You are on page 1of 528

2

Filipino
Kagamitan ng Mag-aaral

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at
pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat
namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na
mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Ang Bagong Batang Pinoy – Ikalawang Baitang
Filipino - Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon, 2013
ISBN: 978-971-9990-66-6
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na
ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at
mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang
ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda
ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D.

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

Punong Tagapangasiwa: Luz S. Almeda, Ph. D.; Pangalawang


Tagapangasiwa: Rizalino Jose T. Rosales; Lider: Victoria R. Mayo;
Manunulat: Nilda S. D. Garcia, Jackelyn F. Aligante, Melany B. Ola,
Aida J. Cruz, Erlinda B. Castro, Virginia C. Cruz, Matilde N. Padalla,
Galcoso C. Alburo, Estela C. Cruz; Tagapag-ambag: Aurora E.
Batnag, Ma. Fe C. Balaba, Nelly I. Datur, Avizen C. Siño, Felix Q.
Casagan, Ruby E. Baniqued, Nora C. Bernabe, Maribel R. Mendoza,
Kristina L. Ballaran , Rechelle M. Meron; Editor: Arsenia C. Lara, Amaflor
C. Alde; Kasangguni: Angelika D. Jabines; Tagapagtala: Ma. Cynthia P.
Orozco; Taga-anyo: Christopher C. Artuz, Leonor Barraquias; Tagapag-
guhit: Bernie John E. Isip at Francischarl S. Isip

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-


IMCS)
Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

ii
PAUNANG SALITA

Kumusta mga bata? Binabati kita at ikaw ay


nasa Ikalawang Baitang na ng iyong pag-aaral!

Ang Kagamitang ito ay sadyang inihanda para


sa iyo. Ito ang magsisilbing gabay mo para sa iyong
pag-aaral ng asignaturang Filipino 2. Inaasahan na
sa paggamit mo nito ay magiging aktibo ka sa
talakayan sa loob ng klase at maipahayg mo nang
wasto at ayos ang iyong mga personal na ideya,
karanasan kaugnay ng pinag-aaralan sa klase.

Ang mga babasahin at mga gawain dito ay


isinaayos at pinili upang magkaroon ka ng maunlad
na kasanayan sa pagsasalita, pakikinig, pagsulat ,
pagbasa at panonood.

Ang mga aralin ay nahahati sa apat na yunit.


Ito ay ang sumusunod:
Yunit I - Ako at ang Aking Pamilya
Yunit II - Pakikipagkapwa Tao

iii
Yunit III - Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi
sa Pandaigdigang Pagkakaisa
Yunit IV - Panginoon ang Sandigan sa Paggawa
ng Kabutihan

Sa bawat aralin, ang sumusunod na gawain ay


iyong masusubukan upang higit na mapagyaman
ang iyong kakayahan.

SUBUKIN NATIN – Sa bahaging ito malalaman


natin ang kakayahan at kasanayang abot-alam mo
na. Ito ay gagawin sa unang araw ng bawat aralin
o linggo. Huwag kang matakot sa pagsasagot nito,
ito ay hindi makaaapekto sa iyong grado. Nais
lamang nating malaman ang dati mong kaalaman
o karanasan na may kaugnayan sa pag-aaralan.

BASAHIN NATIN – Babasahin mo ang mga


tekstong sadyang isinulat para sa iyo upang
matukoy o magkaroon ka ng ideya kung ano ang
pag-aaralan mo sa buong linggo. Ang mga
tekstong ito ay maaaring alamat, pabula,

iv
kuwentong bayan, mga pantasya o likhang isip
at mga salaysay ayon sa karanasan ng mga ibang
mag-aaral. Ito ang magiging susi upang higit mong
maunawaan ang mga aralin natin. Huwag kang
mabahala, laging nakaagapay ang iyong guro sa
lahat ng gagawin mo.

SAGUTIN NATIN- Dito susubukin nating malaman


kung lubos mong naunawaan ang napakinggan o
nabasa mong teksto.

PAHALAGAHAN NATIN – Sa bahaging ito,


mauunawaan natin ang kagandahang asal at pag-
uugali na nais ituro sa atin ng napakinggan o
nabasang teksto.

GAWIN NATIN – Dito magkakaroon ka ng iba’t


ibang pagsasanay kaugnay ng aralin. Maaaring ito
ay kasama ng iba mong kamag-aral o maaari rin
namang pang-isahang gawain.

v
SANAYIN NATIN – Dito magkakaroon ka ng
pagkakataon na malinang lalo ang kasanayan sa
napag-aralan kasama ang ibang pangkat sa
pamamagitan ng mga karagdagang gawain.

TANDAAN NATIN – Sa bahaging ito, mababasa


natin ang mga kaisipang dapat nating tandaan
kaugnay ng araling tinalakay.

LINANGIN NATIN – Dito higit na papaunlarin ang


kasanayan at kaalaman na natutunan sa natapos
na aralin.

Sa pamamagitan din ng Kagamitang ito, nawa


ikaw ay maging maka-Diyos, makatao,
makakalikasan at makabayang batang Pilipino.
Isang Bagong Batang Pinoy na handa sa mga
pagbabagong dala ng kapaligiran at ng
makabagong teknolohiya.
Maligayang pag-aaral sa iyo!
MGA MAY AKDA

vi
Talaan ng Nilalaman
A. Panimula
B. Talaan ng Nilalaman
Yunit 1: Pagpapakatao at Pagiging
Kasapi ng Pamilya

Aralin I: Kalusugan ng Pamilya


ay Dapat Pangalagaan 2
Pagkaunawa sa Gramatika

Aralin 2: Mahalin at Ipagmalaki ang


Pamilya 18
Pangngalan

Aralin 3: Maglibang at Magsaya


sa Piling ng Pamilya 34
Kategorya ng Pangngalan

Aralin 4: Ang Batang Uliran,


Laging Kinalulugdan 50
Klasipikasyon ng Pangngalan

Aralin 5: Magulangay Mahalaga,


Dapat Inaalala 66
Pangngalang Pambalana at Pantangi

Aralin 6 : Pamamasyal ay Kasiya-siya,


Kapag Kasama ang Pamilya 82
Angkop na Pananda sa Pagtukoy
ng Pangalang Pambalana/Pantangi

vii
Aralin 7: Sa Oras ng Kagipitan,
Pamilya ay Nandiyan Lang 99
Pangngalan Ayon sa Kasarian
(Pambabae at Panlalaki)

Aralin 8: Aalagaan Ko, Mga Magulang Ko 115


Pangngalan Ayon sa Kasarian:
Di Tiyak/Walang Kasarian

Aralin 9: Bilin ng Magulang,


Laging Tatandaan 130
Kailanan ng Pangngalan:
Isahan, Dalawahan, Maramihan

Yunit 2: Pakikipagkapwa-Tao
Aralin 1: Ideya Ko, Sasabihin Ko 146
Panghalip Panao

Aralin 2: Pangunahing Direksiyon,


Susi sa Lokasyon 157
Panghalip Panao Bilang Pamalit
sa Pangngalan

Aralin 3: Napakinggang Teksto,


Ipahahayag Ko 168
Panghalip Pamatlig

Aralin 4: Sinabi Mo, Ramdam Ko! 181


Panghalip Panao na Paari

viii
Aralin 5: Kuwento Mo, PakikingganKo! 192
Panghalip Pananong

Aralin 6: Komunikasyon, Daan


sa Pag-unlad ng Edukasyon 206
Magkasingkahulugan na Salita
Panghalip Pamatlig na Patulad

Aralin 7: Karanasan Ko, Iuugnay Ko 220


Kailanan Panghalip Panao

Aralin 8: Nabasang Kuwento,


Isasalaysay Ko 232
Panauhan ng Panghalip Panao

Aralin 9: Katangian Mo, Aalamin Ko 244


Panghalip na Panlunan Bilang
Pamalit sa Pangngalan

Yunit 3: Pagmamahal sa Bansa


at Pakikibahagi sa Pandaigdigang
Pagkakaisa

Aralin 1: Bansa ay Uunlad Kung Sama-samang


Nangangarap 258
Pagtukoy sa mga Salitang May Maling
Baybay sa Isang Pangungusap

Aralin 2: Paalala Ko Sundin Mo 275


Pandiwang Pangnagdaan
Payak na Pangungusap

ix
Gamit ang mga Salitang Kilos sa Tula
Aralin 3: Lugar na Kinagisnan,
Halina’t Pasyalan 289
Pandiwang Pangkasalukuyan

Aralin 4: Katangian Mo ,Kalakasan Mo 305


Pandiwang Panghinaharap

Aralin 5: Halika ,Mamasyal Tayo 322


Pang-uri

Aralin 6: Produktong Gawa Natin,


Ating Tangkilikin! 334
Pang- uring Pamilang

Aralin 7: Kalikasan ,Ating Alagaan 349


Pang-uring Pahambing

Aralin 8: Kalinisan, Panatilihin Natin! 363


Pang-uring Pasukdol

Yunit 4: Panginoon ang Sandigan


sa Paggawa ng Kabutihan

Aralin 1: Magtiwala Tayo sa Diyos 380


Pang-ukol na Ng

Aralin 2: Paggalang sa Diyos at Kapwa 393


Pang-ukol na Ni at Nina

Aralin 3: Karapatan Mo, Igagalang Ko 409


Pang-ukol na Kay at Kina

x
Aralin 4: Maging Huwaran
sa Paningin ng Diyos 425
Pang-ukol na Ayon Sa

Aralin 5: Ang Umiibig sa Kapwa


ay Umiibig sa Diyos 440
Pang-ukol na Para sa/
Para Kay/Kina

Aralin 6: Ang Diyos ay Pasalamatan 453


Pang-angkop na Ng

Aralin 7: Purihin Natin ang Diyos 469


Pang-angkop na Na

Aralin 8: Pag-ibig ng Diyos


sa Tao at Bayan 486
Pang-angkop na g

Aralin 9: Buhay at Kalikasan


ay Pahalagahan 500
Simuno at Panaguri

xi
xii
1
Aralin I: Kalusugan ng Pamilya
Ay Dapat Pangalagaan

Isulat ang Tama o Mali sa sagutang papel.


1. Makikita ang pangunahing ideya sa unahan,
gitna, o huling pangungusap ng teksto.
2. Maiuugnay ang sariling karanasan kung
nauunawaan ang tekstong napakinggan o
nabasa.
3. Ang mga salitang bata at bato ay
magkasintunog.
4. Ang bulaklak at halaman ay magkasintunog.
5. Matutukoy ang kahulugan ng di-kilalang salita
sa pamamagitan ng paggamit nito sa
pangungusap.

Magtulungan Tayo
Tayo nang maglinis ng ating bakuran
Dapat alagaan, mahalin ang kalusugan
Hirap at sakit ating maiiwasan
Kung tayo ay laging nagtutulungan.

Kaya nga, kumilos bata man matanda


Huwag hintayin, sakit ay mapala
Laging isaisip, maglinis sa tuwina
Pagtutulungan ang susi para guminhawa.

2
 Kanino ipinatutungkol ang tula?
 Bakit kailangang maglinis ng paligid?
 Ano ang nais gawin ng sumulat ng tula?
 Ano ang pangunahing ideya ng tula?
 Saang bahagi ng tula makikita ang
pangunahing ideya?
 Batay sa iyong karanasan, ano ang
maaaring gawin upang makatulong
sa kalinisan ng paligid?

Ang paglilinis ng kapaligiran ay tungkulin nating


lahat nang tayo ay makaiwas sa anumang sakit.

A. Basahin ang teksto. Sagutin ang sumusunod na


tanong.
Kumilos at Magkaisa

Maraming patapong bagay sa ating paligid


tulad ng mga basyo ng bote, plastik na nakatambak
sa mga basurahan at looban ng ilang kabahayan.
Ang mga lumang diyaryo at maruruming damit ay

3
nagkalat din kung minsan. Para sa iba, ang mga ito
ay basura lamang. Patapon at wala nang silbi kaya
naman ang ating kapaligiran ay punong-puno ng
mga kalat.Pinamumugaran tuloy ang mga ito ng
mga daga at insekto.

Pinagmumulan din ang mga ito ng pagbabara


ng mga daluyan ng tubig at sanhi ng pagbaha.
Nakasasama din ang ilan sa mga ito. Nagiging sanhi
ito ng pagdumi at pagbaho ng hanging ating
nalalanghap. Huwag na nating hintayin ang salot na
idudulot ng mga basura. Panahon na para tayo ay
kumilos at magkaisa.

1. Ano-anong patapong bagay ang makikita sa


ating paligid?
2. Bakit ito hinahayaan ng mga tao?
3. Ano ang mangyayari kung maraming basura sa
ating paligid?
4. Sino ang hinihiling na kumilos at magkaisa?
5. Ano ang pangunahing ideya ng kuwento?
4
6. Basahin ang bahagi ng kuwento na tumutukoy
sa pangunahing ideya.
7. Batay sa iyong karanasan, ano ang maaari
nating gawin para mabawasan ang ating
basura?

Batay sa iyong karanasan, isulat kung ano ang


maaaring gawin sa sumusunod.
Unang Pangkat - lumang diyaryo
Ikalawang Pangkat - lumang gulong
Ikatlong Pangkat - lumang damit
Ikaapat na Pangkat - basyong bote

Ang teksto ay may pinahahayag na


ideya. Nakatutulong ang pagbibigay ng
pangunahing ideya upang maintindihan
ang nilalaman ng narinig o binasa. Ang
pangunahing ideya ay matatagpuan sa
pamagat, unahan,gitna at huling bahagi
ng teksto.
Nakatutulong sa pag-unawa ng
pinakinggan ang pag-uugnay nang narinig
sa sariling karanasan.

5
A. Isulat ang tsek (/) sa sagutang papel kung
naranasan mo na ang pahayag at ekis (X)
naman kung hindi.
1. Nagtatapon ako ng basura sa tamang
tapunan.
2. Inuuwi ko ang aking basura.
3. Tumutulong ako sa proyektong pangkalinisan
sa aming barangay.
4. Hinihiwalay ko ang nabubulok sa di-
nabubulok na basura.
5. Tinatakpan ko ang basurahan upang hindi
mangamoy at maiwasan ang pagkalat ng
mikrobyo.
B. Basahin at piliin ang pangunahing ideya
o kaisipan ng teksto. Isulat ang wastong letra sa
sagutang papel.
1. Ang dengue ay maiiwasan kung ibayong pag-
iingat ay isasaalang-alang. Palitan nang madalas
ang tubig sa plorera. Linisin ang loob at labas ng
bahay. Maging malinis sa tuwina.
a. Maglinis ng kapaligiran upang maiwasan
ang sakit.
b. Palitan lagi ang tubig sa plorera.
2. Kapag may sipon o ubo, iwasan ang
pagdura kung saan-saan. Takpan ang bibig at
ilong kapag umuubo o bumabahin nang hindi
makahawa ng iba.Uminom ng maraming tubig
at magpahinga.
a. Mga dapat gawin kapag inuubo at sinisipon.
b. Uminom ng maraming tubig at magpahinga.
6
3. Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay.
Maraming bitamina ang nakukuha sa mga ito.
Nakatutulong din ang mga ito upang mapanatiling
malusog ang katawan.
a. Ang mga prutas at gulay ay maraming
bitamina.
b. Kumain ng prutas at gulay upang maging
malusog ang katawan.
4. Uminom ng walo o higit pang baso ng tubig
sa araw-araw. Nakatutulong ito para sa mabilis
na pagtunaw ng ating kinain. Nasosolusyunan nito
ang pagtigas ng dumi sa loob ng katawan.
a. Kabutihang dulot ng sapat na pag-inom
ng tubig.
b. Bilang ng iinuming tubig araw-araw.
5. Iwasang kumain ng junk food at pag-inom ng
nakalatang inumin. May mga kemikal ito na
hindi mabuti sa katawan.
a. Iwasang kumain ng junk food at pag-inom
ng nakalatang inumin.
b. May mga kemikal na makukuha sa
junk food at nakalatang inumin.

Basahin ang tula pagkatapos ng guro.

7
Lubhang kakaiba si Sonya
Parang diksiyonaryo ang isip niya
Nasasabi ang mga kahulugan
Salita’y nagagamit kapag
kailangan
Parang sa isip hinuhugot
Kailanman di siya nakababagot.

Palaging dala-dala ay saklay


Paika-ikang lumakad dahil siya’y pilay
Batang masayahin, laging nagdarasal
Kapupulutan siya ng magandang aral
Laging nakatawa, tuwina’y masaya
Ang palakaibigang si Sonyang maganda.

 Sino ang tinutukoy sa tula?


 Bakit hindi siya nakababagot?
 Ano-anong katangian ang taglay niya?
 Naging sagabal ba ang kaniyang
kapansanan sa kaniyang buhay? Bakit?
 Paano mo maipapakita na hindi hadlang
ang kapansanan para lumigaya?
 Ano ang napansin sa mga salitang nasa dulo
ng bawat linya ng tula?
 Paano nalalaman na magkasintunog ang
pares ng mga salita?

8
Basahin ang salitang nasa loob ng kahon.
Pumalakpak kung dapat taglayin ang katangian at
pumadyak naman kung hindi dapat.

masipag masigasig mareklamo


maamot mabait palasigaw

Basahin ang mga salita sa Hanay A at piliin


ang kasintunog nito sa Hanay B.
Hanay A Hanay B

1. bata (tuta, beke, baso)


2. abogado (abaka, abokado,doktor )
3. kalaro (baro,kalapati, tupa)
4. kaibigan (balikan, dahon, magulang)
5. Nanay (tubero, nars, tinapay )

Pagsamahin ang mga salitang


magkakasintunog. Isulat ang sagot sa isang papel.

9
bahay aliw mata sabaw
tuwa bata banghay tasa
mababa mataas marikit kotse
saliw kabayo ibon araw
masakit inahin pugo pagkain
takatak kalabasa kalesa maginoo
patani putak luya mani
Pilipino saya dibdib liblib

Matutukoy ang mga salitang


magkakasintunog kung magkapareho
ang hulig tunog.
Halimbawa:
lola-bola suso-paso
sayaw-batingaw halaman-kaibigan

Lagyan ng tsek (√) ang sagutang papel kung


ang mga salita ay magkakasintunog at ekis ( x)
naman kung hindi.
1. tindera-kusinera 4. nainis-malinis
2. kapitbahay-kaibigan 5. sabay-sabaw
3. katulong-talong
10
Basahin ang mga pangungusap.

1. Ang plorera ay nilalagyan ng bagong bulaklak


tuwing umaga.
2. Mangkok naman ang nilalagyan ng pagkaing
may sabaw.
3. Ang batang siga ay malapit sa gulo. Matapang
at walang kinatatakutan.
4. Masarap magbakasyon sa isang liblib na pook.
Karaniwan ito’y tahimik at tago na lugar.
5. Si Carlo ay nagpakita ng larawan ng bandurya.
Kahawig ito ng gitara.

 Saan inilalagay ang bulaklak?


 Ano ang inilalagay sa mangkok?
 Bakit malapit sa gulo ang batang matapang
at walang kinatatakutan?
 Ano-anong salita ang may salungguhit?
 Ano tawag sa salitang may salungguhit?
 Ano ang ginamit na paraan upang malaman
ang di-kilalang mga salita?

11
Ipakita ang masayang mukha kung wasto ang
gawain at malungkot na mukha kung mali.
 Magtatanong sa mga magulang.
 Huwag sagutan ang takdang aralin.
 Magpatulong kina ate at kuya.
 Tingnan sa diksiyonaryo o internet.
 Ipagawa sa kaklase ang takdang aralin.

Kilalanin ang mga salita sa tulong ng mga


larawan. Isulat ang letra ng sagot.

1. plorera a.

b.
2. katre
c.
3. gwantes
d.
4. pluma

5. batingaw e.

12
Kopyahin ang kahulugan ng di-kilalang salitang
may salungguhit na makikita sa pangalawang
pangungusap. Isulat sa sagutang papel.

1. Marusing ang bata sa lansangan. Marumi din


ang kaniyang damit at siya’y nakayapak.
2. Mahalimuyak ang buong hardin. Mabango kasi
ang mga bulaklak dito.
3. Masagana ang buhay ni Mang Narding.
Mayaman kasi ang kaniyang pamilya.

May ilang pamamaraan upang madaling


maunawaan ang mga di-kilalang salita.
1. sa pamamagitan ng larawan
2. gamit sa pangungusap
3. aktuwal na bagay
4. pagsusuri ng hugis at anyo ng mga
nakalarawan

13
Alamin ang mga di-kilalang salita sa
pamamagitan ng larawan. Pagtambalin ito sa
pamamagitan ng pagsulat ng letra ng pangalan ng
bawat larawan. Gawin ito sa sulating papel.

1. a. bapor

2. b. brilyante

3
c. aparador

4. d. mangkok

5.
e. kubyertos

14
Mga dapat tandaan sa pagsulat:

1. Hawakan ang lapis nang isang pulgada ang


layo mula sa dulo ng daliring hinlalaki, hintuturo,
at gitnang daliri.
2. Iayos ang papel sa desk. Ipatong sa bandang
itaas nito ang kanan o kaliwang kamay.
3. Magsulat mula kaliwa pakanan.
4. Magsulat nang marahan at may tamang diin.
5. Umupo nang maayos sa upuan.

 Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat?


 Bakit may mga dapat tandaan sa pagsulat?
 Sa iyong palagay, ano ang mangyayari kung
hindi natin ito isasagawa?

Mahalaga na sundin ang mga panuntunan


sa pagguhit upang matutunan ang tamang
pamamaraan at maging malinis at maayos
ang sulat o guhit.

15
Gumawa ng pataas-pababang guhit. Gawin sa
papel ng limang beses. Gayahin ang modelo.

16
Gumawa ng pataas-pababang guhit.
Unang Pangkat - Pagbakat ng putol-putol na
guhit
Ikalawang Pangkat - Pagdugtong ng mga tuldok
Ikatlong Pangkat - Pagsulat sa hangin
Ikaapat Pangkat - Pagsulat sa papel

Sa pagsulat ng pataas-pababang guhit,


gamitin ang tatlong linyang may kulay asul,
pula asul. Simulan ito sa kaliwa-pakanan.

Gumawa ng pataas-pababang guhit sa


sulatang kuwaderno.

17
Aralin 2: Mahalin at Ipagmalaki
ang Pamilya

Isulat ang Tama o Mali sa sagutang papel.


1. Ang mahahalagang detalye ay
makatutulong upang masagot ang mga
tanong sa kuwentong binasa.
2. Ang sulat at balat ay magkapareho ang tunog
sa hulihan.
3. Ang pangngalan ay tumutukoy sa tao lamang.
4. Ang aklat ay ngalan ng hayop.
5. Sa pagsipi ng salita, dapat ay may tamang
layo ang bawat letra.

Pakinggan ang kuwento habang binabasa ng


guro.
Maalagang Ina

18
Handang-handa na sina Nanay Carmen at
Tatay Ramon. Dadalo sila sa pagtitipon nina Lolo at
Lola. Anibersaryo ng kasal nila. Dapat ay naroon ang
buong pamilya. Tinawag ni Aling Carmen ang mga
anak. “Fe, Rey, nasaan na ba kayo? Bihis na kami ng
Tatay ninyo.” “Nanay, may sinat po si Rey, isasama
pa po ba ninyo kami?” tanong ni Fe. Dali-daling
pumunta si Aling Carmen sa silid ng anak at hinipo
ang ulo ni Rey. Nalaman niyang may sinat ito.
Lumabas siya at nang ito’y bumalik, nakabihis na ito
ng damit pambahay. May dalang palangganang
may tubig, botelya ng gamot, at yelo.

 Saan pupunta ang mag-anak ni Aling Carmen?


 Sino ang nagkaroon ng sakit?
 Mahalaga ba ang kanilang pupuntahan?
Bakit?
 Ano ang ipinasiyang gawin ni Aling Carmen
nang malamang may sakit si Rey?
 Ano ang masasabi mo kay Aling Carmen?
 Magagalit kaya sina Lolo at Lola sa hindi
pagdating ng mag-anak?
 Ano kaya ang sumunod na nangyari sa
kuwento?

19
Piliin sa mga larawan kung paano mo ipinakikita
ang pagmamahal sa iyong mga magulang o kasapi
ng pamilya. Ipaliwanag sa klase ang napiling
larawan.

a b c d

Isulat ang letra ng tamang sagot batay sa


detalye ng kuwentong binasa.
1. Sino ang mag-asawa sa kuwento?
a. Aling Carmen at Mang Ramon
b. Aling Caren at Mang Ramon
c. Aling Carmen at Mang Mon
2. Saan pupunta ang mag-anak?
a. sa kaarawan nina Lolo at Lola
b. sa anibersaryo ng kasal ng Lolo at Lola
c. sa binyag ng Lolo at Lola
3. Ano ang nangyari kay Rey?
a. nagsusuka c. sumasakit ang tiyan
b. nilalagnat
20
4. Anong uri ng ina si Aling Carmen?
a. maalaga b. masikap c. madasalin
5. Matutuwa kaya si Rey sa pag-aalaga sa kaniya ng
ina?
a. Oo b. Hindi c. Ewan ko

Ibigay ang inyong hinuha ayon sa sitwasyon.

Unang Pangkat - Darating mula sa isang malayong


probinsya ang Lolo at Lola nina May at Milyo.
Kailangan daw dalhin sa paggamutan si Lolo.
Walang titingin sa kaniya kundi si Lola.
Ikalawang Pangkat - Malapit na ang pasukan sa
eskuwela. Papasok na ang bunsong si Bong.
Hindi pa siya marunong umuwi ng bahay nang
mag-isa.
Ikatlong Pangkat - May proyekto si Neneng sa
paaralan. Hindi pa sumusuweldo si Tatay.
Kukulangin ang pera ni Nanay sa
pamamalengke.
Ikaapat na Pangkat - Maraming nagkalat na basura
sa tabing ilog. Malapit dito ang tirahan ng mag-
anak na Reyes.

21
Ang mahahalagang detalye ay
nakatutulong upang masagot ang
mga tanong sa pinakinggan o binasang
teksto.
Ang hinuha ay pagbibigay ng
kasalukuyang nadarama, iniisip, katangian,
o nangyayari batay sa paglalarawan ng mga
detalye sa isang sitwasyon. Maaaring positibo
o negatibo.

Basahin ang kuwento at sagutin ang mga


tanong pagkatapos nito.

Ang Huwarang Pamilya

22
Si Mang Piolo at si Aling Cristy ay huwarang
pamilya. Ang kanilang mga anak na sina Arcy, Elvie,
Nancy, at Frank ay masisikap na mag-aaral.
Ang panganay na si Arcy na nasa Baitang VI ay
nangunguna sa klase. Ang kambal na sina Elvie at
Nancy ay masisigasig sa pagpasok, aktibo sa
talakayan at napapasali sa lahat ng pagligsahan
pang-akademiko. Ang nag-iisang lalaki na si Frank
ay gumagaya sa masisikap niyang mga kapatid.
Naitataguyod naman ang kanilang pag-aaral
sa pagiging masigasig ng kanilang mga magulang.
Ang mag-asawa ay responsableng
gumagabay, nagdidisiplina, at doble kayod sa
paghahanapbuhay para itaguyod ang edukasyon
ng mga anak.
Ginagawa nilang araw ang gabi para
mapaglaanan ang pangangailan ng pamilya.
Kahanga-hanga ang pamilya nina
Mang Piolo at Aling Cristy.

Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa


sagutang papel.
1. Sino-sino ang anak nina Mang Piolo at Aling
Cristy?
a. Arcy, Elvie, Nancy, at Frank
b. Arcy, Elvie, at Nancy
c. Nancy at Frank
2. Ano ang tawag sa pamilya nina Mang
Piolo at Aling Cristy?
a. masayang pamilya
b. huwarang pamilya
c. masipag na pamilya
23
3. Bakit maituturing na huwaran ang kanilang
pamilya?
a. matatalino at masisikap ang mga anak at
responsableng magulang
b. marami silang kakilala
c. mayaman sila
4. Dapat bang tularan ang pamilya nila?
a. oo b. hindi c. hindi kailanman
5. Ano kaya ang magiging buhay ng mga
anak nila pagdating ng panahon?
a. magkaroon ng maunlad at maayos na
pamumuhay
b. hindi makakapagtapos sa pag-aaral at
maghihirap
c. walang nakakaalam sa kapalaran nila

handa nanay yelo kasal sinat


bihis dapat bumalik pamilya damit

 Ano ang unang tunog ng salitang handa?


 Ano ang gitnang tunog ng salitang kasal?
 Ano ang hulihang tunog ng salitang pamilya?
 Pare-pareho ba ang mga tunog ng salita sa
dulo?

24
Ang kaalaman sa tunog ng mga letra ay
mahalaga upang mas mabilis makabasa. Ito ay
mahalagang pundasyon sa pagbasa kaya dapat
itong taglayin ng bawat isa.

Basahin ang mga salita sa ibaba. Sabihin ang


una, gitna, at huling tunog ng mga ito. Isulat ang
iyong sagot sa kuwaderno.
1. mutya 4. lumpo
2. barya 5. sampu
3. saya 6. pista

Hanapin sa loob ng panaklong ang salitang


may kaparehong tunog ng sinalungguhitang tunog
ng salita.Isulat sa sagutang papel.
kilay (kidlat, bahay, hibla)
suman (bawang, buwan, lapis)
takbo (pakla, listo, lumpo)
dalaga (halaga, kasama, kalabasa)
sampu (tempo, aktibo, unano)

25
Ang mga salita ay maaaring
magkapareho ang tunog sa unahan, gitna,
at hulihan.

Isulat ang mga salitang magkapareho ang


tunog na maaaring makita sa unahan, gitna, at
hulihan.

1. mata, mais, puso


2. bangin, tubig, hangin
3. halika, balikan,malaki
4. baliw, halik, saliw
5. Omar, Olga, Obet

26
Nasaan Ka, Inay ?

Nagising si Nena na wala ang ina sa kaniyang


tabi. Nakadama siya ng takot kaya niyakap niya
ang unan. Narinig niyang tumatahol ang aso.
Bumangon siya para hanapin ang ina. Pumunta siya
sa kusina pero wala ang kaniyang nanay. Biglang
namatay ang ilaw. Kumulog nang malakas. Isang
matalim na kidlat ang kasunod nito. Bumuhos ang
malakas na ulan. May kalakasan din ang hangin. Pilit
nilabanan ni Nena ang takot na nadarama. Ipinikit
niya ang mga mata at nagdasal nang taimtim.
Hindi nagtagal, dumating ang kaniyang Ate
Nelia. May dalang nakasinding kandila. Sinabi nitong
pumunta ang ina sa palengke upang bumili ng
bigas.

27
 Bakit natakot si Nena?
 Bakit kaya biglang nagdilim ang paligid?
 Paano ipinakita ni Nelia ang kaniyang
pagmamalasakit sa kapatid?
 Ano-ano ang ginagawa mo para sa kasapi
ng pamilya?
 Ano-anong pangngalang tumutukoy
sa tao, bagay, hayop, at pook ang iyong
napakinggan sa kuwento?

Isulat sa sagutang papel ang tsek (/)kung dapat


gawin at ekis (X)naman kung HINDI dapat gawin.
1. Pupunta ako sa kuwarto ni Ate kapag
malakas ang ulan.
2. Hahanapin ko sa labas ng bahay si Tatay.
3. Magtatampo ako kay Nanay kapag iniwan
niya ako.
4. Mag-aantay na lang ako sa pagdating
ni Nanay.
5. Iiyak ako nang malakas kapag wala si Nanay
sa bahay.

28
Tukuyin ang kategorya ng pangkat ng mga
pangngalan sa bawat bilang. Isulat ang A kung tao,
B kung hayop, C kung bagay, at D kung lugar.
Isulat ang wastong letra sa sagutang papel.
___1. parke silid bukid
___2. ibon baka kalabaw
___3. lapis papel bag
___4. sumbrero kamera telepono
___5. lolo guro ate

Isulat ang T kung ngalan ng tao, B kung bagay,


H kung hayop, at P kung lugar.
____1. basket _____4. lapis
____2. ospital _____5. kalabaw
____3. Benigno Aquino

Ang pangngalan ay tumutukoy sa


ngalan ng tao, bagay, hayop, o lugar.

29
Gawin sa sagutang papel. Hanapin ang salita
sa pangungusap na tinutukoy ng pangngalang nasa
kaliwa. Isulat nang tama ang sagot.
tao 1. Masarap ang suman na ginawa ni
Aling Lorna.
bagay 2. Kulay pula ang damit na binili ko
kahapon.
hayop 3. Mabilis tumakbo ang kabayo.
lugar 4. Namasyal ang mag-anak sa
Luneta Park kahapon.
bagay 5. Nawala ang lapis na mahaba.

Tao Bagay Hayop Pook o Lugar


Ama relo pusa simbahan
Tubero mangga tigre parke
Kuya baso ahas ilog
Doctor sapatos daga palengke
Pari singsing kalabaw kainan

30
 Anong mga pangngalan ng tao ang iyong
nabasa?
 Anong pangngalan ng hayop ang iyong
nabasa?
 Tama ba ang pagitan ng bawat letra ng salita?
 Paano mapagaganda o mapaaayos ang
sulat?

Mahalagang sundin ang mga pamamaraan sa


pagsipi upang maging malinis, maayos, at maganda
ang sulat. Nakakatulong din ang mga ito upang
madaling mabasa ang mga salita.

Sipiin nang wasto ang mga salita gamit ang


tamang linya sa papel na may tamang layo ang
bawat letra.
1. ama
2. tahanan
3. Mang Carding
4. Nena 5. paaralan

31
Sipiin sa sulating kuwaderno ang sumusunod na
pangngalan.
1. bulaklak 4. botika
2. kambing 5. upuan
3. Dan

Sa pagsipi ng mga salita, dapat may wastong


pagitan ang mga letra ng bawat salita.

Isulat ang T kung tama ang ipinahahayag ng


pangungusap sa pagsipi ng wasto at maayos ng
mga salita, M naman kung mali.
1. Gamitin nang wasto ang mga guhit sa papel.
2. Isulat ang letra ng salita nang may wastong
pagitan.
3. Burahin ng laway ang maling naisulat.
4. May tamang istrok ang pagsulat.
5. Dapat may wastong hugis at anyo ang mga
letra kapag sinusulat.

32
A. Isulat ang pataas-paikot na linya sa kuwaderno.
Sundan ang modelo sa ibaba.

B. sulat ang pataas-paikot na linya sa kuwaderno.


Sundan ang modelo sa ibaba.

33
Aralin 3: Maglibang at Magsaya
sa Piling ng Pamilya

Isulat ang wastong letra sa sagutang papel.


1. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng
wastong damdamin sa sinasabi?
“Bakit kaya hindi dumating si Tatay sa aking
kaarawan?”

A. B. C. D. E.
2. Piliin ang tamang bilang ng pantig sa salitang
masaya.
A. 1 B. 2 C. 3
3. Alin ang tamang pagpapantig sa salitang
pasyalan?
A. pas-yal-an B. pas-yala-n C. pas-ya-lan
4. Alin sa mga salita ang karaniwang ngalan o
pambalana?
A. mag-aaral B. Armando Reyes C. IIog Pasig
5. Alin sa mga salita ang may maling baybay?
A. dekorasyon B. dekoration C. dikorasyon

Basahin ang sagutang liham ng magpinsang


Mary Ann at Nilo.

34
Brgy. Dawis, Gasan
Marinduque
Mayo 10, 2012

Mahal kong Mary Ann,

Kumusta na kayo nina Ninang Cynthia


at Ninong Christopher? Nabagot kami sa kahihintay
sa inyo noong Mahal na Araw. Bakit hindi kayo
nakarating? Naghanda pa naman si Nanay ng
paborito mong leche flan at halayang ube. May
ipauuwi rin sana kaming masarap na suman sa inyo.
Ano nga ba ang nangyari at hindi kayo nakarating?

Hindi ninyo tuloy napanood ang pagdiriwang


ng Moriones. Sana nakita ninyo si Longhino. Siya ang
sundalong nanakit sa Poong Hesus nang ito’y
mapako sa krus.

Ibinili pa naman kita ng maskara. Sa pagpunta


na lang ninyo rito ko ibibigay saiyo. Salamat
sa ipinadala mong kard noong kaarawan ko.
Sulatan mo ako agad, ha.

Nagmamahal,
Nilo

35
Talipapa, Novaliches
Lungsod ng Quezon
Hunyo 20, 2012

Mahal kong pinsang Nilo,

Nanghihinayang ako at hindi kami nakarating


sa inyo. May mahalagang nilakad sina Nanay at
Tatay. Pero alam mo ba pinsan, nagpunta kami sa
Lukban, Quezon noong Mayo 15. Nakita ko ang
makukulay na mga bahay na nagagayakan ng
mga kiping. Yari sa bigas ang mga ito na may iba’t
ibang kulay. May iba’t ibang hugis din ang mga ito
na nagsisilbing palamuti ng mga tahanan, kasama
ang iba’t ibang produktong dito ginawa o kanilang
inaani.

Alam mo pinsan, ang sasarap ng mga kakanin


doon. Sana matikman mo rin. Ikumusta mo na
lamang ako kina Tita Weng at Tito Willie.

Nagmamahal,
Mary Ann

Sagutin ang mga katanungan kaugnay ng


binasang mga liham.
 Sino ang magpinsan sa kuwento?
 Bakit sumulat si Nilo kay Mary Ann?
 Ano ang ipinagdiriwang sa Marinduque?

36
 Ano ang atraksiyon ng Lukban, Quezon?
 Magbigay ng mga katangian nina Mary Ann at
Nilo.
 Kung ikaw si Nilo, ano ang magiging damdamin
mo dahil hindi nakarating ang iyong inaantay?

Maraming pagdiriwang ang isinasagawa sa


ating bansa. Nakatutulong ang mga ito sa
pagpapanatili ng ating kulturang Pilipino.
Nakapagpapatibay rin ang mga ito ng
pagsasamahan at pag-uunawaan ng marami.

Piliin sa loob ng kahon ang damdaming


ipinapahiwatig ng pahayag. Isulat sa sagutang
papel.

pagkatuwa pagkainip paninisi


pagkahiya pagkagalit

1. “Bakit mo iniwan ang nakasalang na sinaing?


Nasunog tuloy.”
2. “Yehey! Mataas ang nakuha ko sa pagsubok.”
3. “Pasensiya na po. Narumihan ko ang inyong
sapatos.”
4. “Bakit ang taga-tagal nila? Kanina pa ako rito.”
5. “Ilang ulit ko nang sinasabi sa iyo na bawal dito
ang aso.”
37
Ibigay ang damdaming ipinahihiwatig ng
linyang nasa ibaba.
“Maligayang kaarawan, Inay. Masaya po kami
dahil narating pa ninyo ang ika-animnapu’t limang
kaarawan.”
Pangkat 1 - Iguhit Pangkat 3 - Sabihin
Pangkat 2 - Isakilos

May iba’t ibang damdaming nadarama


katulad ng natutuwa, nagagalit, nayayamot,
naiiyak, nalulungkot, nasisiyahan, at iba pa.
Mahalagang alamin ang iba’t ibang
damdamin.

Tukuyin ang damdaming ipinahihiwatig


ng bawat linya. Piliin ang letra ng wastong sagot.
Isulat sa sagutang papel.
A. B. C. D. E.

1. “Ang dami! Ayoko na.”


2. “Ang tataas ng mga marka ko. Tiyak
matutuwa si Nanay.”

38
3. “Naku! Walang ilaw. Ang dilim ng paligid.”
4. “Hu! hu! hu! Ang sakit ng ngipin ko.”
5. “ Bakit kaya hindi ako isinama ni Ate sa parke?”

Ang pamilya de los Reyes ay naninirahan


sa Masbate. Malapit sa baybay dagat ang kanilang
tirahan kaya’t sagana sila sa yamang dagat.
Marami ang mga puno ng bakawan sa baybayin.
Dito madalas pumunta ang magkapatid na Zeny
at Zoren. Nanghuhuli sila ng mga isda at alimango.
Paborito kasi ang mga ito ng kanilang
mga magulang na sina Aling Mila at Mang Albert.
Kapag walang pasok sa eskuwela,
nakaugalian na ng magkakapatid na magmasid
ng mga ibong nagliliparan. Naghahabulan sila
sa baybaying may puting buhangin. Kung minsan
pati kanilang kaibigan ay nakikipagpiknik
sa kanilang lugar.
Ang lolo at lola nina Zeny at Zoren ay nakatira
naman sa malawak na lupain sa Masbate.

39
Ang kalahati nito ay natatamnan ng mga puno
ng niyog na pinagkakakitaan ng kanilang lolo
at lola ng kabuhayan.
Kapag pumupunta ang magkapatid
kina Lolo Bindoy at Lola Genia, ipinaghahanda
sila nito ng sinampalukang manok.
Minsan naman, sila ay ipinagluluto ng bulalo
sa kanilang pag-uwi, pinababaunan pa sila
ng karamelado na gawa sa gatas ng kalabaw
na gustong-gusto ng magkapatid.

 Bakit sagana sa yamang dagat ang pamilya


 de los Reyes?
 Ano-ano ang yamang dagat na makikita rito?
 Ano-ano ang maaaring gawin sa baybaying
dagat?
 Paano pinalilipas ng magkapatid ang oras
 kapag walang pasok?
 Ikaw, ano ang iyong ginagawa kapag walang
pasok?
 Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa
kuwentong binasa?

Mahalaga ang oras. Dapat gamitin natin


ito nang kapaki-pakinabang. Maglaan ng oras
para sa pamilya. Maglibang at magsaya kasama
ng mga mahal sa buhay.
40
Kopyahin ang tsart sa kuwaderno. Pantigin ang
sumusunod na salita mula sa kuwentong binasa.

Salita Pagpapantig Bilang ng mga


pantig

eskuwela
kalahati
manok
niyog
pinaghahanda

Gawin ang sumusunod na gawain.


mag-anak almusal tumutulong dinidilig
maaga tubig kasambahay alaga
Unang Pangkat - Isulat nang papantig ang mga
salitang nasa loob ng kahon.
Ikalawang Pangkat - Ipalakpak ang mga
salitang pinantig ng unang pangkat.
Ikatlong Pangkat - Sabihin ang bilang ng pantig
ayon sa pagpalakpak na ginawa ng unang
pangkat.
Ikaapat na Pangkat - Bigkasin ang mga salitang
nasa loob ng kahon.
41
Natutukoy ang bilang ng pantig ng salita sa
pagpapantig. Ang pagpapantig ay wastong
paghahati o paghihiwalay ng mga pantig ng salita.
Nakatutulong ang pagpapantig sa tamang
pagbigkas at pagbaybay ng mga salita.

.
Pantigin ang sumusunod at isulat ang bilang ng
pantig sa dulo mga salita. Isulat sa kuwaderno.
1. kapaligiran 3. paaralan 5. tandaan
2. tahanan 4. pasalubungan

Tagpo: Sa palengke. Namimili sina Mang Andoy at


Aling Precy ng regalo para sa kaarawan ni Mona.
Mang Andoy: Huwag mong kalimutan ang
paboritong laruan ng bunso mo
baka magtampo na naman iyon.
Aling Precy: Ay, naku, una sa listahan ang manika
niyang si Mona. Ewan ko nga ba kung
bakit nahilig sa pagkolekta ng
mamahaling manika ang bunso mo.
Bibilhan ko rin siya ng stuff toys na pusa
at daga.
42
Mang Andoy: Bayaan mo na. Tuwing kaarawan
lang naman niya nadadagdagan ang
kaniyang koleksiyong manika. Ano
naman ang bibilhin mo kay Andy?
Aling Precy: Pantalong Jack Empoy at t-shirt.
Maliliit na kasi ang mga polo at
pantalon niya.
Mang Andoy: Magmadali ka sa pagpili. Marami ng
tao dito sa palengke. Mahihirapan na
tayong umuwi. Dadaan pa tayo sa
simbahan.

 Anong pagdiriwang ang pinaghahandaan


ng mag-asawang Andoy at Aling Precy?
 Ano-ano ang balak nilang bilhin para kay
Mona? Kay Andy?
 Ano ang mararamdaman mo kung bibigyan
ka ng regalo?
 Kung ikaw ang magbibigay ng regalo, anong
regalo ang iyong ibibigay?
 Paano ipinakita ng mag-asawa ang kanilang
pagmamahal sa mga anak?
 Magbigay ng mga pangngalan ng tao, bagay
hayop at lugar mula sa kuwento.

43
Iguhit sa malinis na papel kung paano mo
ipinapakita ang iyong pasasalamat sa iyong mga
magulang sa pagmamahal na kanilang ibinibigay.

Punuin ang tsart ng mga salita mula sa talaan


ng mga karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop,
pook, o lugar.

Tao Bagay Hayop Pook o Lugar

ospital bundok magulang


kaibigan baka plasa
radyo plato jacket
kambing pambura pamilihan

44
Pangkatin ang mga karaniwang ngalan ng tao,
bagay, hayop at lugar. Ilagay sa tamang supot.
Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3 Pangkat 4

Tao Bagay Hayop Lugar

tinidor bahay tiyo paso guwardiya


papel kotse lungsod paaralan tsinelas
unggoy kumot kalabaw dagat gagamba
sapa sabon kuwarto bato pinsan

Ang karaniwang ngalan ay nakaklasipika


ayon sa kategoryang tao, bagay, hayop, pook,
o lugar.

Isulat ang tsek (√) kung ang pangkat ng mga


salita ay karaniwang pangngalan at ekis (x) naman
kung hindi.
45
1. ama ina anak
2. pusa kalabaw Muning
3. palengke simbahan palaruan
4. lapis Mongol ruler
5. guro pulis Bb. de Leon

Mahilig maglaro ang batang si Vina sa kanilang


bakuran. Marami siyang laruan tulad ng manika,
lutu-lutuan, puzzle, laruang computer, at iba’t ibang
hugis na gawa sa kahoy . Pinapahalagahan niya
ang lahat ng kaniyang gamit . Binabalik niya ang
mga ito sa kabinet nang malinis at maayos
pagkatapos laruin. Isa siyang masinop na bata kaya
naman tuwang -tuwa ang kaniyang magulang.

 Sino ang batang mahilig maglaro?


 Ano-ano ang kaniyang mga laruan?
 Paano niya binibigyang halaga ang kaniyang
mga laruan?
 Ano ang katangian ng batang si Vina?
 Kung ikaw ay may laruan, paano mo ito
iingatan?

46
Sabihin ang Oo kung tama ang ipinahahayqg
at Hindi naman kung hindi. Hintayin ang hudyat ng
guro.
1. Ilalagay ko sa tamang lalagyan ang mga laruan
pagkatapos kong gamitin.
2. Paglalaruan ko ang aking laruan hanggang
sa masira.
3. Iiwanan ko sa bakuran ang aking mga laruan.
4. Lilinisin ko ang aking mga laruan bago at
pagkatapos maglaro.

Basahin ang mga pangungusap.


Piliin at isulat ang mga salitang may maling
baybay.
1. Pumunta ang mag-anak sa parkiy.
2. Kumain sila ng maiis, pritong manok, at leche
flan.
3. Nilagyan ng tatay ng palaman ang tinanapay.
4. Namili sila ng makukulay na zenelas bago
umuwi.
5. Sumakay ang mag-anak sa buss.

47
Hanapin at iwasto ang salitang may maling
baybay sa pangungusap.
1. Ang aking goruo ay si Gng. Melany B. Ola.
2. Binigyan kami ng kapitbahay ng tsokoulati.
3. Nagtakbuhan ang mga bata sa pallaroan.
4. Isang suprresa ang pagdating ng ama.
5. Matamis ang hinog na manga na binigay ni
Lola Ason.

Mga pamamaraan sa pagtukoy ng maling


baybay sa pangungusap.
1. Basahing mabuti ang pangungusap.
2. Tingnang mabuti ang mga salita dito.
3. Suriin ang mga letrang bumubuo sa bawat
salita upang makita ang pagkakamali.
4. Iwasto ang salitang mali ang baybay at
basahing muli ang pangungusap.

48
PIliin ang salitang may maling baybay sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Marami akong natanggap reigalo noong
nakaraang pasko.
2. Uminom ng maraming tubbigg upang
maiwasan ang sakit.
3. Pumunta sa siembahan sina Lolo at Lola.
4. Malaowak ang aming sa lupain sa Masbate.
5. Malamig ang sourbetes na kinain namin.

A. Isulat ang mga letrang may pailalim na kurba.


Sundan ang modelo sa ibaba.

49
Aralin 4: Ang Batang Uliran,
Laging Kinalulugdan

Piliin ang letra ng tamang sagot.


1. Si Aling Rosa ay mamimili sa palengke. Ang
salitang may salungguhit ay pangngalang
nagbibigay ngalan sa ______.
a. hayop b. bagay c. tao
2. Alin sa mga sumusunod ang tanging ngalan ng
bagay?
a. bag b. Mongol c. lapis
3. Alin sa mga salita ang nagpapakita ng kayarian
ng pangngalan na may katinig-patinig?
a. itlog b. araw c. keso
4. Anong kayarian ang unang pantig ng salitang
akda?
a. P b. KP c. PK
5. May mahabang pagsusulit si Emma sa Filipino.
Hindi siya nakapag-aral nang nakaraang gabi
dahil nanood lamang siya ng telebisyon.
Marahil siya ay ____________________.
a. makakapasa sa pagsusulit
b. hindi papasok sa paaralan
c. hindi makakapasa sa pagsusulit

50
Ang Paanyaya

Linggo ng hapon habang nanonood ng


telebisyon si Nora, tumunog ang telepono.
Lani : Hello! Magandang hapon. Sino po
sila?
Jackie : Hello! Si Jackie ito. Nandyan po ba si
Lani?
Lani : Si Lani ito. Bakit ka napatawag?
Jackie : Nais kitang anyayahan bukas sa aking
kaarawan. Isama mo na rin ang bunso
mong kapatid.
Lani : Sige, umasa ka na pupunta kami.
Jackie : Maraming salamat. Aasahan kita.

 Sino ang tumawag sa telepono?


 Ano ang mahalagang mensahe niya para kay
Lani?

51
 Paano ipinakita ni Lani ang pagiging magiliw
niya sa pakikipag-usap sa telepono?
 Kung ikaw si Lani, dadalo ka rin ba? Bakit? Bakit
hindi?
 Kung ikaw naman si Jackie, iimbitahan mo rin
ba ang iyong mga kaibigan sa iyong
kaarawan? Bakit? Bakit hindi?
 Paano nag-usap ang magkaibigan sa
telepono?
 Anong magagalang na pananalita ang
ginagamit natin sa pakikipag-usap sa
telepono?

Isulat ang Tama kung wasto ang ipinapakita sa


paggamit ng telepono at Mali kung hindi wasto.
1. Sinisigawan ko ang aking kausap kapag hindi ko
gustong makipag-usap.
2. Masaya kong sinasagot ang tawag sa telepono.
3. Binabagsakan ko ng telepono ang tumatawag
sa akin.
4. Hindi ko ibinibigay ang tawag para sa aking ate
at kuya.
5. Inililista ko ang iniiwang impormasyon ng
tumatawag na hindi para sa akin.

Basahin ang usapan sa telepono. Piliin sa loob


ng kahon ang wastong sagot sa patlang.

52
anuman Maraming salamat Hello!
Maaari Pakisabi
Marie : _______! Sino po sila?
Mark : Hello! Si Mark ito. _______ ko bang makausap
si Angelo?
Marie : Si Marie po ito. Wala po si Kuya Angelo. May
ipagbibilin po ba kayo?
Mark : ________ dalhin niya ang kaniyang bola
bukas? Maglalaro kami ng basketbol pagkatapos
ng aming klase.
Marie : Iyon lamang po ba ang bilin ninyo?
Mark : Oo, iyon lamang.___________, Marie.
Marie : Wala pong _________.

Humanap ng kapareha. Bumuo ng usapan sa


telepono gamit ang isa sa mga sitwasyon.
1. Nais mong magtanong sa iyong kaklase tungkol
sa inyong takdang aralin dahil ikaw ay lumiban
nang araw na iyon.
2. Tumawag ang kaklase ng ate mo. Wala ang
ate mo. Nais ipagbilin ng tumawag na
manghihiram siya ng aklat sa Filipino.
3. Tumawag ka sa iyong guro upang sabihing
liliban ka dahil may sakit ka.
4. Tumawag ang iyong kaibigan upang imbitahan
kang maglaro sa kanilang bahay.

53
Narito ang ilang dapat tandaan sa paggamit
ng telepono.
1. Gumamit ng magagalang na pananalita sa
pagtawag at pagsagot ng telepono.
2. Maging mahinahon sa pagsasalita at panatilihin
ang katamtamang lakas ng boses.
3. Huwag ibagsak ang telepono bago at
pagkatapos gamitin.
4. Isulat sa papel ang mahahalagang
mensaheng nais ibilin ng tumawag.

Buuin ang usapan sa telepono gamit ang


ibinigay na sitwasyon.
Tumawag si Angel sa kaniyang nanay.
Magpapasundo siya nang maaga dahil masakit ang
kaniyang tiyan. Kumain kasi siya ng sorbetes sa labas
ng paaralan.
Nanay : Hello! Sino po sila?
Angel : Ako po ito, si Angel. ____________________.
Nanay : Ganoon ba? Ano ba’ng kinain mo at
sumakit ang tiyan mo?
Angel : ___________________________________.
Nanay : Sige, hintayin mo ako diyan.
Angel : ___________________________________.
Nanay : Bye!
Angel : ___________________________________.

