You are on page 1of 7

YUNIT ARALIN 2:

2 DOKUMENTASYON - PORMAT APA AT MLA

BIBLIYOGRAPIYA
Ano ang bibliyograpiya?
Ito ay nagbibigay impormasyon sa mga mababasa para malaman ang pinagkukunan ng ideya sa
sulatin. Isa itong listahan ng mga ginamit na sangguniang aklat, pahayagan, magasin at iba pa na inaayos
nang paalpabeto. Matatagpuan dito ang pangalan ng awtor na nauuna ang apelyido, pamagat ng
aklat/magasin, artikulo, pangalan ng magasin/pahayagan, lugar ng pinaglimbagan, taon ng pagkalimbag
at pahina.
Ang Bibliyograpiya o Sanggunian ay listahan ng mga akdang ginamit mula sa sangguniang
aklat, pahayagan, magasin, at materyal na di-nailathala o nailathala para sa natatanging sulatin o papel-
pananaliksik. May mga uri ng istilo sa pagsasangguni. Ilan sa mga ito ay ang APA at ang MLA Style.
Ang American Psychological Association (APA) at ang Modern Language Assocoation (MLA)
ay mga pandaigdigang samahang nagtataguyod ng komprehensibong dokumentasyon ng mga ginamit na
sanggunian ng anumang uri ng papel-pananaliksik. Ang APA ay karaning ginagamit sa social science and
education fields samantalang sa humanities at mga wika naman ang MLA.

Mga Gabay sa Paggamit ng American Psychological Association (APA) Style


sa Pagsasangguni
Kapag nagsangguni, naglalahat o nagparaphrase sa ibang awtor, kinakailangang maglagay ng in-
text citation.
Sa APA in-text citation, inilalagay ang apelyido ng awtor at ang taon kung kalian uito nailimbag.
Halimbawa: (Field, 2005).
Para sa mga direct quotations, ilagay rin pati ang bilang ng pahina kung saan ka kumuha ng
impormasyon.
Halimbawa: (Field, 2005, p. 14).
Halimbawang talata na may in-text citation:
A few researchers in the linguistics field have developed training programs designed to improve
native speakers' ability to understand accented speech (Derwing, Rossiter, & Munro, 2002; Krech
Thomas, 2004). Their training techniques are based on the research described above indicating that
comprehension improves with exposure to non-native speech. Derwing et al. (2002) conducted their
training with students preparing to be social workers, but note that other professionals who work with
non-native speakers could benefit from a similar program.
Paalala: Kapag unang binanggit ang may-akda, ang taon lamang ang ilagay sa loob ng panaklong. Pag
binanggit naman una ang buong pahayag at nasa dulo ang may-akda nito, isulat sa loob ng panaklong
huling pangalan ng may-akda at taon na inihiwalay ng kuwit. Kung dalawang akda ang binanggit,
ihiwalay ang mga ito gamit ang tuldok-kuwit na bantas.
TAMANG PAGSUSULAT O PAGTATALA NG SANGGUNIAN GAMIT ANG APA STYLE
1. AKLAT
FORMAT
a. Apelyido ng may-akda, inisyal ng unang pangalan. (taon).Pamagat ng Aklat (edisyon). Lokasyon ng
panlimbagan: Panlimbagan

(Author surname, Initial(s). (Year). Title (edition) Publisher location: Publisher)


Mga Halimbawa:

 Walang awtor

Merriam-Webster's collegiate dictionary (11th ed.). (2003). Springfield, MA: Merriam- Webster.
 Isa ang awtor
Kidder, T. (1981). The soul of a new machine. Boston, MA: Little, Brown & Company.
 Dalawa ang awtor
Frank, R. H., & Bernanke, B. (2007). Principles of macro-economics (3rd ed.). Boston, MA: McGraw-
Hill/Irwin.
 Tatlong awtor
Mitchell, J.A., Thomson, M., & Coyne, R.P. (2017). A guide to citation. London, England: My Publisher
 Apat o higit pang awtor
Mitchell, J.A.et al. (2017). A guide to citation. London, England: My Publisher

