You are on page 1of 18

FILIPINO 7

IKATLONG MARKAHAN
LEARNING ACTIVITY SHEET 1

Pangalan:______________________________ Petsa:_________________
Baitang at Seksyon:______________________ Iskor:_________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
MGA KAALAMANG BAYAN
Wika: Ponemang Suprasegmental

PANIMULA ( SUSING KONSEPTO )


Ang mga kaalamang bayan ay maituturing na isa sa pinakamatandang sining ang tula sa kulturang
Pilipino. Batay sa kasaysayan, ang mga unang Pilipino ay may likas na kakayahang magpahayag ng kanilang
kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang naiayos sa isang maanyong paraan. Katunayan, ang mga salawikain
at kawikaan ay kaakibat sa tuwina ng mga pahayag ng mga Pilipino noong unang panahon.
Ang pagkakaroon ng diwang makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon kay Alejandro Abadilla, “
bawat kilabot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at katuturan. Ito ang ipinalalagay na pangunahing dahilan
kung bakit nabuo ang iba pang akdang patula tulad ng tulang panudyo, tugmang de-gulong, bugtong at
palaisipan, at iba pang kaalamang-bayan.

1. Tulang/Awiting Panudyo
Ito ay isang uri ng akdang patula na, kadalasan, ang layunin ay manlibak, manukso, o mang-uyam.
Ito ay kalimitang may himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na Pagbibirong Patula.
Halimbawa: Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan.
Nang ayaw maligo, kinukos ng gugo.
Pedro Panduko, matakaw sa tuyo.

Si Maria kong Dende


Nagtinda sa gabi
Nang hindi mabili
Umupo sa tabi.

2. Tugmang de-gulong
Ito ay mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan. Sa
pamamagitan nito ay malayang naiparataing ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o
paglalakbay ng mga pasahero. Maaaring ito ay nasa anyong salawikain, kasabihan, o maikling tula.
Halimbawa:
a. Ang di makabayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makabababa sa paroroonan.
b. Aanhin pa ang gasoline kung jeep mo ay sira na.
c. Ang di magbayad walang problema, sa karma pa lang bayad ka na.
3. Bugtong
Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas nito nang patual at
kalimitang maiksi lamang.
Halimbawa:
a. Guamagapang pa ang ina,
Umuupo na ang anak. ( Sagot: Kalabasa )
b. Maliit pa si Totoy
Marunong nang lumanggoy . ( Sagot: isda )
c. Nagtago si Pilo
Nakalitaw ang ulo. ( Sagot: pako )

4. Palaisipan
Ito ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong
nagkakatipon-tipon sa isang lugar. Ito ang paboritong pampalipasoras ng ating mga ninuno. Ito
ay nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino ay sana’y mag-isip at kanilang
ipinamana ito sa kanilang mga inaapo.
Halimbawa:
a. Sa isang kulunga ay may limang baboy si Mang Juan.
Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
(Sagot: Lima pa rin kasi lumundag lang naman ang baboy at hindi umalis.)

b. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang di
man lamang nagalaw ang sombrero?
( Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero )

Ang Ponemang Suprasegmental


Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan. Nakatutulong
ito upang maging mas maliwanang at maiparating ang tamang damdamin sa pagpapahayag. Narito ang ilan
tungkol sa ponemang suprasegmental.
1. Intonasyon o Tono – ang intonasyos ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas
ng pantig ng salita na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man
ay magkapareho ng baybay. Ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin
samantalang ang punto ay ang rehiyonal na tunog o accent.
Halimbawa:
 Ang ganda ng tula? ( Nagtatanong / Nagdududa )
 Ang ganda ng tula. ( Nagsasalaysay )
 Ang ganda ng tula! ( Nagpapahayag ng kasiyahan )

2. Diin / Haba – ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng
pantig ng salita. Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigakas sa pantig ng salita.
Halimbawa:
 / balah / ( bullet )
 / bala / ( threat )
 / tu.boh / ( pipe )
 / tuboh / ( sugar cane )

3. Hinto o Antala - ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ipinahahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok, semo-kolon, at kolon sa pagsulat upang
maipakita ito.
Halimbawa:
 Hindi maganda. ( Sinasabing hindi maganda ang isang bagay )
 Hindi, maganda. ( pinasusubalian ang isang bagay at sinasabing maganda ito )
KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng ponemang suprasegmental (tono, diin at antala).
F7PN-IIIa-c-13

MGA LAYUNIN:
1. Natutukoy ang kahulugan ng matalinghagang pahayag na hinango sa tula
2. Naihahambing ang mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang isang tula at sagutan ng buong husay at talino ang mga gawaing
inihanda para sa inyo.

ANG SARILING WIKA

Ang sariling wika ng isang lahi


Ay mas mahalaga sa kayamanan
Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba
Nangangalap ng karanasan, gawi
Pagsamba, pagmamahal, pagtatangi, at pagmithi.

Nais mo bang mabatid layunin ng kanyang puso,


Ang kanyang mga pangarapin.
Mainit na pagmamahal na sa puso’y bumubukal
Kasama ng mahalagang layuning nabubuo sa isipan?
Pakinggan ang makahulugang gintong salita
Na sa kanyang bibig ay nagmumula.

Minanang wikang itinanim sa isipan


Iniwan ng ninuno, tula ng iniingatang yaman
Pamanang yamang di dapat pabayaan
At dapat pagyamanin ng mga paghihirap
Para sa kaunlaran, di dapata masayang
Tulad ng halaman na natuyot at nangalagas sa tangkay.

Minana nating wika’y


Maihahambing sa pinakadakila
Ito’y may ganda’t pino,
Aliw-iw at himig na nakahahalina
Init nito’t pag-ibig mula sa musa
Pagpapahayag ng pagmamahal ay kanyang kinuha.