54
Aa Bb Cc Dd Ee Ff
/ey/ /bi/ /si/ /di/ /i/ /ef/

Gg Hh Ii Jj Kk Ll
/ji/ /eych/ /ay/ /jey/ /key/ /el/

Mm Nn Ññ NGng Oo Pp
/em/ /en/ /enye/ /enji/ /ow/ /pi/
Qq Rr Ss Tt Uu Vv
/kyu/ /ar/ /es/ /ti/ /yu/ /vi/
Ww Xx Yy Zz
/dobolyu/ /eks/ /way/ /zi/

 Ilang letra ang bumubuo sa Alpabetong


Filipino?
 Paano binibigkas ang bawat letra ng
alpabeto?
 Ilan sa mga letra ang patinig? Ano-ano ito?
 Ilan sa mga letra ang katinig? Ano-ano ito?

Ang kaalaman natin sa pantig ay mahalaga


sapagkat ito ay pundasyon sa ating pagkatuto sa
pagbasa.

55
Tukuyin ang kayarian ng pantig. Isulat sa
sagutang papel ang P kung Patinig, KP kung Katinig-
Patinig, PK kung Patinig-Katinig.
1. 2. 3. 4. o 5. in
ta lu si
u ta

6. at 7. ur 8. a 9. ik 10. u
u
ta ta a o u
m
a o u
m
o o u
m
o o ta
m
Gamit ang malakinga kahon, punan
o ang tsart
m kayarian. Gawin ito sa kuwaderno.
ayon sa kanilang
a o
u
u as a ro o i
u
as pi a om o ga
ok u to o ma
e
a o
u ni bo at
o
Patinig u Katinig- Patinig Patinig-Katinig
o
1. u 1. 1.
2. u 2. 2.
3. u 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

56
Ang salita ay binubuo ng katinig at
patinig. Tinatawag itong pantig. May iba’t
ibang kayarian ang pantig tulad ng P
para sa patinig, KP para sa katinig-patinig,
at PK para sa patinig-katinig.

Kilalanin ang kayarian ng pantig na may


salungguhit sa mga salita. Isulat ang P, KP, o PK sa
sagutang papel.
1. 2. 3. 4. 5.
kasama isda araw gabi kusa

6. 7. 8. 9. 10.
para aklat ulap usbong aso

Ang Halamanan ni Helen


Si Helen ay masipag na bata. Ang kanilang
halamanan ay nasa kanilang bakuran sa Kalye
Maharlika. Alagang-alaga niya ang kaniyang tanim
na mga gulay at mga bulaklak. Napakaganda ng
kaniyang mga rosas at mga sampagita. Tamang-

57
tama na gawing kuwintas at ipagbili kay Gng.
Flores,ang may–ari ng tindahan ng mga bulaklak.

Isang umaga, nagising si Helen na sirang-sira ang


kaniyang halamanan. Nakatumba ang mga puno
ng mga bulaklak. Wala ng dahon ang mga
gulay.Nalungkot si Helen. Isang misteryo sa kaniya
ang nangyari. Nag-imbestiga si Mang Rodel, ang
tatay ni Helen. Inikot niya ang paligid ng bakuran.
Pinuntahan din niya ang likod bahay at kulungan ng
mga hayop.Nakita ni Mang Rodel ang mga bakas
ng mga paa ng kambing sa buong paligid. Sa hindi
kalayuan ay nakita niya si Goryo, ang paborito
alagang kambing ni Helen.

A. Sagutin ng Tama o Mali batay sa binasang


kuwento.
 Mahilig magtanim ng halaman si Helen.
 Nagising si Helen na maraming bunga ang
kaniyang mga gulay.
 Tinulungan si Helen ng kaniyang ama sa
paghahanap ng dahilan ng pagkasira ng
halamanan.
58
 Hindi nila natuklasan ang totoong dahilan ng
pagkasira ng halamanan.
 Dahil masipag si Helen, muli niyang aayusin
ang mga halaman.
Sagutin ang mga tanong:
 Anong mga salita ang may salungguhit sa
kuwento?
 Paano isinulat ang unang letra ng salitang
may salungguhit.

Iguhit sa sagutang papel ang masayang mukha


 kung tama ang gawain at malungkot na mukha 
kung mali.
1. Nagtatanim ako ng mga halaman at bulaklak
sa aming bakuran.
2. Pinapakain ko ang aking mga alagang hayop.
3. Pinipitas ko ang mga bulaklak upang
paglaruan.
4. Binubunot ko ang mga halamang hindi
namumulaklak.
5. Dinidilig ko araw-araw ang aming mga tanim.

Piliin at isulat ang tanging ngalan ng tao,


bagay, hayop, at pook o lugar sa kahon.

59
Pilipinas relo doktor
bata Nelia G. Cruz
Mongol sapatos ospital
damit pamilihan parke
Muning ibon ate

Punan ang tsart ng angkop na tanging ngalan


ng tao, bagay, hayop, at pook o lugar.
Tao Bagay Hayop Lugar
1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2.
3. 3. 3. 3.
4. 4. 4. 4.
5. 5. 5. 5.

Ang tanging ngalan ng tao, bagay, hayop,


lugar, o pook ay tinatawag ding pangngalang
pantangi. Ito ay ngalang pantawag sa
tiyak na ngalan. Ito ay nagsisimula sa malaking
letra.
Hal. tao – Edward hayop – Tagpi

60
Hanapin sa pangungusap ang tanging ngalan
ng tao, bagay, hayop, o pook.
1. Ang mag-anak ay nagbakasyon sa Tagaytay.
2. Si Doktor Santiago ay manggagamot ng mga
hayop.
3. Madaldal ang aking alagang Myna.
4. Tahimik ang Barangay Maligaya.
5. Leevans ang tatak ng bago kong sapatos.

A. Ang pagsulat ng mga malalaking letra ng


alpabeto ay naaayon sa iba’t ibang guhit tulad
ng paibabaw na kurba.

B. Magsanay sumulat ng mga malalaking letra na


may paibabaw na kurba.

Basahing muli ang kuwentong “ Ang


Halamanan ni Helen”

61
 Ano ang nangyari nang malaman ni Helen
na nakawala si Goryo?
 Sa palagay mo, sino ang sumira ng
halamanan ni Helen?
 Dahil paborito niya ang alagang kambing ,
sasaktan ba niya ito?
 Ano kaya ang gagawin ni Helen sa kaniyang
halamanan?
 Ano kaya ang gagawin ni Helen sa kulungan
ng kambing?
 Ano naman ang gagawin niya upang hindi
na masira ang mga halaman kung sakaling
may muling may nakawalang hayop?

Iguhit ang kung dapat gawin at kung


hindi dapat gawin. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
1. Maging masaya at tanggapin ang hindi
magandang nangyari.
2. Umiwas sa mga tao.
3. Maging masipag at masayahin.
4. Magmukmok sa isang tabi at umiyak.
5. Muling simulan ang gawain.

62
Hulaan ang susunod na mangyayari sa
sumusunod na sitwasyon.
1. May butas na ang bubong ng bahay nina Aling
Nena. Hindi niya ito naipagawa sa kaniyang
asawa. Isang araw, bumuhos ang malakas na
ulan.
2. Sabay-sabay na tumigil ang mga sasakyan
nang maging pula ang ilaw trapiko. Naglakad
na ang mga tao. May isang matanda na
mahina na at mabagal lumakad.
3. Masayang nakikipaglaro si Carlo ng basketbol
sa kaniyang mga kaibigan. Hindi niya napansin
ang balat ng saging sa lugar na kaniyang
pinaglalaruan.
4. May isang pasahero na nakaiwan ng bag sa
taxi. Nalaman ng tsuper na may laman itong
pera. Nakakita siya ng pangalan at tirahan ng
may-ari ng bag.
5. Sobra ang pagkain ni Marco ng kendi at
matatamis. Ayaw niyang kumain ng kanin at
mga lutong ulam sa bahay.

Iguhit sa sagutang papel ang susunod na


mangyayari sa kuwentong binasa.

63
Isang Sabado, naglalaro si Lito sa tabing-ilog.
Tinawag siya ng mga kalaro at niyayang maligo
sa ilog.
Umuwi ng bahay si Lito upang magpaalam sa
kaniyang tatay. Hindi siya pinayagan dahil malakas
ang ulan at lumalakas ang agos ng tubig. Hindi
pinakinggan ni Lito ang sinabi ng ama at naligo pa
rin siya kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Ang panghuhula sa maaaring kalabasan


o susunod na mangyayari ay maaaring gawin
ng sinumang nakikinig , nanonood, o bumabasa.
Magagawa ito kung nauunawan ang
nakapaloob sa kilos o gawain sa isang sitwasyon.

Iguhit sa sagutang papel ang hula mo sa


susunod na mangyayari.
1. May dalang mainit na sabaw sa mangkok si
Aling Cora. Habang naglalakad, natapilok siya.
2. May sakit si Abigail. Ayaw niyang uminom ng
gamot na reseta ng doktor.
3. Gabing-gabi na ay nanonood pa rin ng
telebisyon si Jared. Pinatutulog na siya ng ina
ngunit ayaw niyang sumunod.
4. Naglalakad araw-araw si Daniel sa pagpasok
sa paaralan. Itinatago niya ang perang dapat

64
ay pamasahe niya. Nais kasi niyang makaipon
upang makabili ng bagong sapatos.
5. Maaga pa lamang ay gising na si Aling Lolita.
Dala-dala na niya ang basket patungong
palengke. Gusto
niyang makapili ng mga sariwang isda at gulay
na iluluto niya para sa tanghalian.

A. Ang pagsulat ng mga malalaking letra ng


alpabeto ay naaayon sa iba’t ibang guhit tulad
ng mga letrang may dalawang kurba .Pag-
aralan ang sumusunod at subuking gawin sa
iyong kuwaderno.

B. Magsanay sumulat ng mga malalaking letra na


may dalawang kurba gamit ang modelo sa
itaas.

65
Aralin 5: Magulang ay Mahalaga,
Dapat Inaalala

Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ang nakatitiyak ay kapareho rin ngsalitang
_____.
a. nakasisiguro c. naka-iiyak
b. nakakaalam
2. Punan ng angkop na salita upang mabuo ang
diwa ng pangungusap.
Mayayabong ang mga _____ sa kabundukan.
a. halaman b. puno c. tanim
3. Piliin ang angkop na timeline sa pagbabago ng
nagaganap sa buhay ng isangtao.

a.

b.

c.

66
4. Ayusin ang mga salita upang mabuo ang
pangungusap.

sa tuwa napaiyak Nanay si


a. Si Nanay napaiyak sa tuwa.
b. Napaiyak si Nanay sa tuwa.
c. Sa tuwa napaiyak si Nanay.
5. Ano ang kahulugan ng salitang nagagalak?
a. naiiyak b. nanunulak c. natutuwa

Sorpresa kay Nanay

Sabado ng umaga, naisipan ni Tatay


na ipasundo si Nanay kay Tiya Maring. Ginawa niya
iyon upang makapaglinis kami ng bahay
at makapagluto. Walang kamalay-malay si Nanay
na mangyayari ang isang sorpresa sa kaniyang

67
kaarawan. Habang wala si Nanay,gumawa si Kuya
ng imbitasyon. Ako naman ang inutusan niyang
mamigay nito. Samantala, sina Ate at Tatay
ang nagluto. Tanghali na ay wala pa rin sila
sapagkat nais naming makauwi siya ng hapon
upang pagdating niya ay handa na ang lahat.
Sumapit ang hapon at isa-isa nang nagdatingan
ang mga panauhin. Dumating na rin si Nanay at Tiya
Maring. Laking gulat ni nanay nang makita niya ang
mga pagkain at mga panauhin. Napaiyak si Nanay
sa tuwa at sa sorpresa naming inihanda sabay
sabing “Maraming salamat sa inyong lahat”.

 Sino ang may kaarawan?


 Bakit naisipan ng tatay na ipasundo ang
nanay?
 Paano nila inihanda ang sorpresang kaarawan
ng ina?
 Ano kaya ang naramdaman ng nanay nang
malaman ang sorpresa?
 Kung ikaw ang anak sa kuwento, tutulong ka
rin ba sa paghahanda? Bakit?Bakit hindi?
 Ano-anong paghahanda ang ginawa ng
 mag-aama para sa kaarawan ng ina?

68
Ang pag-alala sa mahalagang araw ng mga
magulang ay tanda ng pagpapahalaga at
pagmamahal natin sa kanila. Huwag natin silang
lilimutin at alagaan natin sila sa kanilang pagtanda.

Gawin ito sa sagutang papel. Isulat ang mga


paghahanda na ginawa ni Lina sa pagpasok sa
paaralan. Muling ikuwento gamit ang timeline.
Mga Paghahanda sa Pagpasok sa Paaralan
_______ ________ ________ _______ _______

Gawin sa sagutang papel. Iguhit ang mga


pagbabagong nagaganap sa isang maliit na buto.
Isalaysay sa klase ang nabuong timeline.

69
Dapat itala ang mahahalagang detalye para
madaling maulit ang mga ito. Maaaring gumamit
ng mga organizer tulad ng timeline para hindi
malimutan ang mahahalagang datos.

Gumawa ng isang timeline tungkol sa mga


gawain ni Jason sa buong araw.
Mga Gawain ni Jason

_____________________

_____________________

_____________________

_____________________

Muling basahin ang kuwentong “Sorpresa kay


Nanay.”

70
Sabihin kung tama o mali ang mga pahayag
batay sa kuwentong binasa.
 Naisipan ni Tatay na patulugin si Nanay.
 Walang alam si Nanay sa sorpresang aming
inihanda.
 Gumawa si kuya ng imbitasyon.
 Nagluto si Nanay ng pagkain.
 Natuwa si Nanay sa sorpresa namin.

Isulat ang tsek(/)sa sagutang papel kung tama


ang gawain at ekis(x) kung mali.
1. Mahina akong magsalita dahil nahihiya ako.
2. Nagsasalita ako nang maayos at malinaw.
3. Nagsasalita ako nang puno ang aking bibig.
4. Pasigaw kong sinasabi ang aking sagot.
5. Mahinahon kong sinasabi ang nais kong
ipabatid.

Punan nang angkop na salitang may P, KP,at PK


upang mabuo ang pangungusap. Hanapin ang sagot
sa loob ng kahon.
1. Malakas ang __________ at hangin dahil sa bagyo.
2. Mabilis __________ ang mga kabayo.

71
3. Sumisikat ang __________ sa silangan.
4. Mataas ang lipad ng __________ sa kalawakan.
5. Ang mga bata ay masayang __________ sa ilog.

ulan araw ibon


naliligo tumakbo kambing

Pumili ng 3 salita at gamitin ito sa


pangungusap.
napaiyak gumawa isa-isa
umaga bisita ipasundo
bahay kaarawan kasama

Ang anyo ng pantig na P,KP, at PK na


nakabubuo ng salita ay nagagamit sa
pangungusap.

Ayusin ang mga salita upang mabuo ang


pangungusap.

1. si Liza bata mabait na ay


2. sikat ng araw mainit ang
72
3. palengke sasama ako sa
4. gusali matataas ang mga sa Makati
5. ay bata ang mataba

Dapat Mong Malaman

Nanay Rowena : Mapalad kayo mga anak,


Marami kayong karapatan.
Lino : Totoo po ba,Nanay?
Nanay Rowena : Aba! Pagkasilang pa lamang
ninyo ay may karapatanna
kayo. Una, dapat kayo
ay mabigyan ng pangalan.
Dapat kayong magkaroon
ng tirahan, kasuotan,
at pagkain.
Mang Romy : Kaya nga ako’y hindi
makatigil sa pagtatrabaho.
Kasi nais naming kayong
mapag-aral at mapagtapos.
73
Tintin : Maraming salamat Nanay at
Tatay. Kaya naman po kami
ay nagsisikap ding tumulong
sa inyo.
Wilma : Pangako po, kapag
nakatapos na kami ng pag-
aaral ay kami naman ang
bahala sa inyo ni tatay.
Nanay Rowena : Mga anak, ang makita
Kayong maligaya ay sapat
nasa amin ng inyong ama.
Mang Romy : Wala ng pinakamagandang
handog sa magulang kundi
ang lumaki ang mga anak na
may pagmamahal sa
magulang, sa kapwa, at sa
Diyos.
Lito : Asahan po ninyo, hindi
namin kayo bibiguin.

 Sino-sino ang nag-uusap?


 Tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan?
 Bakit daw hindi pa tumitigil si Mang Romy
sa kaniyang trabaho?
 Paano tinutupad ng mga anak ang kanilang
tungkulin?
 Ikaw, paano mo tutuparin ang iyong tungkulin
bilang anak sa iyong mga magulang?

74
 Paano ginamit sa pangungusap ang
karaniwang ngalan?
 Paano ginamit sa pangungusap ang
tanging ngalan?

Maraming karapatang tinatamasa ang bawat


kasapi ng pamilya. Dapat pahalagahan ang mga
ito ng bawat isa. Nararapat magsikap ang mga
magulang upang matugunan ang
pangangailangan ng mga anak. Dapat
namang isagawa ng mga anak ang kani-kanilang
tungkulin sa mga magulang at sa bawat miyembro
ng mag-anak.

Gamitin nang wasto ang mga pangngalan


sa pangungusap.

1. Maynila 4. bahay
2. nanay at tatay 5. inahin at tandang
3. paaralan

75
Gumawa ng pangungusap tungkol sa
pinapakita ng larawan.

Upang matiyak na wasto ang gamit ng


pangngalan sa pangungusap, kailangan ang
kaalaman sa mga pangngalang pambalana
at pantangi, nagagamit ang angkop na pananda
at nauuri ayon sa kasarian.

Ayusin ang mga salita upang mabuo ang


wastong diwa ng pangungusap.

76
1. doktor magaling si na ginoong Reyes ay
2. magbantay maaasahang si Tagpi
3. aking bag Essos ang tatak ng
4. Lungsod Quezon maunlad lugar na ang
5. Pasko Pilipinas Masaya ang sa

A. May iba’tibang istrok ng pagsulat ng malalaking


letra ng alpabeto. Ilan sa mga letrang ito ay
cane letters gaya ng N, Ñ, NG, M, H, K.

B. Magsanay sumulat ng malalaking cane letters.

77
Muling basahin ang “Dapat Mong Malaman.”

 Nararanasan mo ba ang mga karapatang


binanggit sa diyalogo?
 Ginagawa mo ba ang nabanggit na tungkulin
ng mga kabataan sa diyalogo?
 Ano-anong salita sa diyalogo ang di-pamilyar
bagong salita para sa iyo?
 Ano ang iyong ginagawa para malaman ang
kahulugan ng di-pamilyar o bagong salita?

Mahalagang maiugnay ang mga salitang


di-pamilyar o bagong salita sa ating karanasan
upang higit na maunawaan at maging
makabuluhan ang pagbibigay ng kahulugan
sa salita.

78
Alamin ang kahulugan ng di-pamilyar na salita
sa pamamagitan ng pagkukuwento ng iyong
karanasan na may kaugnayan dito.
pagkasilang tungkulin handog
karapatan maligaya

Humanap ng kapareha.
Pag-usapan ang salitang di-pamilyar at iugnay
ito sa sariling karanasan. Iulat sa klase ang
napagkasunduang kahulugan. Gawing gabay ang
tanong sa pagtalakay.
1. maalalahanin
Kailan mo binati ang iyong mga magulang
sa kanilang kaarawan?
2. mapagparaya
Paano ka nagging mapagparaya?
3. pag-ibig
Paano mo ipinapakita ang iyong pag- ibig
sa iyong mga magulang?
4. maligaya
Naging maligaya ka ba noong huli mong
kaarawan?

79
Ang mga salitang di-pamilyar o bagong salita
ay maaaring matukoy ang kahulugan kung
naiuugnay ito sa sariling karanasan.

Ibigay ang kahulugan ng salitang di-pamilyar


gamit ang pamatnubay na tanong upang
maiugnay ito ninyo sa sariling karanasan.
1. nababahala - _______________________________
Nababahala ba ang iyong ina kapag ikaw
ay may sakit?
2. malinamnam - _______________________________
Malinamnam ba ang luto ng nanay mo?
3. matayog - ________________________________
Matayog ba ang iyong pangarap sa paglaki
mo?
4. mapanganib - ________________________________
Mapanganib ba para sa iyo ang maglaro sa
gitna ng kalsada?
5. huwaran - ________________________________
Paano ka naging mabuting huwaran sa iyong
mga nakababatang kapatid?

80
Ang pagsulat ng mga malalaking letra
ng alpabeto ay naaayon sa iba’t ibang guhit tulad
ng pahilig na letra. Ilan sa mga ito ay P, B, R.
Sulatin ang mga ito gamit ang modelo.

81
Aralin 6: Pamamasyal ay Kasiya-siya,
Kapag Pamilya ang Kasama

Sagutin ng Tama o Mali ang bawat tanong.


1. Ang kaliwa, kanan, itaas, at ibaba ba ay
pangunahing direksiyon?
2. Salita ba ang mabubuo sa pagsasama-sama ng
mga pantig?
3. Ang panandang si at sina ba ay para
sa pangngalang pambalana?
4. Ang panandang ni at nina ba ay para
sa pangngalang pantangi?
5. Ang talahulugan ba ay bahagi ng aklat?

Higanteng Ferris Wheel

82
“Wow!” Ang una kong nasabi nang pumasok
kami sa tarangkahan ng parke. Ito ang unang beses
na pumasyal kami rito. Kasama ko sina Nanay, Tatay
at ang bunso kong kapatid na si Lani.
Kaagad kong niyaya si Tatay na sumakay sa
higanteng ferris wheel. Gustong-gusto namin ni Lani
na sumakay roon.
Lumapit si Tatay sa tagapagbantay para
itanong kung nasaan ang ferris wheel.
“Lumakad nang diretso. Pagdating sa roller
coaster, lumiko sa kanan. Lakad uli nang diretso
hanggang sa carousel. Lumiko sa kaliwa at naroon
ang higanteng ferris wheel,” sabi ng
tagapagbantay.
Nagpasalamat si Tatay. Kapit ang mga kamay
namin ni Lani, pinuntahan na namin nina Nanay at
Tatay ang ferris wheel.
“Wow! Ang ganda at ang laki ng ferris wheel,”
sabay naming sinabi ni Lani.
Bumili si Tatay ng mga tiket para sa aming apat.
Nang umikot na ang ferris wheel, kitang-kita ko
ang buong parke mula sa itaas. Mas malakas na
“Wow!” ang aming nasambit.

 Saan pumasyal ang mag-anak?


 Ano ang gustong-gusto nilang sakyan?
 Paano nila narating ang ferris wheel?
 Ano-anong salita ang binilugan sa kuwento?
83
 Ano kaya ang naramdaman ng mag-anak
nang sumakay sa ferris wheel?
 Ikaw ang papasyal sa parke, ano ang
sasakyan mo? Bakit?
 Ikaw, paano kayo nagsasama-sama ng inyong
pamilya?

Sabihin kung Palagi mong nagagawa ang


pahayag. Minsan, kung bihira, at Hindi kung hindi
pa. Hintayin ang hudyat ng guro.
Palagi Minsan Hindi
1. Nasasabi ko nang
malinaw ang
ibinigay kong
panuto.
2. Masaya ako kapag
nasusunod nila ang
ibinigay kong
panuto.
3. Inuulit ko ang
panuto kapag hindi
nila ito nasundan.
4. Nasasabi ko nang
may katamtamang
lakas ng boses ang
mga panuto.
5. Nasasabi ko nang
may tiwala sa sarili
ang mga panuto.

84
Tulungan si Tetet na makarating sa paaralan.
Gamitin ang mga salitang kanan, kaliwa, at diretso
base sa larawan.

Gamit ang mapa, magbigay ng maikling


panuto sa pagbibigay ng direksiyon. Iulat sa klase
pagkatapos.

85
Unang Pangkat - mula bahay patungong
simbahan
Ikalawang Pangkat - mula palengke patungong
munisipyo
Ikatlong Pangkat - mula bahay patungong
palengke
Ikaapat na Pangkat - mula paaralan papuntang
parke

Sa pagbibigay ng maikling panuto


kailangang maging maayos at malinaw ang
paglalahad.

Gumawa ng maikling panuto kung papaano


ka makakarating sa iyong silid-aralan. Isulat ito sa
sagutang papel.

Basahin ang mga salitang hango sa kuwentong


“Higanteng Ferris Wheel.”
par-ke ka-pa-tid li-kod
gi-lid lu-mi-ko ka-li-wa
ka-may ni-ya-ya u-mi-kot
86
 Ipalakpak ang salitang parke. Ilang palakpak
ang nagawa mo?
 Ano-anong tunog ang bumubuo sa bawat
hati?
 Ano ang tawag natin sa mga pinagsamang
tunog?

Pumili sa loob ng kahon ng tamang kilos na


dapat isagawa ng bawat kasapi ng pamilya.

nag-aaway nagtutulungan
nagtatalo nagbibigayan
may pagkakaisa gumagawa
nakikilahok nagsisigawan

Ano ang mabubuong salita?

1. ka - li - wa = ______________________
2. ka - nan = ______________________
3. i - ta - as = ______________________
4. i – ba - ba = ______________________
5. git - na = ______________________

87
Ano ang mabubuo mong mga salita gamit ang
mga pantig sa loob ng malaking kahon?

ka li so ha rap
nan wa ret git gi
i ba di kod lid
as ko ta Na lu

Mabubuo ang isang salita sa pagsasama-


sama ng mga pantig.

Pag-ugnayin ang mga pantig sa Hanay A sa


Hanay B upang makabuo ng mga bagong salita.
Hanay A Hanay B
1. wa a. nan
2. ka b. kas
3. ta c. ba
4. iba d. as
5. gi e. lid

88
1. Kasama ko sina Nanay, Tatay at ang bunso
kong kapatid na si Lani.
2. Pinuntahan nina Nanay at Tatay ng ferris wheel.
3. Bumili si Tatay ng mga tiket para sa aming
apat.
4. Wow! ang una kong nasabi nang pumasok
Kami sa gate ng parke.

 Ano-anong salita ang may salungguhit sa


pangungusap?
 Ano ang tawag sa mga salitang ito?
 Ano-anong salita ang binilugan sa pangungusap?
 Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Mahalaga ang mga pananda sa pangngalan


upang malinaw na maihatid ang mensaheng nais
ipabatid o sabihin sa kausap.

89
Piliin at isulat ang angkop na pananda sa loob
ng panaklong .
1. Humiram ako ng lapis ( si, ni, kay ) Carmela.
2. Filipino ang pambansang wika ( ng, ng mga,
nina) Pilipino.
3. Mahaba ang buhok ( si, ang, ni) Rosa.
4. (Kay, Kina, Nina) Lolo at Lola ang lumang bahay
na iyan.
5. (Sina, Nina, Kina) Mario at Marco ay kambal.

Hanapin at isulat ang angkop na pananda sa


loob ng kahon upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
1. Nagdala ako ng pasalubong para _____ Diana.
2 Nanalo sa patimpalak ng sayaw ____ Conrado
at Manuel.
3. Maagang pumasok ____ Edna sa paaralan.
4. Maraming bulaklak ang hardin ____ Irma.
5. Ang mga regalo ay para ____ Donna at Elena.

si sina kay nina nina

90
Ang ng/ng mga, ang/ang mga ay ginagamit
sa mga pangngalang pambalana samantalang
ang si/sina, kay/kina, ni/nina ay pangngalang
pantangi.

Isulat ang Tama kung angkop na pananda ang


ginamit sa pagtukoy ng pangngalan at Mali kung
hindi angkop.
1. Mahusay sumayaw ang mga mag-aaral .
2. Si Melba at Tina ay matalik na magkaibigan.
3. Ang mag-anak ay masayang namamasyal sa
parke.
4. Ang pulang bag na ito ay kina Nilo.
5. Ang mga pinggan ay sabay-sabay na nabasag.

A. May iba’t ibang istrok ng pagsulat ng


malalaking letra ng alpabeto. Ilan sa mga ito ay
may buntot kagaya ng J, Y, at Z.

91
B. Magsanay sumulat ng mga malalaking letra na
may buntot.

92
Basahin ang diyalogo.

Nanay: Bakit kanina ka pa hindi mapakali sa


pagkakakupo?
Kiko: Kasi po inay, hindi ko makita ang
takdang-aralin na pinapahanap ng
guro ko.
Nanay : Ano ba ang iyong takdang-aralin?
Kiko: Mga bahagi po ng aklat.
Nanay: Madali lamang iyan. Anong pahina
ba ang sinabi ng iyong guro. Doon ka
lamang tumingin anak.
Kiko: Pahina 20 po.
Nanay: Sige at buksan natin. Heto anak,
nakikita ko na. Pabalat-Pinakatakip
ng aklat. Nilalaman – makikita ang
paksa at pahina ng bawat aralin.
Katawan ng Aklat – makikita ang
buong aralin at mga pagsasanay.
Talahulugan o Glossary ,naglalaman

93
ng mga kahulugan. Indeks, paalpabetong
talaan ng mga paksa o nilalaman ng aklat
Kiko: Salamat nanay, kay bait mo talaga!

 Bakit hindi mapakali si Kiko?


 Ano ang kaniyang takdang-aralin?
 Paano siya tinulungan ng kaniyang nanay?
 Kung ikaw si Kiko, hihingi ka rin ba ng tulong sa
iyong nanay sa paggawa ng takdang aralin?
 Ano-anong bahagi ng aklat na nabanggit sa
diyalogo?
 Bakit mahalaga ang bawat bahagi nito?

Iguhit ang bituin kung tama ang


pamamaraan ng pag-aalaga ng aklat at tatsulok
kung mali.
1. Isinasauli ko ang hiniram kong aklat.
2. Ginugupit ko ang larawan ng hiniram kong
aklat.
3. Inuupuan ko ang aklat.
4. Ginagamit ko ang aklat sa pagsagot sa mga
takdang-aralin.
5. Binabalutan ko ang aklat upang hindi masira.

94
Sabihin ang bahagi ng aklat kung saan makikita
ang halimbawang ipinapakita ng guro.
Hanapin sa ibaba ang sagot.
Pabalat Talaan ng Nilalaman
Katawan ng Aklat Talahuluganan o
Glossary Indeks
1. lumuwa – lumabas
lungsod – siyudad
Aklat sa
2.
Pagbasa
3. Ang Pagong at ang Kuneho
Isang araw . . . . .
4. Yunit I: Ang Aking Sarili . . . . . . . 1
Tunog sa Paligid . . . . . . . 3
5. Panuto . . . . . . 92
Pandiwa . . . . 151

Humanap ng kapareha. Kumuha ng isang


aklat. Sumulat ng isang halimbawa ng bahagi ng
aklat na hinihingi ng bawat bilang.
1. Pabalat ng aklat ______________________
2. Aralin at Pahina ________________________
3. kuwento _______________________________
4. Salita at Kahulugan _____________________
5. Indeks __________________________________
95
Ang aklat ay may iba’t ibang bahagi.
Mahalagang makilala ang iba’t ibang bahagi
ng aklat upang ito ay magamit nang wasto.

1. Pabalat– Ito ang matigas na bahagi


at pinakatakip o damit ng aklat. Mababasa
rito ang pangalan ng aklat, may-akda at
tagapaglimbag.
2. Talaan ng Nilalaman – Dito makikita ang
pahina ng bawat aralin.
3. Katawan ng Aklat – Mababasa ang mga
aralin at mga pagsasanay
4. Talahuluganan o Glossary- ito ay talaan ng
mga salitang binigyan ng kahulugan.
5. Indeks - Ito ang paalpabetong talaan ng
mga paksa o nilalaman ng aklat

Piliin sa loob ng panaklong ang tinutukoy sa


bawat bilang.
1. Pinakatakip o damit ng aklat (Pabalat,
Talahuluganan)
2. Mababasa rito ang mga kuwento, aralin, at
pagsasanay. (Talaan ng Nilalaman, Katawan
ng aklat)

96
3. Dito mababasa ang kahulugan ng mga salitang
di maunawaan. (Talahuluganan, Talaan ng
Nilalaman)
4. Dito makikita ang Paksang Aralin at pahina nito.
(Indeks, Talaan ng Nilalaman)
5. Paalpabetong talaan ng mga paksa (Pabalat,
Indeks)

A. May iba’t ibang istrok ng pagsulat ng maliliit na


letra ng alpabeto. Ilan sa mga letrang ito ay
pailalim na kurba gaya ng e, v, x, c, a, o, a, n,
m, ñ, ng.
B. Magsanay sumulat ng mga maliliit na letra na
may kurba Sundan ang modelo sa ibaba.

97
98
Aralin 7: Sa Oras ng Kagipitan, Pamilya
Ay Nandiyan Lang

Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang


sagot.
1. Ang _____ ng tauhan ay makikilala sa
pamamagitan ng kaniyang kilos, mukha, at
mga salitang sinasabi.
a. anyo b. katangian c. pangarap
2. Si Mang Ben ay isang mekaniko. Ang mekaniko
ay nasa kasariang_____.
a. pambabae c. walang kasarian
b. panlalaki
3. Malakas ang tunog ng trompa. Ang anyo ng
pantig na may guhit ay ____.
a. KP b. KPK c. KKPK
4. Tumatagas ang aming gripo kaya malaki ang
binayaran ni Inay sa tubig. Ang anyo ng pantig
na may guhit ay____.
a. KPK b. KKP c. KKPK
5. Ang suliranin ay laging may solusyon.
a. Tama b. Mali c. Maaari

99
Pakinggan ang kuwentong ito na babasahin ng
iyong guro.
Kuya Ko Yata Iyan!

Si Bimbi ay bunsong anak nina Tatay Greg


at Nanay Lita. Kahit na malakas siyang kumain
ay talaga yatang patpatin ang kaniyang katawan
at mga braso.
Isang Sabado, lumabas si Bimbi upang
makipaglaro sa kaniyang mga kaklase. Sa harap ng
tindahan ng kaniyang ninong, naabutan niyang
naglalaro ng patintero sina Boyet, Letlet, Tintin, at
Maki. Tumbang preso naman ang laro nina Popoy
at Dino. Sumali si Bimbi sa kanilang laro. Noong una,
masaya silang naglalaro at nagtatawanan. Dahil
nga sa patpatin si Bimbi, madalas nananalo ang
grupo niya dahil maliksi ang kaniyang kilos. Hindi ito
100
nagustuhan nina Boyet kaya “Patpat! Patpat!
Hanging malakas, si Bimbi iyong ilipad pataas!”
sigaw at panunukso nito. Nagtawanan nang
malakas sina Lettlet at Maki. Hindi nagsalita
si Bimbi, sa halip siya ay yumuko na lamang
at tumahimik. Patuloy pa rin ang malakas
na panunukso nina Boyet. “Bimbing patpat, katawan
mo’y ililipad, kaya’t ikaw ay humawak nang ‘di
isama ng hangin pataas! Ha! Ha! Ha!”
Maya-maya ay biglang natahimik ang lahat.
Nagulat si Boyet sa matipunong kamay na
pumatong sa kaniyang balikat. “Kuya? Ku….Kuya!
Yehey!” sigaw ni Bimbi. Walang kahit anong salita
ang lumabas sa bibig ni Kuya. Isang matalim na
tingin lamang ang itinapon nito kay Boyet. Hiyang-
hiya si Boyet sa kaniyang ginawa kaya “Patawarin,
mo ako Bimbi hindi na kita tutuksuhin,” sabi ni Boyet.
Sabay umuwi ang magkapatid. Habang daan,
napasigaw si Bimbi sa harap ng tinderang
nakasalubong ng ganito “Kuya ko yata iyan!”


 Sino ang batang tinutukso sa kuwento?
 Bakit siya tinutukso ni Boyet?
 Ano- anong panunukso ang narinig niya?
 Paano tinanggap ni Bimbi ang panunukso ng
mga kalaro?
 Kung ikaw si Bimbi, ipagmamalaki mo rin ba
ang iyong kuya? Bakit? Bakit hindi?

101
 Ano-anong katangian ng bawat tauhan
sa kuwento?
 Paano mo nakilala o nasabi ang katangian
ng mga tauhan sa kuwento?

Sa oras ng kagipitan at pangangailangan, may


pamilyang tutulong at magtatanggol sa atin.

Piliin ang katangian ng mga sumusunod na


tauhan ayon sa kanilang sinasabi.
Inay, ako na po
1. ang magwawalis
sa buong sala.
Kayang-kaya ko
iyon!

a. masipag b. matapat c. mahusay

Kawawa naman
2. po ang matanda.
Maaari po ba
natin siyang
bigyan ng
pagkain, Inay?

a. maawain b. masungit c. maramot

102
Ma’am, may nakita
po akong pitaka sa
ilalim ng mesa, ito po.
3. Baka hinahanap na
po ito ng may-ari.
a. malinis b. matapat c. maawain

Batay sa kuwentong “Kuya ko Yata Iyan!”


magtala at ilarawan ang tatlong tauhan.

Makilala ang katangian ng mga tauhan


sa kuwento sa pamamagitan ng kilos, mukha,
at mga salitang sinasabi.

Piliin ang letra ng wastong katangian ng tauhan


sa bawat sitwasyon.
1. Araw-araw, maagang gumigising si Nanay
Belen. Nagluluto siya ng agahan. Pagkatapos
ay ihahatid sa eskuwela ang mga anak.
a. masinop c. mapagbigay
b. masipag d. matatag

103
2. Palagi na lang nakasigaw si Lito sa kaniyang
mga kapatid. Walang araw na hindi mainit
ang kaniyang ulo kahit wala namang kadahi-
dahilan.
a. magagalitin c. mahinahon
b. matipid d. masipag
3. Araw-araw ay may perang natitira si Lulu mula
sa baong ibinibigay ng kaniyang tatay. Hindi
niya ito basta ginagastos sa bagay na walang
halaga.
a. mahusay c. malakas
b. matipid d. maaasahan
4. Palagi na lang may problema ang pamilya
ni Susan. Kailan lang ay nawalan ng trabaho
ang kaniyang ama. Sumunod naman ay
nagkasakit ang bunso nilang kapatid. Ngunit
kahit nagkaganito, buo pa rin, nagmamahalan,
at nagtutulungan ang buong pamilya.
a. masayahin c. masinop
b. matatag d. matipid
5. “Umalis ka nga sa aking tabi!
Madungis at mabahong bata!”
a. matapobre c. mapagbigay
b. mahinahon d. matapat

Basahin ang mga salitang mula sa kuwentong


“Kuya Ko Yata Iyan!”

104
Nanay malakas braso patpat
kaklase patintero preso halip
grupo hangin tingin sabay

 Ilang pantig mayroon ang mga salita sa


itaas? Pantigin bawat salita.
 Ano-anong pantig ang may salungguhit?
 Ibigay ang letra ng bawat pantig na may
salungguhit.
 Anong kombinasyon ng katinig at patinig
ang inyong nabuo sa pantig na may guhit
sa salitang patpat? preso?

Sa bawat pangungusap iguhit sa papel ang


masayang mukha kung wasto ang gawain at
malungkot na mukha naman kung HINDI.
1. Sumali sa paglalaro sa mga kaklase upang
matutong makisama.
2. Tuksuhin ang isang tao dahil sa kaniyang
panlabas na anyo.

105
3. Huwag na lang kumibo kapag inaaway
o tinutukso dahil maaaring may ibang gumawa
ng pagtatanggol para sa iyo.

Isulat ang KPK, KKP, o KKPK ayon sa pantig o


salita na may salungguhit sa pangalan ng bawat
larawan.

krayola hipon trumpeta

madre ngipin

Sabihin ang anyo ng pantig na may


salungguhit.
1. Nadumihan ang damit ko ng dagta ng saging.
2. Malamig ang klima sa Tagaytay.
3. Nahulog ang plantsa kaya nasira ito.

106
4. Si ate ay natusok ng tinik ng bulaklak na rosas.
5. Makrema ang salad na ginawa ng nanay.

May-iba’t ibang kombinasyon ng mga patinig


at katinig na bumubuo sa anyo o pantig. Naririto
ang mga anyo ng pantig.
KPK-binubuo ng katinig, patinig, at katinig
KKP-binubuo ng katinig, katinig, at patinig
KKPK- binubuo ng katinig, katinig, patinig, at
katinig

Isulat sa sagutang papel ang KPK, KKP, o KKPK


ayon sa pantig o salita na may salungguhit.

trumpeta prinsesa bag

matrapik igrupo suklay

Basahin ang mga pangungusap mula sa


kuwentong “Kuya Ko Yata Iyan.”

107
1. Si Bimbi ay bunsong anak nina Tatay Greg
at Nanay Lita.
2. Sa harap ng tindahan ng kaniyang ninong,
naabutan niyang naglalaro ng patintero sina
Boyet, Letlet, Tintin at Maki, samantalang
tumbang preso naman sina Popoy at Dino.
3. “Kuya? Ku….Kuya! Yehey!” sigaw ni Bimbi.
4. Hiyang-hiya si Boyet sa kaniyang ginawa kaya
“Patawarin mo ako Bimbi, hindi na kita
tutuksuhin,” sabi niya.
5. Habang daan, napasigaw si Bimbi sa harap
ng tinderang nakasalubong ng ganito “Kuya ko
yata iyan!”

 Sino ang bunsong anak sa kuwento?


 Saan naglalaro ang mga bata?
 Sino-sino ang naging kalaro ni Bimbi?
 Bakit tinutukso si Bimbi?
 Bakit dumating ang kuya ni Bimbi?
 Alin sa mga sagot ang pangngalan na
panlalaki? Pambabae?

Sabihin ang inyong damdamin sa pahayag na:

Kuya ko yata iyan!

108
Sabihin ang kasarian ng nasa larawan.

2.

Tukuyin ang kasarian ng mga salita na nasa


talaan.

Pangngalan Kasarian
Barber Panlalaki

Benigno S. Aquino III

Liza Martin

Bumbero

Tiya
Lolo

109
May kasarian ang mga pangngalan.
Kasariang pambabae ang isang pangngalan
kung ito ay tumutukoy sa mga katawagang
pambabae gaya ng nanay, ate, manang, lola,
reyna at iba pa. Kasariang panlalaki naman
ang pangngalan kung ito ay tumutukoy sa mga
katawagang panlalaki gaya ng totoy, kuya, tiyo,
ninong, hari, at iba pa.

Isulat sa sagutang papel ang PB kung ang salita


ay nasa kayariang pambabae at PL kung panlalaki.

1. binata 4. ate
2. kumpare 5. tiyo
3. dalaga

110
Nagmamadali si Sara

Tanghali na nang magising si Sara.


Nagmamadali siya sa paggayak sa pagpasok sa
paaralan. Kaunti na lamang ang kaniyang kinain sa
almusal. Nang sumakay siya sa traysikel, nakalimutan
na niyang hingin ang sukli. Pagdating sa paaralan,
nahihiyang pumasok si Sara sa silid-aralan.
Pinagsabihan siya ng guro na pumasok nang
maaga.
Tapos na ang klase ni Sara. Pauwi na siya nang
mapansing nawawala ang kaniyang perang
pamasahe sa traysikel. Hinanap niya ito sa loob
ng bag. Kinapa rin niya ang mga bulsa ng bag
maging ang bulsa ng kaniyang palda. Hindi niya ito
mahanap. Kinabahan na si Sara. Hindi niya alam
kung paano siya uuwi.
Naisip niyang lumapit sa kaniyang guro. Sinabi
niya ang kaniyang problema. Binigyan siya ng
kaniyang guro ng pamasahe sa pangakong ibabalik
ito kinabukasan. Laking pasasalamat ni Sara sa
kaniyang guro.

111
 Bakit nagmamadali si Sara sa pagpasok?
 Ano-ano ang mga naging resulta ng kaniyang
pagmamadali?
 Kailan niya nalamang nawawala ang
kaniyang pamasahe?
 Paano siya nakauwi?
 Tutularan mo rin ba si Sara nang hindi siya
makauwi?

Ilagay sa sagutang papel ang tsek (/) kung


tama ang gawain at ekis (X) naman kung HINDI.
1. Mag-isip ng magiging solusyon sa suliranin.
2. Umiyak at magmukmok sa kuwarto.
3. Sabihin sa mga magulang upang matulungan.
4. Isipin na laging may solusyon ang lahat ng
suliranin.
5. Hayaan na lamang na hindi masolusyunan ang
problema.

112
Basahin ang sitwasyon at ibigay ang
mungkahing solusyon.

Pagtatanim sa bakuran ang pinagkaabalahan


ng pamilya ni Mang Roy. Namumunga na
ang kanilang mga tanim na gulay. Isang umaga,
nagising sila na putol-putol ang puno ng mga gulay.
Nakawala pala ang kambing ng kapitbahay.
Kayaki ang kanilang panghihinayang sa mga tanim
na nasayang.

Ano ang maimumungkahi mong solusyon sa


mga sitwasyong babasahin?

Ang nakikinig o nagbabasa ng kuwento ay


maaaring magmungkahi ng kaniyang solusyon
sa suliraning narinig o nabasa batay sa
pagkaunawa niya sa kuwento.

113
Isulat ang iyong mungkahing solusyon sa
sitwasyong nasa ibaba.
May takdang aralin si Rosa tungkol sa pagguhit.
Hindi niya alam kung paano ito gagawin.
Kinabukasan na ito ipapasa.

Isulat ang maliliit na letra na i, u, w, s, at r sa


kuwaderno. Sundan ang mga bilang kung paano
isinusulat ang bawat letra.

114
Aralin 8: Aalagaan Ko,
Mga Magulang Ko

Sagutin ng Oo o Hindi ang bawat tanong.


1. Ang mga gamit ba ay di-tiyak ang kasarian?
2. Ang masaya ba ay kasalungat ng malungkot?
3. Ang guro ba ay pangngalang pambabae?
4. Ang salitang plattito ay tama ba ang
pagkakabaybay?
5. Ang pagsunod ba sa panuto ay isang paraan
upang makaiwas sa anumang pagkakamali?

May Sakit Si Ina

115
Mabait at masipag na bata si Trina. Lagi siyang
tumutulong sa mga gawaing bahay.
Isang araw, nagising si Trina na may sakit ang
kaniyang ina. Maaga pa nang pumunta sa trabaho
ang kaniyang ama. Inutusan siya ng ina na bumili ng
gamot. Dali-dali naman siyang sumunod. Alalang-
alala si Trina. Naisip niyang ipagluto ang kaniyang
ina ngunit hindi siya marunong.
“Inay, ipagluluto ko po kayo ng lugaw, ituro
po ninyo sa akin kung paano,”pakiusap ni Trina.
“Naku, maraming salamat, anak”, sabi ng
kaniyang ina.
“Makinig kang mabuti. Una, maglagay ka ng
kalahating takal ng bigas sa kaldero. Sunod naman
ay hugasan mo ang bigas. Pagkatapos ay lagyan
mo ito ng tatlong basong tubig para sa sabaw.
Isalang mo sa kalan at hintaying kumulo. Hayaan
mong kumulo nang sampung minuto. Panghuli,
timplahan mo ng asin kapag luto na,”sabi ng ina.
“Madali lang pala. Hayaan po ninyo, susundin
ko nang maayos ang inyong sinabi,” masayang sabi
ni Trina. Masayang pinanood ng nanay si Trina
habang abala sa pagluluto.
“Maaasahan talaga si Trina,” bulong ng ina.

 Anong uri ng bata si Trina?


 Ano ang nangyari sa kaniyang ina?

116
 Paano niya ipinakita ang pagmamahal sa
kaniyang ina?
 Sa palagay mo, masusundan ba ni Trina ang
panuto na ibinigay ng kaniyang ina?
 Ano kaya ang nararamdaman ng ina ni Trina sa
ipinakita nitong pagmamalasakit sa kaniya?
 Ikaw, paano mo ipapakita ang pagmamahal
mo sa iyong ina?

Isulat sa sagutang papel ang Tama kung wasto


ang ipinapakita na pagmamahal sa mga magulang
at Mali kung hindi wasto.

1. Ipinagluluto ko si Ina kapag maysakit.


2. Tumutulong ako sa mga gawaing bahay upang
mabawasan ang gawain ni Ina.
3. Umuuwi ako nang maaga para hindi mag-alala
sina Nanay at Tatay.
4. Hindi ako pumapasok kapag may sakit si Ina.
5. Ako muna ang nag-aalaga sa aking kapatid
kapag may sakit si Ina.

Ayusin ang mga panuto sa pagluluto ng lugaw.


Isulat ang bilang ng mga pangungusap.

1. Hugasan ang bigas.


117
2. Maglagay ng kalahating takal ng bigas sa
kaldero.
3. Timplahan ng asin kapag luto na.
4. Isalang sa kalan at hintaying kumulo.
5. Lagyan ng tatlong basong tubig para sa sabaw.

Hintayin ang hudyat ng guro sa paggawa.


Unang Pangkat - Gumuhit ng isang malaking araw.
Sa bawat dulo ng sinag ng araw, isulat ang
pangalan ng bawat miyembro ng
pangkat.
Ikalawang Pangkat - Gumuhit ng pitong malalaking
linyang pakurba. Kulayan ito ng pula, kahel,
dilaw, berde, asul, indigo at lila upang
makabuo ng bahaghari. Lagyan ng ulap
ang magkabilang dulo ng bahaghari.
Ikatlong Pangkat - Gumawa ng isang tuwid na pila
mula sa pinakamaliit na miyembro
hanggang sa pinakamalaki. Ipatong ang
kamay sa balikat ng kaklaseng nauuna sa
iyo.
Ikaapat na Pangkat - Maghawak-kamay at bumuo
ng pabilog na posisyon. Awitin ang “Bahay
Kubo” sa saliw ng palakpak.

118
Isang mahalagang kasanayan at
katangian na dapat mong matutuhan ay
ang pagsunod sa panuto. Ito ay mahalaga
upang maiwasan ang anumang
pagkakamali at maging madali ang
paggawa ng mga bagay-bagay.
Narito ang ilang paraan sa pagsunod
sa panuto.
 Makinig at intindihin ang ibinibigay na
panuto.
 Magtanong kung may hindi
nauunawaan.
 Gawin nang maingat ang hakbang-
hakbang na mga gawain at ayon sa
pagkakasunod - sunod sa panuto.

Basahin at sundin ang isinasaad sa panuto.


1. Gumuhit ng isang puno. Isulat sa mga dahon ng
puno ang mga pangalan ng miyembro ng iyong
pamilya.

119
2. Isulat ang buong pangalan sa loob ng kahon.
Bilangin ang mga letra at isulat ang bilang sa
ibaba ng kahon.
3. Gumuhit ng dalawang bundok. Sa pagitan ng
dalawang bundok ay gumuhit ng araw.
4. Iguhit ang paborito mong prutas. Kulayan ito.
5. Isulat ang pangalan ng iyong guro. Gumuhit ng
bituin sa kanan at sa kaliwa ng kaniyang
pangalan.

Basahin ang mga salitang hango sa


kuwentong “May Sakit si Ina.”
sakit Trina gamot trabaho
araw Inay bigas kaldero

 Alin sa mga salita ang may KPK na anyo ng


pantig? Isa-isahin.
 Alin sa mga salita naman ang may KKP na
anyo? Isa-isahin.

Sagutin ang mga sumusunod sa pamamagitan


ng paglalagay ng tsek (/) sa hanay ng iyong sagot.

120
Palagi Minsan Hindi
1. Nakikinig akong
mabuti kapag may
nagsasalita.
2. Inuunawa ko ang
sinasabi ng
nagsasalita.
3. Nagtatanong ako
kapag hindi ko
nauunawaan ang
sinasabi ng
nagsasalita.
4. Natutuwa ako kapag
nauunawaan ko
kaagad ang sinasabi
ng nagsasalita.
5. Pinagsasabihan ko
ang nag-iingay
habang may
nagsasalita.

Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na


mga salita.
1. kuryente 3. prito 5. klase
2. karnabal 4. drama

121
Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na salita
na may KPK at KKP na anyo upang mabuo ang mga
pangungusap.
1. Isang __________ ang layo ng bahay namin
sa paaralan.
2. May pagtitipong ginaganap ngayon sa ______
ng barangay.
3. Mabigat ang daloy ng _________sa lansangan.
4. Nagbigay ako ng _________ sa pulubi.
5. Malalaki ang tanim na _______ni Mang Nardo.

bloke araw plasa


barya trapiko pakwan

Ang pangungusap ay nabubuo sa


pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga
salita at parirala. Ito ay may kumpletong
diwa.

Ayusin ang mga salita upang mabuo ang


pangungusap.

122
1. lumang bisikleta ang ni Kuya ay sira na
2. matalinong ay si Lando bata
3. ang sabon natunaw na
4. ang bayabas masarap na prutas
5. malusog ay laging masigla ang batang

Ang Kambal

Ang Kambal

Sina Dindo at Dante ay kambal ngunit


magkaiba ang kanilang ugali. Mabait at masayahin
si Dindo samantalang si Dante naman ay
matampuhin.
Malapit na ang kanilang kaarawan. Humiling
si Dante ng regalo sa ama.
“Itay, gusto ko po ng robot na laruan sa aking
kaarawan,” sabi ni Dante.
“Naku, anak, wala akong sapat na pera para
ibili ka ng ganoon. Mamasyal na lang tayo at kumain
sa labas,” sagot ng ama.
“Opo, Itay, maganda iyon,” sang-ayon ni
Dindo.

