You are on page 1of 3

PAGSUSURI NG NOBELA/AKLAT

I. BALANGKAS NG NOBELA
 Mga Ibong Mandaragit
Mga Ibong Mandaragit ang pamagat ng libro dahil sumisimbolo ito sa
hindi pagkakapantay-pantay ng tingin sa mga tao sa lipunan. Sa libro makikita ang
diskriminasyon sa kulay, ginagamit itong basehan kung ano ang katayuan ng isang tao. Kung maputi
ka, mataas at magaling ka ngunit kung ikaw ay maitim, kahit anong gawin mo mababa pa din ang
magiging pagkilala at pagtingnin sa‟yo ng mga tao. Para itong mga ibon na iba-iba ang sukat, kung
ito ay malaki, ito’y kakatakutan, tila ba ito ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Sa isipan nito lahat
ay takot sa kanya, kungkaya makukuha niya anuman ang gustuhin niya.

 Amado V. Hernandez
Si Amado V. Hernandez ay isang bantog na manunulat. Siya ay kilala sa kanyang tapang sa
pagpapahayag ngkanyang mga kuro - kuro ukol sa mga, di maikakailang sakit ng lipunan. Siya ay
isinilang noong ika-13 ng Setyembre taong 1903 sa Hagonoy, Bulakan. Ang kanyang mga magulang ay
sina Juan Hernandez at Clara Vera. Nang siya ay sumapit na sa hustong edad, napangasawa niya si Atang
dela Rama, kilala bilang Reyna ng Sarswela. Sila ay biniyayaanng isang anak, at pinangalanan nila itong
Rene Hernandez.Siya ay sa Gagalangin Tondo na lumaki at nagtapos ng kanyang pag-aaral sa
Manila High School at sa American Correspondence School, naging iskolar din siya sa Harvard
University. Sa murang edad pa lamang ay kakikitaan na siya ng hilig at talento sa pagsulat.

II. BUOD
 Pangunahing Tauhan:
Mando Plaridel
Dolores Montero
Magat
 Iba pang Tauhan:
Don Segundo Montero
Donya Julia Montero
Tata Matyas
Karyo

 Tagpuan:
a. Lugar
Sa bahay ng pamilya Bartolome at sa Presinto
b. Panahon
Panahon ng Batas Militar
 Pangyayari
a. Pasakalye/ Simula - Si Amanda Bartolome, sa simula ng nobela, ay isang karaniwang
maybahay at ina, na walang inatupag kundi pangalagaan at asikasuhin ang kanyang mga
anak at asawa.Nakita ni Amanda ang mga pagbabago ng mga anak habang lumalaki ang mga
ito, lalo na si Jules. Ang pagkahilig ni Jules sa mga awiting nagsasaad ng pagkamakabayan
ay nagtulak dito upang sumapi sa mga kilusang laban sakatiwalian ng gobyerno. Sinabi niya
ito kay Julian ngunit nagwalang bahala lamang ito. Hindi nakatiis si Amanda.Sinigawan niya
si Julian na takang-taka sa inasal niya.
b. Simula ng Problema - Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake siJules.
Pupunta raw siya ng Bikol. Napasigaw si Amanda nang itinanong niya kung ano ang
gagawin nito sa Bikol.Napatanga si Jules. Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. Kinutya nito ang
ina na makabubuting sumama ito at bakasakaling mamulat ito. Nasampal ni Amanda si
Jules.
c. Pananabik / Pataas na aksyon - Nahuli si Jules at dinala sa Kampo Crame. Dinalaw nila ito
at doon narinig ni Amanda ang mga kabuktutang ginagawa ng mga sundalo sa kanilang mga
nahuhuli. Nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral. Dahil sa wala itong
pinagkakaabalahan, halos nagpapa-umaga ito sakalye. Isang gabi, ay nakatanggap ng tawag
sina Amanda atJulian. Nahulihan si Jason ng marijuana. Nagtanung-tanong sila sa mga
presinto. Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit hindi umuwi sa kanilang bahay.
Pinaghahanap siya ni Em, na isa pa rin sa mga anak ni Amanda. Lasing naumuwi si Em at
ibinalita sa mga magulang na napatay si Jason.
d. Kasukdulan / karurukan - Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walang silbi
ang kanyang buhay. Nagpasiya siyang humiwalay na kay Julian. Ngunit hindi siya umalis.
Naisip niyang marami pa silang dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyon ng ng kanilang pag-
uusap, ng kanilang pagkakaunawaan. Pinalaya si Jules. Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay
hindi nagpabago ng kanyang simulain. Ibinalik siya sa Kampo Crame. Nang ideklara ang
pagbawi ng martial law.
e. Wakas – Hindi natuloy ang plano ni Amanda na makipag hiwalay kaya, sa huli, tagumpay na
nalagpasan ng pamilya Bartolome ang mga pagsubok na nananatiling buo angugnaya’t
samahan sa isa’t isa. Nakita natin kung gaano kahalaga ang pagiging matibay ng pundasyon
ng isang pamilya upang makayanan ang lahat ng banta ng problema.