Wikang Kapampangan, buo ang iyong ganda


Ang himig ng iyong tunog
Tulad ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon
Tulad ng awit na likha ng brilyanteng makinang
Tulad ng lagaslas na himig ng tubigan
Tulad ng awit ng malamig na hanging amihan.
Wikang Kapampangan, ikaw any mahalaga
Sa lahat ikaw ay maikokompara
Ikaw ang mapagmahal at matamis na pahayag ng pag-ibig
Tulad mo’y walang katapusang-awit
Ang lahat sa iyo ay tulad ng bumubukang bulaklak.

- Isinalin sa Filipino ni Lourdes C. Punzalan mula sa orihinal nito


Sa Kapampangan na may pamagat na “
Ing Amanung Siswan”
Ni Monico R. Mercado

Gawain I
Tukuyin ang ibig sabihin ng matalinghagang pahayag na ginamit ng may-akda sa tula. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.

1. Ang sariling wika ng isang lahi ay mas mahalaga kaysa kayamanan.


a. Napakahalaga ng wika ng isang bansa, higit na mahalaga sa anumang uri o halaga ng kayamanan.
b. Ang wika ay tulad ng kayamanang naibibilang na tunay na yaman ng bansa.
c. Magiging mayaman ang isang bansa kung ito ay may wika.
2. Sapagkat ito’y ( wika ) kaluluwang lumilipat mula sa henerasyon patungo sa iba.
a. Ang wika, kagaya ng kaluluwa, ay maaaring maglakbaysa iba’t ibang lugar sa bansa at sa mundo.
b. Ang wika kagaya ng kaluluwa, ay buhay na maaaring ipamana sa susunod na mga salinlahi o
henerasyon kung ito ay patuloy na gagamitin.
c. Ang wika ay nagagamit na behikulo upang marating ang iba’t ibang pangyayari sa bawat henerasyon
at dako.
3.Minanang wikang tinanim sa isipan, iniwan ng ninuno, tula ng iniingatang yaman.
a. Mahirap iwaglit sa isipan ang ating mabuting natutuhan mula sa ating mga ninuno .
b. Mayaman ang taong may natanggap na yaman mula sa kanilang mga ninuno.
c. Ang wika ay pamanang ibinigay sa atin ng ating mga ninuno na kailanman ay manatili sa ating isipan.
4.Para sa kaularan ay hindi dapat masayang tulad ng halamang natuyot at nangalagas sa tangkay.
a. Kagaya ng halaman, ang wika ay kailangang diligin at alagaan dahil mawawala ito kung hindi
aalagaan at babantayan.
b. Mawawala at maglalaho ang wika kung hindi magkakaisa ang mamamayan.
c. Dapat magamit ang wika bilang kasangkapan sa pagkakamit ng kaunlaran kaya huwag ito hayaang
mabalewala tulad ng natuyong halaman.
5.Wikang Kapampangan ikaw ay mahalaga, sa lahat ikaw ay maikokompara.
a. Ang Wikang Kapampangan, gaya ng wikang Filipino ay mahalaga at natatangi.
b. Ang wikang Kapampangan ay higit sa anupamang wika sa bansa.
c. Ang wikang Kapampangan ay natatangi at mahalaga kaya sa lahat – ito ang pinakadakila.
Gawain II
Paghambingin ang mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong, palaisipan at bugtong

Paghahambing sa mga Katangian

Tulang Panudyo

Tugmang de Gulong

Palaisipan

Bugtong

Gawain III
Piliin sa kahon at isulat sa linya ang tamang salitang pupuno sa diwa ng mga pangungusap .

/ bu.kas /, / bukas /
1. _________________ na tayo pumunta sa siilid-aklatan upang magbasa ng mga bagong tula.
2. ________________ pa kaya ang silid-aklatan hanggang mamayang hapon.

/ bu.hay /, / buhay /

3. Ang wika ay_____________ kaya’t nagbabago sa pagdaan ng panahon.


4. Ang __________ ng tao ay naisasalaysay nang maayos gamit ang angkop na salita o wika.

/ sa.yah/ , /sayah /
5. Bihira na sa kababaihan ang nagsusuot ng ______________ sa panahong ito.
6. Hindi niya mapigilan ang kanyang _____________ nang makabalik siya sa Pilipinas at makasama
ang
7. kanyang pamilya.
Pangwakas / Repleksyiyon
Natutunan ko sa araling ito na_____________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
________
SANGGUNIAN:
Pinagyamang Pluma 7 Ikalawang Edisyon ( Mga Awtor: Ailene Baisa- Julian, Nestor S. Lontoc,Carmela
Esguera – Jose )
Alma M. Dayag ( Awtor – Koordineytor )
Kayumanggi ( Batay sa Kurikulumna K-12 Baitang – 7 Ikatlong markahan ) Mga Manunulat : Nina S.
Magalong,
Ruth Hernandez, Perla Guerero, Jose Francisco

Inihanda ni:

Emma T. Mondano
Guro sa Filipino

FILIPINO 7
IKATLONG MARKAHAN
LEARNING ACTIVITY SHEET 2

Pangalan:_______________________________________ Petsa:_________________
Baitang at Seksiyon:_______________________________ Iskor: _________________

GAWAING PAMPAGKATUTO

ISANG MATANDANG KUBA SA GABI NG CAŃAO


Mga Salitang Hudyat ng Panimula, Gitna at Wakas

Panimula ( Susing Konsepto )