123
Sumama ang loob ni Dante dahil sa sinabi ng
ama. Naging malungkutin si Dante hanggang sa
dumating ang araw ng kanilang kaarawan.
“Huwag ka nang malungkot, Dante,” pang-aalo
ni Dindo. Narito na ang regalong gusto mo. Ibinili kita
galing sa naipon kong pera.”

 Ano ang pagkakaiba ng kambal?


 Bakit sumama ang loob ni Dante sa ama? Tama
ba ito?
 Ano kaya ang naramdaman ni Dante nang
bigyan siya ng regalo ng kakambal?
 Kung ikaw si Dindo, bibigyan mo ba ng regalo
ang iyong kapatid?
 Sino sa kambal ang gusto mo? Bakit?
 Kung ikaw ang may kaarawan, hihiling ka rin ba
ng regalo sa iyong mga magulang? Bakit? Ano
 ang hihilingin mo?

Iguhit ang bituin sa iyong sagutang papel


kung dapat gawin ang isinasaad sa pangungusap
at buwan kung HINDI.

124
1. Isinasali ko sa aking paglalaro ang aking
kapatid.
2. Inaaway ko ang mas nakakabata kong
kapatid.
3. Sinusunod ko ang utos nina Ate at ni Kuya.
4. Tumutulong ako sa mga gawaing sa bahay.
5. Hinahati ko nang tama ang pasalubong ni
tatay para sa aming magkakapatid.

Isulat sa sagutang papel kung di-tiyak o walang


kasarian ang mga pangngalan.
1. manggagamot 2. mamimili 3. bintana
4. aparador 5. manunulat

Sabihin ang kasarian ng mga sumusunod na


pangngalan. Isulat sa iyong sagutang papel ang WK
kung walang kasarian at DT kung di-tiyak.

1. puno 3. guro 5. lapis


2. kaklase 4. Bisita

125
Ang pangngalan ay nakikilala rin ayon
sa iba’t ibang kasarian. Di tiyak ang
kasarian kung di matukoy kung pambabae
o panlalaki ang ngalan.
Ang walang kasarian naman ay mga
pangngalang tumutukoy sa bagay, pook, o
pangyayari.

Isulat ang naiiba sa pangkat.


1. aklat mag-aaral silid papel
2. dalaga sanggol tiya nanay
3. gusali karpintero kahoy haligi
4. pari senador mesa tiyo
5. piloto barko pasahero kaibigan

Basahin muli ang kuwentong ang “Ang Kambal.”

 Ano ang mga salitang may salungguhit sa


kuwentong binasa?
126
 Paano binaybay ang mga salita?
 Tama ba ang pagkakabaybay nito o mali?

Sabihin kung paano iwawasto ang mga maling


gawi sa loob ng silid-aralan.
1. Itinatapon ko ang aking kalat sa basurahan.
2. Tinatapakan ko ang mga upuan at mesa.
3. Ginagamit kong pambura ang aking laway.
4. Sinusulatan ko ang mga mesa at dingding ng
silid-aralan.
5. Idinidikit ko ang bubble gum sa ilalim ng mesa
at upuan.

Basahin at hanapin ang salitang nagpamali sa


pangungusap. Isulat ang tamang pangungusap sa
sagutang papel.
1. Antigo ang plurera sa mesa.
2. Tumaas na naman ang prisyo ng bilihin.
3. Maraming toroso ang tinangay ng baha.
4. Ang poroblema sa basura ay mababawasan
kung magtutulungan.
5. Mabigat ang daloy ng trapiko sa kalasda.

127
Hanapin sa kahon ang wastong baybay ng
mga salitang mali ang pagkakabaybay sa
pangungusap.
preso bloke produkto dragon
plorera produkto blusa
1. Nakalaya na ang presu sa kulungan.
2. Nasa ibabaw ng mesa ang makulay
na plurira.
3. Dalawang bluke ang layo ng sunog
sa aming bahay.
4. Totoo bang may dragun sa Pilipinas?
5. Pinya ang prudukto ng Bukidnon?

Ang mga salitang mali ang


pagkakabaybay ay matutukoy sa
pamamagitan ng mga tunog na bumubuo sa
isang salita.

Isulat ang mga salitang mali ang baybay.


1. Mahal ang kuwentas na ginto.
2. Gamitin mong pangkulay ang krayula.

128
3. Ang kuwarto ko ay malaki.
4. Kumakain ka ba ng protas?
5. May goroto sila sa hardin.

A. Pag-aralang sulatin ang mga letra na l, t, h, k,


b,at d sa pamamagitan ng pagsunod sa mga
bilang ng pagkakasulat ng bawat letra.

B. Magsanay sumulat ng mga maliliit na letra.

129
Aralin 9: Bilin ng Magulang,
Laging Tatandaan

Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra nang


wastong sagot.
1. Ano ang tawag sa damdaming nadarama ng
isang taong nagbabasa?
a. reaksyon b. solusyon c. wakas
2. Ilan ang kailanan ng pangngalan?
a. 2 b. 3 c. 4
3. Ang magkakapitbahay ay nasa anong kailanan
ng pangalan?
a. isahan b. dalawahan c. maramihan
4. Alin sa mga pangungusap ang may gamit ng
salitang binubuo ng KKPK?
a. Masarap ang bayabas na kinain namin.
b. Ang kalabaw ay masipag na hayop.
c. Ang mga produktong saging ay isinakay sa
trak upang dalhin sa bayan.
5. Ang mambabasa ay maaaring magbigay ng
sariling wakas sa kuwentong binasa.
a. tama b. mali c. wala sa pagpipilian

130
Ang Bilin ni Ina

Tuwing Sabado tinutulungan ko ang aking


nanay sa pagtitinda ng ulam. Masarap siyang
magluto kaya dinarayo kami ng mga tao sa aming
maliit na dampa. Si Tatay naman ay drayber ng
trak.
Isang araw, inutusan ako ng nanay na bumili sa
pamilihan. “Kris, bumili ka ng tatlong kilong
kamatis,” sabi niya. “Opo Inay, ubusin ko lang po
itong iniinom kong gatas.”
“Ilagay mo ang pera sa bulsa mo at maraming
tao sa pamilihan,” bilin ng nanay.”Hawakan ko na
lang itong pera,”bulong ko sa sarili.

131
Bitbit ang maliit na timba, sumakay ako sa dyip.
Pagdating sa tindahan, nagulat ako at wala na sa
mga kamay ko ang pera. Kumabog ang aking
dibdib kaya binalikan ko ang kalsadang aking
dinaanan kanina. Ngunit hindi ko nakita ang pera.
Maya-maya’y dumating sina Brando at Brenda.
Ikinuwento ko sa kanila pangyayari .Bigla silang
nagtawanan. “Ikaw talaga Kris, ayan nasa timba mo
lang ang pera,” sabi ni Brenda. “Oo nga, sa susunod
susundin ko na ang bilin ni nanay na ilagay ang
pera sa bulsa,” nakangiting wika niya.

 Sino ang mga tauhan sa kuwento?


 Ano ang ipinabili ng nanay kay Kris?
 Ano ang nangyari sa pera na dala ni Kris?
 Tutularan mo ba si Kris? Bakit? Bakit hindi?
 Ano ang mararamdaman mo kung hindi mo
makita ang pera na ibinigay sa iyo ng iyong
nanay?

Ang pagsunod sa bilin ng magulang ay dapat


ugaliin. Pagiging masunurin ay laging isipin.

132
Piliin ang angkop na reaksyon sa bawat
sitwasyon. Piliin ang hugis na katapat ng iyong sagot.

1. Inutusan si Kris ng kaniyang nanay na bumili ng


sampalok pero uubusin daw muna niya ang
iniinom na gatas.
Susundin agad niya ang utos ng nanay.
Uubusin muna niya ang iniinom na gatas.

2. Pinaalalahan ng nanay si Kris na ilagay ang pera


sa bulsa niya dahil maraming tao sa pamilihan.
Para sa akin, hindi na dapat paaalahanan si Kris
dahil malaki na siya.
Sa tingin ko, gusto ng nanay ni Kris na mag-
iingat siya sa pamilihan.

3. Pinagtawanan ng magkaibigang Brando at


Brenda si Kris.
Hindi dapat, dahil kaawaawa na nga si Kris.
Ang sama naman nila.

4. Napag-isip isip ni Kris na dapat sundin ang bilin ng


ina sa susunod nitong ipapautos.
Dapat lang dahil mali naman talaga ang
ginawa niyang hindi pagsunod sa kaniyang ina.
Tinanggap niya ang kaniyang pagkakamali.

133
Basahin ang talata. Ibigay ang reaksiyon tungkol
dito.
Umaga na, tulog pa rin si Ramon. Napuyat siya s
a paggawa ng proyekto para sa asignaturang
Filipino. Nakahanda na ang lahat ng mga gamit niya
sa pagpasok. Pinuntahan siya ng kaniyang nanay sa
silid upang gisingin. Dali-daling bumangon si Ramon
at nag-umpisang mag-asikaso ng sarili.

Ang pagbibigay ng reaksyon sa isang


teksto o sitwasyon ay nakasalalay sa
damdaming nadarama ng nagbabasa.

Ano ang naangkop na reaksyon sa sumusunod


na mga sitwasyon? Isulat ang letra ng wastong sagot
sa sagutang papel.
1. Ikaw ang napiling sumali sa patimpalak
sa pagguhit. Alam mong may mas magaling
pa sa iyo sa pagguhit.
a. Sasali pa rin ako dahil ako ang napili.
134
b. Sasabihin ko sa guro na may isa kaming
kaklase na mas magaling sa akin sa
pagguhit.
2. Nanonood ka ng paborito mong palabas
sa telebisyon nang dumating ang iyong tatay
at hiniling na ilipat ang estasyon sa basketbol.
a. Sasabihin ko sa tatay na maghintay
na matapos ako sa panonood bago ko
ilipat ang estasyon.
b. Pagbibigyan ko ang tatay na ilipat ang
estasyon sa palabas na basketbol.
3. Nais mong sumama sa pamimili ng iyong nanay
ngunit pinagbabantay ka sa nakababata mong
kapatid.
a. Isasama ko na lang si bunso sa palengke.
b. Aalagaan ko na lang si bunso.
4. Nakatanggap ka ng regalo na laruang kotse
noong Pasko pero mas gusto mo ay laruang
eroplano.
a. Paglalaruan ko na lang ang laruang kotse.
b. Ibibigay ko ito sa kuya ko dahil paborito
niya ang laruang kotse.
5. Mabait at matalinong bata si Lito. Paminsan-
minsan binibigyan niya ng baon ang kaniyang
kaklase na si Ramon.
a. Mag-aaral akong mabuti para maging
katulad din ako ni Lito.
b. Bibigyan ko rin ng pagkain ang kaklase
kong walang baon.

135
Muling basahin ang kuwentong “Ang Bilin ni
Ina.”

 Ano-anong salita sa kuwento ang may


salungguhit?
 Sabihin ang unang pantig ng mga salita.
 Ano-anong letra ang bumubuo sa mga pantig
na drayber?trak? Kris? dyip?

Sa anumang paligsahan at palaro, may nanalo


at may natatalo.Magsilbing inspirasyon sa iba kung
ikaw ay nanalo. Sikaping maging matatag at
tanggapin nang maluwag sa kalooban kung ikaw ay
natalo.

Ayusin ang mga salita upang kabuo ng isang


makabuluhang pangungusap.

136
1. ang drayber tatay ko ay
2. trak Naghakot ng basura ang
3. Kris si isang magandang ay babae
4. napuno ang dram ng tubig
5. ibinigay na premyo Malaki ang.

Gamitin sa pangungusap.
1. plantsa 6. premyo
2. dyip 7. Glenda
3. krus 8. brilyante
4. trumpeta 9. grado
5. prinsipe 10. presyo

Ang pangungusap ay nabubuo ng


pinagsama samang salita at parirala. Nagsisimula
ito sa malaking letra at nagtatapos sa tuldok.

137
Piliin sa loob ng kahon ang wastong salita
upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang
tamang letra sa sagutang papel.
1. Nanalo ako sa patimpalak sa pagguhit kaya
binigyan ako ng ________________.
2. Tumaas ang ___________ ng mga gulay dulot ng
Bagyong Pablo.
3. Ang paborito kong instrumento ay ____.
4. Sumakay kami ng ___ papuntang paaralan.
5. ____________ang tawag sa anak ng reyna.

prinsesa plawta presyo premyo dyip

Basahin ang mga salita.

Isahan Dalawahan Maramihan


kaklase magkaklase magkakaklase
ang guro dalawang guro mga guro
kaibigan magkaibigan magkakakaibigan

138
 Ilan ang tinutukoy sa pangkat A? Pangkat B?
Pangkat C?
 Anong mga pagbabago ng salita ang
napansin mula sa hanay ng isahan hanggang
sa hanay ng maramihan?

Nakatutulong ang pakikinig nang mabuti


upang tayo ay higit na matuto.

Piliin ang pangngalang tumutugon sa kailanan


ng pangngalan na nasa loob ng panaklong.
(dalawahan) 1. Ang magkaibigan ay magkatulong
sa pagtapon ng basura.
(maramihan) 2. Magalang na tinanggap ng mga
tao ang bisita.
(isahan) 3. Ang bata ay matiyagang nag-ayos
ng mga nakakalat na aklat.
(maramihan) 4. Ang manikani Vina ay pinaglaruan
ng magkakapatid.
(dalawahan) 5. Pinuri ni Gng. Aligante ang
magkapareha sa mahusay nilang
report.

139
Isulat ang bilang 1 kung isahan ang kailanan ng
pangngalan, 2 kung dalawahan, at 3 kung
maramihan na may salungguhit.
1. Pupunta ang magkapatid sa paaralan.
2. Dala ng magkakalaro ang kanilang bola.
3. Kakausapin nina Nico at Ted si Gng.Barez
tungkol sa kanilang proyekto.
4. Ang mga tao ay naghihintay ng pagtigil ng ulan.
5. Ang kambal ay magkapareho ng suot o damit.

May tatlong kailanan ang pangalan.


Isahan - iisa ang tinutukoy.
Dalawahan - dalawa ang tinutukoy.
Maramihan - tatlo o higit pa ang tinutukoy.

Isulat sa sagutang papel ang I kung ang


pangngalang may guhit ay isahan, D kung
dalawahan, at M kung maramihan.

1. Ang magkaklase ay parehong nanalo sa


patimpalak.

140
2. Sama-samang nag-aaral ang tatlong
magkakaibigan.
3. Nagdala si Kuya ng tatlong manggang hinog.
4. Si Beny ba ang inyong lider?
5. Ang mag-ate ay masayang naligo sa ilog.

Ang Pangarap ni Ernesto

Sa makitid na kalsada ng Bagong Silang


kadalasang makikita si Ernesto.
Si Ernesto ay galing sa mahirap na pamilya.
Siya ay panganay na anak nina Ginoo at Ginang
Enrico Rosal. Dahil sa kahirapan, madalas siyang
lumiliban sa klase dahil wala siyang baon at kulang
ang kaniyang gamit pampaaralan.
Hindi na lingid kay Ernesto ang kahirapan
kaya naman natuto na siyang tumulong
sa paghahanapbuhay. Pagtitinda ng pandesal
sa umaga at pangongolekta ng basura
ang kaniyang ginawa. Ang kaniyang kinikita
141
ay inihuhulog niya sa alkansiya. Inilalaan niya ito
para sa susunod na pasukan ay makabili siya ng
gamit pampaaralan. Pangarap ni Ernesto na
makatapos ng pag-aaral at maging isang pulis.

 Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


 Anong klaseng bata si Ernesto?
 Ano ang ginagawa niya upang maabot
ang pangarap?
 Kung ikaw si Ernesto ganoon din ba
ang gagawin mo? Bakit?
 Ano ang ginagawa mo para matupad mo
ang sariling pangarap?

Sipag at tiyaga ang susi sa pagtupad ng mga


pangarap sa buhay.

Kung ikaw ang magbibigay wakas sa


kuwento, paano mo ito wawakasan?

142
Bigyan ng sariling wakas ang sumusunod.
Gawing sa sagutang papel.
1. Dahil sa kahirapan, madalas lumiliban sa klase
si Ernesto
2. Natuto si Ernesto na tumulong sa
paghahanapbuhay
3. Marami nang naipong pera si Ernesto sa
alkansiya
4. Nakapag-aral na muli si Ernesto
5. Masipag mag-aral si Ernesto

Ang wakas ng kuwento ay nakabatay sa


mga pangyayari sa kuwentong nabasa o
napakinggan.

Basahin ang kuwento at bigyan ng wakas.


Tuwang-tuwang si Morela sa kaniyang mga
laruan. Iniingatan niya ito palagi. Upang
hindi mawala o masira ibinabalik niya ito sa tamang
lalagyan pagkatapos maglaro. Isang araw,

143
nagmamadali siya. Pupunta ang mag-anak nila
sa kaniyang lolo at lola na nasa Pampanga.
Nakalimutan niyang iligpit ang laruan.

Isulat sa kabit-kabit na paraan ang mga


maliliit na letrang na nasa modelo.

144
145
Aralin 1: Ideya Ko, Sasabihin Ko

Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa


sagutang papel ang Oo kung sumasang-ayon ka sa
pahayag at HINDI kung hindi.

1. Ang ako, siya at ikaw ay halimbawa ba ng


panghalip panao?
2. Ang pangunahing ideya ay matatagpuan ba sa
unahan ng talata?
3. Ang mga ponema ba ay makabuluhang
tunog sa isang wika?
4. Napapangkat ba ang mga salita sa iba’t
ibang kategorya?
5. Madali bang sagutin ang mga tanong
na sino, ano at saan sa binasang teksto?

Ang Matulunging Mag-


Anak

Ang mag-anak na
Reyes ay likas na
matulungin.
Sila ay nasa kalapit
na barangay upang
tulungan

146
ang mga taong nasunugan. Sina Aling Oneng at
Mang Romy ang nagbibigay ng pagkain.
Sina Ben, Tina at Leo ang tumutulong sa pag-
eempake ng mga pagkain na ipamimigay. “Ako na
ang maglalagay sa plastik ng noodles, ” ang sabi ni
Ben.
“Ikaw naman, Tina, ang maglalagay ng mga de
lata. Siya naman ang maglalagay ng mga bigas,”
sabay turo ng dalawang bata kay Leo.

 Sino ang tatlong bata sa kuwento?


 Bakit sila nasa kalapit na barangay?
 Anong uri ng mga bata ang magkakapatid?
Ipaliwanag.
 Ano ang katangiang taglay ng mag-anak?
 Kung may nangangailangan na kapwa,
anong gagawin mo?
 Ano ang pangunahing ideya ng kuwento?
Paano mo ito natukoy?

Ang pakikipagtulungan o pagdamay sa mga


nangangailangan ay pagpapakita ng pagmamahal
sa kapwa.

147
Basahin mo ang talata upang masagot ang
mga tanong pagkatapos nito.

Si Lea
Si Lea ay batang magalang. Sumasagot siya
ng po at opo kapag nakikipag-usap. Humahalik rin
siya sa kamay ng kaniyang mga magulang bago
umalis at pagdating ng bahay. Pinalaki siya
ng kaniyang mga magulang na magalang
at marunong makipagkapwa-tao.
Tungkol saan ang kuwento?
Ibigay ang pangunahing ideya.

Tukuyin ang pangunahing ideya ng mga


talatang mababasa. Isulat ang letra ng tamang
sagot.
1. Si Ella ay may gulayan. Maraming tao ang
natutuwa sa kaniyang gulayan. Kapag may
nakakakita at nanghihingi sa kaniya, ito ay
kaniyang binibigyan. Likas ang pagiging
mapagbigay ni Ella.
a. Ang gulayan ni Ella
b. Ang halamanan ni Ella
c. Ang pagiging mapagbigay ni Ella
2. Likas sa mga Pilipino ang pagiging mahilig
sa musika. Kahit saan ka pumunta makaririnig

148
ka ng mga nag-aawitan sa kanto o mga bahay.
May mga videoke bar din na kung saan
ang mga Pilipino ay nahihilig pumunta upang
umawit. Nabubuklod sila at nagkakaisa dahil
sa pag-awit.
a. Likas sa Pilipino ang pakikinig ng musika
b. Likas sa mga Pilipino ang pag-awit sa kalye
c. Likas sa mga Pilipino ang pagiging mahilig
sa musika.
3. Likas sa mga Pilipino ay pagdadamayan.
Ano mang kalamidad ang dumating sa
kanilang buhay, hindi nila ito sinusukuan bagkus
ay nagtutulungan sila. May problema man ay
hindi nila alintana sapagkat alam nilang lilipas
din ang lahat.
a. Ang Pilipino ay masayahin.
b. Ang Pilipino ay puro problema.
c. Ang Pilipino ay takot sa kalamidad.

Ang pangunahing ideya ang tumutukoy


kung ano ang isinasaad sa talata.
Ito ay sinusuportahan ng mga pangungusap
na nagbibigay ng detalye. Tinatawag
na paksang pangungusap ang pangungusap
na nagpapahayag ng pangunahing ideya.
Kalimitan ito ay nakikita sa unahan
o sa hulihan ng isang talata.

149
Isulat ang pangunahing ideya sa bawat
talata.
1. Si Kim ay may lapis. Ito ay mahaba at matulis.
Ipinahihiram niya ito sa mga kamag-aral na
walang dalang lapis.
2. Kilala ang mga Pilipino sa pakikipagbayanihan.
Nakikita ito kapag may patanim o anihan sa
bukid. Makikita rin ito kapag may handaan
tulad ng kasal o binyag.
3. Ang paglalaro ng basketbol ay kinakikitaan ng
magandang samahan at pagmamalasakitan. Ito
ay kinakailangan upang mapalakas ang kanilang
koponan.

Basahin muli “Ang Matulunging Mag-anak.”

Isulat ang mga salita sa kuwento na katulad


ng salita sa loob ng kahon na may dalawang
pantig.

li + kas = likas

150
Ang pagtulong sa ibang tao ay pagpapakita
ng pagdamay at pag-unawa sa kanilang
kalagayan.

Basahin ang mga salita. Piliin at sipiin ang mga


salitang may dalawang pantig.
1. tinapay keso bola
2. tinik kalabaw bukid
3. aklatan taniman ilog
4. baso kutsara tinidor
5. babae lalaki bunso

Bumuo ng mga salitang may dalawang


pantig gamit ang mga pantig sa loob ng kahon.

Wa lo lis la ka ko si to
Bu tu pu pa ta ma ku tis

Sa pamamagitan ng pagsasama-sama
ng mga tunog ng mga letra nakabubuo
tayo ng mga pantig na nagiging isang
salita.

151
Tingnan ang mga larawan. Punan ng wastong
pantig ang mga patlang upang makabuo ang
ngalan ng bawat isa.

is_____ hi_____ ngi____ ha____ pa____

to pon pin da ri

Basahin ang “Ang Matulunging Mag-anak “

 Sino ang maglalagay ng noodles sa plastik?


 Paano ito sinabi ni Ben?
 Paano naman sinabi ni Ben ang gagawin ni
Tina?
 Anong salita ang ginamit niya?
 Sino ang tinukoy ng mga bata na
magtitimbang ng bigas?
 Anong salita ang ginamit bilang pamalit sa
pangalan ng tauhan?

152
Ang pagtulong sa kapwa ay pakikipagkapwa-
tao.

Isulat ang wastong panghalip panao para sa


pangngalang may salungguhit.
1. Ang guro ay pipili ng magiging kalahok sa
paligsahan. (Ako, Siya, Ikaw)
2. “Ilang taon ka na Bel?” tanong ng guro.
“___ ay pitong taong gulang.” (Ako, Siya,
ikaw)
3. Sinabi ng guro kay Bel, “____, ay sasali
sa paligsahan. “ (Ikaw, Ako, Siya)
4. “Hindi ____ po tatanggihan ang nais ninyo.”
(ko, mo, ka)
5. “Salamat at hindi tinanggihan ni Bel____ ang
alok ko. (ko,mo, ka)

Magbigay ng limang pangungusap gamit.


ang panghalip panao.

153
Ang ako, ikaw, siya, akin, mo, ko, kaniya,
niya, at kita ay mga panghalip panao.
Ito ay mga salitang panghalili sa ngalan ng tao.
Ang ako, akin at ko ay tumutukoy
sa nagsasalita. Ang ikaw, mo, at kita
ay tumutukoy naman sa kinakausap at ang
siya, niya at kaniya ay tumutukoy sa pinag-
uusapan.

Lagyan ng wastong panghalip panao ang


patlang.

_____ kaya ang


______ si Lorena, _____ ba ang bagong guro
bago naming natin?
pitong taong
kapitbahay?
gulang.

154
Guhitan ang angkop na panghalip panao
sa pangungusap.
1. (Siya, Ka, Mo) ang aking guro sa Filipino.
2. Tulungan (ko, mo, siya) ang nangangailangan.
3. (Ko, Niya, Ako) ay nasa ikalawang baitang.
4. Hawakan (siya, ako, mo) ang malamig na yelo.
5. Hindi (siya, ako, ko) nabasa ang aklat.

Dapat Tandaan sa Pagsulat


1. Hawakan nang maayos ang lapis.
2. Iayos ang sulatang papel sa desk.
3. Magsulat mula pakaliwa-pakanan.
4. Isulat ang mga salita nang may tamang espasyo
ng mga letra at nang pantay-pantay sa guhit.

 Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat?


 Bakit dapat sundin ang mga paalalang ito?

Mahalagang sundin ang mga panuntunan sa


pagsulat upang maging malinis at maayos ang mga
sulating gagawin.

Sipiin ang mga salita:

155
Isulat sa paraang kabit-kabit ang mga salitang
ididikta ng guro.

Isulat ang mga salita nang may tamang


espasyo at pare-parehong laki.

Sumulat ng limang salita sa kuwaderno sa


paraang kabit-kabit.

Isulat ang mga salita sa paraang kabit-kabit.


1. ako
2. ikaw
3. kita

156
Aralin 2: Pangunahing Direksiyon,
Susi sa Lokasyon

Isulat ang Tama sa sagutang papel kung wasto


ang isinasaad ng pangungusap at Mali kung HINDI.
1. Ang doon, malapit, malayo, diyan ay
pangunahing direksiyon.
2. Ang mga salita ay napapantig.
3. Ang kami, tayo at sila ay panghalip panao.
4. Ang pangungusap ay nagsisimula sa malaking
letra at nagtatapos sa iba’t ibang bantas.
5. May apat na pangunahing direksyon.

Masaya ang Tumulong sa Kapwa

Araw ng Sabado,
masiglang naglalaro si
Roy sa kanilang
bakuran na nasa Kalye
Marilag sa kanluran.
May nakita siyang isang
matandang babae na
parang may
hinahanap.
Lumapit si Roy at tinanong ang matandang
babae. Nagpakilala ang babae na siya ay si Gng.

157
Martinez na galing sa Bacolod City. Hinahanap
niya ang bahay ng kaniyang kamag-anak na
malapit sa pamahalaang bayan ng Sta. Fe. Tumigil
si Roy sa paglalaro at tinulungan ang matanda.
Mula sa bahay nina Roy na nasa Silangan ay
dumeretso sila at pagdating sa pangalawang kanto
ay lumiko sila sa kaliwa sa Kalye Aliw at kumanan sa
Kalye Maligaya. Mula sa kanto ng Kalye Maligaya
ay may apat na bahay lang layo ng Pamahalaang
Bayan ng Sta. Fe. Katapat nito ay ang bahay na
hinahanap nila.
Tuwang-tuwa na nagpasalamat si Gng.
Martinez kay Roy. Masayang umuwi si Roy dahil sa
nakatulong siya sa kapwa.

 Sino ang naglalaro?


 Ano ang suliranin ni Gng. Martinez?
 Paano siya tinulungan ni Roy?
 Ano ang katangian ng batang si Roy?
 Saan matatagpuan ang bahay nina Roy?
 Saan makikita ang paaralan ng Sta. Fe?
 Saang direksiyon matatagpuan ang
pamahalaang bayan ng Sta. Fe?
 Saan matatagpuan ang bahay ng kamag-
anak ni Gng. Martinez?

Ang pagtulong sa kapwa ay pagpapakita


ng kabutihan.
158
Gamitin ang mapa sa pagbibigay ng mga
hinihingi.

Ibigay ang direksiyon kung saan makikita :


1. kabahayan 3. pamilihan
2. health center 4. simbahan

Hintayin ang hudyat ng guro sa paggawa.


1. Pumunta sa kaliwa ng iyong katabi.
Anong direksiyon ang iyong kinaroroonan?
2. Pumunta sa likuran.
Anong direksiyon ang iyong kinaroroonan?
3. Pumunta sa kanan ng iyong kaibigan?
Anong direksiyon ang iyong kinaroroonan?
4. Pumunta sa harapan.
159
Anong direksiyon ang iyong kinaroroonan?
5. Pumunta sa labas at sabihin ang nasa kaliwang
bahagi mo.

Ang direksiyon ang magsasabi kung


saan naroroon ang lugar na nais puntahan o
hanapin. Ang apat na pangunahing
direksiyon ay hilaga, timog, silangan at
kanluran.
Ang hilaga ay matatagpuan sa gawing
itaas at ang timog ay nasa may ibaba. Ang
kanan ay silangan at ang kaliwa ay kanluran.

Gamit ang mga direksiyon, ipakita ang mga


sumusunod na lugar sa pamayanan. Isulat sa
kuwaderno.
1. simbahan - hilaga
2. kabahayan - kanluran
3. palengke - timog
4. paaralan - silangan

160
Muling basahin ang kuwentong “Masaya ang
Tumulong sa Kapwa.”

 Ano ang hinahanap ng matandang babae?


 Ano ang ginawa ni Roy matapos malaman ang
problema ng matandang babae ?
 Ano ang ginawa ng matanda dahil sa
pagtulong na ibinigay ni Roy sa kaniya?
 Saan natagpuan ang bahay na kaniyang
hinahanap?

Ang pagpapantig ng mga salita ay


makatutulong sa pagbaybay nito nang wasto.

Pantigin ang mga sumusunod:


1. nalilimutan 4. pamayanan
2. direksiyon 5. nagmamaneho
3. sasakyan

161
Alin ang tama ang pagpapantig? Sabihin ang letra
ng iyong sagot.
1. a. ba–ku–ran b. b–aku–ran
2. a. b–a–b–a–e b. ba–ba–e
3. a. ma-tan-da b. m-a-tan-da
4. a. m-a-la-pit b. ma-la-pit
5. a. di-ret-so b. di-re-tso

Isulat nang papantig ang mga salita.


1. nagpasalamat 4. direksiyon
2. pinag-uusapan 5. pangunahin
3. pagkakasakit

Ang Magkakaibigan
Ako at si Abet ay laging magkasama. Kami ay
magkaibigan. Nagtutulungan kami sa lahat ng
bagay.
Sina Romel, Rodel at Randel ay kaibigan ko rin.
Sila ay kasama ko sa paglilinis ng aming barangay.
Sama-sama kami sa pagwawalis, pagtatanim at
pamumulot ng mga kalat. Pagkatapos naming
maglinis, sinasabi ko sa kanila, “Tayo nang kumain.”

162
At sabay-sabay kami na kakain mula sa inihandang
luto ni Nanay.

 Sino-sino ang magkakaibigan?


 Ano ang ginagawa ng magkakaibigan?
 Ano ang sinasabi ni Abet pagkatapos nilang
maglinis?
 Ano ang tawag sa mga salitang may
salungguhit sa kuwento?

Anumang gawain ay nagiging magaan


kung sama-sama at nagtiutulungan.

Punan ng angkop na panghalip panao ang


mga pangungusap.
1. Sina Danica at Lea ay magsisimba.
__________________ ay magsisimba.
2. Ikaw at ang iyong ate ay maglilinis ng bahay.
_____________________ ay maglilinis ng bahay.
3. Ikaw at ako ay magluluto.
___________ ay magluluto.
4. Si Beth at ako ay maghuhugas ng plato.
_____________ ay maghuhugas ng plato.

163
5. Sina Tina at Bela ay mamimili sa palengke.
_______________ ay mamimili sa palengke.

Gamitin ang mga panghalip panao sa


pangungusap.
sila kayo tayo kami

Ang kami, kayo, sila at tayo ay mga


panghalip panao. Ginagamit ang kami at tayo
kung tumutukoy sa taong nagsasalita at
kaniyang mga kasama. Kayo naman ang
ginagamit sa mga taong kausap ng nagsasalita
at sila sa mga taong pinag-uusapan.

Tukuyin ang panghalip panao na ginamit sa


pangungusap.
1. Naglalaro kami ng basketbol.
2. Sila naman ay maghahanda ng pagkain.
3. Tayo ang mag-aayos ng mga plato, kutsara,
tinidor at baso.
4. Kayo naman ang magliligpit ng pinagkainan.
5. Sabay-sabay tayong aalis papuntang parke.

164
Basahin ang mga salita na nasa kahon.
Si Abet at Ako ay laging magkasama.

Tayo nang kumain.


May kaibigan ba kayong katulad ni Abet?

 Paano babasahin ang pangungusap na nasa


unang kahon? Ang nasa pangalawang
kahon? Ikatlong kahon?
 Paano isinulat ang mga pangungusap?

Sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap,


bigkasin ang mga ito nang malinaw at ng may
tamang bilis, diin, ekspresyon, at intonasyon.

Isulat nang wasto.


1. aalis kami bukas
2. maglinis tayo ng paligid
3. masakit ang ngipin ko
4. sasama ba kayo

165
5. malapit na ang pista

Basahin nang wasto ang mga pangungusap.


1. Aha! Diyan ka pala nagtatago?
2. Hay, aalis na naman si Tatay.
3. Bakit ngayon ka lang dumating?
4. Sino po ang hinahanap ninyo?
5. Maaari bang umupo sa tabi mo?

Ang mga pangungusap ay nagsisimula


sa malaking titik at nagtatapos sa angkop
na bantas.

Isulat muli ang mga pangungusap.


1. namasyal sila sa bukid
2. nakarating ka na ba sa Boracay
3. malungkot ang kaibigan ko
4. nanalo ako sa lotto
5. mamamangka ba kayo

166
Sipiin nang pakabit-kabit ang mga parirala.

167
Aralin 3: Napakinggang Teksto,
Ipahahayag Ko

Isulat sa sagutang papel ang Oo kung ikaw


ay sumasang-ayon at HINDI kung di ka sang-ayon.
1. Maaaring ikuwento ang napakinggang teksto.
2. Ang aw, iw,ay at ey ay mga kambal katinig.
3. Pare-pareho ang mga kambal katinig.
4. Ang ako, siya at ikaw ay mga panghalip panao.
5. May mga salitang magkasingkahulugan.

Si Mang Nardo
Si Mang Nardo ay mahusay mag-alaga
ng manok. Sinisiguro niyang
nabibigyan ang mga ito ng
tamang pagkain. Araw-
araw , lagi niyang
winawalisan at
tinatabunan ng lupa ang
mga dumi ng manok. Ayaw
niyang magreklamo ang
kaniyang mga kapitbahay
na mabaho at marumi ang kaniyang poultry farm.
Pagkatapos maglinis ay nakikinig siya ng drama sa
radyo.
Isang araw, habang siya ay kumukuha ng tubig
sa dram ay nagputakan ang mga manok. Dali-dali
168
siyang nagpunta sa kinalalagyan ng mga manok.
Laking gulat niya sapagkat ang bawat kulungan ng
manok ay maraming itlog. Sa unang kulungan ay
nakakuha siya ng 30 itlog, sa ikalawa ay 20, sa ikatlo
ay 15 at sa ikaapat ay 40 at sa huling kulungan ay
15.
Kinuha niya ang itlog sa bawat kulungan at
inayos ayon sa laki. Nagpatulong siya sa kaniyang
anak. “Itong malalaking itlog ay sa unang tray mo
ilagay. Iyang katamtamang laki ay sa pangalawang
tray at iyong maliliit ay sa ikatlong tray,” sabi ni Mang
Nardo sa kaniyang anak.
Masayang-masaya si Mang Nardo at marami
silang maibebentang itlog sa palengke. Ang ibang
itlog naman ay ibibigay niya sa kaniyang mga
kapitbahay. Hindi nakakalimutan ni Mang Nardo na
ibahagi ang kaniyang mga biyayang natatanggap
sa iba.

 Ano ang dahilan at nagputakan ang mga


manok?
 Bakit masaya si Mang Nardo?
 Ilan lahat ang nakuha niyang itlog? Paano mo
nasabi?
 Bakit kaya marami siyang nakuhang itlog?
 Ano ang posibleng mangyari kung hindi niya
lilinisin ang mga kulungan ng manok?

169
Ang pagbabahagi ng mga bagay na mayroon
tayo maliit man o malaki ay pagpapakita ng
pagiging bukas-palad sa ating kapwa.

Piliin sa loob ng palayok ang salitang


kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap.

dinakip
nagulat
nagtampo
problema
premyo

1. Malaki ang pabuya na makukuha ng mananalo


sa paligsahan.
2. Ang bawat suliranin ay may solusyon.
3. Nagdamdam ang nanay sa hindi pagsunod
ng anak.
4. Ang mga suspek sa krimen ay inaresto ng mga
pulis.
5. Siya ay nabigla sa nangyari sa kaniyang
kaibigan.

Bigyan ng hinuha ang bawat sitwasyon.

170
Unang Pangkat- Namalengke sina Lorna at Fe
maya-maya ay nagkagulo sa palengke.
Ikalawang Pangkat – Nagluluto si Nanay. May
kumatok sa pinto. May naamoy sila sa may kusina.
Ikatlong Pangkat- Namalengke si Nanay. Nang
magbabayad na siya ay wala na ang kaniyang
pitaka.
IkaapatnaPangkat- Tahimik na nag-aaral si Ruben,
maya-maya ay napasigaw ang mga kasama niya sa
bahay dahil sa dilim.

Ang isang salita ay maaaring magkaroon


ng higit sa isang kahulugan.
Ang pagbibigay ng hinuha ay pagbibigay
ng maaring mangyari sa nabasa o
napakinggang teksto.

A. Piliin ang angkop sa bawat sitwasyon.


1. Malalim na ang gabi. Maya-maya aynagtahulan
ang mga aso sa tapat ng aming bahay. May
narinig kaming sumigaw.
a. may bisita
b. may maniningil
c. may Maymagnanakaw
2. Mag-uumaga na nang magkagulo sa kabilang

171
kalye.Inilalabas nila ang kanilang mga gamit.
a. May sunog .
b. May nag-aaway.
c. May dumating na trak ng basura.

3. May makapal at maitim na ulap sa kalangitan.


Maya-maya , lumakas ang hangin.
a. uulan b. aaraw c. kukulimlim

Basahin muli ang kuwentong “Si MangNardo.”

 Ano ang pang-araw-araw na gawain ni Mang


Nardo?
 Paano niya inaalagaan ang kaniyang mga
manok?
 Ano ang naging bunga ng mga ginagawa
niya?
 Ano ang mapapansin sa mga salitang may
bilog sa kuwento?

Tipirin ang tubig.

172
Iugnay ang mga larawan na nasa Hanay A
sa Hanay B. Isulat ang letra ng wastong sagot.

_____ 1. a. dram

_____ 2. b. droga

______ 3.
c. drawer

______4. d. drawing

______5. e. dragon

Gumuhit ng tatlong bagay na may kambal


katinig na dr.

173
Ang kambal katinig ay dalawang
pinagsamang katinig na bumubuo ng tunog.
Halimbawa: ang DR, dram.

Hanapin sa loob ng kahon ang salitang angkop


sa bawat pangungusap.
drayber dribol drama
dram dragon
1. Maingat magmaneho ang tatay kong _____.
2. Mahilig si nanay manood ng _____ sa telebisyon.
3. Magaling si kuya mag ______ ng bola.
4. Ang tubig sa _____ ay mapupuno na.
5. Malaki ang pagkakaguhit ng ______ sa larawan.

Basahin muli ang kuwentong “Si Mang Nardo.”

 Paano inayos ni Mang Nardo ang mga itlog?


 Ano ang salitang ginamit niya sa pagtuturo
kung saan ilalagay ang mga itlog?

174
 Basahin ang bahagi ng kuwento
na ipinaliwanag ni Mang Kardo kung paano
iaayos ng kaniyang anak ang mga itlog.

Ugaliing maging masinop sa lahat ng mga


gawain.

Isulat ang ito, iyon at iyan.

1. ______ ay lapis.

2. _____ ang pinakamalaking


bunga ng mangga.

3. ______ ang gusto kong inumin.

4. _______ ang aking bag.

175
5. _______ ay aklat.

Gamitin sa pangungusap ang ito, iyan, at iyon.

Ang panghalip pamatlig ay mga salitang


pumapalit na panturo sa mga bagay, hayop at
lugar.
Ginagamit ang ito na panturo sa mga
bagay na malapit sa nagsasalita. Ang iyon
ay ginagamit sa mga bagay na malapit sa
kausap ngunit malayo sa nagsasalita.
Ang iyon ay ginagamit sa mga bagay na
malayo sa mga nag-uusap.

Isulat ang panghalip na pambagay na papalit


sa salitang may guhit.
1. Ang hawak ko ay ang paborito kong gulay.
__________ ay petsay.

176
2. Bakit mo inihagis ang bola mo?
Baka mawala ________.
3. Tingnan mo ang bag na hawak ko.
_______ ay bago.
4. Ang ganda ng relo na hawak mo.
_______ ba ay regalo ng nanay mo?
5. Alam mo bang gamitin ang pantasa mo?
_________ aynais ko sanang hiramin.

Basahin ang nasa graph at pag-aralan.

 Ilang itlog ang nakuha ni Mang Nardo sa


unang kulungan? Pangalawa? Pangatlo?
Pang-apat? Panlima?
 Anong kulungan ang may pinakamaraming
itlog?
177
Sa kasipagan nag sisimula ang pag-unlad ng
buhay.

Pag-aralan ang graph. Unawain ang mga


impormasyon at saguting ang mga tanong.

Pagsusulit

1. Ano ang pamagat ng graph?


2. Ilang pagsusulit ang ipinakikita sa graph?
3. Alin-aling pagsusulit ang may parehong bilang?
4. Anong pagsusulit ang may
pinakamababangmarka?
5. Sa anong pagsusulit siya may pinakamataas na
marka?

178
Sagutin ang tanong pagkatapos pag-aralan
ang graph.

1. Ano ang pamagat ng graph?


2. Ilang baiting mayroon sa Gat. Andres Elementary
School?
3. Aling baiting ang may parehong bilangng mag-
aaral?
4. Aling baiting ang may pinakamalaking bilang ng
mag-aaral?
5. Aling baiting ang may pinakamababang bilang ng
mag-aaral?

Ang paggamit ng bar graph at table ay isang


paraan upang madaling maunawaan at
mabigyan ng kahulugan ang mga impormasyon.

179
Basahin at saguting ang sumusunod:

Pangalan ng Baitang
1. Ano ang pamagat ng graph?
2. Aling seksyon ang may pinakamaraming aklat?
3. Aling seksyon ang may pinakamababang
bilang ng aklat?
4. Aling seksyon ang may parehong bilang ng
aklat?
5. Ilang seksyon ang nakatanggap ng aklat?

Isulat ang pangungusap sa paraang kabit- kabit na


may tamang laki at layo sa isat-isa.

180
Aralin 4: Pakikipagkapwa-tao
Sinabi Mo, Ramdam Ko

Sulatin ang Oo sa sagutang papel kung


sumasang-ayon sa pahayag at HINDI kung di
sumasang-ayon.
1. Ang mga salitang okra at drama ba ay
kambal katinig?
2. Ang akin, iyo, kaniya at atin ay mga
panghalip panao ba?
3. Ang kahulugan ba ng mga salitang di pamilyar
ay maibibigay sa pamamagitan ng kasalungat?
4. May mga uri ba ng panghalip panao?
5. Kambal katinig ba ang salitang prutas?

Makinig sa pagbasa ng guro.


Ang Magkaibigan
Sina Ben at Lino ay
magkaibigan. Isang araw
nagkita sila sa palaruan.
Dala-dala ni Lino ang laruang
padala ng kaniyang ama.
Pakinggan natin ang
kanilang usapan.
Ben: Wow! Ang
ganda naman ng laruan mo!

181
Lino: Padala ito sa akin ni Tatay.
Ben: Bakit parang hindi ka masaya? Sabihin mo
sa akin at ako’y makikinig.
Lino: Gusto ko na kasing makita si Tatay. Sa isang
taon pa siya makauuwi. Palagi namin
siyang iniisip at ipinagdarasal.
Ben: Malungkot ka pala. Halika at paglaruan na
lang natin ang mga maliliit na kotseng iyan.
Tingnan natin kung alin sa mga kotseng
iyan ang pinakamabilis.
Lino: Sige, Iyo na ang kotseng pula at akin ang
kotseng asul.
Nag-unahan sa pagkarera ng kotse ang mga
bata.
Ben: Hayan, naging masaya ka na.
Lino: Oo, mag-unahan tayo sa pagkarera ng
kotse.
Ben: Yehey! Tiyak mananalo ako.

 Sino ang magkaibigan?


 Ano ang dala-dala ni Lino sa palaruan?
 Ano ang damdamin ni Ben nang sabihin
niyang “Wow! Ang ganda naman ng laruan
mo?”
 Ano ang sinambit ni Ben sa pahayag ni Lino na
“Gusto ko kasing Makita si Tatay.”
 Paano naipahayag ni Lino ang kaniyang
kalungkutan kay Ben?

182
Ang pagpapahiram ng laruan o anumang
bagay na mayroon ka ay bahagi ng
pakikipagkaibigan.

Makinig sa pagbasa ng guro upang matukoy


ang damdaming ipinahahayag ng bawat
pangungusap.
1. “Hay, umalis na si Tatay patungong Saudi
Arabia matagal na naman bago kami
magkita.”
2. “Yehey, manonood kami ng sine!”
3. Ay! Nawalan ng kuryente.”
4. “Gabi na, bakit nasa lansangan ka pa?”
5. “Naku! Ang dilim-dilim dito. Bakit parang may
matang mapupula sa may dulo ng lagusan.
A. nagulat D. natakot
B. nagalit E. nalungkot
C. natuwa

Ilagay sa sagutang papel ang mga salitang


gulat, tuwa, lungkot na akma sa pangungusap.
1. Yehey! Nanalo kami sa laro.
2. Nawawala ang pitaka ko.
3. Ha! Nasunog ang bahay nila?
183
4. Saan ka nanggaling? Kanina pa kita
hinahanap?

Ang mga pangungusap ay maaring


nagpapahayag ng iba’t ibang damdamin
tulad ng lungkot, tuwa, inis, takot, galit,
panghihinayang at iba pa.

Bilugan ang kahulugan ng salitang may


guhit at ikahon ang damdaming ipinahihiwatig.
1. Napabulyaw at nasabi niya nang malakas “Ay,
kabayo!” dahil sa matinding gulat.
A. panghihinayang C. pagkabigla
B. lungkot
2. Lolobo at lalaki na ang tiyan mo sa sobrang
pagkain.”
A. galit C. tuwa
B. inis
3. “Naku, kinikilabutan at naninindig ang aking
balahibo! Anong lugar kaya ito?”
A. takot B. gulat
C. pagkabigla
4. “Aha! Diyan ka lang pala nagkukubli o
nagtatago. “Ikaw na ang bagong taya.”
A. pagkagulat C. inis
B. tuwa

184
5. “Yehey, tumama at nanalo ng malaking halaga
ang nanay ko sa paligsahan.
A. pagkabigla C. tuwa
B. lungkot

Ang Batang si Prado

Hilig ni Prado ang kumain. Paborito niya ang


pritong manok at iba’t ibang uri ng prutas. Hindi siya
nagtitira ng pagkain sa pinggan dahil alam niyang
maraming bata ang nagugutom.
Isang araw, may bagyong dumating. Umapaw
ang ilog at nasira ang mga bahay dahil sa baha.
Lumikas ang mga tao at tumuloy sa evacuation
center.
Narinig niya ang balita tungkol sa mga nawalan
ng bahay. Hinikayat niya ang kaniyang mga
magulang na tumulong sa mga naapektuhan ng
pagbaha. Nanguna siya sa pagbibigay ng pagkain t
laruan sa mga bata. Lahat ay natuwa sa kaniyang

185
kabaitan. Ipinagmamalaki siya ng kaniyang mga
magulang dahil sa murang edad ay marunong na
siyang tumulong sa kapwa.

 Ano ang hilig gawin ni Prado?


 Paano niya inaalala ang mga batang
nagugutom?
 Anong magandang katangian niya ang
hinangaan ng lahat?
 Ikaw, paano ka tumutulong sa mga
nangangailangan?
 Itala ang mga salitang may salungguhit sa
kuwento.
 Anong kambal katinig ang mabubuo mo sa
sagot na nasa panlima upang ibahagi sa
mga taong nagugutom?

Ang pagbibigay ay isang paraan ng


pakikipagkapwa-tao.

Ikahon ang naiiba sa pangkat. Gawin ito sa


sagutang papel.
1. patas prutas patatas
2. payong pinto prinsipe
3. payo palito presyo

186
4. presko palo pato
5. piso preno pito

Basahin ang kambal katinig na tinutukoy. Isulat


ang sagot sa sagutang papel.
produkto presko prinsesa preno
1. Biglaang paghinto ng sasakyan
2. Kalakal na dinadala sa mga lungsod at
lalawigan
3. Sariwang hangin
4. Napanalunang pera o bagay
5. Anak na babae ng hari at reyna

Ang kambal katinig ay binubuo ng


dalawang magkasunod na katinig. Ito ay
maaaring nasa unahan, gitna at hulihan.
Hal. prinsesa sorpresa kopra

Isulat kung nasa una, gitna o huli mababasa


ang kambal katinig na ginamit.
_____ 1. Sorpresa ____ 4. nagprusisyon
_____ 2. Presyo _____5. produkto
_____ 3. kapre

187
Basahing muli ang kuwentong “Ang Magkaibigan.”

 Saan nagkita ang magkaibigan?


 Kanino napunta ang kotseng asul?
 Paano ito sinabi ni Lino?
 Kanino napunta ang pulang kotse?
 Paano niya sinabi ito?
 Anong uri ng salita ang akin at iyo?
 Kailan ginagamit ang mga salitang nabanggit?

Ang pakikipaglaro ay isang paraan upang


maging masaya ang samahan ng magkaibigan.

Salungguhitan ang panghalip na panao sa


kaukulang paari. Gawin ito sa sagutang papel
1. Huwag mong kalimutang maghugas ng
iyong mga kamay.
2. Naikuha mo ba siya ng pagkain?
3. Ang aking baon ay inihanda na ni Nanay.
4. Ang mga pangangailangan namin ay naibibigay
ng aming magulang.
5. Ang mainit na gatas ay mabuti sa ating
katawan.
188
Pumili ng tatlong panghalip na nasa kahon at
gumawa ng pangungusap ukol dito. Gawin ito sa
sagutang papel.
akin iyo kaniya atin inyo kanila amin

Ang panghalip na pumapalit sa ngalan ng


tao na nagmamay-ari ay tinatawag na
panghalip panao na paari. Ito ay maaaring
isahan o maramihan. Ang akin, ko, atin, natin,
amin at naming ay ginagamit ng taong
nagsasalita. Samantalang ang iyo, mo, inyo, at
ninyo ay ginagamit sa kausap. Ang kaniya, niya,
kanila at nila ginagamit sa pinag-uusapan.

A. Piliin ang tamang panghalip na panao na paari


para sa pangngalang may salungguhit. Isulat
ang sagot sa kuwaderno.
1. Ako si Ben. Pinangangalagaan ni Ben ang
pagkakaibigan nila ni Lino.
mo ko iyo
2. Ikaw si Isabel. Ikaw si Ana. Ang pagkakaibigan
nina Isabel at Ana ay matatag.
namin ninyo natin

189
3. Siya si Lito. Ako si Tonyo. Ang samahan nina Lito at
Tonyo ay parang magkapatid.
namin ninyo natin
4. Ang isipan ng mga kabataan ay dapat na ituon sa
pag-aaral.
nila namin ninyo
6. Sina Elma at Maribel. Ang turingan nina Maribel at
Elma ay parang magkapatid.

Dapat tandaan sa pagsulat:


1. Hawakan ang lapis nang isang pulgada ang
layo mula sa dulo ng daliring hinlalaki, hintuturo at
gitnang daliri.
2. Iayos ang papel sa desk. Ipatong sa bandang itaas
nito ang kanan o kaliwang kamay.
3. Magsulat mula kaliwa-pakanan.
4. Magsulat nang marahan at may tamang diin.
5. Umupo nang maayos sa upuan.

 Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat?


 Bakit dapat tama ang paraan sa pagsulat?
 Sa inyong palagay, gaganda ba ang sulat kung
walang susunding panuntunan?

Sundin ang mga panuntunan sa pagsulat


upang maging maayos at wasto ang pagsulat
at pagsipi.