III. PAGSUSURI
 Problema
Umikot ang nobela sa suliranin ng pagkakasangkot ni Jules sa mga kilusang laban sa
gobyerno dahil sa pagkahilig nito sa mga kanta na tumutuligsa pamahalaan hanggang sa nagyari
na nga ang kinatatakutan ni Amanda ng mahuli si Jules ng mga Militar. Na kung saan
tinanggalan siya at kanyang mga kasama ng karapatang pang – tao. Pangalawang suliraning
maituturing ang. maagang pagpapa-kasal ni Gani kay Evelyn dahil sa kapusukan nila at
panandaliang nabuhay ang anak nila at nag resulta din sa pagdesisyon ni Evelyn na maghiwalay
nadin sila.
 Pahiwatig
Sa linyang “It’s a man’s world but . . . It’s a woman’s world too!” nais ng umakda na
ipahayag na dapat bigyan din ng importansya ang mga kababaihan. Isang detalye na madaling
sabihin ngunit mahirap at hindi makita noong panahon ng batas militar.
 Simbolismo
1. Pagkakaiba nila Gani at Jules na isang NPA, makabayan at anti-
government/American tapos si Gani naging US Navy, nadestino sa ibang bansa at
doon na talaga nanirahan, in short parang gatas at kape ang pagkakaibe ngkanilang
mga pninindigan. Ipinapakita lang nito na noong panahon ng batas militar ay kahit
na mismongmagkapatid ay nagiging magkalaban, nagkakasakitan, nagkakaaptaayan
at yan ang kinakatukan ni Amanda.
IV. Noong nakita ni Amanda na tila paiyak na si Bingo dahil lumipad ang kanyang mga kalapati ay bigla na
langniyang naisip ang pagkakatulad ng ibon at mga bata. Tulad ng mga kalapati, ninanais din nating
mga kabataanang tumuklas ng mga bagay-bagay sa sarili nating paraan, nang walang tulong ng
mga magulang.
V. KONGKLUSYON
Nagustuhan ko ang akdang ito dahil minulat nito ang mga mata at diwa ko ukol sa mga naganap
noong panahon ng martial law. Kung paanong na apektuhan ng martial law ang buhay ng bawat
pamilya noon. Bukod pa rito, maliban sa pagpapaalaala sa ating mahalagang bantayan ang ating
kalayaan at gampanan ang ating mga pananagutan dito, naniniwala akong wala itong tunay mabigat na
mensaheng pulitikal. Sa katunayan, nauunawaan kong tama naman na dito ituon ang mga pangunahing
tema ng akda: sa kahalagahan ng pamilya, sa ikabubuti ng isang mas malaking komunidad, katulad ng
sarili nating bansa. Sa ganitong paraan, hindi nakakahon at naka kulong lamang sa isang dekada ng
ating kasaysayan ang mensahe nito. Para naman sa ating ‘Perlas ng Silanganan,’ nagsisilbi itong hamon
sa tanang mamamayang Pilipino nanawa’y huwag sayangin ang dugo’t pawis na inialay
ng dating pilit na kinalaban ang mapang-abusong epektong masalimuot na lipunan sa ilalim ng batas-
militar.

VI. REAKSYON

You might also like