You are on page 1of 16

2

ARTS
Ikatlong Markahan– Modyul 4:
Paglilimbag Gamit ang mga Bagay na
Gawa ng Tao
Arts – Ikalawang Baitang Alternative
Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Paglilimbag Gamit ang mga Bagay na Gawa ng Tao Unang
Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda
ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim:


Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ofelia O. Mangila
Patnugot ng Wika: Remedios C. Gerente, Marie Ann C. Ligsay,PhD
Tagasuri: Edquel M. Reyes, Alma T. Bautista,PhD
Marlon S. Fernandez, Remedios C. Gerente
Sonny N. De Guzman,EdD, Marie Ann C. Ligsay,PhD
Tagaguhit: Isagani D. Tique, Norman B. Cruz
Tagalapat: Armando Deogines A. Garcia, Norman B. Cruz
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong,PhD, CESO V, Ronilo Al K. Firmo,PhD, CESO V
Librada M. Rubio,PhD, Ma. Editha R. Caparas,EdD
Nestor P. Nuesca,EdD, Engr. Edgard C. Domingo,PhD, CESO V
Leondro C. Canlas,PhD, CESE, Elizabeth O. Latorilla,PhD
Sonny N. De Guzman,EdD, Remedios C. Gerente

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 3

Office Address: Matalino St. Government Center, Maimpis, City of San_Fernando


Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail address: region3@deped.gov.ph
2

ART
S
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Paglilimbag Gamit ang mga Bagay na
Gawa ng Tao

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts- Ikalawang
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling Paglilimbag Gamit ang mga Bagay na Gawa ng Tao
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mga
mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mga mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ngmgapaalala,
pantulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang ikaw ay matulungan at


malinang ang kakayahan sa sining lalong- lalo na sa paglilimbag
gamit ang mga bagay na gawa ng tao. Kapag natapos mo na ang
modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Nakalilimbag ng likhang - sining sa papel o tela gamit ang mga


ginupit na disenyo.(A2PR-IIIg)

Subukin
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang pangalan ng mga larawan na
makikita sa bilang. Ilagay ang iyo sagot sa hiwalay na sagutang
papel.

parisukat bulak bulaklak damit bag kuwaderno

5.
1. 2.

3. 4.
Aralin
Paglilimbag Gamit ang mga Bagay na Gawa n
1
Ang paglilimbag gamit ang iba’t-ibang bagay ay makalilikha
ng mga nakakaakit na disenyo na magugustuhan ninuman. Ito rin
ay pagpapakita ng pagiging malikhain ng taong gumagawa nito. Sa
pamamagitan ng likhang - sining ay naipahahayag ang
nararamdaman ng gumuhit o gumawa ng disenyo.

Balikan
Bago natin pag-aralan ang bagong aralin ,balikan muna natin ang
nakaraang aralin.
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang Tama kung wasto
ang pahayag at Mali kung hindi .Isulat ang iyong sagot sa sa hiwalay
na sagutang papel.

1. Maraming bagay ang maaring gamitin upang makagawa


ng isang likhang sining.
2. Ang disenyo ay hindi nagpapakita ng anomang larawan.
3. Ang gulay at prutas ay maaring gamitin sa paglikha
na disenyo.
4. Ang pagguhit ay isang likhang-sining.
5. Ang papel ay maaring gamitin upang makabuo ng iba’t-
ibang disenyo.
Tuklasin

Ang paglilimbag gamit ang mga bagay na ginawa o bagay na


nasa paligid ay maaring makalikha ng sining disenyo.
Panuto: Basahin ang tulang Puso.

Puso
ni Ofelia O. Mangila

I
Lahat tayo ay may nararamdaman Ginagamit
ang puso kaninuman Mabuting gawain ay
isaalang-alang Upang tayo’y maging kagalang-
galang

II
Lahat ng tao ay may kani-kaniyang katangian Pintig ng
puso ang ating basehan
Maipakita lamang ang nararamdaman
Kaya’t bawat tibok nito’y dapat pasalamatan

III
Bata man akong maituturing Ako’y ay
may talento ding angkin Sa aking
pagguhit ipararating
Mensahe ko sana ay may marating
.
Panuto: Mula sa tulang Puso, sagutin ang sumusunod na tanong.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.

1. Anong ang pamagat ng ating tula?

2. Ano ang nabanggit sa tula na may talentong angkin?

3. Sino ang nagsulat ng tula?

4. Bakit napakahalaga ng ating nararamdaman o


puso?

5. Paano naiparating ng nagsulat ng tula ang kanyang mensahe?

Suriin

Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) kung ang larawan ay maaring gamitin sa


paglikha ng disenyo at ekis ( x ) naman kung hindi. Ilagay ang
iyong sagot sa hiwalay na sagutang
papel.

1 2 3 4 5
Pagyamanin

Panuto : Ihanda ang mga gagamiting kagamitan sa paglilimbag


gamit ang tela o papel, pintura, brush at mga bagay na gusto mong
gamitin sa paggawa ng sarili mong disenyo tulad ng ispongha, bulak
o mga bagay na meron ka sa pagdidisenyo. Sa isang hiwalay na
papel gumawa ng isang disenyo na gagamitin sa paglilimbag.

Isaisip

Ang gamit ang mga bagay na


gawa ng tao ay maaring maging daan upang ang bata ay mawili sa
paggawa ng sariling disenyo o sining. Ito rin ay daan upang
mapadali ang pagdidisenyo upang maging maganda ang kalalabasan
nito.
Isagawa

Panuto: Sa isang malinis na papel, iguhit ang nais na disenyo .


Gupitin ang naiguhit na disenyo at gawin ito sa isang malinis na tela
gamit ang mga bagay na gusto mong gamitin sa pagdidisenyo.

Tayahin
Panuto: Gamit ang lapis, pintura,watercolor, brush, papel, bulak.
Gumawa ng disenyo na makikita sa iyong paligid gaya ng face
shield, face mask, bulaklak, puno, hayop, mesa at iba. Lagyan ito ng
sariling disenyo upang maging mas maganda ang kalalabasan ng
likhang - sining.
Karagdagang Gawain

Panuto: Sa hiwalay na sagutang papel , sumulat ng limang


(5) salita na iyong natutuhan sa araling ito na magagamit mo sa iyong
pang-araw-araw na pamumuhay.
Susi Sa Pagwawasto
Sanggunian

Elektronikong Hanguan

Final-K-to-12-MELCS-with-CG-Codes.pdf. (n.d.). Retrieved August


12, 2020, from
https://drive.google.com/file/d/1mVy9HGntydQmosvr
BksuajcXteE7EJHm/view?fbclid=IwAR3fPyTybsC17dkIU fS-
sj7LqrSeYdtU2tADVDRnUuM3zgTQbFwesGsSBj8

Grade 2 Learner's Material in Arts.pdf. (n.d.). Retrieved August


12, 2020, from
https://drive.google.com/file/d/1lVNppoof5N_4O12K0
z_XkdPrX6_ook96/view

(n.d.). Retrieved August 12, 2020, from


https://www.canva.com/design/DAEEVkCGfGQ/X00
NZRVagDpfSjTdvzLJgA/edit?category=tACFajEYUAM

(n.d.). Retrieved August 12, 2020, from


https://www.canva.com/design/DAEEVkCGfGQ/X00
NZRVagDpfSjTdvzLJgA/edit?category=tACFajEYUAM
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifa
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-49
Email Address: *

You might also like