190
Isulat ang malalaking letra ng Alpabetong
Filipino.

Sipiin ang mga malalaking letra sa paraang


kabit-kabit. Sundan ang modelo sa ibaba.

Hintayin ang ididiktang salita ng guro at isulat ito


sa kuwaderno. Simulan ito sa malaking letra.

Ang mga tiyak na ngalan ng tao, bagay,


hayop ay nagsisimula sa malaking letra.

Magsulat ng limang salita na nagsisimula sa


malaking letra.

191
Aralin 5: Kuwento Mo, Pakikinggan Ko!

Sagutin ng Tama o Mali. Isulat ang sagot sa


kuwaderno.
1. Ang mga kuwento ay muling naisasalaysay sa
pamamagitan ng graphic organizer.
2. Ang krayola ay salitang may kambal katinig na
KR.
3. Ang mga salitang sino,ano, alin,kanino at saan
ay mga panghalip pamatlig.
4. Ang kasalungat ng mariwasa ay mahirap.
5. Magkasing-kahulugan ng salitang marungis ay
mabango .

Si Carlo at Si Felix

Ito si Carlo.Ito naman si Felix. Nakaugalian na ng


magkaibigan na magpunta sa bukid pagkatapos ng
gawaing bahay.
Minsan sa pagdating ni Felix nakita niyang tulog si
Carlo. Maya-maya ay nakakita siya ng malaking

192
ahas sa ilalim ng punong magga at tila tutuklawin
ang kaniyang kaibigan.
Napasigaw nang malakas si Felix.“Ahas!”
“Ahas!”at halos napapikit ang mata ni Felix
samantalang iminulat naman ni Carlo ang kaniyang
mga mata.Dali-daling bumangon si Carlo at sabay
silang tumakbo palayo sa bukid. Pagkatapos ng
pangyayaring iyon, lalong tumibay ang
pagkakaibigan ng dalawa .

Sagutin ang tanong at isulat ito sa graphic


organizer.
 Ano ang pamagat ng kuwento?
 Sino-sino ang mga tauhan?
 Saan ito naganap ?
 Ano ang naging problema sa kuwento?
 Paano na solusyonan ang problema?

Kapag ang problema ay nalampasan mas


tumatatag ang samahan.
193
Basahin ang kuwento at sagutin ang mga
tanong gamit ang graphic organizer.
Si Lito
Si Lito ay batang palasagot. Isang araw,
maagang umuwi mula sa paaralan si Gng. Santos.
Narinig niyang sinisigawan ni Lito ang kasambahay.
Pinagsabihan niya itong pumasok sa kuwarto at
kinausap.Paglabas nila ng silid, pinuntahan ni Lito si
Lita na kasambahay at humingi ng paumanhin.
Ilagay ang sagot sa loob ng graphic organizer.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Saan ito nangyari?
3. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
4. Ano ang naging problema sa kuwento?
5. Paano ito nabigyan ng solusyon ?

194
Makinig sa pagbasa ng guro.Gumawa ng
graphic organizer mula sa teksto at ikuwento sa
klase.
Si Melissa
Malakas ang ulan, habang naghihintay si
Melissa ng dyip ay may isang babaeng dumating na
walang payong. Pinasukob ni Melissa sa payong ang
babae. Hanggang sa pareho na silang nakasakay
sa dyip. Nagpasalamat ang babae sa
kagandahang loob na ipinakita ni Melissa.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
3. Ano–anong nangyari sa kwento?
4. Ano ang naging problema sa kuwento?
5. Paano ito nabigyan ng solusyon?

Ang mga kuwento ay muling naisalaysay


sa pamamagitan ng graphic organizer.

195
Hintayin ang pagbasa ng guro. Gumawa ng
graphic organizer upang makuwento muli ang
teksto.
Pagkakabigkis
Isang araw narinig ni Nanay na nagsisigawan
ang kaniyang mga anak. Lungkot na lungkot siya
kaya naisip niyang bigyan sila ng aral. Pinatawag
niya ang mga ito upang tanggalin ng agiw sa kani-
kanilang kuwarto gamit ang tatlong pirasong
tingting. Nalungkot sila sapagkat hindi lubusang
natanggal ang agiw. Naisip nilang pagsama-
samahin ang mga tingting at magtulong-tulong sa
paglilinis ng bawat silid. Doon nila nakita ang halaga
ng pagsasama-sama.

Unang araw ng Disyembre. Malapit na Ang


Pasko. Tuwang-tuwa si Lea sapagkat may nakita
siyang krismas tree sa kanilang tahanan.Kumuha siya
ng lapis at papel upang ilista ang mga pangalan ng
196
bibigyan niya ng regalo. Pagkatapos, gumawa siya
ng card gamit ang krayola at papel. Isinulat niya
ang nais niya para sa Pasko at isinabit ito sa krismas
tree.

 Ano ang nakita ni Lea?


 Bakit siya tuwang-tuwa?
 Paano niya naipakita ang pakikipagkapwa-
tao.
 Ibigay ang ginamit niyang pansulat sa
paggawa ng card.
 Ano ang tawag sa mga salitang may
salungguhit sa pangungusap?

Ang pagbibigay ng regalo o anumang


bagay ay pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

Kopyahin sa kuwaderno ang ngalan ng mga


larawan at bilugan ang kambal-katinig na makikita
rito.

krus Krismas tree krudo

197
4. krismas card 5. Krayola

Gawin ito sa kuwaderno. Gumawa ng mga


pangungusap mula sa salitang:
krus krudo krismas card krismas tree

Ang kambal katinig ay binubuo ng dalawang


magkasunod na katinig. Ang halimbawa nito ay
ang KR.

Gumuhit ng 5 larawan na may kambal katinig


na KR sa inyong kuwaderno.

198
Sabado, pinagbihis ng nanay si
Mely. Sila ay pupunta sa
pamilihan. Pakinggan natin
ang kanilang usapan.
Nanay: Mely, magbihis ka
Mely: Saan po tayo
pupunta, Nanay?
Nanay: Sa palengke. Bibili
tayo ng ating uulamin.
Mely: Ano po ang bibilhin natin?
Nanay: Bibili tayo ng karne, manok, gulay at isda.
Mely: Alin po ang uunahin natin?
Nanay: Ang isda para makabili tayo ng sariwa.
Mely: Kanino po kayo bibili ng isda?
Nanay: Kay Aling Bebang, suki niya ako sa isda.
Mely: Ganoon po ba! Ilan naman po ang
bibilhin natin?
Nanay: Siguro mga isang kilo. Tayo na at baka
tanghaliin pa tayo sa pamimili. Kailangang
makaluto ako agad upang mabigyan natin
ng pagkain ang mga lolo at lola mo.

 Saan pupunta sina Mely at Nanay?


 Ano-ano ang bibilhin nila?
 Alin ang kanilang uunahin?
 Ilan ang isdang bibilhin nila?
 Kanino sila bibili ng isda?
199
 Ano ang tawag sa mga salitang ginamit sa
pagtatanong?

Naipakikita ang paggalang sa mga matatanda


sa pamamagitan ng paggamit ng “po” at “opo.”

Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang


angkop na salitang pananong sa bawat
pangungusap.
1. Ang mga bata ay mamamasyal.
______________ ang mga mamamasyal?
2. Pupunta sila sa palaruan.
________ sila pupunta?
3. Anim silang pupunta sa palaruan.
________ ang pupunta sa palaruan?
4. Magpapaalam sila sa kanilang nanay upang
payagan.
________ sila magpapaalam?
5. Magdadala sila ng tinapay at tubig upang hindi
sila magutom.
_________ ang dadalhin nila upang hindi sila
magutom?

200
Bilugan ang panghalip pananong sa
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
1. Saan ka pupunta?
2. Ilan kayong magkakapatid?
3. Ano ang iyong gagawin?
4. Kailan ka mamalengke?
5. Kanino mo isasauli ang lapis?

Ang mga salitang sino, ano, alin, kanino,


ilan at saan ay mga panghalip pananong.
Ginagamit ito na pamalit sa ngalan ng tao,
bagay at lugar sa pagtatanong.

Isulat sa sagutang papel ang mga panghalip


pananong na ginamit sa pangungusap.
1. Sino ang kasabay mo pagpasok sa paaralan?
2. Kanino ka nagpapaalam kapag aalis ng
bahay?
3. Ilan ang mga kamag-aral mo?
4. Ano ang baon mo araw-araw?
5. Saan ka nag-aaral?

201
Sina Jack at Jill ay kambal ngunit lagi silang
magkaiba sa damdamin at gawain.
Si Juan at Juana ay kambal rin ngunit
magkapareho sila sa damdamin at sa gawain. Kung
ano ang nais gawin ni Juan ganoon din ang gusto ni
Juana.Kung malakas ang boses ni Jack, mahina
naman ang kay Jill. Si Juan ay matangkad at si
Juana ay mataas rin.Si Jack ay mataas ngunit si Jill
ay maliit. Isang araw naglaro ang dalawang pares
ng kambal. Nanalo sa paligsahan sina Juan at
Juana. Malungkot si Jill ngunit maligaya pa rin si
Jack.Sa kabila ng pagkatalo, kinamayan pa rin nina
Jack at Jill sina Juan at Juana.
Si Juan naman ay tuwang-tuwa at si Juana ay
masayang-masaya rin. Maya-maya ay tinawag na
sila ng kani-kanilang magulang.

Sagutin ang mga tanong gamit ang Caterpillar


Organizer sa pagbibigay ng impormasyon.Ilarawan
sina Jack at Jill at Juan at Juana. Isulat sa loob ng
organizer ang sagot. Gawin ito sa kuwarderno.

202
Juan Juana

Jack Jill

Ang pagigiging isport ay ugaliin kapag


nakikipaglaro.

203
Isulat sa patlang ang MS kung
magkasingkahulugan at MK kung magkasalungat
ang pares ng mga salita.
_____ 1. mataas – mababa
_____ 2. tahimik – payapa
_____ 3. tulak – hila
_____ 4. sigaw – hiyaw
_____ 5. maulan – maaraw

Hintayin ang hudyat ng guro.


A. Hanapin at bilugan ang mga salitang
magkasingkahulugan sa bawat pangunguasp.
Gawin ito sa sagutang papel.
1. Mabigat ang bag ni Joel pero magaan
ang bag ni Lea.
2. Si Ana ay mataba at si Eva ay malusog rin.
3. Malamig sa tagaytay at Baguio.
B. Salungguhitan ang mga salitang
magkasalungat sa bawat parirala.
1. Maalong dagat at tahimik na batis
2. Buntot na mahaba at maikli
3. Hanging malakas at hanging mahina

204
Ang mga salita ay maaaring
magkasingkahulugan o magkasalungat.
Magkasingkahulugan ang mga salita kung
magkatulad o magkapareho ang kahulugan.
Magkasalungat ang mga salita kung magkaiba
o magkabaligtad ang kanilang kahulugan.

Basahin ang pares ng mga salita. Isulat ang MK


kung magkasingkahulugan at MS kung
magkasalungat.
______ 1. tamad-masipag _____4. magaan-mapera
______ 2. dukha-mahirap _____5. Luntian-berde
______ 3. mayaman-mapera

Isulat ang mga maliliit na letra sa paraang


kabit-kabit na
may tamang
laki at layo sa
isa’t isa.
Sundan ang
modelo.
205
Aralin 6: Komunikasyon, Daan
sa Pag-unlad ng Edukasyon

Isulat sa sagutang papel ang Oo kung sang-


ayon ka sa isinasaad na pangungusap at Hindi kung
di naman.
1. Nakabubuo ng bagong salita buhat sa isang
salita sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga
titik nito.
2. Ang masaya at maligaya ay
magkasingkahulugan.
3. Ang mga pangyayari sa kuwento ay dapat
naisasalaysay ayon sa pagkakasunod-sunod.
4. Ang mga pang-ugnay na salita ay magagamit
sa pagsusunod-sunod ng pangyayari sa
kuwento.
5. Ang ito, iyan, at iyon ay panghalip pamatlig na
patulad.

Ang Magkakaibigan at Ang Pulubi

Sabado, nagpaalam ang magkakaibigang sina


Erika, Rico, at Thomas sa kanilang mga magulang na
mamamasyal sa parke. Sa kanilang paglalakad,
napansin nila ang isang batang gusgusin na may
suot na maruming damit.

206
Erica: “Kawawa naman ang bata. Yayain natin
siyang
sumali sa
laro
natin.”
Rico: “Oo
nga.”
Niyaya
nila ang
batang
pulubi na sumama sa kanila sa
pamamasyal at hinikayat na maglaro sa
parke. Nagseesaw sina Erica at Rico
samantalang naghabulan naman sina
Thomas at ang bata.
Sa kanilang pagtakbo, hindi napansin ng bata
ang nakausling bato kaya siya ay nadapa.
Batang pulubi: “Aray! dumudugo ang aking tuhod.”
Ganoon na lamang ang iyak ng bata.
Napalingon sina Erica, Rico, at Thomas at dali-daling
lumapit sa bata. Umuwi ang magkakaibigan sa
bahay ni Erica upang magamot ang sugatang bata.
Ngunit hindi nila alam kung paano ito gagamutin,
nagkataong wala ang kaniyang ina. Naisip ni Erica
na tawagan sa telepono ang kaniyang tiyahin na si
Tiya Beth.
Ganito ang naging takbo ng kanilang usapan.
Erica: “Hello, Tiya Beth si Erica po ito. Kamusta na
po kayo?”
Tiya Beth: “Hello, Erica! Mabuti naman ako. Bakit
napatawag ka?”

207
Erica: “Nagdugo po kasi ang tuhod ng aking
kaibigan, paano po namin siya
gagamutin?”
Tiya Beth: “Una, hugasan ng sabon at malinis na tubig
ang kaniyang sugat. Pangalawa, punasan
ito ng malinis na bimpo. Pangatlo, Lagyan
mo ng Betadine ang sugat. Pagkatapos,
balutan ang sugat ng gasa. Ganyan ang
gagawin mo.”
Erica: “Maraming salamat po, Tiya Beth.”

 Bakit nagpaalam ang magkakaibigang Erica,


Rico, at Thomas sa kanilang mga magulang?
 Sino ang nakita nila sa parke? Ilarawan ang
bata sa parke.
 Ano-ano ang ginawa ng magkakaibigan at ng
bata sa parke?
 Bakit nadapa ang bata? Nangyari na ba ito sa
iyo?
 Paano tinulungan ng magkakaibigan ang
batang pulubi?
 Ayon kay Tiya Beth, paano gagamutin ang
sugat ng pulubi?
 Kung kaibigan mo ang sugatang bata, paano
mo siya tutulungan?

Ang pagsaklolo sa taong humihingi ng tulong


ay gawaing mabuti.

208
Iayos ang mga pangyayari ayon sa kuwentong
binasa sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang
1-5 sa patlang. Gawin ito sa sagutang papel.
_______ Nadapa ang batang pulubi.
_______ Nagpunta ang magkakaibigan sa parke.
_______ Ginamot ng magkakaibigan ang,
sugatang bata.
_______ Tinawagan ni Erica ang kanyang tiyahin sa
telepono upang humingi ng tulong.
_______ Nagpaalam ang magkakaibigang Erica,
Rico, at Thomas sa kanilang mga
magulang.

Buuin ang mga talata. Isulat sa patlang ang


pang-ugnay na una, pangalawa, at pagkatapos.
Gawin ito sa kuwaderno.
1. Maagang nagising si Rona. Ang ______________
niyang ginawa ay nagdasal. _____________,
itinupi niya kumot sa kaniyang higaan. _________
naman ay ang pagkain niya ng almusal.
2. Maligayang –maligaya si Joy._____________, may
bumati sa kaniya ng “Maligayang Kaarawan”.
_____________, may nag-abot sa kaniya ng
regalo. At ang ______________ ay inawitan siya
ng kaniyang kamag-aral.

209
Ang mga pangyayari sa kuwento ay
napagsusunod-sunod sa pamamagitan ng
paggamit ng mga salitang pang-ugnay.
Halimbawa: una, pangalawa, sunod,
pagkatapos, huli, at iba pa.

Basahin ang talatang “May Bisita”.


May Bisita

Linggo, nagbabasa ng aklat si Fe nang may


kumatok. “Tao po! Nandiyan po ba si Flor?”
“”Sino po kayo?”, ang tanong ni Fe sa estranghero.
“Ako si Belen, kaibigan ni Flor. ” Tinawag ni Fe ang
kaniyang ina,”Inay, may naghahanap po sa inyo.
Siya raw po si Aling Belen” Lumapit ang ina ni Fe at
binuksan ang pinto. Binati ni Flor ang
bisita,”Magandang umaga! Ano ang sadya mo?”,
wika ni Flor. “Iimbitan lamang kita at ang iyong
pamilya sa binyag ng aking anak”,sagot ng
bisita.”Sige makakaasa ka”, tugon ni Flor. At umalis
na ang bisita.
Kulayan ang biluhaba ayon sa pagkakasunod-
sunod ng kuwentong “May Bisita”. Gawin ito sa
sagutang papel. Sundin ang hinihinging kulay:
Una - kahel Pangatlo - lila
210
Pangalawa-dilaw Huli - berde
Binuksan ni Aling Fe Binati ni Flor ng
ang pinto para sa “Magandang
bisita. umaga.”ang bisita.

Kumatok ang Tinanong ni Flor


bisita. ang pangalan ng
bisita.

1. Napansin nila Erica, Rico, at Thomas ang isang


batang gusgusin na may suot na maruming
damit.
2. Niyaya nila ang batang pulubi na sumama sa
kanila at hinikayat na maglaro.

 Ibigay ang mga salitang may salungguhit sa


binasa.
 Ano ang masasabi mo sa bawat pares ng
salita?

Mahalagang malaman ang tamang


kasingkahulugan ng mga salita upang mas
madaling maunawaan ang isang teksto.

211
Bilugan ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit sa bawat pangungusap. Gawin ito sa
sagutang papel.
1. Kahit madungis ang pulubi ay hindi ito
pinagtawanan ni Berto.
(marumi, malinis, mabango)
2. Tumulong sa paglilinis ang magkakaibigan kaya
maaliwalas ang paligid.
(malinis, madumi, makalat)
3. Maiingay ang mga bata habang nakapila
papunta sa kantina ng paaralan.
(tahimik, maaayos, magugulo)
4. Tinulungan ni Thomas ang nadapang bata dahil sa
pagtakbo nang matulin.
(mabagal, mahina, mabilis)
5. May sakit ang maarugang ina ni Erica kaya siya
ang gumagawa ng gawaing bahay.
(pabaya, maalaga, makasarili)

Hintayin ang panuto ng guro.


Pangkat 1 : Magbigay ng limang pares ng salitang
magkasingkahulugan na tumutukoy sa mga
sumusunod na larawan.

212
Pangkat 2 : Hanapin ang kasingkahulugan ng mga
salitang nakasulat sa hawak mong flashcard sa
mga salitang nakakalat sa silid-aralan.
Pangkat 3 : Isulat sa sagutang papel ang
kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita.
1. malambot 4. pango 5. mahirap
2. mataas 5. malawak

Magkasingkahulugan ang dalawang salitang


pareho o magkatulad ng ibig sabihin.
Halimbawa: maganda-marikit, masarap-
malinamnam, mayaman-sagang

Pag-ugnayin sa pamamagitan ng guhit ang


mga salitang magkasingkahulugan sa Hanay A at sa
Hanay B. Gawin ito sa kuwaderno.
Hanay A Hanay B
1. maliksi mabango
2. masangsang matipid
3. masinop sarat
4. pango malakas
5. mahalimuyak mabaho

Basahing muli ang kuwentong “Ang


Magkakaibigan at Ang Pulubi”

213
 Ano-anong salita ang binilugan sa kuwento?
 Sa iyong palagay, alin sa mga salita na
binilugan ang tumutukoy sa kilos o gawa ng
nagsasalita?
 Alin naman ang tumutukoy sa kilos o gawa ng
malapit sa kausap?
 Aling salita mula sa binilugan ang tumutukoy sa
kilos o gawa ng malayo sa nagsasalita?

Mahalaga ang tamang paggamit ng paghalip


pamatlig na patulad upang matukoy ang itinuturong
pangngalan.

Buuin ang diyalogo sa pamamagitan ng


paggamit ng tamang panghalip pamatlig na
patulad. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Inay, para kanino Mga anak, para ito sa mga


po iyan? batang lansangan.
(1)________ ang paraan ko
upang makatulong sa ating
kapuwa.

214
(2)______ ang gawaing
Salamat, Berto.
makakalikasan.
Tutulungan na kita upang
mapadali ang iyong gawain.

Ako rin, Ate Lorna.


Tingnan mo Lisa ang ating
Tiyak matutuwa sa
ama.
atin ang ating mga
(3)_________ ang gagawin
magulang.
ko paglaki ko. Tutulong ako
sa ating pamayanan.

Hintayin ang hudyat ng guro. Bumuo ng apat


na pangkat. Bawat pangkat ay gagawa ng dula-
dulaan na nagpapakita ng pakikipagkapwa-tao
gamit ang mga panghalip pamatlig na patulad.

Ang salitang ginagamit upang ituro ang


mga gawa at pangyayari ay tinatawag na
panghalip pamatlig na patulad. Ang ganito ay
tumutukoy sa kilos o gawa ng nagsasalita, ang
ganyan ay tumutukoy sa kilos ng kinakausap o
malapit sa kinakausap, at ang ganoon ay
tumutukoy sa kilos na malayo sa nagsasalita at sa
kinakausap.

215
Bilugan ang wastong panghalip pamatlig na
dapat gamitin sa bawat pangungusap. Gawin ito sa
kuwaderno.
1. Tingnan mo.(Ganito, Ito, Dito) ang paghawak sa
kutsara. (Hawak ng nagsasalita ang kutsara.)
2. (Hayan, Niyan, Ganyan) nga ang tamang
paghawak sa lapis. (Nagsusulat ang kausap.)
3. (Ganito, Nito, Ito) Eliza ang pagwawalis.
(Nagwawalis ang nagsasalita.)
4. (Niyon, Ganoon, Yaon) ang yari ng damit na
nais kong gayahin. (Itinuturo ng nagsasalita sa
kausap ang damit mula sa malayo.)
5. (Ganito, Nito, Ito) ang ginawa ni Josefa noon
kaya siya nanguna sa klase. (Nag-aaral ng
aralin ang nagsasalita.)

Sipiin ng wasto at maayos ang mga salita sa


paraang kabit-kabit. Sundan ang modelo na nasa
ibaba.

216
sabi - sabik patak - pata
A. B.
baha - bahag dagat - daga

baro - laro
C.
lata - mata

 Ano ang napapansin mo sa Hanay A?


 Ano ang nangyari sa Hanay B?
 Anong pagbabago ang naganap sa Hanay C?

1.

Ang masusi at matiyagang pagsulat at pagsipi


ng mga titik ng bawat salita ay kinakailangan upang
manatili ang kahulugan ng isang salita at diwa ng
pangungusap.

217
Palitan ang unang titik ng mga sumusunod na
salita upang mabuo ang pangalan ng larawang
nasa kanan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. maso ___aso
2. paso ___aso
3. tila ___ila
4. bata ___ata
5. bako ___ako

Palitan ang titik ayon sa hinihingi upang makabuo


ng isang bagong salita. Gamitin ito sa pangungusap.
Gawin ito sa kuwaderno.
Unahan Gitna Hulihan
1. lata 3. sukat 5. lapit
2. mura 4. salat 6. Rosal

Makabubuo ng bagong salita sa


pamamagitan ng pagpapalit,
pagdaragdag,at pagbabawas ng titik.
Halimbawa: masa-kasa,
taga-tagak, lasap-lasa

218
Gawin ang mga sumusunod sa iyong
kuwaderno.
1. Palitan ang huling titik ng salitang “bakal” ng
titik s.
2. Sino ang pinakamatandang babae sa loob ng
tahanan at dapat igalang? Alisin ang unang
titik ng salitang “bola” upang masagot ang
tanong.
3. Ano ang nararanasan natin sa tuwing umuulan
ng malakas na bunga ng pagtatapon ng
basura kung saan-saan? Bawasan ng isang titik
ang salitang “bahay” upang masagot ang
tanong.
4. Dagdagan ng isang titik ang salitang “sabi”
upang maibigay ang isang damdamin.
5. Ano ang lumalabas sa ating katawan sa tuwing
tayo ay naiinitan? Palitan ang isang titik ng
salitang “pawid” upang maibigay ang
hinihinging sagot sa tanong.

219
Aralin 7: Karanasan Ko, Iuugnay Ko

Isulat sa sagutang papel ang Tama o Mali base


sa pahayag.
1. Ang kambal-katinig ay binubuo ng dalawang
katinig at isang patinig sa isang pantig.
2. Ang salitang sobre ay may isang pantig.
3. Marami sa kanila ang hindi nakadalo sa
pagdiriwang. Ang may salungguhit ay
halimbawa ng panghalip panao.
4. Sila ang naunang dumating. Ang
Salitang sila ay nasa kailanang maramihan.
5. Ang ako, mo, ikaw, at siya ay mga
panghalip panao na tumutukoy sa iisang tao.

Sorpresa kay Sophia


Masayang umuwi sa
kanilang tahanan si Sophia.
Pagpasok niya sa kanilang
bahay ay nakita niya ang
isang bag na may disenyong
pusa.
Matagal na niyang gustong
magkaroon nito. Nakita siya ng kaniyang nanay at
sinabing “para sa iyo iyan, anak, dahil nanalo ka sa

220
patimpalak at nag-uwi ng bronseng medalya”.
Sobrang tuwa si Sophia, inilapag niya ang kaniyang
dalang libro, niyakap ang ina at nagpasalamat.

 Sino ang batang masayang umuwi sa kanilang


tahanan?
 Ano ang nakatawag-pansin sa kaniya?
 Para kanino ang kaniyang nakitang bag?
 Bakit binigyan si Sophia ng kaniyang nanay ng
bag?
 Ano ang kaniyang naramdaman nang
malaman niyang para sa kaniya iyon?
 Naranasan mo na bang makatanggap ng
sorpresa mula sa iyong nanay? Bakit ka niya
binigyan ng sorpresa?

Kapag ang bata’y mabait at masunurin, tiyak


na may gantimpala siyang aanihin.

A. Salungguhitan ang mga salitang


magkasingkahulugan sa mga pangungusap.
Gawin ito sa sagutang papel.
1. Masayang umuwi sa kanilang tahanan si
Sophia. Masigla siyang pumasok ng bahay.

221
2. Matagal na niyang gustong magkaroon ng bag
na may disenyong pusa. Kulay rosas ang nais
niyang kulay.
3. Sobrang tuwa si Sophia kaya labis ang pasasalamat
sa ina.
4. Nakita niya ang kanyang ina na nakatanaw sa
kanyang pagdating.
B. Pansinin ang mga larawan. Lagyan ng Tsek (/) ang
kahon kung nangyari na sa iyo ang nasa larawan
at ekis (X) kung hindi pa.

1_____ 2._____ 3._____

4. _______ 5. _______

Hintayin ang panuto ng guro.


Pangkat 1- Iguhit ang pinakamasayang sorpresang
natanggap mo sa paaralan.
Pangkat 2 - Sumulat ng pinakamaganda
sorpresang naranasan mo sa tahanan na
binubuo ng isa

222
Pangkat 3 - Ipakita sa pamamagitan ng pag-arte o
maikling dula ang pinakamasaya mong
sorpresang naranasan sa iyong guro.
Pangkat 4 - Ipakita sa pamamagitan ng pag-arte o
maikling dula ang pinakamasaya sorpresang
naranasan mo sa iyong kaibigan.

Ang tao ay may iba’t ibang karanasan sa


iba’t ibang sitwasyon ng lipunan. Ito’y
nagtuturo sa kaniya ng bagong aral upang
mas lalong maging mahusay at matatag sa
buhay.

Iguhit mo ang pinakamagandang sorpresang


natanggap mo.
1. Kasayahan sa Kaarawan 2. Kapaskuha

Muling basahin ang kuwentong “Sorpresa Kay


Sophia.”

 Ano ang mga salitang may salungguhit?


 Paano papantigin ang salitang bronse?
 Ano ang kayarian ng mga salitang ito?

223
Maging mapagpasalamat sa lahat ng
natatanggap.

Ipabasa ang mga salita at ipapantig.


Ipabigkas na muli ang mga salitang may kambal-
katinig.
braso bruha Brenda
brigada brilyante bronse

Pangkat 1- Magtala ng limang salita na may


kambal-katinig na br.
Pangkat 2 - Gumuhit ng larawan na nagsisimula sa
kambal-katinig na br.
Pangkat 3 - Gumawa ng tig-iisang pangungusap na
may sumusunod na salita at basahin sa klase.
braso bruha bronse
Pangkat 4 - Pantigin ang mga sumusunod na salita
alambre brigada sombrero

Ang kambal-katinig ay dalawang


magkaibang katinig na magkasunod sa iisang
pantig at may iisang tanong lamang BR ay
halimbawa ng kambal-katinig.

224
D I S Y EM_ _E 1. Buwan ng Kapaskuhan
B- -UHA 2. Kinatatakutang tauhan sa pelikula
N O B Y E M B__ _ 3. Araw ng mga patay
S O M B __ _E R O 4. Pantakip sa ulo
__ __ O N S E 5. Uri ng medalya

Kasiyahan sa Paaralan
Isang araw sa aking pag-uwi
Kasiyahan ay hindi ko malimi
Sa paaralang aking pinanggalingan
Mataas na marka aking nakamtam
Siguradong katuwaan, para kay nanay
Tularan sana ninyo, aking kamag-aral.

 Ano ang mensahe ng tula?


 Sa inyong palagay, bakit may kasiyahang
nararamdaman ang may-akda?
 Sino ang tinutukoy ng mga salitang may
salungguhit.?
 Alin sa mga ito ang tinutukoy sa isahan?
dalawahan? maramihan?

225
Kapag masipag ang mag-aaral, mataas na
marka’y makakamtam. Para sa magulang, walang
hanggan itong kasiyahan.

A. Tukuyin ang mga panghalip panao . Kilalanin


ang kailanan nito.

Salamat,
Para sa iyo Rina. Ang
ito, Dina.
bait mo sa
Hinati ko
ang baon
akin.
kong
tinapay

Oo naman.
Puwede ba
tayong
maging

magkaibigan
B. Piliin ang panghalip at isulat ang kailanan nito
?
sa sagutang papel.

226
1. Bigyan natin ng pagkain ang pulubi.
2. Sa kanila ang punong maraming bunga.
3. Siya ang kapatid ko.
4. Kami ang naglinis ng bahay.
5. Ikaw ang manguna sa pila.

1. Maghanay ng mga panghalip panao sa


iba’t ibang kailanan. Ilagay sa talahanayan

Isahan Dalawahan Maramihan

2. Sumulat ng pangungusap batay sa nakatalang


panghalip panao.
Ako
Kita
Sila
Ikaw
Tayo
3. Kilalanin ang kailanan ng panghalip panao na
angkop sa bawat larawan
1. 2. 3. 4.

227
Lagyan ng diyalogo ang “speech balloon”
batay sa nasa larawan. Gumamit ng panghalip
panao.
Namimili ng damit .

Nagpaplano ng gawain

Kailanan ng Panghalip Panao


Ang ako, mo, ikaw, siya, akin, ko, niya ay mga
panghalip na tumutukoy sa iisang tao. Isahan ang
kailanan nito. Kita, kata ay tumutukoy sa dalawang
tao. Ang kailanan nito ay dalawahan. Ang ninyo,
kayo, sila, natin, tayo, kanila ay tumutukoy sa higit sa
dalawang tao. Maramihan ang kailanan nito.

228
Punan ng angkop na panghalip panao ang
patlang.
1. Matalinong bayani si Dr. Jose Rizal.
_____ ay isang manggagamot.
2. Naglilinis ng bakuran sina Icoy at Bentong.
_______ ay masisipag na bata.
3. Si Nanay at ako ay maagang gumising.
_____ay magsisimba.
4. Si Mark ay mabait. ______ ay mahal ng kaniyang
mga magulang.
5. Masipag mag-aral si Zyra.
Matataas ang mga marka _____.

Si Lolo at Si Lola
Sa kanilang itsura, mababanaag na ang katandaan
Sa kanilang ugali may angkin ding kaibahan
Ngunit sa talino at mahabang karanasan
Hindi sila pahuhuli, may mayamang kaalaman
Kaya nga huwag balewalain, lola at lolong itinuturing
Sapagkat ambag nila ay walang kahambing.

 Ano ang mensahe ng tula?


 Paano inilalarawan sina Lolo at Lola sa tula?
 Ikaw, pinahahalagahan mo ba ang iyong Lolo
at Lola?

229
 Paano mo ipinakikita ang iyong
pagpapahalaga?
 Ano-ano ang salitang may salungguhit? Alam
mo ba ang kahulugan nito?

Igalang at mahalin ang ating Lolo at Lola.

Punan ng titik ang kahon upang mabuo ang


salita na kasingkahulugan ng hindi kilalang salita.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. mahinahon
M L M N

2. istrikto
M A I
P T

3. ulyanin
A I
ML t aM p h i M t a p h
T
M N
4. maramdamin
M A P U I

5. mapagparaya
M A B

P G Y

230
Sanayin sa isahan at maramihang pagbigkas
ang bawat pangkat sa tulang “Si Lolo at Si Lola.”

Ang pagbigkas nang tama sa salita ay


naghahatid ng pagkakaunawaan ng mga
taong nag-uusap.

Bigkasin nang wasto ang mga salita na walang


patnubay ang guro
Itsura ugali talino mayaman ambag

Sipiin ang mga salita sa paraang kabit-kabit.


Halimbawa:

231
Aralin 8: Nabasang Kuwento,
Isasalaysay Ko

Iguhit ang masayang mukha sa sagutang


papel kung tama ang nasa mga sumusunod na
pahayag at malungkot na mukha kung hindi.
1. Ang tren ay salitang may kambal-katinig.
2. Dalawahan ang kailanan ng panghalip na tayo.
3. Nasasabi ang napakinggang impormasyon
kung maayos ang pakikinig.
4. Ang kambal-katinig ay tinatawag ding salitang
klaster.
5. Ang panghalip na kanila ay nasa kailanang
isahan.
6. Nasa unang panauhan ang panghalip na ako.
7. Ang mga pangyayari sa kuwento ay may
tamang pagkakasunod-sunod.
8. Wakas ang tawag sa huling bahagi ng kuwento.
9. Alam mo na ba ang bagong aralin? Ang
may salungguhit ay nasa kailanang dalawahan.
10. Ang tauhan ang gumaganap sa kuwento.

Mapalad si Zyra
Si Zyra ay anak ng mag- asawang Benny
at Linda. Ipinanganak siyang may kakaibang

232
anyo.Subalit kailanman ay hindi siya ikinahiya ng
kaniyang mga magulang.
Matanda na
ang kaniyang mga
magulang kaya’t
napilitan siyang
humanap ng
makakain
sa kabundukan.
Nakita niya ang
isang lalaking puno ng galos at walang malay.
Tinulungan niya ang lalaki.
Nagulat ang lalaki sa ginawa niya kaya bilang
pasasalamat, binigyan niya ng panyo si Zyra.
Pagdating ni Zyra sa kanilang bahay nadatnan
niyang puno ng pagkain ang hapag-kainan.
Maya-maya, dumating ang dalawang lalaki
at nabatid nila na ang lalaking tinulungan niya ay
nagmula sa isang mayamang angkan at nais daw
siyang pakasalan nito dahil sa kaniyang kabutihan.

 Ano ang pamagat ng kuwento?


 Tungkol saan ang kuwento?
 Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
 Ilarawan ang bawat isa.
 Saan naganap ang kuwento?
 Ano ang kalagayan ni Zyra?
 Paano nagbago ang kaniyang kapalaran?
 Ano ang naging bunga ng kabutihang loob ni
Zyra?
233
 Dapat ba siyang tularan?
 Ano sa palagay mo ang naging wakas ng
kuwento?

Ang pagtulong sa kapwa ay dakilang gawain.


Hindi tayo dapat naghihintay ng kapalit sa
ginawang kabutihan sa kapwa.

Gumuhit ng hugis puso sa sagutang papel


kung nagpapakita ng pagtulong at bilog
kung HINDI.
1. Magbigay ng upuan sa nakatatanda.
2. Magbigay ng kendi sa kaibigan.
3. Maghugas ng maruming pinggan.
4. Magpakopya ng takdang-aralin sa kamag-aral.
5. Burahin ang sulat sa pisara.
Punan ang tsart ng hinihingi. Gamitin ito sa
pagsasalaysay muli ng napakinggang teksto.

Pamagat

Tauhan 1 Tauhan 2
tagpuan tagpuan
Iba pang tauhan

mga pangyayari

234
Unang Pangkat – Isadula ang kuwentong binasa.
Ikalawang Pangkat – Iguhit ang kabutihang ginawa
ni Zyra
Ikatlong Pangkat - Magtala ng mga paraan kung
paano natin tutulungan ang mga
pangangailangan.
Ikaapat na Pangkat - Gumawa ng poster tungkol sa
pagtulong sa kapwa.

Mahalagang malaman ang pamagat ng


kuwento, tauhan , tagpuan, mga pangyayari at
wakas ng isang kuwento upang maisalaysay ito
nang wasto.

Hanapin sa loob ng kahon ang tinutukoy ng


pangungusap.

pamagat pangalawang tauhan


unang tauhan tagpuan wakas

1. Ito’y naglalarawan kung saan nangyari ang


kuwento.

235
2. Karaniwang mababasa sa una at pinakaitaas
ng isang talata o kuwento.
3. Siya ang bida sa kuwento.
4. Isang pangyayari upang tapusin angkuwento.
5. Mga taong nagsasalita, kumikilos, at
umaarte sa kuwento maliban sa bida.

Tuwing Sabado ng gabi, dumaraan ang isang


trak sa harap ng teatro. Sakay ng trak ang isang
tropa ng musikero. Marami sa kanila ang may hawak
na trumpeta ngunit kagabi, kaunti lamang sila.
Marami sa kanila ay dinapuan ng trangkaso.

 Tungkol saan ang talata?


 Ano ang naobserbahan ng nagsasalita sa
talata?
 Saan kaya pumupunta ang mga musikero?
 Ano ang napansin niya isang gabi?
 Bakit kaya nagkatrangkaso ang ibang
musikero?
 Pansinin ang mga salitang may salungguhit.
 Ano ang pagkakatulad – tulad nila?

Laging pangalagaan ang kalusugan upang


hindi dapuan ng karamdaman.

236
Piliin angkop na salitang upang mabuo ang
pangungusap.
1. Kapag umuulan, masikip ang ________ sa
lansangan. (tropiko, trapiko)
2. Sumakay kami sa ______ papuntang Bicol.
(tren, trono)
3. Malaki ang suweldo ng aking tatay sa
kaniyang________. (trabaho, troso)
4. Malaki ang tinanggap niyang ______ bilang
gantimpala sa paligsahan.(tropeo, trapo)
5. Magaling akong maglaro ng ______.
(trumpo, trapiko)
6. Naupo ang hari sa kanyang ______.( upuan,
trono)
7. Hindi kami magkasundo dahil lagi siyang _____
sa sinasabi ko. (kontra, ayon)
8. Sakay ng _____ang mga sundalo. (trak, dyip)

1. Pantigin ang sumusunod na salita.


2. Gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap.
traysikel instrumento
transportasyon elektrisidad
trumpeta litrato
traktora

237
Ang kambal-katinig ay dalawang magkasunod
na katinig sa loob ng iisang pantig. Ito ay may isang
tunog.

Isulat ang inilalarawan.


__ __aysikel 1. Sasakyang may motor
ins__ __umento 2. Halimbawa nito ang torotot
__ __oso 3. Pinutol na puno
__ __umpo 4. Isang uri ng laro

Alam mo ba Hindi ko alam kung


kung kanino kanino ang punong
ang punong iyon. Kayraming
iyon? bunga.

Sa amin ang
puno ng
mangga
na nasa kabilang
daan.
Gustoninyong
malaman ang
sikreto kung
bakit? Sasabihin
ko.
238
 Ano ang mensahe ng diyalogo?
 Bakit maraming bunga ang puno ng
mangga?
 Ilarawan ang bawat katangian sa diyalogo.
 Sino ang tinutukoy ng salitang mo, ko, iyon,
amin, ninyo?
 Alin sa mga ito ang tumutukoy sa taong
 nagsasalita? Taong kausap?Taong pinag-
uusapan?

Kung ang kalikasan ay ating pangangalagaan,


tiyak tayo rin ang siyang makikinabang.

Sabihin kung ang mga panghalip panao na


maysalungguhit ay nasa panauhang una, ikalawa o
ikatlo.
1. Siya ang aking kapatid na bunso.
2. Sa kanila ang natatanaw kong bahay.
3. Ibigay mo sa kuya ang bag niya.
4. Gusto nilang sumama sa lakbay-aral.
5. Tayo ang magkasamang maglilinis ng bahay.

239
Gamitin sa pangungusap ang mga panghalip
na nakatala sa kahon.

Kanila Kami kita ko


mo natin nila

Panauhan ng panghalip panao.


Unang panauhan- tumutukoy sa taong
nagsasalita : ako, tayo, natin, kami, kita,
kata, tayo
Ikalawang panauhan- tumutukoy sa taong
kausap: ikaw, mo, ninyo, inyo, ninyo
Ikatlong panauhan- tumutukoy sa taong pinag-
uusapan: sila, nila, kanila, niya, kaniya

Piliin ang tamang panghalip na angkop sa


sumusunod na mga pangungusap.
1. Si Bea at si Anne ay magkapatid.
______(Sila, Siya) ay nagmamahalan.
2. Ang nanay at ako ay pupunta sa palengke.
_____(Kanila, Kami) ay bibili ng ulam para
mamayang gabi.

240
3. Masyadong maingay ang radyo ng aming
kapitbahay.
Sana hinaan ________ (kanila, nila) ito.
4. Sina Fe, Aida, Nelly at ako ay magkakasamang
nagsusulat.
_______(Tayo, Kami) ay magkakamag-aral.
5. Sina Connie at Ofel ay nagpunta sa plasa.
______( Sina, Sila) ay manonood ng
pagtatanghal doon.

Basahing muli ang kuwentong “Mapalad si


Zyra.”

Iugnay ang binasang kuwentong “Mapalad


si Zyra” sa inyong sariling karanasan.
May pagkakatulad ba?
Ipakita ito sa pamamagitan ng Venn Diagram.

Tumulong sa kapwa ng walang hinihintay


na kapalit.

Punan ng hinihinging datos. Tukuyin ang mga


pangyayari sa binasang kuwento. Iugnay ang mga
ito sa sariling karanasan.

241
Hindi pa Naranasan na Gustong
naranasan maranasan

Basahin ang kuwento at iugnay ito sa iyong


sariling karanasan.
Ang Ulirang Magkapatid
Mapalad ang mga magulang nina Ben at
Loupe na sina Mang Benny at Aling Rosing.
Masipag na mag-aaral ang magkakapatid.
Lagi silang kasama sa mga nangungunang mag-
aaral sa klase. Kapag walang pasok, tumutulong sila
sa mga gawaing bahay. Nagwawalis sila ng
kanilang bakuran at nagdidilig ng mga tanim na
gulay sa likod bahay. Ang mga basura ay itinatapon
nila sa maliit na hukay upang gawing pataba.
Kapag araw ng Linggo, sama-sama silang
nagsisimba upang mag-ukol ng pasasalamat sa
Diyos.

Ang Venn Diagram ay ginagamit upang


malaman ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng dalawang pinag-uusapan.

242
Magtala ng limang paraan kung paano
maipakikita ang pagtulong sa kapwa.

Sipiin nang wasto.

243
Aralin 9: Katangian Mo, Aalamin Ko

Isulat sa sagutang papel ang Tama kung


sumasangayon ka sa pahayag at Mali kung hindi.
1. Ang salitang preso ay may dalawang pantig.
2. Doon ay maraming bunga ang puno ng santol.
Ang doon ay halimbawa ng panghalip na
panlunan.
3. Ang pangungusap ay nagsisimula sa maliit na
titik.
4. Ang tagpuan sa kuwento ay nagpapahayag ng
lugar at panahon.
5. Ang salitang probinsiya ay may dalawang
pantig.

Pamilya Kung Saan Ako Masaya

Isang
matulunging mag-
anak ang pamilya ni
Mang Berto.
Naikuwento niya sa
mga anak niya ang
pagiging matulungin
sa kapwa ng kanilang
lolo at lola.
Minsan, sa
kaniyang pag-uwi

244
galing sa talyer na pag-aari ng pribadong
kompanyang pinapasukan, masaya niyang sinabi
na siya ay nabigyan ng isang linggong bakasyon at
nais niyang gugulin ito sa probinsiya ng Quezon
upang madalaw ang kanilang mga lolo at lola.
Nais ni Mang Berto na masaksihan ng kaniyang
mga anak ang pagiging matulungin sa kapwa ng
kanilang lolo at lola.
“Talaga, Tatay? Dadalaw tayo doon kina Lolo at
Lola?” masayang tanong ng bunsong anak na si Lory na
sinundan din ng dalawa pang kapatid. “Siyempre, mga
anak, doon ay malawak ang bukirin at makakakain tayo
ng mga tanim na prutas at gulay ng inyong lolo”, sabi
ng ama. “Mabuti naman at kahit sandali ay
makakaiwas tayo dito sa maruming hangin”, sabi ni
Aling Presy.
Masaya ang preperasyong ginawa ng mag-
anak upang maaga silang makapagbiyahe.

 Anong uri ng pamilya mayroon si Mang Berto?


 Ano ang balitang dala ni Mang Berto na
ikinasaya ng kaniyang pamilya?
 Masaya nga bang makita ang mga mahal sa
buhay na matagal nang hindi nakikita?
 Bilang isang anak, ano ang masasabi mo kay
Mang Berto? Gayundin kaya ang kaniyang
mga anak sa kaniya?
 Ano ang katangiang ipinagmamalaki ni Mang
Berto tungkol kay lolo at lola?

245
 Bilang isang bata, paano ka makatutulong sa
pagsugpo ng polusyon sa ating kapaligiran?
 Ano ang mensahe ng kuwento?
 Anong katangian ang taglay ng bawat tauhan sa
kuwento?

Ang pamilyang sama-sama, walang hanggang


saya ang dala.

Isulat sa sagutang papel ang katangian ng pamilya


ni Mang Berto gamit ang semantic web.

Pamilya ni Mang Berto

1. Ano ang mga katangian ng mga tauhan sa


kuwento. Isulat ang sagot sa kuwaderno
ama ina Mga anak

246
Malalaman ang mensahe ng akda kung
may pagkaunawa sa pagbabasa at
nakakaintindi sa mga katangian ng bawat
tauhan.Nasasabi ang katangian ng tauhan sa
kaniyang kilos, gawa, at pananalita.

Itala ang mga katangian ng iyong ama’t ina.


Isulat sa kahon na nakalaan para sa kanila.
AMA INA

AMA

Muling basahin, “Pamilya Kung Saan Ako


Masaya.”

 Ano-ano ang mga salitang may bilog sa


kuwento?
 Sa anong titik sila nagsisimula? Pantigin ang
mga salitang ito.
247
 Ano ang kayarian ng pantig ng mga salitang
may salungguhit?
 Ipahayag ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento.

Mahalaga ang pag-uukol ng panahon sa


pamilya tungo sa lalong pagkakabuklod nito.

Isulat ang nawawalang kambal-katinig batay sa


larawan.
____ tas 1.

____ to 2.

____ insesa 3.

____ ibadong gusali 4.

248
___ duktong mais 5.

1. Pagsunod-sunurin ang mga pangungusap


batay sa kuwento . Lagyan ng bilang 1-4.
_______ Nagpunta ang mag-anak sa lalawigan.
_______ Tatlo ang anak ng mag-asawang Berto.
_______ Naghanda sila ng mga dadalhin sa
pagbabakasyon.
_______ Isang pangkaraniwang trabahador si Mang
Berto.
2. Sipiin ang mga salitang may guhit sa kuwento.
Pantigin ang mga salita at kilalanin ang
kayarian nito.
3. Lagyan ng bilang ang tamang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari batay sa nasa
larawan.

249
Ang PR ay halimbawa ng kambal-katinig.

Piliin ang mga salitang may kambal-katinig at


pantigin.
1. Mabilis tumaas ang presyo ng mga bilihin sa
palengke.
2. Nagpasa na ako ng proyekto sa ating guro.
3. Natrapik ako sa haba ng prususyon.
4. Malaki ang premyong napanalunan niya.
5. Masarap magtungo sa probinsya, presko ang
hangin

Basahing muli ang kuwentong “Pamilya Kung


Saan Ako Masaya.”

 Saan pupunta ang mag-anak?


 Ano ang nararamdaman nila? Bakit?
 Mahalaga ba ang kanilang gagawin?
 Ano-anong salita ang mga naka“bold face” o
initiman sa kuwento?
 Ano ang tinutukoy ng salitang doon, dito?
250
 Kailan ginamit ang doon sa pangungusap? dito?

Ang pagkikita-kita ng pamilya ay nagdudulot


ng matibay na pagsasamahan.

Ilarawan ang lugar na nasa larawan. Gumamit


ng mga panghalip panlunan na dito, doon, diyan sa
pangungusap.

Lagyan ng angkop na panghalip panlunan


batay sa makikita sa larawan. Gawin sa sagutang
papel.

1. _____kami madalas
mamasyal.

2. _____pinitas ang
bayabas.
251
3. Matamis ang prutas
______.
4. _____ ko binili ang

damit mo

5. _____nakatira ang bago


kong guro.

Ang mga panghalip na panturo ay


mga salitang inihahalili sa itinuturong pook
o lugar.
 Ginagamit ang dito kung ang itinuturo
ay sa kinatatayuan o malapit sa
nagsasalita.
 Ginagamit ang diyan kung ang
itinuturo ay malapit sa kausap.
 Ginagamit ang doon kung ang
itinuturo ay malayo sa nag-uusap.

252
Palitan ng panghalip panlunan ang mga
salitang may salungguhit. Gawin ito sa sagutang
papel.
1. Sa kabilang kanto po ang tawiran.
2. Sa silid-aklatan na ito ako gumagawa ng
takdang-aralin.
3. May aso sa looban. Mag-ingat ka!
4. Sa parkeng ito ako nagbibisekleta. Katabi lang
ng aming tirahan.
5. Ang ate ko ay patungong Los Baňos upang
mag-aral.

Muling basahin ang talata ng kuwentong


“Pamilya Kung Saan Ako Maligaya.”

 Itala ang mga salitang may bilog sa talata.


Suriin kung ilang pantig ang mga ito.
 Isulat ito ng papantig.

Tingnan ang larawan. Isulat sa iyong sagutang


papel ang pangalan ng nasa larawan.

253
1. 2. 3.

____________ __________ ___________

4. 5.
2
_________ _________

Tukuyin ang larawan at ibigay ang pangalan na


may tamang baybay.

Lahat ng salita, ano man ang bilang


ng pantig ay dapat baybayin nang tama.
Malaking titik ang gamit sa mga
pangngalang pantangi at kapag nasa
unahan ng pangungusap.

254
Isulat ang nawawalang pantig sa patlang
upang mabuo ang pangalan ng nasa larawan.

ha_____man paara______ ____ lat

pa _____ ruan _____ sipe

Pagsamahin ang mga letra upang makabuo ng


salita, sa paraang kabit-kabit. Gawin ang modelo sa
ibaba.

255
256
257
Aralin 1: Bansa ay Uunlad kung Sama-
samang Nangangarap

Isulat sa sagutang papel ang Tama kung wasto


ang sinasabi ng pangungusap at Mali kung HINDI.
1. Ang bawat bida sa kuwento ay may kaniya-
kaniyang katangian.
2. Ang pang-ugnay na at ay ginagamit
sa pagpapaikli ng parirala.
3. Ang salitang blusa at bloke ay may kambal-
katinig na /bl/.
4. Ang ay ay ginagamit upang pag-ugnayin
ang pangngalan at pandiwa upang makabuo
ng pangungusap.
5. Ang panghalip panao na siya kapag nilagyan
ng ay ay maaaring paikliin.

Ang Pangarap ni Nilo

258
Si Nilo ay nasa ikalawang baitang ng Paaralang
Elementarya ng Sampalukan. Nais niya, kasama
ang lahat ng mga batang Pilipino ay mabigyan
ng sapat na pagkain upang lumaki silang malusog
at makatapos ng pag-aaral. Marami siyang nais
matupad sa sarili, maging sa kapwa niyang batang
mahihirap. Nais niyang magkaroon ng palaruan
ang bawat barangay upang sila ay makapaglibang.
Nais niya na mapangalagaan ang mga punong-
kahoy sa kagubatan upang maiwasan
ang pagkakaroon ng baha tulad ng nangyari nang
magdaan ang bagyong Ondoy at Pablo na
pumatay at sumira ng ari-arian ng maraming tao.
Nais din niyang tumira sa isang malinis at tahimik
na kapaligiran upang sa kanilang paglaki, silang
lahat ay maging ligtas. Sa ganoon, magkakaroon
sila ng magandang kinabukasan at ang dulot nito’y
maunlad na bansa.

 Sino ang batang nangarap sa ?


