You are on page 1of 16

2

Arts
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Pag-uukit ng mga Hugis at Letra
Arts – Ikalawang Baitang Alternative
Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pag-uukit ng mga Hugis at Letra Unang
Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda
ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim:


Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marian M. Dondriano


Patnugot ng Wika: Remedios C. Gerente, Marie Ann C. Ligsay,PhD
Tagasuri: Edquel M. Reyes, Alma T. Bautista,PhD
Marlon S. Fernandez, Remedios C. Gerente
Sonny N. De Guzman,EdD, Marie Ann C. Ligsay,PhD
Tagaguhit: Isagani D. Tique, Norman B. Cruz
Tagalapat: Armando Deogines A. Garcia, Norman B. Cruz
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong,PhD, CESO V, Ronilo Al K. Firmo,PhD, CESO V
Librada M. Rubio,PhD, Ma. Editha R. Caparas,EdD
Nestor P. Nuesca,EdD, Engr. Edgard C. Domingo,PhD, CESO V
Leondro C. Canlas,PhD, CESE, Elizabeth O. Latorilla,PhD
Sonny N. De Guzman,EdD, Remedios C. Gerente

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Region III Address:


Matalino St.,Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580
to 89
E- mail Address: region3@deped.gov.ph
2
Arts
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Pag-uukit ng mga Hugis at Letra

i
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts Baitang 2 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pag-uukit
ng mga Hugis at Letra.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

1
Alamin
Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo upang malinang ang
iyong kaalaman, kasanayan at pagkamalikhain. Ito ay tumatalakay
sa pag-uukit ng mga hugis at letra gamit ang pambura at kamote sa
paglilimbag.

Sa modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang mga


sumusunod:
 Gumawa ng inukit na letra at hugis gamit ang
pambura at kamote.
 Linangin ang kasanayan sa pag-ukit ng hugis at letra gamit ang
pambura o kamote.

Subukin
Panuto: Tignan ang mga larawan sa ibaba.Sagutin ang mga tanong.
Ilagay ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel .
1. Ano sa palagay mo ang ginamit upang makabuo ng disenyo?

2. Ano kaya ang mga paraan upang makabuo ka ng ganitong


disenyo?

Aralin Pag-uukit ng mga Hugis at Letra


1
Marami ang maaaring gamitin mula sa mga bagay sa ating
paligid upang makagawa ng isang likhang-sining.
Ang pambura at kamoteng hilaw ay maaaring gamitin upang
makapag-ukit ng mga hugis at letra na maaaring gamitin sa
paglilimbag ng isang likhang-sining.

Balikan
Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang paggawa ng pattern sa
pamamagitan ng dalawa o tatlong paglilimbag na ginagamitan ng
pag-uulit o pagsasalitan ng hugis o kulay.

Panuto: Iguhit ang masayang mukha ☺ kung ito ay


nagpapakita ng pattern at malungkot na mukha  kung
hindi. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang
papel.

1.

2.

3.

Tuklasin

Nakakita na ba kayo ng taong nag-uukit? Naranasan mo


na bang mag-ukit? Ano ba ang mga bagay na kailangan sa pag-
uukit?
Sa kuwentong iyong babasahin ngayon matututuhan
mong mag-ukit ng mga hugis at letra at kung ano-ano ang mga
bagay na maaaring gamitin sa pag-uukit.

Si Nilo
ni Marian M. Dondriano

Si Nilo ay isang bata na ang lahat


ng kanyang gusto ay naibibigay ng
kanyang mga magulang.
Minsan, napansin ni Bb. Mallari si
Nilo na itinatapon ang kanyang
lumang pambura. Kaagad siyang nilapitan
ng kanyang guro. “Nilo, Bakit mo itinatapon ang mga
pambura?” ang tanong ni Bb Mallari.

“Luma na po kasi, kaya itinapon ko na lang,” ang sabi ni Nilo.


“Alam mo bang maari pa yang gamitin ng iba o maari pang gamitin
iyan upang maka-ukit ng hugis at letra” ang sabi ni Bb. Mallari.
“Talaga po
ba?” manghang tanong ni Nilo. “Oo Nilo,
halika at tuturuan ko kayong mag-ukit ng
hugis at letra gamit ang pambura,”
masayang tugon ni Bb. Mallari. Pinulot ni
Nilo ang itinapong pambura.
Pagdating sa silid-aralan tinuruan ni Bb. Mallari ang mga
mag-aaral sa pag-ukit ng hugis at letra gamit ang pambura.
Sinabihan niya rin ang mga bata na hindi lang pambura ang maaring
gamitin, puwede ring gumamit ng kamote kung sila ay nasa bahay.

