinubuang lupa at paghahangad ng pagsulong, ngunit hindi maaaring sumulong ng
ganun-ganon na lamang. Hindi ko alam kung batid ninyo ang aking kalagayan, isang
kalagayang maselan; marami akong pag-aari, kailangang kumilos na may lubos na pag-
iingat,,,
Isagani: Hindi po maaaring hangarin naming ilagay kayo sa kagipitan. Ngunit kahit
napaka-kaunti ang nababatid ko tungkol sa batas, mga kautusang –hari, mga lathala at
mga kapasyahang umiiral sa ating bayan, ay inakala kong hindi magkakaroon ng
kaamaan ang makitulong sa mga adhikain ng pamahalaan. Iisa lamang ang aming layunin
at sa paraan lamang kami nagkakaiba.
Ginoong Pasta: Diyan nga nariyan and suliranin, sa karaniwang sabi. Ang gumawa ng
isang bagay na laban sa kanyang mga panukala ay makasusugat.
Isagani: Inakala ko na ang pamahalaan ay dapat humanap ng matibay na saligan.
Ginoong Pasta: (itinaas ang nakayukong ulo) Binata, nararapat na iwanan sa isang tabi
ang mga hakbang na iyan, sapagkat mapanganib. Dapat pagkatiwalaan ang pamahalaan.
Isagani: Paumanhin! Naintindihan ko na ang nais ninyong sabihin...
(may kung anong hinahanap si Ginoong Pasta)
Isagani: Kung gayon... (tumindig na) Mauuna na po ako!
Ginoong Pasta: Tsk tsk tsk (natigilan) Kaawa-awang binata! Ako man ay nagkaroon ng
ganoong kaisipan. Ang tagumpay ay hindi nagbibigay ng kapanatagan sa kaisipan. Ang
bawat bansa ay may sariling pagpapahalaga gaya ng pagkakaroon ng sariling klima at
mga sakit. Kaawa-awang binata! Kung lahat ay nag-iisip na gaya niya, ay hindi ko
sasabihing hindi... Kaawa-awang binata! Kaawa-awang Florentino!
Scene: NAGKAKAINAN
(kap. Heneral, ben zayb, donya victorina, padre salvi, don custodio, padre irene)
(At iniwan ni Basilio ang kaibigan upang iligtas ang sarili. Sa loob ng bahay ay
nagkakainan na ang mga bisita nang may nakita silang papel.)
Kapitan Heneral: Nakasulat dito, “Mane thecel, pares” – Crisostomo Ibarra.
Ben Zayb: Isang biro lang iyan!
Donya Victorina: hindi magandang biro! Isang pagbabanta mula sa isang taong matagal
nang namayapa!
(Binasa ni Padre Salvi ang liham.)
Padre Salvi: Si Ibarra! Siya ang nagsulat nito! Sulat kamay niya ito!
Kapitan Heneral: Ituloy ang kasiyahan! Walang dapat ipangamba. Walang kwenta ang
ganyang biro.
Don Custodio: Hindi kaya nais niya tayong patayin lahat?
(Hindi kumibo ang lahat. Nang biglang mamatay ang ilaw sa lampara.)
Kapitan Heneral: Padre Irene, pakitaas na lamang ang mitsa.
Padre Irene: Isang saglit lamang.
(Bago pa man makatayo si Parde Irene, isang anino ang lumapit at kumuha sa
lampara.)
Padre Irene: Magnanakaw! Habulin ninyo ang magnanakaw!
(Dumiretso ang magnanakaw sa asotea ng bahay at tumalon sa ilog kasama ang
lampara. Ilang saglit pa ay, isang nakagigimbal na pagsabog ang narinig.)
Scene: BAHAY NI PADRE FLORENTINO
(padre florentino, simoun)
(Napagalaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat. Hinalughog ang
kanyang bahay at nakita dito ang ilang armas at bulbura. Pinaghahanap na siya ng
mga sibil. Ayaw niyang magpahuli ng buhay kaya uminom siya ng lason at
nagtungo kay Padre Florentino upang mangumpisal.)
Padre Florentino: Masama ba ang inyong pakiramdam?
Simoun: Wala ito Padre, mawawala din ang lahat pagkaraan ng ilang sandali. Anumang
oras ay tatalab na ang lason sa aking katawan.
Padre Florentino: Diyos ko!
Simoun: Huwag kayong matakot. Lumalalim na ang gabi. Nais kong ilahad sa inyo ang
aking lihim. Maaari mo bang sabihin sa akin kung totoong may Diyos?
Padre Florentino: Kahit saan tayo nagtungo nariyan ang Diyos.
Simoun: Padre, ayokong mamatay ng may dalang kasamaan! Ako si Crisostomo Ibarra,
na malaon nang ipinapalagay na patay. Noong araw, pagkatapos kong mag-aral sa Europa
ay umuwi ako rito upang pakasalan ang babaeng iniibig kong si Maria Clara. Ngunit ito’y
hindi natupad.
Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginusto ang
lahat, na ikaw ay nasilaw lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan Niyang lahat nang
nangyari. Hindi nagtagumpay ang iyong plano nang dahil sa Kanya. Sapagkat alam
Niyang hindi ito tama. Igalang natin ang Kanyang kapasyahan.
Simoun: Palagay niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?
Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kalian man ay
hindi Siya naghangad ng masama para sa atin.
Simoun: Kung gayon, bakit hindi Niya ako tinulungan?
Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang nakakagawa
ng dakila.
Simoun: Bakit ako ang pinarurusahan at hindi ang mga masasamang namamahala na
walang dulot kundi kasamaan?
Padre Florentino: kailangang alugin ang lalagyan para humalimuyak ang bango.
(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa pinisil
ni Simoun ang kamay ng pari.)
Simoun: Maraming salamat Padre, ngayon ay payapa na ang aking kalooban.
(Muling pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florentino at tuluyan itong nawala sa
pagkakahawak. Kinuha ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun at
nagtungno sa talampas. Inihagis ni padre Florentino ang kaymanan ni Simoun sa
karagatan.)
Padre Florentino: Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat… ngunit kung
kakailanganin ka ng tao para sa isang marangal na hangarin, ipahintulot ng Diyos na
matuklasan ka sa sinapupunan ng alon. Pansamantala, diyan ka muna, hindi
makababaluktot ng katwiran, hindi mag-uudyok ng kasakiman.