 Ano-ano ang pangarap ni Nilo para
sa kaniyang sarili, at sa ibang mga batang
Pilipino ?
 Bakit nais niyang mapangalagaan
ang kapaligiran?
 Ano ang katangian ni Nilo?
 Dapat ba siyang tularan? Ipaliwanag
ang sagot.

259

Ang pagnanais ng kabutihan para sa


kapwa, sa bayan at sa kapaligiran ay isang
magandang kaugalian.

Gumuhit tayo !
Ano ang pangarap mo para sa iyong sarili, sa
kapaligiran, at sa batang mahihirap?

Si Editha Qwaider

Si Editha Qwaider
ay isang
karaniwang tao
na naging
matagumpay
sa larangan ng
negosyo.
Siya ay nagmamay-ari
ng isang
malaking negosyo na
Rent-A-Car sa Lungsod
ng Makati.
260
Nag-umpisa lamang siya sa dalawang second hand
na kotse ngunit napaunlad niya ito at sa ngayon ay
may isang daang kotse na pawang mga bago ang
kaniyang pinatatakbo.
Bukod dito, nakapagpatayo rin siya ng
Manpower Services, na nangangasiwa sa
pagpapalakad ng mga taong nagnanais
magtrabaho sa ibang bansa.
“Sipag at tiyaga ang susi. Dapat mapag-
aralan mo ang lahat ng pagpapatakbo sa negosyo,
” ang sabi niya. “Kailangan handa ka rin sa mga
problemeng darating . Ganiyan naman tayong mga
Pilipino, di ba, lumalaban sa buhay? Naranasan ko
rin ang malugi at maisangla ang mga alahas ngunit
kailangang maging matapang at matibay ako na
harapin ang mga pagsubok ng buhay. Sa ngayon
inaani ko ang bunga ng aking pagsisikap,” dagdag
pa niya.
Sa kabila ng tagumpay niya, nananatili pa rin
siyang mapagpakumbaba at maka-Diyos.

1. Sino ang inilalarawan?


2. Ano- ano ang mga katangian niya?
3. Ano ang mga naging susi niya sa
tagumpay?
4. Paano siya nagsimula sa kaniyang negosyo?
5. Dapat ba siyang tularan?
6. Paano ka magiging tulad niya?

261
Ang mga ikinikilos at mga pahayag ng mga
tauhan sa isang teksto ay makapagsasabi ng
kanilang katangian.

Iguhit ang masayang mukha kung


tama ang sinasabi ng tungkol sa katangian ng
tauhan at malungkot na mukha naman
kung mali.
1. Si Nilo ay batang may pangarap.
2. Si Nilo ay malungkuting bata.
3. Siya ay mabait dahil iniisip niya ang kapwa
niyang bata.
4. Siya rin ay batang makakalikasan.
5. Iniisip lang niya ang kaniyang sariling
kapakanan.

Tukuyin ang katangian o ugali ng tauhan


batay sa kaniyang pahayag o ginawa. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.
mapagbigay makulit matipid
masunurin masayahin maasahan

262
1. Sinasabihan lagi ni Aling Rina ang mga anak
na patayin ang ilaw at kuryente kapag hindi
na ginagamit.
2. Natutuwa si Virgie na magbigay ng tulong sa
mga kaklase kapag nangangailangan sila.
3. “Magpasaway ka nga, kanina pa kita
pinatitigil !” ang sabi ng nanay kay Andy.
4. Napakahusay ng mga mag-aaral ni Ginoong
Marvin Balingit, napasusunod niya sila kahit
wala siya.
5. “Tularan ninyo si Myrna, lagi siyang handa sa
klase at aktibo sa talakayan, ” papuri ng guro.

1. Siya ay matalinong bata.


Siya’y matalinong bata.
2. Tayo ay magsikap sa lahat ng gawain.
Tayo’y magsikap sa lahat ng gawain.
3. Halika at mag-aral na muna tayo bago
maglaro.
Halika’t mag-aral na muna tayo bago
maglaro
4. Ang kusina at comfort room ay dapat
laging malinis.
Ang kusina’t comfort room ay dapat laging
malinis.

263
 Ano ang napansin ninyo sa mga may
salungguhit na salita?
 Ano ang nangyari sa mga salita na may
salungguhit sa ikalawang pangungusap?
 Paano pinaikli ang mga salita?
 Anong bantas ang ginamit?
 Ano ang isinasagisag ng bantas na ito?

Ang pagiging masinop sa lahat ng bagay ay


susi sa pag-unlad.

A. Isulat sa pinaikling anyo.


1. baka at kambing 4. tao at alagang hayop
2. pako at martilyo 5. salita at kilos
3. buwaya at ahas
B. Isulat ang mga may salungguhit sa pinaikling
anyo.
1. Tayo ay matiyaga sa pag-aaral.
2. Siya ay masunurin sa magulang at guro.
3. Kami ay sasama sa scouting at sa mga
gawain pampaaralan.
4. Ako ay batang malusog kaya matalino.

264
5. Sila ay marurunong ngunit
mapagpakumbaba.

I. Isulat ang pinaikling anyo.


1. lalaki at babae
2. paru-paro at bulaklak
3. kumakanta at sumasayaw
4. Kami ay naglalaro ng sipa at yoyo.
5. Magaling na kaming bumasa at sumulat
II. Isulat ang pinaikling anyo ng mga salitang
maaaring pagsamahin.
1. Sila ay pupunta sa parke.
2. Ang guro nila ay mapagmahal.
3. Nakabubuti sa kalusugan ang mangga
at pinya.
4. Dapat nating paunlarin ang ugali
at kaalaman .
5. Ang matalino at mapagpakumbaba
ay mahusay na katangian.

III. Lagyan ng ay o at ang bawat patlang.


1. Ang halo-halo __cake ay matamis.
2. Kayo ba __masayang pamilya?
3. Ang tamang ehersisyo__pagkain
ay kailangan ng ating katawan.
4. Ako ___ si Aldrin ay magkaibigan.
5. Sila ___ mamamasyal sa Luneta.

265
Ang at at ay ay mga salitang ginagamit
sa pagpaikli ng mga salita na tinatawag ring
contractions. Ito ay ginagamit upang
pagsamahin at paikliin ang dalawang salita
sa parirala o pangungusap.
Ang kudlit(‘) ay ipinapalit sa nawawalang
letrang a sa salita.

Basahin ang talata. Isulat sa sagutang papel


ang pinaikling anyo ng mga salitang may
salungguhit.
Ang Mabait na Batang Si Crisanto

Si Crisanto ay isang batang napakabait.


Siya ay nasa ikalawang baitang pa lamang noon
sa Paaralang Elementarya ng Lerma.
Isang araw, sa kaniyang pag-uwi, nakakita siya
ng batang pulubi at kapatid nito na mas bata pa sa
kaniya na nais tumawid. “Tulungan natin sila nanay,
” pakiusap ni Crisanto sa nanay.

266
“Halika kayo at sasamahan namin kayong
tumawid”, sabi niya sa pulubi at kapatid nito.
Awang-awa siya nang malamang hindi pa
kumakain ang dalawa. Dinala ni Crisanto at ng
nanay niya ang magkapatid sa isang karinderya.
Umorder sila ng tokwa at lugaw at ipinakain
sa mga bata. Natuwa ang magkapatid at
nagpasalamat sila sa mag-ina.
“Napakabuti po ninyo, salamat po. Nawa ay
pagpalain kayo ng Diyos,” ang sabi ng bata.
Ngiti ang isinukli ng mag-ina.
“Magpakabait kayo ha at magdasal palagi,”
ang sabi ni Crisanto.

Ang Bago Kong Kaibigan


Isang bloke lang
ang layo ng bahay nina
Merriam kay Mirma
Soriano, ang kaniyang
kaklase.
Abot tanaw lang
ang bahay nila sa isat-isa,
sa BLISS na pabahay ng
gobyernong Marcos.
Nagpalit lang ng blusa si Merriam at agad
nagpaalam siya sa kaniyang nanay para pumunta
sa bahay ng kaklase.
Ilang saglit lang ay narating na niya ang bahay
ni Mirma. Kumatok siya sa pinto ngunit walang
267
sumasagot. Naghintay siya ng ilang sandali at nakita
niyang paparating si Mirma na may dalang
pinamiling gatas kasama ang maliit niyang kapatid.
“Ay ikaw pala,” wika ni Mirma na tila blangko
ang isip.
“Pinapunta ako ni ma’am. Alamin ko raw
kung bakit hindi ka nakapasok
kanina,” sabi ni Merriam.
“Wala kasing
magbabantay sa kapatid ko.
Pakisabi papasok
na ako sa Lunes,” tugon ni
Mirma.
“Sige, ito nga pala
ang suklay mo, nakita ko ito
sa ilalim ng silya mo, ”
sabay abot kay Mirma.
“Naku, salamat
hinahanap ko ito kahapon
pa. Salamat din sa pagdalaw mo.”
“Naku para yun lang,” banggit muli ni Mirma.
“Ang laki na ng pasasalamat mo. Mula ngayon
ay may bago ka ng kaibigan,” paniniguro
ni Merriam.
“Talaga yan, ha? Mula ngayon magkaibigan
na tayo,” nakangiting sabi ni Mirma.

 Sino ang bagong magkaibigan sa kuwento?


 Bakit nagpunta si Merriam sa bahay nina
Mirma?
268
 Bakit hindi nakapasok sa paaralan si Mirma?
 Anong mabubuting katangian mayroon
si Merriam? Si Mirma?
 Sino sa kanila ang nais mong tularan?
 Paano mo siya tutularan?
 Ano-anong salita sa kuwento ang may
kambal katinig ?

Ang pagmamalasakit sa isa’t-isa ay simula


ng pagkakaibigan.

Basahin nang wasto.


1. plato plano blusa bilog
2. krusada bloke bala bilang
3. blangko butiki boteka binili
4. tabla bula bilin baitang
5. hibla basa baso Blanco

A. Basahin ang mga salita sa loob ng kahon.


Basahin ng dalawang beses ang mga
salitang may kambal katinig na –bl.

269
busina basura abaniko binatog bilihan
binato bloke balkonahe blusa blangko
Pablo binasa tableta balato bibliya

B. Tukuyin ang pangalan ng mga nakalarawan.

1. _____ng yelo

2. itim na _______

3. papel na ____ (walang sulat)

4. _____ ng gamot

5. Ako si____

C. Mag-isip at magbigay ng 5 salita na may


kambal katinig na tunog /bl/
270
Kambal katinig ang tawag sa dalawang
magkasunod na katinig na may isang tunog.
Maaari itong matagpuan sa unahan o
gitna ng salita.

Kumpletuhin ang mga pangungusap. Lagyan


ng angkop na salita na makikita sa loob ng kahon.

krus proseso blusa planto blangko


Kristo planta plawta bloke Blas
1. Ang _____________ng yelo ay natutunaw.
2. Halos________ang sagot ni Mark sa pagsusulit
dahil hindi siya nakapag-aral.
3. Dalawang ______ ang layo niya sa bahay
namin sa simbahan.
4. Gustong gusto niyang isuot ang puting _____.
5. Si Blessy ay marunong tumugtog ng _____.

1. Isang bluke lang ang layo ng kanilang bahay.


2. Nagpalit lang ng bulsa si Merriam at agad
pumunta sa kalase .

271
4. Tila blanggo ang isip ni Mirma, wala sa sarili
nang makita ni Merriam.
5. “Naku salamat, hinahanep ko ito.”

 Ano ang napansin mo sa bawat pangungusap?


 Ano- ano ang salita na may maling baybay?
 Ano ang tamang baybay ng mga salitang ito?

Ang pagtulong sa kapwa ay kusang loob na


ibinibigay. Hindi ito dapat naghihintay ng anumang
kapalit.

Basahin ang mga grupo ng salita. Tukuyin ang


salitang may tamang baybay.
1. numero nomiro numeru
2. bloke blake bluki
3. kumatuk komatok kumatok
4. pinuntahan penontahan pintahan
5. magkaibigan magkabegan magkaebigan

272
A. Basahin at isulat nang may wastong baybay
ang mga ito.
1. blosa 4. boghaw
2. butike 5. mabote
3. malongkut
B. Tukuyin ang salitang may maling baybay.
Isulat ito nang wasto.
1. Ang kalase niya ay masipag mag-aral.
2. Ang ulap ay maitim, tanda na oolan.
3. Umiiyak ang koteng na hinahanap ang
inang pusa .
4. Ang langet ay asul kapag maaliwalas ang
panahon.
5. Ang kochi ay bagong-bago pa.
C. Isulat ang ngalan ng mga larawan nang may
wastong baybay.

1. 2. 3.

4. 5.

273
Sa pagbaybay ng mga salita, laging isaisip ang
mga tunog ng mga letra na bumubuo nito. Kung
ano ang tunog o kung ano ang bigkas ay siya
rin ang baybay.

Basahin at piliin sa pangungusap ang mga


salitang may maling baybay at iwasto.
1. Ang kabayu ay mabilis tumakbo. _______
2. Ang gumamila ay walang bango. ______
3. Malakas ang hangen sa labas. _________
4. Blanggo ang isip mo kapag may
problema._____
5. Nahuhogas ng kamay si Ma’am . ______

Sumulat ng ngalan ng larawan sa paraang


kabit-kabit. Sundan ang modelo na nasa ibaba.

274
Aralin 2 : Paalala ko Sundin Mo

Isulat sa sulatang papel ang salitang kilos sa


bawat pangungusap.
1. Nakakita si Lito ng karatula.
2. Ano kaya ang nakasulat?
3. Naku! Ang kaniyang reaksyon sa sinabi.
4. Bawal umihi dito.
5. Pakiusap sumunod sana ang lahat.

Ang Paalala ni Arnel


Nagmamadali si Arnel.
Tinanghali siya ng gising.
Baka mapagalitan siya
ni Bb. Luis. Alalang-alala siya.
Halos patakbo niyang
narating ang paaralan
kahit na siya’y muntik nang
makagat ng aso dahil
hindi niya napansin
ang paalalang “ Mag-ingat sa aso.”
Nang makarating siya sa paaralan, agad siyang
napahinto ng makitang itinataas pa ang watawat
at umaawit ng Lupang Hinirang ang mga mag-
aaral. Bigla niyang naalala ang kaniyang leksiyon sa
Sibika kaya’t tumayo siya nang matuwid at inilagay

275
niya ang kaniyang kanang kamay sa tapat ng
kaniyang dibdib at nakisabay sa pag-awit.
Nang matapos ang flag ceremony tinungo ni
Arnel ang kanilang silid-aralan , habang naglalakad
nakita niya ang kaniyang kaklase na si Lito na
nagtatapon ng balat ng kendi sa sahig kaya’t
nilapitan niya ito at sinabing, “ Lito, hindi mo ba
nakikita ang mga babala?,” tumingin sa paligid si
Lito at nakita niya ang mga babala . “ Bawal
magtapon ng basura dito.” at “Itapon ang basura sa
tamang lalagyan.”
Napahiya si Lito kaya’t dali-dali niyang pinulot
ang balat ng kendi at agad niya itong itinapon
sa basurahan. “ Arnel, labis akong nahihiya sa aking
nagawa, salamat at pinaalalahanan mo ako.
“Pinapangako ko na susundin ko na ang mga
babala.”wika ni Lito.
“Walang anuman,” tugon ni Arnel.
At masayang tinungo ng magkaklase
ang kanilang silid-aralan nang may ngiti sa labi.

 Bakit nagmamadali si Arnel?


 Sino ang magkaklase sa kuwento?
 Ano ang ginawa ni Arnel ng maalala niya ang
leksiyon sa Sibika?
 Bakit nilapitan ni Arnel si Lito?
 Kung ikaw si Arnel, ganoon din ba ang gagawin
mo? Ipaliwanag ang sagot.
 Anong mensahe ng kuwento ?

276
Nakasanayan mo ba ang mga ito?
Sabihin kung oo, minsan, o hindi.

Hindi Minsan Oo
1. Binabasa ko ang mga
babala sa parke.
2. Namimitas ako ng
bulaklak sa plasa kung
ibig ko.
3. Tinapon ko ang balat
ng kendi sa
basurahan.
4. Sinusulatan ko ng
aking pangalan ang
mga pader sa plasa.
5. Nag- iingat ako sa
pagtawid tuwing
papasok sa paaralan.

A. Ano ang ibig sabihin ?


“Mga babala at paalala ay dapat sundin
sapagkat dala nito’y kaligtasan natin”
B. Sabihin kung ang mga sumusunod na
pahayag ay paalala o babala.
1. Bawal magtinda dito!

277
2. Mag-ingat sa inyong pag-tawid!
3. Dapat tayong , maligo araw-araw.
4. Bawal ang maingay .
5. Maglakad ng marahan.

C. Sabihin ang mensaheng nais ipabatid


ng mga babala at paalala.
1. Pumila ng maayos!
2. Bawal umihi dito!
3. Tumawid sa tamang tawiran.
4. Huwag magtulakan
5. Bawal manigarilyo dito!

Ang babala ay pahayag na


nagpapaalala na mag- ingat.
Ang paalala ay nagbibigay ng panuto
o direksyon ng gagawin.

Basahin ang kuwento.

“Akin na iyan!” ang mga katagang narinig


ni Aling Cora mula sa kuwarto ng kaniyang mga
anak na sina Fe at Amy. Agad niya itong
pinuntahan.
278
“Ano ang inyong pinagtatalunan?” tanong ng
ina sa magkapatid.
“ Kasi po inaagaw ni Ate itong sapatos na
padala ni Tiya Belen na galing Amerika,” wika ni Fe.
“ Amy, binilhan na kita ng bagong sapatos mo
di ba?”, tugon ni Aling Cora.
“ Opo inay, pero gusto ko din ng sapatos na
imported tulad nang kay Fe,” ang nakasimangot na
sagot ni Amy.
Kaya’t nilapitan niya ito at pinag sabihan,
“Anak, hindi mo ba alam na mas makakatutulong
tayo sa sarili nating bansa kung gagamitin natin ang
mga bagay na yari dito at gawa ng mga Pilipino.”
Biglang naalala ni Amy ang sinabi ng kaniyang
guro na si Bb. Balaran,“Mga bata lagi ninyong
tatandaan na dapat bilang Pilipino ay tangkilikin
natin ang sariling atin, bumili ng mga produktong
tatak Pinoy.”
Kaya sinabi ni Amy sa kaniyang ina na “Tama
ka Inay, patawad po! Nagkamali ako.”
Humingi din ng paumanhin si Amy sa kaniyang
kapatid at muli sila’y nagkasundo.

279
Ano ang mensaheng nais ipabatid ng nabasa
mong kuwento?

Muling basahin ang kuwentong “ Ang Paalala


ni Arnel”

 Ano ang unang nangyari sa kuwento?


 Bakit napahinto si Arnel nang makarating sa
paaralan?
 Sino ang batang lalaki na kaniyang nakita at
ano ang kaniyang sinabi?
 Paano nagwakas ang kuwento?

Ang pagtangkilik ng mga produktong sariling


atin ay makatutulong sa pag-unlad ng bansa.

Ayusin sa wastong pagkakasunod-sunod ang


mga larawan batay sa napakinggang kuwento mula
sa guro.

280
Lagyan ng bilang mula 1- 5 ang mga larawan
ayon sa tamang pagkakasunod-sunod nito.

281
_____ Handa na si Roy upang pumasok sa paaralan
_____ Pagkatapos kumain ay naligo na siya
_____ Inayos niya ang kaniyang higaan
_____ Nang magutom ay kumain na siya ng almusal
_____ Nagbihis na ng kaniyang uniporme
_____ Isang umaga, bumangon na si Roy sa kaniyang
higaan

Makinig sa nagsasalita upang


maisalaysay muli ang napakinggang teksto.

Basahin ang kuwento.

Napansin ni Perla na naglilinis ang buong


barangay kaya’t naisipan niyang sumali
at tumulong. Kinuha niya ang walis at pandakot.
At nagsimulang maglinis. Inipon niya ang mga
basura at inihiwalay ang mga nabubulok sa hindi
nabubulok. Naging masaya siya sa resulta ng
kaniyang ginawa.
Isaayos ang mga larawan batay sa kuwentong
binasa. Isulat ang bilang 1 – 4 sa sagutang papel.

282
1 2 3 4

Muling basahin ang kuwentong “Ang Paalala


ni Arnel”

 Ano-ano ang naalala ni Arnel habang itinataas


ang watawat ng Pilipinas?
 Ano ang ipinaalala niya sa kaniyang kaklase?

Maipapakita natin ang pagmamahal sa ating


bansa sa pamamagitan ng paggalang sa ating
watawat, pagtangkilik sa sariling atin.

283
Isulat sa sagutang papel ang pandiwang
pangnagdaan na ginamit sa bawat pangungusap.
1. Maagang nagising si Arnel.
2. Napahinto siya ng makitang itinataas
ang watawat.
3. Nagtapon ng basura si Lito.
4 . Habang naglalakad si Ana, nakita niya
ang kaniyang nanay.
5. Masayang tinungo ng magkaklase
ang kanilang silid-aralan.

A. Piliin ang pandiwang pangnagdaan.


1. umaawit 6. ginupit
2. nagmamadali 7. sasayaw
3. naglinis 8. umalis
4. naglalakad 9. gumapang
5. kinuha 10. sasama
B. Isulat sa sagutang papel ang pandiwang
pangnagdaan sa bawat hanay.
1. nagsaya masaya magsasaya
2. tatawag tinawag tinatawag
3. nagbibigay magbibigay nagbigay
4. aalis umalis umaalis
5. matulog natutulog natulog

284
Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita
na nagsasaad ng kilos o galaw sa loob
ng pangungusap. Ang mga salitang kilos
na naganap na ay nasa pandiwang
pangnagdaan.

Piliin ang wastong pandiwa na angkop sa


pangungusap.
1. (Binibili, Binilli) ko sa Marikina ang aking
sa sapatos noong Sabado.
2. Marami akong (ginawa, gagawin) kanina.
3. Si Paulo ay (papaluin, pinalo) noong isang
araw.
4. (Pupunta,Pumunta)ako sa Mandaluyong
kahapon.
5. ( Umulan, Umuulan) kagabi.

Batang Bayani
Dukha siya tinawag ng lahat
Talino’y subok at totoong matapat
Sa ati’y tumulong kahit anong hirap
‘Yan ang batang isang papuri’y nararapat
285
Ating kilalanin bigyan ng palakpak
Papuri’t alay ay mabangong bulaklak
Nararapat sa puso niyang busilak
Buhay inilaan kahit mapahamak

 Tungkol saan ang tula?


 Anong mensahe ang hatid sa atin ng tula?
 Bakit dapat papurihan ang bata?
 Bakit dapat siyang alayan ng bulaklak?
 Ibigay ang mga salitang may salungguhit.
Sabihin kung anong aspekto ng pandiwa ang
ginamit?

Ang pagtulong sa kapwa ay gawaing tama,


bata man o matanda lagi itong italima.

Gamitin sa sariling pangungusap.


 inilaan
 tawagin
 tumulong

286
Gamit ang pandiwa, gumawa ng mga
pangungusap tungkol sa mga larawan.

1.

Payak ang pangungusap kapag ito


ay may isang diwa lamang.
Ang gumaganap ng kilos ay maaring
pangngalan o panghalip.
Ang pandiwa ay salitang nagsasaad
ng kilos.

287
Gamitin sa payak na pangungusap ang
sumusunod na pandiwa.
1. lilipad 4. lumiban
2. kumakain 5. humihiga
3. gumapang

Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa


larawan. Isulat ito sa paraang kabit-kabit.

288
Aralin 3: Lugar na Kinagisnan,
Halina’t Pasyalan

Isulat ang Tama o Mali sa sagutang papel.

1. Sa pagpapahayag ng impormasyon
dapat ito ay makatotohanan.

2. Kapag nagdagdag, nagbabawas o


nagpapalit ng isang tunog sa salita nanatili pa
rin ang kahulugan nito.
3. Sa unahan ng salita lamang puwedeng
magdagdag, magbawas o magpalit ng isang
tunog upang makabuo ng bagong salita.
4. Ang pandiwa sa aspektong pangkasalukuyan
ay nagpapahayag ng kilos na nangyayari
sa kasalukuyan.
5. Ang nagtinda ay pandiwa sa aspektong
pangkasalukuyan.

289
Kakaiba ang Camiguin

Taon-taon ay nagbabakasyon ang mag-anak


ni Mang Amado. Isa sa paborito nilang
pinupuntahan ay ang Camiguin. Ang lalawigan
kung saan ipinanganak si Mang Amado.
Ang Camiguin ay isa sa magagandang lugar
sa Pilipinas. Pagsasaka at pangingisda ang
pangunahing hanapbuhay ng mga tao dito.
Ipinagmamalaki nila ang kanilang lansones,
sinasabing pinakamatamis sa buong bansa.
Maraming magagandang tanawin sa
Camiguin. Isa na rito ang Mt. Hibok-hibok kung saan
tumutubo sa dalisdis nito ang pagkatamis-tamis na
lansones. Dito rin makikita ang Talon ng
Katibawasan, Bukal ng Ardent at Bukal ng Sto. Niňo.
Tuwing Oktubre pumupunta ang mag-anak
dahil ito ang buwan kung saan ipinagdidiwang
ang Pista ng Lansones. Dinarayo rin ito
ng mga turista. Kumpol-kumpol na lansones
ang isinasabit sa mga bintana, pinto at poste
ng mga bahay. Makikita rin sa parada
ang napakaraming lansones.
Kakaiba talaga ang Camiguin.

 Sino ang mag-anak na laging


nagbabakasyon?
 Saan sila nagbabakasyon?

290
 Ano-anong magagandang lugar
ang makikita sa Camiguin?
 Magbigay ng ilang impormasyon tungkol sa
lugar ng Camiguin?Ilahad ito sa klase.

Pumalakpak kung nagpapakita ng


pagmamalaki sa kagandahan ng isang lugar sa
Pilipinas at pumadyak naman kung HINDI.
1. Ibabalita ko sa aking kaibigang nasa
Amerika ang kagandahan ng Pilipinas.
2. Itatago ko ang mga kuhang larawan ng mga
napuntahan kong lugar.
3. Ipapasyal ko ang mga pinsan ko sa isang
kilalang Talon sa aming lugar.

Ibigay ang impormasyong hinihiling buhat sa


tekstong binasa.
1. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga
taga Camiguin?
2. Anong prutas ang kilalang isa sa
pinakamatamis sa buong bansa?
3. Paano ipinagdiriwang ang Pista ng Lansones?

291
Punan ng tamang impormasyon ang parihaba
ayon sa tekstong napakinggan.
Magagandang lugar sa Camiguin

Tandaan natin ang sumusunod upang


maipahayag natin nang maayos ang nabasa o
napakinggang mga impormasyon.
1. Unawain ang binabasa o pinakikinggan.
2. Maging makatotohanan. Huwag dagdagan o
bawasan ang mga impormasyong
ipapahayag.
3. Huwag magpaligoy-ligoy sa sasabihin.
4. Isipin ang damdamin ng makikinig sa pahayag
na gagawin. Iwasang makasakit ng
damdamin ng iba.
5. Gumamit ng payak na pangungusap.

292
Magbigay ng tatlong impormasyon buhat sa
mababasang teksto.

Pambansang Bulaklak
Sampaguita ang pambansang bulaklak
ng Pilipinas. Maputi ang kulay nito. Mabango
at mahalimuyak ang amoy ng sampaguita.
Tinutuhog ito para maging kuwintas. Inaalay din ito
sa altar at isinasabit sa leeg ng pararangalan.

taon buong saan tao rito


nila bukal talon tuwing pinto
poste bahay bahay kaya para

Pag-aralan ang tsart.

Hanay A Hanay B

Tao Taon

Bahay Baha

Nila Sila

293
 Ibigay ang mga salitang nasa Hanay A.
 Anong pagbabago ang napansin ninyo sa
mga salita sa Hanay B?
 Ano ang nangyari sa salitang tao sa hanay B?
 Ano ang nangyari sa salitang bahay?
 Ano ang nangyari sa salitang nila sa hanay B?
 Paano nabago ang mga salita?

Sikaping suriin ang mga salita upang makita


ang magkakaiba-iba nito.

Dagdagan ang sumusunod na salita ng isang


tunog upang makabuo ng bagong salita.
1. Ipon 4. suka
2. upa 5. asa
3. tula

294
Bumuo ng bagong salita ayon sa panuto.

Unang Pangkat – Dagdagan ng isang tunog


ang mga salita upang makabuo ng bagong salita.

1. ___ama 3. ___aya 5. ___ata


2. ___ulo 4. ___uka
Ikalawang Pangkat –Bawasan ng isang tunog
ang mga salita upang makabuo ng bagong salita.

1. talaba 2. sama
3. sulat 4. halika
5. tapa
Ikatlong Pangkat- Palitan ang isang tunog ng bawat
salita upang makabuo ng bagong salita.

1. wala 4. baso
2. bola 5. sanga
3. gawa

Ang mga salita ay maaaring dagdagan,


bawasan o palitan ng isang tunog sa unahan,
gitna o hulihan upang makabuo ng bagong
salita.

295
Bumuo ng bagong salita sa pamamagitan
ng pagdadagdag, pagbabawas o pagpapalit ng
isang tunog sa mga salitang nasa ibaba.

1. belo 4. toyo
2. ama 5. tagos
3. bata

Si Nanay at Si Aling Doray

Sa Bayan ng San Roque


karamihan sa mga
kababaihan
ay may sunong na bilao
sa ulo tulad ni Aling Doray.
Araw-araw ay maririnig
ang malakas na tinig ni Aling Doray, “Suki, bili na
ng gulay, ayungin, tulya, hipon!”
Suki ni Nanay si Aling Doray. Dito siya bumibili
ng lulutuing ulam. Dahil sa tagal ng kanilang
pagiging magsuki, naging matalik na silang
magkaibigan. May pagkakataong walang perang
pambili si Nanay pero pilit pa ring iniiwan ni Aling
Doray ang mga paninda. Walang dalang talaan si

296
Aling Doray. Inililista niya ito sa pader na
nadadaanan ng tubig tuwing umuulan. Madalas
binibiro ni Nanay si Aling Doray, “ Kapag nabura ng
tubig ulan ang lista mo, mabubura na rin ang utang
ko ha!” Kasunod noon ay halakhakan sabay sabi ng,
“Bahala ka na! Alam ko naman yan.”

Minsan, may pagpupulong sa barangay.


Ito ay tungkol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Unang pinatawag ng Punong Barangay ang mga
tindera kung ano ang maaari nilang magawa
upang hindi masyadong mahirapan ang mga
mamimili. Nagbigay ng kaniyang opinyon si Aling
Doray na dapat ay kung ano ang wasto at tamang
presyo ay iyon lamang ang gagawin ng isang
tindera. Nagustuhan ng nakakarami ang kaniyang
sinabi.

Masayang umuwi si Aling Doray mula sa


pagpupulong.

 Ano ang karaniwang ginagawa ng mga


kababaihan sa San Roque?
 Anong uri ng samahan mayroon sina Aling
Doray at nanay?
 Anong katangian ang ipinakita ni Aling Doray?
Ng nanay?

297
 Kung ikaw si Aling Doray, magtitiwala ka ba sa
isang kaibigan? Bakit?
 Ano-anong salita sa kuwento ang may
salungguhit?
 Kailan ginawa ang kilos ng mga salitang ito?
 Ano ang tawag sa salitang kilos na ngayon
ginagawa?

Iguhit sa papel ang kung nagpapakita ng


tiwala at pagpapahalaga sa kaibigan at kung
HINDI.

1. Ipagsabi sa iba ang sikreto ng kaibigan.


2. Damayan at tulungan ang kaibigan sa
kaniyang mga problema.
3. Awayin ang kaibigan kung may
pagkakamaling ginagawa.

Piliin sa pangungusap ang pandiwang nasa


aspektong pangkasalukuyan.

1. Araw-araw bumibili si Nanay kay Aling Doray


ng iba’t-ibang gulay at isda.
2. Ibinibigay ni Aling Doray ang nais ni nanay
na isda at gulay kahit wala pa siyang pambayad.
3. Madalas binibiro ni Nanay si Aling Doray.

298
4. Inilista ni Aling Doray sa papel ang utang
ni Nanay.
5. Niluluto ni Nanay ang paborito naming ulam.

Hanapin sa kahon ang tamang pandiwa


upang mabuo ang pangungusap.

namimili kumakahol naglalaro

naghuhugas naglalakad naglalaba


1. Si Tagpi ay __________sa mga taong hindi
niya kilala.
2. Masayang _________si bunso sa kaniyang
kuna.
3. ___________ ako ng kamay bago kumain.
4. Si Nanay ay __________ sa palengke araw-
araw.
5. Sina Entoy at Eboy ay _________ sa
pagpasok sa paaralan.

Ang pandiwa sa aspektong pangkasalukuyan


ay nagpapahayag ng kilos na nangyayari sa
kasalukuyan. Ginagamit ang mga panlaping
nag, -nang- at ang um- na sinusundan ng pag-
uulit ng unang pantig ng salitang-ugat.

299
Punan ng angkop na pandiwa ang mga
pangungusap.

1. Si Aling Caridad ay maagang __________


ng sariwang gulay at prutas sa palengke.

2. Si Kuya Mario ay __________ ng halaman


araw-araw.
3. Si Lito ay __________ ng basketbol tuwing
hapon.
4. Maagang __________ si Angela tuwing
umaga
5. Si Bunso ay __________ tuwing nagugutom.

Muling basahin ang kuwentong “ Si Nanay at Si


Aling Doray”

 Ano ang paksa ng binasang kuwento?


 Paano natin nalalaman ang paksa ng isang
kuwento?

300
 Saan maaaring matagpuan ang paksa ng
kuwento?

Hanapin sa loob ng kahon ang mga


katangiang dapat taglayin ng isang kaibigan.

mapagbigay maunawain mainggitin

mayabang mapagkakatiwalaan

matulungin masayahin selosa

Piliin ang paksa .

1. Sa Bayan ng San Roque karamihan sa mga


kababaihan ay may sunong na bilao sa ulo
tulad ni Aling Doray. Araw-araw ay maririrnig
ang malakas na tinig nila.
a. Maraming tinderang kababaihan sa Bayan
ng San Roque.
b. Malakas ang boses ng mga kababaihan.
c. Maraming bilao sa San Roque.

301
2. Dahil sa tagal ng pagiging magsuki
ibinibigay ni Aling Doray ang kaniyang paninda
kahit walang pambayad si nanay.
a. Bawal umutang kay Aling Doray
b. May tiwala si Aling Doray kay nanay
c. Magsuki si Aling Doray at si nanay.

3. Minsan pinatawag ng Punong Barangay


ang mga tindera kung ano ang maaari nilang
magawa upang hindi masyadong mahirapan
ang mga mamimili.
a. May pagpapahalaga ang Punong
Barangay sa kaniyang nasasakupan.
b. May reklamo ang mga mamamayan
sa Punong Barangay.
c. May gulong nangyari sa mga tindera.

Ibigay ang paksa ng sumusunod na talata.

1. Sadyang likas na matulungin ang mga


Pilipino. Tuwing may nakikitang matandang
tatawid sa kalsada, agad itong aalalayan.
Kapag nilapitan siya ng pulubi na
nakasahod ang kamay, agad siyang nag-
aabot ng limos.

2. Ang aso ay tapat na kaibigan ng tao.


Matiyaga itong nagbabantay ng mga
bahay. Tinatahulan niya ang mga taong
hindi niya kilala. Handa niyang ibigay ang
302
kaniyang buhay sa pagliligtas sa
kaniyang amo.

Ang paksa ang nagsasabi kung tungkol saan


ang isang teksto. Maaari itong matagpuan sa
unahan, gitna o hulihan ng isang kuwento o
teksto.

Basahin at ibigay ang paksa ng maikling


kuwento.

Si Mara ay isang mag-aaral sa ikalawang


baitang. Likas sa kaniya ang pagiging masipag.
Hindi na siya inuutusan pa sa kanilang tahanan.
Kusa niyang ginagawa ang paglilinis at paghuhugas
ng pinggan. Maging sa paaralan ay puring-puri siya
ng kaniyang guro sa pagiging masipag sa pag-aaral
at sa gampanin sa loob ng silid-aralan. Pangarap
niyang maging guro balang araw upang mkatulong
sa mga batang Pilipino at sa pag-unlad ng bansa.

303
Isulat ang sumusunod sa paraang kabit-kabit

304
Aralin 4: Katangian Mo, Kalakasan Mo

A. Sabihin kung tama o mali ang sinasabi


ng bawat pangungusap.
1. Ang mga salitang kilos na gagawin pa
lamang ay tinatawag na pandiwang naka-
aspektong panghinaharap .
2. May mga salitang bukas,mamaya, sa isang
buwan o araw at iba pa ay nagsasabi na
ang kilos ay gagawin pa lamang.
3. Ang plato ay halimbawa ng kambal katinig
na pl.
4. Mag-ingat sa mandurukot. Ang salitang
may salungguhit ay nasa aspektong
panghinaharap ng pandiwa.
5. Hindi ka makabubuo ng payak na
pangungusap sa isang binasang kuwento.

B. Piliin sa kuwento ang mga pandiwang


panghinaharap.

Paghahanda sa Bakasyon ni Cita

“Magbabakasyon daw sina pinsang Cita


kasama ang kaniyang asawa. Nakausap ko siya sa
Facebook kahapon,” wika ni Celia.

305
“Ganoon ba! Sige, sasalubungin natin sila.Ano
kaya ang pasalubong niya sa atin?”sabi ni Joseph.
“Magdadala raw siya ng maraming tsokolate,
”dagdag ni Celia.
“Pagdating niya pakakainin natin siya ng
adobong manok at kare-kare,” tuwang tuwa na sabi
ni Joseph.
“Ako naman, ipapasyal ko sila sa Boracay,”
pagyayabang ni Jonjon.
“Weeee! May pera ka ba?” pang-aasar ni
Julius.
“Sasamahan ko lang sila. Sila siyempre ang
magbabayad.”
Nagtawanan silang lahat.

Si Ginoong John de la Cruz

Tunay na bayani kung maituturing si G. de la


Cruz dahil sa kaniyang kahusayan sa pagtuturo. Siya
ay isang larawan ng tunay na maipagmamalaking

306
guro kung kaya’t mahal na mahal siya ng kaniyang
mga mag-aaral at kapwa niya guro.
Isang araw, nagtaka ang lahat nang bigla
itong magpaalam. Marami ang nalungkot
at nanghinayang.
“ Kailan kaya tayo
magkakaroon ulit ng gurong
katulad niya?”wika ng isang
mag-aaral.
Lumipas ang isang
buwan, laking gulat nila
ng makita nila si G. de la Cruz
na nagtutulak ng kariton
na may mga kasamang
batang kalye. Sinundan nila ito at laking gulat nila ng
makita nila ng maraming bata.
“Wow! isa pala itong silid-aralan! Nagtuturo
pala si G. de la Cruz ng mga batang kalye,” wika ng
mga bata.
Biglang napalingon si G. de la Cruz sa kanila at
sila ay tinawag. Tinanong ng mga bata ang kanilang
guro,
“Sir, bakit po tinuturuan ninyo ang mga batang
kalye?” “Nang makita ko sila, naawa ako. Wala
silang matututunan kung nasa kalye lamang sila.
Kaya nandito ako ngayon para sila’y turuan,” tugon
ni G. de la Cruz.
“Pero bakit kailangan ninyo pa po sila
sunduin?,” tanong nila.
“Ipinapakita ko kasi na interesado ako sa
kanila, pero yung maliiit lang ang sinusundo ko, yung

307
mga malalaki ay kusa nang pumupunta rito,”
paliwanag niya.
“Bayani ka talaga, Sir!” wika ng mga bata.
Napangiti siya at sinabi “ Kahit sino puwede maging
bayani. O sige mga bata may gagawin pa ako,”
paalam niya.
Ang galing talaga ni G. John de la Cruz,
maipagmamalaki ko talaga siyang guro.

 Tungkol saan ang kuwento?


 Ilarawan si G. John de la Cruz bilang guro.
 Ano ano ang magagandang katangian niya?
 Sino sa inyong mga guro ang tulad ni G.John de
la Cruz na maipagmamalaki ng ating bansa?
 Paano mo ipakikita ang paggalang sa iyong
guro?

Ang mga guro ay bayani ng ating bansa. Ang


kanilang mga ginagawa ay upang mahubog ang
mga batang nasa paaralan.

Ikuwentong muli nang maayos ang binasang


kuwento gamit ang graphic organizer.
308
Basahin ang kuwento at isalaysay muli gamit
ang sariling pangungusap.
Ang Kamay

Isang guro sa ikalawang


baitang sa bansang Amerika
ang nagbigay ng isang
gawain sa kaniyang mga
mag-aaral.
Siya ay nagpaguhit sa
kanila ng mga bagay na
naaalala nila sa panahon ng
Pasasalamat. Karaniwan na,
ayon sa guro, na gumuguhit
sila ng mga pagkain, mga handaan at pagsasaya
sa paraang guhit ng bata.
Nang ipasa nila ang kanilang gawain, isa sa
mga naiguhit ang nakaagaw pansin sa guro. Isa
itong larawan ng kamay. Tinanong niya ang mga
309
bata kung ano at kanino sa palagay nila ang
nakaguhit na kamay. Maraming sagot ang kaniyang
nakuha.
Oras ng rises habang kumakain ang mga bata
ng kanilang baon, nilapitan at tinanong ng guro
si Joel, ang batang gumuhit ng kamay.
“Sa inyo po iyon, ma”am. Kasi po lagi ninyo
akong inaalalayan at hinuhugasan ang aking mga
kamay. Napakabuti po ninyo sa akin. ”

Pakinggang mabuti ang binasabasang teksto


sa iyo upang maunawaan at maipahayag ito
nang maayos at wasto.

Isulat ang tsek (/) kung ang pangungusap ay


nagpapakita ng maayos na pagpapahayag at ekis
(X) kung HINDI.
1. Mahalagang makinig nang mabuti upang
maipahayag nang maayos ang kuwento.
2. Lakasan ang boses sa pagkukuwento.
3. Hindi na kailangang makita sa mga kilos at
ekspresiyon ng mukha ang damdaming
sinasabi sa kuwento.

310
4. Upang higit na maintindihan ng makikinig
ang kuwento, kailangang bigkasin nang
maayos ang mga salita.
5. Maaaring gawin ang pagpapahayag nang
nakatalikod sa klase.

“Bayani ka talaga, Sir!” wika ng mga bata.


Napangiti siya at sinabing “ Kahit sino puwedeng
maging bayani.O sige mga bata may gagawain pa
ako. ”

 Ano ang turing ng mga bata kay G. John De la


Cruz?
 Paano tinanggap ng guro ang papuri sa
kaniya?
 Tungkol saan ang binasa mong pahayag?
 Paano mo nasabi?
 Ano ang angkop na diwa o kaisipan
na nakapaloob sa binasa mo?
a. Pwedeng maging bayani ang sinuman.
b. Ilan lamang ang maaaring maging
bayani.
c. Ang guro lang ang totoong bayani.

311
Ang pagtulong sa mga nangangailangan ay
tanda ng isang pagiging bayani.

1. Ibigay ang diwa .

Lumipas ang isang buwan, laking gulat nila


nang makita nila si G. de la Cruz na nagtutulak ng
kariton na may mga kasamang batang kalye.
a. Nagtuturo pa rin si G. de la Cruz.
b. Nagtutulak ng kariton si G. de la Cruz
c. Nangangalakal si G. de la Cruz

2. Isulat ang pangalan.

312
Tukuyin ang diwa o kaisipan.
1. Lumipas ang isang buwan, laking gulat nila
ng makita nila si G. de la Cruz na nagtutulak ng
kariton na may mga kasamang batang kalye.
Sinundan nila ito at nakita pa ang maraming
bata.
a. Naghihirap na si G. John De la Cruz.
b. Nangangalakal ng bote at diyaryo na si G.
John De la Cruz.
c. Nagulat sila ng makita nila si G. de la Cruz
na nagtutulak ng kariton na may mga
kasamang batang kalye.
2. Marami ang nalungkot at nanghinayang.
“ Kailan kaya tayo ulit magkakaroon ng gurong
katulad niya?”
a. Masaya ang nakakikilala sa guro sa
kaniyang pagbibitiw sa serbisyo.
b. Ang guro ay walang tiyagang magturo.
c. Mahirap mawalan ng guro na mahal
niya ang kaniyang ginagawa niya.
Basahin nang malakas ang mga salitang nasa
kahon na may tunog/pl/

pluma planggana plais planta


poso posporo palasyo plaka
preso proseso plato pluma
Pluto plawta plorera plasa

313
Unawaing mabuti ang isang teksto upang
maibigay ang kaisipan o diwa nito.
Ang pl ay isang kambal-katinig na may
tunog /pl/.

A. Ibigay ang diwa o kaisipan.


1. Si Jade Planas ay anak ng mag-asawang
Ilokano na sina Darlin at Aldrin na nakatira
ngayon sa Plaridel, Bulacan. Palagi siyang
naglalakad sa pagpasok sa paaralan.
Nagtitipid ng baon para makabili ng
mahalagang gamit pampaaralan. Dumadaan
siya sa plasa at laging tinitingnan ang kaniyang
pinag-iipunan.
a. Si Jade Planas ay anak ng mag-asawang
Ilokano.
b. Ang nakaugaliang gawin ni Jade Planas
c. Matipid na bata si Jade Planas
2. Laging malinis at plantsado ang
unipormeng suot niya. Inihahatid siya ng
kaniyang tatay niya sa eskuwelahan. Lagi
rin siyang may baon na masustansyang
pagkain. Dahil sa nakikita niyang malasakit

314
ng magulang niya, lalo siyang nagsikap sa
pag-aral at nanguna sa klase.
a. Nag-aaral mabuti ang batang minamahal.
b. Mahal ng magulang ang anak nila.
c. Nag-aaral mabuti kahit walang nag-
aalaga.
B. Isulat ang lahat ng salitang maykambal-katinig
na/pl/ sa binasang mga talata.

Maiiyak ka kung maririnig mo ang malasakit


niya sa mga bata.
“O paano, mauuna na muna ako sa inyo.”
Magluluto ka na at parating na sina ate
galing sa airport mamaya.
Kakain ako ng tsokolate kapag binuksan ang
pasalubong nila bukas.

 Ano-ano ang pandiwa sa unang tatlong


pangungusap?
 Kailan ito ginawa?
 Paano mo nasabi?
 Paano ipinapakita ang isang pandiwang
panghinaharap?

315
Suriin.
Salitang Panlapi Unang Panghinaharap na
ugat pantig aspekto ng
pandiwa
Iyak ma I Maiiyak
una ma U Mauuna
luto mag Lu Magluluto
kain Ka Kakain

Ang pagmamahal sa kapwa ay kabayanihan.

A. Tukuyin ang pandiwang nasa pangungusap.


1. Manonood ako ng cartoons pagkatapos
kong mag-aral.
2. Dapat tayong magpaalam sa ating mga
magulang kapag aalis ng bahay.
3. Tutulungan mo ba ang magulang mo
sa paghahanap buhay?
4. Ang mag-anak ay kakain sa labas kasama
ang balikbayang bisita.
5. Kapag may pasok, ang mga bata ay
kailangang matulog nang maaga.
Ibigay at gamitin sa pangungusap sa
aspektong panghinaharap ang sumusunod na salita:
tayo, nood, bayad, sira, hiram

316
A. Isulat ang pandiwa sa aspektong
magaganap.
(magtanim) 1. _______ kami ng gulay sa probinsiya
sa susunod na buwan.
(masira) 2. _______Ang mga ngipin mo kapag
hindi ka nagsipilyo.
(magdasal) 3. Mamayang gabi________ ka, ha?
(kumain) 4. ________ka naman ng gulay mamaya
dahil puro karne ang kinain mo ngayon.
(umalis) 5. ______ ang mga kamag-anak namin
sa linggo.

Ang pandiwang gagawin o mangyayari pa lamang


ay nasa panahunan o aspektong magaganap.
Nakakatulong sa pagkilala ng pandiwang nasa
aspektong magaganap ang mga salitang
pampanahon tulad ng bukas, mamaya, sa isang
linggo, at sa darating na panahon.
Upang maging nasa pandiwang panghinaharap
ang isang pandiwa, tinatanggal ang panlaping um
at inuulit ang unang pantig ng salitang ugat.
Ang pawatas na may panlaping ma,
mag at mang ay mananatili sila sa ganoon ding
ayos at inuulit ang unang pantig ng salitang ugat.

317
Gamitin ang pandiwang panghinaharap sa
pagsagot sa sumusunod.
Ano ang gagawin mo kung …
1. marami kang takdang aralin?
2. magulo ang gamit sa kuwarto mo?
3. may paligsahan kang sasalihan sa susunod
na linggo?
4. may kaarawan na gaganapin sa ibang
lugar ngunit walang magbabantay sa
bunso mong kapatid ?
5. may ginawang mali sa iyo ang kamag-aral?

1. Si G. John De La Cruz ay bayaning guro.


2. Siya ay mahusay na guro.
3. Mga batang kalye ang tinuturuan niya.

 Sino ang pinag-uusapan sa unang


pangungusap?
 Ano ang sinasabi tungkol sa pinag-uusapan?
 Ano ang tawag sa kaniya bilang guro?
 Sino ang pinag-uusapan sa ikalawang
pangungusap ?
 Ano ang sinasabi sa pinag-uusapan?

318
Ugaliing tapusin agad ang mga ipinagagawa.

A. Isulat ang Oo kung payak na pangungusap at


Hindi kung parirala.
1. ang mga batang kalye
2. Siya ay mapagmahal na guro.
3. Mabait si Ginoong de la Cruz.
4. ay nagsasakripisyo sa pagtulong sa kapwa
5. Nagtuturo si G. de la Cruz sa mga batang
kalye.

B. Ibigay ang angkop na salita upang mabuo


ang diwa ng pangungusap. Gamitin ang
mga salita sa loob ng panaklong na gabay.
1. __________ ay isang bayani. (Sino)
2. Siya ay______________ng ating bansa.
(mararamdaman para sa kaniya)
3. Sila ay_____________ (naramdaman ng mga
guro at mag—aaral ng umalis si G. De La
Cruz.)
4. Tinutulungan niya ang_________. (Sino ang
mga tinulungan niyang mga bata)
5. Si Angelo ay_________sa klase
namin.(katangian niya)

319
A. Kumpletuhin ang mga pangungusap.
1. Si Marvin ay__________.
2. Si nanay ay masarap __________.
3. Masustansya ang ____________.
4. _______________ ay nagdadasal bago
matulog.
5. ________________ ay humahanga sa ginawa
mo.

A. Isulat ang tsek(/) kung payak na


pangungusap at ekis(X) naman kung HINDI.
1. Ang mga puno at halaman
2. Ang pagputol ng puno ay nagdudulot ng
baha.
3. Nagbibigay ng sariwang hangin
4. Ang kagubatan natin ay dapat alagaan.
5. Ang pagtitiis at pagtitiyaga

Ang payak na pangungusap ay may iisa at


kumpleto ang diwa o kaisipan.

320
Sagutin gamit ang payak na pangungusap.
1. Ano ang pangalan mo?
2. Ano ang pangarap mo paglaki mo?
3. Saan nagtatrabaho ang mga magulang
mo?
4. Ano ang una mong ginagawa pag-uwi mo
sa bahay pagkagaling sa paaralan?
5. Kapag nagalit sa iyo ang nanay mo dahil
nagkamali ka, anong gagawin mo?

Tukuyin ang ngalan ng larawan at isulat ang


pangalan nito sa paraang kabit-kabit.

321
Aralin 5: Halika, Mamasyal Tayo!

A. Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong


tungkol dito.
Si Gng.Gomez ay nagpunta sa Mindanao
upang dalawin ang kaniyang nanay. Tuwang-
tuwa ang nanay nang makita siya. May
pasalubong siya na daster sa kaniyang nanay.
1. Sino ang nagpunta sa Mindanao?
a. si Gng. Reyes c. si Gng. Ruiz
b. si Gng. Gomez d. si Gng. Roque
2. Ano ang dala niyang pasalubong?
a. bag c. daster
b. sapatos d. hikaw
3. Bakit siya pumunta ng Mindanao?
a. dumalaw sa kaibigan
b. dumalaw sa kapatid
c. dumalaw sa tatay
d. dumalaw sa nanay

B. Piliin ang salitang naglalarawan sa bawat


pangungusap.
4. Ang batang malusog ay kaibigan ko.
a. malusog c. kaibigan
b. batang d. ang
5. Ang Palawan ay maunlad na isla.
a. Palawan c. maunlad
b. Isla d. ang

322
Masayang Bakasyon
Noong nakaraang bakasyon, ang magkapatid
na Bella at Vico ay dinala ng kanilang ama sa isang
maliit na baryo sa Bikol upang dalawin ang matanda
nilang lola. Habang nasa biyahe ay masayang-
masaya ang dalawang bata. Pinagmamasdan nila
ang kanilang dinadaanang malalawak at
sementadong kalye gayundin ang mga bukid na
may tanim na matataas at iba’t ibang uri ng
punongkahoy.
Pagdating sa bahay ay agad silang humalik
sa kamay ng lola.”Ang ganda po ng lugar ninyo,
Lola!” ang sabi ni Bella.
“Ang mga nakikita ninyo ay bunga ng
pagtutulungan ng mga tao dito sa aming baryo.
Hindi sila nagpuputol ng mga punongkahoy.Ang
batis at dagat ay pinangangalagaan at
pinananatiling malinis,” ang sagot ng lola.
Madaling nagustuhan ni Bella ang baryo ng
kanilang Lola. Marami siyang naging kaibigan.
Naglalaro sila sa malawak na bukid na maraming
punongkahoy na hitik sa bunga. Naliligo sila sa
malinaw na tubig ng batis.Sariwa at masarap ang
gulay at mga isda.
“Maraming salamat po, Lola. Sana po ay
makabalik ulit kami sa susunod na bakasyon,”
ang sabi ni Bella sa lola.