Ang caňao ay isnag ritwal o seremnyang ginagawa sa isang pagtitipon. Ang paraan ng
pagdiriwang nito ay nakabatay sa pangkat na gumagawa nito. Ilan sa mga pangkat-etnikong
nagsasagawa ng caňao ay ang mga Kankana-ey, Kalinga, Igorot, at iba pa. Ito ay ginagawa para sa
masasayang selebrasyon gaya ng pagpapasalamat sa masaganang ani, pasasalamat sa paggaling mula sa
isang sakit, pagbibinyag, pag-aasawa, at iba pa. Ngunit hindi rin ito nagtatapos ang gamit nito. Maaari
din itong gawin sa malulungkot na pangyayari gaya ng lamay. Madalas naman, dahil ito ay
sosorelihiyosong ritual, ito ay ginagawa bilang pagkonsulta sa mga ninuno tungkol sa mga dapat gawin
ng isang bayan. May iba’t ibang kaugaliang napapaloob sa caňao. Halimbawa, ang pamilyang nais
sumangguni hinggil sa isang mahalagang desisyon sa kanilang buhay ay unang lumalapit sa kadangan
( pinunong panrelihiyon ). Dito sasabihin ng kadangan kung ano ang mga kakailanganin. Madalas,
nagpapakatay ng sampung baka o baboy, depende sa kahilingan umano ng mga diwata. Ang mga
inihahandang hayop ay nagsisilbing paghahandog sa mga diwata,anito, ninuno, at mga bathala. Sa
susunod na mga araw ay magkakaroon ng mga pagsasalo, sayawan, kantahan, at iba pa sa saliw ng
gangsa at iba pang instrumenting kauri nito habang pinagsasaluhan ang watwat ( pinakuluang karne ng
baboy )
Ngayon ang caňao ay hindi na masyadong isinasagawa o kung mayroon mang gumagawa nito ay
hindi na gaya ng dating magarbo at detalyado. Sa akdang babasahin ay matutunghayan ang isang paraan
ng pagdiriwang ng caňsa panulat ni Simplicio Bisa. Sa akdang io’y mapapansin ang pagbibigay-tuon
niya sa kapangyarihan ng salita sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang katutubo upang higit ng
maging masining at makatotohanan ang akda. Pag-aralan muna ang kahulugan ng mga katutubong
salitang ginamit ni Bisa upang higit na maunawaan ang akdang babasahin.

 Af-fong – tirahan ng isang pamilyang Igorot


 Am-ama – matatandang Igorot
 Ay-ayeng- mga panalanging inaawit sa caňao
 Fatek – mga guhit sa katawan; kauri ng tattoo
 Gangsa – isang uri ng instrumenting karaniwang ginagamit sa mga idinaraos na caňao
 Ili – isang kabayanan
 Intugtukon – tanging lupon ng matatalinong matatanda sa bayan-bayanan sa nayon na
hinihingian ng mga tao ng payo
 Kabunian – ang bathala ng mga katutubong Igorot
 Kalos at ko-ongan – mga instrumenting kauri ng gangsa
 Kiyag – isang uri ng sisidlan ng pagkain
 Lufid – kasuotan ng mga babaeng Igorot; kauri ng tapis;ibinabalot ito sa katawan at
binibigkisan ng wakes, isang uri ng pamigkis
 Tap-pey at fayas – mga uri ng alak
 Tinu-od – sombrero ng mga Igorot; ito na rin ang taguan nila ng mga nginangata nilang
tabako at iba pang maliit na abubot sapagkat wla silang bulsang pagtataguan ng mga iyon

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


Naihahambing ang katangian ng alamat/ mito/ kuwentong-bayan ( F7PB-IIId-e-15 )

MGA LAYUNIN:
 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang akda
 Nagagamit nang wasto ang mga pananda sa pahayag.

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang isang akda upang masagutan ang mga katanungan.