2. EBOOK

FORMAT
a. Apelyido ng may-akda, inisyal ng unang pangalan. (taon).Pamagat ng Aklat (edisyon). Retrieved from URL

(Author surname, initial(s). (Year). Title (ed.*). Retrieved from URL)


Halimbawa:
Mitchell, J.A., Thomson, M., & Coyne, R.P. (2017). A guide to citation. Retrieved from
https://www.mendeley.com/reference-management/reference-manager

3. Journal Article in Print or Online

FORMAT
a. Apelyido ng may-akda, inisyal ng unang pangalan. (taon). Pamagat ng Artikulo. Pamagat/pangalan ng Dyornal,
bilang ng tomo ( bilang isyu o bahagi, opsyonal), pahina, DOI or retrieved from URL

Author surname, initial(s). (Year). Article title. Journal title, volume number (issue or part number,
optional), page numbers. DOI or retrieved from URL
Halimbawa:
Mitchell, J.A. (2017). Citation: Why is it so important. Mendeley Journal, 67(2), 81-95

Mitchell, J.A. (2017). Citation: Why is it so important. Mendeley Journal, 67(2), 81-95. Retrieved
from https://www.mendeley.com/reference-management/reference-manager

4. For electronic and online materials


FORMAT

a. Apelyido ng may-akda, inisyal ng unang pangalan. (taon). Pamagat ng Artikulo. Pangalan ng website.
Retrieved date. From URL.

Author. (Date published if available; n.d.--no date-- if not). Title of article. Title of website. Retrieved
date. From URL.

Halimbawa:

Mitchell, J.A. (2017). Citation: Teaching is a vocation. DepEd Website. Retrieved


from https://www.mendeley.com/reference-management/reference-manager

Mga Gabay sa Paggamit ng Modern Language Association (MLA) Style sa


Pagsasangguni

Sa MLA in-text citation, inilalagay ang apelyido ng awtor at ang bilang ng pahina kung saan ito kinuha.
Halimbawa: (Smith 163).
Kung ang pinagkukunan ay hindi gumagamit ng mga bilang ng pahina, hindi na kinakailangang maglagay nito.
Halimbawa: (Smith)
Halimbawang talata na may in-text citation
A few researchers in the linguistics field have developed training programs designed to improve native
speakers' ability to understand accented speech (Derwing et al. 246; Thomas 15). Their training techniques
are based on the research described above indicating that comprehension improves with exposure to non-
native speech. Derwing and others conducted their training with students preparing to be social workers,
but note that other professionals who work with non-native speakers could benefit from a similar program
(258).

MLA (Modern Language Association)


1. Aklat (Book)
FORMAT:
a. Apelyido, Unang Pangalan. Pamagat ng aklat. Edisyon, Panlimbagan, taon ng pagpapalimbag.

Last name, First name. Title of Book. Edition, Publisher, Year of Publication.
 Walang awtor

Merriam-Webster's collegiate dictionary.11th ed, Merriam- Webster, 2003.


 Isa ang awtor
Mitchell, James A. A Guide to Citation. 2nd ed, My London Publisher, 2017.
 Dalawa ang awtor
Frank, Richard H., & Bryan P. Bernanke. Principles of macro-economics. 3rd ed, Phoenix Publishing House,
2007.
 Tatlong awtor
Mitchell, James A., Michael P. Thomson, & Rizal P. Coyne. A guide to citation. My Publisher 2018.
 Apat o higit pang awtor
Mitchell, James A., et al. A guide to citation. My Publisher, 2014

2. E-BOOK
FORMAT
a. Apelyido, Unang Pangalan. Pamagat ng aklat. Edisyon, E-book, Panlimbagan, taon ng pagpapalimbag.

Last name, First name. Title of Book. Edition, e-book, Publisher, Year of Publication.
Halimbawa:
Isang awtor
Mitchell, James A., Melanie B. Thomson & Rizal P. Coyne. A guide to citation. 2nd edition, New York Publisher,
2017.
Higit sa isang awtor
Mitchell, James A., Melanie B. Thomson & Rizal P. Coyne. A guide to citation. 2nd edition, New York Publisher,
2017.
3. Journal or Publication

FORMAT
a. Apelyido, Unang Pangalan. “Pamagat ng Artikulo”. Pangalan o pamagat ng Journal, bilang ng tomo,
bilang ng isyu o serye, season o taon ng pagpapalimbag, pahina.