Masayang ginawa ng mga bata ang pag-ukit ng hugis at


letra gamit ang pambura.
Suriin

May mga paraan na dapat sundin upang makapag- ukit ng hugis


at letra gamit ang pambura o hilaw na kamote.
1. Maghanda ng mga gagamitin sa pag-uukit tulad ng lumang
pambura o hilaw na kamote at patpat.
2. Gumuhit ng gusto mong hugis o titik sa pambura bilang
pattern.
3. Tanggalin ang sobrang bahagi ng pattern na
iginuhit mo.
*Paalala:
Magpatulong sa iyong magulang o nakatatanda. Mag-ingat sa
paghawak ng patpat o matalim na bagay.
Linisin ang pinaggamitan pagkatapos ng iyong
gawain.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang iyong sagot
sa hiwalay na sagutang papel.
1. Anong bagay ang ginagamit sa silid-aralan ang maaaring
gamitin upang makapag-ukit ng hugis at letra?

2. Maliban sa pambura ano ang maaari pang gamitin sa pag-uukit


na maaaring makita sa tahanan na binanggit sa kuwento?
3. Ano dapat mong gawin ang upang makagawa ka at mapakag-
ukit ng hugis sa pambura?

Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Pagsunod-sunorin ang mga larawan upang ikaw ay makapag-
ukit sa pambura o sa hilaw na kamote. Ilagay ang wastong sagot sa
hiwalay na sagutang papel.

Gawain 2
Panuto: Umukit ng iba’t ibang hugis gamit ang hilaw na kamote.
Gamitin ang iyong nagawang bilang pantatak sa pagbuo ng disensyo
ng tao, kagaya ng nasa ibabang larawan. Gawin ito sa isang puting
papel.
Gawain 3
Panuto: Lagyan ng tsek(✓) kung ang larawan ay nagpapakita ng
inukit na larawan at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot
sa hiwalay na sagutang papel.

1.

Isaisip
Maraming bagay sa ating paligid ang maaari nating gamitin
upang makagawa ng likhang-sining. Tayo ay makapag-uukit ng
iba’t ibang hugis at letra gamit ang lumang pambura at hilaw na
kamote. Maaari rin nating gamitin ang mga inukit na hugis at letra
na pantatak o panlimbag upang makagawa ng magandang disenyo.
Maipapakita natin ang ating kakayahan sa pag-ukit.
Isagawa
Panuto: Umukit ng mga letra ng iyong pangalan gamit ang hilaw na
kamote. Sundin ang mga paraan ng pag-ukit sa ibaba. (Maaring
magpatulong sa magulang sa pag-aalis ng labis na bahagi ng pattern)

Una, maghanda ng mga gagamitin sa pag-


uukit tulad ng hilaw na kamote at patpat.

Ikalawa, Gumuhit ng letra ng iyong


pangalan sa hilaw na kamote
bilang pattern.

Ikatlo, Tanggalin ang sobrang bahagi ng


pattern na iginuhit mo.

Panghuli, ipakita ang inukit mong pangalan gamit ang hilaw na


kamote.

9
Tayahin

Panuto: Lagyan ng masayang mukha ☺ kung oo ang iyong sagot at


malungkot na mukha  kung hindi. Ilagay ang
iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.

1. Sinunod ko ang paraan sa pag-uukit ng hugis at letra?

2. Gumamit ako ng lumang pambura o hindi lutong


kamote sa pag-uukit?

3. Gumamit ako ng papel sa pag-uukit?

4. Nakagawa ako ng ibang disenyo gamit ang inukit na


hugis at letra?

5. Masaya ako sa aking ginawang likhang-


sining?

10
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Ilagana, Amelia M. et.al (2013) Patnubay ng Guro sa Music, Arts,


Physical Education and Health- Ikalawang Baitang. p. 277
Pasig City: DepEd-IMCS

Isidoro, Carmelita Emilia D., (2008) The Disciples of Life


through Music, Arts, Physical Education and Health 1
p. 108 Wizard Publishing Haws, Inc.

Isidoro, Carmelita Emilia D., (2008) The Disciples of Life


through Music, Arts, Physical Education and Health 2
p. 105 Wizard Publishing Haws, Inc.

Most Essential Learning Competencies (MELC) KG Arts-


Ikalawang Baitang. p.277

Ronaldo, Ramilo V.,Pabilona, et,al (2013) Kagamitan ng Mag-


aaral sa Music, Arts, Physical Education and Health-
Ikalawang Baitang.
pp.277 Pasig City: DepEd-IMCS
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifa
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-49
Email Address: *

You might also like