You are on page 1of 2

PANAGINIP KONTRA DROGA

Michaela S. Abalos

Saksi ang araw, buwan at mga bituin kung paano ko hinanap ang bitak-bitak kong kaluluwa mula sa nakaraan.
Sinubukan kong ayusin ang adiksyon ko sa droga ngunit para akong hinila pabalik
At muli itong laklakin hanggat ako’y tumuntong sa impyernong puno ng kasiyahan, kapayapaan, at pagmamalasakit.
Ngunit, ako’y nabigo.
Isa akong drug dealer!

- ---

Sa murang edad, natuto akong magsalita ng pautal-utal na Ingles. At dahil sa kasabikang may maipakain sa aking mga
nakakabatang kapatid at matustusan ang kanilang pag-aaral ay sinubukan kong makipagsapalaran sa walang kasiguraduhang gawain.
Inisip ko ang kanilang kinabukasan Hindi na baleng ako’y tatanda nang walang pinag-aralan, bobo at mahirap basta matupad ang
pangrap kong makapagtapos ng pag-aaral ang aking mga kapatid. Masaya na ako.

Masarap, magaan sa pakiramdam, malayo sa problema, at tunay na ligaya ang nadarama. Laging ganito ang dinidikta ng aking
budhi. Ngunit, hindi ko maikakaila ang katotohanang isa akong kriminal at salot. Hangga’t ako’y nagkukunwaring malinis sa labas,
manantili akong ligtas at patuloy na maghahanap-buhay alang-alang sa aking mga kapatid.

Isang araw, tinawag ako ng aking boss. Pagpasok ko sakanyang opisina ay may pinaimon sa akin. Kulay puti ang laman ng
mamahaling baso. Inisp kong tubig lang ito. Ngunit kakaiba ang lasa. Sa una masarap, pero kinalaunan ay may halong parang asido.
Maya-maya, naramdaman kong kumislot ang aking lalamunan. Nagpaalam na ako sa kanila at pinayagan naman ako.

Paggising ko, duguan na aking kamay. Nakahandusay na ang mga kapatid ko. Duguan ang kanilang mukha, may hiwa sa tenga.
Tinignan ko ang paligid. Napapalibutan na ng dugo. Parang kidlat ang humagilap sa aking memorya. Naalala ko na. pinainom ako
kagabi ng boss ko. Tiyak akong hinaluan ito ng droga. Umiyak ako. Binilisan ang pagbihis at umalis sa bahay na parang walang
nangyari. Walang pagsisisi.

Sa pagkagat ng dilim, kailangan kong ayusin ang mga pakete at ito’y susulatan ng “VERSATILE”. Lalapitan ang customer at i-
aabot ang kanyang order.

“Ikaw!”Sambit naming dalawa.


Hindi ako makapaniwala at litong-lito ako sa aking nakikita.

“You are under warrant of arrest, anak.”

Pinawi ko ang aking luha. Dinig ko ang dumadagundong na kulog at unti-unting pagpatak ng ulan. Hinablot niya ang tatlong
pakete ng shabu at dinala ako sa kanyang kotse. Hindi ko inaasahan ito. Pinapangako ko sa aking sarili na hindi na ito mauulit,
makakatakas pa ako. Pero nalilito ako. Isang pulis ang umaresto sa akin ngunit bakit hindi ito nakauniporme at bakit tinawag akong
anak?”

“Alam kong alam mong hinuhuli at kinukulong ang mga nagbenenta at gumagamit ng droga. Kailangang mabulok ka sa
kulungan upang mabigyan ka ng leksyon!”

“Huwag po! Maawa po kayo sa akin. Magbabago na po ako,” paawa kong sabi sa kanya. Lumabas siya ng sasakyan. Inilabas ang
kanyang telepono, pumindot ng numero at tumawag. Sinuri kong mabuti ang pintuan ng sasakyan, hindi naka-lock. Kumaripas ako ng
takbo at biglang,

Bang! Bang!

“Anak, gumising ka. Nanaginip ka na naman,”sigaw ng aking ina habang niyuyugyog ako.

“Anon a naman ang napanaginipan mo?” tanong ni ina.

Hindi ako umimik. Niyakap ko siya ng mahigpit. At biglang bumagsak ang aking mga luha.

“Ina, salamat sa lahat. Mahal na mahal kita ina.”

- ---

Saksi ang araw, buwan at mga bituin kung paano ko hinanap ang bitak-bitak kong kaluluwa mula sa nakaraan.
Sinubukan kong ayusin ang adiksyon ko sa droga ngunit para akong hinila pabalik
At muli itong laklakin hanggat ako’y tumuntong sa impyernong puno ng kasiyahan, kapayapaan, at pagmamalasakit.
Ngunit, mali ito. Lumaban ako. Tinigil ko ang aking bisyo at patuloy na nangarap.
Isa na akong ganap na pulis!

You might also like