ISANG MATANDANG KUBA SA GABI NG


CAŃAO
ni Simplicio P. Basa
“ Ang paghahangad nang labis sa anumang kayamanan ay
magbubunga ng pagkagahaman sa kawalan”
Dumating ang matandang iyon sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Isa iyong matandang kubang
papilay-pilay na lumapit at naupo sa nakatumbang lusong. Walang makapagsabi kung sino siya at wala naming
nag-aksaya pa ng panahong mag-usisa. Ang totoong hindi siya gaanong napag ukulan ng pansin kung hindi
lamang siya nadagil ng mga katutubong nagkakatuwaan pa sa paghabol sa iaalay na baboy kaugnay ng
idinaraos nilang caňao.
Isang tanging piging iyon upang mag-alay kay Kabunian, ang pinakadakilang bathala. Kanina, sa
pagtungo ni Lifu-o sa kaingin, ay nakakita siya ng isang uwak sa gitna ng daan. Iyon ay isang masamang
pangitain. Bumalik na siya sa kanyang ato. Ipinasiya ni Lifu-o tawagin ang mga intugtukon. Ibig niyang
magdaos ng caňao. Ibig niyang ganapin iyon sa kanyang af-fong.
Ang pagdiriwang na ganito ay lagging may nabubuhay na gunita sa lahat, lalo na sa mga matatanda -
binubuhay ng mga tunog ng gangsa at ng pag-awit ng mga am-ama sa ay-yeng. Ang alingawngaw ng mga
tugtuging ito na nagliliklik sa mg alibis, sa mga burol, at sa mga bundok tibok ng buhay sa pook na iyon; sa
idinaraos na caňao nakatuon ang pansin ng nakauunawa sa kahulugan niyon: pagkakasal kaya, pagsilang,
pagtatanim, pag-aani kaya, pakikipagdigmaan, paghinging-biyaya, paghinging-patnubay, pagkamatay kaya ng
isang katutubo? At dinadaluhan nila ang ganitong caňao at naiisip niya ang matandang kubang iyon ay isa sa
mga naakit dumalo; isa ring intugtukon sa ili na sumakop sa ato nila.
“Ama,” pumukaw ang tinig ni Sabsafung. “ Ihahanda ko na ang mga tappey at fayas.”
Binalingan ni Lifu-o ang anak na nakalapit nan ang hinidi niya namamalayan. Sa makulay nitong lufid
na nabibigkisan ng wakes, naisip niyang isang tanging caňao ang idinaraos. Naiiba ang ganda ng anak niya
ngayon. Makintab ang buhok nito na sinusupil ng ap-pong.Sa malikot na liwanag ng mga sulo at siga, ang fatek
sa braso balikat, at leeg ng anak ay nagging magagandang guhit na hindi makapagkubli sa katotohanang dalaga
na rin ang anak; malusog na ang dibdib nito na naiitiman din ng iginuhit na fatek. Naisip ni Lifu-o:
makatutulong na sa kanya ang anak sa pangangasiwa sa pagtatanim at pag-aani sa
kanilang kaingin… at sa pagdaos ng caňao.
“Ihanda mon a….Tulungan mo ang yong ina…”
Bigla ang bulalas na sigawan. Hinahabol ng mga kabataang Igorot ang baboy
na papatayin sa caňao. Sa paghahabulan ay napadako sa lusong na kinauupuan ng
matanda. Sa biglang daluhong ng nagsisihabol, natumba ang lusong kasama ang
matandang kuba.
Natanaw ni Lifu-o kung paano tinulungang makatayo ang matanda. Muli itong
naupo sa lusong. Sa saglit na iyon, may Nakita si Lifu-ong na tila kakaiba – pang-akit wari sa katauhan ng
matanda. Nagsalita iyon “ Bayaan na ninyo ako…”
Nakiumpok si Lifu-o sa mga intugtukon. Siya’y nag-iisip. Ang mga am-ama ay umaawit na ng ay-ayeng-
malalakas at nananawagan: Iligtas kami sa anumang panganib…. Iligtas kami sa kapahamakang darating,
Kadakilaan …. O, Kabunian!
Sa kalooban ni Lifu-o’y naroon din ang piping dalangin: Bigyan mo, Dakilang Kabunian, ng masagana at
mahabang buhay ang mga nasa ato sa iling nito.
Napatay na ng matatanda ang baboy at kasalukuyang idinadarang na sa apoy. Magmasid-masid lamang
ang matandang kuba sa pagkakaupo. Nahiwalay na siya sa karamihang ngayo’y nakapaligid sa kinakalusang
baboy. Ang ningas ay kumain na sa tinipong kahoy; mga baga na lamang iyon ng sigang kangina’y
nakatanglaw sa matanda. Nasa dilim na siya….
Binalikan ni Lifu-o ang matanda.
“Doon ka am-ama. Makiisa ka sa amin.”
“ Babalik din sila rito….”
“ Ibig mo bang ngumata ng tabako habang naghihintay?”
Dumukot si Lifu-o sa nakasuklob na tinuod at iniabot ang nakabilot na tuyong dahoon ng tabako.
Salamat…Ngunit bumalik ka na roon.” Itinaboy siya ng matanda.
Bumalik na nga si Lifu-o sa bahay. Kailangang naroon siya sa pagdaraos ng ritwal. Hinahanap na nga
siya.
“ Nasaan si Lifu-o?”
“Si Lifu-o?”
“Lifu-o….?
Bumalik pagkaraan ng mga sandal ang lahat sa labas ng bahay na malapit sa binuhay na mga siga…
bumalik silang masasaya… at lumalakas ang awitan… ang tunog ng gangsa, ng kalos, ng koongan.
“Nasiyahan ang mga anito… ang apdo ng baboy ay nakaturong palabas…?
“Tuhugin sa patpat…suksok sa bubungan…sa malapit sa pintuan!”
“ Magbibigay ng magandang kapalaran ang mga anito sa patnubay ni Kabinuan…!”
“Dulutan ng karne ang mga anito: ilagay sa kiyag…paanyayahan muna ng panalangin!”
“Lifu-o,” bahagyang nagulantang ang tinawag. Idudulot na ang tap-pey, Lifu-o.” Nasa tabi n ani Lifu-o
ang asawang si Napat-a.
“Oo…Oo, Napat-a.”
Dinulutan din ni LIfuo ang matandang kuba. Inilagay sa isang kiyag ang karne at ang kanin. Noon
nagsalita ang matandang kuba sa isang makapangyarihang tinig na naririnig ng lahat. Ang pagdiriwang ay
natigil. Ang tunog ng gangsa ay napipi at ang mga katutubo ay bumaling sa biglang nagsalitang matanda.
Ngayo’y natitiyak n ani Lifu-o na ang tinig ng matanda ang higit na makatawag-pansin.
“Ang idinaraos ninyong caňao ay biyayaan ng mga anito. Dininig iyan ni Kabunian. Ngayon ay ibig kong
maghandog sa inyo ng aking alaala.” Ang tinig niya’y malamig, tila dumarampi sa hubad nilang katawan –
pinatitindi ng malamig na simoy na itinataboy ng mga puno ng pino at hindi makabawas ang salab ng ningas ng
siga. Naging lalong malilikot ang liwanag ng mga sulo; lumikha iyon ng mga anino sa dingding ng mga
nakapaligid na tahanan ng mga Igorot – lumaki-lumiit- nagtatanghal wari ng isang mahiwagang sayaw.
