You are on page 1of 3

Module 6

III. Panimulang Gawain

a. Panimulang Ebalwasyon

1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Mali

V. Pagsasanay
a. Maglahad ng isang sitwasyon o pagkakataon sa iyong buhay na napakinabangan mo ang mabisang
pakikinig.
- Napakinabangan ko ang mabisang pakikinig noong ako ay nagpunta sa isang lugar na hindi ako
pamilyar. Ako ay pumunta sa Caloocan City noong nakaraang linggo para dumalo sa isang binyagan. Sa
katunayan ay wala pa kong alam kung paano at saan ang mga eksaktong lugar para sumakay patungo
doon. Ako ay nagtanong tanong sa mga gwardiya sa istasyon ng MRT kung ano ang aking sasakyan at
saan akong istasyon bababa. Ang mga direksyon at mga paraan paano ako makakapunta doon ay aking
lubos na pinakinggan at isinaisip dahil ito ay napakahalaga upang ako ay makarating sa aking pakay na
lugar.
b. Itala ang kaibahan ng hearing sa listening.
- Ang hearing ay tumutukoy lamang sa tunog na narinig ngunit hindi nauunawaan ang kahulugan ng
sinabi ng isang taong nagsasalita. Samantalang kapag sinabing listening, ito ay hindi lamang pagkilala sa
mga tunog, kundi pagbabalik alaala sa narinig at pagbibigay - kahulugan o pag aanalisa kung ano ang
nais na ipahiwatig ng tunog na naring.
c. Magtala ng 5 hanapbuhay na mahigit na nangangailangan nang mabisang pakikinig. Isulat ang mga
ito at ipaliwanag.
1. Call center agent – dahil sila ay nagbibigay serbisyo sa mga taong sa kanila ay tumatawag upang
masolusyunan ang mga problema nito. Mahalagang mabisa ang kanilang pakikinig dahil
mahalagang malaman nila at maintindihan ang sinasabi ng mga tao na tumawag sa kanila.
2. Psychologist – mahalagang sila ay may mabisang pakikinig upang malaman nila ang sanhi ng
problema ng kanilang pasyente at mabigyan nila ito ng tamang payo at tamang paggagamot.
3. Abogado – ang epektibong pakikinig sa kanyang kliyente ay kailangang taglayin ng isang
manananggol upang maitala nito ang tamang pangyayari ukol sa isang kasong kanyang
hinahawakan.
4. Doktor – mahalagang taglayin ito ng isang doctor para magkaroon ng tamang preskripsyon at
gamutan ang kanyang pasyente sa isang hospital.
5. Hukom – mahalagang ang hukom ay isang mabisang tagapakinig para ang batas ay naaayon sa
kung sino ang tama at hindi magkamali sa desisyong gagawin sa loob ng korte.
d. Ikaw, bilang mag – aaral, paano mo maia-aplay ang kahalagahan ng mabisang pakikinig? Magbigay
ng sitwasyong magpapakita nito.
- Mahalaga para sa isang mag-aaral na iaplay ang mabisang pakikinig lalong lalo na sa loob ng silid –
aralan habang nagkakaroon ng malalim na diskusyon sa klase. Mahalga na hindi lamang mapakinggan
ang sinasabi ng guro bagkus napakahalaga na ito din ay intindihin upang may matutunan tungkol sa
aralin. Ang pakikinig ay mahalaga lalo na kung may panutong sinabi ang guro na dapat sundin bago
magsagot ng isang pagsusulit nang sa gayon ay masagot ito ng tama at naaayon sa hinihinging sagot.
VI. Pangwakas na Ebalwasyon
a. Tukuyin ang 6 na bagay-bagay na nakakaapekto sa pakikinig.
1. Oras
2. Channel
3. Edad
4. Kasarian
5. Kultura
6. Pananaw sa sarili
b. Magbigay ng 5 mungkahi kung paanong ang isang tao ay magiging epektibong tagapakinig.
7. Bigyang-pansin ang kahulugan ng mga salitang napakinggan
8. Kontrolin ang mga tugong emosyunal sa naririnig
9. Bigyang konsentrasyon ang mensahe
10. Isaalang-alang ang istraktura ng mensaheng ipinababatid
11. Hayaang makatapos ang kausap sa pagsasalita.
c. Ipaliwanag ang iyong mga sagot sa bilang 7-11
12. Napakahalagang bigyang pansin kung ano nga ba ang kahulugan ng sinabi ng ating kausap dahil
malalaman natin ang punto ng kanyang mensahe. Sa paraang ito, nagiging isang epektibong
tagapakinig ang isang tao dahil naiintindihan natin ang nais ipakahulugan ng ating kausap.
13. Ang pagkontrol sa ating mga tugong emosyunal tungkol sa ating naririnig ay mahalaga ding
isagawa upang maging isang mabisang tagapakinig. Nakakaramdam tayo ng iba’t – ibang
emosyun sa mga salita o pangyayaring ating naririnig kagaya na lamang ng galit, pagkatakot o
pagdududa na nakakaapekto kapag ito ay hindi nakontrol na nagsasanhi ng pagpigil sa atin
upang making. Sa kadahilanang ito, nawawala ang ating atensyon sa nagsasalita at hindi na ito
naiintindihan ng maayos.
14. Hindi natin maiiwasan na sa tagal ng ating pakikinig ay nawawalan na tayo ng konsentrasyon sa
nagsasalita. Ito ay nagiging sanhi ng pagkawala ng interes sa pinakikinggang salita. Kung kaya sa
mga oras na ito, kinakailangan na ating bigyan ng ibayong pansin ang mensahe ng nagsasalita
upang mapukaw nito ang nawawalang atensyon na siyang paraan para mapanatili ang diwa at
esensya ng ating pakikinig.
15. Mahalagang bigyang pansin ang istruktura ng mensaheng ipinapabatid upang mapadali natin
ang pag – alaala sa mga pangyayaring napakinggan. Maaring mag-isip ng patern sa pag alaala ng
mga pangyayari at mapadali ang pagkilala sa mga impormasyon na nabanggit.
16. Kinakailangan na hayaan munang matapos ang pagsasalita ng ating kausap upang maging
maayos ang takbo ng diskusyon at maiwasan din ang hindi pagkakaunawaan. Sa paraang ito,
maipapabatid ng tagapag salita ang kayang mensahe ng walang sagabal na manggagaling sa
kanyang kausap. Ito din ay pagpapakita ng respeto sa taong pinapakinggan upang maging isang
mabisang tagapakinig.
d. Sa iyong sariling paliwanag, ano ang kahalagahan ng pakikinig sa buhay ng isang tao?
- Ang pakikinig ay napakahalaga sa isang tao dahil Malaki ang gampanin nito sa ating buhay. Ito ang
siyang nagsisilbing daan upang malaman natin ang sinasabi ng isang taong ating kausap at maintindihan
ang mga salita na ating naririnig sa ating kapaligiran. Mahirap sa isang tao na nakakarinig lamang ngunit
hindi nito naiintindihan ang kahulugan ng mga salitang napakinggan. Ang mabisang pakikinig ay
nakakatulong ng lubos sa ating buhay dahil sa pamamagitan nito, tayo ay nakakaintindi ng mga sinasabi
ng ibang tao, nakakasunod sa mga panuto o alituntunin sa isang lugar at nagkakaroon tayong
interaksyon sa kapwa nating tao na nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagpapayabong sa ating
komunikasyon.

You might also like