Ang pananaliksik na ito ay mag sisilbing gabay at makakatulong sa
mga sumusunod:
Sa mga mag-aaral - Makakatulong ang pananaliksik na ito upang lalong
mapalawak ang kanilang kaalaman kung paano nakakatulong sa kanilang pag- aaral ang estratihiya sa pagtuturo ng Wikang Pambansa ng baitang labing isa ng Paaralang San Lorenzo Ruiz Senior High School. Inaasahan na ang pag- aaral na ito ay makakatulong ng malaki para sa epektibong pamamaraan ng pag-aaral at wasatong pamamaraan ng pag-aaral.
Sa mga guro - Magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat gawin ng
kanilang estudyante sa gayon ay magabayan at matulungan ang mga mag-aaral sa tamang pamamaraan ng kanilang pag-aaral. At nang sagayon din ay magkaroon sila ng ideya o ng iba’t-ibang paraan sa pagtuturo upang matulungan din ang kanilang mga mag aaral. Saklaw at Limitasyon Saklaw ng Pag-aaral
Nakapaloob sa pag-aaral ay ang pagtukoy ng mga epekto ng
at nakapaloob din sa pag-aaral na ito ang iba’t-ibang mungkahi ng mga estudyante na nasa labing isang baitang ng paaralan ng San Lorenzo Ruiz Senior High School ang pag papaunlad ng estratihiyang pagtuturo, at pinagtutuunan din dito ng pansin ang dami o bilang ng mga inaasam na impormasyon batay sa suliranin na dapat lutasin.
Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makakuha ng mga
respondante mula sa mga mag-aaral na nasa labing isang baitang ng paaralang San Lorenzo Ruiz Senior High School. Nais makabuo ng mga mananaliksik ng apatnapung (40) mga mag-aaral na nasa ilalim ng baiting labing-isa na mayroong araling kasaysayan ng wikang pambansa ng San Lorenzo Ruiz Senior High School.