323
 Sino ang mga pangunahing tauhan sa
kuwento?
 Bakit sila nagpunta sa baryo?
 Ano-ano ang nakita nina Bella sa pagpunta sa
baryo?
 Bakit nagustuhan ni Bella ang baryo ng kanilang
lola ?
 Ano-anong salita ang binilugan sa kuwento?
 Ano ang kahulugan nito?

Itapon ang basura sa tamang lalagyan upang


mapanatiling malinis ang ating kapaligiran.

A. Ano ang kahulugan ng salitang may


salungguhit?
1. Naliligo sila sa malinaw na tubig sa batis.
a. malinis c. marumi malinaw
b. malabo d. malamig
2. Naglalaro ang mga bata sa malawak
na bukirin ni lolo.
a. malaki c. tahimik
b. mabaho d. Malayo

324
B. Sumulat ng isa hanggang dalawang
pangungusap tungkol sa pagbabakasyon mo sa
bahay ng lola o lolo mo.

Unang Pangkat - Gumuhit ng isang magandang


lugar na maaaring pagbakasyunan.
Ikalawang Pangkat -Pag-usapan at isakilos kung
paano pangangalagaan ang inyong kapaligiran.
Ikatlong Pangkat – Pag-usapan ang isang karanasan
tungkol sa sariling pagbabakasyon.
Ikaapat na Pangkat –Gumawa ng diyalogo tungkol
sa magandang pook bakasyunan.

Matutukoy natin ang kahulugan ng mga


hindi pamilyar na salita sa pamamagitan ng
gamit nito sa pangungusap.

Basahin.
Ang Lakbay-Aral

Sumama sina Fe at Josie sa lakbay-aral ng


kanilang paaralan. Nagpunta sila sa Manila Zoo.
Tuwang-tuwa ang mga bata sa nakita nilang mga
325
hayop. Gayundin sa iba’t ibang kulay ng mga ibon.
Ang tataas ng mga giraffe! Ang lalaki ng mga
elepante. Ang sasaya ng mga matsing na
nagpapalipat-lipat sa mga puno.
Tuwang-tuwa silang pagmasdan ang mga
hayop. Iniiwasan din nilang magtapon o magkalat
ng basura sa kapaligiran ng Manila Zoo.
Sagutin.
1. Sino ang nagpunta sa Manila Zoo?
2. Ano-ano ang nakita nila?
3. Paano pinangalagaan nina Fe at Josie ang
kapaligiran?
4. Bakit masarap mamasyal sa Manila Zoo?

Basahin ang kuwentong” Masayang


Bakasyon”

 Ano-anong salita ang may salungguhit?


 Pantigin ang mga salita.
 Paano nagkakatulad ang mga salitang may
salungguhit.

Ang pagpapanatili ng kalinisan sa ating


kapaligiran ay tanda ng pagmamahal.
326
Basahin ang sumusunod.
Tuloy -tukoy Pamaypay-sinampay

Buhay-bahay Kalaykay-tinapay

Sabay-abay

Unang Pangkat –Magtala ng mga salitang may


diptonggong - ay.
Ikalawang Pangkat–Magtala ng mga salitang may
diptonggong –oy .

Ang diptonggo ay binubuo ng


alinman sa mga patinig at ng letrang w at
y sa loob ng isang pantig.

Basahin ang pangungusap at sipiin ang mga


salitang may diptonggo.
327
1. Ang kahoy ay mabigat.
2. Ang buhay ng tao ay mahiwaga.
3. Ang bahay ay maraming palamuti.
4. Ang tulay na kahoy sa bayan ay nasira.
5. Mabuhay ang Pilipinas!

Ang Rizal Park

Ang Rizal Park ay isang magandang


pasyalang lugar sa Pilipinas.Ito ay nasa Lungsod ng
Maynila. Dito matatagpuan ang bantayog ni Dr.
Jose Rizal, ang ating Pambansang Bayani. Ito ay
nasa tabing dagat kung saan makikita ang
maganda at makulay na paglubog ng sikat ng
araw.
Maraming tao ang namamasyal dito upang
magpiknik. Nakalalanghap dito ng sariwang hangin
dahil sa maraming halaman at malalagong punong
kahoy na nakatanim sa buong parke.

328
 Sino ang ating pambansang bayani?
 Ano-ano ang dinarayo sa Rizal Park?
 Ilarawan ang Rizal Park?
 Ang mga makikita dito?

Ang pangangalaga sa ating kapaligiran ay


pangangalaga sa ating kalusugan.

Ilagay sa tamang hanay ang mga salitang


naglalarawan na nasa loob ng kahon.
malalim tatsulok bilog
mataas pula matalino
maliit dilaw masikap
maliwanag parihaba mahaba
Anyo Laki Kulay Hugis

329
Unang Pangkat- Isulat ang mga salitang
naglalarawan sa bawat pangungusap.
1. Bago ang aklat.
2. Mababaw ang tubig sa ilog.
3. Rosa ay magalang sa nakakatanda.
4. Matamis ang hinog na mangga.
5. Ang mesa ay parihaba.
Ikalawang Pangkat– Tukuyin ang salitang
naglalarawan at ang inilalarawan nito.
1. Maigsi ang buntot ng aso.
2. Si Gng. Reyes ay matulungin.
3. Ang mga rosas ay mapupula.
4. Malawak ang Rizal Park.
5. Mapagmahal ang mga bata sa guro.
Ikatlong Pangkat–Ilarawan ang sumusunod.

papel kabayo aklat


kotse halaman

Ang mga salitang naglalarawan anyo,


laki at hugis ng tao, bagay o lugar ay
tinatawag na pang-uri

330
Tukuyin ang angkop na salitang maglalarawan
sa bawat isa.

1. Ang yelo ay (malamig, mainit).

2. Ang bahay ay
ay (matibay, magaling).

3. Ang hinog na mangga


ay (madilaw, mapula).

4. Ang damit ni kuya ay


(malaki, maliit) sa akin.

5. (Makulay Malabo)
ang ating paligid.

Ang Pasko
Ang Pasko ang isang masayang pagdiriwang
na hinihintay ng mga bata tuwing Disyembre taon-
taon.

331
Maaga pa lang ay isinusuot
na ng mga bata ang bago
nilang damit at sapatos.
Nagpupunta sila sa
simbahan upang makinig
ng misa. Pagkatapos ay
dumadalaw sila sa kanilang
ninong, ninang, at mga
kamag-anak upang
humingi ng aginaldo.

 Kailan ipinagdiriwang ang Pasko?


 Ano-ano ang ginagawa ng mga bata kung
araw ng Pasko?
 Ano-ano ang ginagawa mo kung araw ng
Pasko?

Pahalagahan natin ang mga tradisyon natin.

Itala ang mga Gawain sa araw ng Pasko.

332
Isulat ang sariling karanasan sa pagdiriwang na
nasa larawan.

Isang paraan upang maunawaan


ang isang binabasa ay ang pag-uugnay
nito sa sariling karanasan.

Sumulat ng dalawa hanggang tatlong


pangungusap tungkol sa regalong natanggap.

333
Aralin 6: Produktong Gawa Natin
Ating Tangkilikin!

Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang


sagot.
Ang mga mag-aaral ay masayang naglalaro
sa paaralan habang ang guro ay nakabantay.
Maya- maya ay biglang umiyak ang isang
bata.Hawak -hawak niya ang kaniyang tuhod na
nagdurugo.
1. Sino ang naglalaro sa paaralan?
a. ang mga guro
b. ang mga mag-aaral
c. ang mga guwardiya
d. ang mga magulang
2. Sino ang nakabantay sa kanila?
a. tatay c. guro
b. nanay d. punongguro
3. Ano ang nangyari sa bata?
a. Sinipa siya ng kaklase.
b. Nadapa siya.
c. Natalo siya.
d. Inaway siya.
4. Ilan ang batang nadapa?
a. dalawa c. isa
b. tatlo d. Lima

334
5. Si Joseph ay ibinili ng nanay ng tatlong
bagong t-shirt. Alin ang naglalarawan ng
bilang sa pangungusap?
a. Joseph c. t-shirt
b. nanay d. tatlong
6. Marami akong laruan na nakatago sa
bahay. Alin ang salitang nagsasaad ng
bilang?
a. laruan c. marami
b. nakatago d. bahay
7. Alin sa mga pang-uri ang nagsasaad ng di
tiyak na bilang?
a. siyam c. tatlo
b. lima d. marami
8. Piliin ang salitang may diptonggo.
a. sayawan c. wala
b. araw d. talon
9. Ang mga mamamayan ay nawalan ng
bahay dahil sa malakas na bagyo.Ang
nagpapahayag ng sanhi ay_________.
a. ang mga mamamayan ay
b. nawalan ng bahay
c. sa malakas na bagyo
d. mamamayan ay nawalan
10.Alin sa mga pangungusap ang
nagpapahayag ng sanhi at bunga?.
a. Umiiyak ang ale.
b. Nawala ang bag.
c. Nawala ang kaniyang bag kaya umiiyak
ang ale.
d. Ang kaniyang bag

335
Ang Pamimili ni Aling Sonia

Malapit na ang araw ng Pasko. Abala si Aling


Sonia sa pag-aayos ng kaniyang listahan ng mga
bibilhin para sa mga anak. Kasama niya si Bing nang
pumunta sa Divisoria. Bumili siya ng dalawang t-shirt
at dalawang pantalon para sa mga anak na lalaki.
Isang bestida naman para sa anak na babae at
limang pares ng sapatos.
Binabadyet niyang mabuti ang kaniyang
dalang pera. Pinipili niya ang mga gawa sa ating
bansa dahil naniniwala siya na magaganda
at matitibay ang mga ito.
Masayang umuwi si Aling Sonia. Nabili niyang
lahat ang nasa listahan.

 Sino ang nagpunta sa Divisoria?


 Ano-ano ang pinamili ni Aling Sonia?

336
 Ano ang dahilan kung bakit nagbabadyet si
Aling Sonia?
 Tama bang ibadyet ang pera? Bakit?
 Ano-ano ang pinamili ni Aling Sonia?
 Ano ang pamantayan niya sa pagpili niya ng
kaniyang bibilhin?
 Tama ba ang ginawa niya?
 Paano mo siya tutularan?

Isang paraan ng pagpapakita ng


pagmamahal sa bayan ay ang pagbili ng
produktong gawa sa Pilipinas.

Ibigay ang sariling hinuha .


Nagpunta ang mag-inang sina Aling Lita at
Letty sa groseri. Punong-puno ng tao ang groseri
dahil sa maraming namimili. Biglang nagulat ang
mag-ina! May nakita silang tumatakbo habang ang
matandang babae ay humihiyaw “Ang pitaka ko!”

Ibigay ang sariling hinuha sa sumusunod


na sitwasyon.

337
Unang Pangkat - Nakakita ng puno ng bayabas ang
mga bata. Marami itong bunga. Dali-daling nag-
akyatan ang mga bata. Tuwang-tuwa silang
nanguha at kumain ng mga bayabas. Maya- maya
ay bigla silang natakot at nagtakbuhan palayo.

Ikalawang Pangkat - Naglalaro ng basketbol ang


mga anak ni Gng. Navarro.Pinatitigil sila ng kanilang
kuya ngunit tuloy pa rin sila sa paglalaro.Bigla nalang
silang natakot nang tamaan ng bola ang
babasaging paso sa sala.

Ikatlong Pangkat - Magkaibigang matalik sina Aida


at Irene. Palagi silang magkasama sa pagpasok sa
paaralan at sa paglalaro.Isang araw ,dumating na
umiiyak si Aida. Ibinalita na paalis na ang pamilya
nila. Sa Davao na sila maninirahan.

Ikaapat na Pangkat -Isang araw, pupunta sa


palengke si Dory. Inuutusan siya ng nanay na bumili
ng mga kailangan sa bahay. Sa kaniyang
paglalakad, nakita niya ang mga kaibigan na
naglalaro.Tinawag nila si Dory at inanyayahang
sumali sa laro.

Ang pagbibigay ng hinuha ay pagbibigay


ng maaaring kalabasan ng isang pangyayari.

338
Sagutin ang mga tanong matapos basahin
ang talata.
Ang mag-asawang Aling Elena at Mang Teddy
ay nagpunta sa mall. Bumili sila ng dalawang laruan
at sapatos para mga anak.Nang makauwi sa bahay,
nakita nilang sapatos lamang ang laman ng
kanilang bag.

Ang mga bata sa Ikalawang Baitang , Pangkat


Atis ng Paaralang Elementarya ng Zambales ay
naghahanda para sa pagdating ng mga bisitang
sina Dr. Wainer at Gng. Smith, mga Amerikanong
guro. Isang bata ang nasa malapit sa bintana. Mula
dito ay matatanaw niya ang pagdating ng mga
bisita. Sisigaw siya kapag nakita niyang padating na
ang mga bisita.
Samantala, naghahanda naman ang
kaniyang mga kamag-aral para sa katutubong
sayaw na itinuro nina Gng. Roces at Bb. Luna. Ito ay
inihanda nila upang maipakita ang kultura ng mga
Pilipino. Sinisiguro nila na makapagbibigay sila ng
aliw sa mga bisita at maipapakita ang mga
magandang ugali ng Pilipino sa pangtanggap ng
mga bisita.

339
Naging matagumpay ang kanilang
paghahanda nang dumating at nagpasalamat ang
kanilang mga bisita.

 Bakit naghahanda ang mga mag-aaral sa


Mababang Paaralan ng Zambales?
 Sino ang darating nilang bisita?
 Ano ang inihanda nilang bilang para sa mga
bisita?
 Ano ang mga salitang may salungguhit?
 Ano ang napansin sa mga salitang ito?

Dapat nating ipagmalaki ang ating mga


katutubong awit at sayaw.

1. Basahin ang mga salitang may salungguhit


sa kuwento.
2. Gamit ang mga pantig sa loob ng kahon,
bumuo ng mga salitang may diptonggo.
I naw ngaw ba
Ta Law Siw baw
La Kala Law Liw
Si Sa A Liw

340
Unang Pangkat -Iguhit ang mga salita.
1. araw 4. langaw
2. sisiw 5. bataw
3. ilaw

Ikalawang Pangkat - Gamitin sa pangungusap.


1. bumitiw 3. magiliw 5. saliw
2. humiyaw 4. umayaw

Ikatlong Pangkat - Magbigay ng sampung


halimbawa ng mga salitang may diptonggong
aw at iw.

Ang aw at iw ay mga diptonggo.

Kumpetuhin ang mga pangungusap gamit


ang mga salitang may diptonggo.
1. May ____aw ang mga parol ng mga bahay
kung Pasko.
2. Ang sikat ng _____aw ay nagbibigay ng
bitamina D.
341
3. Ang ________aw ang katulong ng magsasaka
sabukid.
4. Masarap ang ______aw kung ito ay bagong
pitas.
5. Ang _____iw ay kasunod ng inahing manok.

Sulatin ang mga salitang dinaglat sa paraang


kabit-kabit.

Ang Kaarawan ni Kim


Nagdaos ng ikapitong kaarawan si
Kim.Marami siyang natanggap na regalo.Isang pares
na sapatos at bag na gawa sa Marikina ang bigay
ng kaniyang ama. May nagbigay sa kaniya ng
tatlong manika, dalawang damit at limang laruan.
Ilan lang ang hindi nakarating sa kaniyang mga
kaibigan.Masayang-masaya si Kim. Nagpasalamat
siya sa Diyos sa kaniyang mga natanggap.

342
 Ano-anong mga salita ang naglalarawan sa
bilang o dami?
 Alin ang naglalarawan ng tiyak na bilang?
 Ano ang inilalarawan ng bawat isa?

Dapat tayong magpasalamat sa mga


biyayang tinatanggap natin mula sa Diyos.

Pagsama-samahin ang mga salitang


naglalarawan ng tiyak na bilang at ng hindi tiyak
na bilang.

lima, apat, sampu, walo, ilan,


bihira, marami,siyam, tatlumpo,
isandaan

343
Unang Pangkat – Awitin ang isang awiting may
salitang naglalarawan ng bilang.

Ikalawang Pangkat -Sumulat ng tugma gamit


ang salitang naglalarawanng di tiyak na bilang.

Ikatlong Pangkat -Gumawa ng rap gamit ang


salitang naglalarawan ng bilang o dami.

Ang mga salitang nagsasabi ng bilang o


dami ay pang-uring pamilang. Ito ay maaaring
magsabi ng tiyak at hindi tiyak na bilang o
dami ng isang bagay, tao, o hayop.

Tukuyin ang angkop na salitang maglalarawan


ng bawat larawan.

344
1. Ang bata ay may
(apat, anim ) na lobo.

2. May (limang, tatlong)


rosas sa mesa.

3. (Tatlo, Ilan) ang bata


sa silid –aralan.

4. Ang kapitbahay naming


ay may (tatlong, isang)
aso.

5. Ako ay may
(limang, walong) lapis.

345
Balikan ang kuwentong“Ang Pamimili ni Aling
Sonia”.

 Ano ang mangyayari kung hindi nagbadyet si


Aling Sonia?
 Bakit masayang umuwi si Aling Sonia?*
 Bakit pinipili ni Aling Sonia ang mga produktong
gawa sa Pilipinas?
 Ano ang magiging resulta ng mahusay na
pagbabadyet ni Aling Sonia?
a. Pag-aralan natin ang mga sagot sa
kuwento. Ano ang ipinahahayag nito?
b. Magbigay pa ng ibang halimbawa ng
sanhi at bunga.

Matutong tayong magtipid para makaipon at


may magamit sa oras ng pangangailangan.

346
Pagtapatin ang sanhi at bunga.
1. Narinig nila a. Nawala ang
tumutugtog ang mga tirahan
pambansang awit. ng lamok.
2. Naglinis ang mga b. Natuwa ang
anak ni Nanay Rosa kanilang
ng bakuran. punong
barangay.
3. Nilinis ng mga lalaki c. Nagsanay
ang kanal. mabuti bago
pa dumating
ang
paligsahan.
4. Nanalo siya sa d. Tumigil sila sa
paligsahan sa pag- paglalakad at
awit. tumayo ng
tuwid.
5Tumulong siya sa e. Hindi na
pagtatanim ng mga bumaha sa
puno paligid.

A. Ibigay ang sanhi ng larawan.

347
B. Ibigay ang bunga.

Ang sanhi ay nagsasaad ng dahilan ng


isang pangyayari. Samantalang ang bunga
naman ay ang nagiging epekto o resulta ng
isang pangyayari.

Tukuyin ang sanhi at bunga sa sumusunod na


sitwasyon.
1. Nakaligtaan ni Dodong isara ang gripo sa
kusina. Nagulat ang kaniyang nanay nang
makitang basa ang sahig.
2. Masayang- masaya si Lena dahil mamamasyal
siya at ang kaniyang mga magulang sa Rizal
Park.
3. Ang mga tao ay nagtutulong- tulong kaya
umunlad ang bayan.
4. Bumaho sa kalsada dulot ng pagtatapon at
pag-iimbak ng basura doon.

348
Aralin 7: Kalikasan, Ating Alagaan!

Basahin ang teksto at sagutin ang tanong


tungkol dito.
1. Bata pa si Roy ay palaboy- laboy na siya sa
lansangan.Ulila na siyang lubos. Sa lansangan
siya natutulog. Upang may makain ay
tumutulong siya sa isang karinderya bilang
taga- hugas ng pinggan. Nakita ng may-ari
ang kaniyang kabaitan kaya inampon at
pinag-aral siya.Ano ang posibleng mangyayari
kay Roy?
a. Magiging maganda ang buhay ni Roy.
b. Magiging mahirap si Roy.
c. Magiging malungkot si Roy.
d. Magiging tamad si Roy.
2. Masinop si Gina sa buhay. Matipid siya sa pera.
Hindi siya ginagastos ang kaniyang pera
sa mga hindi kailangang bagay. Minsan ,
nagkasakit ang kaniyang nanay. Malaki ang
kailangang pera para sa operasyon. Ano ang
susunod na mangyayari?
a. Hindi maooperahan ang nanay
b. Wala siyang gagastusin sa operasyon
c. Sasagutin ni Gina ang bayad sa operasyon
d. Pababayaan ni Gina ang nanay

349
Piliin ang tamang anyo ng pang-uri.
3. Sina Vernie at Ana ay parehong mataas. Sila
ay ________(mataas).
a. magkasintaas c. pinakamataas
b. mas mataas d. mataas
4. Ang kalabaw ay masipag na hayop. Ang
kabayo ay masipag din. Pareho silang
katulong ng magsasaka sa bukid. Ang
kalabaw at kabayo ay _______(masipag).
a. pinakamasipag
b. ubod ng sipag
c. magkasingsipag
d. higit na masipag
5. Ang bulak ay maputi.
Ang damit ni Lerma ay maputi.
Ang bulak at damit ni Lerma ay ______(maputi).
a. magkasimputi c. higit na maputi
b. mas maputi d. ubod ng puti

Nagtampo Ang Kalikasan


Noong unang panahon, kay ganda ng mundo
Malinis na hangin malalanghap mo
Malinaw na batis, bundok na di kalbo
Iyan ang mundong tirahan ng tao.

Lumipas ang panahon, maraming natuklasan


Imbensyon ng tao ay kaliwa at kanan
Dulot nito’y pinsalang nararanasan.
Nalungkot ang mundo,nagtampo ang kalikasan
350
Polusyon ay kumalat, mapanganib sa kalusugan
Baha sa tag-ulan di na rin mapigilan.
Ano na ang gagawin sa problema ng lipunan?
Kalikasa’y nagtampo na nang tuluyan!

Sumisigaw ang mundo, ako ay inyong pangalagaan


Magtanim ng maraming puno sa kagubatan
Itapon ang mga kalat ninyo sa basurahan
Maging masunurin sa batas at patakaran.

 Tungkol saan ang tula?


 Paghambingin ang kalikasan noon at ngayon.
 Ano-ano ang dahilan kung bakit nasira ang
kalikasan?
 Ano ang mangyayari sa ating kalikasan kung
patuloy na magpapabaya ang mga tao?

Ang pagtatanim ng mga puno ay isang


paraan ng pangangalaga sa ating kalikasan.

Ano ang susunod na mangyayari?

351
A. Ang mga tao ay patuloy na nagtatapon ng
basura sa ilog.
B. Ang mga bata ay tumutulong sa paglilinis ng
pamayanan. Pinupulot nila ang mga tuyong
dahon at winawalis ang kalat sa daan.

Alin sa tula ang nagsasabi ng kagandahan ng


kapaligiran? Basahin ang taludtod na tumutukoy
nito?

Unawaain ang mga detalye ng


isang pangyayari upang
makapagbigay nang wasto at angkop
na susunod na pangyayari.

Ano ang susunod na mangyayari?

Ang grupo ng mga batang mag-aaral ay


sama-samang namasyal sa plasa. Pumitas sila ng
magagandang bulaklak.Tinapakan nila ang mga
damo. Nagtapon sila ng basura kung saan-saan.
Isang bantay tanod ng plasa ang lumapit sa kanila.

352
Ang Mangingisda

Sa mga bayang malapit


sa dagat ang pangunahing
hanapbuhay ay ang
panghuhuli ng isda. Dahil sa
gusto ng mga mangingisda na
makahuli ng maraming isda,
sila ay gumagamit ng
dinamita. Isa na rito si Mang
Juan. Marami silang
nahuhuling isda.Kahit na ang
maliliit na isda ay kasamang nahuhuli. Tuwang tuwa
sila kung maraming huli.
Isang gabi, bigla na lamang nakarinig ang
taong-bayan ng malakas na pagsabong sa dagat.
May sumabog palang isang bangka dahil sa
dinamita.

 Ano ang hanapbuhay ni Mang Juan?


 Paano siya nanghuhuli ng isda sa dagat?
 Tama ba ang ginagawa niyang paraan ng
pangingisda?Ipaliwanag.
 Ano kaya ang nangyari kay Mang Juan?

353
Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda ay
hindi magdudulot ng maganda sa karagatan.
Maraming maliliit na isda ang mamamatay.
At maaari ring malagay sa panganib ang buhay
ng tao.

Agad na nagpalabas ng babala ang PAGASA


kaugnay ng paparating na bagyo sa Samar. Pinag-
iingat ang mga tao sa bayang dadaanan nito. Hindi
na pinayagan ang mga mangingisda na pumalaot
sa karagatan. Pinalikas na ang mga taong nakatira
malapit sa dagat.
Ngunit sa kabila nito, may mga tao pa ring
nanatili sa kanilang tirahan.
Ano ang susunod na mangyayari?
a. Wala nang napinsala sa kanila
b. Mayroon pa ring napinsala sa kanila.
c. Nagalit ang mga tao sa PAGASA
d. Wala nang tumulong sa kanila

Unang Pangkat -Iguhit kung ano ang mangyayari


sa dagat kung patuloy ang paggamit ng dinamita
sa pangingisda.

354
Ikalawang Pangkat -Isalaysay ang maaaring
mangyari sa mga isda kung patuloy na gagamit
ng dinamita ang mga mangingisda.

Ang pagbibigay ng wakas ng isang


kuwento ay maaaring ibatay sa sariling
karanasan ng mambabasa.

Magbigay ng sariling wakas na angkop sa


talata.
1. Si Glen ay maysakit. Ilang araw nasiyang
may mataas ang lagnat. Dinala na siya sa
ospital. Dito mabilis na sinuri ng doktor si Glen.
Binigyan agad siya ng gamot.Pinayuhan siyang
magpahinga sa ospital ng ilang araw.
Pagkaraan ng dalawang araw ay tuwang-
tuwa ang mga magulang ni Glen.
2. Magkaibigang matalik sina Edna at Ching .
Si Edna ay madalas lumiliban sa klase. Si Ching
naman ay laging pumapasok sa klase at
parating nag-aaral bago matulog sa gabi.
Anumang payo ang gawin ni Ching kay Edna
ay hindi ito sumusunod. Nang dumating ang

355
kanilang pagtatapos sa ikaanim na baitang ay
si Ching lamang ang nasa entablado.

Basahin ang diyalogo at sagutin ang tanong


tungkol dito.

Minsan ay nagpunta sa parke sina Amor,


Minda, at Linda.
Amor: Ang gaganda ng mga bulaklak!
Linda: Mas maganda ang mga rosas.
Amor: Aba,hindi! Ang sampagita ay
mas maganda kaysa sa rosas. Higit na
mabango ito sa rosas.Puti ang
kulay nito.
Linda: Ang rosas ay mas makulay kaysa
sampagita.
Iba’t iba ang kulay nito. Mas malalaki pa
ang mga rosas.
Minda: Naku! Huwag na kayong magtalo.
Magkasingganda at magkasimbango ang
dalawang bulaklak. Pagmasdan na lang
natin silang mabuti. Tingnan ninyo ang

356
nakasulat na paalala. “Huwag pumitas ng
mga bulaklak,” at “Huwag tapakan ang mga
damo.” Sundin na lamang natin ang mga ito
upang manatiling maganda ang plasa.
Linda:Tama!

 Ano-ano ang mga bagay na pinaghahambing


sa kuwento?
 Paano pinaghambing ang magkakatulad na
bagay?
 Paano nagkaiba ang rosas at sampaguita?

Laging sundin ang mga paalaala na makikita


sa ating kapaligiran.

Paghambingin ang mga bagay sa bawat


pares.
a. plato at platito b. unan at bulak

Unang Pangkat - Tukuyin ang salitang


naghahambing sa bawat pangungusap.
1. Mas matanda ang tatay ko kaysa nanay.
2. Ang bahay nila ay mas matibay kaysa sa amin.

357
3. Magkasintapang ang leon at tigre.
4. Higit na magara ang kotse ni G. Ibunan kaysa
kay G. Paraiso.
5. Mas sagana ang ani ng palay noong
nakaraang taon kaysa ngayon.
Ikalawang Pangkat —Isulat ang A kung ang pang-uri
ay naghahambing ng magkatulad at B kung HINDI
magkatulad.
1. Magkasintamis ang atis at lansones.
2. Mas mayaman sina Rona kaysa kina Rey.
3. Higit na malayo ang Baguio sa Pampanga.
4. Mas makintab ang sahig sa sala kaysa sa
kusina.
5. Mas malakas ang hangin noong nakaraang
bagyo kaysa sa ngayon.
Ikatlong Pangkat– Iguhit ang inilalarawan ng bawat
pangungusap.
1. Ang lobong pula ay mas maliit sa lobong puti.
2. Magkasingganda ang rosas at kamya.
3. Si Kuya at si Ate ay magkasinlusog.
4. Ang bulkan ay kasintaas ng bundok.
5. Magkasinhaba ang lapis at krayola.

Ang mga salitang magkasing, -sing, -kasing ay


naghahambing ng dalawang magkatulad na tao,
hayop, bagy, o lugar . Kung magkaiba naman ang
pinaghahambing , ginagamit ay higit na, mas.
Ginagamit lamang ang mga ito kung ang
paglalarawan ay nasa kaantasang pahambing.

358
Ibigay ang angkop na antas ng pang-uring
nasa loob ng panaklong upang makumpleto ang
pangungusap.

(mahalaga)1. Ang aklat at


diksyunaryo ay______.

(masustansiya) 2. Ang gatas


ay_________________kaysa sa
kape.

(maamo) 3. Ang maya


ay_____________________
kaysa lawin.

(pula) 4. Ang rosas at


gumamela ay _________

(Matamis) 5. ________ang
atis kaysa pinya.

Basahin ang dalawang talata.


A. Nakita mo na ba ang bahay ni Dr. Jose Rizal sa
CalambaIto ang bahay kung saan ipinanganak at
lumaki si Dr. Jose Rizal Makikita mo rito ang mga
359
lumang damit kagamitan aklat at iba pang
mahalagang kasangkapan
B. Nakita mo na ba ang bahay ni Dr. Jose Rizal sa
Calamba? Ito ang bahay kung saan ipinanganak at
lumaki si Dr. Jose Rizal. Makikita mo rito ang mga
lumang damit, kagamitan, aklat, at iba pang
mahalagang kasangkapan.

 Ano ang pagkakaiba ng dalawang talata?


 Ano- anong bantas ang ginamit sa
pangalawang talata?
 Paano ito nakatulong sa talata?

Dapat nating pahalagahan at alagaan ang


mga lugar na may kinalaman sa ating kasaysayan.

Iguhit ang kung wasto ang bantas na


ginamit sa pangungusap at kung mali.
1. Kilala mo ba si Andres Bonifacio.
2. Siya ay kilalang Utak ng Katipunan.
3. Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre,
1863 sa Tondo, Maynila.
360
4. Nagulat ako sa kaniyang ginawa?
5. Gusto mo bang maging katulad niya.

Unang Pangkat - Sumulat ng tatlong pangungusap


gamit ang tuldok.
Ikalawang Pangkat - Sumulat ng tatlong
pangungusap gamit ang tandang pananong.
Ikatlong Pangkat - Sumulat ng tatlong pangungusap
gamit ang tandang padamdam.
Ikaapat na Pangkat- Sumulat ng maikling talata
gamit ang lahat ng bantas.

Ang tuldok (.) ay ginagamit sa mga pangungusap


na pasalaysay at sa pangungusap na pautos.
Ang tandang pananong (?) ay ginagamit sa mga
pangungusap na nagtatanong.Maaari din itong
gamitin sa pangungusap na nakikiusap.
Ang tandang padamdam (!) ay ginagamit sa
pangungusap na nagpapahayag ng matinding
damdamin.
Ang kuwit (,) naman ay ginagamit sa mga salitang
binabanggit nang sunod-sunod o nasa serye.

361
Isulat ang wastong bantas ng mga
pangungusap.
Ang mga babaeng iskawts ay nagkaroon ng
kamping sa Los Banos (1.)____ Sila ay may dalang
damit(2.)__pagkain(3.)____at kagamitan sa
pagluluto(4)___ Wow(5.)___ ang lamig naman dito
(6.)__ Nagustuhan ba ninyo ang lugar na ito (7.)_____
tanong ng kanilang guro.

Sipiin ng wasto ang mga parirala.

362
Aralin 8: Kalinisan, Panatiliin Natin!

Gawin ang hinihiling.


I. Lagyan ng tsek(√) ang mga salitang
magkasingkahulugan at ekis(x) kung HINDI.
1. malakas - mahina
2. mayaman –mariwasa
II. Isulat ang wastong anyo ng pang-uri na nasa
loob ng panaklong.
3. Ang leon ang _________(mabangis) na
hayop sa gubat.
4. Si Ate Liza ang ________(matanda) sa aming
magkakapatid.
5. Ang bagong biling relo ng tatay ang
______(mahal) sa kaniyang tatlong relo.
III. Ayusin ang mga pangungusap ayon sa
pangyayari.Isulat ang titik ng wastong sagot.
A. Napansin nila na kakaunti na ang isdang
nahuhuli sa dagat.
B. Nasisira na rin ang mga koral sa ilalim
ng dagat.
C. Bumuo ang mag-asawang Tony at Rea
ng isang samahan na magbabantay
sa karagatan.
D. Pagkaraan ng ilang buwan muli
na namang dumami ang mga isda
at luminis ang tubig sa dagat
E. Sama-sama silang nagtungo sa dagat
at nilinis ito.

363
6. Alin ang dapat na unang pangungusap?
7. Alin ang dapat na huling pangungusap?
8. Alin ang pangalawang pangungusap?
IV. 9. & 10. Pumili ng dalawang posibleng
mangyayari pagkatapos ng paglilinis at
pagbabantay sa dagat.
A. Muling naging malinis ang dagat.
B. Dumami ang mga mangingisdang
gumagamit ng dinamita.
C. Nawala ang mga isda sa karagatan.
D. Natuwa ang mga tao.

Operasyon Linis

Araw ng Sabado. Maagang gumising ang


mag-anak ni G. Roman. Sabay sabay silang kumain
ng almusal.

364
G.Roman: Natutuwa ako at maaga
kayong gumising. Ngayong araw na
ito ay makikilahok tayo sa paglilinis ng
ating barangay.
Gng. Roman: Siyempre naman. Gusto naming
tumulong sa “Operasyon Linis” ng
ating barangay. Lahat ng ating mga
kapitbahay ay tutulong din.
Rosa/Nena : Opo, Tatay. Sasama kami sa inyo.
G. Roman: Kaming mga kalalakihan ang maglilinis
ng kanal.
Rosa: Iipunin ko ang mga basyong plastik at
lata na pinagbabahayan ng mga
lamok.
Nena: Ako naman po ang magwawalis
ng mga basura kasama ang aking
mga kaklase.
Gng Roman: Kami ni bunso ang maghahanda
ng inyong meryenda.
G. Roman: Magaling! Kung magtutulungan
tayong lahat ay magiging maganda
at malinis ang ating barangay.
Maiiwasan pa ang paglaganap ng
mga nakahahawang sakit,dulot ng
maruming kapaligiran.
Gng. Roman: Mabuti naman at nagkaroon
ng ganitong proyekto ang ating
barangay.
Lahat sila ay lumabas ng bahay at masayang
ginawa ang kanilang gawain kasama ng ibang tao
sa barangay.

365
 Saan pupunta ang mag-anak?
 Bakit kailangan nilang makilahok sa proyekto?
 Ano ang kabutihang naidudulot ng malinis at
maayos na kapaligiran?
 Ano-ano ang gagawin ng bawat isa ?
 Paano ka tutulong sa iyong barangay upang
manatili itong malinis at maayos?
 Anong salita ang may salungguhit sa
kuwento?Ano ang kanilang pagkakatulad?

Ang mga tao sa barangay ay dapat


magtulong-tulong sa pagpapanatiling maayos at
malinis ang kapaligiran.

Isulat ang A kung ang mga salita ay


magkasingkahulugan at O kung magkasalungat.
1. maganda - marikit
2. pandak - matangkad
3. mahirap - mariwasa
4. maalat - matamis
5. payapa - tahimik

366
Unang Pangkat - Gumawa ng poster tungkol sa
pagpapanatiling maayos at malinis ng kapaligiran.
Ikalawang Pangkat - Iguhit ang isa sa mga ginawa
ng pamilya sa paglilinis ng barangay.
Ikatlong Pangkat - Isadula ang diyalogo.

Isa sa mga paraan upang maunawaan


ang kahulugan ng isang salita
ay sa pamamagitan ng pagkuha ng
kasingkahulugan at kasalungat ng mga ito.

A. Isulat ang MK kung ang mga salita ay


magkasingkahulugan at MKS kung magkasalungat.
1. mabigat - magaan
2. matanda - bata
3. kaibigan - kaaway
4. maliwanag- madilim
5. masaya - maligaya

367
II. Basahin ang talata at sagutin ang tanong.
Araw ng Linggo. Ang mag-anak ni Mang Tino
ay sama- samang naglinis ng bahay maliban kay
Romeo. Siya ay nasa labas ng bahay at
naglalaro.Tinawag siya ng nanay para tumulong
pero hindi siya sumunod. Si Nelly ay naghuhugas ng
pinggan.Ang bunso nila ay nagdidilig ng mga
halaman.
6. Anong araw naglinis ng bahay ang mag-
anak ni Mang Tino?
7. Sino ang nasa labas ng bahay?
8. Bakit tinawag ng nanay si Romeo?
9. Ano ang ginagawa ng bunso?
10. Ano sa palagay mo ang gagawin ng
nanay kay Romeo?

Si Dr. Jose P. Rizal ay


isang matalinong tao.
Sa kaniyang murang edad
ay nagpakita na siya ng
katalinuhan. Nagtapos siya
ng maraming kurso.
Marunong siyang magsalita
ng iba’t ibang wika. Marami
siyang sinulat na aklat na
naging dahilan upang
mamulat ang isipan ng mga tao mula sa pang-aapi
ng mga dayuhan.

368
A. Sino si Dr. Jose Rizal?
Bakit nasabing siya ay matalino?
Paano namulat ang isipan ng mga Pilipino
mula sa pang-aapi ng mga dayuhan?
B. Pagsusunod-sunorin ang mga pangyayari
mula sa tekstong napakinggan.
 Una__________________________________

 Pangalawa__________________________

 Pangatlo_____________________________

Ang pagiging matalino at matapang ay susi


ng pagginhawa ng kabuhayan.

Ayusin ang mga pangungusap ayon sa


pagkakasunod –sunod.Isulat ang bilang 1 - 3.

_____ a. Marami siyang aklat na isinulat na naging


dahilan upang mamulat ang isipan ng mga
Pilipino mula sa sa pang-aapi ng mga
dayuhan.

369
_____ b. Sa murang edad ay nagpakita na si Dr.
Jose Rizal ng katalinuhan.
_____ c. Nagtapos siya ng maraming kurso.

Unang Pangkat - Ayusin ang mga pangyayari ng


kuwento. Gamitin ang story ladder.
Wastong paraan ng pagtatanim ng halaman.
Una, linisin ang lugar na pagtataniman
ng halaman.
Tabunan ng lupa ang halaman.
Maaari ng diligan ang halaman
Pangalawa,hukayin ang lupang pagtataniman
Susunod, ilagay sa hukay ang halaman

Ikalawang Pangkat – Ayusin ang larawan ng buhay


ng paroparo.Isulat ang bilang 1-4.

370
Ang mga salitang tulad ng una,
pangalawa, susunod ay ginagamit upang
ipakita ang pagkakasunod-sunod o serye ng
mga pangyayari.

Isulat sa sagutang papel ang bilang 1 – 5


upang mapagsunod-sunod ang mga pangyayari.

_____ Kailangan kasi niyang pumunta sa ibang


bansa upang maghanapbuhay.

_____ Pagkaraan ng dalawang taon,nakaipon


siya ng pera para sa pag-aaral ng mga anak.

_____ Malungkot na umalis ang tatay ng araw na


iyon.

_____ Magtatrabaho siya nang dalawang taon sa


Dubai.

_____ Sa wakas, masaya ang mga anak niya!


Darating na ang tatay.

371
Jose : Masarap ang atis.
Lito : Mas masarap ang pinya kaysa atis.
Gerry : Aba! Ito ang tikman ninyo.
Pinakamasarap ang durian sa lahat ng
prutas na nakain ko.

 Ano-ano ang mga prutas na nabanggit?


 Paano inilarawan ang bawat isa?
 Paano pinaghambing ang mga ito?

Kumpletuhin ang tsart. Isulat ang nawawalang


pang-uri sa loob ng kahon.

372
Isang Dalawang Dalawa o
bagay,tao tao,bagay o mahigit pa
lugar lugar

masarap mas masarap pinakamasarap

mapula pinakamapula

higit na mataas

magkasinglinaw

Unang Pangkat - Ihambing ang sariling bahay sa


sariling paaralan at sa isang gusali sa pamayanan.

Ikalawang Pangkat - Piliin ang pang- uring


naghahambing sa tatlo o higit pang pangngalan.
1. Ang aking aso ang may pinakamahabang
balahibo sa lahat.
2. Ang tigre ang pinakamabangis na hayop sa
gubat.
3. Pinakamakulay ang kaniyang damit sa lahat
ng batang babae.
4. Ang relo ng tatay ang pinakaluma niyang
gamit.
5. Sa apat na magkakapatid, ang doktor ang
pinakamatalino.

373
Ikatlong Pangkat - Isulat ang wastong antas ng
pang-uri sa loob ng panaklong.
1. Ang tatay ang _______(mabait) sa kanilang
magkakapatid.
2. Ang leon ang ________(mabangis) na hayop sa
gubat.
3. Sino ang may ________(mahaba) ng buhok sa
mga babae.
4. Aling sasakyan ang _________(mabilis) sa EDSA.
5. Sa lahat ng guro sa paaralan,si Gng. Navarro
ang ____(mabait).
Ikaapat na Pangkat - Isulat ang wastong antas ng
pang-uri.
(maluwang) 1. Ang bus ay _______________ na
sasakyan.
(mahaba) 2. Ang tulay na San Juanico ang
_________tulay sa buong Pilipinas.
(malusog) 3. Si Erna ang ________________ sa
apat na magkakapatid.
(matipid) 4. Sino ang _______________ na bata
sa klase?
( mabunga) 5. Ang puno ng abokado ang
______________ sa lahat ng mga
puno sa bukid

Nagbabago ang anyo ng pang-uri


kung naghahambing ng higit sa dalawang
tao, bagay, o lugar. Ito ay ginagamitan ng
unlaping pinaka o ubod ng.

374
Pag-aralan ang mga larawan.Paghambingin
ang mga ito. Gamitin ang mga salita sa loob ng
panaklong.

(Mabango ) 1. Ang sampagita ang _____________


sa tatlong bulaklak.
(Maputi) 2. Ang santan naman ang
____________.
(Mahal) 3. Ang rosas ay ang _______sa tatlo.

(mahalaga) 4. Sa tatlong bagay na nasa


larawan, ang relo ang___ sa akin.
(bago) 5. Ang hikaw naman ang_______
kong alahas.

Ang Huwarang Barangay


Ang Barangay Talon ay isang
maipagmamalaking barangay. Ang mga nakatira

375
dito ay nagtutulungan sa pagpapanatiling maayos
at tahimik na lugar. Ang magkakapitbahay ay
nagkakaisa. May mga tanod bayan na
nagpapatrolya sa lugar kung gabi.Lahat ng mga tao
ay may disiplina.Ang mga babae ay tumutulong sa
paglilinis at pagpapaganda ng lugar.
Kung may napinsala ng bagyo taos- pusong
nagbibigay ang bawat isa ng tulong.Bukas-palad na
namamahagi ng mga pagkain ang mga tao.Ito ang
mga dahilan kung bakit sila nabigyan ng parangal
bilang Huwarang Barangay ng kanilang bayan.

A. Sagutin ang mga tanong.


 Sino ang nagtutulong- tulong sa paglilinis ng
barangay?
 Ano-ano ang ginagampanan ng mga
lalaki sa barangay? Ang kababaihan?
 Paano sila nagtutulungan sa panahon ng
sakuna o kalamidad?
 Ano-ano ang mga salita sa talata na binubuo
ng dalawang salitang may magkaibang
kahulugan?
 Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Ang barangay ay magiging tahimik at maayos


kung nagtutulungan at nagkakaisa ang mga taong
nakatira dito.
376
Pagtambalin ang tambalang salita at ang
kahulugan nito. Isulat ang letra ng iyong sagot.
1. hapag-kainan a. pinuno ng paaralan
2. punong-guro b. Gawain/trabaho
3. silid-aralan c. pag-aaral muli ng
nakaraang aralin
4. hanapbuhay d. mesa
5. balik-aral e. lugar kung saan
nag-aaral
ang mga mag-aaral

Unang Pangkat - Iguhit sa tsart ang larawan ng


isang malinis at maayos na barangay.
Ilakawang Pangkat - Magbigay ng mga pang-uring
naglalarawan ng Barangay Talon.
Ikatlong - Magbigay ng halimbawa ng tambalang
salita na hindi nagbabago ang kahulugan kapag
pinagsama.
Ikaapat na Pangkat - Isadula ang ginagawa ng
mga tao sa barangay.

Ang tambalang salita ay isang salita


na binubuo ng dalawang magkaibang salita
at nagkakaroon ng panibagong kahulugan.

377
Sipiin sa kuwaderno ang tambalang salita sa
pangungusap.
1. Ang kapitbahay namin ay may malawak na
halamanan.
2. Ang tatay ay masipag maghanapbuhay.
3. Ipinahayag niya ang kaniyang taos pusong
pasasalamat sa kaniyang mga kasama sa
bahay.

Isulat ang pangungusap sa paraang kabot-kabit.

378
Yunit 4

379
Aralin 1: Magtiwala Tayo sa Diyos

Sabihin kung ng o nang ang angkop sa bawat


pangungusap.
1. Ang mga ibon ay kumakain (ng, nang) uod.
2. Nilipad (ng, nang) hangin ang mga papel.
3. Malakas kumain (ng, nang) saging ang
unggoy.
4. Bumili kami (ng,nang) mababangong
bulaklak.
5. Tanghalina (ng, nang) sila ay gumising.

Magtiwala sa Panginoon
Von : Itay! May aksidente po sa kanto.
Marami pong nadamay at kasama si
Betsy. Nakakatakot!
Tatay : Naku! Huminahon ka, anak, ganyan
talaga ang buhay, kaya dapat lagi
tayong magdasal at magtiwala sa
Panginoon.
Von : Alam n’yo po, ‘Tay, galit na galit
Si Mang Ambo sapagkakadamay
ni Betsy.
Tatay : Nakapanlulumo, matalinong bata
pa naman si Betsy. Halika, ipagdasal
natin siya at ang iba pang nadamay.

380
 Ano ang pinag-uusapan ng mag-ama?
 Ano ang ginawa nila?
 Bakit nila ipinagdasal ang mga naaksidente?
 Tama ba ang ginawa nila?
 Ano ang damdamin nila para kay Betsy?
 Ano-anong damdamin ang nasa usapan?

Ang pagdarasal para sa kapakanan ng kapwa


ay isang mabuting gawain.

Anong damdamin ang ipinakikita ng mga


sumusunod na larawan sa Hanay A?
Piliin ang letrang sagot sa Hanay B.
A. nagagalit

B. natatakot

C. nagtataka

D. natutuwa

E. nalulungkot

381
A. Tukuyin ang kasalungat ng ipinapakita sa
bawat larawan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

naglalakad sumisigaw sumasayaw


nagtatanim nagdarasal

B. Ipakita sa klase ang damdamin ng sumusunod


na sitwasyon.
1. Nabigla si Lorena nang malamang nanalo
siya sa timpalak sa kagandahan.
2. Matinding paghanga ang naramdaman ni Rita
sa magaling niyang guro.
3. Naiinip si Lito sa tagal ng paghihintay sa
kaniyang ama.

382
4. Nalungkot si Vicky sapagkamatay ng kaniyang
lola.
5. Nanghinayang ang magkapatid na Ben at Pat
dahil nahulog ang kanilang baon sa kanal.

Ano ang ipinahihiwatig ng bawat larawan?

May iba’t ibang damdamin tulad ng tuwa,


lungkot, galit, panghihinayang, pagkainis,
paghanga, pagkagulat na maaaring makita sa
isang teksto o sa isang pahayag na nabasa o
napakinggan.
Upang maibigay ang kasalungat ng
kahulugan ng isang salita, kailangang alamin
muna ang kahulugan ng salitang bibigyan ng
kasalungat na pagpapakahulugan.

383
Hanapin sa pangungusap ang mga salitang
kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng
panaklong.
1. (matatayog) Ang mga puno sa bundok ay
matataas
2. (nanlumo) Nanghina ang loob ng ama
sapagkamatay ng kaisa-isang
anak.
3. (Bathala) Sa Diyos tayo dapat nagtitiwala.
4. (espiritu) Sumalangit nawa ang kaluluwa ni
Kaloy.
5. (maestra) Napakagaling ng aming bagong
guro.

Nakagawa ka na ba
ng kabutihan sa kapwa?
Ang paggawa ng bagay na
mabuti sa kapwa ay katumbas ng
pag-ibig sa Diyos. Tumingin
sa paligid at makikita mo
na maraming nangangailangan
ng iyong pagtulong at
pagkalinga.
Masasabi ba natin na iniibig natin ang Diyos

384
kung ang ating kapwa ay hindi naman natin
pinagmamalasakitan?
Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay
pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.
Pero paano natin ito magagawa ? Kapag sila
ay nagugutom, bigyan natin sila ng pagkain. Kapag
nauhaw, sila ay ating painumin.
Ang pagtulong at pagkalinga sa kapwa ay
hindi dapat naghihintay ng kabayaran o kapalit.
Sapat na nakatulong tayo at napasaya ang Diyos
na nasa kapwa din natin.

 Sino ang dapat mahalin at pagmalasakitan?


 Bakit dapat natin itong gawin?
 Paano natin matutulungan ang ating kapwa?
 Sino ang matutuwa sa ating paggawa ng
kabutihan sa kapwa?
 Sino ba ang iyong kapwa?

Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa


ay pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos o sa
Lumikha.

385
Ano- ano ang kaisipang natutunan mo sa
binasang teksto?

Sipiin at iwasto nang tama ang mga salitang


may maling baybay.

Ang mga bata ay dapat tinuturruan ng


kanilang mga magulang ngpigawang mabuti
sa kapwa. May kassabehan tayo na “kung anu
ang puno ay siya ring bunga.” Kiya, kung
mabote ang magolang, dapat mabuti rin ang
ginagawa ng kanilang mg aanak. Eng
paggging mabutong mga bata ay nagsisimola
sa pattuturu ng mga magolang.

Iguhit ang sinasabi ng katagang ito.

“Gawain ng magulang na alagaan ang mga anak,


at Gawain ng anak na igalang ang mga
magulang.”

386
Ang pagsulat ng mga salita na may wastong
baybay ay susi upang higit na maipahayag
ang nais na mensahe. Ito rin ang isa sa mga
susi sa madaling pagkaunawa ng isang
babasahin.

Isulat nang may wastong baybay ang


tinutukoy ng bawat pangungusap.
1. Sinusulatan ng guro sa harap ng klase
2. Dito nag-aaral ang mga bata
3. Dakong pinagtitipunan ng mga tao upang
manalagin sa Diyos
4. Bahagi ng bahay na ating dinudungawan.
5. Gamit sa bahay kung saan tayo nanonood ng
mga palabas
6. Lugar kung saan namimili ng mga gulay at
isda.
7. Tindahan ng mga gamot
8. Notebook sa Ingles.
9. Dinidilig ng tubig para lumago
10. Kasingkahulugan ng tali.

387
Basahing muli ang tekstong “Halinang
Gumawa ng Bagay na Mabuti.”
.

 Anong salita ang ginamit sa pag-uugnay ng


mga salita sa teksto?
 Ano ang pinag-uugnay nito?
 Kailan ginagamit ang ng?
 Kailang gingagamit ang malalaking letra?

Ang pagtulong at pagkalinga sa kapwa ay


hindi dapat naghihintay ng kabayaran o kapalit.

Punan ng wastong pang-ukol ang patlang .


Tukuyin kung ano ang salitang inuugnay nito.
1. Nakalikom kami ____ maraming basura
para sa Ecosavers Program ng paaralan.
2. Nasanay na akong maglakad _____
dalawang kilometro tuwing araw ng
Sabado.
3. Nag-renta kami ____ computer para
sa proyekto ng aking kapatid na bunso.

388
4. Ang paglalakad ay mabuting uri _____
ehersisyo sa katawan ng tao.
5. Ang labis na panonood _____ telebisyon
ay nakasasama sa kalusugan.

