You are on page 1of 4

Gawain 1

1. Ang tekstong persuweysib ay siansabong di-piksyon na Gawain sapagkat ang manunulat ay naglalahad
ng iba't ibang impormasyon at katotohanan upang suportahan ang isang opinion gamit ang
argumentatibong estilo sa pagsulat.

2. Layunin ng tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto. Isinusulat ang
tekstong persuweysib upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng
manunulat, at hindi sa iba, ang siyang tama. Sa kabilang banda ang layunin naman ng tekstong
argumentatibo na matanggap ng mga mambabasa ang sariling pananaw ng manunulat at sa tekstong
impormatibo naman ay layunin ng may akda na mapalawak pa ang kaalaman ukol sa sa isang paksa ;
maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating
mundo; at iba pa.

3. Para sa akin ay oo. Malaki ang magiging parte ng mahusay na paggamit ng wika sapagkat sa ganitong
paraan maayos na maipahahayag ang nais iparating ng may akda at maayos rin itong dadating sa
mambabasa na siyang magiging dahilan upang mahiyakayat ang bumabasa.
Gawain 2

Gawain na Ngalan ng Gawaing Tuamatak na linya Epekto sa buhay


nanghihikayat nabanggit na lubos na
nakahikayat sayo

Patalastas Jollibee, Sarap Kasama “Hanggang kalian kaya Dahil patungkol ang
ang Pamilya ganto , lagging kasama patalastas na ito sa
pamilya ko” nagaganap na
pamdemic ngayon, mas
natutunan kong i-enjoy
ang mga oras na
kasama ang aking
pamilya kahit pa kami
ay nasa loob lang ng
bahay.
Kampanya Manny Pacquiao’s “Bayan ko, asahan nyo, Nahalina talaga ako sa
Campaign song kasama niyo ako” message ng kaniyang
campaign song at para
sa akin maganda ang
layunin nito. Nakita ko
kung gaano ang
paghihirap ng mga tao
pero masaya ako na
may mga handang
tumulong.
Gawain 3

Pagtutol sa pagputol

Ang ating mga kapatid sa Baguio ay nanawagan sa lahat ng mga nagmamahal sa kalikasan na
maglunsad ng pagkilos sa iba’t ibang outlet ng SM bilang pakikipagkaisa sa mga mamamayang tumututol
sa planong pagputol ng 182 na punong pine at alnus japonica sa Luneta Hill.

Bakit nga ba dapat tutulan ang balak ng SM? Una, ang bawat isang puno ay kayang mag-impok
ng libo-libong litro ng tubig. 182 pa kaya? Kapag natuloy ang plano ng SM City Baguio na tanggalin o
putulin ang mga puno sa Luneta Hill, saan pa ba aagos ang tubig ulan kundi sa mga mas mabababang
lugar tulad ng Session Road, Gov. Pack Road at Harrison Road na maaaring maging sanhi ng pagbaha
dito. Pangalawa, kung walang mga punong maglilikom ng tubig ulan, maaring lumambot ng labis ang
lupa at magdulot ng mga nakamamatay at nakapipinsalang landslides. Parang wala pa rin tayong
natutunan sa Ondoy at Pepeng, o sa bagyong Sendong na naghatid ng matinding kalamidad sa
Mindanao kamakailan lang. Pangatlong dahilan ay may kinalaman sa ating kalusugan. Nililinis din ng mga
puno ang hangin sa pamamagitan ng paglilikom ng mga nakapipinsalang Carbon sa himpapawid. Kapag
mas kaunti ang puno sa isang urbanisadong lugar na tulad ng kinalalagyan ng SM City Baguio, mas
madumi ang hangin. At hindi naman kaila sa atin na sa mga puno rin nanggagaling ang oxygen na ating
hinihinga. Kapag kaunti ang mga puno, mas kaunti din ang nalalanghap nating sariwang hangin.

Mahalaga ang mga puno sa ating kapaligiran sapagkat dito natin nakukuha ang ating mga
pangangailangan. May mga batas na ipinatupad ng pamahalaan upang protektahan at pangalagaan ang
ating kalikasan. Isa na rito ang PD 705 ito ay ang pagprotekta ng kagubatan at kakahuyan sa Pilipinas.
Nilalaman ng batas na ito ang epektibong pangangasiwa ng mga lupain at yamang-lupa sa bansa. Ang isa
pang mahalagang probisyon ng batas ay ang pangangasiwa sa dami at uri ng kakahuyan na maaaring
putulin, pati na rin ang pamamaraan ng pagkamit ng lisensya ng mga kompanyang puputol ng alambre.
Ang mga batas na aking binanggit ay isa sa mga pinatupad o hakbang ng pamahalaan upang panatilihin
ang kasaganaan dito sa ating bansa. Puno ang siyang pinagkukunan ng malinis na hangin, kung puputulin
nila ang puno ng pino para sa pagpapalaki ng daan ng SM Baguio isa nanaman itong kabawasan sa ating
mga hakbang upang maibsan ang nagaganap na global warming sa mundo.
Gawain 4

“Pandemya ay huwang ipagwalang bahala. Baka sa nagyon ay maayos ang


kalagayan mo, pero sa susunod ay hindi mo sigurado. Kaya naman maging
disiplinado upang itong pandemya ay ating matalo”

Lagyan mo nalang ng mga drawing drawing basta about pandemic. Poster-


slogan daw kasi, so ibigsabihin need na may drawings keme

You might also like