Samantala, ang tinig ng matanda ay tila nanunuot sa kaibuturan.
“Taklubang ninyo ako ng isang malaking kawa at ipagpatuloy na ninyo ang caňao.Huwag ninyong
galawin ang pagkakataob sa akin ng kawa.”
Sumigaw ang isip ni Lifu-o:
“O, Kabunian, kung ito’y palatandaan ng isang ipagkaloob na magandang biyaya, tulungan mong
mapaayon sa katwiran.”
Nagsasalita pa ang matanda “ Sa ikatlong araw, isang kahoy ang masusupling. Huwag ninyong gagalawin
ang puno. Ang magiging bunga lamang ang maaari ninyong pitasin….”
Iyon ay isang pagsubok. Dumaing ang matandang iyon sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Sa iyong
matandang kubang pipelay-pilay na lumapit at naupo sa nakatumbang lusong. Ngayo’y nakapangyayari na ang
kanyang katauhan.
Isang matipunong Igorot ang kumuha ng kawaling hiniling niya. Ang mga intugtukon, ang mga
matatalinong matatanda ng ato, ay napatatangay wari sa isang nagaganap na mahiwagang pangyayari- buong
pag-ala-alang na inakay ang matanda at dinala sa tabi ni Lifu-o sa gitna ng pinagdarausan ng caňao;ang ay-
yeng ay inawit nang muli, ang mga gangsa ay unti-unting sumisigla sa nalilikhang tugtugin… Naupo na ang
matanda, taglay ang mga plato ng pagkain. Sa hudyat ni Lifu-o, dahan-dahang itinaklob ang kawa. Lumakas
ang awitan, ang ay-ayeng; bumilis ang pagtugtog sa mga gangsa. Sa dibdib ni Lifu-o, malakas din ang pintig g
puso. Iyon din ang pintig ng buhay na naghahari sa kapaligiran.
SA SILANGAN pumupusyaw na ang liwanag at nagkakahugis na ang mga puno ng pino.
Sa magkabilang tabi ni LIfu-o ay walang katinag-tinag si Napat-a at si Sabsafung. Sa malapit sa nakataob
na kawa ay nakapaligid ang mga katutubo. Ang hubad nilang katawang nasisikatan ng araw ay nangingintab sa
pawis. Magkahalong damdamin ng pananabik at pangamba ang nakalarawan sa mukha ng lahat. Samantala, ang
mga am-ama na kinabibilangan ng mga intugtukon ay bumubulong ang mga pangamba. Sa itaas, humuni ang
isang ibon.
“Ito ang itinakdang araw ng matanda, ama,” pagwawari ng bahagyang nagkatinig na anak; gumulantang
iyon kay Lifu-o. “Hindi ka ba natatakot, ama…? Ha, ina…?
“Sabsafung…”Halos bulong iyon ng ina. Pinisil nito ang hinahawakang kamay ng anak. Nararamdaman
ni Sabsafung ang lamig niyon.
“Bakit kayo matatakot, ha, Sabsafung? Ha, Napat-a?” Pumayapa ang tinig ng ama ngunit ang kanyang
lalamunan. Lumunok si Lifu-o.”Pangako niyang handog ito.”
“Oo nga, Lifu-o…”
“Oo nga, ama…”
Kinabig ni Lifu-o ang balikat ni Napat-a at ni Sabsafung. Ang init ng katawan ay magpapadaloy ng
mainit na dugo.
Humudyat si Lifu-o. Itataas na ang kawa. Apat na matitipunong Igorot ng lumapit sa kawa. Ngunit…
“Apu Lifu-o…!” Ang hilalas ay sabay-sabay halos na namulas sa bibig ng mga Igorot.
“Apu Lifuo, nagkalamat ang kawa…!
“At Nakita ba ninyo…nakikita ba ninyo?”
“Lumalaki ang lamat…Nabasag ang kawa!”
“ May nag=uusbong na halaman…”
“Kakaibang halaman….”
“ TUgtugin ang mga gangsa…nang malakas na malakas…nang mabilis na mabilis…
“Awitin a ng ay-ayeng…”
“Manalangin….! Manalangin…!
Sila’y nangangayupapa. Nananalangin. Nag-aawitan. Sa saliw ng gangsa. PAlakas nang palakas. May
nagsisindak-mga lalaki, mga babae, mga bata, matatanda.
Sapagka’t kadakilaan… O, Kabunian…! Isang halamang ginto ang tumutubong ito.
Natutop ni Lifu-o ang dibdib. Ang pintig niyon ay nagpapayanig sa kaniyang katauhan.
“Ginto, Puno ng ginto!” Ang sigawan ay di magkamayaw – nangibabaw na sa awitan, sa tum-tum-tum ng
mga gangsa; samantala, patas nan ang pataas, palago nan ang palago ang puno. Sa sikat ng araw, mang
makikinang at makislap na kataasan ay sumisilaw sa lahat.
Biglang-biglang, nahinto ang tugtog…napawi ang awit…napipi ang mga panalangin.
Si Sabsafung ang unang kumilos. Tila sa isang panaginip, lumakad itong papalapit sa puno ng ginto. Ang
kinang ng puno sa paningin ni Lifu-o ay lalong nagpaningning sa kagandahan ng anak. Ihahabi ni Napat-a si
Sabsafung ng damit nag into. Sinundan ni Lifu-o si Sabsafung nang may ligaw na udyok na nanikit sa kanyang
utak. Damit nag into para kay Sabsafung. Hinaplos-haplos ni Sabsafung ang puno; hinaplos-haplos ni Lifu-o
ang puno.
Ang sumusunod ay marami pang sandal ng pagpanaw ng lahat ng muni, pagkatapos ay pagkalimot,
pagkatapos ay pagliwanang sa isip ng isang katotohanan… at ang pagkaunawa: ginto…ginto…kayamanan…
kayamanang ginto….!
Si Sabsafung ay kumilos, si Lifu-o ay kumilos, si Napat-a ay napahakbang na palapit sa puno… at bigla,
gumulantang sa paligid ang naghunos na damdamin. Namuo ang sigawan. Nagkabuhay ang paligid sa maiilap
na lundagan. Ang iba pa, ang lahat-lahat-tila may isang mahiwagang kamay na nagtulak-ay nakahagip ang
anuman…
Ang puno ng ginto ay dinumog. Hawak ang matatalim na bakal, tinaga, tnapyas, binali-bali. Pinagtutuklap
ang puno. At sila’y nag-aagawan, nagtutulakan, nagsasakitan na, nagsisipaan, nagkakabalian ng buto.
PAtuloy sa pagtaas sa pagyabong ang puno; patuloy rin ang pagkaubos ng katawan ng puno. Bumibigat
na ang yumayabong at patuloy na tumataas na puno.
Bago nagawang dumapo ng isang ibong nabighani ng kakinangan ng kahoy, tila lagunlong ng ibinuhos na
ulan, ang puno ay nabuwal. Bumagsak ang mahiwagang kahoy. Sa kinabuwalan, anino yata iyong pinawi ng
higit na makinang na liwanag ng araw.
Umugoy ang mga sanga ng mga kalapit na puno ng pino. Sa malayo, narinig ang bahaw na huni ng uwak.
Huhukayin ninyo mula ngayon ang ginto… Bulong bai yon ng hangin? Hindi alam ni Lifu-o. Naisip niya
ang matandang iyong dumating sa isang pagkakataong hindi inaasahan, ang matandang kubang papilay-pilay na
lumapit at naupo sa nakatumbang lusong…