Isulat nang wasto ang mga salitang mali ang


pagkakasulat sa bawat pangungusap.
1. ang hangin ay dumudumi dala ng polusyon
sa ating paligid.
2. dumalaw si Pangulong benigno aquino III
sa mga nasalanta ng bagyo.
3. Ang pagiging makakalikasan ay pagiging
maka-diyos.
4. disiplina ang kailangan upang umunlad ang
pilipinas.
5. Bawat Tao ay may kani-kaniyang
pagpapahalaga.

Ang pang-ukol na ng ay ginagamit kapag


ang salitang sumusunod dito ay isang
pangngalan o kaya ay pangngalang-diwa at
pang-uri.
Ang malaking letra ay ginagamit sa
pagsisimula ng mga salitang panggalang
pantangi o tiyak na ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar, pangyayari at iba pa. Ginagamit
din ito sa simula ng pangungusap.

389
Gamit ang ng lagyan ng caption ang
sumusunod na larawan.

___________ ____________ _____________

____________ ___________

Ang magkapatid na Alice at Luis ay huwarang


mga bata. May oras sila sa paglalaro, pag-aaral, at
sa pagtulong sa mga magulang. Tumutulong muna
sila sa mga gawaing bahay bago maglaro. Sa gabi
naman ay nag-aaral muna sila bago manood ng
telebisyon. At dahil dito, ang kanilang mga
magulang ay natutuwa sa kanila.
390
 Bakit sinabi na huwarang bata ang
magkapatid?
 Ano-anong katangian ng magkapatid ang
dapat natularan?
 Ano ang napansin mo sa mga pangungusap sa
seleksiyon?
 Ano ang payak na pangungusap?

Ang mabuting bata ay kayamanan ng mga


magulang.

Bumuo ng mga payak na pangungusap mula


sa mga larawan. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

391
A. Sa isang payak na pangungusap, ilarawan
ang isang bagay na makikita sa iyong
kapaligiran.
B. Bumuo ng isang payak na pangungusap gamit
ang mga larawan sa ibaba.

Ang payak na pangungusap ay


nagsasaad ng isang diwa o kaisipan. Ito ay
may isang simuno at panag-uri.

Gumuhit ng isang larawan na iyong nais.


Sumulat ng isang payak na pangungusap tungkol
dito.

Pumili ng isang pangungusap mula sa


“Halinang Gumawa ng Bagay na Mabuti at isulat ito
sa kabit-kabit na paraan.

392
Aralin 2: Paggalang sa Diyos at Kapwa

Pumili ng isang salita mula sa kahon upang


mabuo ang pangungusap.

anim pamuhatan
kasukdulan simula
ni tauhan
nina wakas
ng

1. Ang mga nagsisiganap sa isang teksto ay ____.


2. Ang mga tauhan ay ipinakikilala sa ____ pa
lamang ng isang teksto.
3. Ang suliranin sa isang kuwento ay tinatatawag
ding _____.
4. Ang bahagi ng sulat o liham na nagsasabi ng
pinagmulan nito ay ang ______.
5. Binili ____ Nita ang magarang bag.
6. Si Marielle ay isinama ____ Betong at Cora
sa kanilang pamamasyal.

Titser Gosoy
Si Titser Gosoy ay bagong guro sa Paaralang
Elementarya ng Barangay Labo. Nakatawag

393
ng pansin ang kaniyang
galing sa pagtuturo,
kakaibang kulay, at
paika-ikang paglalakad.
Hindi niya
pinapansin ang
pangungutya sa kaniya.
Tuloy lamang siya sa
pagtuturo, pagtulong sa
kapwa, at pamimigay ng
gamit at laruan sa mga
bata.
Habang reses.
“Alam n’yo ba, si Sir Gosoy, napakagaling
magturo!Mabait pa,”ang wika ni Noel.
“Tama ka, at nabasa ko sa diyaryo, iniligtas ni
Sir ang mahigit 400 katao sa Marikina noong
nanalanta ang bagyong Ondoy,”ang sabi ni Janet.
“Wow! Ang galing! Pero baluga pa rin siya,”
pangungutya ni Yulo.
“Huwag kang ganyan, Yulo! Maputi ka lang
lamang,” pasinghal na wika ni Janet na halos tusukin
ng hintuturo sa ilong si Yulo.
“Si Titser Gosoy! Nasa likuran natin,” pabulong
na wika ni Nikki.
“Magandang umaga po Sir Gosoy,” sabay-
sabay na bati ng mga bata.
“Bakit parang nakakita kayo ng multo? May
problema ba?” tanong ni Titser Gosoy sa mga bata.
“Wa, wala po sir. . .” wika ni Janet.

394
“Narinig ko ang pinag-usapan ninyo,”
mahinahong wika ni Titser Gosoy.
Nagkatinginan ang mga bata saka ibinaling
ang kanilang tingin kay Yulo.
“Kahit bata kayo, dapat matutuhan ninyo ang
magagandang asal na dapat taglayin ng isang
bata,” paliwanag ni Titser Gosoy.
“Huwag kayong mangutya ng kapwa,
anuman ang kasarian, kulay, kalagayan, o
kapansanan. Isipin ninyo, tao silang marunong
masaktan,”seryosong sabi ni Titser Gosoy.
“Lahat ng tao ay likha ng Diyos, kaya dapat
igalang,” paliwanag pa niya.
Niyakap ni Yulo si Titser Gosoy. Ginantihan
naman ito ng guro ng isang mahigpit na yakap.

 Ilarawan ang bawat tauhan sa kuwento.


 Sino ang dapat mong tularan sa mga bata?
Ang hindi dapat tularan? Ipaliwanag ang sagot.
 Ano ang naramdaman mo habang binabasa at
matapos basahin ang kuwento?
 Anong bahagi ng kuwento ang nakatawag ng
iyong pansin?Bakit?
 Paano nagsimula ang kuwento?
 Paano ito nagwakas?

395
Igalang natin ang lahat ng tao anuman ang
kanilang kasarian, kulay at edad.

Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa


teksto. Isulat ang bilang na 1- 3 upang maipakita ito.
_____ Niyakap nang mahigpit ng maluha-
luhang si Yulo si Titser Gosoy.
_____ Napag-usapan ng mga bata si Titser
Gosoy habang reses.
_____ Narinig ni Titser Gosoy ang usapan ng mga
bata at pangungutya sa kaniya ng mag-aaral
na si Yulo.

A. Isulat sa palibot ng mukha ang iba’t


ibang katangian ni Titser Gosoy.

396
B. Ano-ano ang sinabi ?
- Janet - Titser Gosoy
- Nikki - Yulo
- Noel

Ang isang kuwento ay binubuo


ng simula, gitna, at wakas.
Sa simula ay karaniwang ipanapakilala
ang mga tauhan at ang tagpuan kung
saan nagaganap ang pangyayari.
Sa gitna naman o ang katawan
makikita ang mga pangyayari sa kuwento.
Ang wakas ang nagpapakita kung
paano nagtapos ang kuwento.

Tukuyin ang sumusunod batay sa nabasang


kuwento.

Pamagat ng Kuwento :
Tagpuan:
Mga Tauhan:
Simula:
Kasukdulan:
Wakas:

397
Ang Palalong Loro at si Askal
Magkaiba ang karanasan nina Loro at Askal. Si
Loro ay alagang-alaga ng kaniyang amo.
Inaayusan at pinakakain.
Maraming natutuwa sa
kaniya at ibig humawak sa
kabila ng palalo niyang
bibig.
Si Askal ay walang
nagpapaligo kaya galisin.
Wala siyang amo kaya
siya ay palaboy sa
lansangan. Siya ay madalas sinisipa at
pinandidirihan ng mga tao kaya lalong naging
kawawa.
Minsan, dala ng amo niya si Loro. Nakita
niya si Askal.
“Ew! Kadiri! Maligo ka nga! Ang baho mo!”
sigaw ni Loro kay Askal. Siniraan pa niya si Askal sa
ibang mga hayop na nagdaraan.
Hindi siya pinansin ni Askal. Bagkus tuloy
lamang ito sa pagkakalkal
ng basura dahil sa gutom.
Isang araw, nakita ng
pusa si Loro at gustong
kagatin. Tinangkang
lumaban ni Loro sa pusa
ngunit malaki ito sa kaniya.
Sinakmal siya ng pusa at
398
iwinasiwas sa kalye.
“Aray ko! Masisira ang maganda kong kutis!,”
sigaw ni Loro.
Mula sa isang dako ay biglang sumaklolo si
Askal kay Loro.
“Aray ko! Kawawa naman ang kutis ko.
Salamat sa’yo mabantot at galising aso,” wika ni
Loro.
“Nagpasalamat nga, nanlait naman!”naiinis na
wika ni Askal sabay alis.
Bumalik ang galit na galit na pusa .Kinagat
niya muli si Loro sa leeg,katawan, at sa buntot. Wala
siyang nagawa kundi ang sumigaw hanggang sa
mawalan ng malay.
Hindi matiis ni Askal si Loro, kaya iniligtas niya
ito sa kamay ng kamatayan.
Binantayan ni Askal si
Loro hanggang
magkamalay. Dinala niya ito
sa tapat ng bahay ng
kaniyang amo. Labis-labis
ang pasasalamat ni Loro kay
Askal.

 Ano-ano ang pagkakaiba ng karanasan nina


Loro at Askal?
 Ano ang katangian ni Loro? Ni Askal? Ng pusa?
 Ano naman ang naramdaman mo sa inasal ng
bawat isa sa kuwento?
 Ano ang natutunan mo sa binasa?
399
 Paano mo ipakikita ang paggalang?
 Sino-sino ang dapat nating igalang?
 Makatotohanan ba ang binasa mo?

Igalang ang kapwa at pahalagahan ang iba


pang nilikha ng Diyos.

A. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng


kathang-isip at ng mga akdang hindi kathang-isip.
Gamitin ang Venn diagram upang maipakita ito.

B. Paghambingin ang “Titser Gosoy” at ang “Ang


Palalong Loro at si Askal.”

Si Titser Gosoy Ang Palalong Loro


at si Askal

Paano mo ipakikita ang paggalang sa mga:


- may kapansanan - guro
-nanay at tata - taong iba ang
relihiyon
400
Ang pabula ay kuwento na ang gumaganap
ay mga hayop. Ito ay kathang-isip lamang ngunit
ang mga pangyayari ay maaaring mangyari sa
tunay na buhay ng mga tao.

Subukang gumawa ng isang pabula.

Muling basahin ang kuwentong “Titser Gosoy.”

 Sino ang tumawag ng “baluga” kay Tister


Gosoy?
 Tama ba ito?
 Anong ideya mo sa salitang “baluga”?
 Sino ang gumanti ng mahigpit na yakap kay
Yulo?
 Paano ipinahayag nina Noel, Nikki, at Janet ang
kanilang mga damdamin?
 Ano naman ang mga salitang binitiwan ni Yulo
tungkol kay Titser Gosoy?
 Anong klaseng damdamin ang ipinakita ni Yulo?

401
 Kung ikaw si Yulo, ano ang mararamdaman
mo?
 Kung ikaw si Titser Gosoy?

Unawain ang damdamin ng kapwa at igalang


ang pagkakaiba-iba ng mga nilalang ng Panginoon.

Punan ng tamang pang-ukol.


1. Dinampot __________ Abet ang mga tuyong
dahon upang gawing pataba sa mga
halaman.
2. Malaki ang pag-asa ________ Matilde, Lumeng,
at Tomas na muli nilang makikita ang kanilang
nawawalang kapatid.
3. Iniabot ________ Mayor ang kaniyang tulong sa
mga namatayan niyang kababayan.
4. Hinihikayat ______ Direktor Angela de Guzman
ang lahat ng empleyado na magtanim ng
mga gulay sa paligid ng kanilang opisina.
5. Ikinagulat ______ Ed, Cynthia, Vicky, at Amcy
ang pagkakatalaga kay Koko bilang bagong
pinuno.

A. Lagyan ng angkop na pang-ukol


ang pangungusap tungkol sa larawan.
402
Niyaya ____Mang Kanor sina
Mang Abel, at Mang Caloy
na dumalo sa pagpupulong
ng barangay.

Tinulungan ______ Lola Ising si


Lola Bising na maalala ang
kaniyang hinahanap.

Pinakinggan ____ Ben ang


kaniyang kakambal na si Bert
sa pagbabasa ng aklat.

Pinaalalahanan ____ Harmi si


Amcy sa kanilang takda.

Pinaiyak ____ Ali


ang batang lalaki.

B. Gamitin ang ni at nina sa sariling pangungusap.

403
Ang ni ay ginagamit kung tumutukoy sa
isang tao.
Samantalang ang nina ay ginagamit kung
ang isang bagay o kilos ay ginawa o para sa
dalawa o mahigit pang tiyak na tao.

Punan ng angkop na pang-ukol ang bawat


patlang upang mabuo ang diwa ng talata.
Maagang gumising ang mag-anak na Lopez.
Agad-agad na tinungo ______ Gng. Lopez ang
kusina at ipinagluto ng agahan ang kaniyang
pamilya. Samantala, si G. Lopez naman at ang tatlo
nilang anak na sina Roy, Phoebe, at Ivy ay nag-ayos
ng kanilang mga pinaghigaan.
Pagkatapos, kinuha _____ Ivy at Phoebe ang
walis at bunot at agad na nagsimulang maglinis ng
bahay. Pinuno naman _____ Roy ng tubig ang mga
balde. Ikinatuwa _____ G.At Gng. Lopez and
kasipagan ng mga anak.
Nang matapos ang mga gawaing bahay ay
nagyaya ang mag-asawa na mamasyal sa mall.
Subalit hindi gusto ____ Ivy at Roy sa mall, mas ibig
nilang mamasyal sa tabing ilog dahil sariwa ang
hangin dito. Pinagbigyan ____ G.At Gng. Lopez ang
gusto ng dalawang anak. Ginusto na rin _____
Phoebe na sumama sa tabing ilog.
404
Blk. 1 lot 7 Villa,
Concepcion I
Lungsod ng Marikina
Agosto 20, 2012

Mahal kong Lucy,


Kumusta ka, aking kaibigan?
Alam mo, Lucy, natutuwa ako kasi pinuri
ako ni Gng. Cruz dahil mataas ang grado ko
sa pagsusulit. Sumang-ayon din si Bb. Roman.
Baka raw sa susunod na taon kapag nasa
ikatlong baitang na ako ay nasa Pangkat 1 na
ako.
Darating nga pala sa paaralan namin si
Kong. Delfin Bendal , makakasama namin siya
sa Araw ng Pagbasa.
Darating din si Pang.Noynoy at mga
Muslim na mag-aaaral mula sa Mindanao
para sa sabay-sabay na pagbasa.
Abangan mo sa telebisyon ang aming
pagbabasa, ha. Isa itong karanasan na hindi
ko malilimutan.

Ang iyong kaibigan,

Loradel

405
 Sino ang sumulat ng liham?
 Sino ang sinulatan?
 Saan nagmula ang liham?
 Ano ang nilalaman ng liham?
 Paano sinimulan ang liham?
 Paano ito tinapos?
 Hanapin ang mga salitang dinaglat.
 Paano mo ito babasahin?
 Bakit natin dinadaglat ang mga ito?

Ipadama natin nang lubos ang pagmamahal


at pag-alala sa ating mga mahal sa buhay.

Gamitin sa sariling pangungusap.


- Bb.
- Dr.
- Gng.
- Brgy.
- Peb.
- Agos.
- G.
- Pang.

406
A. Daglatin.
Ginang D Doktor Kapitan
Ginoo Kagawad Baranggay
Binibini Kongresista Pebrero
Misis Pangulo Agosto
Mister Nobyembre Block

B. Isulat ang tsek (√) sa patlang kung ang salita


ay bahagi ng liham pangkaibigan at ekis (X)kung
HINDI.
_____ a. Petsa ____ h. Pamuhatan
_____ b. kuwaderno ____ i. koreo
_____ c. pasyalan ____ j. lagda
_____ d. Bating panimula ____ k. talat
_____ e. Bating Pangwakas____ l. pangungusap
_____ f. papel ____ m. tao
_____ g. katawan ng lihan ____ n. kaibigan

Ang pagdadaglat ay isang paraan ng


pagpapaikli ng mga salita. Ginagamit ang
tuldok dito.

407
Ang liham pangkaibigan ay iba’t ibang
bahagi. Sa pamuhatan makikita ang petsa
at tirahan ng sumulat. Sa bating panimula
naman makikita ang pangalan ng
sinulatan. Sa katawan ng liham mababasa
ang nilalaman o mensahe na nais iparating
ng sumulat. Ito ay nagtatapos sa bating
pangwakas sa pangalan o lagda ng
sumulat.

Sumulat ng isang liham pangkaibigan.

Isulat ang sagot sa tanong sa paraang kabit-


kabit.
Bakit tayo sumusulat ng isang liham?

408
Aralin 3: Karapatan Mo, Igagalang Ko

Sabihin kung Tama o Mali ang sumusunod na


pangungusap.

1. Ang kay at kina ay mga pang-ukol.


2. Ang kay ay ginagamit sa isang tao.
3. Ang kina ay ginagamit sa dalawa
o higit pang bilang ng tao.
4. May mga salitang kilos na ginagamit
bilang panggalan.
5. Ang salitang pagsasayaw ay salitang kilos.
6. Ang salitang pagmamahal ay hindi
nagpapakita ng kilos.
7. May iba’t ibang paraan sa pagbuo
ng mga bagong salita.
8. Ang pangungusap na nagsasalaysay
ay nagkukuwento ng pangyayari.
9. Mahalaga ang pagkuha
ng mga impormasyon sa binasa.
10. Mababago ang kahulugan
ng salita kapag napalitan ang isang tunog
nito.

409
Narito ang isang patalastas.
Karapatan ay Igalang

Bunso: Inay! Ano po ba ang kahulugan ng


karapatan? Narinig ko kina Mam Sol at Sir
Daniel, may karapatan daw po ang
bawat bata.
Nanay: Tama iyon anak. Ang karapatan ay dapat
tinatamasa. Karapatan ng bata na
maranasan ang pangangalaga at
pagmamahal ng mga magulang, mapag-
aral, at mabigyan ng disenteng tirahan.
Ate: Tama, Inay! Ayon naman kay Titser
Marissa, kalakip daw ng karapatan ang
responsibilidad at paggalang sa
karapatan ng kapwa. Kung may
karapatan tayo, may karapatan din
ang kapwa natin na dapat igalang.

410
Tatay: Galing mo, Ate! Nakikinig ka talaga sa guro
mo, mana ka kina Lolo at Lola mo, a!
Ate: Opo ‘Tay, matalino yata ito, mana kina Lolo
at Lola, at sa inyo rin ni Nanay.
Tatay: Tandaan ninyo, mga anak, kung karapatan
ninyong mabigyan ng disenteng tirahan,
pagmamahal at edukasyon, obligasyon at
responsibilidad din ninyong igalang kami
bilang mga magulang.
Bunso at Ate: Opo, Tay, Nay! Makaaasa po kayo,
igagalang namin kayo!
Bawat tao ay may karapatan, responsibilidad,
at pananagutan.
Ang infomercial na ito ay hatid sa inyo ng
Human Rights Commission at ng himpilang ito.

 Ano ang tinalakay sa patalastas?


 Ano-ano ang karapatan ng mga bata?
 Ano ang kaakibat ng karapatan?
 Paano natin maipakikita ang paggalang sa
karapatan?
 Ano-anong salita ang nagpakita ng kilos?
 Paano ito ginamit sa pangungusap.
 Ano ang tawag sa mga salitang ito?

411
Dapat nating igalang ang karapatan ng
bawat isa.

Ibuod ang informercial gamit sa sariling


pananalita. Kopyahin ang dayagram sa ibaba at
gawin ito sa kuwaderno.

Itala ang ilang impormasyon na napakinggan


mo sa patalastas sa radyo o sa telebisyon.

412
May mga salitang nagsasaad ng kilos o
pandiwa na ginagamit bilang pangngalan sa
pangungusap. Ito ang siyang paksa o pinag-
uusapan sa pangungusap.

A. Tukuyin ang mga pandiwa na ginamit bilang


pangngalan sa pangungusap.

1. Ang paglalakad ay isang mabuting ehersisyo.


2. Ang pagdarasal ay isang magandang gawain.
3. Ang labis na panonood ng telebisyon ay
masama sa kalusugan.
4. Ang pagpapasalamat ay dapat nating
inuugali.
5. Ang paglilinis ng paligid ay nakatutulong para
mawala ang mga lamok na nagdadala ng
sakit.

B. Magsalaysay ng isang karanasan na


napakinggan mula sa kaklase tungkol sa paggalang
niya sa kaniyang magulang o sa nakatatanda sa
kaniya.

413
Pangulong Corazon C. Aquino

Si Corazon C. Aquino ay ika-11 Pangulo ng


Pilipinas. Siya ang kauna-unahang babaeng
namuno sa bansa. Siya ay mas kilala sa tawag na
“Tita Cory.”
Ipinanganak siya noong ika-25 ng Enero 1933.
Napangasawa niya si dating Senador Benigno
“Ninoy” Aquino Jr. at biniyayaan sila ng limang anak
na sina Balsy, Viel, Pinky, Noynoy, at Kris.
Isinulong ni Tita Cory ang “Comprehensive
Agrarian Reform Program” na nagbibigay ng lupa
sa mahihirap na magsasaka. Itinaguyod din niya ang
pagiging maka-Diyos ng mga Pilipino. Ipinakita niya
ito sa pamamagitan ng pagiging madasalin at
madalas na paglapit sa Diyos.
Higit sa lahat, siya ang naging daan upang
maibalik ang kalayaan ng mga Pilipino na magsalita
at maipahayag ang kanilang damdamin. Dahil dito,

414
naging simbulo ni Tita Cory ang dilaw na ribbon na
tanda rin ng kalayaan.
Si Tita Cory ay tinaguriang “Ina ng
Demokrasya” sa bansa. Ang kaniyang mga nagawa
ay nagpapakita na siya ay isang babaeng uliran,
may kakayahan at karapatdapat na igalang.

 Paano inilarawan ang dating Pangulo ng


bansa?
 Bakit siya minahal ng mga Pilipino?
 Paano mo siya tutularan?
 Ano-anong impormasyon ang nakuha mo sa
teksto?

Dapat nating igalang ang karapatan ng


kababaihan.

A. Tukuyin kung paano nabago ang unang salita


upang mabuo ang pangalawang salita.
bawas-bawal buhay-uhay
labo-labi kulay-buhay
iwas-bawas

415
B. Punan ng wastong tunog/letra ang bawat
patlang upang makabuo ng isang panibagong
salita. Gamiting gabay ang larawan.

Salita Bagong Salita Larawan


Sala a__as

Usok o__ o

Pasa __asa

Bata bat__

Buhay b__hay

Kulay __uklay

Alis __alis

Buhos buho__

416
Balikan ang teksto tungkol sa Pangulong
Aquino. Sabihin ang paksa ng bawat talata.

Ang paksa ay siyang pinag-uusapan sa


isang talata o sa isang teksto.
Ang pagpapalit, pagbabawas at
pagdadag ng tunog sa isang salita ay
paraan upang makabuo ng isang bagong
salita.

A. Bumuo ng bagong salita sa pamamagitan ng


pagbabawas o pagpapalit ng isang tunog ng
sumusunod na salita.
417
- bango - pakay
- bigo - salita
- gulay - suha
- luho - suhol
- luto - tula

B. Sabihin kung ano ang paksa o pinag-uusapan


sa bawat pangungusap.
1. Ang pangngalaga sa kapaligiran ay dapat na
itinuturo sa mga bata.
2. Ang pagtulong sa kapwa ay isang gawaing
mabuti sa paningin ng Diyos at kapwa.
3. Ang batang masunurin ay kinagigiliwan ng
kaniyang mga magulang maging ng ibang
mga tao.

Muling basahin ang tekstong “Karapatan ay


Igalang.” Pansinin ang mga salitang may
salungguhit.

 Ano ang napansin mo sa mga salitang may


salungguhit?
 Ano ang tawag dito?
 Kailan natin ito ginagamit?

418
Alamin natin ang ating mga karapatan upang
ito ay ating maitaguyod at mapangalagaan.

A. Punan ng wastong pang-ukol.


1. Ibinigay ko ___ nanay ang mga sariwang
gulay.
2. Binili ni Tita Celsa ang pulang payong para
___ Susan at Nerie.
3. Nalaman ko ___ Nonoy na walang pasok
bukas.
4. Nagtungo kami ___ lolo at lola noong araw
ng pasko.
5. Hiningi namin ___ Tiyo Loloy ang kanilang mga
lumang damit.

Una at Ikalawang pangkat- Magsalaysay ng isang


karanasan sa pagdiriwang ng bagong taon.
Ikatlo at Ikaapat na pangkat- Magsalaysay ng isang
karanasan sa pagdiriwang ng kaarawan.
Ikalimang pangkat- Magbigay ng tatlong
pangungusap na ginamitan ng pang-ukol na kay at
tatlong pangungusap na ginamitan ng pang-ukol na
kina.

419
Ang pang-ukol na kay ay ginagamit
kapag ang isang kilos o bagay ay tungkol sa
iisang tiyak na tao lamang.
Samantala, ang pang-ukol na kina ay
ginagamit kung ang bagay o kilos ay tungkol
sa dalawa o mahigit pang tiyak na tao.

Gamit ang kay at kina, bumuo ng isang


simpleng kuwento tungkol sa mga larawan.

3.

420
Muling basahin ang talambuhay ng dating
Pangulong Corazon C. Aquino.

Ano sa mga nagawa ni Pangulong Corazon C.


Aquino ang naibigan mo?

Dapat nating pahalagahan ang ating pamilya


at ang ating kapwa.

A. Ibigay ang tamang impormasyon tungkol sa


iyong sarili.

421
A. Sabihin sa pangungusap ang kasagutan sa
Gawain A.
Halimbawa:
Ako ay si Maria C. Rivera.Ako ay walong taong
gulang. Ako ay ipinanganak noon ika-9 ng Agosto
2005.

A. Igawa ng isang maikling talambuhay ang


mapipiling kamag-aral. Gamitin ang mga datos
na makukuha gamit ang patnubay na makikita sa
larawan.

422
Ang talambuhay ay isang akda na
nakapaloob ang mahahalagang bagay at
impormasyon sa buhay ng isang tao.
Isinusulat ito sa paraang nagsasalaysay.
Sa pagsusulat ng talambuhay, tiyakin na
tama o wasto ang mga impormasyong
isusulat dito.

A. Balikan ang binuong pangungusap tungkol sa


iyong sarili. Palitan ang panghalip na ko, ako, at akin
ng si, siya, at kaniya.
Halimbawa:
Ako si Maria C. Rivera
Siya ay si Maria C. Rivera (binago)
Ako ay walong taong gulang
Siya ay walong taong gulang (binago)
Ako ay ipinanganak noong ikasiyam ng
Agosto 2005
Siya ay ipinanganak noong ikasiyam ng
Agosto 2005(binago).

423
Isulat sa kabit-kabit na paraan.
Ang talambuhay ay isang akda na
nakapaloob ang mahahalagang bagay at
impormasyon sa buhay ng isang tao.

424
Aralin 4: Maging Huwaran
sa Paningin ng Diyos

Sabihin kung tama o mali ang sumusunod na


pangungusap.
1. Ang salitang hampaslupa ay tambalang salita.
2. Ang salitang bahay-kubo ay hindi tambalang
salita.
3. Ang tambalang salita ay may bagong
kahulugan.
4. Ang pagbaha ay bunga ng hindi tamang
pagtatapon ng basura at pagpuputol ng mga
puno.
5. Ang pagbibigay ng hinuha ay nakatutulong sa
pag-unawa ng tekstong binabasa.
6. Ang mga pangyayari sa paligid ay may
dahilan.
7. Ang salitang hari ay halimbawa ng tambalang
salita.
8. Ang ayon sa ay ginagamit kapag ang isang
pahayag ay galing sa isang tao.
9. Ang ayon sa ay ginagamit kapag ang sinisipi
ay pahayag ng isang tao.
10. Ang paggamit ng tamang bantas ay
kailangan sa pagbibigay ng panuto.

425
Manamit nang Angkop

Si Dindin ay aming kapitbahay. Mahilig siyang


manamit ng hindi angkop sa okasyon. Minsan,
habang naglalakad siya sa Kalye Bahaghari
patungo sa bahay panalanginan , binastos siya ng
mga walang modong lalaki dahil sa napakaikli at
napakasikip niyang damit.
Sa loob ng simbahan ay nagtinginan at nainis
ang marami dahil sa kaniyang kasuotan.
Ayon sa tagapangaral
na si Bro. Bogie Batobalani,
dapat isaisip ng kababaihan ang
pagsusuot nang maayos
at angkop na pananamit sa
okasyon upang maiwasan ang
eskandalo . Ayon pa sa kaniya,
ang pagsusuot nang disente at
maayos na pananamit ay kalugod-lugod din
sa mata ng Diyos.
426
Sinabi pa niya ang pagsusuot nang angkop at
maayos na kasuotan ay tanda rin ng paggalang sa
ating sarili. Ito rin ang magiging daan upang igalang
tayo ng ibang tao.At dahil dito maiiwasan ang
eskandalo at pagkapahamak.
Mula noon, hindi na nagsuot ng maigsi at
masisikip na damit si Dindin.

 Ano ang mga nais na isuot ni Dindin?


 Paano nagbago ang kaniyang pananamit?
 Ano ang dapat isuot kung nasa paaralan?
Sa simbahan? Sa pamamasyal? Sa bahay?
 Dapat bang iayon sa okasyon ang ating
kasuotan? Bakit?
 Saan pa natin dapat iniaangkop ang ating
kasuotan?
 Ano-anong salitang tambalan ang ginamit
sa teksto?
 Ano-anong salita ang bumubuo dito?
 Ano ang ibig sabihin ng bawat salitang
bumubuo dito?
 Ano ang nangyari sa mga kahulugang ito?

Ang pagsusuot ng kasuotang angkop sa


okasyon ay tanda ng paggalang sa sarili at sa ibang
tao.

427
Bumuo ng tambalang salita gamit ang mga
inihandang salita.
kayod takip kapit
balat silim hari
takip bahay kalabaw
bahag sibuyas

Ibigay ang posibleng dahilan kung bakit


nangyari ang sumusunod na mga sitwasyon.
a. Hindi paggalang ng mga kalalakihan kay
Dindin
b. Pagpapahayag ng pastor tungkol sa
angkop na pananamit
c. Pagdadamit ni Dindin nang angkop at
wasto sa okasyon

A. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na


tambalang salita. Gamitin ang mga ito
sa pangungusap.
1. silid-aralan 4. bantay-salakay
2. balik-aral 5. kambal-tuko
3. kapitbahay
B. Sabihin kung ano ang maaaring ibunga
ng sumusunod na sitwasyon.
1. hindi natutulog nang maaga
2. hindi kumakain ng gulay
428
3. hindi nagdarasal
4. matigas ang ulo
5. nagkakalat ng basura

May mga salitang kapag pinagsama ay


nagkakaroon ng bagong kahulugan na iba sa
dating kahulugan. Tambalang salita ang
tawag dito.

A. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng


tambalang salita sa hanay Hanay A. Isulat ang letra
ng iyong sagot.
A B
1. kapit-tuko a. taong galing sa ibang bansa
2. bahay-kubo b. taong kalapit ang bahay
3. takip-silim c. papalubog na ang araw
4. kapit-bahay d. bahay na yari sa kubo
5. balik-bayan e. mahigpit ang pagkakakapit
B. Tukuyin sa Hanay B ang maaaring dahilan ng
mga pangyayari sa Hanay A.
A B
1. Natakot ang bata a. naglalaro ng posporo
2. Lumagong halaman b. nagdidilig ng halaman
3. Nasusunog na bahay c. nagkakabit ng ilaw
4. Natuwa ang magulang d. magalang na bata
5. Lumiwanag ang bahay e. kinahulan ng aso

429
Ang Portfolio ni Cheska
Maka-Diyos ang pamilyani Cheska. Sinisikap
nilang makasunod sa utos ng Panginoon. Kahanga-
hanga silang huwaran ng mga tao sa bayan.DahiI
huwaran ang kanilang pamilya, inspirado si Nimfa
na gumawa ng isang portfolio tungkol sa gawain ng
kaniyang pamilya.
Ngunit biglang nagkasakit si Nimfa kaya
tinuruan niya ang kapatid na si Cheska na ituloy ang
paggawa ng portfolio.
“Halika, Cheska,
ituturo ko sa iyo kung
paano gawin ang portfolio,
” sabi ni Nimfa.
“Sige! Ate, turuan mo
ako, gusto ko iyan,”
tuwang-tuwang wika ni
Cheska.
“Una, kumuha ka ng
iba’t ibang larawan ng
ating pamilya na may
kinalaman sa pagiging maka-Diyos.”
“Ikalawa, kumuha ka ng isang lumang
magasin. Dikitan ang bawat pahina ng malinis na
bond paper.”
“Ikatlo, hatiin ang mga pahina sa iba’t ibang

430
bahagi tulad ng pasasalamat, talaan ng nilalaman,
larawan ng buong pamilya, gawain ng buong
pamilya, larawan ng pagiging maka-Diyos , at mga
pangarap at kahilingan ng pamilya sa Panginoon.”
“Ikaapat, pagsasama-samahin ang mga
larawan kung saan ito maaaring ilagay saka ito
idikit.”
“Ikalima, lagyan ng caption ang mga larawan,
buuin ang pasasalamat at talaan ng nilalaman.”
“Panghuli ay dagdagan ito ng iba pang
dekorasyon na gusto mo,” paliwanag ni Nimfa.
“Ang galing naman Ate! Sige sisimulan ko
na!” wika ni Cheska.
Sinimulang sundin ni Cheska ang itinuro ng
kapatid. Pagkalipas ng dalawang araw ay nagulat
ang lahat sa ipinakitang portfolio ni Cheska.Tuwang-
tuwa ang buong pamilya sa portfolio ni Cheska.
Naipakita nito ang pagkakasundo-sundo ng buong
pamilya. Dahil sa tuwa, kinuhanan ng kaniyang
Kuya Alex ng larawan ang portfolio at inilagay sa
Facebook.
“Ipinagmamalaki ka namin anak, isa kang
hulog ng langit sa amin,” wika ni Nanay Perla.
“Ang galing mo Anak! Salamat sa Diyos at isa
kang batang matalino, malikhain, at masunurin,”
wika ng ama ni Cheska na si Mang Ben.
“Salamat din po sa inyo Itay, Inay, at Ate
Nimfa dahil tinuruan niya ako ng paggawa ng
portfolio. Maraming salamat din po sa Panginoon,”
mahinahong sabi ni Cheska.

431
 Anong uri ng pamilya mayroon si Cheska?
 Ano ang dahilan kung bakit inspirado si Nimfa
na gumawa ng portfolio?
 Kung ikaw si Nimfa, tuturuan mo rin ba ang
iyong kapatid na gumawa ng portfolio? Bakit?
 Isa-isahin ang mga paraan sa paggawa ng
portfolio.
 Kung ikaw si Cheska, gagawin mo rin ba ang
sinabi ng kaniyang ate? Bakit?
 Ano ang iyong nararamdamn kapag
nakagawa ka ng isang kapaki-pakinabang na
bagay?
 Ano kaya ang kinahinatnan kung hindi sinunod
ni Cheska ang mga sinabi ng kaniyang ate?

Ugaliing sundin ang mga panuto na ibinigay sa


atin upang maging madali at maayos ang ating
mga gawain.

Ibigay ang panuto kung paano gumawa


ng isang kard.

432
Kasama ang pangkat gumawa ng panuto
sa paggawa ng isang bangkang papel.

Upang maging tama ang isang gawain


laging sundin ang mga panuto sa paggawa
nito.

Gumawa ng isang portfolio sa tulong ng mga


panutong sinunod ni Cheska.

Gawing Gabay

Ayon sa Kawikaan 22:6,


“Turuan mo ang bata sa daan na
kaniyang dapat lakaran upang kung tumanda
man siya ay hindi niya hihiwalayan”.
Ayon sa “Gintong Aral,
“Huwag mong gawin sa iyong kapwa, ang
bagay na ayaw mong gawin sa iyo.”
Ayon kay Dr. Jose P. Rizal
“Ang kabataan ay pag-asa ng bayan”.
433
 Bakit “Gawing Gabay” ang pamagat ng akda?
 Ano ang sinasabi ng bawat pahayag?
 Ano ang maidudulot kung susundin natin ito?
 Alin ang naibigan mong gabay?
 Bakit mo naibigan?
 Paano mo ito isasabuhay?
 Pansinin ang mga may salungguhit na salita.
 Paano ito ginamit?
 Kailan ginamit ang bawat isa?

Sundin natin ang mga pangaral ng Banal na


Aklat at ng mga nakatatanda upang hindi tayo
maligaw ng landas.

A. Bilugan ang angkop naparirala upang mabuo


ang diwa ng pangungusap.
1. (Ayon sa, Ayon kay) matatanda, ang
Panginoon ay tinatawag din nilang Bathala.
2. (Ayon sa, Ayon kay) Apo Lakay, hindi dapat
ipagwalang bahala ang sakit na
nararamdaman.
3. (Ayon sa, Ayon kay) pag-aaral , ang mga
Pilipino ay isang lahing maka-Diyos.
434
4. (Ayon sa, Ayon kay) bansang Amerika,
nakahanda silang tumulong sa mga nasalanta
ng bagyo.
5. (Ayon sa, Ayon kay) Tito Lito, tatlo ang
kaniyang anak na magtatapos sa
elementarya.
B. Bilugan ang mga salitang payak .
Ikahon ang mga salitang tambalan sa bawat
pangungusap.
1. Umuulan tuwing hapon.
2. Anak-pawis ang aking mga magulang.
3. Gamitin sa tama ang katalinuhan.
4. Sundin natin ang utos ng mga magulang.
5. Nagsisimba kami tuwing araw ng linggo.

Pangkatin ang sumusunod na salita.


Ilagay ito sa kahong dapat kalagyan.
ganda bahag-hari
sigaw araw
awit hari
ama anak
anak-araw hampas-lupa

Payak Tambalang Salita

435
Ang pang-ukol na ayon sa ay ginagamit kapag
ang siniping pahayag o impormasyon ay mula sa
isang tiyak na aklat, pahayagan, at iba pa.
Samantala ang ayon kay kung ang
pinagkuhanan ng pahayag o impormasiyon ay isang
tiyak na tao.

1. Sumulat ng limang pangungusap na


ginamitan ng pang-ukol na ayon sa.
2. Isulat ang payak na anyo o kayarian ng mga
sumusunod na salita.

nagsayawan nasumulat kumain


tulugan awitan payuhan
nagdarasal kulayan tumakbo

Basahing muli ang tekstong “Gawing Gabay”

 Ano-anong bantas ang ginamit sa teksto?


 Kailan ginagamit ang bawat isa?
436
Ang mga kasabihan ay maaaring gawing
gabay sa ating paniniwala, pamumuhay, at
paggawa.

A. Hanapin at iwasto ang HINDI tamang


paggamit ng malaking letra sa seleksiyon.

Ang pamilya Peralta ay pamilyang masunurin


sa utos ng panginoon. ang pamilya Peralta ay
binubuo ng limang kasapi. Ang tatay ay si mang
carlo, ang ina na si Aling virgie, at ang mga anak ay
sina Lucy, Dan, at niknok. ang pamilya peralta ay
nakatira sa bilang 7 daang talahib, baranggay
Concepcion, malabon. ang kanilang mag-anak ay
madalas makita na sumasamba at namimigay ng
tulong sa mga nangangailangan kaya sila ay
kinagigiliwan.

B. Lagyan ng tamang bantas ang sumusunod na


pangungusap.
1. Naku nahulog ang bata sa duyan
2. Ang mundoy hugis bilog
3. Kumain ka na ba
4. Aray napakasakit ng ulo ko
5. Magdasal tayo bago kumain

437
Una at ikalawang pangkat- Bumuo ng tatlong
pangungusap na hindi ginamitan ng tamang
bantas.
Ikatlo at ikaapat na pangkat- Iwasto ang ginawa ng
una at ikalawang pangkat.
Ikalimang pangkat- Suriin kung tama ang
pagkakagamit ng malalaking letra ng ikatlo at
ikaapat na pangkat.

Ang malaking letra ay ginagamit sa mga tiyak


na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, buwan, at
sa pagsisimula ng pangungusap.
Ang karaniwang bantas na ginagamit ay tuldok
(.), tandang padamdam (!), tandang pananong (?),
kudlit (‘), at kuwit (,). Ginagamit ito para sa mabisang
pagpapahayag ng damdamin o kaisipan.
Ang tuldok ay sa hulihan ng pangungusap na
pasalaysay o pautos. Ang tandang pananong ay sa
pangungusap na nagtatanong. Ang kuwit ay sa
pansamantalang paghinto. At ang tandang
padamdam ay para sa pagpapahayag ng
matinding damdamin.

438
A. Sumulat ng reaksiyon batay sa larawan.
Gumamit ng tamang bantas at angkop
napananalita.

B. Sabihin kung mali o tama ang pagkakasulat.


1. Maria Dela Rosa
2. Pusa
3. sta. Clara
4. Naku? gumuho ang lupa!
5. Aray! Kinagat ako ng lamok.

439
Aralin 5: Ang Umiibig sa Kapwa
ay Umiibig sa Diyos

Isulat sa sagutang papel ang T kung tama at M


kung mali ang pahayag.

1. Ang pang-ukol na para sa ay ginagamit kapag


ang pinag-uukulan ng isang bagay o kilos
ay hindi tiyak na tao.
2. Ang karanasan natin ay hindi maaaring iugnay
sa ating binasa.
3. Kailangang mapanatili ang katahimikan sa
loobng silid-aklatan.
4. Ang pagsunod sa panuto ay makatutulong
upang maging tama ang ginagawa.
5. Ang pangungusap ay nagsisimula sa malaking
titik at maaaring nagtatapos sa tuldok,
tandang padamdam, o tandang pananong.
6. Higit na magandang pakinggan kung
nakabibigkas tayo nang may tamang bilis,
ekspresyon, lakas ng boses, at tamang galaw
ng katawan.
7. Bumasa nang malakas sa loob ng silid-aklatan
upang mahasa sa pagbasa.
8. Kumuha ng aklat kahit walang paalam sa
namamahala sa silid-aklatan.
9. Masasagot nang tama ang binasa kung
nauunawaanang binasa.

440
Ako ay Para sa Iyo
Ako ay batang
matalino. Nag-iisip at
gumagawa ng bagay na
matino. Para sa kapwa,
para sa iyo,O! Mahal na
kamag-aral ko.
Tanggapin mo ang lapis na
ito,Tulong ko’y maaasahan
mo.Kahit ika’y Islam, O!
Mamerto. Dapat
tandaan,ilagay sa puso
pag-ibig sa kapwa
ay pagmamahal sa
Bathala at relihiyong totoo.
Ang dapat matutuhan ng
batang bibo.

 Ano ang katangian ng batang nagsasalita sa


tulang binasa?
 Paano niya ipinakita ang pagmamahal at
pagmamalasakit sa kaibigan?
 Tama ba ang kaniyang ginawa?

441
Ang ginagawa natin sa kapwa ay ginawa na
rin natin sa Diyos.

 Anong uri ng akda o teksto ang binasa?


 Ilang linya ang bumubuo sa tulang binasa?
 Ano ang taludtod?
 Ano ang pagkakaiba ng tula sa ibang
mga teksto?

Gamitin sa sariling pangungusap ang


sumusunod na salita mula sa tula.
1. bibo 4. matino
2. matalino 5. relihiyon
3. bathala

Una at Ikalawang pangkat: Bumuo ng panibagong


pamagat ng tula at ipaliwanag kung bakit ito
ang ginawang pamagat.
Ikatlo at Ikaapat na Pangkat:Magtala ng mga
bagay na natutuhan sa tula.
Ikalima at ikaanimna pangkat: Bumuo ng tatlong
tanong batay sa tula.
442
Upang maunawaang mabuti at
makatugon nang wasto sa isang teksto,
kailangang sundin ang sumusunod:
1. Unawaing mabuti ang binabasa.
2. Makinig nang mabuti sa nagbabasa
ng teksto.
3. Alamin ang kahulugan ng mga
mahihirap na salita.
4. Magtanong sa guro o sa kamag-aral
o sa nakatatanda kung may hindi
naiintindihan o nauunawaan.
Maaari ding tingnan sa diksiyonaryo
ang kahulugan ng mga salitang mahirap
unawain.

Basahin ang seleksyon at sagutin ang mga


tanong tungkol dito.
“Napakasarap ng pakiramdam kapag
nakatutulong tayo sa kapwa,” ito ang masayang
sabi ni Aling Nilda.
“Tama ka riyan, mayroon nga tayong
kasabihan na maigi ang nagbibigay kaysa
tumatanggap, ” ang masuyong sagot ng asawang
si Mang Dan. “Sana, Itay, Inay, lahat ng tao
gayundin ang gagawin,” wika ni Tessa sabay yakap
sa mga magulang.
443
 Ano ang pinag-uusapan ng pamilya?
 Ano ang damdamin ng mga tauhan
sa kuwento?
 Ano ang pinagkakaisahan nila?

Si Bathala
Si Bathala ay ang Poong Lumikha. Lahat ng
mga bagay na makikita natin sa ating kapaligiran ay
Kaniyang regalo sa atin. Siya rin ang nagbigay sa
atin ng buhay. Sa pagtitiwala sa Kaniya , tayong
mga tao ay pinagpapala.

 Sino si Bathala?
 Ano-ano ang regalo Niya sa atin?
 Paano natin masusuklian ang Kaniyang
kabutihan sa atin?
 Ano ang iyong gagawin kung mayroon kang
kalaro o kaklase na hindi marunong
magpasalamat sa Diyos?

444
May iba’t ibang paraan ng pasasalamat at
pagpupuri sa Dakilang Lumikha.

Sa mga biyayang tinatanggap laging


pasalamatan ang Dakilang Lumikha .

Basahin ang tula nang may wastong bigkas,


lakas ng boses at katamtamang bilis.

Ang mabisang pagpapahayag ay


maaaring gawin sa tamang lakas ng boses,
tamang ekspresyon, katamtamang bilis ng
pagsasalita at angkop na galaw ng katawan.

445
A. Suriin ang isang talata. Sabihin kung paano
nagsimula at nagtapos ang mga pangungusap.

B. Isulat ang mga salitang hindi nauunawaan sa


talata.

Eco-savers Para sa Kalikasan

Ang Ecosavers ay isang


programang inilunsad ng
Kagawaran ng Edukasyon
para sa kapaligiran.
Ginawa ito upang turuan
ang mga bata na
magmalasakit sa kalikasan
para sa ikagaganda ng
paligid, at para sa kaligtasan
ng mga mamamayan.
Bahagi ng programang ito ang paglimita sa
paggamit ng plastik, pagre-recycle ng mga bagay-
bagay at pagtatanim ng mga halaman at puno sa
paligid at paaralan.
Ilan lamang ito sa mga ginagawa sa
programang Eco-savers para sa pagpapabuti ng
ating kalikasan upang mabuhay tayo nang masigla
at matiwasay.

446
Para sa Kagawaran , isa itong dakilang
gawain. Para sa mga bata, isa itong nakatutuwang
gawain. Para sa mga magulang, isa itong paraan
upang magturo sa pamamagitan ng halimbawa.
Para sa mga Pilipino,sa kabuuan, ito ay isang
pagkakawanggawa para sa kalikasan.

 Bakit inilunsad ang Eco-Savers?


 Ano-ano ang mga gawain sa ilalim ng
programang ito?
 Ano ang layunin ng programang ito?
 Paano ka makatutugon sa Eco-Savers ?
 Ano ang bunga nito sa iba’t ibang sektor ng
lipunan?

Pangalagaan ang kalikasan ngayon upang


magkaroon ng maayos na kinabukasan.

A. Sipiin sa teksto ang mga pangungusap na


ginamitan ng pang-ukol na para sa

447
B. Sundin ang panuto sa ibaba upang makabuo
ng isang panibagong bagay mula sa lumang
diyaryo.

1. Gupit-gupitin ang mga lumang diyaryo, basain


ng tubig at haluan ng nilutong gawgaw.
2. Dikdikin nang maigi ang binasang papel at
haluin ng haluin hanggang sa lumapot.
3. Kapag malapot na ito , ihulma sa
mga hulmahan na ibig mo.
4. Patuyuin sa sikat ng araw.

Una at Ikalawang Pangkat- Isagawa ang sumusunod


na panuto.
Paggawa ng Bookmark
1. Kumuha ng isang papel na parihaba.
2. Isulat sa loob ng papel ang “Mahal ko ang
Diyos”
3. Kulayan mo ng dilaw ang buong parihaba.

Ikatlo at Ikaapat na Pangkat – Sundin ang panuto.


1. Pumila nang maayos.
2. Ilagay ang kanang kamay sa tapat ng
iyong dibdib.
3. Isigaw mo nang malakas.”Mula ngayon
susunod na ako sa utos ng Diyos. ”

448
Ang para sa ay ginagamit kapag
tumutukoy sa sa isang kilos o bagay ng hindi
tiyak na pangngalan.
Ang para kay ay ginagamit sa isang tiyak
na ngalan ng tao.
Ang para kina ay ginagamit sa dalawa o
higit pang ngalan ng tao.

Tukuyin ang angkop na pang-ukol sa


pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng
panaklong.

1. Bumili ako ng bulaklak (para kay, para sa) mga


yumao naming kamag-anak.
2. Nagdala si Itay ng isang kilong mangga (para
sa, para kay) buong pamilya.
3. (Para sa, para kay) Roy,Justin at May ang mga
regalong ito.
4. (Para sa, para kay) sambayanan ang
ginagawa naming kabutihan.
5. Nag-aaral kaming mabuti (para kay, para sa)
aming magandang kinabukasan.

449
Mga Tuntunin sa Paggamit ng Silid-Aklatan

1. Ihanda ang iyong ID, kuwaderno at panulat.


2. Humingi ng papel mula sa tagapamahala ng
silid-aklatan at isulat ang eksaktong pamagat
ng aklat na nais hiramin at ang may-akda nito.
3. Ibalik ang papel na sinulatan sa
tagapamahala at hintayin ang aklat na
hinihiram.
4. Tanggapin ang aklat at magpasalamat.
5. Humanap ng lugar na mapagbabasahan.
6. Buhatin nang tahimik ang upuan upang hindi
makalikha ng ingay at makaabala sa ibang
nag-aaral.
7. Huwag pupunitin o susulatan ang aklat na
hiniram.
8. Mag-aral nang tahimik.

 Ano-ano ang dapat gawin bago pumunta sa


silid-aklatan? Habang nasa silid-aklatan?
 Paano manghihiram ng aklat ?
 Bakit kailangang maging tahimik sa loob ng silid-
aklatan?

450
Igalang ang mga nag-aaral sa silid-aklatan sa
pamamagitan ng hindi paggawa ng anumang
ingay.

Humiram ng isang aklat sa silid-aklatan.


Gumawa ng payak na pangungusap tungkol sa
binasang aklat.

Itala ang mga aklat na nahiram at nabasa


mula sa silid-aklatan.

Ang silid-aklatan ay isa sa mahahalagang


silid sa paaralan. Dito makikita ang iba’t ibang
uri ng babasahin na makatutulong sa ating
pag-aaral.
Kailangang sundin natin ang mga tuntunin
sa paggamit nito upang mapangalagaan ang
mga babasahing narito at mapakinabangan
pa ng mas maraming bata.

451
A. Bumuo ng dalawang payak na pangungusap
sa bawat larawan.

1. 2.

B. Kumuha ng isang aklat. Tukuyin ang nilalaman


nito batay sa pabalat.

Isulat ang sagot sa kabit-kabit na paraan.

Paano makatutulong ang internet sa pagtuklas


ng mga kaalaman?

452
Aralin 6: Ang Diyos ay Pasalamatan

Isulat ang T kung tama ang isinasaad sa


pangungusap at M kung mali.

1. Ang japorms ay isang pormal na salita.


2. Isa sa halimbawa ng salitang balbal ay
datung.
3. Ang ng ay isang pang-angkop.
4. “Bumili kami ng magarang damit.”
Ang salitang may pang-angkop sa
pangungusap ay damit.
5. Ang salitang ginoo, ay halimbawa ng pormal
na salita.
6. Ang isang kuwento ay maaaring bigyan ng
mambabasa ng sariling wakas.
7. Ang pakikilahok sa talakayan ay maaaring
gawin sa paraang malikhain.
8. Ang pang-angkop na ng ay ginagamit sa mga
salitang sa patinig.
9. Dapat maunawaan na ang wika ay may iba’t
ibang antas ng pormalidad.
10. Ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento ay mahalaga.