Last name, First name. “Title of Article”. Title of Journal, volume number, issue or series number, Year
of Publication, page number.

Halimbawa:

Isang awtor

Mitchell, James A. “Citation: Why is it Important”. Mendeley Journal, vol. 4, no. 6, April
1999, pp .607-674.

Higit sa isang awtor

Mitchell, James A., Jo Ann M. Maglasag. “Citation: Why is it Important”. Mendeley Journal, vol. 4, no. 6,
April 1999, pp .607-674.

4. Webpage

FORMAT
a. Apelyido, Unang Pangalan. “Pamagat ng pahina/dokumento”. Pamagat/pangalan ng webpag. Petsa, url.

Last name of author, first name. “Title of page/document”. Title of overall webpage, date, URL.

Halimbawa:

Isang awtor
Mitchell, James A. “Guide in Writing”. How and When to Reference. 25 Jan.
2017: https://www.howandwhentoreference.com/.

Higit sa isang awtor


Mitchell, James A., and Martha Thomson. “Guide in Writing”. How and When to Reference. 25 Jan.
2017: https://www.howandwhentoreference.com/.

MGA SANGGUNIAN
a. APA Format Citation Guide. Mendeley website. Retreived from https://www.mendeley.com/guides/mla-
citation-guide

b. MLA 8 Citation Guide. Mendeley website. Retreived from https://www.mendeley.com/guides/mla-


citation-guide
YUNIT ARALIN 3
INTERPRETASYON NG GRAP, TSART AT IBA PANG
2 BISWAL NA PANTULONG

Ang mapa, tsart, grap at talahanayan ay mga grapikong pantulong upang madaling
maunawaan at nagagawang payak ang mga datos na inilalahad sa isang teksto. Kapaki-pakinabang
ang mga ito para sa isang mananaliksik sapagkat malinaw at siyentipiko niyang natatalakay ang
kanyang paksa.
Mapa
Ang mapa ay isang pantulong biswal na ginagamit upang matukoy ang lokasyon, ang sukat at
kalakihan ng isang lugar.
Tsart
Ang isang tsart ay isang grapikal na representasyon ng datos, kung saan "ang datos ay kinakatawan
ng mga simbolo, tulad ng mga bar sa bar tsart, o mga linya sa linyang tsart, o mga hiwa sa isang pie
tsart".
Grap
 Ang mga grap ay biswal na representasyon ng relasyon ng mga numero o ng dami at
proporsiyon ng matematikal na halaga.
 Grap ang tawag sa sistematikong paglalarawan ng mga etatistikal na impormasyon
Mga Uri ng Graph
1. Line Graph (Talangguhit)
- Ginagamit upang ipakita ang iba’t ibang impormasyon at datos sa pamamagitan ng paggamit
ng mga linya. Ito ay ginagamit upang ipakita ang pagtaas at pagbaba ng datos sa
magkaibang panahon o pangyayari.
2. Bar Graph
- Ginagamit sa paghahambing o pagpapakita ng kalakaran ng sukat. Nagpapakita ito ng
kaugnayan ng mga ideya o paghahambing ng magkaugnay na mga ideya.
3.Pie Graph
- Ang paggamit ng pie graph ay ganap na popular. Tulad ng bilog, ito ay nagbibigay ng biswal
na konsepto ng buo (100%).
4. Picture Graph o Pictograph
- Ito ang graph na gumagamit ng mga larawan.
Talahanayan
- Ang talahanayan o "table" sa Ingles ay isang paraan ng pagpapakita ng mga datos, o dili
kaya'y ng imbestigasyon tungkol sa isang paksa. Ito ay may hanay at kolum. Madalas itong
ginagamit para magkumpara at madaling makita ang pagkakaiba, o simpleng paglalahad ng
impormasyon

You might also like