Gawain I
Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang akda.
1. Sino siLifu-o? Ano-ano ang kanyang katangiang taglay?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
________________.
2. Bakit nais ni Lifu-o at ng kanyang pamilya ang magdaos ng caňao?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
________________.
3. Paano nila pinaghandaan ang nasabing pagdiriwang? Isalaysay kung paano ipinagdiriwang ng pamilya
ni Lifu-o ang caňao?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
________________________.
4. Ano ang nagging gantimpala sa kanila ni BAthala sa isinagawa nilang pagdiriwang? Ano ang
kinahihinatnan ng gantimpalang ito?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_______________________.
5. Ano ang pangunahing aral ang nagging hatid ng maikling kuwento sa iyong buhay?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
________________________.

Gawain 2
Isulat ang tama o mali ang pahayag sa bawat bilang ayon sa binasang akda.
________1. Isang matandang kupang pipelay-pilay ang dumating nang hindi inaasahan sa pagdiriwang ng
caňao.
________2. Bahagi ng pagdiriwang ng caňao ang pag-aalay ng karne ng baboy, mga awit, sayaw, malalakas na
tugtog at panalangin ang mga katutubo para sa kanilang anito.
________3. Si Lifu-o ay may anak na babaeng maaari niyang makatulong sa pagtatanim at pag-aani.
________ 4. Ang makakita ng uwak sa daan ay nangangahulugan ng isnag magandang pangitain.
________ 5. Ang pagdiriwang ng caňao ay nangangahulugan lamang ng pagkakaroon ng masaganang pag-aani.
________6. Ang pamilya ni Lifu-o ang naguna sa pagkakroon ng pagdiriwang ng caňao.
________ 7. Mabilis at tahimik na isinagawa ng mga katutubo ang pagdiriwang ng caňao.
________ 8. Ang matandang kuba mismo ang nagging punong halamang ginto sa kuwento.
________ 9. Kinalugdan ng mga anito at ng diyos ang mga panalangin at alay ng mga katutubo kaya dininig
nila ang kahilingan ng mga tao lalo na ang pamilya ni Lifu-o.
_______10. Naging mayaman ang lahat ng mga katutubo dahil sa kaloob na gintong puno ni Bathalang
Kabunian.

Gawain 3
Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap ayon sa tindi ng
pagpapakahulugan nito. Bilugan ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa loob ng pangungusap.

1. Ang tao bang kinakabahan ay may maliit o malaking takot na nadarama?


2. Malakas ba o mahina ang iyak ng isang taong humahagulgol?
3. Ikaw ba ay nagagalak kapag sobra-sobra ang saya mo o medyo natuwa ka lamang?
4. Ang apoy bang naglalagablab ay masasabing mapanganib n o hindi pa?
5. Ang bumubulong ba ay naririnig ng marami o ng iilan lamang?