453
Dakilang Tagapag-ingat nina Inay at Itay

Nakaupo si Sophie sa balkonahe ng kanilang


bahay at napapangiti siya na parang nag-iisip.
Napansin siya ng nakatatandang kapatid na si Kule.
“Sophie, ang ganda naman ng ngiti mo! Bakit
ka masaya?” tanong ni Kule.
“Kuya Kule, naaalala ko lang sina Inay at Itay.
Pauwi na sila ngayon. Pagkagaling sa palengke,
susunduin ni Itay si Inay sa opisina. . .at magkahawak
kamay silang maglalakad,” paliwanag ni Sophie sa
kapatid.
“O, e ano naman? Bakit ka nangingiti diyan?”
tanong ni Kule. “Nakakatuwa kasi sila. Tapos,
titingnan ni Inay ang mga pinamili ni Itay, ang
malalaking hipon, mabeberdeng gulay,
mapupulang mansanas, manggang hilaw. . .hay!!!
Kaya lang. . .” biglang nalungkot na wika ni Sophie.
“Bakit biglang kang nalungkot? Hindi ba dapat
matuwa ka kasi matitikman mo na naman ang
paborito mong manggang hilaw?” wika ni Kule.
“Kasi naman kuya, sabi ni tatay maraming
masasamang tao ngayon sa lansangan at sa
palengke . May mga jologs na magnanakaw, taong
epal, at mga buraot. Nalulungkot ako, ayokong
mapahamak sina Inay at Itay sa kanilang pag-uwi,”
matamlay na sabi ni Sophie.

454
“Sophie, nakalimutan mo ba ang sabi ni Itay at
ni Inay? Magtiwala tayo palagi kay Apo. Si Apo ang
mag-iingat sa kanila,” paalala ni Kule.
“Salamat Kuya, at ipinaalala mo sa akin. Halika
humiling tayo kay Apo na ingatan sina Inay at Itay,”
masayang wika ni Sophie.
Umusal ng dasal ang magkapatid kay Apo na
dakilang tagapagligtas.
Pagkatapos nito ay
masayang naghintay ang
magkapatid sa kanilang
mga magulang.
Pagkalipas ng ilang Sandali lamang ay
paparating na ang mag-
asawang Ruben at Milay,
dala-dala ang mga
pinamalengke at iba
pang pasalubong sa magkapatid.
Mula sa bintana ng bahay ay natanaw ng
magkapatid ang paparating na mga magulang.
Dahil ligtas na nakauwi ang mga ito, nagpasalamat
muna ang magkapatid kay Apo bago tuluyang
bumaba ng bahay para salubungin ang ama’t ina.

 Bakit masaya si Sophie?


 Bakit bigla siyang nalungkot?
 Ano ang ipinaalala ng kaniyang Kuya Kule?
 Ano-ano ang laging dalang pasalubong nina
Itay at Inay? Sino si Apo?

455
 Tama ba ang ginawa ng kaniyang kuya na
ipaalala ang pagtitiwala sa Diyos?
 Ano ang mga damdamin na nasa kuwento?
 Paano ipinakita ang mga damdamin na ito?
 Ano ang unang pangyayari sa kuwento?
Pangalawa?Panghuli?
 Ano ang gusto mong maging wakas ng
kuwento?

Laging magtiwala at magpasalamat sa Diyos


na Dakila.

A. Alalahanin ang isang palabas na napanood sa


telebisyon. Bigyan ito ng sariling wakas.

B. Isaayos ang mga larawan ayon sa


pagkakasunod-sunod nito sa kuwentong
napakinggan. Isulat ang 1 – 5 para ipakita ito.

456
B. Isulat ang bilang ng bawat pangungusap ayon
sa tamang pagkakasunod-sunod nito sa kuwento.

1. Natatanaw sa bintana ang paparating na


mag-asawang Ruben at Milay.
2. Masayang nakadungaw sa bintana si Sophie.
3. Nagdasal kay Apo ang magkapatid.
4. Biglang nalungkot si Sophie.
5. Yumakap ang magkapatid sa mga magulang.

A. Isulat ang simula, gitna at katapusan ng


kuwentong binasa.
B. Humanap ng kapareha. Ikuwentong muli ang
binasang akda.
C. Gamitin ang rubrics sa ibaba upang
pahalagahan ang ginawang pagkukuwento ng
iyong kapareha.
5 - napagsunod-sunod ang mga
pangyayari
4 - may nakaligtaang isang pangyayari
3 - may 2 o 3 pangyayari na nakaligtaan
2 - kalahati ng kuwent ang nasabi
1 - halos walang nasabi
457
Unawaing mabuti ang tekstong binabasa
o pinakikinggan upang maisalaysay ito ng
tama at ng may tamang pagkakasunod-
sunod.
Sa ganito rin paraan, maiuugnay natin ito
sa dating kaalaman at karanasan
at makapagbibigay ng angkop na wakas.

A. Lagyan ng sariling wakas ang kuwentong


nabasa mula sa Kagamitan ng Mag-aaral na ito.
Tukuyin ang pamagat nito.

B. Lagyan ng * kung simula, ** kung gitna at ***


kung wakas ang bawat pangungusap ng
kuwentong binasa.
1. Sinalubong ng magkapatid ang mga
magulang.
2. Nagdasal sina Sophie at Kule.
3. Biglang nalungkot si Sophie.
4. Natutuwa si Sophie habang
nakadungaw sa bintana.
5. Pinaalalahanan ni Kule ang kapatid.

458
Muling basahin ang akdang “Dakilang
Tagapag-ingat nina Inay at Itay”

 Ilarawan ang mag-asawang Ruben at Milay.


 Ilarawan ang magkapatid na Kule at Sophie.
 Pansinin ang mga salitang may salungguhit.
 Ano ang masasabi mo tungkol dito?
 Ano ang ibig sabihin ng jologs?Apo?Epal?
 Kailan ito ginagamit?
 Sino ang gumagamit nito?
 Kung gagamitin ang pormal na salita para sa
mga ito, ano ang magiging bagong
pangungusap natin?

Ang pamilyang nagtitiwala sa Diyos at


nagkakaisa ay nagiging malayo sa tukso at
disgrasya.

Isadula ang sumusunod na sitwasyon:

459
Unang pangkat – Magpakita ng isang usapan na
may gamit na mga salitang balbal.
Ikalawang pangkat- Magpakita ng isang dula-
dulaan na nagpapakita ng paggamit ng pormal na
pananalita .

Ibigay ang katumbas ng mga sumusunod na


salitang pambansa sa kaantasang pampanitikan,
karaniwan, lalawiganin at pabalbal.

Pambansa Pampanitikan Karaniwan Lalawiganin Balbal


pera
asawa
dalaga
bahay
Pulis

Ang wika ay may antas ng pormalidad. Ilan sa


mga ito ay ang sumusunod:
Pambansa-ito ang pinakamataas na antas ng
wika dahil ginagamit ito sa lahat ng dako at
nauunawaan ng lahat ng Pilipino.
Pampanitikan- ito ang antas na ginagamit sa
paraang pormal na madalas ginagamit sa mga
libro at usapan ng mga edukadong tao.

460
Lalawiganin-ito ay kinabibilangan ng mga
salitang mula sa mga lalawigan na madalas
nagagamit sa mga usapan.
Balbal-ito ang mga salitang inimbento ng mga
tao at ginagamit sa lansangan, umpukan at iba
pa.

Isulat ang B kung ang salita ay pambansa,P


kung pampanitikan, L kung lalawiganin at BL kung ito
ay balbal.

_____ 1.haligi ng tahanan _____ 11. ina


_____ 2.datung _____ 12. Apo
_____ 3.tsakarote _____ 13. sasakyan
_____ 4.bana _____14. kubyertos
_____ 5.dalasang _____15. karaniwan
_____ 6.tsikot _____16. jologs
_____ 7.pulis _____17. panulat
_____ 8.bolpen _____18. kuwarta
_____ 9.silid _____19. jejemon
_____ 10.bulad _____ 20. daing

461
Basahin nang malakas.
“Nakakatuwa kasi sila. Tapos, titingnan ni
Inay ang mga pinamili ni Itay, ang malalaking
hipon, mabeberdeng gulay, mapupulang
mansanas, manggang hilaw. . .hay!!!
Kaya lang. . .” biglang nalungkot na wika ni
Sophie.
“Bakit ka biglang nalungkot, Sophie?
Hindi ba dapat matuwa ka kasi matitikman mo
na naman ang paborito mong manggang
hilaw?” wika ni Kule.
“Kasi naman kuya, hindi ba maraming
masasamang tao ngayon sa lansangan at sa
palengke sabi ni Itay. May mga jologs na
magnanakaw, taong epal, at mga buraot.
Nalulungkot ako, ayokong mapahamak sina
Inay at Itay sa kanilang pag-uwi,” matamlay na
sabi ni Sophie.

 Ano-ano ang pinamalengke ni Itay?


 Kailan ginamit ang salitang ng ?
 Ano ang tawag sa salitang ito?
 Tukuyin ang mga parirala sa binasang teksto
ang may pang-angkop.

462
Ang pag-aalala sa magulang ay pagpapakita
ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kanila.

A. Magbigay ng limang (5) pangungusap na


ginamitan ng pang-ankop na ng.
B. Bumuo ng mga pangungusap na may pang-
ankop na ng batay sa mga larawan.

Punan ng wastong pang-angkop ang patlang


upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

463
Dumating na mula Hongkong ang Tita ko ___
mabait at maganda. Hindi kami
magkamayaw ng aking kapatid sa
pabubukas ng regalo ___ pasalubong niya.
Ang sa akin ay manika ___ de susi, abaniko ___
maganda, at damit na magagara. Ang sa
kapatid ko’y bola ___ kulay pula, iba-iba ___
robot, at pantalong gusto ___ gusto niya. Halos
sabay kaming nagpasalamat kay Tita.

Ang pang-angkop na ng ay ginagamit sa


pag-uugnay ng salita upang maging madulas ang
bigkas nito. Ito ay ginagamit kapag ang salitang
iuugnay ay nagtatapos sa patinig
Kapag ang salitang iuugnay ay nagtatapos
san, ito ay inaalis at pinapaltan ng ng.

Gumawa ng mga pangungusap tungkol


sa larawan.
Huwag kalimutang gamitin ang pang-angkop
na natutunan.

464
Sumakit ang Tiyan ni Niknok

Naimbitahan si Niknok sa ikapitong kaarawan


ni Owen. Napakaraming handang pagkain.Hindi
mapigilan ni Niknok ang pagtikim ng iba’t ibang
pagkain. Dahil ditto, nakalimutan niyang maghugas
ng kamay.
Sarap na sarap si Niknok sa mga pagkaing
nasa plato niya. Hindi na rin niya inintindi ang mga
kaibigan na naroon din sa kaarawan.
Ilang saglit lang ay naubos na niya ang
pagkain sa kaniyang plato. Kumuha ulit siya ng
tatlong hotdog, isang pinggang spaghetti,
dalawang barbeque, at isang hiwa ng cake.
Napailing na lamang si Aling Lyn, sa ginawa ni
Niknok. Maya-maya, nabilaukan si Niknok kaya
nataranta si Aling Lyn sa pagkuha ng tubig na
maiinom ni Niknok.
Tapos nang kumain ang lahat ay nanghingi pa
rin si Niknok ng leche flan, marshmallow, at ice

465
cream kaya siya ang tanging batang naiwan na
kumakain.
Sa kaniyang paglabas
ng bahay nina Owen,
biglang sumakit ang tiyan
ni Niknok. At hindi niya ito
masabi.
Hindi siya
nagpahalata sa kaniyang
naramdaman.
Nang malapit na siya sa kanilang bahay ay bigla
siyang nagsuka. Nahirapan siyang huminga at hindi
niya maipaliwanag ang kaniyang pakiramdam.
Naisuka na niya ang lahat ng kaniyang kinain ngunit
tila ayaw pa ring tumigil ang sakit ng kaniyang tiyan.

 Ilarawan si Niknok.
 Dapat ba siyang tularan?
 Ano-ano ang ginawa ni Niknok?
 Nagustuhan kaya ito ng mga taong nasa
pagdiriwang?
 Ano ang kinalabasan ng mga inasal ni Niknok?
 Bakit niya ipinaglihim ang kaniyang
nararamdaman?
 Anong aral ang kaniyang natutunan?
 Ano ang magiging wakas ng kuwento?

466
Kumain lamang ng tamang dami ng pagkain.

A. Pumili ng kapareha. Pag-usapan kung ano ang


nagustuhan mo sa tekstong binasa.
B. Pumili ng panibagong kapareha at pag-
usapan kung ano ang hindi mo nagustuhan sa
teksto. Ipaliwanag kung bakit mo ito hindi mo ito
nagustuhan.

Isulat ang tsek (√) kung payak na


pangungusap at ekis (x) kung HINDI.

___ 1. Matipuno ang tatay ko.


___ 2.Nagsuka si Niknok.
___ 3.Maghugas ng kamay bago kumain.
___ 4. Magpasalamat sa Diyos bago at
matapos
kumain.
___ 5. Nagluluto ang nanay habang siya ay
naglalaba.

467
Ang payak na pangungusap ay may isang
paksa. Ito ay may isang simuno at panag-uri.

Bumuo ng tatlong payak na pangungusap


tungkol sa larawan .

Sumulat ng isang talata na may limang


pangungusap tungkol sa isang kaarawang iyong
napuntahan.

468
Aralin 7: Purihin ang Diyos

Sagutin ng OO o HINDI ang sumusunod.


1. Angkop ba ang ibinigay na mensahe
sa larawan?

Naghahanda ang mga tao upang hindi


masalanta sa paparating na bagyo.
1. Ang mga salitang matatag at matibay ba ay
magkasingkahulugan?
2. Ang mga salitang malinis at marumi ba ay
magkasalungat ang kahulugan?
3. Sa pangungusap na “Toneladang basura ang
dahilan ng pagbaha sa lungsod.”Ang sanhi sa
pahayag ay pagbaha sa lungsod.
4. Sa pangungusap na “Nilikha ng Diyos ang tao
upang mangalaga sa mga nilikha Niya.”
Ang bunga sa pahayag ay nilikha ng Diyos
ang tao.
5. Ang pang-angkop na na ay ginagamit na
panghalili sa pangalan ng tao.

469
6. Ang pang-angkop na na ay sumusunod sa
mga salitang nagtatapos sa patinig.
7. Si pangulong Benigno S. Aquino III ay pumunta
sa Amerika upang dumalo sa pulong ng mga
pinuno. Ang salitang pangulosa pangungusap
ay dapat nagsisimula sa malaking letra.

Ang Paglikha ni Apo

Si Apo ang Dakilang Lumikha ng lahat ng


bagay sa mundo. Siya ang Diyos na
makapangyarihan sa lahat. Ginawa Niya ang lahat
ng bagay na nakikita at maging hindi nakikita ng
ating mga mata.
Sa unang araw, nilikha Niya ang liwanag at
dilim at tinawag niya itong araw at gabi.
Sa ikalawang araw ay ginawa Niya ang langit
at lupa. Inihiwalay Niya ang lupa sa karagatan.
Sa ikatlong araw,ang malawak na kalupaan
ay pinasibulan niya ng sari-saring mga pananim.

470
Sa ikaapat na araw, nilikha Niya ang araw,
buwan at mga bituin na kumikislap sa kalangitan
upang magbigay ng liwanag.
Sa ikalimang araw, binigyan ng Diyos ng buhay
ang lahat ng mga hayop na makikita sa katubigan,
kalupaan at maging mga nilalang na lumilipad sa
himpapawid.
Sa ikaanim na araw, nilikha niya ang tao, at
nilalang niya sila na lalaki at babae at pinangalanan
Niyang Adan at Eba. Nilikha Niya ang tao upang
mangalaga sa Kaniyang mga nilikha.
Sa pagsapit ng ikapitong araw, nakita ng Diyos
ang lahat ng Kaniyang nilikha na napakabuti.
Binasbasan Niya ito at saka Siya nagpahinga.
Dahil sa kapangyarihan ng Diyos, ang lahat ng
kaniyang nilikha ay nananatili hanggang sa
panahon ngayon. Dahil sa Kaniyang kabutihan at
kadakilaan, dapat Siyang palaging pasalamatan at
papurihan.

 Tungkol saan ang binasa?


 Ano-ano ang nilikha ng Diyos?
 Bakit niya nilikha ang mga tao?
 Bakit niya ibinigay sa mga tao ang lahat
ng Kaniyang nilikha?
 Nagagawa pa ba sa ngayon ng mga tao ang
mga tungkulin na inaatang sa kaniya ng
Diyos?

471
 Paano ka makatutulong sa pangangalaga
ng ating kapaligiran?

Dapat mahalin at pangalagaan ang mga


nilikha ng Diyos. Dapat magpasalamat at papurihan
Siya dahil sa Kaniyang mga nilikha.

Pag-aralan ang sumusunod na salita.


Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat
ng mga ito.

Salita Kasingkahulugan Kasalungat


Apo
Dakila
Gabi
himpapawid
kabutihan
buhay
kumikislap
papurihan

472
Ibigay ang mensahe ng sumusunod na
larawan.

Magkasingkahulugan ang dalawang salita


kung magkapareho ang kanilang kahulugan.
Samantala, magkasalungat naman ang mga
salita kung ang kanilang kahulugan ay magkaiba.

A. Isulat ang K kung magkasingkahulugan ang


pares ng salita at isulat ang L kung HINDI.
_______ 1. liwanag at dilim
473
_______ 2. araw at gabi
_______ 3. tao at hayop
_______ 4. nilikha-ginawa
_______ 5. babae at lalaki

B. Ibigay ang mensahe sa bawat larawan.

C. Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng


mga salita.

Salita Kasingkahulugan Kasalungat


1. mainit
2. mataas
3. mahaba
4. maluwag
5. mataba

474
Muling basahin ang kuwentong “Ang Paglikha
ni Apo”

Iguhit at kulayan ang mga nilikha ng Diyos sa


bawat araw ng isang linggo.

Alagaan natin ang mga nilikha ng Diyos


para sa atin.

Tukuyin sa bawat pangungusap ang


kahulugan ng salitang nasa kahon.
1. Pinagpala ang mga batang
mapalad nakapaglalaro sa ilalim ng mga
puno.
wagas 2. Ang pagmamahal ng Diyos sa
ating lahat ay tapat.
3. Layunin ng Diyos na tayo ay
nais
magkaisa.
4. Ang mga nilikha ng Diyos ay
ginawa
kahanga-hanga.
5. Tahimik ang buhay kung lahat
payapa ay magmamahalan.

475
Unang Pangkat -Isakilos ang mga maaaring ibunga
ng masipag na pag-aaral ng isang bata.
Ikalawang Pangkat -Isulat sa manila paper ang
sanhi at bunga ng pagtatapon ng basura sa kung
saan-saang dako lamang.

Ikatlong Pangkat -Ibigay ang kahulugan ng mga


sumusunod na salita at gamitin sa pangungusap.
1. maginhawa
2. purihin
3. sangkatauhan

Ang sanhi ay ang dahilan ng isang pangyayari


kung bakit ito naganap at nangyari ang kilos.
Pinangungunahan ito ng pariralang dahil sa
o salitang kasiat kaya.
Ang bunga ay ang resulta o kinalabasan ng
pangyayari o kilos.

A. Pagmasdan ang larawan. Isulat sa papel ang


sanhi at ibubunga ng mga ito.

476
Pagpuri sa Iba’t ibang Paraan

Purihin ang Diyos na makapangyarihan


Pasalamatan ang Bathala na lumikha ng sanlibutan
Alayan, purihin sa iba’t ibang paraan
Ibandila, itaas ang Kaniyang kadakilaan
Hiyaw at sigaw na malakas dahil sa katuwaan
Awitan ang matamis na pangalan
Sumayaw, umindak sa Kaniyang harapan
Tumula, gumuhit ng mga larawan
Umarte, idisenyo ang Kaniyang kabutihan
Gawang mabuti, ipangaral Kaniyang kasulatan
Maglaan ng oras para sa Kataas-taasan
Halinang magpuri sa Dakila Niyang pangalan
Laging alalahanin, buhay ay may hangganan.
477
 Sino ang dapat purihin?Bakit?
 Ibigay ang iba’t ibang paraan ng pagpuri sa
Diyos ayon sa tula.
 Alin sa mga binanggit na paraan ng pagpuri sa
Diyos ang gusto mong subukan? Bakit?
 Paano ginamit ang pang-ankop na na sa tula?

May iba’t ibang paraan para purihin at


dakilain ang pangalan ng Diyos na
makapangyarihan sa lahat.

A. Tukuyin ang pang-angkop na ginamit.


1. Ang magaling na bata ay si Marielle Angeles.
2. Mabilis na lumabas ng silid si Andrei Cruz.
3. Napagod sa kasasayaw ang bata na
ang aming nakita.
4. Palay na luntian ang aming inani.
5. Bundok na mataas ang inakyat ni Marvin.

B. Punan ng wastong pang-angkop


ang patlang upang mabuo ang pangungusap.

478
1. Ang matatayog ___ puno sa kagubatan ay
huwag putulin.
2. Ang mga lumalangoy ___ isda sa karagatan ay
magandang pagmasdan.
3. Ang ginawa ng Diyos ___ pagpapahinga ay
tularan natin.
4. Ang nakatanim ___ binhi ay unti-unting
tumutubo.
5. Ang mga alaga ___ hayop ni Kris ay matataba.

Unang Pangkat -Lagyan ng angkop na pang-


angkop ang sumusunod. Gamitin din ito sa
pangungusap.
1. masarap - ulam 4. tahimik - bansa
2. sikat - mang-aawit 5. masipag - magsasaka
3. araw - maulan
Ikalawang Pangkat -Basahing mabuti ang mga
pangungusap. Tukuyin ang parirala na may pang-
angkop.
1. Sina Eva at Adan ang mga unang tao na
nilikha ng Diyos.
2. May mga hayop na mababait at
mababangis.
3. Ang itinanim na mga puno ay malalago na
ang dahon.
4. Maraming insekto sa malawak na gulayan
ni Mang Filo.
5. Walang sawang dinidilig ni Elda ang
malulusog na halaman sa paso.
479
Ikatlong Pangkat -Gumawa ng isang diyalogo na
ginagamitan ng pang-angkop na na.
Ikaapat na Pangkat- Magpapakita ng maikling
dula-dulaan tungkol sa mga paraan ng pagpuri sa
Diyos.

Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag


ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa letrang n.

A. Punan ng pang-angkop ang kahon upang


mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Ang tinapay mainit ay masarap


kainin.
2. Malakas ulan ang darating bukas,
ayon sa PAG-ASA.

3. Ang dilim at liwanag likha ng Diyos ay


sumasagisagsa araw at gabi.

4. Sa batis malinis tayo maligo sa


bakasyon.

5. Taimtim pasasalamat ang ialay natin

sa dakilang lumikha.
480
B. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na
parirala.
1. ibon na umaawit
2. kulisap na lumilipad
3. dagat na maalon
4. hangin na malakas
5. tubig na malinis

Mga Hulog ng Langit

Araw ng Lunes, hindi nakapasok sa eskuwela si


Botong dahil sumakit ang kaniyang ngipin.
Sinamahan siya ng ina upang patingnan sa dentista.
“Magandang araw Dr. Ben, patitingnan ko po
ang anak ko. Kagabi pa sumasakit ang kaniyang
ngipin,” wika ng ina.
“Sige Mrs., maupo kayo at ako na ang bahala
sa anak ninyo,” sagot ng dentista.
Maya-maya ay may dumating pang tatlong
magpapatingin sa dentista.

481
Habang inaasikaso ng dentista si Botong ay
naririnig niya ang usapan ng tatlong magpapatingin
sa dentista.
“Mabuti at nagkakilala tayo Atty. Lina Ruiz,
magpapatulong ako sa iyo tungkol sa aking lupa.
Balak kong ipamigay ito sa mga mahihirap,” ang
wika ni Kap. Bong Legazpi, isang kapitan ng
barangay.
“Walang anuman, nakahanda akong
tumulong sa nangangailangan,” tugon ni Atty. Ruiz.
“Ako naman si Pastor Clark, bagong
misyonaryo dito sa inyong lugar. Kap. Bong maari ba
ninyo akong samahan sa inyong barangay upang
tingnan at alamin kung sino ang mga dapat
tulungan lalo na sa usapin ng pananampalataya?”
wika ni Pastor Clark.
“Makakaasa kayo Pastor. Hayaan ninyo
ipakikilala ko kayo kay Mr. Roland Ocampo, siya ang
bihasa na umiikot sa ating lugar,” sagot ni Kap. Bong.
“Balita ko maraming mahihirap dito sa inyong
barangay Kap. Bong. Siguro mabuting humingi tayo
ng tulong sa Kgg. na Pangulo ng Pilipinas para tayo
matulungan,” sabi ni Atty. Ruiz.
Sa edad na sampu ni Botong ay naisip niya na
ang mga taong ito ay mga taong bigay ng Diyos
upang tumulong sa kapwa. Mga hulog sila ng langit.
“Inay, mabubuting tao sila, hindi po ba?”
tanong ni Botong sa ina.
“Oo, anak. Salamat sa Diyos at may mga
taong katulad nila na nakahandang tumulong sa
kapwa,” paliwanag ng ina.

482
“Paglaki ko gusto ko ring tumulong sa aking
kapwa,” naisaloob ni Botong habang papalabas na
sila sa klinika.

 Bakit hindi nakapasok sa eskwela si Botong?


 Sino-sino ang mga nasa loob ng klinika?
 Ano ang pinag-uusapan ng mga taong
napakinggan ni Botong?
 Ano-ano sa tingin mo ang gawain o trabaho ng
tatlong lalaking nag-uusap?
 Bakit sila mga hulog ng langit?
 Paano ka magiging hulog din ng langit sa iba?
 Ano ang napansin mo sa mga salitang makikita
bago ang pangalan ng mga tauhang binanggit
sa teksto?
 Paano isinusulat ang mga ito?
 Anong bantas ang ginagamit para rito?

Ang Panginoon ay gumagamit ng mga tao


upang matulungan ang mga nangangailangan.

483
A. Daglatin ang mga salitang may salungguhit.

1. Ginoong Arturo Valenzuela


2. Kapitan Emil Angeles
3. Kagalang galang Marcelo San Mateo
4. Attorney Mario Belen
5. Ginang Marides Fernando
6. Heneral Emilio Aguinaldo
7. Counselor Mateo Urbina
8. Architect Manalo
9. Kagawad Allan Dimakulangan
10. Binibining Luisa Mitra

Isulat ang titik ng tamang dinaglat na salita


mula sa Hanay B.
A B
______ 1.Senador a.Bb.
______ 2.Gobernador b.Pang.
______ 3.Pangulo c.Sen.
______ 4.Binibini d.Dr.
______ 5.Doktor e.Gob.

484
Ang pagdadaglat ay pagpapaikli ng mga salita.
Ginagamit ang malaking letra sa simula ng salita. At
nagtatapos ito sa tuldok.

A. Gamitin sa pangungusap.
1. Hen. 4. Sen.
2. Bb. 5. Kgg.
3. G.

B. Sumulat ng isang liham pangkaibigan at


ikuwento ang mga taong hulog sa iyo
ng langit.

Sumulat ng isang panalangin ng pasasalamat


na may 3 – 5 pangungusap.

485
Aralin 8 : Pag-ibig ng Diyos sa Tao
at Bayan

Isulat sa sagutang papel ang T kung tama at M


kung mali ang isinasaad ng pangungusap.

1. Ang pang-angkop na g ay ginagamit kapag


ang salitan sinundan nito ay nagtatapos sa
katinig na n.
2. Sa mga salitang nagtatapos sa n ay kinakaltas
ang n at pinapalitan ng pang-angkop na ng
sa halip na g.
3. Sa pagbuo ng talata dapat malinaw at may
pagkakaugnay-ugnay ang mga pangungusap
at ideya.
4. Ang pagsusulat ay isang paraan
ng pagpapahayag ng mensahe.
5. Nais kong bumalik sa bayang sinilangan.

Ginintuang Butil

Buwan na ng Setyembre, kitang-kita ang mga


ginintuang butil ng palay sa palayan ni Mang
Zacarias. Ilang linggo na lamang at aanihin na ang
mga ito.

486
Hindi biro ang pag-aalaga sa mga ito. Mula sa
pagpapatubo ng mga punla, pagpapatubig, pag-
aabono at iba pa. Problema din dito ang mga peste
at laging pagdaan ng mga bagyo.
Nalagpasan lahat ito ni Mang Zacarias kaya
hindi maikukubli ang kaniyang katuwaan. Maganda
ang maidudulot ng mga palay sa kaniyang pamilya
at sa bansa. Matutustusan nito ang pangangailang
ng kanilang pamilya at ang pag-aaral ni Junior.
Malaking biyaya ng Diyos sa tao at sa bayan
ang mga palay ni Mang Zacarias. Ang palay ang
pangunahing pagkain ng mga tao sa bansa.
Maiibsan nito ang kakulangan sa bigas.
Matutugunan nito ang gutom na nararanasan ng
mga tao.

 Ano ang gintong butil?


 Ano-ano ang pinagdaanan ni Mang Zacarias
upang magkaroon ng magandang ani ng
palay?
 Ano naman ang mga suliranin na kinahaharap
ng isang tulad ni Mang Zacarias?

487
 Ano ang epekto ng kasipagan ni Mang
Zacarias?

Ang kalikasan ay biyaya ng Diyos sa tao at sa


bayan.

A. Itala ang mga impormasyon na natutunan sa


tekstong binasa at pinakinggan.
B. Isaayos ang mga itinala. Ihada ito upang
maipakita sa mga kaklase.

Unang Pangkat -Maglahad ng impormasyong


napanood sa telebisyon, nasaksihan o narinig
tungkol sa mga magsasaka.
Ikalawang Pangkat - Magkuwento tungkol sa
nabasa o narinig nabalita tungkol sa mga palayang
sinalanta ng bagyo o peste.
Ikatlong Pangkat–Magtala ng mga paraan kung
papaano pangangalagaan ang pananim ng mga
magsasaka.
Ikaapat na Pangkat - Magtala ng mga
pamamaraan kung papaano pahahalagahan ang
kanin at iba pang pagkain na mula sa palay.

488
Ang pagtatala ng mga impormasyon buhat sa
napakinggan o nabasa ay isang paraan upang
higit itong maunawaan at maisalaysay muli nang
ayos.

A. Makinig sa babasahin ng guro. Itala ang mga


mahahalagang impormasyon mula dito.
Ibahagi ito sa mga kaklase.

B. Basahin ang seleksiyon at itala ang mga


mahahalagang impormasyon mula dito.

Ang mga Ifugao ay sumasangguni sa


kanilang mga anito bago magtatanim ng
palay. Gayundin ginagawa nila ito bago
isagawa ang anihan. Nag-aalay naman sila
ng pagpapasalamt kapag natapos na ang
pag-ani. Isa ang seremonyang Canao sa
kanilang ginagawang pagsangguni sa
kanilang mga anito o kinikilalang Diyos ng
kalikasan.

489
Hello Pilipinas! Hello Buong Mundo!

Dear diary,
Parang kailan lang, mahirap pa ang
pakikipag-ugnayan sa isa’t isa ng mga Pilipino
dahil sa layo ng pagitan ng mga pulo.
Subalit dahil sa telepono, cellphone,
computer, internet, at iba pa ay napakadali na
ng komunikasyon sa isa’t isa maging nasa iba’t
ibang panig ng mundo.
Ang mga magulang na nasa probinsiya ay
madaling nakapagpapadala ng pera sa mga
anak na nag-aaral sa Maynila o sa ibang lugar.
Ang mga OFW ay nababawasan ang
pangungulila kahit papaano dahil sa mga
teknolohiyang ito.
Ang pagnenegosyo ay mas naging madali
dahil sa internet at computer.
Ang pananaliksik ay mas naging magaan
at mabilis dahil sa mga ito.
Ang pangangaral ng salita ng Diyos ay
naidadaan na rin sa pamamagitan ng internet.
490
Napakalaki na talaga ng iniunlad ng
Pilipinas kasabay ng pag- unlad ng buong
mundo. Ito ang mga pangyayaring nasaksihan
ko bilang isang batang mag-aaral mula sa
probinsiya na ngayon ay nag-aaral sa isang
pampublikong paaralan dito sa Maynila.
Sabi ng Tatay ko, kung ang kalikasan ay
biyayang galing sa Diyos, ang mga
makabagong teknolohiya din ay maituturing na
biyaya mula sa Maykapal.
Nagmamahal,
Ruby

 Anong uri ng akda ang binasa?


 Ano ang diary?
 Sino ang sumulat ng diary?
 Ano-ano ang isinulat niya sa diary?
 Paano pinaghambing ang pamumuhay noon
at ngayon?
 Paano nakatutulong ang teknolohiya sa
pamnumuhay ng mga tao?
 Anong mga impormasyon ang nakuha
mo sa diary?

Ang makabagong teknolohiya ay


nakatutulong upang maging maginhawa ang ating
pamumuhay.

491
A. Pumili ng isa sa mga nabanggit sa diary. Iguhit
ito.
B. Magbahagi ng isang pangyayari na
nasaksihan sa iyong pamayanan.

Sumulat ng isang talata tungkol sa ginagawa


ng iyong pamilya tuwing araw ng Linggo.

Ang mga pangungusap sa isang talata ay


dapat may pagkakaugnay-ugnay sa bawat isa. Ito
rin ay may isang paksa o ideya.

Ang panibagong ideya o kaisipan ay ilalagay


na sa susunod na talata.

Sumulat ng isang talata tungkol sa isang


pangyayari na nasaksihan sa loob ng paaralan.

492
Nasaan ang Biyaya ng Tag-ulan?
Noong araw, ang tag-
ulan ay madalas
na pinapangarap
ng mga tao lalo na ng
mga magsasaka. Ang
tag-ulan para sa kanila
ay may hatid na biyaya
tulad ng pag-usbong
ng mga pananim,
pamumunga ng mga
halaman, magandang pakiramdam at iba pa.
Ngunit sa panahong ito, ay tila may dalang
pangamba at takot sa marami.
Ang matinding pag-
ulan ngayon
ay nagbubunga
ng kalungkutan sa
maraming tao dahil na rin
sa mga kabahayang
lubog sa tubig baha,
pagguho ng lupa,
palayang sira,
palaisdaang nasira,
ari-ariang nawala,
mga sakit at maging
pagkawala ng buhay.
May biyaya ba talagang dala ang ulan?
493
 Paghambingin ang dulot ng ulan noong araw
at sa ngayon.
 Ano-anong damdamin ang dala ng tag-ulan
noon? Ngayon?
 Bakit kaya nagkaroon ng takot at pangamba
ang mga tao sa tag-ulan?
 Ano ang climate change?
 Ano ang global warming?
 Pansinin ang mga salitang may salungguhit.
Ano ang napansin mo sa hulihang letra ng
bawat salita?
 Sa anong letra nag-uumpisa ang kasunod
nitong mga salita?

Pangalagaan ang ating kalikasan upang


global warming ay mapaglabanan.

Tukuyin ang pang-angkop na ginamit sa


bawat parirala. Gamitin ang mga ito sa sariling
pangungusap.
1. impormasyong makatotohanan
2. kapaligirang malinis
3. pangalang mahaba
4. suriing mabuti
5. kaning mainit
494
Unang Pangkat-Sumulat ng anim na parirala
na may pang-angkop
Ikalawang Pangkat-Sumulat ng limang
pangungusap na may pang-angkop
Ikatlong Pangkat-Sumulat ng talata na may pang-
angkop

Ang pang-angkop ay katagang nag-uugnay


sa panuring at salitang tinuturingan.
Ang g ay ginagamit kapag nagtatapos sa
letrang n ang salitang iuugnay sa tinuturingan.
Kung sa patinig naman nagtatapos ang salita, ito
ay nilalagyan ng ng.

A. Punan ng wastong pang-angkop ang


sumusunod.
1. Ang sanggunian __ ginamit ko ay maayos.
2. Basahi__ mabuti ang seleksiyon.
3. Ang pantalon__ binili ni Ariel kay Iya
ay malaki.
495
4. Naintindihan__ mabuti ni Christian
ang aralin.
5. Ang pangkatan __ gawain ay laging
pinamumunuan ni Tony.
6. Ang akin ______ kaibigan ay nagpunta
na sa Amerika.
7. Huwag natin ______ pagbawalan ang mga
batang naglalaro.
8. Ang mga bayan _____ narating ko
ay malilinis.
9. Ang tauhan ______ gumanap sa kuwento
ay maganda.
10. Ang bansa__ ito ay mahal ko.
B. Ipaliwanag kung paano ginamit
ang pang-angkop sa sumusunod na parirala.
Gamitin sa sariling pangungusap ang mga ito.
1. subuking tapusin
2. sanaying bumasa
3. kahong munti
4. minsang nadapa
5. mayamang mabait

Panay basura ang laman ng


bag ni Romeo. Nagalit ang
kaniyang tatay kaya itinapon
niya ang mga basura sa
kalye.

496
Tuwing araw ng Lunes,
maagang pumapasok
ang mga bata upang itaas
ang bandila ng Pilipinas
na sagisag ng ating bansa.

Biglang tanda ng paggalang


at pagmamahal sa
magulang, laging sinusunod
ni Bryan ang kaniyang mga
magulang.

 Ano ang mensahe ng bawat larawan?


 Magkaugnay ba ang mga pangungusap at
ang larawan sa tapat nito?
 Katulad ka rin ba ng mga bata sa bawat
larawan? Paano mo nasabi?
 Sino ang dapat tularan? Hindi dapat tularan?

Igalang at sundin ang magulang.


Pangalagaan ang kalikasan. Igalang ang mga
sagisag at simbolo ng ating bansa.

497
Sabihin ang mensahe ng bawat larawan.

Ano ang nais mong sabihin sa kanila?


Isulat ito.
1. mga batang ulilang lubos
2. mga magulang na sinasaktan ang mga
anak
3. mga batang sumasali sa usapan ng
matatanda
4. mga batang huwaran sa klase
5. mga gurong matiyaga at masipag magturo
498
Ang pagbibigay ng mensahe ay maaaring
gawin sa paraang pasulat at pasalita. Sa
pagbibigay nito, kailangang maging malinaw
ang pagpapahayag nito. Gumamit ng mga
salitang nauunawaan ng lahat. Kung ito naman
ay sa paraang paguhit, siguraduhing malinaw at
malinis ang pagkakagawa ng larawan.

Ikaw ay naatasan na magbigay ng mesahe


sa darating na “Araw ng Pagkilala” sa mga batang
may karangalan sa paaralan. Isulat ang iyong
mensahe.

Gumawa ng isang talaan ng iyong mga pang-


araw-araw na gawain sa paaralan.

499
Aralin 9 : Buhay at Kalikasan
ay Pahalagahan

Ano ang tinutukoy ng bawat pangungusap?


Piliin ang letra ng iyong sagot.
a. halaman
b. punasan ng basing bimpo
c. ika’y
d. ay magandang bata
e. si Maria
f. internet
g. isa’t isa
h. contraction
i. simuno
j. panag-uri

1. Ang paksa ng pangungusap ay tinatawag din


na _________________.
2. Ang nagsasabi tungkol sa paksa ng
pangungusap ay ______________.
3. Ang tawag sa mga salitang pinagsama upang
umikli ay _______________.
4. Isang halimbawa ng mga salitang pinagsama
upang umikli ay ________________
5. _____________ ay halimbawa ng mga electronic
resource na magagamit sa pag-aaral.
6. “Si Maria ay magandang bata.”
Ang simuno sa pangungusap ay ___________ .

500
7. Ang panaguri sa pangungusap sa bilang 6
ay _____________________.
8. “Ika’y aking minamahal na kapatid.”
Ang kontaksiyon sa pangungusap ay
__________.
9. Ang maaaring solusyon sa mataas na lagnat
ay ____________
10. Ang salitang may maling baybay
ay __________.

Pangalawang Buhay nina Otoy at Tinay

Noong nakaraang taon , Si Otoy ay naging


biktima ng paputok. Nakapulot kasi siya ng pla-pla
na akala niya ay walang sindi. Sabog ang kaniyang
kanang kamay kaya kinailangang putulin.
Ang nakalulungkot kumalat ang impeksiyon
Dala ng pulbura kaya nag-agaw-buhay si Otoy.
Abot ang dasal ng ina ni Otoy na si Aling Dory.
Sa ospital, nakasama ni Otoy sa silid ang
batang si Tinay. Si Tinay ay biktima ng ligaw na bala
na dumaplis sa kaniyang ulo. Maraming dugo ang

501
nawala sa kaniya kaya muntik na din siyang bawian
ng buhay.
Ligtas na sa
kamatayan
si Tinay ngunit hindi pa
rin matanggap ni Aling
Nena ang nangyari
sa kaniya. Sinisisi niya
ang nagpaputok ng
baril nang nakaraang Bagong Taon. Ngunit hindi pa
naman matukoy kung sino ang nagpaputok ng
baril.
Ligtas na rin si Otoy sa kamatayan, masaya na
rin ang kaniyang inay at naipangako sa sarili na
gagabayan ang anak at hinding-hindi na niya ito
papayagang humawak ng paputok.
Pumasok si Dr. Rosales, sa silid nina Otoy at
Tinay. Sinuri at pinainom sila ng gamot para tuluyang
gumaling.
Nagpasalamat sina Aling Dory at Aling Nena
sa pag-aalaga ng doktor sa kani-kanilang anak.
Pinaalalahan naman ng doktor ang mag-iina
na mag-ingat na sa susunod para hindi
mapahamak.
Napadaing din sila sa doktor na sana
ay magkaroon na ng batas upang maging
mas mahigpit ang pamahalaan sa mga taong
may hawak ng baril lalo na sa mga araw
na may pagdiriwang sa isang lugar.
Gayundin ang pagpapatupad ng batas
para sa mahigpit na pagbabantay

502
sa mga nagbebenta ng mga paputok tuwing
sasapit ang Bagong Taon.
Makalipas ang dalawang araw ay nakauwi
na sina Otoy at Tinay. Sa piling ng mga magulang
ay kapwa pinahalagahan ang kanilang ikalawang
buhay na bigay ng Maykapal.

 Ano ang nangyari kina Otoy at Tinay?


 Ano ang mga damdamin sa teksto?
 Ilarawan ang mga tauhan sa teksto.
 Ano ang mga suliranin sa teksto?
 Ano ang solusyon na iminungkahi sa suliraning
nabanggit?
 Ano-ano ang mga suliranin sa tuwing sasapit
ang Bagong Taon?
 Paano kaya ito mabibigyan ng solusyon?
 Paano pahahalagahan ang buhay ng tao?
 Magbigay ng sariling wakas sa binasang teksto.

Ang buhay ay mahalaga kaya dapat itong


pag-ingatan, igalang at mahalin.

A. Bigyan ng solusyon ang sumusunod na suliranin.


1. Maraming mga bata ang tinamaan ng
sakit na dengue.
503
2.Nadapa si Manuel at dumugo ang
kaniyang tuhod.
3. Napaso si Bolet nang hindi sinasadyang
maidikit niya ang kaniyang braso sa mainit
na kawali.
4. Nahulog sa putikan ang bagong damit
ni Lito.
5. Nagugutom na si bunso, dahil hindi pa
dumarating si nanay.
B. Pagsamahin ang mga salita sa bawat
pangungusap na maaaring paikliin.
1. Siya ay nahihiyang humarap sa mga bisita.
2. Ang bayan ay naghihintay ng bagong
bayani.
3. Ako at ikaw ay kapwa nilikha ng Diyos.
4. Kayo at kayo rin ang magkakasama, kaya
magtulungan kayo.
5. Ang pagbibiro kung minsan ay hindi
nakabubuti.

Una at Ikalawang Pangkat- Sumipi sa magasin ng 10


pangungusap na ginamitan ng kontraksiyon.

Ikatlo at Ikaapat na Pangkat-Magbigay ng tatlong


suliranin sa pamilya at bigyan ito ng solusyon.

Ikalimang Pangkat- Sumipi mula sa aklat ng 10


halimbawa ng mga salitang ginamitan ng
kontkrasiyon.

504
Ang contraction ay isang paraan
ng pagpapaikli ng dalawang salitang pinagsama.
Ginagamitan ito ng bantas na kudlit (‘)
na sumisimbolo sa nawalang letra.

A. Lagyan ng bituin (*) ang pangungusap na


nagbibigay ng solusyon at lagyan ng krus (+) ang
pangungusap na nagpapahayag ng suliranin.
____1. Ipinagbawal ang pagpapaputok
ng baril sa Bagong Taon.
____2. Dumarami ang palaboy sa lansangan.
____3. Nag-aral siya nang mabuti kaya
nakatapos ng pag-aaral.
____4. Dalawang oras lamang ang
panonood ng telebisyon.
____5. Nagtanim ng maraming puno sa mga
bakanteng lote.
B. Bumuo ng limang pangungusap na ginamitan
ng kontraksiyon.

Paniningil ng Kalikasan

505
Maraming tao ang nagpapabaya
sa kapaligiran. Marami na rin ang umaabuso
sa ating kalikasan. At dahil dito, marami na rin
ang nasawi dahil sa paniningil ng kalikasan.

Madalas marinig sa radyo at telebisyon


at mabasa sa mga pahayagan ang mga nasawi
dahil sa iba’t ibang sakuna tulad ng pagguho ng
lupa, paglindol, at higit sa lahat, ang madalas
na pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan sa iba’t
ibang panig ng bansa. Ito ay maaari ring isisi sa
wlang humpay na pagputol ng puno sa
kabundukan at sa kapaligiran.

Ang sabi ng marami, pinarurusahan daw tayo


ng Panginoon. Ang sabi naman ng ilan, gumaganti

506
lamang ang kalikasan sa mga taong nagpabaya
at hindi nagpahalaga sa kapaligiran.
Ayon naman sa isang tagapagbalita sa radyo,
alin man sa dalawang paniniwala ay may katuwiran.
Una’y maaaring ganti nga ito ng kalikasan. Ang mga
mali nating ginawa sa kalikasan ay bumabalik sa
atin.
Ang ikalawa’y maaaring nagagalit ang Diyos
sa tao dahil pinabayaan natin ang magandang
kalikasan na Kaniyang bigay. Inabuso natin at hindi
inalagaan. Maaaring ang mga kalamidad na
dumarating sa tao ay pagpapaalala ng Panginoon
upang tayo’y magbago.
Hindi pa huli ang lahat. Bata ka man, o kung
sino ka man ay may magagawa ka para
pangalagaan ang kalikasang regalo ng Diyos.

 Tungkol saan ang binasa?


 Ano-ano ang suliraning tinalakay dito?
 Ano ang epekto nito sa kalikasan? Sa
kabuhayan ng mga tao? Sa mga tao?
 Ano ang mga dahilan at nakararanas tayo
ng mga kalamidad?
 Paano mo pangangalagaan ang ating
kalikasan?
 Paano mo mahihikayat ang ibang bata na
pangalagaan ang ating kalikasan?

507
Ang kalikasan ay tulad ng buhay na dapat
ingatan at pahalagahan dahil kung masisira
ang kalikasan, masisira rin ang ating buhay.

Gumawa ng isang poster tungkol sa


pangangalaga sa kalikasan

Unang Pangkat - Isadula ang mga ideya na nasa


teksto.
Ikalawang Pangkat – Isadula kung bakit maraming
suliranin ang mg tao dulot ng kalamidad
Ikatlong Pangkat – Isadula ang mga paraan kung
paano mapapangalagaan ang kalikasan

Ang pakikilahok sa talakayan ay magiging


daan upang tayo ay umunlad. Subukang lumahok
sa mga gawain tulad ng sabayang pagbigkas at
dula-dulaan para umunlad ang kakayahan.
Sa pagbasa ay kailangang alam
at tukoy natin ang mga dahilan kung bakit
natin babasahin ang isang akda o aklat upang
makatugon ito sa ating pangangailangan.

508
A. Ibigay ang kaisipan o ideya sa mga sitwasyong
nasa larawan.

Digital Daw! Ano iyon?

509
Araw ng Lunes. Umawit ang lahat sa paaralan
ng “Lupang Hinirang”. Itinaas ng mga batang iskawt
ang bandila. Sumayaw ang ilang bata mula
sa ikaanim na baitang. Sa dakong huli, nagsalita
ang punong guro na si Gng. Lulu Perez.
“Dapat matuto tayong gumamit ng digital
na kasangkapan. Bahagi ito ng kampanya
ng DepEd sa Digital Literacy sa bansa, ” pahayag
ni Gng. Perez.
“Digital daw! Ano ‘yon?”,
tanong ng maraming bata sa
kanilang isipan. Bago ang
salitang ito sa kanila. Hindi ito
naging lingid sa kaalaman
ng guro na si
Bb. Rose Demalgen.
Sa loob ng klase , pinaliwanag ni Bb.
Demalgen ang ibig sabihin ng digital na
kasangkapan.
“Ang digital na kasangkapan
ay mga gamit na makabago.
Ilan sa halimbawa nito ay
computer, internet, laptop,
cellphone at iba pa. Dapat
matuto tayong gumamit ng
mga ito dahil umuunlad ang
ating lipunan at nagiging
bahagi na ito ng ating pang-
araw-araw nating
pamumuhay”, paliwanag ng
guro. Halimbawa, sa
pagsasagawa natin ng isang
510
pananaliksik tungkol sa iba’t ibang paraan ng
pangangalaga ng kalikasan, magagamit natin ang
internet para makakuha ng impormasyon at
kaalaman,” dagdag ni Bb. Demalgen.
“Ngayon, handa na ba kayo, mga bata?
Mag-aaral tayo ng paggamit ng digital na
kasangkapan!” masayang wika ni Bb. Demalgen.
“Opo, mam. Nakahanda na po!”, ang sagot
ng mga bata.

 Saan unang narinig ng mga bata ang salitang


digital?
 Ano ang ibig sabihin nito?
 Ano ang digital literacy?
 Bakit kailangang marunong tayong gumamit ng
mga kagamitan at kasangkapan na digital?
 Ano ang mga kagamitan at kasangkapan na
digital?
 Paano nakatutulong ang makabagong
teknolohiya sa buhay ng mga tao?
 Suriin ang mga pangungusap na may
salungguhit.
 Alin dito ang simuno?
 Alin ang panag-uri?

Ang mga makabagong kasangkapan


ay nakatutulong sa pagpapadali ng mga gawain.
511
Sipiin ang mga pangungusap sa kuwaderno.
Salunguhitan ang paksa o simuno at ikahon
ang panag-uri.
1. Nagsasalita si Monette.
2 . Tumatakbo sa dalampasigan si Jake.
3. Si Ninang Fe ay nagdidilig ng mga
halaman.
4. Naglalaro ng kumpyuter sina Rick at Ding.
5. Masyadong mainit ang sikat ng araw
B. Isulat kung digital o hindi digital ang mga
sumusunod na larawan.

1. _____ 4. _____

2. _____ 5. _____

3. _____ 6. ______

Una at Ikalawang pangkat- Sumulat ng payak

512
na pangungusap tungkol sa mga digital na
kasangkapan na makikita sa silid-aklatan.
Ikatlo at Ikaapat na pangkat- Iguhit at ilarawan
ang isang digital na kasangkapan o kagamitan
na nais mong maibento. Ipaliwanag kung bakit
nais mo ito.

Ang simuno o paksa ay ang pinag-uusapan


sa isang pangungusap. Ang panag- uri naman
ay ang bahaging nagsasabi tungkol sa paksa o
simuno.
Dahil sa pag-unlad ng lipunan at sa mabilis
na pagbabago dala ng teknolohiya, kailangan
nating matutong gumamit ng mga bagay na
digital tulad ng computer, cellphone, internet,
digital na kamera. Ang kaalaman sa paggamit
nito ay tinatawag na digital literacy.

Lagyan ng asterisk (*) ang bilang na may simuno


at panaguri. Lagyan ng panandang @ ang bilang
na walang simuno at panag-uri.
1. Aray! Masakit!
2. Si Barron ay masunuring bata.
3. Sina Lolly at Bing ay magaling umawit.
4. Matataba ang mga baboy sa kulungan.
5. Ano? Bakit?
513
Roly, pakinggan
mong mabuti ang Opo, Sir. Handa na
aking ididikta. Isulat po akong magsulat.
ito sa kuwaderno. Dahan-dahan lang
Titingnan ko kung po sana kung maaari.
masusundan ninyo
ang sinasabi ko.

Pagkalipas ng ilang
sandali.
Wow! Ang galing mo Maraming salamat
Roly, nasundan mo po, Sir. Nagawa ko po
ang aking idinikta. iyan kasi magaling din
po kayong magturo.
Natutuwa ako sa iyo
Matutuwa po sina
at nagawa mo pa ito
Inay at Itay. Ipakikita
sa paraang kabit- ko po ang sinulat ko.
kabit. Binabati kita.

514
 Ano ang gawain nina Roly sa kanilang silid-
aralan?
 Nakasunod ba ang mga bata sa sinabi ng
guro?
 Paano sila nakasunod?
 Bakit pinuri ng guro si Roly?
 Ano ang gagawin ni Roly sa kaniyang sinulat?
 Dapat bang tularan si Roly?

Ang batang masunurin sa panuto ay nagiging


maayos at tama ang mga gawain.

Isulat ang mga salita at pangungusap na


ididikta ng guro.

Humanap ng kapareha. Magdikta sa


kapartner ng isang pangungusap. Tingnan kung
tama ito. Magpalitan ng papel at tingnan kung
tama ang pagkakasulat ng kapartner.
515
Upang maisulat nang wasto ang mga salitang
idinidikta ng guro, kailangang makinig
na mabuti. Ulitin sa sarili ang salitang idinikta at
isulat nang maayos at ng may wastong baybay.

Isulat ang mga salita at pangungusap na


ididikta ng guro.

Gumawa ng isang liham pangkaibigan.

516

You might also like