KATANGIAN NG MITO, ALAMAT, AT KUWENTONG – BAYAN

Isa sa mahahalagang bahagi ng Kulturang Pilipino ang mga kuwentong-bayan, alamat, at mito. Ito
ay bahagi ng ating panitikang salin-dila o lipat-dila ( ibig sabihin ay naikukuwento lamang nang pasalita
) na lumalaganap bago pa man dumating ang mga mananakop sa ating bansa.
Ang kuwentong – bayan, alamat, at mito ay halos may kaugnayan sa isa’t isa. Halos pareho
lamang ang kanilang paksa na karaniwan ay tumatalakay sa kalikasan, pamahiin, panrelihiyon,
paniniwala, at kultura ng isang particular na pangkat o lugar. Nababanggit din sa mga akdang ito ang
heograpiya, uri ng hanapbuhay, at katangian ng mga mamamayan kung saang lugar o pangkat ito
nagmula. Halos lahat ng kuwentong ito ay nilikha o isinalaysay upang makapagbigay ng gintong aral na
magagamit sa tunay na buhay.
Bagama’t halos magkakatulad ay makikita parin ang pagiging natatangi ng bawat pasalindilang
panitikang ito. Ang kuwentong-bayan, gaya ng “Pakikipagsapalaran ni Juan Tamad” ay isang maikling
kuwento tungkol sa isang tauhang naninirahan at nagtataglay ng katangian, katutubong kulay, o kultura
sa isang particular na lugar o pangkat. Ang alamat ay isang kuwentong nagsasaad kung saan
nanggaling o nagmula ang mga bagay-bagay gaya ng “ Alamat ng Palendang “ at “ Alamat ng Isala ng
Pitong Makasalanan.”Samantalang ang mito o myth ay karaniwang tumatalakay sa mga kuwentong
may kinalaman sa mga diyos, diyosa, bathala, diwata at mga kakaibang nilalang na may kapangyarihan.
Sa iyong akdang binasa, “ Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Caňao, “ ay mapapatunayan ng
kaugnayan ng tatlong pasalindilang panitikang nabanggit. Masasabing isang kuwentong-bayan ang
akdang ito dahil naipakita rito ang isang natatanging kultura ng mga Ifugao – ang pagdiriwang ng
Caňao. Gayunpaman, masasabing isa ringa lamat ang akdang ito dahil naipaliwanang sa akda kung bakit
ang ginto, bago makuha, ay kailangan munang minahin o hukayin. Ang malaking nagging gampanin ng
bathala o mga anito sa kuwento ay nagpapakita naman ng katangian ng isang mito.
Gawain 4
PAghambingin ang katangian ng alamat, mito, at kuwentong-bayan batay sa paksa at aspektong
pangkultura
( halimbawa: heograpiya: uri ng pamumuhay at iba pa na nagpapakilala sa mga lugar na pinagmulan
nito? Gamit ang graphic organizer sa ibaba.

Natatanging Katangian
ng Alamat

Natatanging Katangian ng Natatanging Katangian


Kuwentong – bayan ng mito

Pagkakatulad ng mga Katangian ng Alamat, Kuwentong-bayan


Gawain 5
Piliin ang tamang panandang kokompleto sa diwa ng pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.
Bigyang – pansin kasunod sa umpisa

Samakatuwid siyang tunay

1. ___________________ ay mahirap talaga ang magsagawa ng pagbabago sa mga pangkat – etniko.


2. Kailangan nating ____________________ ang mga bagay na makatutulong para sa kababayan nating
minorya.
3. ______________________ ng pagbibigay – pansin ang pagpapaayos sa mga kalsadang nagdurugtongng
kanilang pamayanan sa pamilihan.
4. _________________ ang pagtulong ay hindi dapat matapos sa pagbibigay lang sa kanila ng pagkain kundi
suporta upang makapaghanapbuhay sila nang maayos.
5. Ang pag-alam sa kanilang pangangailangan ay _________________ na simulang magandang pagbabago
sa kanilang buhay.

PANGWAKAS/REPLEKSIYON
Natutunan ko sa araling ito
na_______________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_____
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

SANGGUNIAN:
Pinagyamang Pluma 7 Ikalawang Edisyon ( Mga Awtor: Ailene Baisa – Julian, Nestor S.
Lontoc,
Carmela Esguera – Jose )
Kayumanggi ( Batay sa Kurikulumna K-12 Baitang – 7 Ikatlong markahan )
Mga Manunulat : Nina S. Magalong, Ruth Hernandez, Perla Guerero, Jose Francisco

Inihanda ni:

EMMA T. MONDANO
Guro sa Filipino

SUSI SA PAGWAWASTO ( LAS 2 )


Gawain 1 ( Tanggapin ang iba pang kasagutan ng mga mag-aaral)
1. Si Lifu-o ang pninuno sa kanilang lugar, siya ang nakakita ng isang uwak sa kanyang pagtungo sa
kaingin.
2. Nais ni Lifu-o at ng kanyang pamilya na magdaos ng caňao bling pasasalamat sa kanilang
bathala,sa lahat ng mga biyaya na kanilang natanggap.
3. Pinaghandaan nila ang pagdiriwang ng Caňao sa pamamagitan ng pag- alay ng mga baboy,
paghahanda ng mga masasarap na pagkain, nagsasayawan at nagkakantahan ang kanilang mga
ninuno sa kanilang nayon o lugar.
4. Ang gantimpala ni Bathala sa kanila ay binigyan sila ng isang puno na ginto. Ngunit hindi nila
sinunod ang pinagbibilin ng matanda sa kanila. Dinumog nila ang puno, tinaga, tinapyas at binali
– bali ang puno, hanggang sa nabuwal ang puno.
5. Ang pangunahing aral na makukuha sa kuwentong ating tinalakay ay kailangan huwag maging
mapagsamantala sa mga bagay na ibinigay sa atin,kailangan maging makuntento lang tayo at
huwag maghangad ng sobra sobra dahil minsan yon ang nagbubunga sa hindi maganda.
Gawain 2
1. tama 6. tama
2. tama 7. tama
3. tama 8. tama
4. mali 9. tama
5. mali 10.mali

Gawain 3
1. malaking takot na nadarama
2. malakas
3. medyo natuwa
4. mapanganib
5. iilan lamang

Gawain 4

Natatanging Katangian
ng Alamat
isang kuwentong pinagmulan ng isang bagay

Natatanging Katangian ng Natatanging Katangian


Kuwentong – bayan ng mito
Isang tauhang nagtataglay ng katangian may kinalaman sa diyos,diyosa, bathala,
Katutubong kulay, o kultura ng isang diwata at kakaibang niallang namay
Pangkat o lugar kapangyarihan
Ang kuwentong-bayan,alamat,at mito ay halos may kaugnayan sa isa’t isa.
Halos pareho ang kanilang paksa nakaraniwan tumatalakay sakalikasan,pamahiin,
Panrelihiyon, paniniwala atkultura ng isang particular na pangkat o lugar .

Gawain 5
1. sa umpisa
2. bigyang – pansin
3. kasunod
4. samakatuwid
5. siyang tunay

SUSI SA PAGWAWASTO ( LAS 1 )

Gawain I Gawain II Gawain III


1. A Nakadepende sa sagot at 1. / bukas /
2. B pag-unawa ng mga mag-aaral 2. / bu.kas /
3. C 3. / bu.hay /
4. A 4. / buhay /
5. C 5. / sa. ya /
6./ sayah /

FILIPINO 7
LEARNING SHEET ACTIVITY 3
IKATLONG MARKAHAN

Pangalan:_______________________________________ Petsa:_________________
Baitang at Seksiyon:_______________________________ Iskor: _________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Panitikang Luzon:Larawan ng Pagkakakilanlan
Pagpapaliwanag ng Kahulugan ng mga
Salita,Pagsulat ng Kaalamang-bayan

Panimula ( Susing Konsepto )

Ang paggamit ng iba’t ibang paraan sa pagbibigay ng kahulugan ng isang salita sa isang
pangungusap ay makatutulong din sa pagbuo mo ng iyong sariling kaalamang-bayan sa makabagong
panahon. Bilang isang mag-aaral na Pilipino, maari mong mapanatili ang mga kaalamang –bayang ito at
makaimpluwesya pa sa iyong kapwa mag-aaral.
Narito ang ilang mga halimbawa ng mga kahulugan na maari mong magamit sa pang-araw-araw na
komunikasyon pati na rin sa pagsisimula mo ng pagsulat ng makabagong bersiyon ng mga kaalamang-
bayan.
1. Talinghaga o Idyoma. Ang talinghaga o mga idyoma ay mga salitang mayroong
taglay na naiibang istilo ng pagpapahayag na iba sa karaniwan.
Hal. Mga idyomatikong pagpapahayag
Balat-sibuyas - madaling umiyak
Nagsusunog ng kilay - nag-aaral ng mabuti
Basing sisiw - api
Buto’t balat - payat na payat/napaka payat
Huling hantungan - libingan

2. Konotasyon at Denotasyon. Ang mga ito ay ang dalawang dimension ng pagpapakahulugan.


Denotasyon na ang ibig sabihin ay ang kahulugan ng isang salita ya nagmula sa diksyunaryo o salitang
ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag. Samantalang ang konotasyon naman ay
nangangahulugang iba sa karaniwang kahulugan ng isang salita. Kadalaasan, itoy sariling
pagpapakahulugan ng isang tao o pangkat.7
Hal. Denotasyon at Konotasyon
Denotasyon
a. Ang ganda ng mga rosas (tinutukoy na ang bulaklak na rosas ay isang halaman )
b. Maliit ang aking kumot (tumutukoy sa kumot na maliit at hindi magkasya sa tao)
Konotasyon
a. Naggagandahang dilag ang mga rosas (babae)
b. Ang natatanging tinik sa gitna ng mga bulaklak (lalaki)

3. Tindi ng kahulugan o Clining. Ito ay ang pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng
kahulugan na nais ipahiwatig.
Hal. Pagkagalit
Pikon – damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit na bagay
Tampo - munting galit na madaling mawala
Inis - tumatagal na tampo ngunit hindi gaanong galit
Galit – tumatagal na inis
Suklam - matinding galit na matagal kung mawala
Poot - matinding galit na halos gusto nang makapanakit sa isang tao

4. Paggamit ng contextual na clue. Ang mga contextual clue ay ang pagbibigay ng kahulugan ng mga salita
sa isang pangungusap o isang sitwasyon.
Hal.
a. Masyadong masikit ang kwarto para sa aming dalawa.
b. Mahirap mabuksan ang saradong pintuan

Ang tula ang maituturing na pinakamatandang anyo ng panitikan hindi lamang sa Pilipinas, pati na
rin sa buong mundo. Sa ating bansa, mayroong tinatawag na lumang anyo ng mga akdang patula na
madalas na sinasambit o ginagamit noong unang panahon. Ang mga ito ay tinatawag na mga kaalamang
bayan. Ang mga ito ay nauuri sa apat, ito ay ang mga sumusunod:
Tulang/Awiting Panudyo - Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan, ang layunin ay manlibak,
manukso, o mang-uyam. Ito ay kalimitang may himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na
Pagbibirong Patula.
Halimbawa:
Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan.
Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo.
Pedro Penduko, matakaw sa tuyo.

Batang makulit, batang makulit


Magpakabait, magpakabait
Kung hindi, makukurot ang singit.

Tugmang de-Gulong - Ito ay mga paalala o babala kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan. Sa
pamamagitan nito ay malayang maiparating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay
ng mga pasahero.
Halimbawa:
“Aanhin pa ang gasolina kung ang jeep ko ay sira na.”
“Barya lang po sa umaga, nang tayo’y ‘di maabala”

Bugtong - Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito ng patula at kalimitang
maiksi lamang. Noon karaniwan itong nilalaro sa lamay upang magbigay-aliw sa mga namatayan ngunit
nang lumaon ay kinagigiliwan na ring laruin kapag may mga handaan o pista.
Halimbawa:
Gumagapang pa ang ina. Umuupo na ang anak. ( Sagot: kalabasa )
Maliit pa si Totoy. Marunong nang lumangoy ( Sagot:Isda )

Palaisipan - Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang kaisipan
ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar. Ito ay paboritong pampalipas oras 8 gating mga ninuno.9
Halimbawa:
Sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang Juan.
Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
(Sagot: Lima parin kasi lumundag lang naman ang baboy at hindi umalis

You might also like